Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixty

Chapter Sixty

NICA.

"Giraffe ba ang favorite animal mo?" tanong ni Aiscelle sa akin habang nandito kami ngayon sa set.

Hindi ko siya pinansin. Alam ko na naman ang sasabihin niyan, eh.

"Si Jasper Yu ba ang hinahanap mo? Nandoon siya sa tent niya."

Nilingon ko si Aiscelle, "ikaw? Ba't nandito ka? Boss ka pero punta ka nang punta sa shoot. Hindi mo naman kailangang mag bantay."

Inirapan niya lang ako at nilayasan.

Nag walk out agad. 'Di ko tuloy siya na-inform na naka-uwi na si Sir Stan at pupunta siya mamaya rito.

Pansin ko kasi dito kay Aiscelle, hanap nang hanap kay Sir Stan. Maya't maya nagtatanong sa mga staff kung nakauwi na ba ito. Hindi na lang itext para malaman niya.

Nung isang araw, inasar ko siya na baka naman kaya niya hinahanap si Sir Stan eh dahil mahal na niya. Aba nagalit. Sinabihan ako na wag ko na siya i-issue sa iba at wala siyang balak agawin sa akin si Jasper.

As if naman pagmamay-ari ko si Jasper.

"Nica?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Theo na papalapit habang karga-karga si Nisha.

Napangiti ako.

Kanina ko pa sila inaantay. Ngayon ko kasi ipapakilala itong si Nisha kay Leigh. Nakwento ko na rin kay Leigh ang about kay Nisha at infairness naman kay bruha, willing siyang ma-meet yung bata.

"Theo!" masiglang salubong ko sa kanila. "Buti hindi kayo naligaw."

"Hindi naman. Malapit lang din sa amin 'tong lugar. Isa pa, kilala naman 'tong cafe na 'to rito."

"Buti naman." Ibinaling ko ang atensyon ko kay Nisha at nginitian siya, "excited ka na bang makita si Leigh?"'

Ngiting ngiti na tumango ang bata. "Opo!"

"Oh pakita mo kay Ate Nica yung necklace mo," sabi ni Theo sa anak niya.

"Ito po oh, may picture ni Ate Leigh."

Tinignan ko yung suot niya.

"Wow ang cute naman niyan. Halika punta na tayo kay Ate Leigh?"

"Yehey!!"

Ibinaba ni Theo si Nisha. Humawak yung bata sa kamay ko at nag lakad kami papunta sa tent ni Leigh. Nakasunod sa likuran namin si Theo.

Kinatok ko yung tent ni Leigh at agad naman binuksan nung personal assistant niya ang pinto.

"Si Leigh po? Busy po ba?" nakangiti kong tanong sa kanya. "Nandito na po kasi yung fan na sinasabi ko na ipapakilala ko po sana."

Nagtaka ako nang mapansin kong parang natataranta yung assistant at niliitan ang uwang ng pintuan. Hindi ko kita ang loob.

"Ay mamaya na lang. Paupuin mo muna sila diyan. Tatawagin ko na lang."

"Ah sige po--"

"Ate Leigh!"

Nagulat ako nang biglang bumitiw si Nisha sa pagkakahawak sa kamay ko at tumakbo papasok sa loob ng tent.

"Nisha!" sigaw ni Theo at hinabol siya papasok sa loob.

"Teka bawal pumasok!" saway nung assistant.

Sumunod ako doon sa assistant nang makita kong hahatakin niya sina Theo at Leigh.

Pero napahinto ako agad.

Kaya pala nililiitan ang awang. May hindi pwedeng makita kasi baka lumabas ang balita.

Nandoon si Leigh sa loob, nakaupo sa folding bed niya. But she's not alone. She's with someone. At yung someone na yun ay naka-akbay sa kanya habang magka-holding hands sila.

Si Jasper Yu.

Nagtama ang tingin naming. Kita ko ang gulat sa mata niya na sumasalamin sa expression ko ngayon. Agad niyang binitiwan ang pagkakahawak sa kamay ni Leigh at pagkakaakbay niya rito. Bahagya rin siyang dumistansya kay Leigh.

"Ate Leigh..." tawag ni Nisha na parang maiiyak na.

Hinawakan ni Theo sa braso ang anak at hinila.

"Mamaya na sabi," saway nung assistant at medyo hinarang sila.

"Anak, mamaya na lang," sabi ni Theo kay Nisha.

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata ni Nisha.

"Ay, wait wait!" awat ni Leigh. "Ikaw ba si Nisha?" nakangiting tanong ni Leigh sa bata. Napalingon si Nisha kay Leigh at tumango.

Tumango si Nisha at lumapit kay Leigh. Halata sa baya na parang paiyak na siya. Binuhat naman siya ni Leigh at ikinandong sa kanya.

"Naku eh kinukwento ka sa akin ni Ate Nica. Sabi niya good girl ka raw."

Napangiti nang malawak si Nish. Tinignan ni Leigh ang assistant niya at sinenyasan na okay lang. Tumango yung assistant at lumabas.

Lumapit sa akin si Theo.

"Thanks Nica, ha?" bulong nito.

"Sus. Wala yun."

Umakbay siya sa akin and he gave me a quick hug.

"Thanks talaga."

Napatingin ako kay Nisha na busy na makipagdaldalan kay Leigh. Infairness sa babaeng 'to, marunong makipag usap sa bata. For the first time, natuwa ako sa kanya.

Napatingin ako kay Jasper—at nakatingin din siya sa akin. Seryoso. Hindi ngumingiti.

Iniwas ko agad ang tingin ko.

Ayoko siyang tignan o kausapin o kahit ano. Ayokong mag selos sa nakita ko o bigyan nang meaning yun.

Pero tangina lang. Ano ba. Hindi ko mapigilan. Kaya ba ayaw kaming papasukin? Mahal ba niya? Kaya ba niya iniwan si Aiscelle?

"...tapos si Ate Nica yung dating girlfriend ni papa pero love talaga ni papa si mama pero mabait din naman si Ate Nica."

Napatingin ako bigla kay Nisha habang nanlalaki ang mata.

PUTA. SHIT.

Katahimikan.

Lahat nagulat. Lahat nanlalaki ang mga mata.

Lumapit si Theo sa anak at tinakpan ang bibig.

"Ah hehe.. wag niyo na lang pansinin yung sinabi niya."

Napatawa si Leigh at napatingin sa amin.

"So dati kayong mag jowa?"

Naramdaman ko ang pag init nang mukha ko. Pareho kaming hindi umimik ni Theo.

Nilingon ni Leigh si Jasper Yu.

"Wala ka. Yung ex ni Nica, loving father na, husband material pa. Isa pa, hot daddy! Look at those muscles!"

Napaiwas ako nang tingin kay Jasper Yu. Ang init init nang mukha ko. Bwiset na Leigh 'to. Humanda siya talaga. Gagawan ko siya ng kwento at sisiguraduhin ko na maipapalabas ito sa sine at siya ang gaganap para ma torture siya!

Napatingin ako nang bahagya kay Theo at kita kong namumula rin siya at napapakamot na lang sa likod ng ulo na para bang na-a-awkward-an siya.

At halata naman talaga.

Si Theo yung tipo ng taong hindi niya alam kung paano i-ha-handle pag may nag co-compliment sa kanya.

"Nica I need you to re-write my lines," sabi ni Jasper.

Napalingon ako sa kanya at tatarayan ko na sana siya nang mapatikom ang bibig ko kasi he is looking at me seriously.

Wala yung playfulness sa expression niya, wala yung mapang-asar na tingin niya.

Seryoso lang siyang nakatingin habang naka-kunot ang noo niya.

Medyo napa-atras ako nang kaunti at feeling ko gusto kong mag walk out.

Bakit ganyan siya makatingin na parang may masama akong nagawa?

Dahil ba naistorbo namin sila ni Leigh kanina?

Nilingon ni Jasper si Leigh at Nisha.

"Excuse us."

"Gora lang," sabi naman ni Leigh.

Ibinalik ni Jasper ang tingin niya sa akin at sumeryoso na naman ang itsura niya.

"Let's go," malamig na sabi niya sa akin.

Naunang lumabas si Jasper sa tent. Napatingin ako kay Theo.

"W-wait lang ah? May gagawin lang ako."

Sinundan ko si Jasper sa labas at nakita kong nauuna na siyang mag lakad papunta sa tent niya.

"Nica!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita kong tumatakbo palapit si Theo.

"Nica, sorry ah? Did I get you into trouble?"

Tinapik ko siya sa braso, "hindi 'no. Nu ka ba. Pasok ka na sa loob. Samahan mo si Nisha doon."

Ipinatong ni Theo ang kamay niya sa ulo ko at medyo ginulo ang book ko.

"Thank you talaga, ah? Ang saya saya ni Nisha. Promise babawi ako sa'yo."

"Sus , wala yun ano ka ba."

"Nica."

Pareho kaming napalingon kay Jasper at nagulat nang makita kong nasa likod ko na siya.

"I need you now," mariin niyang sabi sa akin.

Tumingin ako kay Theo, "sige ah? Later na lang."

"Walang later. Marami kang gagawin ngayon," sabat ni Jasper.

Ano bang problema niya?!

Nagpaalam na ako kay Theo at sumunod kay Jasper sa tent niya.

"Ano po ba ang ipapagawa niyo po sa akin?" tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa tent.

Inabot niya sa akin yung script.

"Masyadong korny yung line ko rito. Paki-revise."

Kinuha ko yung script at binasa ko yung linya na tinutukoy niya. Napakunot ang noo ko. Ito yung isa sa pinaka favorite kong lines dito. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa scriptwriter nito kung gaano ko nagustuhan yung lines na 'to.

Hindi OA, hindi korny, tamang tama lang para tumagos sa tao yung gustong ipahatid ng character.

"Uhmm, pwede bang matanong kung bakit ayaw mo?"

"Sa ayoko lang. Hindi ko sasabihin yan."

"Bakit? Dahil ba nasabi ng lalaki sa babae kung gaano niya 'to kamahal? Hindi mo kayang i-deliever ang linyahang ganun?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hinahamon mo ba 'ko?"

Tinignan ko siya ng diretso sa mata. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.

Nakakapikon na talaga.

Huminga ako nang malalim at pilit kong pinapakalma ang sarili ko para wag masapak ang lalaking nasa harapan ko.

"Okay po sir Jasper. Tignan ko po muna kung ano ang magagawa ko. Kailangan ko po munang magpaalam sa direktor kung ayos lang sa kanya. Sumusunod lang din naman po kasi ako sa kanila."

Yumuko ako at tinalikuran ko siya. Pakiramdam ko maiiyak ako. Alam kong maliit na bagay lang at hindi ako madaling umiyak sa mga bagay bagay.

Pero bwiset, eh. Leche.

Hindi ko alam kung ano ang problema niya bakit siya ganyan. Tapos kung makipag-usap siya sa akin ngayon, para bang hindi kami magkaibigan samantalang dati halos ipagdiinan niya na friends kami.

Ngayon feeling ko hamak na katrabaho lang ang turing niya sa akin sa way ng pakikipagusap niya.

Palabas na sana ako ng tent nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at iniharap sa kanya.

"Why are you with him?" seryoso niyang tanong.

Napakunot ang noo ko at hinatak ko ang braso ko na hawak hawak niya.

"Ano naman?"

"Sabi mo galit ka sa kanya. Sabi mo hindi mo siya mapapatawad. Ngayon sinasamahan mo siya. At yung nanay nung bata, alam ba niya yun? Mamaya awayin ka nun, eh."

"Single dad si Theo. Walang mangaaway sa akin. Ano bang paki mo?"

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Jasper.

"So... nililigawan ka ulit niya? Magpapaloko ka ulit?"

"Hindi niya ako nililigawan! Nandito siya para sa anak niya at hindi para sa akin. Ano ba, Jasper!"

"Ah sa anak niya na ano nga ulit pangalan? Nisha? Masyadong malapit sa pangalan mo, ha?"

Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Nawa'y hindi ko masapak ang pagmumukha ng lalaking 'to. Please, Lord. Give me strength.

"Pag Nisha kuha na agad sa pangalan ko? Hindi ba pwedeng dahil Nishlie ang pangalan ng nanay nung bata?"

Natigilan si Jasper. Bumuntong hininga at itinuro niya yung script.

"Basta gawin mo na lang yung inuutos ko. Wag ka munang makipag harutan sa kahit na sino."

Ay pucha!

Ibinagsak ko sa sahig yung script at dinuro ko siya.

"Leche ka, ano bang problema mo at parang galit na galit ka sa akin ngayon ha?! Dahil ba sa pangiistorbo ko sa harutan niyo ni Leigh? Edi sorry! Hindi ko sinasadya na maistorbo ka sa gitna ng pakikipaglandian mo sa ibang tao!"

Hinawakan ni Jasper ang wrist ko at ibinaba ang daliri kong naka-duro sa kanya.

"Sabi ko na nga ba, eh! Tama ako talaga!"

"Na ano na naman?!"

"Duwag ako pero manhid ka naman! Tama ako na.....bagay talaga tayo."

Tinaasan ko siya ng kilay, "huh? Anong sinasabi mo na naman!"

"Tignan mo yan?! Manhind!"

Hinatak niya ako palaas ng tent.

"Hoy saan tayo pupunta?!"

Hindi ako sinagot ni Jasper instead nilapitan namin yung associate producer namin.

"Miss Jena, standby naman po ako hanggang mamayang gabi?"

"Ay oo Jasper. Puro night sequences na kasi ang susunod mo. Okay lang ba? Gusto mong umuwi muna saglit? Just comeback here at five pm."

"Thanks po Miss Jena!" nakangiting sabi ni Jasper.

Nilingon ulit niya ako at hinatak.

"Huy ano na naman! Saan na naman tayo pupunta? Ano ba Jasper Yu!"

"Basta. I need to show you something."

"Ano?!"

"Yung abs ko."

"Gago ka!"

"Joke lang! Basta sumama ka na lang, okay? Saglit lang. Please Nica."

"Ano ba kasi yun. Sabihin mo na muna."

Umiling siya, "I need you to see it yourself. Please? Wag kang mag-alala, mas maganda pa 'to sa abs ko."

Tinitignan ko lang siya.

"Joke! Syempre iba pa rin ang abs ko. Pero basta. Kahit isang oras lang. Please?"

Napahinga ako nang malalim.

"Hindi ka manyakan yang ipapakita mo?" tanong ko.

Itinaas niya ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.

"Promise, wholesome 'to."

To be continued..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro