Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixty Five

Chapter Sixty Five

AISCELLE.

"Will you please stop smiling?!" sabi ko kay Stan.

"Sorry but I can't help it. Masyadong maganda ang view sa harapan ko ngayon. The girl I love is in front of me, wearing my shirt at sarap na sarap na kinakain ang luto ko. Di ba, para lang tayong mag-asawa?"

Napailing na lang ako.

Paano kasi, dahil sa basang basa ako ng ulan, I have to borrow his shirt. At nang makapag-palit ako, may naka-prepare nang French onion soup sa dining table.

Masarap yung soup. Ano pa bang i-e-expect ko sa isang lalaking nag aral ng culinary arts sa France, 'di ba? At dahil sa dami ng nangyari ngayon, gutom na gutom na ako kaya naman sunod sunod ang higop ko doon sa soup. Kung hindi nga lang nakakahiya, manghihingi ako ng kanin, eh!

"Mag-asawa your face. Tinanggihan mo nga ako kanina, eh---!"

His grin widens at bigla naman akong napayuko at nagkunyaring wala lang ang sinabi ko.

Shit. Sige Aiscelle. Ipaalala mo pa ang kaharutan mo kanina. Ikaw pa ang unang maghuhubad. Tapos tinanggihan ka niya. Bwiset.

"Nabitin ka ba talaga?" tanong niya.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong inosenteng inosente siya na naka tingin sa akin.

Ay bwiset talaga.

I glared at him.

"Joke lang!" natatawa-tawa niyang sabi.

"C-che!" inis kong sabi at pinagpatuloy ko ang pagkain.

Kainis ang isang 'to, eh. Napaka!

"Aiscelle?"

Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya and I saw him looking at me seriously.

"S-salamat, ah?"

"For what?"

"For giving me a chance..."

Natahimik ako at tinitigan ko ang kinakain ko.

Chance...

It is true that I am starting to fall for him. Ramdam na ramdam ko yun. It's a different feeling nung nahuhulog ako kay Jasper Yu dati.

Yung kay Jasper, it's like my quiet world became chaotic. Yung kay Jasper, parang lagi akong namimili kung sa safe side ba ako or sa risky side.

Pero kay Stan, iba. Tahimik lang, balanse...and I feel safe.

Sa mata ng iba maaring boring. Pero sa akin, it feels like I found my happy place...my safe haven.

At kung ako ang tatanungin, sasagutin ko na siya ngayon din, agad agad. I want him. I really do. I want him so bad.

Pero mukhang tama nga na we should take things slowly. Tama ang sinabi niya na hindi dapat kami nagmamadali.

Kasi ngayon hindi ko rin alam ang gagawin ko.

I want him to be my boyfriend...

...pero kailangan ko rin siyang iwan.

I'm going away. Naka enroll na ako sa states para sa fashion designing. Finally I was given a chance para gawin ang bagay na gusto ko.

Pero bakit lagi na lang nangyayari sa akin 'to?

Parang Jasper Yu all over again.

"Aiscelle?"

Napa-angat ang tingin ko kay Stan at nakita ko ang pag-aalala sa mga tingin niya.

"Aiscelle, i-is something wrong?"

"W-wala.. wala."

"Wala? Eh bakit naluluha ka?"

"H-ha?"

Agad akong umiwas nang tingin.

"H-hindi ah..."

"Aiscelle, please tell me. N-nabigla ba kita? A-are you changing your mind about me?"

"Eh kasi---!" bigla na lang bumagsak ang luha sa mata ko.

One thing I really hate about myself---sobrang iyakin ko. Nakakainis. Ni hindi ako marunong mag pigil ng luha.

"Aiscelle..."

Agad lumipat si Stan sa tabi ko.

"Stan...I-I'm falling for you, at hindi ko mapigilan ang sarili ko. I want you. I really do. At alam ko na ikaw yung lalaking dapat hindi ko pakawalan. I can feel how much you love me and it is really overwhelming. I want to love you too, but...but Stan, aalis ako eh. Iiwan kita at mai-stuck na naman ako sa ganitong klaseng dilemma. Ayoko nang maulit sa akin ang nangyari kay Jasper. Ayoko nang masaktan at makasakit. Pero paano? Stan.. paano tayo?"

"Aiscelle... hey..." he cupped my face and wiped my tears away. Inangat niya nang bahagya ang mukha ko pero hindi ko siya magawang tignan. Iyak lang ako nang iyak. Paulit ulit na pag hikbi at pag hagulgol.

"Aiscelle, listen to me. I am not going to let you choose between me and your dream. I know how important your dream is to you. I want to be that someone who will support you. Aiscelle, I love you so much and if you really need to go, then I am going to let you go. But don't worry, magiintay naman ako sa'yo, eh. Di ba nga sabi ko sa'yo, kahit ipagtulakan mo pa 'ko, hindi ako aalis sa tabi mo? Kahit gaano pa katagal 'yan, I don't care. I'll wait for you."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap ako kay Stan habang umiiyak. I hugged him tight na para bang pag bumitiw ako, mawawala siya sa akin.

He hugged me back habang paulit ulit niyang ibinubulong kung gaano niya ako kamahal. Bawat salita niya at tumatatak sa akin...nararamdaman ko. Kaya hindi ko rin mapigilan ang mga luha ko. Kahit gusto ko nang tumigil sa pag-iyak, ayaw talagang paawat.

Dahil ngayon, I am crying because I can feel too much love from someone.

At sa hinaba-habang panahon, ngayon ko lang nakita kung gaano ako ka-swerte.

Thank you God dahil dinala mo si Stan sa buhay ko.

~*~

NICA.

"Nung second year highschool ako, nagkaroon ako ng tatlong girlfriend.." kwento ni Jasper Yu.

Umaga na. Mataas na ang araw sa labas at humupa na ang bagyo. Pero kaming dalawa ni Jasper, nakahiga pa rin sa kama at parehong tinatamad bumangon.

Nakapatong ang ulo ko sa braso niya habang yung isang kamay niya naman ay nasa waist ko.

Chansing ang loko. Kanina ko pa siya tinutulak palayo pero ayaw niya patinag. Kada itutulak ko siya, mas lalo niya hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin kaya wala na akong magawa.

Pero bakit ba ang arte ko? Minsan ang sarap ding batukan ng sarili ko. Nahihiya-hiya pa ako sa payakap-yakap nitong si Jasper Yu samantalang deep inside kinikilig naman ako.

Kaya sige na, eto na, hinayaan ko na na ganito ang posisyon namin kasi nag eenjoy rin naman ako.

Ang lapit pa ng mukha niya sa akin. Libreng libre kong titigan.

Punyeta napaka pogi niya. Dami pwedeng umagaw. Kainis.

"So yung tatlong girlfriend mo nung second year highschool ka, sabay sabay sila?" tanong ko.

"Paano mo nalaman? Ang galing mo mang hula!"

Inirapan ko siya.

"Obvious naman. Ikaw pa ba?"

Nginitian niya ako.

"Wala eh. Pogi ko kasi kaya pinagbigyan ko lang ang mga girls..."

Himapas ko siya sa may dibdib.

"AW! Pero di ko na pagbibigyan ang iba ngayon kasi nandito ka na. Sasabihan ko na silang back off dahil taken na ako at ang puso, isip at katawan ko ay para sa iyo na lang."

"Leche ka Jasper Yu."

"Uuuy kinikilig siya. Lalo na doon sa katawan part," pangaasar niya.

"Sapakin kita diyan, eh!"

"Sapakin sa kiss?" at ngumuso siya habang nilalapit ang mukha sa akin.

Tinabing ko nga ang mukha niya palayo sa akin.

"Ituloy mo na yung kwento mo!"

"So ayun nga, tatlo silang girlfriends ko nun. Sabay sabay. At nung nalaman nila yun, rambulan talaga. Nagsabunutan sila na nauwi sa pagpapatawag sa kanila sa principal's office. Nung nalaman ng principal namin yung dahilan ng pag-aaway namin, pinatawag niya ang mama ko."

Natawa ako sa kwento niya.

"Ano sabi ni tita?"

"Ayun, sinermonan ako. Kesyo manang mana ako sa tatay ko. Tapos after nun, binilhan ako ng condom. Tutal hindi naman daw niya ako mababantayan bente kwatro oras at alam na alam niyang gagawa at gagawa ako ng kalokohan, at least man lang daw mag lagay ako ng proteksyon dahil pag naka-buntis ako, sa kalye ako titira."

Napatawa ulit ako dahil naiimagine ko ang mama ni Jasper. Napaka cool talaga niya.

"Buti di nag mana sa'yo si Jaden."

Napailing siya, "minsan nga iniisip ko sana nag mana na lang yun sa akin."

"Oy! Bait bait kaya ni Jaden."

"Torpe naman at nasobrahan sa bait. Ayan, naunahan tuloy ng iba doon sa balak niyang ligawan. Ang bagal bagal kasi, hindi gumawa ng moves."

Naalala ko tuloy yung babae na binigyan ni Jaden ng shake doon sa coffee shop. Ayun ata ang nambasted sa kanya.

"Eh baka naman kasi yung para sa kanya nasa tabi na niya di pa niya nakikita," sabi ko.

Jasper shrugged, "eh sana makita na niya. Kasi pangatlong babae na yun na nambasted sa kanya. Kawawa naman." Nilingon ako ni Jasper, "teka, kanina pa ako kwento nang kwento about sa past ko. Ikaw naman! Daya mo. Ano ang pinaka-matinding kalokohan ang ginawa mo nung highschool ka?"

Natahimik ako at parang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni Jasper.

Pinaka matinding kalokohan...

"Nica?"

"Tara kain tayo ng breakfast!" sabi ko.

"Eeeeh! Daya nito ayaw mag share! Dali na. I'm your boyfriend. Promise hindi kita pagtatawanan."

Tinignan ko siya at nakangiti siya sa akin habang nag c-cross my heart siya.

Napabuntong hininga ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ipinako sa kisame.

"Pinaka matinding kalokohan ko nung highschool..." huminga ulit ako nang malalim dahil feeling ko may nakabara sa lalamunan ko. "Ninakaw ko yung listahan ng adviser namin ng mga paid na sa tuition at inilista ko ang pangalan ko doon. Pero ang totoo, hindi ako makapag bayad ng tuition pang exam. Wala kaming pera, eh. Ayaw akong bigyan ng tatay-tatayan ko. Sabi niya sa akin, bibigyan niya ako ng pang tuition kung sasama ako sa kanya. Ipapakilala raw niya ako sa kaibigan niyang Hapon."

"N-Nica..."

"Pero syempre hindi ako pumayag. Naalala ko kasi yung nangyari sa akin nung bata ako. Nung minsan niya akong ibinenta sa kano. Buti na lang bago pa ako magalaw nung kano, nahuli na yun ng pulis."

Hindi umimik si Jasper pero ramdam ko na napahigpit ang yakap niya sa akin. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Parang bigla akong nanliliit. Napalunok ako habang pinipigilan ang mga luha sa mata ko.

"Alam mo, sinaktan din niya si Mamita. Nadamay si Mamita dahil sa akin. Dahil hindi ko siya mabigyan ng pera. Kaya ako umalis. Kaya ako lumayo. Hindi lang dahil sa akala ko kayo na ni Aiscelle kundi dahil kasi natatakot ako na baka ikaw rin, masaktan niya. Ang dami niyang kinuha sa akin at ayokong madamay ka. I have a very twisted life, Jasper. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako tinatantanan. Any minute, pwede ulit siyang lumitaw sa buhay ko at sirain ulit lahat ng mga pinaghirapan ko. Pwedeng madamay ka rin."

"Nica!"

Nagulat ako sa biglaang pagtataas ng boses ni Jasper Yu. Lilingunin ko sana siya pero nagulat ako nang bigla siyang pumaibabaw sa akin at tinitigan niya ako.

"J-Jasper--!"

"Nica... bakit ngayon mo lang sinasabi ang mga bagay na 'to sa'kin?"

Napaiwas ako ng tingin and I hold back my tears.

"Hindi pa huli Jasper..."

"Nica--!"

"Pwede pang mag bago isip mo. Pwede ka pang mag back out. Wag kang mag-alala, maiintindihan ko naman kung maiisipan mong iwan ako---!"

"Nica!"

Napatahimik ako. Kita ko ang galit sa mata ni Jasper. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang nagbabadyang pag patak ng luha sa mata ko na pilit ko pa ring pinipigilan.

Jasper's eyes softens at hinawakan niya ang mukha ko.

"Nica...why are you holding back your tears?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at hindi ako umimik. Alam kong pag nagsalita ako, mapapahagulgol ako nang iyak.

Umalis si Jasper sa pagkakapaibabaw niya sa akin and he gently pulled me in a sitting position.

Hindi ko pa rin siya magawang tignan. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong magtago para makaiyak ako.

"I love you," bulong ni Jasper kaya naman napatingin ako sa kanya. "Kahit ano pa ang past at present mo. I love you. Naiinis ako kasi hindi mo kinuwento sa akin ang mga bagay na 'to noon. Na wala akong ideya na grabe ang pinagdadaanan mo. All this time, I am leaning to you. Ikaw ang takbuhan ko kapag may problema ako. Ikaw lagi ang hinahanap ko kada nasasaktan ako. At wala akong ideya na ikaw mismo, may mas mabigat ka pang dinadala..and I hate myself for that. Ni hindi ko nagawang tanungin ka noon.."

Hinawakan niya ang magkabilang side ng mukha ko at idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"Naiinis ako sa narinig ko. Paano ka niya nagawang saktan noon? Bakit mo napagdaanan yun mga bagay na yun?"

Humiwalay siya nang bahagya at tinignan niya ako sa mata. Kita kong sumalamin sa mata niya ang expression ko ngayon.

"H-hindi ka natatakot? H-hindi ka na b-bother sa kung anong pwedeng mangyari sa'yo dahil sa akin?"

Umiling si Jasper.

"Kahit demonyo pa ang humahabol sa'yo, hindi kita iiwan. Nica, I love you. I really do. At gusto kong malaman ang lahat nang tungkol sa'yo. Positive side man yan or negative, gusto kong malaman lahat lahat lahat. And please trust me when I tell you na kahit anong marinig ko, hindi kita iiwan. Ikamamatay ko yun, eh. Kaya please, tell me more. Malaya kang mag salita sa harap ko. Malaya kang mag mura, magalit at umiyak. I will hug you tight habang inilalabas mo lahat ng mga sama ng loob mo. At promise, after nito, ipagluluto kita ng masarap na pagkain, tapos lalabas tayo, mag d-date tayo, gagawa tayo ng maraming maraming maraming masayang memories para matabunan natin lahat ng mga masasakit na nangyari sa'yo. And I'll be there by your side. Hindi kita iiwan. Promise yan. Kahit anong manyari."

Napangiti ako kay Jasper.

At kasabay ng pag ngiti ko ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

And then, I told him everything.

Lahat ng mga naranasan ko. Lahat ng pangit na bagay sa akin. Lahat lahat lahat.

At umiyak ako nang umiyak sa harapan niya. Nagmura ako nang nag mura. Paulit ulit kong pinagmumura lahat ng mga taong nanakit sa akin at mga dinadala kong sama ng loob at problema. Lahat ng masasakit na bagay na napagdaanan ko.

And he stayed by my side. Niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit at ipinaramdam niya sa akin na hinding hindi niya ako iiwan.

At habang ikinukwento ko sa kanya ang buhay ko, unti unti na ring nawawala ang sakit.

To be continued...

Aly's note:


Hi guys! Sorry po natagalan ang update. Sobrang busy talaga ngayon sa work kaya nawalan ng time. Makakaasa kayong ang susunod na update ay mahaba. I'll post it within this week.

And sa mga nagtatanong, next story po na gagawan ko ay si Ayen. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro