Chapter One
Important! Please read!
I am rating this story R-16 because it might contain scenes and vulgar words that's not suitable for readers below 16 years old. Sa mga nakabasa ng The Falling Game and Game Over, I think aware kayo na si Jasper Yu ay hindi pambata. Hahaha. Read at your own risk! :)
(Nawa'y walang pasaway na bata ang magbasa nito. Ayokong may mangaway sa akin na nanay at sabihing bad influence ang storya ko XD)
***
Chapter One
JASPER.
Wow. Two years ago na pala ang nakakalipas. Nakakatawa na lagi kong natatandaan ang date na 'yun samantalang makakalimutin ako sa petsa.
November 23.
November 23 ang araw kung saan niya ako sinagot. November 23 ang date kung saan sinabi niya sa akin na mahal din niya ako.
At November 23 din ang araw kung saan natapos ang lahat. Ang araw kung saan hiniling ko na sana hindi ko na siya nakilala.
Pangalawang taon na 'to ng pagluluksa ko kada sasapit ang petsang 'yan. Last year, nagkulong ako sa kwarto ko. This year, nagpapakalasing naman ako kasama ang isang babae.
Ilang oras pa lang kami nagkakakilala ng babaeng kasama ko. Kanina lang nang ipakilala siya sa akin sa office. May project kami together. Isang TV series kung saan kami ang bida.
Maganda siya, sexy at model na model ang dating.
The way she looks at me, I think she likes me.
Mukhang sinuwerte ata ako ngayong araw.
Puro bote ng alak ang nasa harapan ko. Isa, dalawa, tatlo...hindi ko na alam. Hindi na ako aware kung gaano karaming alak ang nainom ko. Hindi ko na rin maintindihan ang mga nangyayari. Basta ang alam ko na lang, naka-kandong na siya sa akin habang may ibinubulong siya.
Hindi ko alam ang sinasabi niya. Wala na akong maintindihan. Ang ginawa ko na lang, hinila ko ang ulo niya at hinalikan ko siya. She easily responded to my kiss. Ni hindi niya inalis ang kamay ko kahit kung saan saang bahagi na ng katawan niya ito napunta. She pressed her body against me.
Para akong mas nalalasing sa ginagawa niya. Pero alam niyo ang nakakainis? Nakikita ko sa isip ko ang mukha ni Aiscelle.
Si Aiscelle Monasterio.
Siya ang dahilan kung bakit gusto kong burahin sa kalendaryo ang date na November 23.
Paano ko ba makakalimutan ang ginawa niya? Ang mga sinabi niya?
Paano ko magagawang kalimutan ang sakit na naramdaman ko nung araw na yun? Halos ikamatay ko yun.
Two years ago, sa eksaktong date na 'to, tinanong siya ng parents niya kung boyfriend niya ako.
Sabi niya hindi. Hindi kami. But the truth is, kami na talaga nun. Okay lang, sanay naman akong i-dinedeny niya eh. Sabi kasi niya that time, hindi pa siya pwedeng mag boyfriend nun kaya itago muna namin ang relationship namin.
I understand. I really do. After all, sobrang saya ko na na malamang mahal din niya ako. And that's enough.
No. Akala ko enough na yun. Pero minsan pala kailangan mo ring maramdaman na mahal ka ng taong yun. Hindi sapat ang salita kung hindi mo naman maramdaman ang katotohanan sa mga katagang yun.
Inaamin ko nag expect ako na sasabihin na niya sa parents niya ang about sa amin. After all, one year anniversary na namin nung panahon na yun. Pero kahit itinanggi niya ang about sa amin, naiintindihan ko. Pilit kong inintindi.
Pero alam niyo yung masakit? Yung narinig kong sinasabi niya sa parents niya na never siyang papatol sa akin. Na wag silang magalala, hindi siya katulad ng kakambal niyang si Ice na may mababaw na pangarap. May malaki siyang pangarap siya at masisira ito kapag ako ang ginawa niyang boyfriend.
Yes yes yes. Alam ko. Pinagtatakpan niya lang ang relasyon namin nun. Alam ko empty words lang lahat ng sinabi niya sa parents niya.
Pero masakit. Ang sakit sakit sakit sakit marinig.
Siguro dahil nilait niya ang pangarap ng kakambal niya? Dahil si Ice, pareho kami ng pangarap niyan. Nasa iisang banda kami. Iisa ang gusto naming. Ang maiparinig sa maraming tao ang muskiang nilikha namin. At kung para kay Aiscelle mababaw lang yun, ibig sabihin mababaw lang din ang pangarap ko?
Siguro partly dahil alam kong totoo? Siguro dahil mas bagay siya sa isang lalaking may class, may kwenta, mayaman at matalino.
Siguro dahil sawa na ako. Sawang sawang sawa na ako na i-deny niya sa mga tao.
And that time I realized, what the fuck am I doing? Do I even deserve to be treated like this?
Alam naman pala niyang bawal siyang mag boyfriend eh bakit niya ako sinagot?!
Sana hiniling na lang niya na mag intay ako hanggang sa maka-graduate siya. Mas kaya ko pa yun kesa itong ginagawa niya sa akin na itinatanggi niya ang relasyon namin. Yung marinig ko sa kanya na pagsalitaan niya ako ng masasakit na salita.
Nanliliit ako sa sarili ko. Feeling ko wala akong kwenta.
Ako na ang pinaka walang kwentang tao sa buong mundo dahil hindi ako kayang ipagmalaki ng girlfriend ko.
Ang sakit lang.
That's why I broke up with her. Feeling ko kasi hindi ko na kakayanin pa kapag makarinig ulit ako ng isa pang masakit na salita galing sa kanya.
At ang nakakainis?
She made me feel na it's my fault kung bakit hindi niya ako magawang ipagmalaki.
Nakaka-gago lang.
At ngayon, isinusumpa ko na talaga ang petsang yan.
Nung unang taon, nasa kwarto lang ako. Wala akong gustong makausap.
Pero ngayon, pinili kong magpakasaya.
Kaya nakipag-bonding ako sa alak at sa isang babaeng maganda.
Gusto kong makalimot. Gusto ko nang mabura siya sa isip ko. Gusto ko nang maka-move on.
Ibinaling ko ang atensyon ko sa babaeng kasama ko.
Fuck shit.
Bakit mukha pa rin niya ang nakikita ko?
~*~
May babae sa kama ko and she's naked.
Napatingin ako sa katawan ko. Fuck. I'm also naked.
Napabangon ako at tinignan ko ang oras. 10am na.
Shit. What happened last night?!
Sinilip ko ang mukha nung babaeng natutulog sa kama ko.
Well, yung sikat na model-actress lang naman na si Leigh Bueneventura ang katabi ko at hindi ko na maalala kung paano kami napunta sa kwarto ko at parehong walang saplot.
Napahawak ako sa noo ko dahil ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Gaano ba karami ang nainom ko kagabi at ang tindi ng hangover ko?!
"Jasper?"
Nilingon ko si Leigh at nakita kong kinukusot-kusot niya ang mata niya.
"What time is it?"
"It's already 10 in the morning."
"What?!" bigla siyang napabangon. "Oh my gosh! May appointment ako ng 12pm!"
Dali-dali siyang tumayo at pinulot isa-isa ang damit niya sa sahig ng kwarto ko.
"Jasper, I can't seem to find my underwear. Saan mo ba 'to hinagis kagabi?" tanong niya habang sinisilip ang ilalim ng kama ko.
"Ha? Ah.. wait tulungan na kitang maghanap."
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang underwear niya na nakasabit sa headboard ng kama ko. Kung paano 'yun napunta dyan, don't ask me. Wala talaga akong maalala.
"Here," inabot ko sa kanya ito.
"Thanks!
Agad niyang kinuha sa kamay ko at nagbihis siya sa harapan ko.
I'm speechless. Isa si Leigh sa mga celebrity crush ko at napapayag ko siya kagabi...pero badtrip! Wala man lang akong maalala sa mga nangyayari!
"Why are you staring at me? Hindi ka pa ba nagsawa rito last night?" tanong niya habang tinuturo ang katawan niya.
I grinned, "magsawa? Never."
Napangiti rin si Leigh ng malawak at nilapitan niya ako. She planted a kiss on my lips.
"I had a great time last night, handsome."
"That's good to know. Too bad wala akong maalala dahil sa kalasingan."
"What? Wala kang maalala? Malas mo naman. Ang saya saya natin kagabi eh. Lalo ka na."
"Really? Damn!" napakamot ako sa likod ng ulo ko then I smile at her sheepishly. "Pwedeng take two?"
She smile, "don't push your luck, handsome. Once is enough."
I groaned. She kissed me again.
"See you sa set!"
At dire-diretso na siyang lumabas sa kwarto ko.
Napahiga ako sa kama ko and tinitigan ko ang kisame. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kahapon.
Ilang beses na rin itong nangyari sa akin. Malalasing ako tapos pagkagising ko may babae na akong katabi. Kung paano ko nagawang mahatak sila sa kama ko, I don't have any freakin' idea.
O baka naman sila ang may gusto? I can't blame them. Who could resist my charms?
Tumayo ako at isa-isa ko rin pinulot ang damit ko sa kwarto ko. Nawawala ang boxers ko. Hindi ko alam kung saang parte ng bahay ko naihagis yun. Wala sa kwarto ko eh.
Hindi kaya kinuha ni Leigh para souvenir?
Kumuha na lang ako ng bago sa cabinet ko at lumabas ako sa room para magtimpla ng kape. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Ayen na nasa dining table at busy magsulat.
Doon ko lang na-realized na wala pala ako sa bahay ko. Nandito ako sa headquarters ng Endless Miracle---ang banda namin.
One story house lang ito na may limang bedrooms at isang recording room. Talagang kinuha ito para sa amin dahil kada may bago kaming album na ire-release, madalas eh inuumaga kami.
"Hinahanap mo ba ang boxers mo?" sabi sa akin ni Ayen. "Nandoon sa sofa. Doon mo iniwan."
Napakamot ako ng ulo at pumunta sa living room. Nandoon nga yung boxers ko. Bwiset na Ayen 'to ni hindi manlang pinulot para sa'kin.
Pero kung nandito sa living room ang boxers ko, ibig sabihin, dito pa lang nakahubad na ako kagabi?
Aba masyado ata kaming naging wild ni Leigh. At ang unfair kasi wala akong maalala!
Lumapit ako kay Ayen at naupo sa tapat niya. Busy pa rin siya sa pagsusulat.
Si Ayen o Jarren Reyes ang composer ng banda namin. Dati bago pa kami sumikat, kasama na namin siyang tumutugtog. Pero nang mabigyan na kami ng chance na magka-album, um-ayaw si Ayen. Mas pinili na lang niya ang magsulat. Kung bakit, wala kaming idea.
"Kanina ka pa nandito?" tanong ko sa kanya.
"Kagabi pa ako nandito. Nag live show pa kayo sa harap ko pre."
"Eh?"
Inangat ni Ayen ang tingin niya sa akin at tinuro niya ang sofa sa living room gamit ang ballpen na hawak niya.
"Nandiyan kayo kagabi habang nandito ako nagsusulat. I shouted get a room pero masyado kayong busy sa isa't-isa kaya hindi niyo ako napansin. Nung tinatanggal mo na ang boxer mo, pumasok na lang ako sa kwarto ko. I seriously don't want to see your ass."
I grinned, "sorry bro."
Napailing na lang siya, "next time sabihan mo ako kung may dadalhin kang babae rito."
"Bakit? Makiki-share ka?"
"Gago hindi! Para hindi ako dito magsusulat! Naapektuhan pagsusulat ko sa ingay niyo eh. Kung ayaw mong puro oohh at aah ang maging lyrics ng kanta niyo, warning-an mo ako sa susunod."
Napatawa ako ng malakas.
"Pre, i-imagine mo si Ice kinakanta ang ganyang lyrics."
Napatawa rin bigla si Ayen.
"Ang laswa! Pero bago pa natin siya mapakanta ng ganyan, mapapatay na tayo nun!"
Nagtawanan kami pareho.
Si Ice Monasterio ang vocalist ng banda namin. May pagka seryoso sa buhay yun. Hindi masyadong palangiti at may pagkamasungit.
Si Ice.
Siya ang kakambal ng ex-girlfriend ko.
Napahawak ako sa ulo ko.
"May pagkain ba?" tanong ko kay Ayen.
"Wala. Naubos ko na lahat."
"Ang takaw mo talaga."
He shrugged, "ganun talaga pag walang girlfriend."
Napailing na lang ako.
May pagka-weirdo rin 'tong kaibigan kong si Ayen. Parang allergic sa mga babae yan. Ni hindi pa nagkaka girlfriend. Gwapo naman.
No. Hindi siya bakla o bi. Sadyang mas interesado lang siya sa pagkain kesa sa babae.
Minsan talaga ang sarap isama nito sa bar.
Nagpaalam na ako kay Ayen at dumiretso ako sa restaurant ng kaibigan naming si Timi para kumain, at para asarin siya.
Nasangkot kasi siya sa isang issue kamakailan lang. Kumalat ang video nilang dalawa ni Ice na nasa mall at naka-akbay si Ice sa kanya. High blood na high blood si Timi dahil, una, napaka private niyang babae. Ayaw na naiisue siya. Pangalawa—it's Ice Monasterio, ang lalaking nanakit sa kanya.
You see, pareho kami ng kapalaran ng kaibigan kong 'yan sa magkapatid na yan. Pareho kaming nasaktan sa kanilang dalawa kaya naman I can't blame Timi kung bakit ang laki rin ng pagka-bitter niya kay Ice.
~*~
"Bakit ka ba dito nag l-lunch ha?!" sabi ni Timi sa akin habang naka-taas ang kilay niya sa akin. "Pansin ko kayong mga EndMira kayo madalas na kayong kumakain sa restaurant ko ha! Hindi naman kayo nag babayad. Malulugi ako sa inyo eh."
Nginitian ko siya, "oh wag highblood. Masarap pagkain dito eh. Ang gaganda pa ng mga servers mo."
Inilibot ko ang paningin ko sa restaurant ni Timi. Ang gaganda nga naman ng mga servers niya.
Kanina may napansin akong isang server dito. Petite na mahaba ang buhok at may cute na smile. Nasaan na kaya yun? Ang sarap pormahan eh.
"Pwede ba akong makipag-date sa isa sa kanila?" tanong ko kay Timi.
Binatukan niya ako.
"Aray ko naman! Ba't mo ako binatukan?!"
"Hands off ka sa mga employee ko! Mamaya may paiyakin ka sa kanila eh hindi makapag-trabaho ng maayos yun."
Nginitian ko si Timi, "'to naman! Joke lang eh!"
"S-sir J-Jasper, here's your b-baby back ribs."
Napalingon ako doon sa server na lumapit. Siya yung petit na babae nakita ko kanina.
Namumula ang mukha niya and she look so nervous.
I smile at her genuinely. "Thank you."
Biglang napatitig sa akin yung server. She blinked and then, bigla na lang niyang nabitiwan ang hawak niyang pinggan.
O-kay. That happens a lot.
"H-hala! S-sorry po! Sorry!" sabi niya sabay luhod para pulutin yung pinggan na nabasag.
Napatingin ako kay Timi and she's glaring at me na para bang kasalanan ko ang pagkabasag ng pinggan.
I mouthed, "what?!"
Nilingon ni Timi yung server.
"Hey wag mong hawakan---!"
"Aray!"
Nakita kong nasugatan yung server dahil doon sa basag na pinggan. Dali-dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya para tignan ang sugat dito.
"Naku nasugatan na ang maganda mong kamay."
Nag labas ako ng panyo at ibinalot ito sa sugat niya to stop it from bleeding.
"Uhmm.. may fist aid kit sa kitchen," sabi ni Timi.
Hindi ko siya pinansin. Kahit kelan talaga ang kontrabida ng kaibigan kong 'yan. Hindi ba siya nakakaramdam na busy ako gumawa ng moves sa magandang babae sa harapan ko ngayon?
"What's your name?" tanong ko sa kanya.
She's still blushing. Hindi ko binitiwan ang kamay niya.
"N-Nica.." mahinang sabi niya.
"Nica..." pag uulit ko habang tumatango. "Nice name. Bagay sa Jasper."
"H-ha?"
Nagkibit-balikat ako. "Kung sabagay. Kaya nga Jasper Yu ang pangalan ko eh..."
Nakita ko ang confusion sa mata ni Nica. Napangiti ako ng malawak.
"Because I am only made jas per yu."
I winked.
Mas lalo siyang nag blush.
Ibang klase talaga ang pick up line ko na 'yan! The best!
~*~
NICA.
Nandito ako ngayon sa employee's restroom. Nakailang hilamos na ako ng mukha pero hindi pa rin mawala-wala ang pamumula nito.
Nakakainis naman! Nakakainis talaga!
Bakit ko ba kasi kinain ang fried rice na 'yon?! Kung alam ko lang na may hipon doon edi sana hindi na ako tumikim! Ayan! Ngayon ina-allergy ako! Ang pula tuloy ng mukha ko at nangangati ang ilong ko!
Kada magsasalita ako, nauutal ako dahil parang any minute, mababahin ako.
Napatingin ako sa braso ko at napansin kong nagtatayuan ang balahibo ko. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako.
Paanong hindi? Eh narinig ko ang pinaka nakakasukang pick up line sa buong mundo.
I am only made jas per yu?! Punyeta ka-kornihan!
Kung hindi lang talaga siya best friend ng amo ko, natarayan ko na yun.
Pansin ko lang kasi, mula pagkapasok niya sa restaurant namin, ngiti na siya nang ngiti sa akin na parang sira ulo.
Yes alam ko. Gwapo yung lalaking yun. Maraming babae ang kinikilig sa ngiti niyang yun.
Pero sa akin? Leche. Ang creepy ng dating. Yung klase ng ngiti niya katulad din ng ngiti ng mga dirty old man sa bar.
Sana tigil tigilan niya yung ganyan ha. Jusko. Wag ako.
Napatingin ako sa salamin. Ang pula pa rin ng mukha ko. Para akong teenager na napansin ng crush niya kaya nag blush!
Wait---hindi kaya akala ng hayop na malanding lalaki na yon na nag b-blush ako sa kanya? Kaya ngiti siya nang ngiti sa akin? Akala niya naapektuhan ako?
Bwiset!
Dahil mukhang wala na akong magagawa sa mukha ko, lumabas na lang ako at kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Buti na lang wala na yung lalaking best friend ni Chef Timi.
Sana sa next time na babalik yan dito, iba na ang pag trip-an niya. Ang laki niya kasing distraction sa trabaho ko.
At ayun ang pinaka huling kailangan ko ngayon.
Ang distraction.
~*~
JASPER.
Shit late na ako!
Dali-dali 'kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa set kung saan kami mag s-shoot ng music video. Patay na naman ako sa manager ko nito pati sa mga ka-banda ko!
Nakalimutan ko talaga na may shooting kami ngayon. Si Ayen naman hindi ipinaalala sa akin!
Buti na lang talaga at nawala na ang hangover ko. Nakatulong ata ang masarap na pagkain sa restaurant ni Timi eh. Isa pa masyado akong na-aliw doon sa bago niyang server eh. Ang cute lang. Sobra talaga siya kung mag blush!
Napangiti ako kada maalala ko ang expression niya.
Pormahan ko kaya? Magagalit kaya sa akin si Timi kapag niyaya ko si Nica makipag-date sa akin?
Malamang. Baka mapatay ako nun.
Pero at least mas ma-e-excite ako ngayon na pumunta sa restaurant niya.
Nang makarating ako sa set, dali-dali kong ipinarada ang kotse ko at bumaba na ako.
Naka-ilang missed call na sa akin si Rochelle—ang manager ng EndMira.
Naku, for sure masasakal ako nun mamaya. Ayaw na ayaw pa naman nun ng late!
Pumasok ako sa loob ng elevator pero bago pa tuluyang mag sara, may kamay na humarang dito.
"Wait!" dinig kong sabi ng isang babae.
I pressed the open button para makasakay siya.
At bigla akong natigilan.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ako. At hindi ko maitatanggi ang pagkabigla ko.
Shit.
"Jasper..."
Napapikit na lang ako.
It's Aiscelle.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro