Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Five
AISCELLE.
Ilang beses kong hiniling na sana hangin na lang ako para madali akong makaalis sa kinalulugaran ko ngayon. O pwede bang magkaroon ako ng invisibility power?
Ilang beses kong hiniling na sana may tumawag sa akin saying kailangan kong bumalik sa opisina ngayon. Pero wala.
At kanina pa ako nauutal sa pag sasalita rito.
I'm Aiscelle Monasterio. Ilang beses na akong humarap sa mga business men at matataas na tao. Ilang beses na akong nag present. Nakapag-talk na rin ako before sa isang prestigious university in California.
But now, I am freakin stuttering in front of this guy!
Ed Sheeran my face! His full name Is Stanley Ryan. He's half-Irish half-Filipino and he owns this production company.
This freakin' production company na gagagwa ng short film as our campaign ad sa irerelease naming couples accessories.
At shit na yan. Ang dami kong sinabi sa lalaking 'to. Nalasing pa ako before in front of him. Hindi ako makapag concentrate tuloy sa pakikipagusap sa kanya.
Pero siya, business mode na business mode. Tuloy tuloy ang pagpapaliwanag. Napaka formal.
Paano niya nagagawa 'yon samantalang ako ninenerbyos?!
Kung sabagay hindi naman siya nag o-open up sa akin. Ako ang nag o-open up sa kanya kaya ako talaga ang mahihiya.
"We are planning to use your couples necklace in our short film. Ms. Vargas showed us the designs and we really like the majesty couple collection. But I just want to ask, when are you planning to release it in the market?"
"N-next week.."
"Next week? That soon?"
"I-I mean next month..."
Para akong OJT na isinabak sa trabaho nang hindi tinuturuan. What the hell Aiscelle?
Tumango siya then he gave me a playful smile.
"You look distracted Ms. Monasterio. Are you okay?"
Mas lumawak ang ngiti niya.
Inaasar ako ng isang 'to, I'm positive!
"I'm okay," I told him coldly---or at least I tried to be cold. "Uhmm, so may concept na ba kayo para sa short film?" tanong ko sa kanya.
"Actually, hindi pa sure pero may nagustuhan akong concept na pinasa ng isa sa mga applicants namin. I'll meet her later so no need to worry about that. Aside from that, magagaling ang nakuha kong brainstormers and writers."
Tumango ako.
"O-okay. So, okay na. Just emailed me the concept pag meron na para maipa-approve ko rin sa mom ko."
"Alright. So when are we going to have a contract signing?"
"I'll tell my secretary to set a schedule as soon as possible."
He smiles, "great!"
Agad kong sinukbit yung handbag sa balikat ko at tumayo. Gusto ko na talagang umalis dito kasi hindi ko matignan si Ed—este si Stanley—nang hindi nahihiya sa mga pinagtetext ko sa kanya noon.
Napatayo rin siya.
"So, nice meeting you, Ms. Monasterio."
"Nice meeting you, Mr. Ryan."
Nilahad niya ang kamay niya at nakipagshake hands ako.
Then he smile widely.
"Okay, tapos na ang business agenda. Pwede na ba akong magpaka less formal sa'yo, Aiscelle?"
"E-eh...?"
"You look so uncomfortable. Wag kang magalala, you secrets are safe with me," he winked.
At doon na ako napatawa.
Ipinatong ko ang mukha ko sa kamay ko.
"Oh god, this is so embarrassing!"
"Bakit ka naman nahihiya sa akin? Eh unang pagkikita nga natin, pareho tayong lasing!" natatawa-tawa niyang sabi.
"Lasing? Eh sa pagkakatanda ko nasa katinuan ka pa nun?"
He shrugged, "tipsy na ako nun. Sadyang mas malala ka lang malasing. Sumisigaw ka."
Nanlaki mata ko, "wait... really? Sumigaw ako nun?"
Tumango siya, "sabi mo 'YES! HE STILL CARES FOR ME!'"
Napatawa ulit ako pero nahihiya-hiya rin ako. Hindi ko matandaan na sumigaw ako nun. Nakakahiya pala talaga ang pinag-gagagawa ko.
"Nakakahiya talaga ako, Stanley."
I heared him chuckled, "Just call me Stan. By the way, mas nakakahiya ako Aiscelle. Kung alam mo lang ang mga napagdaanan ko this fast few days. Naranasan ko pang matapunan ng beer sa bar."
"What the---? Ano bang nangyari?"
He smiled, then napatingin siya sa wrist watch niya.
"Uh oh. May meeting ka ulit?" tanong ko.
"Uhmm, yeah. Hey, are you free tomorrow?"
Pinanliitan ko siya ng mata, "why? Ayoko maglasing."
He laughed, "no. We are not going to drink, I swear. Pero pwede ka bang ka-kwentuhan?"
"Broken hearted?"
Nawala ang ngiti sa labi niya at tumango siya.
"Okay. Tomorrow afternoon. Around 4pm. Para naman makabawi ako sa mga love advices mo."
He grinned, "great!"
Napangiti na lang din ako. Nawala na ang hiya ko.
Well, at least I gained a friend.
Yung kaibigang kaya kong pagsabihan nang lahat nang nararamdaman ko.
At first time na magkaroon ako nang ganung klaseng kaibigan.
~*~
NICA.
Punyeta! Hindi ko na kaya!!
Binura ko ng wet wipes ang eye liner sa mata ko. Ayaw ma bura. Bakit ganito! Ano ba! Namumula na ang eyelids ko! Male-late ako nito eh!
"Lagyan mo ng lotion," sabi ni Benedict na nakasalampak sa kama ko at busy magbasa ng libro.
"Lotion?! Sa eyelids?! Seryoso ka ba."
"Yep. Pantanggal talaga ng eyeliner ang lotion. Try mo dali."
Kahit alangan ako, kinuha ko ang lotion ko at pinahiran ng onting onti ang eyelids ko. At oo nga, natanggal ang eyeliner ko.
"Wow! Ang galing mo Benedict ah! Paano mo nalaman yun?"
"My mom's a make-up artist. At kanina pa sumasakit ang ulo ko sa'yo. Sana nahahalata mo na 30 minutes ka nang nasa harap ng salamin at naglalagay ng eyeliner. May plano ka bang magpa-late sa job interview mo?"
Napasimangot ako pero hindi ko na siya sinagot.
Struggle kasi ang pag lalagay ng eyeliner. Hindi talaga ako marunong. Hanga ako sa mga babaeng ang ganda mag lagay ng eyeliner. Yung winged pa. Samantalang ako, mukhang sira.
May interview ako doon sa production company na pinagpasahan ko ng concept stories. Syempre excited na excited ako. Hindi ako masyadong nag expect na tatawagan nila ako. Pero kagabi nang maka-tanggap ako ng call mula doon sa secretary ni Sir Stanley Ryan, halos maglulundag ako sa tuwa.
Sana talaga makuha ako. Please Lord, babawasan ko na po ang pagmumura promise. Hindi na rin ako magpapakatanga sa pag-ibig. Basta makuha lang ako sa trabahong 'to. Dream ko 'to eh!
At sana maayos ko na ang eyeliner sa mata ko.
"Seriously lady, do you really know how to use that thing?" tanong ni Benedict sa akin habang naka-kunot ang noo na nakatingin sa eyeliner na hawak ko.
"Hindi okay? Pero tina-try ko for the sake na mag mukha akong presentable sa harap ng Big Boss ng production company na in-apply-an ko. Kaya kung lalaitin mo lang ako, mag basa ka na lang ng libro dyan!"
Napailing si Benedict at isinara ang librong binabasa niya. Nilapitan niya ako.
"Give me that! Ako na maglalagay, you temperamental girl."
Hinablot niya ang eyeliner sa kamay ko.
"Marunong ka?"
"I told you, my mom's a make up artist. Tumingin ka sa baba."
Sinunod ko siya at nagsimula naman siyang lagyan ng eyeliner ang mata ko.
"Ang saya ko talaga na kaibigain kita, Benedict," sabi ko sa kanya. "Ipag-d-drive mo na ako doon sa interview ko, ikaw pa naglalagay ng eyeliner ko."
"May bayad yan."
"Hanapan kita ng boyfriend?"
He grinned, "pwede. Alamin mo kung sino ang single and available sa mga EndMira boys."
"Loko! Pero sige titignan ko."
Napatawa si Benedict ng mahina.
"Beny may tanong ako."
"Hmm?"
"Kung yayayain ka ni Christian Grey at ni Mr. Darcy ng date ngayong araw, sino pipiliin mo?"
"Seriously? Tinatanong mo sa akin ang bagay na 'yan?"
"Dali na! Sino nga?"
"Mr. Darcy, of course!"
Napatawa ako, "so, mas gusto mo ang classics huh?"
"Naman! Ikaw? Christian Grey?"
Napangisi ako.
"Mr. Darcy."
Napatawa si Benedict at kinurot niya ang ilong ko.
"Kaya magkaibigan tayo eh."
"Tama!"
"Pero si Jasper Yu mas more on Christian Grey type siya kesa Mr. Darcy," sabi ni Benedict.
Napasimangot ako.
"At bakit naman napasok sa usapan natin ang hoodlum na yun?"
"Wala lang. Ang type mo ay mga Mr. Darcy type. Masungit na cold na mysterious. May pagka conservative. Galing 1800's eh. Pero ang minahal mo mala Christian Grey---magaling sa kama."
Kinurot ko sa tagiliran si Benedict.
"Bwiset ka!"
Oo, alam na niya ang tungkol kay Jasper. Nalaman niya nang hindi ko sinasabi kasi Benedict is Benedict. He's like me. Magaling siyang mag observe. At kahit ang katulad kong hindi pala kwento at magaling magtago ng nararamdaman eh nahulaan niya.
Pero masaya ako. At least may nakakaalam. At at least, hindi ko naranasan ang napaka awkward na moment na mag o-open up ako sa kanya na gusto ko si Jasper.
"Paano mo naman nasabi na magaling sa kama si Jasper Yu?"
"Obvious naman."
Kung sabagay. Yung ngiti niyang akala mo palaging nangaakit. Yung way na paglalakad niya na para bang nanse-seduce palagi. Yung tingin niya na parang tutunawin ka. Aware na aware talaga siya na pogi siya at talagang alam na alam niyang gamitin ang charms niya sa mga babae.
Minsan ang sarap niya sipain sa bayag.
Madalas ang sarap niyang mahalin.
"Done!" sabi ni Benedict.
Napatingin ako sa salamin at napangiti ako. Mukha na akong tao!
After ko mag-ayos, sumakay na kami sa kotse ni Benedict at hinatid na niya ako sa pinaka main office ng production company.
"Good luck awesome nerd," sabi ni Benedict. "Kaya mo 'yan."
"Thanks Beny!"
"Iintayin kita sa coffee shop. Galingan mo ah? Kung kailangan mong gamitan ng seducing powers mo, go!"
Natawa ako, "mukha ba akong may seducing powers?"
"Slight."
Hinampas ko siya sa braso nang mahina. Napatawa siya.
"Sige na umalis ka na!"
Bumaba ako sa kotse ni Benedict at nagpaalam na sa kanya and then pumasok na ako sa loob.
I'm 15 minutes early. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sabi nung secretary ni Sir Stanley Ryan, may kausap lang saglit si sir pero patapos na kaya naman nag-intay muna ako sa lobby.
Napako ang tingin ko sa door na nasa harap ko. May nakalagay na pangalan sa harap nito.
Stanley Ryan. Chairman of the board and CEO.
Ilang taon na kaya 'to? Matanda na siguro. Pero nakakatawa naman ang name niya. Stanley Ryan? Parang puro first name, walang surname.
Teka, kung sakaling Ryan ang surname niya, ibig sabihin foreigner? Marunong kaya magtagalog ang isang 'to?
Shit naman. Mamaya ma-nosebleed ako rito ah!
"Miss Nica Briones?"
Napa-angat ang tingin ko doon secretary.
"Miss Nica, pasok na po kayo."
Tumayo ako at inunat ko ang puting blouse na suot ko. Napatingin ako sa reflection ko doon sa glass table. Okay pa naman siguro ang itsura ko. Salamat talaga sa kotse ni Beny at hindi ako nanlilimahid na nakarating dito gawa ng byahe.
In-open nung secretary yung door papasok sa opisina ni Stanley Ryan.
"Here you go, miss."
"S-salamat po," sabi ko.
Nginitian niya ako then she closed the door.
"Good afternoon, Miss Briones."
Napatingin ako kay sir na naglalakad papalapit sa akin.
Naka ngiti ako. Nakangiti rin siya.
Pero nang ma-recognize namin ang isa't-isa, biglang nawala ang ngiti sa mga labi namin.
SHIT NA MALAGKIT!!
"I recognize you," sabi niya. Seryosong nakatingin sa akin.
Parang naputol ang dila ko. Hindi ako makapag-react.
Siya yung lalaking kasama ni Chef Timi sa bar.
Yung sinadya kong buhusan ng beer.
BAKIT ANG MALAS KO?!
"What a pleasant surprise," sabi niya nang hindi man lang ngumingiti.
Napalunok ako.
"Please take a seat," tinuro niya ang upuan sa harap niya.
Nanginginig ang tuhod ko naumupo.
Hindi pa rin siya ngumingiti.
Mukhang kailangan ko yung sinasabing seduction powers ni Benedict ah? Meron naman ata ako...
...kahit slight lang.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro