Chapter Nineteen
Dedicated to GorgeouScribe . Salamat po sa magagandang comments kahit sa TLA! Thank you!! ❤️
IMPORTANT NOTE PLEASE READ. DON'T SKIP
Hi guys! Para po mabasa niyo ng maayos ang update ko, please update your wattpad app sa pinaka latest version. Baka kasi maka experience kayo ng putol putol na words. Ayun :) Enjoy!!
~*~
Chapter Nineteen
NICA.
Seryosong nakatingin sa akin yung lalaking kahawig ni Jasper na sa tingin ko eh kapatid niya.
Matangkad ito. Mas matangkad kay Jasper pero halata sa itsura na mas bata siya.
Mga around 17? 18?
Lumapit siya sa akin at kumunot ang noo niya. Kinabahan ako.
Sabi ko wala akong pakielam sa iniisip ng iba sa akin. Sanay na ako.
Pero bakit natatakot ako sa magiging impression ng pamilya ni Jasper sa akin?
"Kuya!" sigaw nung lalaki habang nakaturo sa akin. "May pasa siya oh! Sabi na eh. Baka inaaway na siya ng mga fans mo dahil doon sa balita! Naku kuya. Nakapahamak ka na!"
Hinawakan ni Jasper ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Nica, it's that true? Sila ba may gawa niyan sa'yo?" tanong niya sa akin.
Ba't ganyan siya makatingin? Ba't parang alalang-alala siya?
Siguro dahil sinisisi niya sarili niya?
Oo. Yun lang yun. Yun lang.
Kaya gaga ka, wag mong bigyan ng ibang meaning. Nakakamatay ang pagiging assumera.
Huminga ako nang malalim at nginitian si Jasper at yung kapatid niya.
"Hindi ano ba kayo. Nabangga lang ako sa...sa poste."
"Sa poste?" nagtatakang tanong ni Jasper. "Ba't ka naman nabangga sa poste?"
"Kasi may ka-text ako."
"Sino?"
"S-si Benedict."
Tinaasan ako ng kilay ni Jasper.
"Akala ko ba wala kang load? Ba't siya nakakatext mo samantalang sa akin hindi ka nagrereply?"
Boom Nica. Writer ka 'di ba? Hala sige gawan mo ng matinding plot twist ang palusot mo.
Nakasimangot na si Jasper sa harap ko.
Shit. Writer's block.
"K-kasi, crush ko siya at ikaw hindi?"
"Boom! Saket non kuya!" sabi ng kapatid niya sabay hagalpak ng tawa.
Binatukan siya ni Jasper.
"Si Jaden nga pala, utol ko," pakilala niya dito.
"Hi Ate Nica!" ngiting-ngiti niyang sabi habang kumakaway. "Wag mong pansinin yang si kuya. Buti hindi mo siya crush."
Napatawa na lang ako.
Magkapatid nga sila.
At pareho silang komportable kausap.
"Hindi nga ako crush ni Nica kaya lang yung Benedict naman na yun parang pareho kayo ng gusto."
Napakunot ang noo ko.
"Pareho nga. Pareho kaming mahilig sa libro."
Ngumisi siya, "at pareho rin kayong may crush na lalaki."
Hinampas ko si Jasper sa braso.
"Loko ka ah! Wag mo nga siyang siraan! Grabe ka!" pinaghahampas ko siya.
"Aray--!! Oy! Sinasabi ko lang ang observation ko!"
"Ay naku kuya. Baka kasi mas pogi sa'yo kaya sinisiraan mo?"
"Huy hindi 'no!"
Nakakainis na Jasper Yu na 'to! Straight si Benedict! Sigurado ako doon!
Inistalk ko kaya siya sa mga social media accounts niya. Nag g-gym siya. May abs siya. Marami nga lang siyang selfie...pero so what? May mga lalaki naman na vain 'di ba? Tas may mga lalaki ring vocal kung kiligin pag may nakakakilig na scene sa binabasa nilang novel...?
OO MERON.
BWISET NA JASPER YU. Dinudungisan si Benedict sa imagination ko!
"Boys ano ba 'yan ba't niyo iniwang bukas ang pinto!" dinig kong sigaw ng isang babae.
"Ma! Nandito na si Nica!" sigaw naman ni Jasper.
Nanlaki ang mata ko sa kanya.
Shet. Ang mama niya! Shet!
Okay, okay ba't ako kinakabahan. Ano ba Nica?! Ganito ba talaga nakaka-concious pag im-meet mo ang parents ng friend mo?
Hinila ako ni Jasper papasok at sinalubong naman ako ng isang magandang babae. Tinignan ko si Jasper at nginitian lang niya ako.
"Ayusin ko muna ang pagkain," sabi niya sa akin sabay hatak sa kapatid niya. "Huy Jaden tumulong ka."
Nataranta akong tinignan sila pero tuloy-tuloy silang pumasok sa kitchen. Naiwan tuloy ako kasama nung mamay niya.
"H-hi po," bati ko.
Minsan naiinis ako sa sarili ko. Kaya ko mag open ng conversation sa mga costumers namin, pero pagka mga ganitong sitwasyon natatameme talaga ako.
Hindi katangkaran ang mama ni Jasper pero magaling magdala sa sarili. Naka-pangbahay lang siya. Simpleng shorts at t-shirt lang, pero ang ganda niya tignan. Ang lawak ng ngiti niya. Nakatirintas ang buhok. Ang ganda ng mata.
Pareho sila ng mata ni Jasper. Pati nung labi. Pati yung way ng pag ngiti na pag nakita mo mahahawa ka at mapapangiti ka rin.
"Ikaw yung nagligtas sa anak ko?" ngiting-ngiti niyang tanong sa akin.
"Ah.. uhmm..."
Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.
"Thank you, Nica ah? Thank you. Na-appreciate ko ang ginawa mo sa kanya. Kung hindi mo ginawa yun, pinaalis na ang Jasper ko sa banda nila. Salamat ah? At sorry. Sorry dahil kailangan mong mapasama."
Humiwalay siya sa akin ng yakap at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Salamat talaga."
Parang gusto kong umiyak.
Mother's touch. Isang bagay na hindi ko naranasan. At nung hinawakan niya ang pisngi ko, hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong magkaroon ng mama na kagaya niya.
Kumurap ako at umiwas ng tingin. Medyo dumistansya ako. Alam kong pag pinatagal ko ang hawak niya sa akin, hahagulgol ako ng iyak dito.
"Wala po yun. Wala lang po yun. Ayos na ayos lang."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Thank you pa rin. Pero naku, kung next time mapapahamak ka, wag mo nang sasaluhin si Jasper ha? Hayaan mo siyang magdusa sa kalokohang ginagawa niya."
Napatawa ako ng mahina at tumango.
"Opo ma'am."
"Ma'am? Ang tanda naman ng datingan! Call me Tita Jenny."
"Tita Jenny."
"Oh 'di ba? Mas suitable! Ang daming nagsasabi na mukha pa akong dalaga!" masigla niyang sabi sa akin.
At oo, young looking talaga siya. Ang ganda niya.
Iba pala talaga ang genes ng mga Yu.
Hinila niya ako papunta sa hapag-kainan nila at nakita kong may nakahandang lasagna at may chocolate cake pa sa gitna.
Sabi ni Jaden, yung mama raw nila ang gumawa ng lasagna at si Jasper naman ang nag bake nung cake.
Napatingin ako kay Jasper.
"Marunong kang mag bake?" tanong ko kay Jasper.
"Oo naman. Maraming alam gawin ang kamay ko," nakangisi niyang sagot sabay kindat.
Napatawa si Jaden. Pinalo naman siya sa braso ng nanay niya.
"Ikaw naku kang bata ka. Puro ka ganyan. Samantalang wala ka naman pinapakilala sa aking girlfriend. Laging diretso sa kwarto mo. Aba anak, mamaya maging dirty old man ka na lang pag tanda mo?"
"Ma naman!"
Napatawa kami pareho ni Jaden.
"Isa ka pa!" sabi ng mama nila sabay turo kay Jaden. "Umamin ka nga, mag pa-pari ka ba?"
Napayuko si Jaden at hinawakan ang batok niya.
"Mama naman eh!"
It's Jasper's turn to laugh.
Napangiti na lang ako habang pinapanuod silang mag-asaran. Hanggang sa kumakain kami, puro sila asaran. Tahimik lang ako na nakangiti sa kanila.
Pero weird, hindi ko nararamdaman na parang out of place ako. Sa totoo lang, enjoy pa nga na panuorin sila eh. Ang saya saya nila. Halatang close na close sila sa isa't-isa.
Aiscelle, sayang ka. Kung naging matapang ka lang noon, baka sila na ang pamilya mo ngayon. Ganito kasaya.
"Nga pala Nica, kamusta naman ang pag t-trabaho mo doon sa bar?" tanong sa akin ni Tita Jenny.
Napaayos ako ng upo at napalunok ako. Bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko.
"O-okay lang naman po."
"Yung sahod, okay ka naman doon?"
"Uhmm minimum wage po pero okay na po. Kasi po yung sa iba mas mababa pa eh."
Napatango siya.
"I see."
Nilingon ko si Jasper. He's giving me an encouraging smile.
"Saan ka doon sa bar? Sa kitchen? Bar area? Waitress?"
Kahit naguguluhan ako kung bakit niya tinatanong, tuloy na lang ako sa pag sagot.
"Waitress po ako. Pero minsan po tumatao rin ako sa bar."
"Oh, really? You know how to mix drinks?"
"Opo. May recipe naman po. And doon po sa restaurant ni Chef Timi minsan nasa bar area rin po ako."
Tumango-tango siya.
"I see. So madaldal ka rin siguro sa mga costumers 'no? Minsan kasi pag nakakainuman ko ang mga kumara ko, yung bartender nakikipag chikahan sa amin."
"Ah..opo. Small talk, small talk lang."
"Okay. Eh sa kape mahilig ka? Do you usually go to coffee shops?"
"Sa totoo lang po, hindi po ako madalas pumunta sa mga coffee shops. Mahal po kasi yung kape doon. Pero may mga times na binibigyan ako ng coupon kaya napupunta rin po ako doon. At opo. Mahilig po ako sa kape."
"Mahilig din sa libro si Nica, ma," singit naman ni Jasper.
Ngumiti ng malawak ang mama ni Nica.
"Okay! Pasado!" masaya niyang sabi.
Nagtataka akong lumingon kay Jasper at Jaden na parehong ngiting-ngiti sa akin.
"P-pasado? S-saan po?"
"May in-open kaming coffee shop malapit lang din dito sa amin. Medyo short ako sa tao at kailangan ko ng barista. Yung marunong makipag-usap sa mga costumers at medyo maalam sa mga libro since may mga libro yung coffee shop namin na pwedeng basahin ng mga nag i-stay doon. May mga boardgames din. So, Nica, ipa-pirate sana kita. Pwede ka bang maging barista sa amin? I'll raise your salary! Mas mataas doon sa pinapasahod sa'yo sa bar. Kaya please? Sa amin ka na lang mag work?"
Hindi ako makapagsalita. Nakatulala lang ako na nakitingin sa kanya at parang ayaw mag sink-in sa utak ko ang sinasabi niya.
"Well kung gusto mo lang naman."
"Opo! Opo, opo! Please? Go po ako sa job offer niyo. Gusto ko po! Super!"
Napatawa sila sa akin.
"You're hire! Tell me kung kailan ka mag-i-start ah?"
Tumango ako.
"Opo! Kakausapin ko po agad yung manager namin sa bar na mag reresign na ako."
"Good good!"
Ipinatong ni Jasper ang kamay niya sa ulo ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. He's smiling brightly at me.
"Congratulations."
Nginitian ko rin siya. Yung pinaka matingkad na ngiti na naibigay ko sa isang tao dahil sobrang saya ko.
Habang kumakain kami, hindi ako mapakali sa upuan ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.
Hindi ko na kailangan suotin yung maiksing uniform doon sa bar na talaga nga namang nakakabastos. Makakaiwas na ako sa mga manyak at lasing.
Ang gaan sa pakiramdam.
After kumain, niyaya ako ni Jasper na manuod ng movie kaya naman umakyat kami sa kwarto niya.
Pero pag pasok pa lang namin doon, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Napatakip na lang ako ng mukha habang tuloy-tuloy na bumabagsak ang luha sa mata ko.
"Nica?! Nica!"
Lumapit si Jasper sa akin.
"Hey, what's wrong? Why are you crying?"
Tinalikuran ko si Jasper at pilit kong itinatago ang mukha ko sa buhok at kamay ko. Ayokong may nakakakita sa akin na umiiyak. Pero hindi ko mapigilan. Sobrang saya ko naiiyak ako.
"Nica please, anong nangyayari sa'yo? Ba't ka umiiyak?" natatarantang tanong ni Jasper.
"T-t-thank you," halos pabulong at pahikbi-hikbi kong sabi.
"H-ha?"
"Jasper, salamat talaga. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay para sa akin 'to. Thank you!"
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Ano ka ba. Ba't ka ba umiiyak. At ayaw mong humarap sa akin."
"E-eh kasi! Wag mo na nga akong tignan! Bwiset ka!"
Mas napatawa siya.
Kinusot ko ang mata ko at natamaan ng daliri ko ang pasa sa ilalim ng mata ko.
"Ow!"
"Oh ayan anong nangyari."
Inialis ni Jasper ang kamay ko sa mukha ko at medyo itinaas niya ang mukha ko.
"Tinamaan mo ang pasa mo?" tanong niya habang nakatingin sa pasa ko.
Napalunok ako.
Ang lapit ng mukha niya sa akin. He's touching my chin. Ramdam ko rin ang hininga niya.
Para akong kinukuryente.
Napatingin ako sa mata niyang nakatingin sa pasa ko. Napababa ng tingin ko sa ilong niya. Sa labi...
Dumistansya ako bigla kay Jasper.
"O-okay na ako. Okay na ako," sabi ko sa kanya.
Tumango siya at ngumiti.
"Tara nuod ng movie!"
~*~
"Ang bata pa ni Adam Sandler at ni Drew Barrymore diyan," sabi ni Jasper.
"Ang payat pa nga ni Adam Sandler eh."
"Ang baduy ng buhok!"
Hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Ayun kasi yung uso sa kanila noon."
Nanunuod kami ngayon ng The Wedding Singer habang kinakain yung cake na ginawa ni Jasper. At oo na, inaamin ko, masarap yung cake. Naappreciate ko talaga ang pag b-bake niya para sa akin.
"Ubos ko na yung cake. Penge nga nung sa'yo!" sabi ni Jasper at umusog siya palapit sa akin. Nag dikit ang mga braso namin habang kumukuha siya ng cake sa platitong hawak ko.
I felt butterflies in my stomach.
Lecheng paru-paro ayaw akong lubayan. Sabi nang hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito eh! Langya naman oh!
Pilit kong hindi pinansin ang braso ni Jasper na nakadikit sa braso ko at nag concentrate na lang ako sa movie. Itinuon ko ang atensyon ko sa mukha ni Adam Sandler at nung matandang babae na kausap niya doon sa movie.
"You'll know when you meet the right girl because it's not how you feel about her," sabi ni Rosie. Yung matandang kausap ni Adam sa movie. "It's how she makes you feel about yourself."
Napangiti ako sa sinabi ni Rosie.
"Alam mo, naalala ko si Mamita sa character ni Rosie," sabi ko kay Jasper at nilingon ko siya.
Nakatulala siya at parang malalim ang iniisip. Wala na ang atensyon niya sa movie.
Siniko ko siya.
"Huy, okay ka lang?"
Nilingon niya ako at umiling siya.
"Wala, napaisip lang ako doon sa sinabi ni Rosie."
"Hmm? Alin doon?"
Pinindot ni Jasper ang rewind button hanggang sa mahanap niya yung line na sinasabi niya.
"You'll know when you meet the right girl because it's not how you feel about her. It's how she makes you feel about yourself."
Natahimik ako. Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Jasper.
"Alam mo Nica kung ano ang nararamdaman ko noon nung kami pa ni Aiscelle? Parang wala akong kwenta. Na lahat ng ginagawa ko, kulang pa. Hindi sapat. Nakakaliit ng sarili. That how she made me feel about myself."
"Jasper..."
"P-pero naisip ko, ano kayang pakiramdam ni Aiscelle sa sarili niya noong kami pa?"
Hindi ako umimik. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Ayokong magsalita dahil ayokong magbitiw ng mga salitang pagsisisihan ko.
Pero gustong gustong gusto kong tanungin si Jasper na bakit sa kabila ng sakit na naranasan niya, naapketuhan pa rin siya ngayon kay Aiscelle? Bakit?
Napahiga si Jasper sa kama niya at ipinatong niya ang braso niya sa noo niya.
"Tama ka nga Nica. Ang daming tanong sa utak ko. Ang daming gumugulo sa akin. Tama ka sa sinabi mo. Siguro nga kailangan kong kausapin si Aiscelle. Kailangan kong malaman ang side niya."
Yumuko ako.
"O-oo. Kausapin mo siya."
Bumangon si Jasper.
"Okay! I'll send her a text message now!"
"N-ngayon na?"
"Oo! Habang nandito ka pa. Ikaw nagpapalakas ng loob ko eh. Mamaya pag umalis ka, ma chicken-out na akong kausapin siya," nginitian niya ako.
Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti.
Ngiti lang Nica. Ngiti lang. Gaga ka ngumiti ka. Ikaw nag advice advice diyan na kausapin niya ang ex niya tas mag dedepress-depressan ka diyang bruha ka? Eh leche ka pala eh. Langya ka. Sukat hindi mo mapigilan yang nararamdaman mo sa hinayupak na lalaking nasa harapan mo.
Sinong tao ang napigilan na ang mainlove? Kaya bang pigilan ang feelings? Di ba hindi?
Oh edi saktan mo ang sarili mo gaga. Saktan mo hanggang sa umayaw ang puso mo!
"Go Jasper! Itext mo sa niya!" masigla kong sabi.
Pekeng sigla pero deep inside gusto kong hatakin ang phone niya at itapon sa labas.
"Okay okay, ito na."
Nagsimula siyang mag type sa phone niya then napahinto siya.
"Shit! Hindi ko alam sasabihin ko! Anong sasabihin ko sa kanya Nica?"
Hayop na lalaki. Pilit kang pumasok sa buhay ko. Kinulit mo ako. Ginawan mo ako ng mabubuting bagay. Hinayaan mong magkaroon ako ng concern sa'yo. Ipinakilala mo ako sa pamilya mo, binigyan ng bagong trabaho, pinapasok mo ako sa kwarto mo, pinagbake mo ako ng cake, pinakita mo ang pagaalala mos a akin, HINAYAAN MONG LUMAGPAS SA PAGKAKAIBIGAN ANG NARARAMDAMAN KO SA'YO TAPOS TATANUNGIN MO AKO KUNG ANONG TEXT MESSAGE ANG ISESEND MO SA EX MO?!
Punyeta.
"Sabihin mo 'let's talk' ganun lang. Papayag yun."
Eh gaga ka, push pa rin sa pagbibigay ng advice.
"Tingin mo papayag siya? Hindi ba rude?"
"Jasper--!"
"Eto na! Eto na! Itetext ko na nga!"
Umiwas ako ng tingin habang tinetext niya si Aiscelle.
"Na-send na!" masigla niyang sabi.
PAKI KO?!
Biglang tumunog ang phone niya.
"Shit tumatawag si Aiscelle!"
SO?! KAILANGAN MONG I-BROADCAST SA AKIN?!
He cleared his throat at sinagot niya ang tawag.
"Aiscelle," naging seryoso ang boses niya. "Ah oo. Ayos lang. Sige. Bukas kita tayo? Okay. Same place. Sige. Uhmm.. ingat."
He end the call at tumingin siya sa akin habang nakangiti.
"Okay na!"
Lumapit sa sa akin at niyakap niya ako.
"O-oy Jasper--!"
"Pa-hug lang! Ang laki ng pasasalamat ko sa'yo eh."
Tinulak ko siya kaya lang ayaw niyang humiwalay sa akin.
"Thank you Nica. Thank you sa mga advice mo at sa pagpapalakas mo ng loob ko."
Hindi ako sumagot. Hindi na rin ako pumalag sa yakap niya.
Hinayaan ko na lang.
Parang yung feelings ko lang din.
Wala nang nagawa nung nahulog ito kay Jasper Yu.
Bakit kasi ang dali kong ma-fall. Nakakainis.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro