Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty-Eight
AISCELLE.
"Seriously, Aiscelle?!" iritang sabi ni Stan sa akin mula sa kabilang linya ng phone.
"Yes, seriously," sagot ko at hindi ko maitago ang pagkadismaya sa boses ko. "I need to go now. Our meeting is about to start."
"Don't you dare end this call Ms. Monasterio! Concert ng EndMira ngayon! Your Jasper invited you and yet, you turned him down! For what? For some petty business meeting with a low class investors?"
"Grabe ka naman makapanlait sa mga ka-meeting ko!"
"I know Mr. Garcia. Babaratin ka lang niyan kaya might as well cancel the meeting at pumunta ka na kay Jasper! Mamaya maunahan ka pa!"
"Pero kasi..."
"Aiscelle! Akala ko ba babawi ka sa kanya? Akala ko gusto mong patunayan sa kanya na mahal mo siya? Eh ano? Yung pag bawi mo sa kanya eh second option pa rin? Mauunahan ka talaga."
Huminga ako nang malalim.
Sa totoo lang may ticket na ako sa concert ng EndMira. Galing kay Ice. At eto ako ngayon, nag-aantay sa isang meeting. Pero 'di ba mas importante ang meeting? Ang trabaho?
"Never mo pang napanuod silang tumugtog simula nang maging sikat pa sila 'di ba?" sabi ni Stan mula sa kabilang linya. "Pumunta ka. Hindi lang para kay Jasper, kundi pati na rin sa kakambal mong epal."
"Stan!"
"Este doon sa Ice na manloloko."
"Hindi manloloko ang kakambal ko!"
"Joke lang! Doon sa kakambal mong desperado kay Timi."
Napatawa ako nang mahina.
"Wala ka talagang matinong description sa kakambal ko 'no?"
"Wala. At wag mong ibahin ang usapan! Pumunta ka."
Huminga ako nang malalim.
"Hahabol ako doon sa concert. Nandyan na si Mr. Garcia and I cannot cancel the meeting today."
"But Aiscelle---!"
"Bye Stan."
I ended the call.
Naglakad ako papasok sa conference room kung saan naghihintay si Mr. Garcia.
Oo, dismayado ako. Gusto kong umalis. Gusto kong pumunta sa concert pero tali ang kamay ko sa mga responsibilidad na dapat kong harapin.
Mauunahan nga talaga ako.
"Ah, Ms. Monasterio," nakangiting sabi ni Mr. Garcia pero halata sa mukha niya ang pag-aalala. "Uhmm, is it okay if we resched our meeting today?"
"R-resched sir? Why?"
"I am so sorry, I have an emergency call and I need to go. I am really sorry."
"Oh I see," nginitian ko siya. "It's okay sir. No worries! Pwede naman po natin i-resched."
"Please do! Thank you talaga ah? And sorry!"
"Ayos na ayos lang po!" ngiting ngiti kong sabi.
Hinatid ko si Mr. Garcia hanggang lobby at paulit-ulit siyang nag s-sorry. Nang makaalis na siya, dali-dali kong kinuha ang bag ko at dumiretso ako sa parking lot.
Yes! Makakahabol ako! Oh my gosh! Nasa akin pa rin ang pabor ng langit! Thank God talaga!!
Habang nag d-drive ako papunta sa concert hall, tinawagan ko si Stan at in-on ko ang loud speaker.
"Stan!! May good news ako!" pangbungad ko sa kanya.
"May emergency si Mr. Garcia kaya you're on your way sa concert?"
"Oo--! Teka, paano mo nalaman?"
"You need to thank me, my dear Taylor," natatawa-tawa niyang sabi.
"Shit, ikaw yun? Ikaw yung emergency na dapat niyang puntahan?!"
"Yep."
"Stan!!! I love you na talaga! You're the best!"
"Mamaya ka na maging masaya. Pumunta ka na ngayon dali!"
"Sige sige I'll call you later! Bye!"
"Ingat ka and enjoy. Bye!"
Ngiting-ngiti ako na nagmaneho papunta sa concert. Sayang lang at mukha akong tangang naka-corporate attire doon.
But I don't care.
Makikita ko si Jasper na mag perform. Finally. Matapos ang mahabang panahon.
At sana after concert maka-bonding ko pa siya.
~*~
NICA.
"Nica, anong seat number mo?" tanong ni Ayen sa akin habang papasok kami sa loob ng concert hall kasama si Chef Timi at ang best friend niyang si Rika.
Iniabot ko kay Ayen ang ticket ko.
"Oh, nahiwalay ka ng seat sa amin but I think katabi mo yung family ni Jasper. I'll help you find your seat," sabi ni Ayen.
Nginitian ko siya, "thank you po."
Kinindatan naman niya ako, "no problem. Binilin ka ni Jasper sa akin, eh."
Ngayong gabi na ang concert ng EndMira at isinabay ako nina Chef Timi papunta rito. Ang daming tao. Naguunahan sa pagpasok sa loob. Karamihan may hawak na light sticks. Maraming naka fandom shirt. May mga dalang banners. Mga excited ang itsura.
Napatingin ako sa suot ko. Naka red na sweatshirt ako, black skirt at sneakers.
Kanina habang naka-break ako sa duty ko sa restaurant, dumating si Benedict at si mamita at binigay sa akin ang mga damit na 'to. Kung saan nila ito nakuha, wala akong idea. Ang ganda ng damit sa totoo lang. Pero nung sinuot ko na, parang nag mukhang chepangga. At kahit matino man ang itsura ko ngayon, parang pakiramdam ko ang out of place ko pa rin sa mga crowd.
"Uy si Ate Nica oh!"
Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko at nakita ko si Jaden, ang kapatid ni Jasper kasama ang mama niya na papasok din sa loob.
Nilapitan nila kami.
"Sold out concert na naman!" sabi ni Ma'am Jennifer kina Chef Timi.
"Oo nga po Tita eh. Wala. Malakas ang EndMira!" sagot naman ni chef.
"Kami pa ba?" ngiting-ngiti na sabi ni Ayen.
Napatawa si Ma'am Jennifer.
"Ikaw kasi iho, sukat huminto sa pagtugtog."
Nag kibit balikat lang si Ayen sa kanya habang nakangiti.
"Ate Nica tabi ka sa amin?" tanong sa akin ni Jaden.
"Ah, oo ata. Kayo ata kasama ko," sabi ko naman at pinakita ko sa kanya yung ticket ko.
"Ayun! Yes! Ma kasama natin si Ate Nica."
Nginitian ako ni Ma'am Jennifer, "buti nakapunta ka. Naku 'tong si Jasper excited na excited."
"Paano magyayabang," sabi naman ni Jaden.
Napatawa naman kami sa kanila.
"O siya tita iiwan na po namin sa inyo si Nica," sabi naman ni chef Timi at tinignan ako. "Nica pag wala kang kasabay pauwi, text me ha?"
"Thanks po chef."
"Don't worry Ate Timi, si kuya na bahala kay Ate Nica," ngiting ngiti naman na sabi ni Jaden.
Napatingin ako sa batang ito at napangiti.
Ayokong mas lalong umasa kay Jasper. Nakakatakot ma-inlove sa kanya. Pero hindi ko maidedeny na natutuwa ako dahil mukhang tinutulak niya ako palapit kay Jasper.
Nagpaalam na sina Chef Timi at pumasok na sila sa loob. Nag punta muna sa restroom si Ma'am Jennifer kaya naman naiwan kami sa labas ni Jaden at nagaantay.
"Ay naku Ate Nica, alam mo ba ang saya ko nang malaman kong ikaw ang ininvite ni kuya? Akala ko kasi yung Aiscelle na 'yun ang yayain niya. Okay na ulit kasi sila. Buti na lang hindi."
Napatawa ako nang mahina, "bakit parang galit na galit ka kay Aiscelle?"
"Ayoko lang bumalik siya sa buhay ni kuya. She's good in bringing out the worst in him. Kaya nga hindi rin ako natuwa nung naging okay na sila."
"Jaden, hayaan mo na kuya mo. Tsaka isa pa, humingi na ng tawad si Aiscelle sa mga nagawa niya noon. Hindi madaling gawin yun. Yung magbaba ng pride? Mahirap yun."
Tinignan ako ni Jaden at pinanliitan ng mata.
"Ate Nica, hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo?"
Boom.
Sapol ka ngayon Nica.
"M-masasaktan? Bakit naman?!"
"Kasi crush mo si kuya."
"Huh?! Saan nanggaling 'yan! Hindi 'no! Ano ka ba! Ako? May crush sa kuya mo?" tumawa ako. "Anong joke yan! Sus! Hindi ko siya type. Loko loko kuya mo eh. Madalas pang parang sira ulo. Sus. Ako? Sus!"
Nginitian ako ni Jaden ng nakakaloko at puno ng pang aasar.
Walang hiya. Magkapatid nga sila ni Jasper Yu.
"Push mo 'yan Ate Nica."
Napayuko ako at dama ko na nagiinit ang mukha ko. Mamaya maging mas mapula pa sa sweatshirt na suot ko ang mukha ko. Ayoko naman nun.
"Alam mo ate Nica, medyo nawalan na ako ng amor sa mga kababaihan simula nang makita ko kung paano mahirapan si kuya dahil kay Aiscelle. Pero kung ikaw ang magiging girlfriend ni kuya, okay lang sa akin. Hindi ka naman kasi tulad ng iba."
"A-ano ka ba."
Shet na bata 'to oh! Pinapakilig ako sa mga sinasabi niya! Bet niya raw ako para sa kuya nya. Langya. Gusto ko magtititili.
"Wait, come to think of it, wala akong ibang gustong maging girlfriend si kuya kundi ikaw lang kaya tutulungan talaga kita."
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at binigyan ko siya ng isang malungkot na ngiti.
"Pero hindi mo matuturuan ang nararamdaman niya."
Ngumisi siya, "we'll see."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro