Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Two
AISCELLE.
Ilang beses akong nag inhale-exhale. Ilang beses kong hinimas-himas ang mga braso ko dahil ramdam ko ang lamig at panginginig nang buo kong katawan
At hindi ko maintindihan kung dahil ba sa biglang buhos nang ulan ngayon o dahil alam kong papunta si Jasper dito sa kinalulugaran ko?
Medyo secluded ang area na 'to. Walang masyadong nagdadaang sasakyan. Ang lakas nang buhos ng ulan at na-flat-an pa ako ng gulong. I tried to call my brother but he is not picking up his phone. For sure naka silent na naman yun. Ganyan yan eh. Hindi ko alam ang landline number sa HQ nila at bukod kay Jasper, wala akong contact sa iba pang members.
Hiyang hiya akong tumawag kay Jasper nun. My heart sinks nung sinabi niyang wala siya sa HQ. I am about to call Stan nang biglang tumawag ulit si Jasper at tinatanong niya kung nasaan ako.
Napayuko ako sa manibela ko and I let out a nervous laugh.
Shit. Hindi ko mapigilang ngumiti.
Dapat kinakabahan na ako sa sitwasyon ko ngayon. Any minute pwedeng may lumitaw dito na masamang tao o maligno pero ang saya saya ko pa rin.
A while ago, I was cursing myself dahil wala man lang akong kaalam-alam sa pagpapalit ng gulong. Pero ngayon ba't ang saya saya ko dahil wala akong alam sa pagpapalit ng gulong?
Hindi ko in-expect na pupuntahan ako ni Jasper. Alam kong okay na kami but I know these past few weeks, ramdam kong parang wala na lang ako kay Jasper.
But now...
Masama ba kung aasa akong meron pa rin siyang nararamdaman para s akin?
Napa-angat ang tingin ko nang may maaninag akong ilaw sa harapan ko na galing sa headlights ng isang kotse. Huminto ang kotse na iyon sa harap ng kotse ko at doon bumaba si Jasper.
Napababa rin ako bigla sa kotse ko.
"Aiscelle what happened?"
"Jasper! Wait! Shit, wala akong payong."
"Then just stay inside your car. Baka magkasakit ka."
"Pero paano ka? Basang-basa ka na!"
I saw him smile.
"I'm okay, Aiscelle. Don't worry."
I bit my tongue to prevent myself from smiling. Dahil alam ko pag ngumiti ako, hindi ko na magagawang alisin ang ngiti sa mukha ko.
"What happened?" tanong niya habang nakasilip sa bintana ng kotse ko.
"Flat yung gulong ko."
"Okay, I got this. Just stay inside your car. Ang lakas ng ulan. Pahiram na lang ng susi ng compartment."
Iniabot ko sa kanya yung susi ko at pumunta naman siya sa likod. Naramdaman ko ang pag bukas ng compartment ng sasakyan ko. Dahil sa harap ang na-flat na gulong, kitang-kita ko na dala dala ni Jasper ang spare tire ko. Nakadikit na sa katawan niya ang itim na v-neck shirt na suot niya at bakat na dito ang dibdib niya. Nakababa na rin ang buhok niya na medyo natatakpan ang mata niya.
Para siyang nasa isang commercial ng kotse. Umuulan. Basang basa siya. May hawak na gulong. Kitang kita ang biceps.
Napayuko ako.
Shit. Shit talaga.
Oh dear.
Parating na ang mga perverted thoughts sa utak ko. Ayoko. Erase erase erase. Ano ba.
Pinikit ko ang mata ko para wag akong ma-tempt na titigan si Jasper. Pero pag pikit ko, ang imagination ko naman ang nag laro. Na-imagine kong nag topless siya.
Pinalo-palo ko ang noo ko.
May kumatok sa bintana ng kotse ko at halos mapatalon ako nang makita ko si Jasper. Ibinaba ko ulit ang bintana.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
Tumango ako, "yes, yes."
"Oh, nakita kasi kitang hinahampas ang noo mo? Nabasa ka ba? Masakit ulo mo?"
Umiling ako.
"A-ah hindi, may lamok kasi."
Bwiset na palusot yan.
"Oh..okay," ngumiti siya.
Kinagat ko ulit ang dila ko.
"Saglit lang 'to," pahabol ni Jasper sabay turo doon sa gulong.
"Sorry ah? Basang basa ka na."
"No worries!"
Lumuhod si Jasper sa gilid ng kotse ko at nagsimulang palitan ang na-flat na gulong.
Sabi niya mabilis lang ang pagpapalit ng gulong.
Alam kong ang selfish pakinggan, pero gusto kong mag tagal. Kahit lumabas ako. Kahit mabasa rin ako ng ulan kasama siya. Kahit pareho kaming magkasakit. Okay lang sa akin.
Bumaba ako sa kotse. Napa-angat bigla ang tingin ni Jasper.
"Aiscelle! Ba't ka bumaba? Ang lakas ng ulan!"
Tumingala ako then tinignan ko ulit siya at nginitian.
"Eh, basa na rin ako."
"Pasaway ka talaga. Hindi ka marunong makinig."
"Ang unfair kasi na ikaw nababasa ka dito samantalang ako nasa loob eh kotse ko naman 'to."
"But still!"
"I'm okay."
Bumuntong hininga si Jasper at nginitian ako.
"Kakambal mo nga si Ice."
Ibinalik nya ang tingin nya doon sa gulong ng kotse ko.
"Speaking of Ice, na-contact mo na ba?"
Umiling ako. "He's not answering his phone."
"Tatawag dapat ako sa HQ kanina kaso biglang namatay ang phone ko," sabi niya. "Hindi ko pa nadala charger ko."
"Ang hirap din ng signal ngayon. Hindi ako makapag send ng text message," sabi ko naman sa kanya.
Pero buti na lang at nagawa kong tawagan si Jasper. Buti na lang at siya ang pumunta rito.
Siguro kung dati nangyari ang bagay na 'to, wala lang ang pag punta ni Jasper. Though alam kong kahit bagyo, susugurin niya mapuntahan lang ako.
Siguro kung dati, yung mga ganitong gestures ni Jasper hindi ko ma-appreciate dahil alam kong gagawin niya talaga ang bagay na 'to.
But now...
Tama nga sila na kailangan mo munang maranasan na mawala sa'yo ang isang tao o bagay bago mo ito ma appreciate.
Tinignan ko si Jasper at napahinga ako nang malalim.
Alam mo yung feeling na gustong gusto ko siyang yakapin ngayon? Na gusto ko siyang halikan at paulit ulit na sabihin sa kanya kung gaano ako ka-thankful na dumating siya ngayon?
Pero may invisible wall sa gitna naming dalawa. I know that for now, Jasper is out of my reach. Pero gagawin ko ang lahat matibag lang ang invisible wall na nakaharang sa aming dalawa.
"There! Ayos na ayos na!" masaya niyang sabi.
"Thank you, ah?"
"Ayos lang. Pumasok ka na agad at baka magkasakit ka."
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.
"Aiscelle?"
Tumango ako.
"S-salamat ulit."
Nag wave si Jasper at naglakad pabalik sa kotse niya.
"Jasper!"
Lumingon siya sa akin.
"Hmm?"
"I—I'm glad na d-dumating ka."
Natigilan si Jasper.
Then he nod.
"Stay safe, Aiscelle."
He gave me one last smile at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kotse nya.
Pumasok na rin ako.
Ang lamig. Pinatay ko ang aircon dahil basang basa ako. Feeling ko magkakasakit ako.
Pero kahit ganun, hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
~*~
NICA.
It's already past 12am.
One and a half hour na ako dito sa labas ng store namin. Nakasara na ang pinto. Hindi na ako makapasok dahil ang susi ay nasa mama na ni Jasper at kanina pa siya nakauwi. Ang lakas ng ulan. Tanging t-shirt lang at leggings ang suot ko. Ni wala akong jacket. Buti na lang talaga at hindi ako umaalis ng bahay nang walang dalang payong.
Pero dahil nga sa lakas ng ulan, nababasa rin ako kahit na nakapayong pa ako.
Nasaan na ba si Jasper? Kanina pa ako check nang check sa phone ko, wala naman siyang message. Kanina ko pa rin siya tinetext pero hindi siya nag-re-reply.
Alam kaya niya na 10:30 ang out namin ngayon at hindi 12am? Sabi na dapat hindi ko na siya inasar doon sa "k." na reply ko sa kanya, eh. Dapat pinaalalahanan ko na siya.
Kanina ko pa gustong lumayas dito. Ang sarap niya-indian-nin. Kung hindi lang may iniabot sa akin na files ang mama ni Jasper na kailangang kailangan kong maibigay kay Jasper ngayong gabi.
At oo na, gusto ko siyang makita.
Nagpapalit-palit ako ng weight sa magkabila kong hita dahil nangangawit na ako. One and a half hour na rin akong naka-tayo rito. Naka-ilang aching na rin ako dahil sa lamig. Ramdam ko na ang paginit ng mata ko.
Shit naman.
Hindi ako pwedeng magkasakit. Bawal akong um-absent. Paano ako sasahod? Mapuputulan ako ng kuryente kapag hindi ako nakapag bayad. Hindi pa naman pwede yun kasi kailangan kong magsulat.
I checked the time. It's already 12:40am.
Halos 10 minutes drive lang ang layo nito mula sa HQ. 20 to 30 minutes kapag traffic.
Siguro nga pagkakaalam ni Jasper 12am ang out ko kaya naman nag intay na lang ako doon. Sa ngawit ko, umupo ako sa sahig habang nasa balikat ko ang payong.
Bwiset na ulan na 'to, kelan ba niya balak tumigil?
At ba't hindi nag re-reply sa akin si Jasper?
Nakaramdam ako nang kaba.
Hindi kaya may masamang nangyari sa kanya?
Naalala kong may contact pala ako kay Sir Ayen. Baka alam niya kung nasaan si Jasper.
Dali-dali ko siyang tinawagan at sa ika-tatlong ring, sinagot niya ang phone niya.
"Nica? Ba't ka napatawag?"
"Ah, Sir Ayen, kasama niyo po ba si Jasper? Hindi kasi siya nag-rereply sa akin."
"Oh. I think he's already asleep."
Natigilan ako bigla.
"Ah.. ganun po ba?"
"Eh medyo mabigat daw pakiramdam nya, eh. Nabasa ata ng ulan."
Lumunok ako. Feeling ko maiiyak ako sa inis.
"Nasa HQ po ba kayo?"
"Yep. Nandito rin si Jasper."
"Okay lang po ba kung dadaan ako ngayon? May ipapabigay lang po akong files na pinabibigay ng mama ni Jasper."
"You sure? Saan ka ba? 1am na, ah. Hindi ba delikado? Bukas na lang kaya?"
"Ah malapit lang po ako. Daan na ako ngayon."
"Sige, iintayin kita."
In-end ko na ang call at naglakad papunta sa sakayan ng jeep.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil medyo basa na ang likod ko, at pagod na ako, at na-f-frustrate ako, naiiyak sa inis. Gusto kong paulanan ng mura si Jasper.
Pero lecheng yan. Leche talaga. May part sa akin na nagaalala rin sa kanya dahil mabigat ang pakiramdam niya.
Bakit ba sobrang nakaka-tanga kapag nagkagusto ka sa isang tao?
Medyo malayong lakarin mula sa gate ng subdivision yung HQ ng EndMira.
Ang dilim pa. Hindi gumagana ang ilang lamppost. Buti na lang at ambon na lang.
Inilabas ko sa bag ko ang balisong ko just in case may magtangka sa akin dito. Pero buti na lang at mukha ring walang tao. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na ang HQ.
Pinindot ko ang doorbell. Agad naman binuksan ni Ayen ang pinto.
"Nica! Uy okay ka lang?"
Pinilit kong ngumiti.
"Ah, okay lang. Idadaan ko lang po."
Inilabas ko sa bag ko yung files na ipinapaabot ng mama ni Jasper.
"Sige ibibigay ko. Ay teka, hindi ba kayo nagkita ni Jasper kanina."
Umiling ako.
"Hindi, eh."
"Pero lumabas si Jasper kanina. Saan nagpunta yun."
Yumuko ako at umiling. Ramdam kong nahalata ni Ayen ang kilos ko.
"Ah alis na ako," paalam ko sa kanya.
Tinalikuran ko na siya agad dahil ayokong makita niya ang expression ng mukha ko.
"Wait," hinawakan niya ang balikat ko. "Hindi ka ba pinuntahan ni Jasper?"
Hindi ako umimik.
Napa-palatak siya.
"That guy."
Hinila ako ni Ayen papasok sa loob.
"T-teka..."
"Gigisingin natin yang mokong na yan."
Tuloy tuloy na naglakad si Ayen papunta sa kwarto ni Jasper habang hatak-hatak ako. Walang katok-katok na binuksan niya ang pinto sa kwarto ni Jasper.
Hinawi niya ang kumot nito at napatingin ako agad sa sahig dahil naka topless at boxers lang si Jasper.
"Hoy mokong gumising ka!" tinapik-tapik ni Ayen ang noo ni Jasper.
Hindi kumilos si Jasper.
"Huy gising! Si Nica nandito!"
"Ah, Sir Ayen hayaan mo na siya."
"Anong hayaan? Eh mukhang pinagantay ka nito, eh. Ang mga babae hindi dapat ini-indian! Lalo na ikaw kasi binibigyan mo ako ng libreng dessert sa restaurant ni Timi!"
Tinapik ulit ni Ayen si Jasper sa braso.
Jasper groaned at hinatak niya pataas ang kumot niya at tinalikuran kami.
"Aba't itong--!!"
Mukhang sasapakin na ni Ayen si Jasper kaya lang bigla itong umubo nang malakas. Nagkatinginan kami ni Ayen.
"P-pwedeng...?" tinuro ko si Jasper at tumango si Ayen.
Lumapit ako dito at hinawakan ko siya sa leeg at sa noo.
"Ang init init niya! Sir Ayen may thermometer po ba kayo rito?"
Agad lumabas si Ayen at kinuha ang thermometer. Chineck ko agad ito at pumalo sa 40 degrees ang lagnat ni Jasper.
"Ang taas ng lagnat niya. Nabasa siya ng ulan kanina?" tanong ko.
"Yes. He is soaking wet nung bumalik siya."
"Okay lang po ba na pahinaan ang aircon? Sobrang lamig sa kwarto na 'to. Tapos kung pwede may pajama ba at t-shirt itong si Jasper?"
"Wala siyang pajama. Laging ganyan yan matulog, eh. Mahalay. Teka meron ako."
Lumabas ulit si Ayen. Itinaas ko muna ang kumot ni Jasper hanggang sa leeg niya para hindi siya malamigan. Naglagay rin ako ng unan sa magkabilang side niya.
Nang pumasok si Ayen dala ang pajama, lumabas muna ako at hinanap yung medicine cabinet na sinasabi ni Ayen sa akin. Buti na lang at may mga gamot sila rito.
"Dadalhin na ba natin si Jasper sa ospital?"
"I-monitor po muna natin. Feeling ko high fever lang. Painumin muna natin siya ng gamot."
Ginising namin si Jasper para painumin ng gamot. Groggy naman siya na sumunod sa amin. Feeling ko nga wala siyang idea ngayon sa kung sino ang mga nasa paligid niya dahil pagkainom ng gamot eh agad siyang nahiga at natulog.
"Nica, good thing you're here. Wala akong idea na mamatay na pala kanina si Jasper."
Napatawa ako nang mahina.
"Hindi siya mamatay. Masamang damo siya."
Tumingin si Ayen sa wallclock.
"Shit, alas-tres na pala. Nica dito ka na muna mag stay. Ang lakas din ulit ng ulan sa labas, eh. May guestroom kami. Matulog ka na doon."
"Salamat po."
Hindi na ako umangal pa at pumunta ako sa guestroom. Ang sakit nang buong katawan ko. Yung likod ko, yung ulo ko. Ang init nang pakiramdam ng mata ko.
Feeling ko pag nahiga ako ako naman ang matutuluyan nito.
Dahil alam kong saglit lang din ang magiging tulog ko at ikasasama lang yun lalo ng pakiramdam ko, lumabas na lang ulit ako ng kwarto at bumalik sa room ni Jasper.
Chineck ko ang temperature niya. Ganun pa rin.
Nag handa ako ng maligamgam na tubig na may alcohol at ipinunas ko ito sa braso at leeg ni Jasper. Ipinatong ko rin ito sa noo niya.
Medyo may alam ako kung paano ang gagawin kapag may lagnat. Nung highschool kasi ako, madalas akong lagnatin at since wala naman nag-aalaga sa akin, natutunan kong gawin ito para sa sarili ko.
Tinignan ko si Jasper habang natutulog. Ang peaceful ng itsura. Akala mo kung sinong mabait. Ang pula pa ng ilong at labi niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Pasalamat ka Jasper Yu at nagkasakit ka ngayon. Medyo nakaligtas ka sa inis ko sa'yo dahil sa pang i-indian mo. Pero dahil diyan, pag gumaling ka hahayaan muna kitang mag explain at magpapalibre ako sa'yo nang pagkain. Bwiset ka.
Mga bandang 5am, bumaba na ang lagnat ni Jasper. Sinat na lang ang meron siya at kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag.
Mamayang 5:30 kailangan niya ulit uminom ng gamot kaya naman nagtanong ako kay Ayen kung pwede kong iluto yung cream of mushroom soup na nakita ko kanina sa cabinet nila.
"Hindi ka ba natulog?" tanong sa akin ni Ayen.
"Ayos lang. Sanay ako sa puyatan."
"Sure kang okay lang na magluluto ka?"
"Opo. No problem yun," nag thumbs up ako sa kanya at sinimulan ko nang i-prepare ang pagkain ni Jasper.
Kinuha ko yung can ng cream of mushroom soup at ang can opener. Habang binubuksan ko ang lata, bigla na lang dumoble ang paningin ko at hindi ko napansin na nahiwa na pala ako sa takip nung lata.
Agad akong pumunta sa may sink. Ang daming dugo na lumalabas sa daliri ko. Napapikit ako dahil ramdam ko na umiikot ang paligid ko.
Humawak ako nang mahigpit sa gilid ng sink.
Shit.
Hindi ako pwedeng magkasakit.
Naupo ako saglit at kumuha ng tubig para uminom. Nang mawala ang hilo ko, medyo kumalma ako.
Nilagyan ko ng bandaid ang hiwa sa daliri ko at inumpisahan ko nang i-prepare ang pagkain ni Jasper. Nag toast pa ako ng tinapay para mabigat bigat sa tyan ang pagkain niya.
6am na rin at kailangan na niya talagang bumangon at kumain.
Inilagay ko sa tray yung mga pinerepare ko na pagkain at lakad ako papunta sa room niya.
Kaya lang bago ako makapasok, napahinto ako.
Dahil may ibang tao sa loob ng room niya.
Aiscelle.
"Jasper?"
Iminulat ni Jasper ang mata niya at nakita niya si Aiscelle sa tabi niya.
"Aiscelle, what are you doing here?" nanghihina niyang tanong.
"Sabi ni Ice may sakit ka kaya nagpunta ako agad."
Umayos ng upo si Jasper. Agad naman siyang inabutan ni Aiscelle ng tubig.
Hinawakan ni Aiscelle ang noo ni Jasper at napahinga siya nang malalim.
"Thank god mababa na ang temperature mo."
Napatingin siya doon sa basin na may tubig at bimpo then napangiti siya kay Aiscelle.
"You don't have to do this, Aiscelle."
Umiling si Aiscelle.
"No. It's my fault kung ba't ka nagkasakit. Dahil sa akin kaya ka nabasa ng ulan kagabi kaya aalagaan kita."
Halos maibagsak ko ang tray na hawak ko dahil sa narinig ko.
Kaya hindi niya ako sinipot. Kaya pala.
"Okay lang yun. Ikaw talaga."
Nginitian ulit siya ni Jasper.
Tumalikod ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko at parang dinaganan ng malaking bato ang puso ko.
"Oh Nica?"
Napatingin ako kay Ayen na kalalabas lang sa room niya.
"Uhmm..."
Iniabot ko kay Ayen yung tray.
"Yung food po ni Jasper. Kailangan na rin niya uminom ng gamot. Siguro pagkatapos niya rin mananghalian isa pa ulit inom. Mababa na naman ang temperature niya. Tapos marami po akong pinrepare na mushroom soup. Baka gusto rin ng ibang EndMira," tuloy tuloy na sabi ko para hindi makasingit si Ayen.
"Kailangan ko na pong umalis. May pasok pa ako sa restaurant ni chef."
"Teka, papasok ka? Eh wala kang tulog? Ang putla mo pa. I think Timi will understand."
Umiling ako.
"Kailangan ko na pong umalis."
"Teka, Nica—!"
Hindi ko na pinansin si Ayen at kinuha ko ang bag ko at dire-diretso akong lumabas sa HQ. Nandoon sa may garden si Geo at nagulat siya na makita ako. Binati niya ako. Binigyan ko siya ng matipid na ngiti at hindi na ako ulit lumingon.
Naglakad ako nang mabilis palabas ng subdivision.
Nakayuko at pilit na pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko.
Mamaya na lang, pag mag-isa na ulit ako.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro