Chapter Sixty One
Chapter Sixty One
AISCELLE.
Umalis yung dalawa.
Kumbaga sa isang regular employee, nag AWOL sila. Undertime na, hindi pa nag paalam sa boss.
Oh, great!
Where the hell did Jasper and Nica go?!
Seriously, I am going insane! We only have two taping days left para mabuo itong mini series namin pero anong nangyayari?
Yung on site writer, umalis kasama ang bidang artista. At yung producer...
Yung producer, nasaan? Nagbabakasyon kasama ang ex niyang bruha!
At ako ang naiwan dito. It's not my job na magpunta sa shoot at mag bantay, I know that! Pero syempre first project ko ito. Gusto ko maganda ang kalabasan. Gusto ko hands on ako sa nangyayari. Ayokong mapahiya sa harapan ng mother ko.
Nasaan na ba kasi sina Nica?!
"Ah Miss Aiscelle, may papakilala po sana ako."
Lumingon ako kay Hanna, production assistant namin, at nakita ko na may kasama siyang lalaki. Matangkad, chinito, messy hair, may tattoo sa kaliwang braso at ngiting ngiti sa amin.
Napakunot agad ang noo ko.
I know this guy.
"This is Adam, siya yung nakuha naming tutugtog doon po sa dinner date sequence natin."
Nginitian ako nung Adam at nilahad niya ang kamay niya.
"Hi I'm Adam. But since you're Ice's sister, for sure kilala mo rin ako. I'm the new drummer of EndMira. I'm sure naikwento na ako ni Ice sa'yo?" nakangiti niyang sabi.
"Iwan ko po muna kayo," sabi ni Hannah. "Tinatawag lang po ako ni direk." Tumakbo si Hannah papalait doon sa director namin.
Muli ko naman ibinalik ang atensyon ko kay Adam at nginitian siya sabay nakipag-kamay.
"Hi. I'm Aiscelle. So ikaw pala yung temporary drummer ng EndMira habang naka-break si Jasper Yu?" ngiting ngiti kong tanong sa kanya.
Bwiset eh. Ang hangin. Sarap upakan.
Simula nung nagka-issue si Jasper at na suspend sa pagtugtog sa EndMira, feeling hari na 'tong si Adam. But according to Ice, ayaw naman sa kanya ng karamihan ng mga fans ng EndMira. They still want Jasper. For sure kapag lumabas na 'tong mini series namin, lahat sila magbabalik loob na kay Jasper.
"So you are really beautiful in person," sabi sa akin ni Adam na para bang hindi narinig ang tanong ko sa kanya.
"I am," sagot ko habang naka poker face.
Napatawa siya nang mahina.
"You know, I've been seeing you a lot in business magazines. Tapos lagi ko pang tinatanong si Ice about you. Alam mo, sabi ko nga sa kanya ipag meet niya tayong dalawa because you are exactly my type. Sakto naman dahil parang magkapatid na rin ang turingan naming dalawa ni Ice. But it turns out magkaka-trabaho rin pala tayo. Amazing isn't it? Is that what they call...fate?"
I want to vomit.
Ibang klase ang hangin na dala ng taong 'to. Parang magkapatid na ang turingan nila ni Ice? Is he serious? Halos isumpa nga siya ni Ice everytime na mababanggit ang name niya.
At wow. Fate huh? Ngayon lang kami nagkakilala but he is already hitting on me. Iba rin kumilos 'to. Fast as lightning ang peg.
I can't stand guys like him.
Si Jasper may sariling yabang at aura pero alam niya kung paano lumugar. At least ang mga banat niya, kahit sobrang corny mapapatawa ka pa rin.
Pero ibang klase 'tong lalaking 'to. Gwapong gwapo sa sarili masyado, wala namang ibubuga pagdating sa talent---well according to Ice.
Onti na lang talaga ngayon yung may manners, gentleman, hindi matapobre kahit maraming achievements at gwapo!
Tulad ni Stan.
Okay....saan nanggaling yun?
"So Aiscelle, are you busy tonight? Sabay tayo mag dinner, you want?" yaya niya while giving me a flirty look.
Tusukin ko kaya ang mata nito?
O ipakilala ko siya kay Nica? Feeling ko magandang inspirasyon ang lalaking 'to para sa mga thriller story niya.
"It's Miss Aiscelle," pag ko-correct ko sa kanya. Artista siya, yes. Pero producer ako. Ang companya namin ang gumastos para sa mini series na 'to at kami rin ang magbabayad ng talent fee niyang mura. Kaya wag siyang makipagusap sa akin na para bang same level kami!
Ngumisi siya, "wow, Miss Aiscelle. Okay, you're my boss and I'll be your good, obedient secretary." Then, he winked.
Bwiset. Slow din ng isang 'to, ano? Hindi na gets ang ibig kong sabihin. Akala ata niya nakikipag landian ako sa kanya.
"So, about dinner... libre ka ba mamaya? Don't worry, it's my treat since ako naman ang nagyaya. I have morals."
Oh dear. Oh lord. Give me strength. I badly want to punch this stupid human being in front of me.
"Hi Sir Stan! You're finally back!"
Automatic na napalingon ang ulo ko at hinanap ng mata ko si Stan nang marinig ko ang pangalan niya.
Where is he?
My heart is racing and I don't know why. Bakit ba parang kinakabahan ako?
Nakita ko si Stan na papasok sa loob ng cafe. He is smiling widely habang isa isang nilalapitan yung mga staff niya.
"Oh eto may pasalubong ako. Pag hati-hatian niyo na lang," sabi ni Stan sabay abot ng isang supot kay Hannah.
"Ay thank you, sir! Sabi na di ka lang gwapo, eh, mabait din!" pagbibiro ni Hannah.
"Naku Hannah. Kahit ilang beses mo akong bolahin, hindi ko pa talaga kayang taasan ang sahod niyo sa ngayon."
Nagatawanan sila.
Damn. Heart, relax. Bakit naglulumundag ka diyan? Ano ba. Ano ba 'to? Bakit ganito? Bwiset naman, oh!
"Aiscelle?" tawag sa akin ni Adam pero hindi ko siya nilingon.
Hindi ko mai-alis ang tingin ko kay Stan.
He is...glowing. He looks so happy. Unlike nung huli ko siyang nakita---nung panahong sinabi niyang kakalimutan na niya ako. Yung itsura niya nun, kitang kita ko na sobra siyang nasasaktan dahil sa akin.
But now...
Nakalimutan na ba niya ako?
Ganun ba talaga ako kadaling kalimutan?
Shit, Aiscelle. Ano ba. Why the hell are you thinking that way?
Napalingon si Stan sa direksyon ko at nag tama ang mga tingin namin. Pakiramdam ko mas bumilis ang kaba ko.
He smiled at me at nag wave siya sa akin.
My heart skipped a beat.
Ano ba, heart! What the hell is wrong with you?!
Nginitian ko rin siya at nag wave din ako sa kanya.
Shit naman. Ba't ang lawak lawak nang ngiti ko? Ano ba? Ba't hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko? What the fuck is wrong with me?
"Excuse me for a while," sabi ko kay Adam.
Ngiting ngiti akong naglakad palapit kay Stan pero agad din akong napahinto dahil may babaeng lumapit sa kanya at humawak sa braso nito.
Yung ex niya.
Si Grace.
Just like that, nawala ang ngiti sa labi ko.
Parang biglang lumubog ang puso ko.
Shit. Ba't ang sakit? Sabi ko hindi ko siya mahal. Pero bakit ang sakit?
Napa-atras ako bigla at napabalik sa tabi ni Adam.
"Hey. You okay?" bulong ni Adam.
Tumango lang ako at napalunok kasi nakita kong papalapit naman sa amin sina Stan.
Damn. I don't want to talk to him.
Naiiyak ako.
"Hi, Aiscelle..." nakangiting bati ni Stan nang makalapit siya. Sa tabi niya ay si Grace.
Tanga! Tanga ka talaga! Sinaktan ka niya. Ginamit ka niya. Tapos babalikan mo siya? Leche ka.
"Buti nakabalik ka na," sagot ko sa kanya then I force myself to smile. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko.
Bwiset naman.
"Ah oo. Nga pala, uhmm si Grace--"
Tinalikuran ko si Stan at hinarap si Adam.
"About dinner, sure, I'll go with you."
I saw Adam's face brighten.
"Really? Okay then. Mga bandang six nila ako i-s-shoot. Let's leave after that?"
Nginitian ko siya, "sure!"
"I swear you are going to have a great time with me," he winked. "Ay mag p-practice muna ako ng tutugtugin ko mamaya. Wanna hear me sing?" aya niya sa akin.
"Sure!"
"Then doon tayo sa tent ko," he whispered playfully but enough for Stan ang Grace to hear.
I giggled kahit kinikilabutan ako.
Isinukbit ko ang kamay ko sa braso niya. Then, nilingon ko si Stan. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mata niya.
Bahala ka diyan. Bwiset ka.
"Later na lang. Bye!" nakangiti kong sabi sa kanya at naglakad na kami ni Adam palayo sa kanila.
And the moment na makatalikod kami, nawala ang ngiti sa labi ko.
"Paalisin ko muna ang PA ko para may privacy tayo," bulog sa akin ni Adam.
Bumitiw ako sa pagkakahawak sa braso niya.
"Uhmm, for awhile lang. I'll just go to the restroom."
"Sure!"
Tinalikuran ko siya agad at dire-diretso akong pumasok sa restroom. Agad akong nagkulong sa isang cubicle doon at hindi ko na pinigilan pang lumabas ang mga luha sa mata ko.
Fuck.
I'm crying and I am in pain and I think I know why.
Pero hindi ko kayang tanggapin.
Kasi paano ko 'to matatanggap? Isang malaking sampal na naman sa akin 'to.
Isang malaking sampal na nagkamali na naman ako ng desisyon.
Sana hindi ko na lang siya pinakawalan.
~*~
NICA.
Bakit ba ako sumama kay Jasper Yu? Bakit na naman ako nagpahatak sa kanya?
Eh ano ngayon kung sinabi niyang wholesome 'tong ipapakita niya sa akin? Paano kung nagsisinungaling siya at talagang yung abs niya ang nais niyang ipakita sa akin?
Edi patay ako? Maninigas na lang ako sa isang sulok while Jasper is doing all the dirty work?
Napailing ako bigla kasi biglang pumasok sa imagination ko si Jasper na unti-unting tinatanggal ang pagkakabutones ng polo niya habang sumasayaw.
Lecheng imagination 'to. Alam kong ito ang puhunan ko pero minsan nakakainis ang mga bagay na ipinapasok nito sa isipan ko.
Shit. Shit shit.
Ayaw mawala sa imagination ko. Naghuhubad na siya.
Nica! Hindi ka erotic writer. Tigilan mo yaaaaaannnnnnnnnnnn.
Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni Jasper. Kanina pa siya hindi umiimik. Nagsawa na rin ako sa pangungulit sa kanya kung saan niya ako dadalhin.
Bwiset na traffic 'to. Kanina pa ako ninenerbyos dito tapos biglang traffic? Pinapahaba lang nito ang agony ko, eh.
"So..." he cleared his throat. "You and your ex, huh? Uso ba balikan ng nakaraan ngayon?" tanong niya.
Napalingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
"I mean nakita ko sa Instagram ni Stan na nagkabalikan na sila ng ex niya. Tapos kayo naman ng ex mo..." he trailed off.
"Oh ano kami ng ex ko?"
"Wala. Ang sweet niyo, eh."
Tumango ako, "mas sweet kayo ni Leigh."
Nilingon ko uli si Jasper at nakita kong nakakunot na ang noo niya pero diretso pa rin ang tingin niya sa daan habang nag d-drive.
"Kami ni Leigh? Ano na naman?"
Nagkibit balikat ako, "wala. Sorry pala kanina naistorbo namin yung sweet moment niyo. Gustong gusto lang talaga kasi ni Nisha makita si Leigh."
Tinaasan niya ako ng kilay, "sweet moment?"
"Yung pag akbay mo sa kanya. Nakahawak ka pa sa kamay niya. Halata ko namang nagalit ka kasi ang sama mo makatingin kanina sa akin. Sorry naman po."
Mas lalong kumunot ang noo ni Jasper.
"Hihinga siya nang malalim na para bang naghahanap nang lakas ng loob. Kukunin ang kamay ng babaeng mahal niya at ipapatong ang isa pa niyang kamay sa balikat nito. He will pull her near him at tsaka ibubulong sa tenga ng babae ang mga katagang matagal na niyang gustong sabihin."
Takang taka akong tinignan si Jasper. Ano na naman ang pinagsasasabi ng isang 'to?
Bahagya niya akong tinignan pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa daan.
"Ayan yung nakalagay sa script namin, di ba? Hindi mo ba nabasa? On set writer ka kaya dapat alam mo ang laman nung script."
Biglang nag-init ang mukha ko nang marealize ko ang ibig niyang sabihin.
Shit Nica. Ano ba. Favorite mo talagang ipahiya ang sarili mo.
"Sweet moment na pala ang tawag sa pag re-rehearse ng eksena? Akala ko professionalism."
Boom. Burn, Nica. Burn. Sunog ka.
"Ah... okay. Sorry," matipid kong sagot.
"Ang dapat tawaging sweet moment ay yung sa inyo nung ex mo," sabi niya.
Jusko ito na naman tayo.
"Sweet moment? Hindi ba pwedeng okay na kasi kami?"
"Okay na kayo kaya pwede ka na niya ulit ligawan?"
"Okay na kami kasi pareho kaming hindi na nasasaktan. Ibig sabihin, pareho na kaming naka move on at wala nang nararamdaman para sa isa't-isa."
Natahimik si Jasper. Hindi siya umimik.
Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa bintana habang nanginginig ako sa inis.
Makababa lang kami dito, tatadyakan ko talaga siya.
Bwiset eh. Babarahin ako pero mga hinala niya mali mali rin. At ba't ba sya naghihinala? Paki ba niya? Kami ba?
At ba't din ako nanunumbat sa kanya? Paki ko ba? Jowa niya ba ako?
Bwiset.
Nakaka lecheng sitwasyon.
"Nica..."
"Ano?" irita kong sagot at nilingon ko siya.
Natigilan ako kasi ngiting ngiti si Jasper Yu..
"Ang ganda ng araw ngayon!" masigla niyang sabi.
Kinunutan ko siya nang noo.
Bipolar amputek. Kanina badtrip, ngayon ang saya saya niya.
Lumiko si Jasper sa isang subdivision. Hindi ito yung subdivision papunta kina Jasper o sa HQ ng EndMira pero alam ko 'tong lugar na 'to. Few blocks away lang ito sa opisina nina Stan.
Nag park si Jasper sa tapat ng isang apartment.
"We're here," sabi niya.
"B-ba't tayo nandito?"
Hindi niya ako sinagot but instead, pinagbuksan niya ako ng pinto and he guide me inside.
To be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro