Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventeen


Dedicated to: mybriLIAMPAYNE. Salamat po sa magandang comment! <3


Chapter Seventeen

JASPER.

(More than two years ago)


Nagmamadali ako sa pagpunta sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Aiscelle. Kinakabahan ako at the same time, buo na ang loob ko.

Kanina nung kausap ko si mama at kinukwento niya ang about sa kanila ni daddy, parang nabuhayan ako ng pagasa.

Oo nga naman. Tama si mama. Hindi ka naman kailangan mamili between your family and dreams or love. Ang tunay na choices ay kung magpapakatotoo ka o pipiliin mong magsinungaling.

At sa lagay ko, gusto ko nang magpakatotoo si Aiscelle.

Sana maintindihan niya ako.

Dahil one block away lang ang bahay nina Aiscelle sa coffee shop, nauna siya sa pagpunta rito. I saw her in our usual spot. Sa may veranda kung saan kita ang city lights. She's wearing a simple white dress. Nakalugay ang buhok niya ngayon na iniihipan ng hangin. Ang simple simple niyang tignan pero napakaganda niya. Wala na akong ibang babaeng nakilala na hihigit sa ganda niya. Mula noon pa, nung highschool kami, nung nakita ko siyang tumutugtog sa may school grounds ng gitara, hanggang ngayon, walang kupas.

Sabi nila walang taong perfect. Pero pag nagmahal ka pala, doon mo makikita ang perfection. Yung kahit ang mga imperfections niya ay maganda para sa'yo.

Napahinga ako nang malalim.

Pero si Aiscelle kaya, nakita niya ba ang salitang perfect sa katauhan ko? Tanggap niya rin ba ang mga imperfections ko?

Napailing ako.

Ano ba Jasper. Hindi ito ang panahon para mag duda ka sa kanya. Dapat ngayon pinagkakatiwalaan mo siya.

Lumapit ako sa kinalulugaran ni Aiscelle.

"Hi," nakangiti kong bati sa kanya then I took the seat in front of her.

"Jasper, saglit lang ako ah? Hahanapin ako sa amin," sabi niya na para bang natataranta siya.

Napahinga ako nang malalim. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Aiscelle ang kamay ko.

"Jasper, I'm sorry, okay? I'm sorry doon sa nasabi ko sa'yo nung isang araw. I'm sorry kung nagalit ako dahil pinagtanggol mo ang sarili mo kay Francis. Sorry kung sinabi kong hindi pa sapat ang mga ginagawa mo. I'm really sorry. Stress lang ako lately. Ang daming ginagawa sa school. Pre-occupied ang utak ko. I'm really, really—"

"—Aiscelle," pag putol ko sa sinasabi niya. I smiled at her, "It's okay. I'm not mad at you. Naiintindihan ko."

Nginitian niya rin ako at ayun na ata ang pinaka magandang bagay na nakita ko ngayong araw.

"Thank you, Jasper."

Napaiwas ako ng tingin. Ang ganda ng mood at ng aura namin ngayon. Nakakadalawang isip kung dapat ko bang sabihin kay Aiscelle ang plano ko o sa susunod na lang? Para wag lang masira ang moment na 'to. Lately wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-away. Minsan lang kami magkaroon ng tahimik na moment.

Yun lang, alam kong hindi na ako magkakaroon ng lakas ng loob ulit kapag hindi ko pa sinabi sa kanya ang bagay na 'to ngayon.

I cupped her cheek at napapikit naman siya.

"I love you," bulong ko rito.

"I love you too, Jasper."

Huminga ako nang malalim.

"Aiscelle?"

"Hmm?"

"Do you trust me?"

Dumilat siya at tinignan ako ng seryoso, "oo naman! Ano bang klaseng tanong 'yan?"

"Introduce me to your parents."

Biglang nanlaki ang mata ni Aiscelle.

"What?! What the hell, Jasper?! Alam mo ang mangyayari sa atin pag pinakilala kita! Magagalit sila sa akin! I-g-ground nila ako! Baka-i-cut pa nila ang allowance ko! Hindi pwede!"

Napailing ako, "kailangan na natin sabihin ang lahat sa kanila, Aiscelle. I'll do everything para matanggap nila ako. Please?"

Umiling siya, "hindi nga pwede Jasper!"

"Aiscelle please? Mag take ka naman ng risk para sa akin, oh."

"You are asking me to choose you over them!"

"No! I'm not asking you to choose me! I'm asking you to be brave for me! I'm asking you to trust me! Gusto kong magpakatotoo ka na sa parents mo!"

Umiling si Aiscelle.

"No. You're asking for too much."

Huminga ako nang malalim at ipinatong ko ang ulo ko sa palad ko.

Ang bigat sa pakiramdam. Bakit ganun? Bakit hindi niya magawang mag take ng risk para sa akin?

"Sabi mo may tiwala ka sa akin. Pero bakit hindi ka magtiwala sa akin dito? Aiscelle, gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ng parents mo. Kung kailangang pati sila ligawan ko, gagawin ko. I'll prove to them na deserving ako sa'yo."

"Hindi nila maiintindihan. Jasper naman eh! Hindi mo kilala ang parents ko! Kung gusto mo na ipakilala kita sa kanila, dapat ngayon pa lang sinisimulan mo nang ayusin ang sarili mo!"

"Ano pa bang mali sa akin?!" hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng boses ko. Buti na lang at walang tao sa veranda bukod sa amin ni Aiscelle. "Aiscelle, anong pagbabago pa ba? Hindi man kami kasing yaman ng pamilya mo, pinalaki pa rin akong disente ng mga magulang ko. Alam kong gumalang. Marunong akong magpahalaga. Ano pa bang mali sa akin ha?! Ano pa bang kulang!"

Napaiwas ng tingin si Aiscelle.

"Yung course mo. Yung mga gusto mong marating sa buhay. Sana yung medyo possible naman maabot Jasper."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Aiscelle. Para akong nabibingi.

"Aiscelle, parang sinabi mo na rin na impossible rin ang pangarap ni Ice dahil diyan sa sinabi mo sa akin."

"Hindi seryoso si Ice rito. He's doing this kasi lost siya dahil kay Timi. Balang araw umaasa ako na maayos niya rin ang buhay niya."

"Shit, Aiscelle. Kilala mo ba talaga ang kakambal mo?!"

Tinignan niya ako na puno ng galit ang mata niya.

"Wala kang karapatang kwestyunin ako! At hindi yun ang punto Jasper! Kung hinihiling mo na ipakilala kita then I'm sorry dahil hindi ko kaya! Ayokong mapahamak!"

Napapikit ako at napahinga nang malalim. Nalulunod ako sa sakit. Ang hirap huminga.

"I can't do this anymore.." halos pabulong kong sabi. "Pagod na ako Aiscelle, eh. Ang sakit na kasi."

"Jasper naman. Anong ibig mong sabihin diyan. You're breaking up with me? Wag namang ganun."

"Aiscelle, nahihirapan na ako."

"Ba't ganyan ka?! Nangako ka eh! Sabi mo kakayanin mo! Sabi mo kaya mong magtiis para sa akin! Ba't naman ganito?! Ang sinungaling mo naman eh!"

"Pero kasi Aiscelle, parang ako na lang ang lumalaban eh. Tulungan mo naman ako, oh."

Tumayo si Aiscelle at lumipat siya sa upuan na katabi ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Give me time okay? Kahit saglit lang. Wag ka munang bibitiw. Ha? Jasper? Please. Wag ka munang bibitiw."

Tumango ako at hinalikan ko siya.

Kahit hindi ko na talaga kaya. Kahit nasasagad na ako at parang ubos na ubos na ako. Kahit na pakiramdam ko wala nang natitira pa sa akin kasi naibigay ko na sa kanya.

Pumayag pa rin akong magtiis.

Dahil nung panahon na yun, mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya.

Kahit ang sakit sakit na.

~*~

JASPER.

(present time)

"Jaden!!" sigaw ko sa kapatid ko mula sa kusina. "Nuod ka nang nuod diyan! Pumunta ka rito at tulungan mo ang kuya mong nagiisa ang kamay!"

"Ano ba kasi yun?!" iritang sabi niya sabay pasok sa kitchen. Natigilan siya bigla at nanlaki ang mata habang nakatingin sa mixing bowl sa harapan ko. "What the fuck?" tanong niya.

"Maka what the fuck ka diyan eh virgin ka pa? Nasa legal ka nang edad, virgin ka pa rin!" sabi ko sa kanya.

Mas sumimangot siya.

"Kuya, what the hell are you doing?!"

"Eto, hirap na hirap maghalo batter sa mixing bowl. Kesa mag e-english ka diyan, lumapit ka dito sa akin at pakihawakan ang mixing bowl nang hindi gumalaw!"

"Kuya!" yamot niyang sabi. "Bakit ka nag b-bake?!"

"Eh ano naman ha? Ano masama? Kasama na ba sa deadly mortal sins ang pag b-bake?"

Yamot na lumapit sa akin si Jaden at tinignan ng masama ang batter ko.

"Huy! Wag mong tignan ng masama 'yan! Mamaya pumangit ang lasa!"

"Shit ka talaga kuya! You're baking for that girl!"

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Huh?"

"Doon! Doon sa babaeng nagpakatanga ka at sumira sa'yo ng husto! Ano, babalikan mo ulit siya? Dahil successful ka na? Samantalang dati kinakahiya ka nun?! Wag kang tanga kuya!"

Binatukan ko nga.

"Aray ha!"

"Nag b-bake lang ako ang dami mo nang sinabi? Galit na galit ka na diyan! Kaya hindi ka nagkaka jowa eh. Sungit sungit mong bata ka! Hindi para kay Aiscelle 'to!"

Natigilan ulit si Jaden.

"Talaga? Eh para kanino 'yan?!"

Napayuko ako.

"Naalala mo yung kinuwento ko sa inyo ni mama? Y-yung pinagtakpan ako nung may sinutok ako sa bar...?"

"Ah. Si Ate Nica?"

Tumango ako.

"Gusto ko lang bumawi. Hanggang ngayon nakokonsensya ako eh. Nabalitaan ko pa na suspended siya doon sa bar. Ako may kasalanan nun."

Hinawakan ni Jaden yung mixing bowl para mahalo ko ng maayos.

"Dapat nga hindi ka na pinagtakpan ni Ate Nica para madala ka na sa mga kalokohan mo."

Huminto ako sa paghalo at binatukan ko ulit ang kapatid kong grabe ang moral support sa akin.

"Nakakarami ka na kuya! Porket mas pogi ako sa'yo!"

"Sige lang. Pagpilitan mong mas gwapo ka kahit alam naman natin ang totoo."

"Na mas pogi ako sa'yo?"

"Puro ka pogi diyan! O ayan mag halo ka!" inabot ko sa kanya yung wire whisk.

Kinuha ko yung cake pan at sinimulan kong lagyan ng parchment paper at ng butter.

"Pero seryosong tanong kuya, mahal mo pa ba si Ate Aiscelle?"

Hindi ko tinignan si Jaden.

"Ano na naman yang tanong na 'yan."

"Kasi pag oo ang sinagot mo, sasabihin ko kay mama palayasin ka na sa bahay."

"Loko ka ah. Ako bumili ng bahay na 'to!"

"Kahit na. Bawal tanga sa pamamahay na 'to!"

"Maka tanga 'to. Palibhasa hindi ka pa nagpapaka-tanga sa pagibig kaya mo nasasabi 'yan."

"Kuya simula nang makita ko ang nangyari sa'yo, inayawan ko na ang ganyang bagay. Pero sagutin mo nga yung tanong ko. Mahal mo pa ba?"

Hindi ako umimik.

"Ma palayasin na natin si kuya!" sigaw ni Jaden.

"Ha?!" dinig ko namang sigaw ni mama mula sa banyo.

"Sabi ko palayasin na natin si kuya! Bawal tanga sa bahay na 'to eh!"

"Ah.... Sige mamaya!" sigaw ulit ni mama.

"Mag impake ka na!"

Napailing na lang ako habang nakangiti.

"Sarap mong sapakin!" sabi ni Jaden. "Nakakainit talaga ng ulo! Kuya! Mahal mo pa talaga?!"

Huminga ako nang malalim. Itong si Jaden hangga't hindi nakakakuha ng matinong sagot, hindi ako tatantanan.

"Okay, gusto mong malaman ang totoo?"

Tinignan niya ako ng seryoso at tumango siya.

"Hindi ko alam," sabi ko. "Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako. Minsan naapektuhan ako sa kanya. Pero may times din na parang willing na akong bumitaw sa nakaraan. Minsan namimiss ko siya kada naalala ko mga pinagsamahan namin. Minsan naman nawawala na siya sa isip ko. Magulo ang nararamdaman ko."

Hindi kumibo si Jaden. Maya maya lang, napabuntong hininga na siya.

"Magulo nga kuya. Pero kung sakaling sabihin mo sa akin na mahal mo pa siya at gusto mo siyang ibalik sa buhay mo....sorry ah? Pero magagalit talaga ako sa'yo. Baka masapak pa kita."

Napatawa ako nang mahina.

"Galit na galit ka talaga sa kanya 'no?"

"Kasi hindi lang naman ikaw ang nasaktan niya eh. Pati kami ring nakapaligid sa'yo. Nung panahong lagi kang lasing. Nung sinasabi mo na gusto mo na lang mamatay. Yung nawalan ka nang will na mabuhay. Gusto kitang murahin nun kuya. Gusto ko ring sugurin ang Aiscelle na 'yan. Hindi lang ikaw ang sinaktan niya. Kung nakita mo lang kung paano umiyak si mama dahil sa nangyayari sa'yo nun."

Hindi ako umimik. Hindi ako makapagsalita. Alam kong matagal na nangyari pero bumabalik na naman ang guilt.

Nung naospital ako dahil na alcohol poisoning ako sa sobrang dami kong nainom, nagising ako naumiiyak si mama. Wala siyang idea kung bakit ako nagkakaganito. Hindi naman niya kasi alam ang tungkol kay Aiscelle eh. For sure pag nalaman niya ang nangyari magagalit yun. Susugod yun sa bahay nina Aiscelle.

Akala ni mama nun nagkukulang siya sa akin. Single parent na kasi siya. Nung highschool ako, namatay si daddy. Bago mamatay si daddy, mas close ako sa kanya. Syempre iniisip ni mama na hindi ko magawang mag open up sa kanya.

But the truth is, I'm just protecting Aiscelle. And I hate myself for that. Matapos niya akong saktan nun, I'm still protecting her.

At si Jaden, alam niya ang lahat. Dala-dala niya ang katotohanan. At siguro ako rin ang dapat sisihin kung bakit hindi nanliligaw ang isang 'to. Dahil nakita nga niya kung gaano ako nagpakatanga noon. Saski siya doon eh.

Hindi ko siya masisisi kung bakit galit siya kay Aiscelle. Pero may kasalanan din ako. May mali rin ako.

Sana hindi ako nagpakatanga noon. Sana hindi na lang ako pumayag na maging kami. Kung nasasaktan na ako, dapat umpisa pa lang tinapos ko na ang relasyon namin. Dapat hindi ko na hinayaan na ganituhin niya ako.

Siguro kung tinapos ko ng mas maaga noon, okay na ako ngayon.

Bukas na siguro ulit ang puso ko para mag mahal ng iba.

To be continued...


Aly's Note:

Mag-pinsan po si Kite at Aiscelle. Wag niyo sila i-ship. Incest 'yon! Hahaha




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro