Chapter Ten
Chapter Ten
JASPER.
(Three years ago)
Jasper Yu, ang gago mo talagang tao. Nagaaksaya ka na ng oras. Hindi ka niya gusto, hindi ka niya magugustuhan at kahit pumuti pa ang uwak, hindi ka niya sasagutin.
Napabuntong-hininga ako habang tinitignan ang city lights mula sa veranda ng isang coffee shop na located sa ika 18th floor ng isang building. Madalas ako sa coffee shop na 'to.Tambay tambay lang kung gusto kong mag chill at mag-isip isip.
At ngayon feel kong tumalon para mawala na ang sakit na nanaramdaman ko.
De joke lang. Sayang ang gwapong lahi ko kung 'di ko maipapakalat. Tsaka pag tumalon ako dito, paano kung unang bumagsak eh ang mukha ko? Ayoko naman ng close casket sa lamay ko. Gusto ko pag namatay ako at nasa kabaong na eh gwapo pa rin tas pwedeng i-view ng lahat. Para aware na aware sila na nabawasan na naman ang mga pogi sa mundo.
Ininom ko ang caramel latte na inorder ko. Yung barista nilagyan pa ng latte art na puso bwiset. Broken nga ako ngayon tas lalagyan niya ng puso ang kape ko? Masakit dre.
Paanong hindi, sabi ni Ice---ang bokalista namin at lalaking kakambal ni Aiscelle---eh mukhang si Aiscelle na at yung isang business management student na pumoporma sa kanya. Nakakabadtrip. Eh lampayatot nun eh. Paano siya ipagtatanggol ng hayop na yun? Tas feeling Mr. Google pa ang loko. Kung anu-anong trivia ang kinukwento. Sarap sapakin.
Pero kahit ganun yung hayop nay un, running for honors yun sa university. Anak pa mayaman pa. Business partners pa ang parents nila ni Aiscelle.
Sabi nila perfect pair daw. Parehong matino, parehong matalino at mataas ang pangarap. Parehong mayaman.
At feeling ko boring ang magiging anak nila.
Pero at least hindi barumbado na katulad ko.
Para tuloy akong nanliliit sa sarili ko.
Tinry ko naman ayusin ang sarili ko eh. Lately ang tataas na kaya ng grades ko at oy, walang kopya yan ah? Sariling sikap yan!
At oo, hindi ako business management student, o accounting, o marketing, o engineering o architecture. Oo, karamihan iniisip nila na sugal ang pagkuha ng conservatory of music. Isa na doon ang parents ni Aiscelle. I know na nabababawan sila sa amin base na rin sa kinukwento ni Ice na against talaga ang parents niya dito.
Pero pare-pareho lang naman kaming may pangarap ah?
Yun lang nakaka-depress kasi pakiramdam ko para kay Aiscelle, mababaw rin ang pangarap ko.
I will never be good enough for her.
Tama nga siguro si Jaden, nagaaksaya na lang ako ng effort. Minsan pala nakakapagod na? Nakakasagad na. Yung nagmumukha na akong tanga sa kakapabibo sa harap niya pero walang nangyayari. Hindi ko alam ang status ko. Mahal ba niya ako o hindi? Ba't hindi niya ako binabasted? Pero hindi rin naman niya ako sinasagot?
Ginagawa na lang ba niya akong daily entertainment?
Then makikita ko pa na sweet sila nung lalaking lampayatot na yun na limot ko na ang pangalan. Tas sasabihin pa ng kakambal niya sa akin na baka sila na.
Langya naman oh.
"Jasper Yu?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na yun. Nakita ko si Aiscelle na naglalakad papalapit sa akin habang may hawak hawak na mug ng kape.
She's wearing a simple pink dress. Nakalugay ang mahaba at straight na straight niyang buhok. She's also wearing her eyeglass na may kalakihan ang frame.
"Ikaw lang mag-isa?" tanong niya sabay upo sa silya na nasa tabi ko.
Hindi agad ako nakasagot. Busy akong pagmasdan ang mukha niya.
Damn, why does she have to be so beautiful?
Kanina lang pinagiisipan ko nang huminto tas ngayon na makikita ko siya parang ang sarap ulit magpaka tanga.
Damn, I really love her.
"Huy Jasper! Natutulala?" nakangiti niyang sabi.
She slightly blow her coffee before sipping.
Simpleng gesture pero ang lakas ng epekto sa akin.
Bakit kahit anong gawin niya eh ang ganda ganda niya sa paningin ko?
"Ah.. oo. B-ba't ka pala andito?" tanong ko sa kanya.
She shrugged, "wala lang. Nagpapahangin. Gusto kong tignan ang city lights. Ikaw?"
"Same. Hindi mo kasama ang boyfriend mo?" I asked casually. Or at least I tried to act casual about it.
Pero langya ramdam ang bitterness ko sa salitang boyfriend.
Napatingin ako sa likuran namin. Kaming dalawa lang ang nasa veranda ng coffee shop.
Nilingon ko si Aiscelle at nakita kong nakangiti siya sa akin.
"What are you talking about Jasper? The last time I check, I'm perfectly single."
My jaw literally dropped. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
I-ibig sabihin...?
"W-wait.. I-I thought... kayo nung lampayatot...? Sabi ni Ice...? Ibig sabihin...?"
She giggled, "ba't hindi mo tinatapos ang mga sentences mo?"
"Shit. Sabi ni Ice--!! Yung kakambal mong 'yon!"
Mas napatawa si Aiscelle.
"Seryoso man siya madalas, but sorry to say, napagtripan ka niya ngayon."
I cursed silently. But then, napahinga ako ng malalim.
Parang nabunutan ng malaking tinik ang dibdib ko.
She's still single! May pag-asa pa ako! Yes!
"Now you are smiling from ear to ear," sabi ni Aiscelle.
I grinned widely, "naman! Ibig sabihin may pag-asa pa ako sa'yo eh!"
Napaiwas ng tingin si Aiscelle then she sipped her coffee.
"Ikaw lang naman ang may pag-asa sa akin, Jasper," bulong niya.
"H-ha?"
Nilingon niya ulit ako at nginitian. "Ikaw lang ang may pagasa sa akin. Ikaw lang ang pinayagan kong manligaw sa akin."
"A-Aiscelle..."
Napahinga ng malalim si Aiscelle and then she look straight into my eyes.
"Jasper, gusto ko tumigil ka nang manligaw sa akin."
"T-teka, b-binabasted mo na ba ako ng tuluyan?"
Umiling si Aiscelle.
"Sinasagot na kita."
Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya with my mouth hanging open. Nab-blangko ang utak ko.
Tama ba ang naririnig ko? Hindi ba ako nabibingi? Totoo ba itong nangyayaring 'to?
"U-uy!" medyo tinulak ako ni Aiscelle palayo. Namumula ang buong mukha niya. "M-magsalita ka naman. H-hindi ganyang expression ang inaasahan ko---"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. I just grab her and kissed her.
Isang mabilis na halik pero pakiramdam ko parang okay na sa akin kung mamatay ako ngayong araw na 'to.
Humiwalay ako sa kanya. Nakatulala siya at halatang nagulat siya sa bigla kong paghalik.
Crap.
"I-I'm sorry Aiscelle. I just—I—I—"
This time siya naman ang humila sa akin at hinalikan ako. Hindi na ako nagdalawang isip pa. I deepen the kiss.
Nagpapasalamat talaga ako at kaming dalawa lang ang nasa veranda ng coffee shop na 'to.
Medyo dumistansya sa akin pero magkadikit pa rin ang mga noo namin. I am touching her face.
God, ang tanggal kong hiniling na maging ganitong kalapit sa babaeng mahal na mahal ko. Salamat at natupad na ang hiling ko.
"Talaga bang tayo na?" I whispered.
"Oo. Ayaw mo ba?"
Napalawak ang ngiti ko. "Shit Aiscelle. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya dahil dito. I love you. I love you so much."
"Basta pag sumikat ka wag mo akong pagpapalit ha? Wag kang maiinlove sa iba."
"Wala nang space sa puso ko. Na-occupy mo na lahat."
Hinampas niya ako ng mahina sa braso habang tatawa-tawa.
"Ang corny mo kahit kelan."
"Mahal kita eh."
"I love you too Jasper. Please take care of my heart."
"I will Aiscelle. I will."
Then I kiss her again.
(End of Flashback)
~*~
AISCELLE.
"Aiscelle don't forget tomorrow ah? We are launching our new product. Please be on time," sabi ni mommy mula sa kabilang linya.
"I will mom. Don't worry."
"Wag ka na munang sumama sa kakambal mo sa mga practice practice nila ng banda. Please focus muna sa work ah? Alam mo namang ikaw na lang ang maasahan namin ng daddy mo sa business natin. Yang kakambal mo hindi na natin talaga mapapatigil sa pagbabanda 'yan."
I sighed, "ma alam mo pwede nating kunin si Ice at ang EndMira para i-endorse ang new product natin. Sikat na sikat anak mo, ma."
"Hay ewan. Bahala na. I'll think about it. Sige na tapusin mo na ang presentation mo ha? Bye."
"Bye ma."
She ended the call.
Napabuntong-hininga ulit ako habang tinitignan ang city lights dito sa coffee shop na nasa taas ng isang building.
Sa coffee shop kung saan ko sinagot noon si Jasper.
Naalala ko nun ang saya saya ko. Ilang beses akong naging in denial sa feelings ko sa kanya dati. Sabi ko sa sarili ko noon, I can't believe that I am falling in love with a guy like him.
Yes, inaamin kong minsang naging maliit ang tingin ko sa kanya.
But I never expected na ang isang kagaya ni Jasper Yu ang may kakayahang paibigin at alagaan ako ng sobra. Kada naiisip ko ang mga nagawa ko sa kanya noon, gusto kong sabunutan ang sarili ko at iumpog ito sa pader.
Ang tanga tanga ko talaga. Sobra. Bakit ko ba nagawang pakawalan ang isang kagaya niya?
Kung sabgay, weak nga naman ako. Takot ako sa sasabihin ng ibang tao. Oo, hindi lang sa sasabihin ng parents ko kundi sa sasabihin din ng mga taong nakapaligid sa akin.
I don't know why I'm like this. Most of the time, I hate myself. Pakiramdam ko, nagiging multiple na ang personality ko. Ibinabase ko ang pagkatao ko doon sa mga taong nakakasama ko.
Ngayon, hindi ko na alam ang gusto kong mangyari.
Naramdaman kong may umupo sa silya sa tapat ko kaya naman napatingin agad ako kung sino ito.
"Hi Aiscelle."
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.
"J-Jasper!"
"Mag-isa ka lang?" tanong niya sa akin.
Tumango ako habang nakangiti.
Alam niyo yung feeling na buong araw stressed out ka because of work. Tapos yung mom mo pa ang dami-daming ibinibilin sa'yo. And then all of a sudden makikita mo ang taong gusto mo at masaya ka na ulit. Lahat ng stress na nararamdaman ko ngayon nawala.
"So, pumupunta ka pa rin pala rito?" sabi niya sa akin without looking at me. Diretso lang ang tingin niya sa mga city lights habang umiinom ng kape.
"Oo. Nung pagbalik ko rito sa Pinas ito agad ang una kong pinuntahan."
Because I am expecting na makita kita rito.
"I-Ikaw rin? Madalas ka pa rin dito?" tanong ko.
"Hindi na. Ngayon na lang ulit ako bumalik."
Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako sa sinabi niya. Ito yung favorite place naming dalawa noon. Ang daming memories dito. Lahat masasaya.
Kaya siguro ayaw niya nang bumalik dahil ayaw na niyang maalala yun.
"Nakausap ko pala si Nica kagabi."
Bigla akong napaayos ng upo at kinabahan sa sinabi niya. What I did to Nica is so wrong at natatakot ako na baka magalit si Jasper sa akin.
Shit. Dapat pala ako na mismo ang kumausap kay Nica.
"A-anong sabi niya?"
"Sabi niya hindi raw big deal yung nangyari. Wala lang daw yun."
Nagulat ako.
"Ayun talaga ang sabi niya?"
Tumango si Jasper.
"N-nakwento niya ba sa'yo?"
Umiling siya. "Nope. Usapang babae raw kaya labas na ako doon."
Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi niya. Gusto kong magpasalamat kay Nica dahil hindi niya na binanggit kay Jasper.
Kahit na parang nalait at nahusgahan ko ang pagkatao niya.
Ang bait naman niya.
At ba't ganon? Bigla ulit akong kinabahan?
"Close kayo ni Nica?" tanong ko kay Jasper.
"She's my friend, Aiscelle."
"Do you l-like her?"
Nakakainis ako. Nakakayamot. Ito ang problema ko eh. Ang impulsive ko. Walang preno ang bibig sa mga ganitong bagay.
Tinignan ko si Jasper. Diretso lang ang tingin niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Ang hirap naman huminga.
Nica's a nice girl and I hate it. Sana masama na lang siya. Sana malandi at maldita na lang siya para mas madali siyang kainisan. Hindi yung ngayon, nakakaramdam ako ng inis sa kanya but at the same time nakokonsensya ako dahil sa nararamdaman ko.
Wala siyang ginagawang masama sa akin. Tinulungan niya pa nga ako eh.
But shit, she's nice at hindi malabong mangyari na mahulog sa kanya si Jasper.
Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nangyari iyon.
"Jasper..."
"Hmm?"
"N-naalala mo yung time na sinagot kita rito? Naalala mo yung sinabi ko sa'yo?"
Hindi siya umimik kaya itinuloy ko ang sinasabi ko.
"Sabi ko wag kang maiinlove sa iba 'di ba? Please don't fall in love with Nica."
Napatingin siya sa akin at kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Aiscelle, bakit mo sinasabi ang mga bagay na 'to?"
"Nangako ka sa akin Jasper. Sabi mo wala nang pwesto ang ibang babae sa puso mo. Sana hanggang ngayon ganun pa rin. Kasi Jasper nahihirapan na ako. Mahal na mahal pa rin kita eh."
Napalunok ako dahil ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.
I look pathetic and desperate pero wala akong paki.
Ang bigat sa pakiramdam eh. Gusto kong malaman niyang lahat.
"Sabi mo you will take care of my heart. Nasasaktan na ako ngayon. Please alalahanin mo ang promise mo na yun."
Napa-hinga ng malalim si Jasper at ipinatong ang ulo niya sa kanyang palad.
"Aiscelle, inalagaan ko ng husto ang puso mo. Inalagaan kita. Lahat ng gusto mo noon sinusunod ko. Kapag nag-aaway tayo dati, kahit nasasaktan ako o kahit na wala naman akong kasalanan, ako ang nag s-sorry sa'yo at sumusuyo dahil mahal kita at ayokong mawala ka sa akin. Aiscelle, ilang beses akong nagmukhang tanga, naalala mo ba? Yung ilang beses mo akong harap-harapang dineny sa mga kaibigan at kamag-anak mo? Hindi mo ba alam na napaka walang kwenta ng tingin ko sa sarili ko nun? Pero tiniis ko yun kasi mahal kita."
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha sa mata ko. Tuloy tuloy. Ang sakit sakit. Bawat salita ni Jasper para akong sinasaksak.
Dahil lahat yun totoo. Lahat yun nagawa ko.
I'm an awful human being and I hate myself.
"Jasper I'm sorry. I'm so sorry.."
Umiling siya, "ngayon ipaalala mo sa akin ang pangako ko sa'yo. Tinupad ko yun noon Aiscelle. Kaya lang napabayaan ko na ang sarili kong puso dahil busy ako na alagaan yung iyo. Kaya kung ngayon hindi ko na magawa ang promise ko, I'm sorry rin, ayoko na kasing masaktan eh. Ang hirap Aiscelle. Ayoko nang mamatay ulit."
"J-Jasper..."
Hinawakan ko ang kamay niya pero tinabing niya ito. Tumayo siya at tuloy tuloy na naglakad palayo sa akin.
Napatakip na lang ako ng mukha habang umiiyak.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Galit na galit siya sa akin. Hindi ko na alam kung kaya niya pa akong patawarin.
Dahil ako mismo napapaisip kung dapat bang binibigyan pa ng second chance ang kagaya ko.
To be continued...
Author's Note:
Yung si crush ni Nica, si Benedict, ay hindi ang ex ni Timi na writer. :) Magkaibang tao po sila xD
And David po ang name ng ex ni Timi and not Dave XD (Hindi ko alam ba't karamihan sa inyo Dave ang pagkakaalala sa name niya. San nanggaling 'yon? Hahaha)
Ayun lamang. Paglilinaw lang :)
Ay ay, may nababasa rin akong comments. Parang ako raw si Nica. Wahahaha.
Actually sa writer part, ganun ako. Yung bigla na lang lilipad ang isip, kung saan saan na napunta. Mga taong nakakasalubong nagagawan ng kwento..etc... Ganun ako kumuha ng inspiration. Actually, karamihan ng writers na kilala ko ay ganon din. Yes may pagka weird kami and we're proud! Wahahahaha.
Pero magkaiba kami ng personality ni Nica. Hindi ako si Nica. Mas mas sass siya! XD
~ Aly A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro