Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixty Four


Chapter Sixty Four

AISCELLE.

"The subscriber cannot be reached. Please try again later."

I angrily pressed the end button at inis kong ibinalik sa bag ko ang phone ko.

Feeling ko nung past life ko, napaka swerte kong tao. O di kaya naman may ginawa akong kasamaan noon. Kasi ngayon, grabe akong minamalas. Lalo na sa lovelife!

Napatingin ako sa bintana ng café ni Kite at kita ko ang lakas ng ulan. Sa labas. My goodness. Wala pa naman akong dalang sasakyan ngayon dahil coding. Nagpahatid lang ako dito sa set kanina. Magpapasundo na sana ako kaso sabi ni mommy baha na ang daraanan kaya stuck din sila sa bahay.

I tried contacting Ice pero cannot be reached ang phone niya.

Si Jasper? Kaso umalis sila kanina ni Nica. Yung mukha niya kanina parang ready na siyang tigilan ang pagpapaka torpe niya. And true that, nakita ko sa status nila na sila na.

Nakakatawa kasi I've been preparing myself for this. Yung tipong pag dumating ang time na maging sila, alam kong sobrang masasaktan ako. Sobra akong mawawasak.

Pero ngayon, masaya ako para sa kanila. May halong inggit, yes, I admit that. Pero masaya ako.

Napalingon ako bahagya kung saan nandoon si Stan at yung ex niya. Nakaupo silang dalawa sa other side ng room at umiinom ng kape. Pareho ring nagpapatila ng ulan.

Dahil medyo tago ang pwesto ko at for sure hindi nila ako nakikita, libreng libre ko silang natititigan.

Sweet nilang dalawa ha? Si ate girl may pahampas-hampas pa sa kamay ni Stan habang tumatawa. Che. Alam ko na yang mga ganyang style. Flirting 101. Napagdaanan ko na rin yan. Wag ako! Naku ang landi mo! Nakakainis ka. Kagatin sana kayong dalawa ng langgam diyan hanggang sa maging isa na kayong malaking pantal! I hate you both! Malalandi! Magsama kayo!

At ikaw Stan, pag ikaw iiyak iyak na naman after niyan, naku. Di kita e-entertain. Bahala ka umiyak diyan bwiset.

Pero siya ang karamay mo nung umiiyak ka kay Jasper. Siya ang nasa tabi mo nung panahon na nasasaktan ka...

LECHE TIGILAN MO AKO, KONSENSYA. WALA AKONG PANAHON NA PAKINGGAN KA.

"Aiscelle..."

Natauhan ako bigla nang may tumawag sa pangalan ko. At ayun, yung lalaking kanina lang eh tinititigan ko, nasa harapan ko na ngayon.

Bigla siyang naupo sa tapat ko.

"Hey. Ang lalim ng iniisip mo," sabi niya.

Iniisip kita, shit ka.

"Ah, iniisip ko lang yung about doon sa pag-aaral ko ng fashin design," sabi ko.

"Oo nga pala, next year na lipad mo papuntang States.."

Iniwas ko agad ang tingin ko.

Gustong gusto ko na talagang pumunta sa States. Gustong gusto ko nang lumayo sa kanilang lahat.

"Lakas ng ulan. Di ba coding ka? Paano yan, may dala ka bang sasakyan?"

Hindi ako umimik.

Kahit ang pagiging coding ko tuwing lunes natatandaan niya. Nakakainis ka, Stan. Why are you like that?

"Gusto mo, ihatid na kita?" he offered.

Umiling ako, "no thanks. May bisita ka 'di ba? Ba't hindi siya ang ihatid mo."

Aiscelle, kalma kalma. Keep calm and flip your hair.

"Aiscelle! You're here! Kanina pa kita hinahanap!"

Juicecolord.

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Adam na ngiting ngiti na lumalapit. Hindi pa pala umuuwi ang lecheng 'to.

"Ang lakas ng ulan. Yung dinner date natin," sabi niya.

Siguro kung kaming dalawa lang ang naguusap, nasapak ko na siya. Maka-dinner date wagas? Close tayo?

Pero dahil nasa harapan ko si Stan, I should act like nanghihinayang ako.

"Oo nga, eh! Sayang! I was looking forward pa naman sa dinner date natin."

"Actually pwede nating ituloy if you like? Nag text ang mom ko and she said nag luto siya sa bahay. I hope you don't mind home cooked meals? My house is few blocks away lang from here."

"Wow! Sure!" masigla kong sabi. "Gusto ko yan!"

Ngumiti si Adam at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go!"

Nilingon ko si Stan para mag-paalam pero natigilan ako dahil sa expression ng mukha niya.

Pain is written all over his face.

My heart sinks.

Bakit ganyan siya tumingin sa akin na para bang sinaktan ko ulit siya? Samantalang kasama naman niya ang ex niya?

Hindi ko na nagawa pang magpaalam kasi hinatak na ako ni Adam palayo.

Gulong gulo ang isip ko.

"Sakay na, Aiscelle."

Wala akong imik na sumakay sa kotse niya. Lumilipad pa rin ang isip ko.

Hindi ko maintindihan si Stan. Nakakainis. Bakit ba ang slow ko sa ganitong mga bagay?

The whole ride, dada nang dada si Adam pero di ko siya masyadong iniintindi. I don't want to be with him. Bakit ba ako sumama sa kanya? Para patunayan kay Stan na hindi siya kawalan?

Pero nasasaktan ako. Ang sakit sakit.

"Shit! Badtrip! Baha ang daan!" bulong ni Adam.

Napatingin ako sa bintana at tama nga siya, unpassable na yung daan.

"Wala na bang ibang way?" tanong ko.

"Wala eh. Badtrip naman, oh."

Parang medyo sumaya ang mood ko.

"Edi balik mo na lang. Okay naman kahit next time na lang."

"Eh atat na 'ko, eh!"

"Gutom ka na ba?"

Nilingon niya ako kinilabutan ako nang bigla siyang ngumiti. Kakaibang ngiti na nagpa-tindig sa balahibo ko.

"Kanina pa. Kanina pa ako atat na atat sa'yo. Akala ko hard to get ka pero ang bilis mo bumigay. So okay lang naman kung dito na lang natin sa kotse gawin?"

"A-anong--?"

Ipinatong niya bigla ang kamay niya sa hita ko.

Shit.

Hindi na ako nag-dalawang isip pa at agad kong tinabing ang kamay niya at dire-diretsong bumaba ng sasakyan niya. Wala akong paki kahit ang lakas lakas ng ulan.

"AISCELLE!" sigaw niya.

Bumaba rin siya at akma akong hahabulin.

Shit talaga.

"Hoy Aiscelle!" sigaw niya at kita ko sa mukha niya na galit na galit siya. Nanginginig ang mga kamay niya at yung istura niya...

I knew it.

He's on drugs.

Shit ka talaga Aiscelle. Pagseselosin mo na nga lang si Stan, sukat doon ka pa sasama sa drug addict. Shit ka talaga.

May humatak bigla sa braso ko at nakita ko si Stan sa tabi ko.

"Sakay!" galit na utos niya sa akin habang binubuksan niya ang pinto ng kotse niya.

Dali-dali akong sumakay sa loob at agad din namang sumakay si Stan sa driver's seat.

Nakita ko si Adam sa gilid ng kotse ni Stan, may hawak na bato, at inihagis niya ito sa amin. Nag crack yung side mirror ni Stan.

"Shit! Shit!" he cursed.

Agad niyang pinaharurot ng takbo ang kotse niya. Napalingon ako sa kanya habang nag mamaneho siya. Basang basa rin siya tulad ko. Dikit ang polo shirt na suot niya sa katawan niya. Nakababa na rin ang buhok niya at bahagyang natatakpan na nito ang mga mata niya.

He's mad. Ramdam na ramdam ko ang inis niya. Ang galit niya. Nanginginig siya. Hindi ko alam kung dahil sa lamig o dahil sa sobrang galit niya.

"S-Stan, sorry..." nanliliit kong sabi.

"I cannot take you home. Baha na ang daan papunta sa inyo."

"I-I'm sorry doon sa mirror mo. S-sorry nasira. A-ako na lang magb---"

"Shut up, will you?" mariin niyang sabi. Hindi pasigaw pero damang dama ko ang panlalamig sa tono ng boses niya.

Hindi ko na nagawa pang mag salita. I hugged myself dahil nanlalamig ako at nanginginig ako at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Gusto kong umiyak but I am holding back my tears dahil alam kong hindi naman yun makakatulong sa sitwasyon. Mamaya mas mainis pa sa akin si Stan.

Nakarating kami sa building ng condo unit niya. Nauna siyang bumaba ng kotse at hindi niya ako pinagbuksan ng pinto tulad nang madals niyang gawin noon. Nauna rin siya maglakad sa akin at ni hindi man lang ako nilingon kung naka-sunod ba ako.

Naiiyak ako.

Gusto kong tumalikod na lang at umuwi kaso wala akong choice ngayon kundi ang sumunod sa kanya.

Nang makapasok kami sa loob ng condo unit niya, dire-diretso lang siya sa papasok ng kwarto niya at binalibag pa niya ang pinto.

Naiwan ako doon na nakatayo at basang basa at nangangatog sa lamig.

Napapikit ako.

Wag kang iiyak. Wag kang iiyak, Aiscelle. Tama na lahat ng luha na inaksaya mo.

Shit na yan. Babagsak na naman ang luha ko.

Napaupo ako doon sa silya sa dining area niya at ipinatong ko ang mukha ko sa dalawang kamay ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Magpalit ka."

Napa-angat agad ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Stan. Nasa harapan ko siya at may inaabot na damit at tuwalya. Galit pa rin ang tingin niya sa akin.

Napa-hinga ako nang malalim at tumayo ako.

"Alis na ako."

Nanginginig ako nang talikuran ko siya pero bago pa ako maka-hakbang, hinatak niya ako paharap sa kanya.

"Paiiralin mo na naman ang pride mo. Saan ka pupunta?!"

"May hotel sa tapat, di ba? Doon na lang ako kesa dito na ramdam na ramdam kong ayaw mo naman sa presensya ko!"

Napahinga nang malalim si Stan.

"You are hopeless!" sigaw niya.

Mas nag pantig ang tenga ko.

"Wow! Hopeless! Paano ako naging hopeless ha?!"

"After ni Jasper kanino ka sasama? Sa drug addict?! Seriously, woman!"

"Wala kang karapatan na pagsabihan ako! Eh ikaw nga binalikan mo yang user ex mo, eh!"

"Paki mo ba? Di ba hindi mo naman ako mahal, ha?!"

"So talagang inaamin mo na binalikan mo siya?!"

"You are twisting my words! Wala akong sinabi na binalikan ko siya! Hindi kami dahil hindi ko siya mahal at ikaw ang mahal ko! Ngayon kung kelang buong buo na akong gawin ang lahat para mahalin mo rin ako, tsaka ko pa makikita na sa iba ka na nakatingin! At talagang doon pa sa Adam na yun, ha! Bukod sa drug addict siya, siya ang gustong umagaw sa pwesto ni Jasper. Tapos ano? Gagawing mong boyfriend? Ano nakita mo doon sa gagong yun? O baka naman kaya mo siya sinasamahan kasi mahal mo pa si Jasper at gusto mong gumati sa kanya?!"

"I HATE YOU!" sigaw ko. "I hate you, Stan! Tingin mo dahil kay Jasper yun, ha?! Ayun ba talaga ang tingin mo?! Sumama ako sa punyetang Adam na yan dahil dinala mo si Grace at akala ko kayo na ulit at nagselos ako at arrghhh! Ano ba! I hate you so much because I'm already falling in love with you and I really, really hate you righ--!!" I was not able to finish what I am saying because he is already kissing me and I am kissing him back.

Binuhat ako ni Stan at I ran my fingers through his wet hair while kissing him.

Biglang napatumba si Stan sa may sofa kaya naman napunta ako sa ibabaw niya.

Inalis ko ang kamay ko sa likod ng ulo niya and I started unbuttoning his shirt.

"Wait.." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"W-what?" takang taka kong tanong.

"I-I know you don't want this..."

"Huh?! Stan, I am sober. I know what I'm doing. Ako na nga unang nagtatanggal ng polo mo!"

He chuckled.

Shet pinagtawanan ako.

Biglang nag-init ang mukha ko at umalis ako sa pagkaka-paibabaw ko sa kanya. Feeling ko ang pula pula nang mukha ko. For sure itsura ko kanina parang babaeng hayok na hayok sa sex.

Shit Aiscelle! Shit!

"Aiscelle.." hinawakan niya ang balikat ko pero tinabing ko siya.

"Sorry! May magagalit ata kung may mangyari sa akin. Oo nga pala, may Grace na sa eksena."

Napatawa ulit siya nang mahina.

SHIT TALAGA! PINAGTATAWANAN NIYA AKO!

"Walang Grace, Aiscelle. Kaya kami magkasama dahil ipinakilala ko siya sa director namin. Nag p-prod din kasi si Grace. Nagkausap kami nung nag out of town ako at naging okay na kami. Nakalinawan, nagkapatawaran. Closure kung baga. At nakwento kita sa kanya. Kaya wag ka na sana maghinala. Dahil ikaw ang mahal ko at gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako. Buo na ang desisyon ko na kahit ipagtulakan mo ako, hindi ako lalayo, Aiscelle."

"I-ikaw kaya ang tumutulak sa akin ngayon..."

Iniharap niya ako sa kanya at ipinatong niya ang magkabilang kamay niya sa balikat ko.

"I'm sorry kung bigla bigla kitang nahalikan kanina. Hindi mo alam kung gaano kalakas ang impact sa akin nung sinabi mong nahuhulog na rin ang loob mo sa akin. You're falling in love with me, you said. Siguro hindi pa buo. Siguro hindi pa kasing lalim nang nararamdaman mo para kay Jasper noon. But I am willing to wait. I want to take things slowly. Kaya...hindi muna pwede yung gusto mong mangyari ngayon."

Sinuntok ko siya sa dibdib.

"Bwiset ka. Bwiset ka talaga, Stan. Sana noon ka pa dumating para masaya na tayo ngayon."

"Sorry I'm late, princess. Don't worry, babawi ako."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at ngitian siya.

"Talaga?"

Tumango siya at hinalikan ako sa noo.

"If you let me then I'll do my best to make you happy. I love you, Aiscelle."

To be continued...


AN:

Hi guys! Doon sa mga naghahanap ng Facebook account ng EndMira, wag niyo na po hanapin. Hindi ito nag e-exist tulad nila na hindi rin nag e-exist in real life. Char! XD

At doon sa mga nagtataka kung bakit minsan doble or triple ang notifs ng Sana, lagi ko kasi inu-unpublish ang chapter then publish ulit para mag notify ulit. Ayan ay para sa mga readers na hindi nakakatanggap ng notifications.

Aaaanndddd.... I'M SORRY KUNG SING BAGAL AKO NG PAGONG SA PAGUUPDATE. Iginagapang ko talaga ang mga updates ko weekly kasi sobrang busy sa work. At para mas maintindihan niyo ako, 10.5 hours ang binubuo kong oras sa trabaho everyday. Plus 4 hours pa dahil sa byahe at traffic. Kaya maaga ako umaalis sa bahay, late akong nakakauwi pag gabi. Yung tipong matutulog na lang ako dahil maaga pa ulit ako gigising kinabukasan. Kaya sorry talaga. At salamat sa mga nakakaintindi. Di bale, malapit na rin matapos tong Sana. Ilang kembot na lang. <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro