Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Three
NICA.
"Patingin nga ulit ng message kung nagsasabi ka ng totoo!" sabi ko kay Jasper.
Inabot niya sa akin ang phone niya at pinakita ang message ng assistant niyang si Sarah.
"Sir Jasper, nag early pack up po ngayon sa shoot kasi may emergency si Miss Leigh. I-re-resched na lang po ulit ang shoot."
Pinanliitan ko ng mata si Jasper Yu.
Nginitian niya ako at ipinaglagay pa ng pasta sa pinggan ko.
Nandito pa rin kami sa apartment at umorder siya ng pagkain para sa aming dalawa. Saktong sakto naman na nag text ang assistant niya para sabihing wag nang bumalik si Jasper sa set dahil nag pack-up na sila.
Grabeng coincidence naman 'to.
"What?" nakangising tanong ni Jasper Yu habang pinagtataasan ko siya ng kilay. "Ayaw mo nun? Nagtapat ako sa'yo, nagtapat ka sa akin, nag kiss na tayo—dito sa apartment kung saan may..." tumingin siya sa kama.
Hinampas ko si Jasper sa braso.
"Aray!"
"Isa pa at babayagan na talaga kita!" pagbabanta ko.
"Grabe ka talaga magpakita ng pagmamahal sa akin," nag pout siya.
Umiling na lang ako.
Ang hirap pa rin paniwalaan ng mga nangyayari. Si Jasper at ako na.
Wow.
May jowa na ako.
At isa siyang sikat na artista.
Feeling ko nahigop ako ng isang rom-com na libro o baka naman nakapasok ako sa isang Koreanovela? Ganun ang feeling, eh.
At....binilhan niya ako ng apartment.
Inikot ko ulit ang tingin ko sa apartment na 'to. Lahat ng bagay na gusto ko. Lahat ng hobbies ko... akong ako ang apartment na 'to. At inalam lahat ni Jasper Yu iyon—na napagalaman kong kasabwat niya si Benedict dito.
Tinignan ko si Jasper.
"Jasper.... hindi ko pwedeng kunin sa'yo 'to," halos pabulong kong sabi.
"Ang alin? Ang virginity ko? Wag kang mag-alala, i-aalay ko sa'yo yun ng buong buo."
Hinampas ko ulit siya. Bwiset eh.
"Gago. Matagal ka nang hindi virgin!"
"Virgin pa ako sa'yo."
Tinignan ko siya ng masama. Nag peace sign siya sa akin.
Bakit ko nga ba ulit minahal ang lalaking 'to? Hindi ko ma-gets ang sarili ko, bwiset.
"Ang ibig kong sabihin, itong apartment na 'to. H-hindi ko pwedeng kunin 'to. It's....too much."
Tumango si Jasper, "I understand. If it's too much then tanggalin natin lahat ng poster na nakasabit at itira na lang natin ang poster ko."
"Jasper--!"
"Alam kong sasabihin mo 'yan," pag putol niya sa akin. "Alam kong hindi mo tatanggapin 'to. I know you, Nica. Na sa kabila ng lahat, alam kong gusto mong makuha ang bagay na 'to sa sarili mong pagsisikap. Kaya nga mas lalo pa akong na-inlove sa'yo, eh," kinindatan niya ako.
"P-pero bakit---"
"Nakapag down payment ka na sa akin."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Huh?"
"Nung sinagot mo ako," at kumindat ulit siya.
Jusko po.
"Come to think of it, pati yung first three months mo bayad na."
"Ano na naman 'to?!"
"Nung ano..." at ngumuso siya na parang sinasabi niya na kabayaran ang kiss namin kanina. Leche.
"Jasper Yu!"
He chuckled.
"Highblood ka kaagad. Pero eto nga, since alam kong hindi mo tatanggapin ito ng libre, may naisip akong paraan para mabayaran mo 'ko."
"No," mabilis kong sagot. "Hindi ko ibabayad ang katawan ko sa'yo."
Kumunot ang noo ni Jasper pero nang ma-realize niya ang ibig kong sabihin, lumawak ang bigla ang ngiti sa labi niya.
"Well, hindi ko naisip yang sinusuggest mo! Pwede rin. Parang mas okay yun..."
"Heh! Hindi ko sinusuggest yun! Sinasabi kong hindi ko gagawin yun!"
Siniko ako ng pabiro ni Jasper habang ngiting ngiti.
"Ikaw ah... mga pumapasok sa isip mo. Darami agad anak natin niyan..."
Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko dahil sa sinabi niya at tinulak ko siya palayo sa akin.
"Bwiset ka!!"
"I love you too!" sagot niya. "Pero makinig ka kasi muna sa akin. What am I saying is, write a story for me."
"H-ha?"
"Gusto ko mag sulat ka ng movie screenplay at ako ang gaganap sa character na isusulat mo. I don't care kung anong character. Kahit gawin mo akong baliw, multo, aswang, macho dancer, okay lang. Kahit ano. Basta ikaw ang magsusulat."
"P-pero sapat na ba na kabayaran yun?"
"Sobra sobra pa. Dahil alam kong papatok sa masa ang kahit anong isusulat mo. Ikaw pa!"
Inakbayan niya ako and pulled me near him.
"At kulang na kulang talaga ang apartment na 'to bilang kabayaran. Aba, biruin mo, an amazing girl like you fell in love with someone like me? Siguro may malaking kabutihan akong nagawa noong past life ko kaya grabe akong pinagpapala ngayon."
Bahagya akong humiwalay sa kanya at mahina kong sinapak ang braso niya.
"E-ewan ko sa'yo.."
Sinilip ni Jasper ang mukha ko.
"Uuuyyy kinikilig siya.
"H-hindi aaah!"
"Namumula ka, eh."
"T-tse!"
"I love you."
"G-gago!"
"Eeeh, mag I love you too ka naman sa akin."
Hindi ako umimik. Ang init init ng mukha ko, ano ba!
"Sige ka kapag hindi ka nag I love you too, iki-kiss ulit kita!" pagbabanta niya sabay hawak sa magkabila kong pisngi at bahagya niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Mula sa mata niya ay napababa ang tingin ko sa mga labi niya.
Shit naman, oh. Ano baaaaaaaa. Temptation, chupi! Kaming dalawa lang ang nandito!
Iniwas ko agad ang tingin ko sa labi niya.
"G-ginawa mo na 'yan kanina. Matatakot pa ba 'ko?"
Sige lang! Panindigan mo lang yang tapang-tapangan mo, Nica!
Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Jasper.
"Rated G pa lang yung kanina, Nica. Itong susunod, rated SPG na. Yung tipong sa sobrang enjoy mo, mauuwi tayo sa..." bigla niyang tinignan ang kama kaya naman napatingin din ako dito. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, kita kong ngiting ngiti siya.
Ayan! Ayan ayan ayan! Ayan ang sinasabi ko! Ano baaaaa!!!
Agad akong humiwalay sa kanya.
"I love you too!" sagot ko then mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at dire-diretso akong pumasok sa loob ng bathroom at nagkulong doon.
Ang init init ng mukha ko.
Kitang kita ko sa salamin na kulay kamatis na talaga ako.
Pero hindi ko maipagkakaila na hindi mawala sa labi ko ang ngiti.
~*~
Feeling ko talaga, may kapangyarihan si Jasper Yu. Or sadyang siya ang hari ng kaswertehan. O baka kaya niyang pasunurin ang tadhana sa kanya?
BUMABAGYO.
AT NAG SUGGEST SIYA NA DITO NA LANG MUNA KAMI.
Seryoso bang wala ako sa loob ng isang napaka cliché na teleserye?
Tinawagan ko si Benedict kanina para ipaalam sa kanya ang mga nangyari at yung bakla, nagtititili sa kabilang linya. At dahil siya nga ang partner in crime ni Jasper Yu, alam niya ang tungkol sa apartment. Sinabihan niya rin akong may isang box ng condom doon sa right side drawer ng bedside table. At ako namang si gaga, chineck nga kung meron. At meron talagang iniwan si Benedict.
Bwiset!
Narining ko ang pag bukas ng shower doon sa loob ng bathroom. Kasalukuyang nag s-shower siya ngayon at para hindi lumipad ang imagination ko sa itsura ni Jasper Yu habang nag s-shower, naisipan ko na lang na mag open ng Facebook na once in a bluemoon ko lang buksan.
At bumungad sa akin ang status ni Jasper Yu na naka-tag pa ako.
"Girlfriend ko na si Veronica Briones! I LOVE YOU NICA!! Alam kong pag nakita mo 'tong status ko, papatayin mo ako. Pero dito man lang sa private account ko, gusto kong ipagsigawan na MAHAL NA MAHAL KITA at proud na proud ako kasi mahal din ako ng pinaka the best na babaeng nakilala ko! Nix Bri."
Sa dulo nun ay sangkatutak na emoji. Sa comment box, pinagp-pyestahan na kami ng EndMira. Nakisali pa si chef Timi pati ang manager nilang si Rochelle. Pati si Jaden, naki-comment na rin.
Habang binabasa ko mga comments nila pati mga reply ni Jasper, ang init init ng mukha ko. Gusto ko basagin ang mukha ni Jasper Yu kasi bwiset siya.
Pero oo na. Wala man ito sa personality ko at hindi man ako showy, masaya ako at kinikilig ako sa mga ginagawa niya.
Na t-touch ako sa mga sinasabi niya.
Tumatagos sa akin yung mga pinapakita niyang gestures ngayon.
Ramdam ko ang pagmamahal niya.
At sa aming dalawa, feeling ko ako ang swerte.
"I'm done! Mabango na ulit ako!" nakangiting sabi ni Jasper Yu nang lumabas siya sa bathroom.
Thank God at hindi siya nakatapis o naka topless. Thank you at nakasuot siya ng t-shirt na baon niya at yung pants na suot niya kanina.
Tumabi si Jasper sa akin sa kama at agad kong iniharang yung unan sa gitna namin.
"My side. Your side. Bawal lumagpas."
Nag puppy eyes siya sa akin.
"Eeeeeh! Bakit? Girlfriend na kita, 'di ba?"
"Malamig," sabi ko. "Umuulan."
Nanlaki ang mata ni Jasper Yu.
"Don't tell me, nagiging wild ka kapag umuulan?! Kaya hinarangan mo ng unan ang pagitan natin para mapigilan mo ang sarili mo? Thank you sa concern, Nica! I'm so touched."
"Gago!"
"Love you tooo!!"
"Che!"
"Pero promise, Nica. Kung magiging wild ka man, okay lang sa akin. I don't mind."
Ibinato ko sa kanya ang unan na hawak ko.
"Mag tino ka dyan!"
He chuckled.
"Promise, I'll be a good boy."
At bigla niya akong hinila pahiga at niyakap ng mahigpit.
"J-Jasper Yu!!"
"Pa-hug lang. Wala akong gagawin sa'yo promise. I just want to hug you."
Tumigil ako sa pag piglas at hinayaan ko siyang yakapin ako.
Hindi ko maintindihan sarili ko ba't ko pa siya tinutulak. Eh gusto ko rin naman siyang yakapin. Gusto kong matulog na kayakap si Jasper Yu.
Awkward? Naiilang? Oo. Nararamdaman ko yun. Kinakabahan? Sobra.
Ang tagal na kasi nung huling beses may nagparamdam sa akin ng ganito at nakalimutan ko na kung paano ako mag re-react.
Kaya nga kakaiba ang saya ko ngayon.
"Nica, thank you.." bulong niya sa akin.
"P-para saan? Ako ata dapat magsabi niyan."
"No. Thank you dahil dumating ka sa buhay ko. Thank you talaga."
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Jasper. Naramdaman ko ang labi ni Jasper na dumapi sa noo ko at parang kinuryente na naman ang buong katawan ko.
"Nica?"
"Hmm?"
"I have a question.."
"A-ano yun?"
Bahagya niya akong sinilip at nginitian.
"Alam mo ba kung bakit Jasper Yu ang pangalan ko?"
Napairap ako bigla.
"Please! Wag mo nang ituloy! Please lang!"
"Because I am only made--"
"Stop!!"
"Jas—"
"HEH!"
"Por---"
"Oh my god!"
"Yu!" and he winked.
"Wala na bang bago?" tanong ko sa kanya. "Gasgas na yan."
Ngumisi siya.
"Edi ito na lang."
Bigla niyang idinampi ang labi niya sa labi ko and I was taken aback. Feeling ko may volt of electricity na dumaloy sa katawan ko. Pakiramdam ko tinamaan ako ng kidlat.
I responded to his kiss at ramdam ko ang pagikot ng mundo sa paligid ko.
Bigla siyang humiwalay at nagitla naman ako.
"Oh no.. don't look at me like that," sabi niya sa akin. "I might kiss you again. At pag hinalikan ulit kita, I won't be able to control myself."
I cleared my throat at naramdaman kong hinalikan niya ulit ako sa noo at niyakap niya ako nang mahigpit.
"I love you, Nica," bulong niya. "Good night."
"Good night, Jasper Yu.....I—I love you too."
Nakita kong ngumiti siya.
Napangiti rin ako.
At nakatulog ako habang yakap yakap niya.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro