Chapter Twenty Four
Chapter Twenty-Four
NICA.
"So, ano ang nangyari sa paguusap niyo ni Aiscelle?" pangunguna ko kay Jasper.
Nung sinabi niya sa akin na maguusap kami, alam kong about kay Aiscelle na ang paguusapan namin. Anong use na patagalin pa. Kung sasaktan ko lang ang sarili ko, aba aagahan ko na. Why prolong the agony?
Hindi agad sumagot si Jasper Yu. Napatingin ako sa pool nila.
Oo nasa pool side kaming dalawa. Nag latag siya ng mat at pareho kaming naka-indian seat habang pinaghahatian yung cake.
Tinignan ko si Jasper Yu.
"Okay lang kahit hindi ka mag kwento," sabi ko sa kanya.
At nananalangin ako na wag na nga talaga siya sanang mag-kwento dahil ayoko nang marinig.
Kahit medyo curious ako.
Ibinalik sa akin ni Jasper ang tingin niya at ngumiti siya.
"Me and Aiscelle are okay. Nalinaw na lahat ang dapat na malinaw. Siguro napatawad ko na siya."
Tumango ako.
"Eh ba't parang ang bitter mo kanina sa bar nung sinabi mong hindi ka talaga kilala ng ex mo?"
Napatawa ng mahina si Jasper.
"Ah..yun," napakamot siya sa ulo. "Honestly, I don't know why I said that. Siguro dahil kahit na naintindihan ko na ang nangyari, hindi ko maiwasan na masaktan kada naalala ko ang dahilan niya. Yung alam kong ginawa ko ang lahat nun, siya ang naging focus ko, grabe kong ibinigay ang oras ko maipakita lang na mahal ko siya. But then malalaman kong akala niya sa una eh naglalaro lang ako? Na hindi totohanan yun? Dahil loko loko ako kaya ganun? Masakit pala Nica kapag hindi nakita ng isang tao ang tindi ng efforts mo."
Tumango ako. Kasi naiintindihan ko. Alam ko yung pakiramdam na nababalewala. Yung naiichepwera.
Alam na alam ko yun.
Minsan sa buhay ko, hiniling ko rin n asana ituring akong tunay na anak ng tataytayan ko kahit pa demonyo siya. Para lang alam kong may pamilya pa rin ako at may matatawag pa rin akong tatay. Minsan pinilit kong mag effort matanggap lang niya ako, pero walang nangyari eh.
At ngayon, kahit nagmimistulan akong panyo sa lalaking mamahal ko, kahit na laging nakahanda ang tenga ko sa pakikinig sa lahat ng hinaing niya, o kahit na palagi akong nandyan para sa kanya..
..hanggang kaibigan lang ako.
Oo Jasper Yu, alam kong masakit kasi nararamdaman ko ngayon. Damang dama ko.
Huminga ako ng malalim.
"Sinabi lahat ni Aiscelle yun?"
Tumango si Jasper.
"Then....ang tapang niya para masabi niya sa'yo yun. Ang lakas ng loob niya kasi hindi madaling umamin sa kasalanang nagawa mo. At buti dahil napatawad mo siya kahit masakit. Kasi mukha naman siyang sincere at deserve naman niya patawarin."
At ako deserve kong mabaril sa luneta kasi isa akong dakilang tanga. Parteh parteh.
Ang daling i-uplift ng karibal mo samantalang ang hirap i-uplift ng sarili ko.
Kasi kahit ako, I think, she's way better than me. Sa lahat ng anggulo. Sa lahat ng aspeto.
At ang sakit.
Napabalik ang tingin ko kay Jasper at nagulat ako nang makita kong nakangiti siya sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko.
Kasi pakshet na yan. Pag nakipagngitian at titigan ako sa kanya, matutunaw ako.
"Ngiti-ngiti ka dyan?" halos pabulong kong sabi habang nakatitig sa mug ng kape na hawak-hawak ko.
"Wala lang. Bakit ka ganyan, Nica? Bakit alam na alam mo ang dapat ipayo o sabihin? Ang sarap mo talaga kausap."
Oo tanginang 'yan. Kahit nasasaktan ako sa mga sinasabi ko, go lang sa pakikipagusap sa'yo kasi pakshet kang leche kang lalaki ka.
Ano bang meron ka at na-inlove ako sa'yo samantalang dati naman inis na inis ako?
"Mahal mo pa si Aiscelle?" tanong ko.
At gusto kong sapakin ang sarili ko. Seryoso. Alam ko ako yung tipo ng taong hindi pala salita. Ayokong sinasabi ang lahat ng nasa isip ko. Kung ano yung thoughts ko, saakin na lang. Kung may gusto akong malaman, hihintayin kong yung tao ang mag kusang mag sabi sa akin nun.
Pero walanghiya. Hindi ko alam ba't ako nadulas.
Nakakain ba ako ng floorwax?
Tinignan ko si Jasper. Nawala ang ngiti sa labi niya at iniwas niya ang tingin niya sa akin. Tumingala siya at bumuntong hininga.
"Dati ang daling sagutin ng tanong na yan. Pero ngayon, hindi ako sigurado."
"B-bakit naman?"
"I know I still have feelings for Aiscelle. She's still important for me. Pero hindi ako sigurado kung ang nararamdaman ko sa kanya ngayon ay katulad pa rin nung noon. Kung yung pagmamahal ko sa kanya ay sapat pa rin para pumasok ako sa isang relationship o mahal ko na lang siya bilang isang kaibigan. Sobrang gulo ng nararamdaman ko. Kaya hindi ko siya mabigyan ng chance ng buong buo dahil natatakot ako na mapaasa ko siya. Kasi kahit gaano man ako kaloko-loko o katarantado, pag may minahal ako, gusto ko buong buo ko siya mamahalin."
Nilingon ako ni Jasper at nginitian.
I smiled back.
Bumuntong hininga ako at ako naman ang tumingin sa kalangitan. Ang daming stars ngayon. Ang lamig ng hangin. Ang ganda mg ambiance.
Ito yung mga panahong ang sarap sarap mainlove sa taong kasama mo kaya lang takot ka na baka hindi ka niya saluhin.
"Ang swerte ng taong yun," sabi ko kay Jasper. "Sobrang swerte."
~*~
AISCELLE.
Hindi ako makatulog.
Ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa kama, but shit! I can't sleep. Hindi ko makalimutan ang nag iisang wrong send na nagawa ko in my entire life!
Nakakahiya talaga! Wala na akong mukhang maihaharap kay Jasper. I look stupid and desperate and I can't...I can't even--! I groaned.
I planned to keep my phone turned off the whole day kung wala lang akong trabaho. Pero meron eh and I'm expecting important calls that's why I don't have any choice but to turn on my phone.
Pero hindi naman nag reply si Jasper sa akin. Pinapanalangin ko na lang na sana hindi niya nabasa. O sana hindi nag send sa kanya.
Oo. Sana hindi nag send sa kanya.
Mas okay yun kesa yung nabasa niya tapos binalewala niya.
Napa-buntong hininga ako.
Alam kong nangako ako sa sarili ko na hindi ko muna guguluhin si Jasper ngayon. Hindi ko muna ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. We both need time.
I badly needed time.
Ito yung mga panahon kung saan kailangan kong mag focus sa sarili ko para gawin ang bagay na gusto ko at hindi gusto ng iba para sa akin. Kailangan kong ayusin ang sarili ko para pag mamahalin ko na si Jasper, mamahalin ko na siya ng tama.
Pero kahit ganun, hindi ko mapigilan ang kabahan. Yes, maybe I am overconfident before that Jasper's mine. He loves me. Pero ngayon, hindi ako sigurado. Maraming pwedeng mangayri. Pwede siyang ma-inlove sa iba.
Sobrang close niya ngayon kay Nica. Nakakainis.
Alam kong wala akong karapatan na husgahan si Nica dahil hindi ko naman talaga siya kilala. Pero kasi...kasi...basta. Nag seselos ako. Ayoko na nakakasama niya si Jasper. Ayoko na pinupuntahan siya ni Jasper. Yung feeling na tingin ko may nangyayari sa kanila? I hate my thoughts. Nakakainis ang mga hinala ko. But still, hindi ko maiwasan.
Nag seselos talaga ako.
Please, wag kang ma-i-in love sa kanya Jasper. Please.
Nag beep ang phone ko at bigla akong napabangon sa kama nang makita kong si Jasper ang nag text.
"So, you're friends with Ed Sheeran? :)"
Shit! Shit shit shit!!
Nagpagulong gulong ako sa kama at para akong uod na binudburan ng asin.
I'm too old for this shit. I'm not a freaking teenager anymore pero bakit ganito? Kung kiligin ako para kong na-e-experience ang first love?!
Pero shit na yan! Hindi ko alam ang sasabihin ko. Inaasar niya ako! Inaasar ako ni Jasper at naalala ko na naman yung text message na sinend ko sa kanya at gusto ko na lang lumubog sa lupa.
Nag beep ulit ang phone ko. Text message na naman from Jasper.
"Ganyan pala pag may nag t-thank you sa'yo, nag f-freak out ka? XD"
INAASAR TALAGA NIYA AKO.
Pwedeng wag niya na lang pansinin yung text message ko na 'yon?!
Nag beep ang phone ko. Another text message.
":)"
At may sumunod pa ulit.
"XD"
At sunod sunod na
"Hehe.."
"Hahaha.."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
I know I love this guy at may kasalanan ako sa kanya pero seryoso, gusto ko siyang sungalngalin ngayon!
"Joke lang! Peace! XD" pahabol na text niya.
Jasper Yu!!
Ni-reply-an ko siya.
"Good night, Mr. Yu."
Maya maya lang din ay nag reply siya sa akin.
"Lamig! Brrrr..."
Napangiti ako. May pahabol na text agad siya.
"Good night din, Ms. Monasterio :)"
Inilagay ko ang phone ko sa desk ko at nahiga na sa kama.
Ilang taong ang bigat ng pakiramdam ko. Ilang taon akong namuhay sa konsensya.
Pero ang sarap sa pakiramdam na ngayon ay okay na ako.
The next day, maaga akong gumising dahil may meeting ako sa head ng production company na gagawa ng mga short films kung saan i-f-feature yung couples necklace ng company namin. Nagulat naman akong makita si Erin sa dining area at kumakain ng cereal.
"Six thirty am pa lang ah?" sabi ko sa kanya. "Ang aga mo naman gumising."
Erin looks at me then she shrugged at bumalik na siya sa pagkain.
"Mom will cook breakfast for you and Ice. Ba't nag cereal ka lang?" tanong ko habang nag titimpla ng kape.
"Kasi napaka sayang bonding moment siguro pag nasa iisang lamesa kami ng mommy mo at ni Ice 'no? For sure hindi magiging awkward 'yon," sagot naman ni Erin na punong puno ng pagka sarcastic ang boses.
Kung sabagay. Pareho ngang iniiwasan ni Ice at Erin si mommy eh.
Si Erin kasi never naman talaga silang nagkasundo ni mommy. Si Ice kasi alam kong naririndi na siya kakakumbinsi ni mommy na kahit papaano eh tumulong din sa business.
"Besides, wala si Ice," pahabol ni Erin.
"Huh? Asaan?"
"Edi busy sa Timi niya."
Napangiti ako.
"Then that's good."
Inangat ulit ni Erin ang tingin sa akin, "eh ikaw? Busy sa Jasper mo?"
Nginitian ko lang siya ng malawak. Napailing naman siya.
"Kairita kayo. Habol kayo nang habol."
Napatawa ako ng mahina, "ganun talaga kami, Erin. Eh ikaw? Tulak ka naman nang tulak palayo doon sa lalaking gusto mo."
Mas napatawa ako dahil bigla siyang nasamid dahil sa sinabi ko. Inangat niya ang tingin niya sa akin.
"Hindi ko gusto si William!"
"Wala naman akong binabanggit na pangalan ah?"
"Pero kasi---!"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at niyakap ko na lang siya.
"Love you sis!"
At dire-diretso na akong lumabas papunta sa parking lot namin.
Anak si Erin ni daddy sa labas. Maldita. Sobrang maldita. Ang hilig mambara. Pero kahit ganyan yan, love na love namin ni Ice yan.
Isa pa, may PTSD si Erin kaya naman sobrang alaga namin siya ni Ice.
Si William ang kabanda ni Ice. Si William na matagal na ring may gusto kay Erin. I like him for her. Sana lang matuto siyang buksan ang puso niya.
Seven-thirty pa lang nang makarating ako sa main office ng production company. I'm too early for my meeting kaya naman naisipan ko munang mag stay saglit sa coffee shop. After that, umakyat na ako sa office nung ka-meeting ko.
"Mr. Ryan is already inside," sabi nung secretary while she's leading me inside the office.
Nginitian ko siya.
"Thank you."
"You're welcome, ma'am," she told me pleasantly.
Pumasok na ako sa loob at halos matapilok ako sa high heeled shoes ko nang makita ko kung sino ang ka-meeting ko.
Nakita ko rin ang gulat sa mata niya nang magtama ang tingin namin.
Pero agad itong napalitan ng ngiti. Isang malawak na ngiti.
"So.. you are Ms. Aiscelle Monasterio?" tanong niya sa akin.
Napalunok ako. Hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. May tinatanong ba siya? Bakit nag l-loading ang isip ko.
Shit.
Akala ko hindi ko na makikita 'tong taong to sa tanang buhay ko kaya ang lakas ng loob kong mag open up sa kanya!
Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin. Inilahad niya ang kamay niya.
"I'm Stanley Ryan. But please call me Stan, Ms. No Personality."
Pwedeng mag evaporate?
To be continued...
Aly's Note:
Hi guys! Nasabi ko dati na more on Jasper's POV ang Sana. Nag bago isip ko. Mas okay pala pag more on POV ng dalawang girls ito... para wala kayong idea sino ang nagugustuhan ni Jasper. Wahahahaha. In short, gusto ko lang kayo pahirapan manghula sa endgame niya. Charot!
Salamat sa pagbabasa! <3
Nga pala, wag na kayo magalit sa akin about kay Benedict! Wahaha. At please wag natin siya tawagin na gayshit okay? I hate that word. There's nothing shitty about being gay. I have a lot of gay friends and they are one of the most wonderful people I've ever met. Hindi rin nakakatawa yung na-inlove sila at na heartbroken kasi tao sila guys, at nasasaktan din sila when it comes to love. Kaya nagtataka ako bakit tingin ng iba comedy pag na brokenhearted ang isang gay. Sana wag tayong maging prejudice. Ayun lang :)
Until next update! Babush!
~ Aly A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro