Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty Three


Chapter Forty-Three

NICA.


"Nica, pinapalagyan pala ng vanilla ni ma'am ang latte niya, hindi mo na-indicate doon sa order," sabi ni Mike sa akin, isa sa mga kasamahan kong barista sa café nina Jasper.

"Ay shit. Sorry Mike. Hindi ko nailagay."

Nginitian niya ako, "it's okay. Nalagyan ko na. Gusto mo bang mag break muna? Kanina ka pa wala sa sarili ah."

Umiling ako, "a-ayos lang. Sorry talaga. Aayusin ko na talaga."

"O sige palit na lang tayo. Ako ang mag t-transact ng mga orders, ikaw ang gumawa?"

Tumango ako. "Thank you Mike."

"No problem!"

Pumunta ako sa bar para gawin yung coffee nung customer. Lutang na lutang ang isip ko. Kanina ko pa iniisip kung paano ko susulusyonan yung outline ng concept ko para project ni Jasper.

Ayaw gumana ng imagination ko. Ang panget ng mga eksenang nagagawa ko. Pagkakasunod sunod pa lang yun ng eksena at wala pang lines pero pumapalpak na ako.

Hindi ako makapasok sa story kahit na story ko naman 'to. Gusto kong pukpukin ang ulo ko kasi alam kong hindi maganda itong nangyayari. Yes, pinabago sa akin yung ending. Siguro yun yung major factor kung bakit ako nagkakaganito. Pero ano ba Nica! Alam ko hindi pa ito ang unang storya kung saan ipaparevise nila sa akin ang takbo ng kwento. Alam kong ganito talaga. Alam ko yun at dapat kong sanayin ang sarili ko.

Pero kasi...

Sabi nung prof namin dati, bukod sa pag gawa ng character sketch, pinaka the best way na gawin para mas maging buhay ang character mo eh ang ilagay ang sarili mo sa sapatos niya.

Pero sa ginawa kong storya, hindi ko lang basta inilagay ang sarili ko sa sapatos niya. Parang naging ako na yung character. Ako na yung second lead. Ako yung best friend.

Akong ako.

Yung nandyan palagi sa tabi niya. Yung hindi siya iniwan. Yung pilit siyang pinapasaya. Yung umaasa na sana makita niya rin ako. Sana ma-realize niya na ako ang taong para sa kanya.

Eh ayan pakshet. Nag iba ending. Ayan tuloy hindi ko maisulat ng maayos. Bwiset na yan.

"Nica, someone's looking for you."

Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Sir Stan na nasa may counter.

"Hi Nica!"

"S-sir?"

"Pwede ba kitang makausap?"

Tumingin ako kay Mike.

"Sure, go ahead. Patapos na rin naman mag break si Lina," nakangiti niyang sabi.

"Thanks Mike."

Um-order lang saglit si Sir Stan ng kape then naupo kami doon sa gilid.

"Sir, ba't kayo napapunta dito?"

"Well, may meeting ako malapit dito so naisipan na kitang daanan. May good news kasi ako sa'yo."

Napaayos ako bigla ng upo at parang lumundag ang puso ko.

Good news? Hindi kaya okay na sila sa ending na ginawa ko?

"Ano yun sir?"

"Well... remember that thriller concept na ipinasa mo sa akin before?"

My heart sank.

So hindi pa rin ito about sa ending na ginawa ko.

"Yes sir. Ano po ang tungkol doon?"

"Pinabasa ko doon sa mga scriptwriters natin at nagustuhan nila ang concept. They are planning to make it into a full length movie!" masigla niyang sabi sa akin. "And I told them, dapat kasama ka sa pag buo nung story. Ano, go?"

"O-oo naman po! Go na go!"

"Ayun oh. So ayun, excited lang akong ibalita sa'yo. Pagusapan natin yan sa susunod na balik mo sa office okay?"

Tumango ako.

"Thank you sir."

Tumayo ako at nakipagkamay kay Sir Stan.

Full length movie. Yung isa sa mga concept ko magiging pelikula. Gagawin nilang pelikula.

Dapat masaya ako. Ano ba Nica. Dapat masaya ka. Pero bakit taliwas ang nararamdaman mo?!

Nagpaalam na ako kay Sir Stan at sinabing babalik na ako sa trabaho ko.

"Ah Nica?" tawag niya nang patalikod na ako kaya naman napaharap ako sa kanya.

"Yes sir?"

"Yung question mo nung last meeting natin..."

"Alin po doon?"

"Yung kung bakit mas pinili ni Peter Pan si Wendy kahit si Tinkerbell ang laging nasa tabi niya."

Napayuko ako.

"Ah.. hehe wag mo na po isipin yun. Naisip ko lang ang line na yun."

"Well, may naisip akong sagot sa linya na yan."

"Ano po?"

"Pinili man ni Peter Pan si Wendy, iniwan pa rin siya nito sa huli. Maybe because the love they had is not that strong. Hindi kayang mabuhay ni Wendy sa mundo ni Peter Pan and vice versa. Hindi nila kayang mag sacrifice para sa isa't-isa kaya in the end, pinili pa rin nila ang maghiwalay."

Napaangat ang tingin ko kay Sir Stan.

"At bumalik pa rin si Peter Pan sa tabi ni Tinkerbell."

Ngumiti si Stan.

"That's right. Ang gandang line 'no?"

Tumango ako at ewan, pakiramdam ko nangingilid ang luha sa mata ko.

"Ang ganda ngang line, sir. Kaso hindi natin magagamit doon sa kwento dahil hindi ito tutugma sa ending."

Tumayo si Sir Stan at tinapik ako sa braso.

"Pero malay mo magamit mo in real life."

"Sana."

~*~

JASPER.

"So what do you think?" tanong ko kay Lalaine, isa sa mga scriptwriter ng TV series na ginawa namin noon ni Leigh Buenaventura—yung leading lady ko.

Ikinuwento ko kasi kay Lalaine yung story concept ni Nica. Yung version ni Nica ng ending. Nanghihingi ako ng advice sa kanya sa kung ano ang pwedeng gawin.

Alam kong mahalaga kay Nica ang storya na yun at kung maari eh baka pwede namang wag nang palitan yung ending.

Nagpangalumbaba si Lalaine at parang malalim ang iniisip.

"Hmm, story-wise, maganda ang concept niya. Relatable rin and kakagatin ng masa. Basically, ang pinaka premise nito ay about sa dalawang tao at kung bakit hindi nag w-work out ang isang relationship. Kung bakit naranasan nila ang heartbreak at paano ang heart break na ito eh nakatulong sa kanila as an individual."

Tumango ako, "I know. Maganda 'di ba? Tingin mo kakagatin ng agency natin?"

"Yes, kakagatin ng agency natin 'to Jasper. Pero kung love team nga ang ibibigay natin na artista, maaring palitan kayo."

Napailing ako, "pero bakit?"

"Jasper parang hindi mo naman alam ang ganitong kalakaran. Bini-build-up kayo ni Leigh as love team. As far as I know, may fanbase na rin kayong dalawa. Dito sa story na ikinuwento mo sa akin, ang main protagonist ay yung dalawang mag-ex. Second lead lang yung best friend. Umiikot ang kwento doon sa dalawang mag ex at kung paano nakatulong ang heartbreak sa buhay nila but in the end, na-realize nila na hindi sila ang para sa isa't-isa. For sure magwawala ang mga fans niyo kapag hindi kayo nagkatuluyan sa dulo."

"S-so paano ang gagawin? Papalitan talaga? Paano kung magiging lead character ang best friend?"

"Pwede rin, Jasper. Pwedeng maging lead character ang best friend kaso ang maiiba ay yung premise ng kwento. Hindi na 'to about sa mag ex na nahanap ang sarili dahil sa break up nila. Mawawala yung pinaka concept ng story. Ang pinaka malapit nga na gawin eh kung magkakatuluyan ulit sila sa dulo. Ganoon pa rin ang premise, iniba lang ang ending."

Napatango ako.

Para ma-retain ang kwento ni Nica, pinaka-magandang gawin talaga ay yung sinuggest ni Aiscelle.

Nagpasalamat ako kay Lalaine at naisipan ko naman maglibot-libot muna habang sakay ng kotse ko.

Nung isang araw ko pa iniisip ito. Hindi ko makalimutan yung itsura ni Nica non. Yung reaction niya. Yung pag-iyak niya.

Alam ko kung basta basta lang na kwento ito, hindi siya maapektuhan ng ganun. Alam kong mahalaga ang kwento na 'to sa kanya pero pumayag siyang baguhin para sa akin.

Oo aware ako. Kilala ko si Nica. Alam kong palaban siya at hindi siya basta papayag na galawin ang istoryang isinulat niya kung alam niyang may laban ito. Kahit pa boss niya ang kaharap niya.

Pero alam niyang pag hindi iniba ang kwento, hindi ko pwedeng kunin yung project. Marami pang ibang artista dyan. Yung walang ka-loveteam at magaling umarte.

Pero hinayaan niya dahil gusto niyang makatulong sa akin.

Samantalang ako simpleng pag comfort man lang sa kanya hindi ko magawa.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ko si Aiscelle.

"Hello Jasper?"

"Hi Aiscelle, are you busy today?"

"H-ha ah, h-hindi, hindi! Bakit?"

"Uhmm, pwede ba tayong magkita? May gusto lang sana akong pagusapan about doon sa...doon sa project sana."

Natigilan si Aiscelle mula sa kabilang linya.

"Aiscelle...?"

"Jasper kung about 'to doon sa pagpapabago ng ending, I'm sorry but my decision is final. Wala na akong magagawa kung nasa isip mo eh nagpakaselfish ako pero ginawa ko lang ang trabaho ko."

"N-no. I understand, Aiscelle. Pareho rin kayo ng sinuggest nung scriptwriter namin dito. Naiintindihan ko kung bakit."

"Then ano pa ang paguusapan natin?"

Hindi ako makasagot.

"Pwede bang pag nagkita na lang tayo? Pwede ba kitang puntahan?"

Katahimikan mula sa kabilang linya.

"Jasper...mag b-backout ka ba sa project na 'to para lang wag mabago ang ending na ginawa ni Nica?"

Napapikit ako.

"Aiscelle, pupuntahan kita. Let's talk."

"Jasper..." I heard her voice broke. Parang biglang may sumuntok sa dibdib ko nang marinig ko ang tono ng boses niya. "Sabi mo naguguluhan ka pa kung sino ba talaga. P-pero ba't ganun? Bakit pakiramdam ko nakapili ka na?"

Hindi ako makasagot. Halos mabitiwan ko ang phone na hawak ko nang marinig ko siyang umiyak mula sa kabilang linya.

What the hell am I doing?

"Sorry pero kung mag b-backout ka, wala na tayong paguusapan. Hindi ako pumapayag."

At bago pa ako makasagot, she ended the call.

I parked my car sa gilid ng isang bangketa at naipatong ko ang ulo ko sa manibela.

Parang pinipilipit ang dibdib ko. Ang hirap huminga. Naglalaro sa imahinasyon ko ang mukha ni Aiscelle na umiiyak at nasasaktan. Para akong nasasakal sa thought na ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan. Ako ang dahilan bakit siya umiiyak at nasasaktan.

Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig at bigla akong nagising sa katotohanan.

Realization hit me so hard at parang sasabog ang dibdib ko.

Alam ko naman 'to. Aware na ako noon pa pero napapangunahan ako ng takot na tanggapin.

Wala na akong ibang ginawa kundi magtago. Tumakbo.

Ang taas na ng pader na ipinalibot ko sa sarili ko para wag makita ang ganitong mga bagay.

Yes, I got scared. Ayoko nang maranasan ang nangyari noon. Alam ko kung gaano kasakit. Halos ikamatay ko yun eh.

Ang dami kong sinira. Mismong career ko unti-unti nang nawawala sa akin.

But still..

Huminga ako nang malalim.

Hindi na pwede 'to. Hindi ko na pwedeng patagalin ang pag dedesisyon.

Alam ko na naman, eh. Sadyang nung una palang pinangungunahan ako ng takot na baka magkamali ako. Na mali ang desisyon na gagawin ko.

Pero sigurado na ako.

Kinuha ko ulit ang phone ko at muli kong tinawagan si Aiscelle.

"Jasper, I told you, kung mag b-backout ka, wala na tayong paguusapan," sabi niya mula sa kabilang linya.

Napapikit ako.

"I need to talk to you."

"Jasper---"

"Don't worry, hindi 'to about sa project Aiscelle. I—I want to talk to you about us."

To be continued...


Aly's Note:

Andaming nangaway kay Aiscelle at Stan last update wahahaha. Yung about sa pagpapapalit ni Aiscelle ng ending at pag agree sa kanya ni Stan. Well, katulad ng sinabi ng scriptwriter na nakausap ni Jasper, ganun talaga ang kalakaran sa mga talent agencies. Meron na bang movie ang Kathniel, Jadine, Lizquen, KimXi, etc... na hindi sila nagkatuluyan sa dulo? As far as I know wala. Bakit hindi na lang gawin lead ang best friend? Well, ipinaliwanag na nung scriptwriter kung bakit. Alam ko ang ganito dahil work ko 'to at minsan na rin akong nag pitch ng concept para sa isang sikat na love team kaya lang di natanggap kasi tragic ending. Hahahaha. Bawal daw patayin. Lol. Pero ganun talaga.

Maaring medyo nagkapersonalan si Aiscelle at si Nica nun pero hindi lang naman nag decide si Aiscelle dahil sa pinepersonal niya si Nica. Logical din naman ang naging decision niya. At hindi naman papayag si Nica kung alam niyang hindi tama si Aiscelle. At si Stan--siya nga ang nagsasabi kay Aiscelle ng mga mali niya eh. Wag natin isipin na bias siya.

So ayun. Hindi ko mapigilan ipagtanggol ang mga characters ko pag inaapi. Both Aiscelle and Nica, love ko sila pareho kahit nababash na ako dahil sa kanila. Lol


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro