Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Four
AISCELLE.
"So this is what your office looks like," sabi ni Stan habang iniikot niya ang kanyang tingin sa opisina ko.
Lumapit siya sa sofa at pinindot ang ilong ng malaking teddy bear na nakaupo rito.
"I'm quite surprised that you have a huge bear sitting inside your office."
Napatawa ako nang mahina.
"And why is that? Because I'm too plain and serious?"
He grinned.
"Slight."
Nilapitan ko siya at hinampas ng mahina sa braso,
"At talagang um-agree ka na ganoon ako?"
Napatawa siya at muling ibinalik ang tingin doon sa stuffed toy.
"So who gave you this? Yung the one that got away mo?"
Umiling ako.
"Hindi. Bigay sa akin yan ni Ice nung graduation namin ng gradeschool."
"Oh...really?"
"Oo. Alam mo ba, inipon niya talaga yung baon niya para mabili sa akin yan. Sabi niya kasi mag h-highschool na kami. May mga manliligaw na raw sa akin at yun na ang magbibigay sa akin ng mga stuff toys kaya bago pa dumating ang ibang lalaki sa buhay ko, bibilhan niya na ako." I smiled at Stan. "Seryoso man siya madalas but Ice is a sweet guy. Swerte rin si Timi sa kanya."
"Tss. May sinabi ba akong hindi?"
"Yung expression mo!" natatawa-tawa kong sagot sa kanya.
"Back to business," pagbabago niya nang topic.
Napailing na lang ako habang nakangiti.
Itong Stan na 'to, sabi niya inis pa rin siya kay Ice. Pero at least inis na lang at hindi nag alit. Mukhang unti-unti na rin niyang pinagkakatiwalaan ang kakambal ko na hindi nito sasaktan si Timi.
Naupo ako sa tapat ni Stan at ini-abot ko ang folder sa kanya.
"I like the story," sabi ko. "Ang ganda rin nung pagkakagamit ng yellow rose pendant necklace namin sa story."
Ngumiti si Stan.
"Then, go na ang project natin?"
Tumango ako.
"Yep. But I want to talk to the writer first. I have a minor issue about the ending but I hope pwede naman ma-negotiate. Ano nga ulit name nung writer?"
"Veronica Briones. Actually she's new but I can see a lot of potential. Onting training lang, pwede nang isabak."
"Oh, I'm excited to meet her."
He grinned, "cute siya."
"Ayan tayo, eh. Type mo kasi."
"Sabi ko cute siya. Hindi ko sinabing type ko siya."
"You're twisting my words, Sir Stanley Ryan."
"Back to business."
Napatawa ako. Bakit ang hilig mag change topic ng isang 'to?!
"Okay, since type mo si Miss Veronica Briones, kelan tayo mag s-set ng meeting?"
Napangiti ulit siya habang i-iling-iling.
"Sabihin mo muna sa akin kung may naiisip ka nang artista."
Napabuntong hininga ako.
Bakit sa maikling panahon eh pakiramdam ko kilalang-kilala na ako nang isang 'to? At yung ngiti niyang yan eh parang nagsasabi na alam na niya kung sino ang nasa isip ko.
"Bagay sa kanya yung role."
Mas lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni Stan, "who are you talking about?"
Binato ko siya nang unan. "You know who I'm talking about!"
"Eh, ba't hindi mo mabanggit ang pangalan ni Jasper?"
"Heh!"
"Jasper, Jasper, Jasper, Jasper," pangaasar niya.
"Akala ko ba pumunta ka rito para pagusapan professionally ang project natin?"
"Ganito ako magpaka professional sa mga kaibigan ko."
"Stan!"
"What?"
"Nangaasar ka!"
"I'm not. So ano nga, si Jasper ba?"
"Oo nga!"
"Ba't ka galit?"
"Kasi ikaw, eh!"
"Anong ginawa ko?"
Pinag titripan talaga ako nang isang 'to! At hindi ko siya magantihan. Ang daya! Humanda talaga siya kapag nakilala ko yung writer na crush niya. I-k-close ko yun tapos siya naman ang aasarin ko.
"Jasper Yu, hmm. Sikat siya, malakas ang hatak. Magaling bang um-arte yun?" tanong ni Stan.
"He's improving. Napapanuod ko yung series nya."
"Naks. Updated. Sige I'll talk to his manager, then we will set a meeting kasama yung writer."
Napangiti ako, "alright."
"Ang ganda na nang ngiti niya, oh. Hindi pa tayo sure kay Jasper ah? Kailangan ko pang malaman ang TF niya at schedule."
"Wag kang panira."
He chuckled.
"Don't worry. I'll do my best para makuha siya," he said.
"Oo. Business ang usapan natin dito, ah? Baka bigyan mo nang ibang meaning."
Napangiti ulit siya, "yes Ms. Aiscelle Monasterio, business ang usapan natin dito. Wala nang iba."
"Good."
~*~
JASPER.
"What happened to her?!" galit na galit na tanong sa akin nung lalaking nakasalamin na kasama ni Mamita habang nandito kami sa hospital room kung saan naka-confine si Nica.
"Anemia, over-fatigue at trangkaso sabi nung doctor."
"Eh bakit siya may bandage sa ulo?"
Napaiwas ako nang tingin.
"She collapsed at tumama sa kanto ng lamesa ang ulo niya."
Hindi sila umimik dalawa. Naramdaman ko ang paglapit ni Mamita sa kama ni Nica at hinawakan nito ang kamay niya. Mahimbing na natutulog si Nica at mukhang hindi siya aware na tatlo na kaming andito sa room niya.
"Itong batang 'to, madalas na lang akong pinag-aalala."
Nilapitan nung lalaking nakasalamin si Mamita at inakbayan ito.
"Don't worry, she'll be okay."
Ngayon ko lang na-realize na siya pala yung tinutukoy ni Nica na crush niya. Benedict ang pangalan kung tama ang pagkakaalala ko. Mukhang concern na concern siya kay Nica. I didn't know na malapit na sila sa isa't-isa.
Is he her boyfriend already?
Ngayon ko lang na-realize na ang dami kong hindi alam kay Nica.
Where are her parents? Bakit si mamita at yung lalaking ito lang ang pumunta rito? Bakit nga ba hindi ko naitanong sa kanya yan noon?
Bakit palagi siyang mag-isa?
Bakit parang ayaw niya akong papasukin sa buhay niya?
Naalala ko ang itsura kanina ni Nica nung bumagsak siya sa harapan ko. Naalala ko na tumakbo ako palapit sa kanya para saluhin siya nang makita kong babagsak na siya. Ang lapit ko na but still, I'm too late.
Kanina nagising si Nica. Takang taka siya na ako ang unang nakita niya. Para bang hindi siya makapaniwala. Parang hindi niya ine-expect na ako ang unang sasaklolo sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat sa pakiramdam.
Tapos nakausap ko pa si Ayen and he told me na si Nica ang nag alaga sa akin kagabi. Siya ang nagbantay sa akin at hindi natulog. Siya ang nanatili sa tabi ko.
Habang ako...
Napahinga ako nang malalim at lumabas ako sa room. Hinayaan ko muna doon si Benedict at si mamita na magbantay kay Nica. Pagkalabas ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasuntok ako sa pader.
Nanginginig ang buong katawan ko. I'm so frustrated and I can't understand why.
"Patingin ng kamay mo."
Nagitla ako nang may humila sa kamay ko at tinignan ang kamao ko.
"Timi?"
"Well, at least you didn't hurt your hand," sabi niya. "Pag na sprain yan at hindi ka nakatugtog, magagalit siya."
"I can handle Rochelle."
"I'm talking about the girl inside that room," itinuro niya ang kwarto ni Nica. "She seems to care too much about you."
Napayuko ako. Naramdaman kong mahinang sinuntok ni Timi ang braso ko at nginitian ako.
"Gusto mong mag kape? My treat."
At bago pa ako makasagot, hinatak na niya ako.
~*~
"Diretsahang tanong, anong nararamdaman mo para kay Nica at para kay Aiscelle?" tanong niya habang naglalagay ng asukal sa kapeng iniinom niya.
Napahinga ako nang malalim.
"Next question please."
"Aba aba, ang showbiz mong sumagot Jasper Yu! Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Nagpapaka loko loko? Nagpapaasa? Nanakit? Nagpapaka brutal? Ewan."
Napabuntong hininga si Timi.
"O confused?"
Tinignan ko si Timi then I heaved a sigh.
"I don't know, Timi. Alam mo yung pakiramdam na parang hindi mo na alam ang gusto mong mangyari? Hindi mo na alam kung ano ang gusto mong makuha o maramdaman? Naguguluhan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko."
"Hmmm... I'm not sure pero parang ganito ba? You told me before na si Nica, natulungan ka niya. Nagawa niyang ipakita sa'yo ang mga mahahalagang bagay. That's why you are starting to develop a special feelings for her?"
Tumango ako.
"But then hindi mo magawang panghawakan ang nararamdaman mo sa kanya kasi everytime na lalapit si Aiscelle, ramdam mo pa rin na meron ka pang natitirang feelings para sa kanya. Napupuno ng what ifs ang utak mo. Napapaisip ka kung paano kung bigyan mo ulit ng chance ang relationship niyo? Mag wo-work ba o magkakasakitan kayo ulit? You want to take a risk pero hindi mo sigurado kung sapat pa ba ang pagmamahal na nararamdaman mo para kay Aiscelle."
Napahinga ulit ako nang malalim kasi pakiramdam ko parang hinihimay ni Timi isa-isa ang mga nararamdaman ko. Na gustuhin ko man siyang kontrahin, alam kong tama lahat ng sinasabi niya.
"But then there's Nica. Are you aware sa nararamdaman ni Nica?"
Napalunok ako at napapikit at dahan-dahan akong tumango.
"Of course alam mo. You are Jasper after all. You are not that dense."
"Actually, I just realized it now after kong makausap kanina si Ayen."
"You need to make a decision, Jasper."
"Alam ko naman yun, eh. Pero paano ako gagawa nang desisyon kung sarili ko hindi ko maintindihan?"
"Hmm..."
"Timi, alam kong gusto nang lumabas ni Nica sa buhay ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang na-te-tempt akong magpaka-selfish at wag siyang bitiwan. Pakiramdam ko kasi maliligaw ulit ako kapag wala si Nica sa tabi ko."
"Pero Jasper kailangan mo siyang hayaang lumayo kung hindi ka pa makagawa nang desisyon ngayon. Unfair naman sa kanya na hayaan siyang manatili sa'yo. Paano kung in the end si Aiscelle pa rin ang piliin mo?"
"I know that. Iniisip ko lang, paano kung sa huli ma-realize kong siya pala at pinakawalan ko na siya?"
Tinapik ako ni Timi sa braso.
"Then manalangin ka na lang na hindi magiging huli ang lahat sa kahit anong desisyong gagawin mo."
Hindi ako nag salita.
Totoo nga yung sinasabi nila na pinakamahirap gawin ang tama.
Siguro nga hindi lang sila ang dapat munang lumayo kundi ako mismo.
Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong iayos ang isip at puso ko dahil sa ngayon, sobrang gulong gulo ako.
I don't want them to be hurt at naiinis ako sa thought na kahit anong gawin ko, in the end, meron at meron pa ring masasaktan.
I used to be so afraid in falling in love. Kasi pakiramdam ko, kada nag mamahal ako para akong namamatay.
Malas ko siguro talaga sa parte ng buhay na 'to.
Kung hindi ako ang nasasaktan, ako ang nakakasakit. Pero kailangan ko na nga sigurong tanggapin na kakambal na yun palagi ng pagmamahal.
At sana sa huli, hindi ako magkamali ng desisyon.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro