Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty Six

Chapter Thirty Six

JASPER.


"Good morning."

Naramdaman kong may labi ang dumikit sa pisngi ko. Napangiti ako at iminulat ko ang mata ko.

"Good morn—shit!"

Napaayos ako bigla nang upo. Kinusot kusot ko ang mata ko at baka nag iimagine lang ako. Pero hindi. Totoo ang nakikita ko.

Shit! Shit!

There's a naked girl beside me.

At hindi ko siya kilala.

What the hell happened last night?!

Pahawak ako sa ulo ko.

Shit na yan.

"Hangover?" tanong nung babae.

Gusto ko siyang sagutin nang oo, hangover. Hangover at amnesia ang nararanasan ko ngayon hindi ko matandaan kung sino siya at paano siya napunta sa kama ko.

Napasilip ako sa ilalim ng kumot at langya, wala rin akong damit.

Shit naman na yan. Itinigil ko na ang ganitong gawain ko, eh. Alam ko good boy na ako, eh. Isa pa, hindi ko naman na-e-enjoy kadalasan kasi nakikipag one night stand ako kapag lasing ako at kinabukasan wala na akong maalala palagi.

Ano na naman ang nangyari?!

Ang natatandaan ko lang sinundan ko si Geo sa bar dahil baka mag laslas ang isang yun. Isa pa mas malala malasing sa akin yun. Kung anu-ano ang ginagawa non.

Nung pagdating ko sa bar, ayaw magpaawat ni Geo sa pag inom. Kaya ang ginawa ko, ako sumasalo ng ibang alak na dinadala sa lamesa namin dahil alam ko, pag ako ang nalasing, iuuwi ako ng maayos nitong si Geo.

Pero hindi ko naman inaasahan na ganito na naman.

Shit naman.

"Oh poor Jasper. Mukhang ang sakit sakit ng ulo mo," sabi nung babae at hinatak niya ako palapit sa kanya at hinalikan ako sa labi.

"Ah miss," medyo tinulak ko siya palayo and I'm trying my best not to stare at her body na nakabuyangyang sa harapan ko.

"Miss? Ano nakalimutan mo ang pangalan ko?"

Napakamot ako sa likod ng ulo ko and I gave her a sheepish smile, "s-sorry, wala akong maalala."

Napahinga siya nang malalim.

"Tama nga ang sabi ni Geo."

"Geo?"

Tumango siya. "Yep. He warned me na hindi mo maalala ang mga nangyari pagkagising mo. Akala ko nag j-joke lang siya o dala lang ng kalasingan niya kaya nya nasabi yan pero totoo pala."

Napakunot ang noo ko. Lasing din si Geo? Pakiramdam ko may maling nangyari kagabi bukod dito sa babaeng nadatnan ko sa kama ko na nakahubad.

"Anyway, gusto mo ipaalala ko na lang sa'yo ang nangyari?"

Napabalik ang tingin ko dito sa katabi ko. Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. Chinita na maputi. Mahaba ang buhok niya. Slim. Maganda. Mukhang mayaman.

Pero mas maganda si...

Napailing ako. Shit ba't biglang pumasok sa utak ko yun.

The girl leaned forward and she started kissing me again.

This is so wrong.

Humiwalay ako sa halik niya as gently as I can.

"Sorry ah? I can't do this."

"Wow. After what you did last night?"

Napailing ako, "kung ano man ang nagawa ko, I'm so sorry. Wala akong maalala."

Nakita ko ang galit sa mata niya.

"Ang mga sikat talaga napaka jerk!" sabi niya sabay tayo.

Madali siyang nag bihis at ako naman, hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ano nga ba?

Tama naman siya.

Nag lasing ako. Ginawa ko ulit 'to. Nauwi na naman ako sa ganitong sitwasyon at wala na naman akong naalala sa nangyari kagabi. Ni hindi ko matandaan kung kelan niya ako nilapitan sa bar. O baka ako ang lumapit sa kanya?

Tapos hindi ko siya maalala. Hindi ko maalala kung ano ang mga pinag gagagawa ko sa kanya kagabi.

Dire-diretsong lumabas ng kwarto ko yung babae. Kumuha naman agad ako ng tuwalya at ibinalabal ko ito sa bewang ko.

Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nagbukas din ang kwarto ni Geo. May lumabas na isang babae.

"Tiffany let's go home!" sabi nung babae na kasama ko sa kwarto kanina.

"Wait lang Sandy!" sabi naman nung babaeng kalalabas pa lang sa kwarto ni Geo.

Nakita kong lumabas si Geo mula sa kwarto niya at hinila siya palapit nung Tiffany at hinalikan siya.

Hindi bumitiw si Geo.

He kissed the girl back.

"Call me," sabi nung babae then she winked at him

Nginitian siya ni Geo.

Lasing pa ba ang kumag na 'to?

Lumabas na yung dalawang babae. Yung isa naghihimutok sa galit dahil sa akin. Yung isa naman, ang saya saya dahil kay Geo.

Nilapitan ko si Geo.

"Pre, anong nangyari kagabi?"

Hindi umimik si Geo.

Napakamot ako sa ulo.

"Lasing na lasing ako," sabi ko sa kanya. "Pero nasa matinong pagiisip na ako ngayon. Eh ikaw?"

Nilingon ako ni Geo.

"Huh?"

"Nasa matinong pagiisip ka na ba?"

"Ano ba yang sinasabi mo," irita niyang sabi. Lumapit siya sa ref at uminom ng tubig.

"Ano may ka-fling ka na?"

Nilingon ako ni Geo.

"And what's wrong with that? I'm single. Isa pa ginagawa mo rin naman 'yan noon 'di ba?"

"Oo. Kaya nga may karapatan akong sabihin sa'yo na pre, hindi maganda yan. Nagawa ko na yan at hindi maganda ang naging epekto sa akin nyan."

Napakunot ang noo niya pero hindi siya nagsalita. Instead, nilayasan lang ako.

Napabuntong hininga ako.

Ang dami kong naka-fling na babae noon. Ang dami kong nalandi. Naging masaya ba ako? May maganda bang nangyari sa akin?

Wala.

Kada makakasama ko sila, kada magpapalipat lipat ako ng babae, mas lalo kong nararamdaman ang kawalan sa puso ko. Mas lalo akong nagagalit sa sarili ko at sa sitwasyong nangyayari sa akin.

At grabe kong sinisisi si Aiscelle noon dahil sa mga nangyayari.

Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawa kong kamay.

Isang kalokohan na naman ang naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon.

"Huy!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagpatong ng kamay sa balikat ko. Nakita ko si Ayen na nakakunot ang noo sa harapan ko.

Napailing siya. "Sabi na eh."

"Ano na naman?!"

"May nakita akong dalawang babae na palabas ng HQ natin. Tapos makikita kitang nakatapis lang dyan at mukhang wasted na wasted. Alam na!"

Napailing ako.

"Gago!"

"Kaso yung isa umiiyak. Yung isa naman parang ang saya. Isa lang ginawa mong jowa? Pati ba naman sa ganyan dala-dalawa rin gusto mo? Mahilig ka sa dalawang babae, ah."

Napahawak ako sa noo ko at parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. Kung wala lang akong hangover ngayon, nasapak ko na 'tong taong nasa harapan ko.

Hindi ko na lang pinansin si Ayen at bahala siya dyan sa kung anong gusto niyang sabihin. Hindi na rin naman niya ako inintindi. Pagkakuha nya ng ice cream sa ref, bumalik na siya sa living room at narinig kong binuksan niya ang TV.

Tumayo ako para mag timpla ng kape.

"Jasper! Shit!"

Napatingin ako bigla kay Ayen nang sumigaw siya.

"Problema mo?!"

"Pumunta ka rito! Shit talaga pre! Si Geo nasaan?!"

"Huh?"

Dali dali akong pumunta sa living room.

"Shit pare. Ano na namang kalokohan 'to!"

Hindi ako makasagot kay Ayen.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nasa news kaming dalawa ni Geo..

..at mukha ngang may nagawa kaming kalokohan sa bar kagabi.

~*~

"What the hell are you thinking?!" nanggagalaiting tanong sa amin ni Rochelle.

Pareho kaming hindi umiimik ni Geo. Parehong hindi makapag salita.

Kitang-kita sa news na kung sinu-sinong babae ang nakapalibot sa amin. Mga mukha kaming wasted na babaero na asal kalye.

At oo, ang laking issue nga nito.

Napahinga ako nang malalim habang medyo bumabalik na sa isipan ko ang mga kalokohang pinag gagawa ko kagabi.

What the hell am I thinking?

"Akala ko tumigil ka na sa pag gaganto, Jasper! Isinama mo pa si Geo!"

Hindi ako umimik.

"Ah Rochelle, hindi si Jasper ang may kasalanan. It's my fault. Ako ang namilit sa kanya doon."

"Wag mo nang pag takpan, Geo! At may kasalanan ka rin! Bakit mo kinunsinti na naman si Jasper sa kalokohan?!"

"Rochelle believe me! Walang kasalanan nga si Jasper! Pre sabihin mo nga sa kanya!"

Tinignan ko si Geo at tinapik ko siya sa braso para sabihing ayos lang sa akin.

Geo has a clean record unlike me. Sanay na ang mga tao na maloko ako. Kung magkaka issue kami rito, mas mabigat kay Geo and I can't burden him with that kind of problem knowing na nahihirapan na siya ngayon dahil kay Rika.

I cannot do that to him.

Ang dami kong kalokohan dati at palagi akong pinoprotektahan ng EndMira.

Now it's my turn.

"Jasper the management wants to suspend you. Hindi ka raw muna makakatugtog."

Napapikit ako.

"What?! No! You can't do that to him! That's unfair! At bakit siya lang?! Pareho kaming andoon ah!" sigaw ni Geo.

"Geo calm down!" sabi naman ni Rochelle.

"Pre," tinapik ko ulit sa balikat si Geo. Napatingin ako kay Rochelle, "let me guess, may substitute ako 'no?"

Rochelle's eyes soften at kita ko rin ang takot dito. Na aware siya sa kung ano ang pwedeng mangyari sa career ko ngayon.

Tumango si Rochelle.

"Yes. For the meantime papalitan ka raw muna ni Adam."

I knew it.

Adam is our president's grandson. Antagal na niyang gustong maging drummer ng EndMira kaya lang hindi nila ako mapalitan noon dahil sa dami ng fans na sumusuporta sa akin at pati na rin sa dami ng projects na natatanggap ko.

Pero alam kong unti-unti silang humahanap ng butas para mapalayas ako sa EndMira.

"Hindi pwede," mariin na sabi ni Geo. "Kung sususpendihin niyo si Jasper, dapat ako rin dahil hindi lang siya ang may kasalanan dito."

Nilingon ko siya.

"Pre kanina pa kita gustong sapakin sa totoo lang. Hindi makakatulong yang ginagawa mo. Mapipilay ang EndMira kapag dalawa tayong nawala."

"Pero---!"

Nginitian ko siya, "wag kang mag alala. Pansamantala lang naman yun, eh. Mas pogi pa rin ako doon sa Adam na yun."

"At mas talented!" sabi ni Rochelle kaya pareho kaming napatingin sa kanya sa gulat. "Ni hindi marunong tumugtog ng maayos yun. Walang wala yun sa kalingkingan ng Jasper namin!"

Napangiti ako sa kanya.

Kahit sobrang istrikto niyang si Rochelle, alam kong isa siya sa mga taong may concern na tunay sa amin at gustong gusto kaming makitang mag succeed.

Maswerte kami na siya ang manager namin.

Katakot-takot ang ibinilin sa akin ni Rochelle. Katakot takot din ang sermon na natamo namin ni Geo sa kanya. Talo na niya si mama sa tindi ng panenermon niya.

Pero buti na lang at tao lang din siya at napapagod din kaya nung nagsawa na siyang manermon, nilayasan na kami.

"Pre sorry talaga, ah? Kasalanan ko," sabi ni Geo.

"Sus. Pareho lang tayong mukhang unggoy doon sa balita."

Napayuko si Geo.

"Naalala mo ba nang buo ang mga nangyari?"

Tumango siya.

Napabuntong hininga ako.

"I've been there before. Yung mga ganyang kagaguhang ginagawa ko para makalimot. Pero pre, may nagturo sa akin na pahalagahan ko kung anong meron ako lalo na 'tong career ko. Sabi niya, ito yung pangarap ko eh, at nakuha ko na yung pangarap ko kaya tine-take for granted ko na lang. Samantalang yung iba, halos magpakamatay na mapunta lang sila sa lugar na gusto nilang puntahan. Alam mo natauhan ako doon kaya simula nun itinigil ko na ang pagiging wasted dahil sa isang tao."

Napapikit si Geo at itinakip niya ang ilang daliri niya sa kanyang mata.

"Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang sakit."

Tumango ako pero hindi ako nagsalita.

Naiintindihan ko.

Naranasan ko na yan. Alam ko kung gaano kasakit. Alam ko kung gaano kahirap. Yung pakiramdam na parang wala kang kwenta. Yung lahat ng effort na ginawa mo, yung lahat ng bagay ibinigay mo, lahat ng meron ka itinaya mo na pero kulang na kulang pa rin para sa kanya.

Alam ko ang nararamdaman niya.

At wala kahit anong salita ang magpapagaan sa loob niya.

Bumalik ako sa kwarto ko at pagkasara ko ng pinto parang doon lahat bumagsak sa akin ang mga nangyari.

Yung pag sub sa akin ni Adam sa banda, gusto kong isipin na pansamantala lang.

Sana pansamantala lang.

Dahil hindi ko kakayanin kung pati EndMira mawawala sa akin.

Napasuntok ako sa pader at ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan.

What should I do?

I feel lost again.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro