Chapter Forty Seven
IMPORTANT NOTE. PLEASE READ!!!!!
Nag update po ako last week ng chapters 45-46. Bruha kasi si Watty, hindi nag n-notif, eh. Dami nag m-message tuloy sa akin na di nila nakita yung update
Kapag ayaw lumabas ng update, remove niyo muna ito sa library niyo then add niyo uli. Ganun din gawin niyo pag nag skip ng chapters or ayaw lumabas nung mga binanggit kong chapters.
Ayun lang. Sana itong update na 'to maayos na. Sunod sunod na mga important chapters pa naman <//3
~*~
Chapter Forty Seven
JASPER.
"Nasaan ang bebe Ice ko?!" dinig kong sigaw ni Timi.
"Naliligo pa," sagot naman ni Geo.
"Ay really? Wait masilip nga!" masiglang sagot naman ni Timi.
"Babaeng manyak," sabi ni William.
"Tse!"
Narinig ko ang mga yapak ni Timi na papalapit sa akin.
"Anyare dito kay Jasper Yu? Ba't mukhang bangkay na yan?" tanong niya.
Nagtalukbong ako ng kumot at pinagsiksikan ko ang sarili ko sa pinaka gilid ng sofa. Ayokong makipag usap kahit kanino.
"Paano nag AWOL na lang bigla si Nica sa buhay niya," sabi ni Ayen. "Nag resign sa cafe tapos sa resto mo tapos ayan hindi na mahanap ni Jasper."
Napabuntong hininga ako.
Hindi ko naabutan si Nica nung nag pasa siya ng resignation. Tapos biglang tumawag sa akin si Timi na kahit sa kanya nag resign din si Nica. Ang dahilan niya, uuwi ng probinsya. Kung saang probinsya man yon, I don't have any idea.
Pumunta ulit ako sa bahay niya pero wala na siya doon. Wala nang mga gamit. I tried calling her multiple times pero cannot be reached na ang number niya. I even went to Mamita's house pero wala na ring tao doon.
Hindi ko inakala na sa isang iglap, kaya nga talagang mawala ni Nica sa buhay ko.
Naramdaman ko na yun, eh. Nakikita ko na una pa lang. Alam kong malaki ang chance na biglang umalis si Nica sa buhay ko. Ilang beses na niyang sinubukan. Ilang beses na niyang ginawa na 'di siya nagparamdam sa akin.
Pero nakakainis kasi nasanay ako na everytime na gagawin niya yun, everytime na iiwasan niya ako, isang pangungulit ko lang bumabalik na naman siya sa akin.
Nakakayamot.
Nakakainis isipin kung paano ko siya na-took for granted. Yung tipong alam kong pag nagtangka siyang umalis, babalik siya agad sa akin kasi hindi niya ako matitiis.
Alam ko na naman na, eh. Ramdam ko na. Pero hindi ko tinapos agad ang sa amin ni Aiscelle kasi natatakot ako na baka nagkakamali ako ng desisyon.
Hindi ako makapaniwala na kaya ko pang magmahal nang mas higit pa sa ibinigay ko kay Aiscelle noon. Akala ko kasi nasagad na ako. Akala ko wala na akong kayang ibigay.
Akala ko, kaya siya importante sa akin dahil lagi niya akong tinutulungan. Lagi siyang nandyan. Lagi siyang nakaalalay.
I thought I love her because I need her.
But I realized that's not the case anymore. Nabaliktad na.
I need her now because I love her.
May pumitik sa noo ko kaya napadilat ako. Nakita ko si Timi na nakapamewang na sa harapan ko.
"Ano? Pakamatay ka na?" tanong niya.
Biniyayaan talaga ako ng mga supportive friends.
Umayos ako nang upo at tumabi siya sa akin.
"Ano friend? Three days ka na raw nag mumukmok dito."
Napabuntong hininga ulit ako. Tatlong araw palang pala ang lumilipas? Ba't feeling ko lifetime na?
Tinapik ako sa braso ni Timi, "ang bagal mo kasi, friend. Ayan nakakawala na. Hanap ka na lang ng iba."
Tinignan ko siya ng masama at tinulak ko siya nang mahina.
"Doon ka na sa Ice mo! Palibhasa masaya ang lovelife mo kaya kung makapang asar ka wagas!"
Tumawa siya, "ayan kunot na naman ang noo mo." Inakbayan ako ni Timi. "Alam mo Jasper, kitang kita ko naman kay Nica na mahal ka niya, eh. Feeling niya magaling siyang magtago ng nararamdaman. Pero kasi pag naguumapaw na ang love mo para sa isang tao, mahirap nang itago yan. Siguro kailangan niya lang ng time para sa sarili niya ngayon. Hayaan mo, babalik din yun. Andyan lang siya nagta-trabaho kay Stan 'di ba? Magkikita't magkikita rin kayo."
"Narinig ko ang pangalan na Stan. Anong meron sa ungas na yun?"
Pareho kaming napalingon kay Ice na kalalabas lang ng pinto.
Inis pa rin siya kay Stan. Ex kasi yun ni Timi.
"Wala! Sabi ko ang pogi mo!" sabi ni Timi sabay lapit kay Ice and the she kissed him.
Napailing na lang ako at tumayo.
"Nakakasuka kayong dalawa.
"Bitter ka lang! Basted ka kasi!"
"Hindi ako basted!"
Nilayasan ko yung dalawa at lumabas ako. Feeling ko na-s-suffocate na ako dahil lagi na lang ako nakakulong sa kwarto dito sa headquarters.
Uuwi na lang muna ako sa amin. Doon naman ako sa kwarto ko sa bahay magkukulong.
"Jasper?"
Napaangat ang tingin ko nang may tumawag sa akin.
At nakita ko si Benedict sa driveway ko.
"Benedict?" agad akong napalapit sa kanya. "Benedict, si Nica, alam mo ba kung nasaan siya, ha? Do you have any idea kung saan siya nagpunta?"
Napayuko si Benedict.
"Benedict please, I need to talk to her."
"Jasper...actually, nasa malayong lugar ngayon si Nica."
"Saan?!"
Umiling siya, "hindi ko pwedeng sabihin."
"Benedict naman! Please naman! Help me! Gusto ko lang siyang makausap! Please!"
Napabuntong hininga siya.
"Jasper, actually kaya ako nandito ay may sasabihin sana ako sa'yo about Nica."
Tiningnan ko ng seryoso si Benedict. Halata sa itsura niya na hindi siya mapakali.
"Hindi ko alam kung tama bang nilapitan kita. Well, Nica's not okay."
"Why?! May sakit ba siya? What happened to her?!"
Umiling siya. "No. That's not it. May mga mabibigat na problema si Nica and to tell you honestly, isa ka doon."
Natigilan ako sa sinabi ni Benedict.
Problema.
Ayun ang naidulot ko sa kanya.
Problema.
"Jasper, siguro hindi ka naman manhid para hindi mapansin kung ano ka para kay Nica, hindi ba? She loves you at minsan nagiging tanga na siya. No. Scratch that. Hindi lang pala minsan kundi madalas na."
Pakiramdam ko parang pinipilipit ang puso ko dahil sa naririnig ko.
"A-ayaw niya na ba sa akin? Nagsawa na ba siya?"
"Ayun ang tingin niya. pero kahit pagbali-baliktarin man natin ang sitwasyon, kitang kita pa rin sa kanya na mahal na mahal ka niya at hindi niya kayang i-let go agad ang nararamdaman niya para sa'yo, Jasper. Kaya ngayon, ako naman ang makikiusap sa'yo. Hayaan mo muna si Nica."
Napailing ako.
"No. I can't. Benedict, I love her too. Alam ko medyo huli na. Alam ko ang tagal kong nagpakatanga, but please naman, help me. I love her too. Please?"
"I know. Pero sana respetuhin mo muna ang gusto niya. Jasper, hindi lang ikaw ang problema ni Nica. Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo niya. May mga pangarap siya na unti-unti na niyang nakukuha. Pero isang mali lang niya, mawawala sa kanya 'to."
"I can help her! I want to help her, Benedict! Nandito na ako sa industry na 'to. Marami akong kilalang writers and filmmakers na pwede siyang kuhanin."
"No Jasper. You don't understand. Iba si Nica. She's an independent woman. She's a princess who doesn't need a prince or a knight to save her because she knows how to save herself. At kung maabot niya ang pangarap niya, ayun ay dahil sa sarili niyang kakayanan at hindi dahil sa'yo, Jasper. That's why I'm asking you na please, hayaan mo muna siya. Saglit lang 'to. Pag natapos ni Nica ang mga gagawin niya, ako na mismo ang magbabalik sa kanya sa'yo."
"T-tutulungan mo 'ko?"
"Eh sa'yo sasaya kaibigan ko eh. Though hindi pa niya nare-realize ngayon kasi may pagka shunga rin yun."
"Magiging okay kaya siya?"
"Oo naman. Si Nica pa ba?"
Napangiti ako.
"Oo nga. Si Nica pa ba."
~*~
AISCELLE.
"Ang sexy ko!" I shouted at dire-diretso kong ininom ang alak sa baso ko.
"Mas sexy ako!" sigaw naman ni Stan at uminom din siya ng alak pero diretso na sa bote. Wala nang baso baso pa.
Napatawa ako nang malakas.
"Ang bading mo, Stan!"
Ngumisi siya at lumagok ulit ng alak.
Umiikot na ang paningin ko. Hindi ko na alam kung gaano karami ang nainom naming dalawa ni Stan. Hindi ko na rin alam kung sino ang mas lasing sa aming dalawa. Buti nga at pumayag ang mokong na 'to na makipag inuman sa akin, eh.
Paano kasi kailangan kong malasing.
Nalaman ko kasing in two days, magkikita ulit kami ni Jasper. Meeting again but this time, with Leigh—yung ka love team niya.
Grabe naman 'to.
Ano, wala pang isang linggo ang ibinigay sa aking oras para makapag move on? Kailangan ko na agad agad makita si Jasper Yu? Wala manlang hinga?
Aba naman. Fresh pa ang sugat sa puso ko ah!
Napahagulgol na naman ako ng iyak. Hobby ko na 'to eh. Ang humagulgol ng iyak.
At automatic na naman ang mga braso ni Stan na yumakap sa akin.
"Wag ka nang umiyak, pumapanget ka na," bulong niya.
"Shit ang baho mo!" pahikbi-hikbi kong sabi.
"Ha? Gwapo ako?!"
"Lasing kaaaaa!"
"Mas lasing ka!"
"Loko! Sexy ako at hindi lasing!"
"Ay oh?" medyo humiwalay ng pagkakayakap sa akin si Stan. He blinks and blinks and blinks then he grins. "Oo nga! Ang sexy mo talaga!"
Napatawa ako nang malakas at kasabay ng pagtawa ko ang pag ikot ng paningin ko.
Shit. I'm really drunk.
Napapikit ako ulit.
Naramdaman ko mga kamay ni Stan sa balikat ko.
Iminulat ko ang mata ko at ang una kong nakita ay ang labi niya.
Shit.
I blink at itinaas ko ang tingin ko sa mga mata niya. He's staring at me.
Napalunok ako.
Shit. This isn't happening. Is this a dream?
"Aiscelle..."
Hindi ko na alam kung ano ang pumasok sa kukote ko.
Katangahan? Kagagahan? Pagiging desperada?
Or maybe because I miss him so damn much.
Hinila ko siya palapit sa akin and then his lips met mine.
Halos lumundag ang puso ko when he responded to my kiss.
I thought he's going to push me away. But no.
He kissed me back.
Yung halik na parang ang tagal niyang inintay 'to.
Naiiyak ako.
Naramdaman ko ang mga kamay niya sa likuran ko. I placed my hand around his neck.
Napahiwalay siya ng bahagya and then he smiled at me.
"Aiscelle..."
I pressed my body against his and he placed his hand around my waist.
"I want you," I whispered in his ear.
Nakita kong napalunok siya. He touched my face and then sa isang iglap, binuhat niya ako papasok sa kwarto niya.
Gusto kong maiyak dahil sa saya. Hindi ako makapaniwala na nangyayari 'to.
Please. Don't let this be a dream.
Inilapag niya ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin. Tinignan ko siya ng diretso sa mata, and before I knew it, we're kissing each other again.
But this time, with too much passion na para bang naghahabol kami ng oras. Na parang any minute, mawawala ang isa sa amin.
His hands are all over my body. I let him undress me.
"Aiscelle..." he touched my face again and kissed me gently. "Aiscelle, I love you. I am so in love with you."
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I cried but not because of pain but because of too much happiness. Parang sasabog ang puso ko.
"I love you too.."
"R-really?" napangiti siya. "You love me? Really?"
Tumango ako.
"Yes, Jasper. I love you. I love you so much, Jasper."
Nawala ang ngiti sa labi niya at medyo lumayo siya sa akin.
Why? Hindi ba siya masaya?
Hinila ko ulit siya papalapit and then I started kissing him again.
Hindi agad siya gumanti ng halik katulad nung una. Pero maya maya lang din, he's kissing me back.
But I can feel the emptiness sa mga halik niya. Wala nang passion o pagmamahal.
Why Jasper?
No. I don't care. He's here. He's with me.
I don't care as long as I'm with him.
Bumaba ang mga halik niya. From my lips to my cheek to my neck and I let myself feel him.
And we made love...
~*~
I woke up with a very bad headache.
Napa-bangon ako habang nakatakip pa rin sa katawan ko ang kumot ni Stan.
Hindi ko alam kung gaano karami ang nainom naming dalawa. Pareho kaming lasing na lasing kagabi.
At katulad ng dalawang taong lasing na magkaiba ang gender at nasa iisang kwarto---eh ayun na nga ang nangyari.
Napakamot ako sa ulo ko.
I just had a one night stand with my best friend. At ang weird part ay after nung nangyari sa amin, nanaginip ako na si Jasper ang kasama ko.
It's weird kasi pakiramdam ko totoong totoo yung panaginip ko.
Napatingin ako sa tabi ko at wala na doon si Stan.
Kaninang madaling araw, nagising din ako at ang mukha niyang natutulog ang una kong nakita.
Napahugot ako ng hininga dahil ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
Alam kong hindi namin dapat ginawa ni Stan yun. Pero sana walang magbago sa relasyon namin.
Mamaya magkailangan kami. Ayoko naman ng ganun.
Siya lang ang nasasandalan ko ngayon.
Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Stan sa loob. Naka-damit na siya at hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
Inilapag niya yung damit ko sa kama.
"Here, p-para makapag bihis ka na."
Tatalikod na sana siya kaya naman dali-dali akong lumapit at pinigilan siyang umalis.
"Stan, wait."
Napahinto siya sa paglalakad pero hindi niya ako tinitignan. Nakayuko lang siya.
"Hey look at me, Stan. It's okay, I'm not mad. W-we're both drunk that night k-kaya hindi kita sinisisi sa kahit ano. D-don't worry. It's nothing okay? It's just a one night stand, that's all."
Tumango siya.
"Yes. Just a one night stand."
He gently released his hand from my grip at tuloy tuloy siyang lumabas ng kwarto without looking at me.
Bakit pakiramdam ko may mas malala pang nangyari?
To be continued..
Aly's Note
OO NA. Hindi ako magaling mag sulat ng bs kaya ples, wag niyo na ipadetail ng bongga sa akin. Di ko keri talaga hahaha. (Kung di lang kailangan sa eksena meghed)
Aaand, alam kong may magtatanong nito:
Ang ibig sabihin po ng AWOL ay Absent without leave. Karaniwang ginagamit na terminologies sa mga employee na bigla na lang uma-absent ng walang paalam. XD
Ayun lamang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro