Chapter Forty Six
IMPORTANT NOTE. PLEASE READ:
Guys nag update din ako kahapon. Important update yun at baka kasi ma-skip niyo since ang daming nag m-message sa akin na hindi nila nakita sa notifs nila na nagupdate ako. Ayun lang. Enjoy!
Chapter Forty Six
AISCELLE.
"Aiscelle, breakfast in bed!" masiglang sabi ni Stan.
Hinawi niya ang kurtina ng bintana sa kwarto niya at napatalukbong ako ng kumot dahil sa sobrang liwanag.
Yes, dito ako natulog sa condo unit ni Stan. Dito ako dumiretso after naming magusap ni Jasper kagabi at wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak sa harapan ni Stan. Ni hindi ko maikwento sa kanya kagabi kung ano ang nangyari. Ang tanging paulit paulit ko na lang na nasabi eh wala nang pag-asa. Wala na. Tapos na lahat.
But I'm thankful to him kasi hindi siya nagtanong. He just let me cry habang yakap-yakap niya ako. Hindi niya ako binitiwan hanggang sa tumahan ako.
Come to think of it, hindi ko na maalala na tumahan ako. Mukhang nakatulog na ako sa kakaiyak. Nagising na lang ako na nakahiga na sa kama ni Stan.
Napahinga ako nang malalim at ramdam ko ang bigat ng nararamdaman ko. Yung parang any minute gusto ko na naman umiyak kahit wala na atang luha na mailalabas ang mata ko.
My eyes sting. Pakiramdam ko magang maga ito sa kakaiyak ko. Halos hindi ko rin maidilat ng maayos at feeling ko naniningkit ito.
"Aiscelle."
Inalis ni Stan ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin at bumungad ang nakangiti niyang mukha.
"Good morning."
Umayos ako nang upo habang si Stan naman ay inilalapag sa harapan ko ang tray ng pagkain.
"Bacon and eggs plus hot chocolate," masigla niyang sabi.
Napatingin ako sa pagkain. Ang ganda ng presentation. Feeling ko nag breakfast ako sa isang hotel.
Ramdam ko ang gutom ko dahil hindi na ako nakapag dinner pa kagabi pero parang feeling ko hindi ko kayang kumain ngayon.
"I know that look," sabi ni Stan. "Bawal tumanggi. Hindi mo pwedeng sabihin na wala kang gana. You have to eat, Aiscelle."
Tinignan ko si Stan and I smile at him. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. He placed my head on his chest and then he hugs me back.
"I don't want to go to work today," sabi ko sa kanya.
"You don't have to. Heiress ka, remember?"
Napatawa ako nang mahina.
"Stan?"
"Hmm?"
"Thank you, ah?"
"Saan naman?"
"Wala. Sa lahat. You're always there to listen to me. Ikaw ang pang wake up call ko kapag nagiging tanga na ako. At ngayon, hinahayaan mong yakapin kita nang yakapin. Sorry ah? It's just that nakakalma talaga ako kapag malapit ka sa akin."
Stan ran his fingers through my hair.
"Ganun? I thought the reason why you're always hugging me is because I smell so damn good."
Napahiwalay ako ng bahagya sa kanya at hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Amoy bacon and eggs ka nga ngayon!" sabi ko.
Itinuro niya yung tray, "ayan ang breakfast mo ah? Baka mapagkamalan mo kasing ako ang breakfast mo."
Napatawa ulit ako.
"Ewan ko sa'yo."
Inilapit ko sa akin yung tray at nagsimulang kumain.
"So, what do you want to do today? Movie marathon tayo?"
Napa-angat ulit ang tingin ko kay Stan.
"H-hindi ka rin papasok ngayon?"
He shrugged, "so what? I'm the CEO."
Hindi ko alam kung bakit bigla na namang namuo ang luha sa mata ko at basta na lang akong napaiyak ulit. Inusog ko yung tray ng pagkain at lumapit ulit ako kay Stan at niyakap siya.
"A-Aiscelle..?"
"I was too late, Stan. I was too late. Hindi man lang ako nabigyan ng chance para patunayan sa kanya na mahal ko pa rin siya at willing akong magbago para sa kanya. I was too late."
"Aiscelle, listen to me."
He cupped my face at iniharap niya ako sa kanya.
"Siguro kaya hindi na naging kayo ay dahil na rin sa gusto mong mangyari. You said you're willing to change for him. You said kaya mong i-give up kahit ano para makasama siya. But you don't have to do that, Aiscelle. You don't have to change or to give up something you love for a guy. Darating ang panahon na mahahanap mo yung taong mag b-blend kayo ng ugali. Yung kaya niyong i-balance ang negativities ng isa't-isa. Yung magagawa kang suportahan ng buo sa mga pangarap mo."
Mas napahagulgol ako nang iyak dahil sa sinabi ni Stan.
"Aiscelle, alam kong iniisip mo na siguro deserve mo na bitiwan ang pangarap mo para kay Jasper dahil noon, hindi mo siya nagawang suportahan sa pangarap niya. Pero past na yun. Napatawad ka na niya. At kahit pa gaano ka-deserving ng isang tao sa second chance, kung iba na yung mahal niya, wala na tayong magagawa kundi ang mag move-on."
Tinignan ko si Stan.
"T-tingin mo ba kaya ko? Tingin mo magagawa kong mag move on? Kasi ngayon pa lang para na akong pinapatay sa sakit, Stan."
He brushed my tears away.
"Oo naman. Ikaw pa? Aiscelle Monasterio is a strong girl and she wouldn't be defeated by a heartache."
Napatango ako.
Sana nga. Sana.
Sana tama si Stan.
Sana ganoon ako katatag katulad ng iniisip niya para malagpasan ko na agad ito.
~*~
JASPER.
"Pare nasaan na ang bayad mo?" dinig kong sabi ni Ayen.
"Ihuhulog ko na nga lang sa bank account mo!" inis na sabi ni William.
"Oh eto na yung akin. Naka cash na para may pangwaldas ka na!" sabi naman ni Geo sabay abot ng sobre kay Ayen.
Ngiting ngiti ang loko na tinignan yung sobre.
"Ayun oh! Di ko akalaing yayaman ako dahil kay Jasper Yu! Ikaw Ice kelan ka magbabayad sa akin?"
"Hindi naman ako kasali," sagot ni Ice.
"Hoy kasali ka!" sabi ni Ayen.
"Oo nga pre! Walang ganyanan!" panggagatong pa ni Willian.
"Kay Aiscelle ka kaya tumaya! Wag kang ano ha!" dagdag ni Geo.
"Pinilit niyo lang ako at kayo na nga namili kung kanino ako pupusta."
"Bakit hindi ka ba pumusta sa kakambal mo?" tanong ni Geo.
"That's not the point. Hindi ako kasali."
"Kasali ka!" pag pupumilit ni Ayen. "Wag maduga! Magbayad ka. Yaman yaman mo eh. Eh napapadalas nga ang raket mo sa restaurant ni Timi bilang endorser nito."
"Hindi paid yun."
Napatawa si William, "naks! Ginagawa niya for the sake of love!"
"Sus pinikot lang yan ni Timi," sabi naman ni Geo.
Nagtawanan sila maliban kay Ice na namumula na ang tenga.
Irita ko silang nilingon.
"Ang iingay niyo!"
Pare-parehong napalingon sa akin yung mga mokong.
"Ang sungit mo pre!" sigaw ni Ayen. "Di ba dapat masaya ka na ngayon?"
Kinunutan ko ng noo si Ayen at dumiretso ako sa kwarto ko at nag lock ng pinto.
"Baka basted," dinig ko pang sabi ni Geo at naghagalpakan ng tawa ang mga sira-ulo.
Loko loko talaga ang mga yun.
Napabuntong hininga ako at nahiga sa kama.
Mula kagabi ko pa tinatawagan si Nica pero cannot be reached ang phone niya. Hinintay ko siya magdamag sa bahay niya kaso hindi siya umuwi.
Kinakabahan ako baka may nangyaring masama sa kanya. Hindi ako mapakali.
Natadtad ko na ng messages ang phone niya at ilang beses ko na rin siyang pinasahan ng load pero walang reply.
Napapikit ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
Damn. I badly want to see her.
Biglang tumunog ang phone ko at halos mapatalon ako sa gulat. Dali-dali kong tinignan kung si Nica na ba ang tumatawag pero na-disappoint lang ako nang makita kong yung mokong kong kapatid ang tumatawag.
I answered his call.
"Oh Jaden?"
"Kuya! Pumunta ka rito sa café!"
"Bakit? Teka nandyan na ba si Nica?"
"Ayun na nga. She's here! Pumunta ka!"
"Ba't natataranta ka?"
"Kasi kuya narinig ko nagpapasa na siya ng resignation letter kay mama."
"Shit!"
Hindi na ako nakapag-paalam pa ng maayos kay Jaden at agad kong in-end ang call at dali-dali akong lumabas papunta sa parking lot. Wala ng suklay-suklay pa at papogi. Mamaya hindi ko na naman maabutan si Nica.
Nag reresign na siya.
Ano ba? Umaalis na ba siya sa buhay ko?
Am I too late?
Sana hindi pa.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro