Chapter Thirty
Chapter Thirty
AISCELLE.
"Ang sakit, Stan. Ang sakit sakit," paulit ulit kong sabi kay Stan habang hindi ko mapigilan ang paghikbi ko.
Nilagyan niya ng alak ang basong iniinom ko at dire-diretso koi tong nilagok. Ramdam ko ang init nito sa lalamunan ko.
Bakit hindi pa ako malasing? Gusto ko nang malasing para makalimutan ko panandali ang sakit na nararamdaman ko. Nakakainis naman eh.
Hinatak ko ang unan sa sofa ni Stan at niyakap ko ito.
Oo. Dito naman kami sa bahay niya umiinom. Actually, it's a bachelor's condo unit. Pang isahang tao lang. Malungkot ang aura kaya mas nakakabigat ng sama ng loob ko.
"Bakit siya sumama doon sa babaeng yun? Bakit hindi sa akin. He invited me. Pumunta ako sa concert niya. I made an effort right? Pero bakit kahit anong gawin ko, iwas pa rin siya? Bakit parang unti unti na akong nagiging invisible sa paningin niya? Ang sakit talaga."
Hindi nagsalita si Stan.
Tinignan ko siya. He opened his mouth then he close it again at bumuntong hininga siya. He picked up his own glass at uminom ng alak.
"What? You are not going to react?" I asked him in between tears.
"You're hurt."
"Obviously."
"At pag nagsalita ako mas masasaktan ka."
Napatigil ako sa paghikbi.
"Masyado bang masakit 'yang sasabihin mo?"
Tumango si Stan.
"P-prangkahin mo talaga ako?"
"Mas lalo ka lang iiyak."
Bumuntong hininga ako.
"Sige na, sabihin mo na."
"You sure? Hindi ko i-f-filter mga sasabihin ko."
"Oo na. 'Di ba nga minsan kailangan mong masaktan para matauhan ka?"
Napangiti nang bahagya si Stan.
"Okay. Sabi mo eh. Una sa lahat Aiscelle, wag mong isumbat yung pag e-effort mong pumunta sa concert. Hindi ka nag effort doon. Kung hindi ko pa ginawan ng paraan yun, hindi ka pupunta."
"But---!"
"Pangalawa!" he said, cutting me off. "Kung ako si Jasper, ang sasamahan ko rin ay yung isang babae. Syempre doon na ako sa taong kaya akong bigyan ng oras."
Napayuko ako at pinunasan ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko.
"That's unfair. I have big responsibilities unlike her na hawak niya ang oras niya."
"You'll never know that, Aiscelle."
"Hindi siya namamahala ng isang kompanya."
"But I'm pretty sure na may trabaho rin siya?"
"Weekend ngayon. Malay mo off nya."
Nginitian ako ni Stan, "pero yung araw na para sa sarili niya, ibinigay niya pa rin kay Jasper."
"Sino ang hindi makaka-hindi sa free ticket sa isang concert?"
"Ikaw."
Umiling ako, "it's still unfair. You are also a businessman. Alam mo kung gaano kahalaga ang mga meetings. Alam mo kung ano ang epekto sa atin kapag may hindi tayo napuntahan. Dapat naiintindihan mo ako."
"I know that. Pero sana ibinakante mo ang oras mo para sa araw na ito. You are the daughter of the CEO of your company. I'm sure may kapangyarihan ka pag dating sa schedules mo? At isa pa, hindi naman siguro biglaan ang concert na yan?"
Kumunot ang noo ko.
"Biglaan ang pagyayaya sa akin! Paano ko mababakante ang schedule ko non?"
"Your twin brother is part of that band. Hindi ka niya sinabihan agad?"
Umiling ako, "hindi. Hindi na naman niya ako sinasabihan kada may concert, eh."
Napasandal si Stan sa sofa. "Hmm, you said na after nilang sumikat, ito ang unang beses na nakarating ka sa concert nila. Why is that?"
Mas lalong napakunot ang noo ko. Ewan ko. Bakit pakiramdam ko nahuhusgahan na ako ni Stan?
Nag o-open up ako sa kanya kasi alam kong iba siya sa mga taong nakilala ko. Akala ko naiintindihan niya ako. Akala ko nakikinig siya nang walang panghuhusga.
Pero bakit ganito?!
"Because I am too busy following my mom. I am too busy managing our business. Halos wala na akong oras sa sarili ko dahil puro trabaho na lang ang kaharap ko. Unlike Ice na nagagawa niya ang gusto niya. Samantalang ako, eto. I am trapped! At kung hindi mo rin maintindihan yun, aalis na ako!"
Tumayo ako and I immediately grab my purse. Maglalakad na sana ako palabas nang mapahinto ako sa sinabi ni Stan.
"That explains it."
Nilingon ko siya.
"Na ano?!"
"Kaya hindi ka na sinasabihan ng kakambal mo. Kasi napaka busy mo sa trabaho at siguro iniisip niya, hindi ka interesado sa kung ano ang ginagawa niya---o ni Jasper."
"I told you I have no choice! Why are you judging me? I thought naiintindihan mo ako!"
Tumayo si Stan at nilapitan ako. Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko at tinignan ako ng diretso sa mata.
"You forced me na sabihin sa'yo ang mga bagay na 'to. I warned you na masakit ang bibitiwan kong mga salita. I am not judging you, Aiscelle. Gusto ko lang makita mo ang mga bagay kasi masyado kang nabubulag."
I bit my lower lip at napayuko ako. My hand is balled into fist. Nanginginig ang buong katawan ko. I badly want to defend my self pero hindi ko mahanap ang tamang salita.
"You said you don't have a choice," pagpapatuloy niya. "You're wrong. You always have a choice, Aiscelle. Kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa sarili mo ring kagagawan. Siguro nga strict ang mom mo. Siguro dinidiktahan ka niya. Pero tinry mo bang i-voice out ang mga gusto mong gawin? Sinubukan mo bang ipaalam sa kanila ang mga nararamdaman mo?"
"No. Kasi alam ko naman na hindi nila ako papakinggan, eh."
"Paano mo nasabi kung hindi mo naman sinubukan?"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya.
"Hindi mo masasabihing hindi ka nila papakinggan dahil hindi mo naman sinubukang magsalita. All your life sunod ka lang nang sunod. You are a grown up now. Dapat ikaw na ang may hawak sa buhay mo. And about Jasper? I feel bad about you. Nalulungkot ako dahil nasasaktan ka. But sorry Aiscelle, I have to tell you this, wala kang karapatan na magalit sa kanya o magtanong at magtaka kung bakit sa iba siya sumasama dahil hindi mo rin naman pina-prioritize si Jasper. Wala ka namang ginagawa para makuha siya ulit, eh. Wala kang ibang ginawa kundi ang umiyak at maawa sa sarili mo when in fact, ikaw lang din ang may kagagawan bakit ka nagkakaganyan."
"Ang sakit mo magsalita, ah," sabi ko sa kanya at sunod sunod na ang paghagulgol ko nang iyak.
Stan pulled me near him at niyakap niya ako. I hugged him back at wala akong paki kung ginagawa mo nang panyo ang suot niyang polo tutal siya naman ang dahilan kung bakit ako umiiyak.
Pero lahat nang sinabi niya, totoo. Kahit ang sakit. Kahit parang patalim na sumasaksak sa akin ang bawat salitang binitiwan niya, hindi ako makaangal dahil tama naman siya.
Isinampal niya sa akin ang katotohanan at ngayon, nagising na ako.
I am like this because I am always afraid. Ganito ako because I cannot sort out my prioprities.
Kaya ako hindi binabalikan ni Jasper dahil wala akong ginagawa para makuha ulit siya.
Kaya ako nasasaktan ay dahil sa sarili kong kagagawan.
"Aiscelle?"
"Ano? Hindi pa ba tapos ang mga masasakit na sasabihin mo? Sige na! Sabihin mo na lahat!"
"Uhmm.. not that. Okay lang na umiyak ka sa polo ko, but please, wag kang sisinga dyan ha? Regalo sa akin yan ng lola ko, eh."
Napatawa ko bigla nang malakas at hinampas ko ang dibdib ni Stan.
"Nakakainis ka. Panira ka ng moment."
He chuckled at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. He smiled at me.
"Don't worry Tay, malay mo Jasper is just being a gentleman kaya niya sinamahan yung babae. Don't lose hope."
Napangiti ako sa sinabi niya at parang biglang gumaan ang pakiramdam ko.
"Thank you, Ed."
~*~
NICA.
"So..uhmm.. do you like the view? Or do you prefer to eat in a restaurant? Just tell me if you are not comfortable, pwede tayo sa restaurant. I actually have a reservation sa isang restaurant just in case you don't like to eat here. Pwede tayong pumunta doon. It's just a few minutes drive. Malapit lang tal---"
"Jasper," pag putol ko sa sasabihin niya. "Pwedeng manahimik ka? May naiisip akong plot sa storya ko hindi ako makapag concentrate kasi ang daldal mo."
"S-so.. gusto mo rito?"
Nilingon ko siya at nginitian. Nakakainis. Nakakainis talaga. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Feeling ko mapupunit na ang bibig ko.
"Mukha bang ayaw ko rito?"
Bumuntong hininga si Jasper then he let out a nervous laugh.
"Sabi ko na, eh! I am a freakin' genius! Magugustuhan mo talaga rito! Ang galing ko talaga!" at kinindatan niya ako.
Agad akong napayuko at napatingin sa city lights na nasa harapan namin. Nagpapasalamat ako na gabi na at hindi na obvious ang pamumula nang mukha ko.
Leche. Simpleng kindat lang niya nag b-blush ka na? Leche talaga.
Dinala ako ni Jasper sa tuktok ng hill kung saan kita namin ang city lights. Nag latag siya ng mat sa harapan ng kotse niya at ngayon ay pareho kaming naka indian seat dito habang kumakain ng burger na tinake-out namin.
Oo siguro sa paningin ng iba ang cheap. Siguro iniisip nila kaya naman niya akong dalhin sa restaurant pero hindi niya ginawa.
Wala akong paki.
Dahil para sa akin, mas perfect itong ganito.
Alam kong alam niya na ang awkward ko sa mga fine dining. Alam kong alam niya na ayoko nang ganun.
Alam kong dinala niya ako rito para mas maging comfortable ako.
And please, sana hindi ako nag a-assume. Please.
Umihip ang malakas na hangin. Nagpapasalamat ako dahil naka sweater ako ngayon yun nga lang, skirt ang suot ko sa pangibaba.
"Wait."
Hinubad ni Jasper ang jacket niya at nagulat ako nang itakip niya ito sa legs ko.
My heart skipped a beat.
"S-salamat."
"Para hindi ko makita ang malaki mong legs."
Napaangat ang tingin ko at nakita ko siyang ngising-ngisi sa akin.
"Malaki?! Leche ka ah!" ibinato ko sa kanya yung tissue.
"Grabe ka! Nagpapaka gentleman na nga ako rito. Anong gusto mo? Ibalandra sa akin yang legs mong makinis? Sige ka, marupok ako. Magsisisi ka. Or more like....maliligayahan?"
Umakyat lahat nang dugo sa mukha ko. "Lumapit ka rito at bibigwasan kita!"
"Ano ang ibig sabihin ng bibigwasan? I-ki-kiss? Pwede rin."
Pakiramdam ko mas nag-init ang mukha ko.
'Tong hayop na 'to--!
"Lumapit ka nga para malaman mo kung ano ang ibig sabihin nun!" irita kong sabi. Gusto ko talaga siyang sapakin.
Kainis eh! Fini-flirt ako? Bakit niya ako fini-flirt?! Ang landi niya nakakainis!
Walanghiya siya!
Akala niya siya lang marupok? Ako rin 'no?!
Tapos ayan, ngingisi-ngisi. Tatawa. Yung mata niya nag i-spark. Yung tunog ng tawa niya, ang saya saya. Yung itsura niya nung tumutugtog siya kanina, nag f-flashback sa isip ko.
Bwiset na 'yan.
Bibigwasan ko talaga siya.
Mas lumapit sa akin si Jasper hanggang sa magkadikit na ang mga braso namin.
Napalunok ako. Para akong nakaramdam ng kuryente sa buong katawan ko. Napapikit ako.
Dumikit lang siya, ganito na agad ang epekto sa akin.
Shit.
Palalim nang palalim ang nararamdaman ko.
"J-Jasper kanina.. uhmm.."
"Hmm?"
"A-ang galing mong tumugtog. Sobra."
Nilingon ko si Jasper and he is smiling at me genuinely.
"Really? Nagustuhan mo?"
Tumango ako, "oo sobra."
"I'm glad. Ginalingan ko talaga."
Ibinalik ko ang tingin ko sa city lights na nasa harapan namin.
Ginalingan niya talaga.
Siguro dahil nandoon si Aiscelle?
"Alam mo, nagtatampo ako sa'yo," sabi ni Jasper.
"Huh? Bakit naman?"
"May kinuwento sa akin si Mamita. Nakapasa ka raw sa interview sa isang production company?"
"A-ah. O-oo."
Pinitik niya ako sa noo, "hindi mo manlang ikinuwento sa akin!"
Hinimas ko ang noo ko, "sorry naman. Nawala sa isip ko."
"Ayan tayo, eh. Nawala ako sa isip mo."
Kung alam mo lang Jasper. Kung alam mo lang.
"Sorry..." nag peace sign ako sa kanya.
"Pero dapat yung unang script na isusulat mo, ako ang gaganap na bida ha? Promise mo 'yan!"
Napangiti ako nang malawak. "Oo naman! Magaling ako sa horror na genre. Kaya para sa'yo, horror ang una kong gagawing storya!"
"Oy! Grabe ka ah! Wag horror! Romance na may pagka erotica. Tapos dapat yung ka-partner ko sexy. Lagyan mo ng maraming bedscene."
"Mala Fifty Shades of Grey?"
"Yung mas wild pa doon."
"Willing ka bang mag hubad?" pangaasar ko sa kanya.
Nailingon ko si Jasper at nakangiti na naman ang gago nang nakakaloko.
"Gusto mo ngayon na?"
"H-ha?"
At nag simulang mag hum si Jasper sa tono ng careless whisper habang inaangat niya ang shirt na suot niya.
HOLY SHIT.
"H-Hoy anong g-ginagawa mo?!"
"I'm never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm ~" kanta niya.
"O-oy ayokong maumay sa kinakain ko! Tigilan mo 'yan!"
Hindi ako pinakinggan ni Jasper. Mukhang enjoy na enjoy siya dahil bigay todo na siya sa pag giling sa harapan ko.
"Ano Nica? Papasa na ba ako sa erotica movie mo?"
"Bwiset ka!"
At natulak ko siya nang malakas.
"Shit!"
"Jasper!"
Nahulog siya sa gilid ng kotse at dahil hinawakan ko ang braso niya, nadamay ako na nahulog—at nadaganan ko siya.
"Ow," sabi niya.
"S-sorry!"
Nasa ibabaw ako ni Jasper at jusko, 'pag may makakita sa amin, alam kong iisipin nila na nire-rape ko si Jasper. Nakalihis pa yung shirt niya gawa nang pag i-strip tease niya kanina kaya mukha talagang ginagahasa ko siya.
Aalis na dapat ako sa pagkaka-ibabaw ko sa kanya kaya lang nagulat ako nang hawakan niya ang likod ko kaya hindi ako nakatayo agad.
"J-Jasper....?"
Nakatitig siya sa akin nang seryoso. Nawala na yung playful smile sa labi niya.
Napalunok ako. Parang pinipilipit ang tyan ko. Parang kinakapos ako nang hininga.
Pakiramdam ko parang umiikot nang mabilis ang paligid ko.
Shit ano 'to?
Inangat ni Jasper ang kamay niya sa mukha ko at naramdaman ko ang thumb niya sa pisngi ko.
Para akong kinukuryente sa hawak niya.
Para akong nalulunod sa mga tingin niya.
"M-may mayonnaise ka sa pisngi," sabi niya at lumawag ang pagkakahawan niya sa likod ko.
Agad akong lumayo sa kanya.
"S-sorry," sabi ko.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
Ano yun?
"Ang bigat mo pala kahit ang liit liit mo!" bumalik na ang playful tone sa boses niya.
Pilit akong tumawa.
"Ang sama nang ugali mo."
"But serious question, Nica."
"Ano?"
"Pwede na ba akong pumasa sa erotic movie na isusulat mo?"
Napatawa ako bigla nang malakas. This time, totoong tawa na.
"Pwede ka nang pang porn."
Ngumisi siya.
"Porn, huh? Pwede rin."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro