Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty Two

Chapter Forty-Two

JASPER.

"Nica," I whispered.

Hindi siya sumagot. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. She won't meet my gaze. I saw her clenching her teeth. Her hand balled into fist.

I know that she's about to cry pero pinipigilan niya ang mga luha niya. Huminga siya nang malalim. Paulit ulit. She bite her lower lip. She tried her best to steady her heavy breathing.

You can cry in front of me, you know. I won't judge you. I'm here Nica. Pwede kang magpakita ng kahinaan sa akin.

Please.

Please.

Inangat niya ang kanyang tingin and then she smiled at me.

A smile that did not reach her eyes.

"Ayos na ako Jasper Yu!" masigla niyang sabi. "Balik ka na doon. Baka iniintay ka na nila."

Nica, ba't hindi mo kayang ipakita sa akin ang totoo mong nararamdaman?

"Uy! Ba't ganyan ka makatingin sa akin?" tanong niya. "Okay na ako."

Mas lumawak ang ngiti sa labi niya.

At parang mas bumibigat ang pakiramdam ko.

It's a mask. It is all a mask.

Alam ko ang totoo niyang ngiti. Yung genuine. Yung ngiting madalang lang niyang ibigay sa ibang tao pero sinuwerte ako na ilang beses niya na 'tong ipinakita sa akin.

"Sige na," tinapik niya ako sa braso. "Alis na ako."

Patalikod na sana si Nica nang hawakan ko ulit ang braso niya.

"Nica wait."

Hindi siya lumingon pero huminto siya sa paglalakad.

Look at me. Okay lang na makita kitang umiiyak. Okay lang na maging vulnerable ka sa harapan ko because I am here for you.

"Wait for me," sabi ko. "M-mabilis lang yung meeting. Please? Wait for me."

"May usapan kami ni Benedict, eh."

"Please Nica."

Nakita ko ang pag aalangan sa mukha niya.

"Sir Jasper, need na raw po kayo sa loob," tawag sa akin nung secretary ni Stan.

"Kita na lang tayo sa café niyo," sabi ni Nica habang nakangiti sa akin. "May duty naman ako bukas doon."

"Nica--!"

At bago pa ako makaangal, tumakbo na siya palayo sa akin.

Napakamot ako sa likod ng tenga ko.

Lagi na lang niya akong tinatakbuhan. Lagi siyang umaalis.

Kailangan bang palagi akong magkaproblema para lumapit ulit siya sa akin?

Naglakad na ako pabalik sa opisina ni Stan pero napahinto rin agad ako.

Anak ng tokneneng na babae talaga 'to! Veronica Briones!!

Bumalik ako at hinabol ko si Nica. Hindi ako mapakali na aalis siya ng ganun. Yung itsura pa lang niya kanina ramdam ko na na gusto na niyang umiyak, eh.

Hindi ako mapakali.

Nakita kong palabas na ng looby si Nica kaya naman nagmadali ako sa pagbaba. Mula sa glass window, tanaw na tanaw ko siya.

And then I stopped.

Nakita kong naka-abang sa kanya si Benedict. Dire-diretso siyang lumapit dito and the she hugged him.

And she started to cry.

Napa-atras ako.

Why?

Bakit kay Benedict ang dali niyang naipakita ang emosyon niya? Bakit si Benedict hinahayaan niyang i-comfort siya?

Bakit ako hindi?

Napailing ako at bumalik ako sa taas.

Bakit ba ako apektado?

Ano na ba 'to? Ano na 'tong nararamdaman ko?

Lagi kong gustong maging involve sa buhay niya. Ayoko nang siya lang ang nandyan para sa akin. Gusto kong maramdaman niya na andito rin ako para sa kanya.

Dahil ba komportable ako sa kanya? Dahil mahalaga siya sa akin? Dahil kaibigan ko siya?

Yung kada tatakbo siya palayo sa akin lagi akong natatakot na baka hindi na siya bumalik. Na baka tuluyan niya na akong iwan. Na baka sumuko na rin siya.

Dahil ba nasanay ako na andyan siya?

Nung lumabas 'tong issue na 'to, ayokong kumausap ng kahit na sino. Ayoko ring makita si Nica kasi nahihiya ako dahil alam kong ma-d-disappoint sya sa nangyari.

Pero sa loob loob ko hinahanap ko siya.

I badly want to talk to her dahil laging gumagaan ang loob ko pag nandyan siya.

Ano ba siya? Ano na ba 'to? Ito na ba talaga?

Pero yung nararamdaman ko kay Aiscelle...

Yung pakiramdam na ayokong ayokong nakikita siyang nasasaktan ng dahil sa akin. I want her to stop hurting but I don't know what to do.

I hate myself because of this.

Nagagalit ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang makapag decide kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko.

I said I needed time to think. Kailangan ko munang lumayo. Pero paano ko gagawin yun ngayon kung kailangan ko ang project na ito para maisalba ang pangarap ko?

Paano ko gagawin yun kung ang na t-threaten naman na mawala sa akin ay yung bagay na mahal na mahal kong gawin?

I want to fix myself first pero sa nakikita ko kailangan ko nang gumawa ng desisyon. Wala nang panahon pa para ayusin ko ang sarili ko.

Masyado nang unfair sa kanila.

Masyado nang maraming nasasaktan.

Pero ang tanong na gumugulo pa rin sa isip ko... ano nga ba? Paano nga ba?

Ano bang gusto kong mangyari?

Sino ba talaga?

Hindi ko alam.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

~*~

AISCELLE.

Jasper didn't sign the contract.

Well, not yet. Sabi niya kailangan pa raw niyang ipakita sa manager niya which is totally understandable.

Nauna siyang umalis. Nagmamadali. Parang wala sa sarili.

Dahil ba kay Nica?

Dahil ba sa nangyari?

Dahil ba sa paningin niya ang sama sama ng ginawa ko?

Dahil wala na akong nagawang tama para bumalik siya sa akin.

"Aiscelle!"

Napatingin ako kay Stan nang bigla niyang hablutin sa kamay ko ang hawak kong envelop.

"You almost ripped our contract," sabi niya.

Napayuko ako.

"Sorry."

Naramdaman kong umupo si Stan sa tabi ko at hinawakan ang braso ko.

"Hey. Are you okay?"

Napailing ako.

"Stan mali ba yung ginawa ko kay Nica kanina? Sumobra ba ako doon?"

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Stan.

"No Aiscelle. You just made a choice. Tama ka naman, eh. Hindi tatanggapin ng agency ni Jasper ang storyline kung saan ang second lead ang nakatuluyan nung bida. May mga ganung storyline na rin kaming na-pitch dati at hindi talaga uubra kung may solid na love team na tayong kukunin. Siguro papayag sila kung magkahiwalay na artista yun."

Napa-angat ako ng tingin kay Stan at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.

"Eh bakit pakiramdam ko parang ang sama sama ko?"

"Aiscelle," hinatak ako palapit ni Stan sa kanya at niyakap niya ako. "You're not. Ginawa mo lang ang trabaho mo. But so is Nica. She's a writer at kahit sinong writer ipagtatanggol ang isinulat niya. But this is work and we need to make a decision at sa bawat na decision na gagawin hindi pwedeng maging pabor sa lahat."

Napalunok ako.

"Yung sinulat ni Nica, alam mo ba habang binabasa ko yun pakiramdam ko parang nawawalan na ako ng pag asa? Na parang nakikita ko na kung bakit kami naghiwalay noon ni Jasper pero hindi ko matanggap, Stan. Hindi ko matanggap na hanggang dito na lang. Ayoko pang sumuko kasi kada iisipin ko na hindi na niya ako mahal, para akong mamatay."

Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Stan sa akin.

"Aiscelle kung tingin mo hindi na worth it ang sakit, bakit lumalaban ka pa?"

Napahikbi ako.

"Mahal ko siya, eh. Sobra. Sobra sobra Stan."

Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Stan at tinignan ko siya.

"Hindi ako makakaalis. Ayokong umalis. Hindi ko kaya na mawala si Jasper. I'll do everything para maibalik siya sa akin. Kahit ano. Wala na akong pakielam kung maging desperada na ako sa harapan niya o makapanakit ng ibang tao. Hindi ko kayang bitiwan ang second chance, Stan. Hindi."

Tumayo si Stan at medyo dumistansya siya sa akin.

"Ayoko nang marinig kung paano mo planong sirain ang sarili mo para sa kanya."

"S-Stan?"

"Wag mo na lang ipakita sa akin kung paano mo unti-unting patayin ang sarili mo, Aiscelle. I hate seeing you like that."

Nilapitan ko si Stan.

"Stan, please understand. Hindi na magbabago ang desisyon ko."

Hindi siya umimik. Instead nagpaka busy siya sa mga papeles na tinitignan niya."

"You're my friend. Sana suportahan mo naman ako," nangingiyak-ngiyak kong sabi.

Inangat niya ang tingin niya sa akin. His eyes are cold.

"Hindi ko kayang suportahan ang isang bagay na alam kong mali na."

Napailing ako.

"Bakit nga ba ako nag e-explain sa'yo? Bakit ko pilit pinapaintindi sa'yo? Sino ka ba para makielam sa buhay ko?"

He was taken a back because of what I've said.

Napayuko siya and pain is written all over his face.

Gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko pero nag ngingitngit ako sa inis at sa sakit at sa lahat ng mga nangyayari.

"You're right, Aiscelle. Sino nga ba ako?"

Inangat niya ang tingin nya.

"I'll contact you kapag okay na yung contract ni Jasper. I will set another meeting."

An indirect dismissal.

Tumango ako at dire-diretso akong lumabas sa opisinia niya habang pinipigilan ko ang sarili ko na wag maiyak.

Paglabas ko, may muntikan pa akong mabangga na babae na tuloy tuloy namang pumasok sa opisina ni Stan.

"M-Ms. Grace saglit lang po!" sabi nung secretary na nakahabol doon sa babae.

Napahinto ako bigla.

Grace?

Yung ex ni Stan na nanloko sa kanya.

Maya maya lang ay lumabas na ng opisina yung secretary ni Stan.

"Patay ako kay Sir Stan nito mamaya," dinig kong bulong niya.

Hindi ako nakapagpigil at naglakad ako pabalik sa office ni Stan.

"Ah Ms. Aiscelle, m-may kasama po si Sir sa loob."

"Okay lang. May nakalimutan ako sa loob. Kilala ko naman yun," nakangiti kong sabi.

I pushed open the door without knocking. Nakita ko yung Grace na ipinulupot na parang ahas ang mga braso niya sa leeg ni Stan.

"I know you still love me. Nagsisisi na ako. Please? Give me another chance."

Biglang nag init ang ulo ko dahil sa narinig ko.

Eh ang kapal ng mukha ng isang 'to.

"Babe!" sigaw ko at napatingin sila pareho sa akin.

Tumakbo ako palapit kay Stan, tinulak ko ng bahagya yung babae, at niyakap ko siya.

"Babe I'm sorry. I didn't mean na pagantayin ka. I'm really really sorry. Wag ka nang magtampo please?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap at tinignan ko si Stan.

He look awe and shocked. He cleared his throat na para bang nagpipigil siya ng tawa.

He pinched my noes.

"Hindi naman ako nagtatampo sa'yo eh. Ikaw talaga."

Napangiti ako at ipinulupot ko ang braso ko sa braso niya.

"Talaga? Edi bati na tayo? Tara sa inyo, ipagluluto kita. Alam kong ikaw ang nag aral ng culinary rito pero gusto pa rin kitang pag silbihan. Ganun naman kasi dapat di ba? Hindi nababase ang relasyon sa pera pera lang."

Tinignan ko yung Grace na mukhang gulat na gulat sa nakikita niya.

"Oh, hi. Who are you?"

She smirked at me.

"I'm Grace, Stan's ex. I'm a model you know," sabay lahad ng kamay.

Nakipag shake hands ako sa kanya.

"Hi nice meeting you. I'm Aiscelle, Stan's fiancee. I'm the vice president of Monasterio corporation. I'm an heiress, you know."

I gave her my sweetest smile.

Agad niyang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"And why are you here exactly?" tanong ko sa kanya. "Sorry spot check lang. Eh may nakwento kasi itong si Stan sa akin na ex girlfriend niya na mukhang pera. Sa itsura mong yan, hindi naman siguro ikaw yun 'no?"

Halos magsalubong ang dalawa niyang kilay dahil sa sinabi ko.

"I'm going home," sabi niya sabay walk out. May pa-flipped hair pang nalalaman.

Madapa ka sana, bruha!

Nang makalabas yung Grace, I heard Stan chuckled.

"Well, that's interesting," sabi niya habang ngiting ngiti.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso, "baka kasi bumigay ka na naman doon."

Umiling siya.

"Never again."

Tumango ako.

At nangilid na naman ang luha sa mata ko.

"Stan, bati na tayo."

"Aiscelle.."

Yumakap ako sa kanya.

"You're the only one na napagsasabihan ko ng mga ganitong bagay. Please don't shut me out. Okay lang kahit hindi mo ako suportahan. Basta nandyan ka lang sa tabi ko ha? Please."

He hugs me back.

"Hindi ko naman magagawa na iwan ka, eh."

To be continued...

AN (Sana basahin.)

There's more to Sana than Team Jaiscelle and Team Janica. Try rin nating tignan ang mensaheng nais sabihin ng storya nang hindi tayo nabubulag sa kung sino ang team na gusto nating manalo.

Pansin ko kasi nagiging parang KN at JD na ang mga readers ko kung mag away eh samantalang nasa iisang storya lang naman sila. 

Yung iba nakakaloka pa comments.

Team Jaiscelle be like:

Dapat si Aiscelle ang endgame! Cliche na pag si Nica eh. Nainlove sa bestfriend! Sana may twist pang mangyari!


Team Janica be like:

Dapat si Nica ang endgame! Cliche na pag si Aiscelle! Mag ex na nagkabalikan! Ang plot twist talaga si Nica ang end game!

Edi wow! :D

Hindi pagiging "cliche" ang tawag doon guys. Mag best friend turns to lovers, mag ex na nagkabalikan, boy meets girl --- element ng romance story yan. Kahit ang pinaka unique na love story, may ganyang element. (At kung cliche nga eh ba't hindi niyo mahulaan ang ending. Nakanang!)

Hinay hinay lang. I-enjoy niyo na lang ang storya at subukang buksan ang nais nitong iparating sa mga mambabasa. Hindi naman ako nagsusulat ng basta lang. Laging may dahilan ang lahat. Tsaka medyo chill na sana tayo at wag nang mangaway. :)


Doon pala sa ibang nag comment about kay Nica na "writer ka lang, so shut up ka na lang," please don't forget na ang gumawa ng storyang binabasa mo, ng mga magagandang pelikula na pinapanuod mo, at mga librong kinahuhumalingan mo eh isang hamak na writer lang din :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro