Chapter Twenty Nine
Chapter Twenty Nine
AISCELLE.
First time kong makapunta sa concert ng EndMira. Medyo matagal din kasi akong nag aral sa ibang bansa kaya hindi ko pa napupuntahan ang ni-isa sa mga concerts nila. Though may times na iniinvite ako ni Ice, hindi ako pumupunta sa kadahilanang natatakot akong makita si Jasper na mag perform.
Naalala ko dati nung college kami, nung panahong iritang-irita pa ako kay Jasper. Nakatatak sa utak ko na hindi ko magugustuhan ang lalaking 'to. Oo marahil sinakyan ko ang trip niya nung naging kami pero hindi ko pa talaga siya gustong gusto nun. Ang tingin ko kasi noon, siya yung tipong hindi nag seseryoso. At kahit ako, ayoko ng serious relationship noon. Ayokong ma-in love kasi alam ko distraction lang yun sa mga pangarap ko.
Pero paano ko ba siya nagustuhan? Paano ba ako na-fall?
Dahil sa sobrang caring niya? Dahil sa napaka lambing at napaka sweet niya?
Maari.
Pero na-realize ko na mahal ko siya nung panahong nag perform sila sa isang event namin sa university.
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Jasper nun. He look genuinely happy habang tumutugtog siya. He's vibrating with passion and so much life. Yung mga tingin niya. Yung mga ngiti niya. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya habang tumutugtog siya.
I fell in love with him that time. At naramdaman ko nung panahon na yun na wala nang atrasan yung nararamdaman ko para sa kanya.
Pero ngayon, natatakot ako na makita siyang tumutugtog hindi dahil sa alam kong mahuhulog na naman ako ng paulit ulit sa kanya kundi yung konsensyang dala dala ko hanggang ngayon na itong bagay na 'to, itong pagtugtog niya, I almost took it away from him. He almost threw away this one thing that makes him happy for me.
At ngayon hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Lahat excited samantalang ako kinakabahan.
Kumakanta na ngayon yung front act nila na si Mia Mills. New singer na bini-build-up din ng agency ng EndMira.
Maganda ang boses nya kaya lang hindi ko ma-appreciate dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Maya maya lang, natapos na siyang mag perform. Namatay lahat ng ilaw. Mas naghiyawan ang mga tao.
Nakarinig ako ng tunog ng drums.
My heart skipped a beat.
At isa-isang tinapatan ng spotlight ang mga members ng EndMira.
Hanggang sa nakita ko siya.
He's smiling. His eyes is full of energy and passion. He look so happy and alive...
He never look so happy and alive nung panahong kami pa. Nung kasama ko pa siya. Nung girlfriend niya ako. Hindi ko nakita ang ganyang ngiti sa labi niya.
Hindi ko siya nagawang pasayahin.
At habang pinapanuod ko siya, naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng luha sa mata ko.
Hindi ko alam kung dahil nalulungkot ako o dahil ang saya saya ko para sa kanya.
Maybe in between.
But one thing is for sure.
Nahulog na naman ako kay Jasper Yu.
~*~
NICA.
"Ano ate Nica? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Jaden habang nanunuod kami ng concert.
Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Nakakatulala. Lahat na ata ng balahibo sa katawan ko nagsi-tayuan na.
Si Jasper Yu ba talaga itong napapanuod ko? Siya ba talaga yung lalaking nasa likod at tumutugtog ng drums?
Ang masasabi ko lang...ibang iba siya. Sobrang ibang iba.
Maaring napaka loko loko niya. Ang hilig niya sa mapang-asar na ngiti. Meron pa yung nangaakit na ngiti. Ngiting nakakaloko. Ngiting mukhang drug addict. Ngiting parang gagawa ng masama. Pang rapist na ngiti. Ngiting peke.
Pero yung ngiti niya ngayon.
Napahawak ako sa dibdib ko at pakiramdam ko ang hirap huminga.
Posible pala yun 'no? Posible palang para kang nauubusan ng hininga dahil damang damang dama mo kung gaano mo kamahal ang isang tao.
Shit na 'yan. Sabi ko na hindi dapat ako pumunta. Dapat hindi na lang ako pumayag sa concert na 'to.
Yung makita kong ganito si Jasper? Paano pa ako makakapag move on sa kanya? Paano ko pa mabibitiwan ang nararamdaman ko.
Mahal ko siya.
At ngayong napapanuod ko siya, mas lalo ko siyang minamahal.
"Bakit ba kahit ang lapit mo na
Kay hirap mo pa rin abutin?
Bakit kahit nasasaktan na
Gusto pa rin kitang mahalin?"
Napalunok ako. Bwiset na kanta 'yan. Pangatlong kanta na ng EndMira at lahat about one sided love. Kung sino man ang songwriter ng mga kanta nila, papatayin ko. Masyadong masakit eh.
"Ang ganda talaga ng song," dinig kong sabi ng katabi ko.
Napatingin ako sa kanya. Siya yung babae kanina na nag front act. Si Mia Mills. Yung babaeng ang ganda ganda rin ng boses at mas deserving sumikat at magka-album kesa doon sa mga artista ngayon na nagpipilit magpaka singer kahit puro auto tune naman.
Tumango ako, "ang ganda nga, sobra. Sino kaya songwriter nila?"
Lumingon siya sa akin, "si Ayen Reyes. Siya yung sumulat niyan."
"Talaga? Si Ayen?"
"Yep! Magaling siyang songwriter, sobra! Lahat ng mga kantang sinulat niya, ang tagos sa puso."
"Pero may napansin ako," sabi ko.
"Hmm? Alin?"
"Bakit ang mga kanta niya karamihan about one sided love?"
Napabuntong hininga si Mia.
"Pansin ko rin yun," sabi niya.
Hindi ko na nagawang sagutin pa si Mia dahil mas lumakas ang tiliian ng mga tao nang tumugtog sila ng isa pang kanta na sa tingin ko eh yung pinaka sikat nila. Lahat nakikisabay. Nakakahiya na hindi ko alam yung kanta pero aaminin ko, gusto ko lahat ng mga tugtog nila. Mukhang mamaya pag uwi, hahanapin ko isa-isa ang mga ito.
After ng isang kanta, may tinawag naman sila sa stage na batang babae na disabled at naki jam sa kanila. Avid fan ata yung bata na si Ice mismo ang nag invite.
Halos dalawang oras lang ang tinagal ng concert. Medyo nabitin ako pero hindi ko inaakalang mag eenjoy ako ng husto.
Ngayon alam ko na kung bakit gustong gusto sila ng mga tao. Given na na lahat ng members ng EndMira ay may itsura. Pero hindi lang sila basta gwapo, sobrang talented din nila.
"Nice meeting you!" sabi ni Mia sa akin at nakipag kamay. "Nica right?"
Nginitian ko siya at tumango.
"Nice meeting you rin, Mia. Pag lumabas ang album mo, bibilhin ko agad!" sabi ko.
Napangiti siya, "yay! May isa na akong sure buyer!"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
Ngayon ko lang napansin na brownish pala ang kulay ng mata niya. May highlights din na purple ang buhok niya at ang ganda niya mag dala sa sarili.
"Ayun pala sina Ate Timi!" sabi naman ni Jaden.
Napatingin kami kina Chef.
"Shit kasama nila si Ayen!" sabi ni Mia at napayuko siya.
"Oh! Pwede ka magpa-picture sa kanya!"
"H-ha?"
Nakita kong namula ang buong mukha niya.
"Uhmm, nice meeting you ulit! Sige alis na ako! Bye!"
Bago ko pa siya mapigilan, dali-dali na siya naglakad palayo sa amin.
Anong meron?
"Ay nawala sina ate Timi," sabi ni Jaden.
"Ang daming tao, labas muna tayo," sabi naman ni Ma'am Jennifer.
"Sige po."
Hinintay namin na maunang lumabas yung ibang mga tao. Nung medyo um-onti na at hindi na siksikan sa exit, tsaka kami lumabas.
"Nag text ang kuya mo, nasa dressing room pa siya pero wag na raw natin siya antayin," sabi ni Ma'am Jennifer then tinignan ako. "Pero maiwan ka raw Nica at intayin siya."
Siniko ako ni Jaden. Napatingin ako sa kanya at ang laki ng ngiti niya.
"May date kayo?"
"Huh?! Wala ah!"
Napatawa ng mahina si Ma'am Jennifer.
"Nica pag kinukulit ka ni Jasper o ni Jaden feel free na batukan sila."
Napangiti rin ako, "masusunod po."
"Oh my gosh! Yung asawa ko!"
Pare-pareho kaming napatingin doon sa sumigaw at nagulat ako nang may makita akong babae na tumatakbo palapit sa amin.
Katamtaman ang tangkad, maikli ang buhok, hindi kaputian pero maganda siya. Nakasuot siya ng itim na t-shirt na may nakasulat na "Endless Miracle" in gold letters.
"Shit."
Tumalikod si Jaden at akmang aalis nang hawakan siya sa braso ng mama nya.
"Ma!"
"Dito ka lang."
"Hi Jaden!" sabi nung babae at isinukbit niya ang braso niya sa braso ni Jaden. "Hi tita Jen!" bati naman niya sa mama nito.
Pilit hinahatak ni Jaden ang braso niya doon sa babae pero hindi ito binibitawan nung babae.
"Nicole, nandito ka pala!" nakangiting sabi ni Ma'am Jennifer.
"Of course Tita! Alam mo naman po na avid fan ako ng EndMira! At nagbakasakli rin na nandito si Jaden. Miss ko na siya eh kahit kakakita lang namin kahapon sa university."
Natawa ng malakas si Ma'am Jennifer.
"Bitiwan mo ang braso ko!" iritang sabi ni Jaden. Nanakunot na ang noo niya pero mukhang dedma lang doon sa Nicole dahil hawak hawak pa rin niya ang braso nito.
"Nga pala this is Nica, friend ni Jasper at Jaden," pakilala naman sa akin.
"Hi Nica!" masiglang sabi niya.
Nginitian ko siya, "hello."
"Ano ba! Yung braso ko!!" sabi ni Jaden.
Walang pumansin sa kanya.
"I'm Nicole, manliligaw ni Jaden," pakilala niya.
"Manliligaw?" natatawa-tawa kong sabi.
"Yep! Makikipag shake hands sana ako sa'yo kaya lang na glue na ang kamay ko sa braso ni Jaden eh."
Napatawa ako sa kanya.
"Anyway, kung nagtataka ka ba't ako nanliligaw sa kanya, kasi ang bagal bagal niyang ligawan ako. Kaya inunahan ko na."
Pareho kaming napatawa ni Ma'am Jennifer.
"Bagay talaga kayong dalawa!" sabi ni Ma'am.
"Ma!" saway naman ni Jaden.
"Ay kilig naman ako tita!" ngiting ngiti na sabi ni Nicole at tumingin siya kay Jaden. "Dinig mo 'yun honey? May approval na tayo sa mama mo!"
"Shut up!" hinatak niya ulit ang braso niya kay Nicole. "I don't like you, okay?!"
"Jaden!" saway ng mama niya.
"Naku okay lang po yun Tita! Sanay na ako!" sabi ni Nicole sabay tawa.
Tinignan ko siya habang tumatawa at napangiti ako.
Hindi lang ako ang mapagpanggap sa mundong 'to. Marami kami.
"Jaden ihatid mo na si Nicole."
"Pero ma---!"
"No buts!" inabutan siya ng pera. "Pantaxi niyo."
Inis na kinuha ni Jaden yung pera at tinignan si Nicole. "Halika na bago pa magbago ang isip ko!"
"Yes! Yay!"
"Bye Ate Nica," sabi ni Jaden.
Nag wave ako sa kanya at umalis na sila. Nagpaalam na rin sa akin si Ma'am Jennifer kaya naman naiwan ako sa may exit na nakatayo mag-isa.
Saan ko ba iintayin si Jasper?
Napakagat ako sa lower lip ko. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
After ko siyang makitang mag perform ng ganun, makakasama ko siya. Hindi ko alam ang irereact ko sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Ang perfect perfect niya sa paningin ko kanina. Habang tumutugtog siya, parang sinasabi na ng puso ko na---sige na, push na. Mahulog ka na kay Jasper. Bahala na kung masaktan ka. Okay lang kahit masaktan ka. Worth it naman lahat. Worth it talaga. Kaya go na. Pagbigyan mo na ang sarili mo na mahalin siya.
Point of no return.
Wala nang atrasan. Hindi na mapipigilan. Wala ka nang ibang magagawa kundi tanggapin na lang na palalim na nang palalim ang nararamdaman mo para sa kanya.
Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o dapat ko nang ihanda ang sarili ko.
"Nica?"
Napaayos ako bigla nang marinig ko ang boses na yun. Mas dumoble ang kaba sa dibdib ko at para akong pinipilipit sa sakit.
Nilingon ko yung tumawag sa akin at tama nga ako.
She's here.
"A-Aiscelle."
Tinignan ko siya pero hindi ko siya magawang ngitian.
Kelan ba ang huling beses kaming nagkita? Yung panahong inabutan niya ako ng pera para layuan si Jasper.
"You're here," sabi niya.
Tumango ako.
"Mag isa ka lang?" tanong niya.
"May kasama ako kanina kaso nauna na."
"Oh, I see. You're waiting for Jasper?"
Tumango ulit ako.
Tumango rin siya, "me too. I'm waiting for him."
Napalunok ako.
Bakit niya hinihintay si Jasper? May usapan ba sila? Ano 'to?
May usapan din kami ah.
"So Jasper invited you sa concert?"
"Ah, oo. Sa kanya galing yung t-ticket."
Bakit ba ako nauutal. Bakit parang may nakabara sa lalamunan ko kapag kinakausap ko siya? Kinakabahan ako? Bakit?!
Napahinga ako ng malalim at tinignan ni Aiscelle.
Siya lang naman ang babaeng mahal ni Jasper, Nica. Look at her. Nakaka insecure 'di ba? Paano mo malalabanan ang isang tulad niya?!
"Great. He invited me too but I have to turn it down kasi may meeting. Buti na lang may extra si Ice kaya nakapunta rin ako dahil gusto ko talaga silang mapanuod. But at least hindi nasayang yung ticket ni Jasper. Did you enjoy?"
Napalunok ako at tumango lang ako dahil parang wala nang lalabas na boses sa bibig ko. Feeling ko pag nagsalita ako eh maiiyak ako.
Ininvite niya si Aiscelle kaso tumanggi si Aiscelle kaya ako na lang ang inimbitahan? So dapat pala talagang kay Aiscelle 'tong ticket na ginamit ko? Dapat talaga si Aiscelle yung kasama ni Jasper after ng concert at hindi ako.
So hindi totoo na gustong gusto niya na pumunta ako sa concert na 'to.
Bakit naman?
Eh second option lang naman ako kasi hindi pumayag si Aiscelle.
Bruhang Aiscelle. Niyaya na ni Jasper sukat hindi pa pumayag. Hindi ba niya nakikita kung gaano siya kaswerte? Niyaya siya ni Jasper! Mahal siya ni Jasper! Tang ina. Kung ako yan magpapaparty ako. Samantalang siya, hinindian niya?! Matapos ang lahat, humindi pa rin siya kay Jasper?!
Kumurap ako.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at kunyari may chineck ako.
"Ah naku may emergency sa t-trabaho," sabi ko. "Uhmm, kailangan ko nang umalis."
"Ha? Eh 'di ba iniintay mo rin si Jasper? Aren't you going to congratulate him at least?"
"Ah itetext ko na lang siya," sabi ko.
Tutal hindi naman ikamamatay ni Jasper pag hindi ko siya na-congratulate ngayong gabi. Magiging masaya pa yun pag umalis ako kasi masosolo niya si Aiscelle. Para wala nang epal. Para hindi na siya mapilitan pa na ilibre ako ng dinner lalo na't aware naman ako kung sino ang gusto niyang makasama,
Tangina ang sakit talaga..
Sobrang sakit.
"Sige bye!" sabi ko.
"Ah, o-okay.. bye... take care!"
Tumango lang ako at tuloy tuloy ako naglakad palabas. Kumurap ulit ako at naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mata ko.
Pakshet na yan.
Buti na lang wala nang mga tao. Nakalabas na lahat. Yung mga naglilinis na lang ang natira.
Gusto ko nang umuwi. Sana makauwi na ako. Gusto ko nang humiga sa kama ko at umiyak nang umiyak. Basta wag lang dito. Ayokong may makakita. Please...
"Nica!!!"
Napahinto ako.
Shit.
Japer Yu naman eh.
"Veronica Briones!!"
Dali dali kong pinunasan ang luha sa mata ko at nilingon ko siya.
"P-paano mo nalaman ang full name ko?"
Ngumisi siya.
"Magaling ako mag research."
Napalunok ako at napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Now tell me, where do you think you're going? Sabi ko intayin mo 'ko eh!"
"Inaantay ka ni Aiscelle sa loob ah?"
Tumango siya, "ah, yeah I saw her. Binati ko naman siya, ano ka ba."
Napa-angat ang tingin ko sa kanya.
"Binati mo lang? Hindi mo yayayain lumabas?"
Kumunto ang noo niya, "bakit? Eh tayo lalabas 'di ba?"
Tangina Jasper, wag naman paasa oh. Alam ko naman na eh. Alam ko na.
Huminga ako nang malalim.
"Niyaya mo siya sa concert."
Tumango siya, "uhmm, yeah, that's true. So anong kinalaman nun?"
Nginitian ko siya.
"Ano ka ba! Alam ko naman na gusto mo siyang makasama! Yayain mo na siya lumabas baka andyan pa siya."
"Okay... hindi ko gets ang sinasabi mo."
"Jasper! Itong ticket na binigay mo sa akin, alam ko naman na dapat kay Aiscelle 'to. I know nakapangako ka sa akin pero okay lang. Sige na. Sumama ka na sa kanya."
Uso maging tanga. Nakiki-uso lang ako. Leche.
Kesa naman kasama ko siya pero alam kong iba ang gusto niya makasama. Mas torture yun.
Humakbang siya palapit sa akin at tinignan niya ako ng seryoso. Yung para bang matutunaw ako.
"So you are telling me na ginawa kitang second option, ganun ba?"
OO GANUN NA NGA, MANHID!
"Hindi ah... Okay lang naman..."
WHOO BEST LIAR!
Huminga nang malalim si Jasper.
"Nica, yes I admit na ininvite ko si Aiscelle. I want her to be here. Siguro sa parte ko na rin na gusto kong ipakita sa kanya na naging successful din ako sa pinili kong landas. Na kung hindi kami naghiwalay noon, hindi ko mararating ito. Pero don't you ever think na ginawa kitang second option just because humindi nung una si Aiscelle."
Napayuko ako. Para akong nauubusan nang hininga.
"I invited her, yes, pero wala naman akong plano na ibigay sa kanya ang ticket ko dahil merong naka-reserve si Ice na ticket para sa kanya. Nung ibinigay sa akin ang ticket na 'to, ikaw talaga ang plano kong yayain. I even ask for an extra ticket para sana kay Mamita kaso wala na, eh. Kung ayaw mong maniwala sa akin, then ask Ayen. Alam niya yun."
Parang umurong bigla lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko alam ang irereact ko. Unti-unting lumuwag ang paninikip ng dibdib ko.
Kinagat ko ang labi ko dahil pakiramdam ko, any moment ngingiti ako nang malawak.
"Ah.. okay," sagot ko.
Napatawa si Jasper at pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at nginitian ako.
"Sa hinaba-haba ng paliwanag ko, ayan lang ang sagot mo?"
"H-hindi mo naman kasi kailangan magpaliwanag eh."
He grinned, "ay sus! Eh tumatakas ka na naman sa akin eh! Ang hilig mong ginagawa 'to 'no?"
Kahit ano namang takas ko sa'yo, lagi pa rin ako bumabalik. Nakakainis.
"Nag promise ka sa akin na mag d-dinner tayo. Dapat may palabra de honor ka, Nica!" dagdag pa niya. "Tuparin mo yung promise mo!"
Napangiti na ako.
"Oo na. Tara na."
"Yun oh! Let's go!"
~*~
AISCELLE.
"Aiscelle?"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Jasper mula sa likuran ko at hindi ko napigilang ngumiti.
"Jasper."
Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat.
"You're here. Buti nakapunta ka na!" masigla niyang bati.
Tumango ako.
"Yeah, I'm here. Ang galing mo kanina."
He grinned, "ako pa ba?"
Napangiti rin ako.
"Naman!"
Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko ngayon. Para akong lumulutang. At least alam ko nang okay na sa akin si Jasper. Nakakausap ko na siya ng masaya. Hindi na siya galit sa akin.
"Ah, may gagawin ka pa ba? Tara dinner?" tanong ko.
"Oh. Actually kasama ko si Nica."
Biglang bumagsak ang puso ko.
"Nasaan na pala yun?" tanong niya. "Nakita mo ba?"
"Sabi niya may emergency sa work kaya umalis na."
"What?! Naku tatakasan na naman ako!" napakamot siya sa likod ng ulo niya.
Tayo na lang. Sa akin ka na lang sumama. Please Jasper. Wag kay Nica. Please please please please...
"I-I need to go," sabi ni Jasper at bumeso siya sa akin.
Hinawakan ko siya sa braso niya bago siya makaalis.
"Aiscelle?"
"Uhmm..."
Jasper wag mo akong iwan please? Wag kang sumama kay Nica. Please Jasper ako ang samahan mo.
Inalis ni Jasper ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"I really need to go. See you Aiscelle."
At tumakbo siya palayo sa akin.
Parang gumuho ang buong mundo ko.
Dati di niya ako iiwan. Dati ako ang pipiliin niya. Dati ako ang sasamahan niya. Dati hindi siya tumitingin sa ibang babae kundi sa akin lang.
Dati ako ang mahal niya.
Kung sana pinahalagahan na kita dati pa.
Talo na ba ako?
Sinundan ko si Jasper. Nakita kong naguusap sila ni Nica. Nakita kong ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ni Nica at nginitian niya ito.
Yung ngiting ibinibigay niya kada tumutugtog siya. Yung klase nang ngiting hindi ko nakita sa kanya nung panahong kami pa.
Tumalikod na lang ako at dumiretso ako sa parking lot.
Sumakay ako sa kotse ko at agad kong ipinatong ang ulo ko sa manibela.
Grabe naman yung sakit. Hindi ko alam kung paano mawawala. Sobra sobra.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Stan.
Tatlong ring pa lang ay sinagot na niya agad ang tawag ko.
"Hey Aiscelle! How's the concert?" masigla niyang tanong mula sa kabilang linya.
"Where are you?" tanong ko. My voice broke.
"Hey, what's the matter?"
"Are you free tonight?"
"Aiscelle, is something wrong?"
"I—I just need someone to talk to tonight."
"Okay. Okay let's meet."
And when he ended the call, hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagbagsak ng luha sa mata ko.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro