Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-One


Chapter Forty-One

STAN.

"Nica! Paano ba yan? Ako ang artistang gaganap sa first story mo na maipapalabas!" masiglang sabi ni Jasper kay Nica.

Halata sa itsura ni Nica ang gulat na nandito si Jasper at Aiscelle.

She also suggested na pwede si Jasper ang gumanap na bida pero hindi ko noon sinabi sa kanya na nakuha ko na si Jasper kasi ayun ang sinabi ni Aiscelle. I want to surprise Nica in exchange sa ilang araw na sobrang pagsusumikap niya para matuto.

At na-surprise nga siya but not in a good way. At mukhang hindi lang din si Nica ang na-surprise.

Tinignan ko si Aiscelle. Bakas na bakas sa mata niya na nasasaktan siya at gusto na niyang umalis dito. I tried to meet her gaze but she won't look at me.

Tumayo ako.

"So magkakakilala na pala kayo?"

Tumango si Nica.

"Uhmm.. yes."

Napalingon siya kay Aiscelle at halata kong kinakabahan siya.

Because why not? I can feel that they don't like each other. At ngayon, nakasalalay sa kamay ni Aiscelle ang pangarap ni Nica.

"Take a seat," sabi ko sa kanya.

Naupo si Nica sa tabi ko opposite to Jasper at bumalik naman si Jasper sa tabi ni Aiscelle.

"Nica, I know you already know Aiscelle. She's our partner in this project," pagsisimula ko, trying my best to sound professional kahit na ramdam ko ang tensyon sa loob ng opisina ko.

Tinignan ko si Aiscelle, "Aiscelle, Nica's the one wrote the concept for our campaign ad short film. Like what we've discussed, we are going to use your yellow rose pendant necklace."

Aiscelle's eyes turned cold. She straightened her back at tinignan si Nica.

"I like your concept," she told her without smiling.

"Thanks," sabi rin ni Nica na hindi ngumingiti.

"Maganda ang pagkakagamit doon sa yellow rose namin. Hindi hard sell ang dating sa storya."

Tumango si Nica.

"But about the ending..."

Doon napaayos ng upo si Nica at tinginan niya si Aiscelle. Aiscelle's still looking at her with that cold eyes.

"I want to change it."

"Why?" tanong ko kay Aiscelle.

Huminga ng malalim si Aiscelle.

"Sa story ang pagkakaintindi ko, si Ann and Ivan ang bida, right?"

Tumango si Nica.

"If I am not mistaken, ang story na ito ay tungkol sa mag-ex na hindi maganda ang pag b-break nila pero makalipas ang ilang taon nagkita ulit sila. Ann did everything to bring Ivan back to her. Ang anti-climatic naman ng ending dahil ang nakatuluyan ni Ivan ay yung best friend niya after everything that Ann did para magkabalikan sila. It's actually a tragic ending. Sa story na 'to, pinatay ang second chance. Pinatay mo ang second chance, Nica."

Hindi nagsalita si Nica at nanatili siyang nakayuko. Kahit ako hindi ko alam ang sasabihin ko kay Aiscelle. Lahat tahimik.

"So let's change the ending para mas maging maganda."

Inangat ni Nica ang ulo niya and for the first time, tinignan niya ng diretso sa mata si Aiscelle.

"Hindi ko po alam na may pagkabulag ka pala, Ms. Monasterio."

Nagulat ako sa sinabi niya at kabado ko siyang tinignan.

"Excuse me?" ramdam ko ang inis sa boses ni Aiscelle.

"Sabi mo pinatay ko ang second chance? You're wrong. Hindi lang basta second chance ang ibinigay ko kay Ivan at Ann. I gave them their best chance. Kung hindi sila nag break noon, hindi nila magagawa ang mga pangarap nila because they are both pushing each other down. Iisa sila ng pangangailangan. Pareho sila ng bagay na kulang. Paano nila mapupunan ang isa't-isa kung pareho silang wala nung kailang ng bawat isa?"

"Pero buo na sila pareho nung nagkita ulit sila after three years!" pakikipagtalo ni Aiscelle. "Yes I understand that they need to be separated nung umpisa. Pero bakit hindi na sila pwedeng maging sila ulit nung bumalik si Ann?"

"Buo si Ivan dahil binuo siya ng best friend niya. She completed him. Pinunan niya ang kulang sa buhay ni Ivan. Sa isang relationship kasi, hindi lang sapat na mahal mo siya. Dapat tanggap mo rin ang buong pagkatao niya kahit ang negative side niya maging ang mga kakulangan niya. Yung pipilitin mong makita ang positive na bagay sa mga negative sides niya. Ayun ang ginawa ng best friend ni Ivan. Binuo niya si Ivan. Tapos anong gusto mong mangyari? Babalik ang ex kung kelang buo na siya tapos yung ex pa rin ang makakatuluyan? Ang convenient naman ata para doon sa ex. Babalikan niya ang sinira niya kung kelang buo na ito ulit."

Napaiwas ng tingin si Aiscelle. I can see that she's trembling. Alam kong ang bawat katagang binibitiwan ni Nica ngayon ay parang patalim na sumasaksak sa kanya.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin at ilayo na lang sa lahat nang 'to.

"Yellow rose means new beginning. Ano pang saysay ng symbolism na yan kung hindi lang din magkakaroon ng second chance ang relationship nila? Ano pang saysay ng buong kwento na 'to kung hindi natin ipapakita na lahat ng tao deserve ng second chance?"

"Kung puro second chance na lang ang ipapakita natin sa kanila, paano pa nila magagawang pahalagahan ang first chance na ibinigay sa kanila? Ang gustong sabihin ng kwento ko ay dapat matuto tayong pahalagahan ang mga taong mahal natin bago pa sila mawala. Minsan kasi kapag nasanay na tayong andyan sila sa tabi natin, na t-take for granted na natin sila. Ayan tuloy, too late na para sa kanya. Isa pa, na may dahilan kung bakit may mga taong naghihiwalay. Dahil sa break up nila, natupad nila ang pangarap nila. Dahil sa break up nila, nahanap ni Ivan ang taong bubuo sa kanya. Naka focus ka kasi sa isang character at sa gusto mong mangyari kaya hindi mo nakikita ang bigger picture. At second chance sa relationship? Alam mo ba kung bakit yung iba hindi nakakakuha nito? Kasi hindi sila meant for each other."

Aiscelle's stare turned hard. Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.

"Anong ibig mong sabihin doon?" tanong niya kay Nica.

Umiling si Nica, "wala. I'm talking about my characters. May iba pa ba akong dapat tukuyin?"

Napatingin ako kay Jasper. He's looking at me na para bang sinasabi niyang awatin ko ang dalawang babaeng 'to. Tinignan ko rin siya.

Ikaw ang umawat sa kanila. Ikaw may kasalanan niyan. Wala akong kinalaman diyan.

"I still want you to change the ending," Aiscelle insisted. "Bini-build up ng management ni Jasper sila ni Leigh Buenaventura as love teams. If we want Jasper to take this project, kailangan din nating kunin si Leigh. At tingin mo papayag sila kung ang ending nitong project na 'to ay hiwalay sila sa huli? No I guess hindi mo alam. Yes, Nica. Ganun dito sa industry na 'to. At kung ibibigay naman natin ang role ng best friend ni Ivan kay Leigh, tingin mo papayag din sila na pang second lead lang ang isa sa mga brightest stars nila?"

Sumandal si Aiscelle at tinignan si Nica na alam niyang hindi na 'to makakasagot sa kanya.

"Change the ending or ikaw ang papalitan ko. Kung ipipilit mo ang plot mo na yan, hindi pwedeng kunin ni Jasper ang project. At hindi ko papalitan si Jasper para sa plot mo. Marami pang writers diyan na pwedeng sumulat para sa akin."

"T-teka, baka pwede pa naman pagusapan pa 'to," sabi ni Jasper. "I know marami pang ibang concept si Nica na pwede nating tignan?"

"No," mariin na sabi ni Aiscelle without looking at Jasper.

Hindi ko in-expect na ganito magiging kagulo ang meeting na 'to.

"I need to talk to writer first," sabi ko sa kanila at tumayo ako. "Come with me for a while, Nica."

Tumayo si Nica at sinundan ako papunta sa kabilang room.

"Do you want coffee?" I ask nang makarating na kami sa kabila.

Umiling siya.

Napabuntong hininga ako.

"Nica, story wise, maganda an gang storya na ginawa mo. Kaya ko nga kinuha 'di ba? But I think Aiscelle has a point."

Hindi siya kumibo. Nakita kong nakakuyom ang mga kamao niya at halata ko ang inis niya sa sitwasyon.

I was her story after all. Pinaghirapan niya yun.

"Nica, listen. Sa industry na 'to, lalo na pinasok mo, malaki ang chances na meron at merong mababago sa mga ipinapasa mong concept. Syempre dine-develop natin ito. Pinapaganda. You need to be open minded sa mga changes."

"Alam ko naman po yun sir, eh. Aware ako doon. Pero dito, papalitan natin ang storya ko hindi dahil sa may kakulangan o hindi maganda kundi dahil sa..." pinutol ni Nica ang sasabihin niya.

"Dahil kay Jasper," sabi ko. "Dahil gusto natin si Jasper ang gumanap at magiging imposible nga na siya kung ganito ang magiging takbo. Ayokong palitan ka, Nica. I know kailangan mo ang project na 'to."

Nica's lips trembled. I know any minute iiyak na siya but she did a great job on holding back her tears.

"Wala naman na akong magagawa, eh."

Tinapik ko siya sa braso.

"Wag kang mag-alala. Marami pang projects," sabi ko.

Hindi siya kumibo. Dahil siguro hindi naman talaga yung project ang problema niya.

"Hindi ka pa pwedeng mag sulat ng script, pero ikaw ang pasusulatin ko ng outline ha? Galingan mo!" pang e-encourage ko.

"Salamat po, " sabi niya at halata ko sa boses niya na hindi pa rin siya masaya.

Napabuntong hininga si Nica.

"Bakit ganun? Bakit palaging pinipili ni Peter Pan si Wendy kahit si Tinkerbell ang palaging nasa tabi niya at hindi siya iniiwan?"

Napatahimik ako sa tanong ni Nica.

I seriously don't know how to answer that question.

Kasi bakit nga ba? Bakit ba kung sino ang nandyan para sa'yo, sila pa yung naiichepwera?

Nginitian ako ni Nica.

"Naisip ko lang na line para doon sa best friend. Baka pwede natin sabihin sa scriptwriter para magamit niya."

Tumango ako.

"Yes. That's a beautiful line."

"S-so balik na po tayo doon?"

"Yes."

Naunang mag lakad si Nica but then pinigilan ko siya.

"Nica."

"Bakit po?"

"Doon sa outline na gagawin mo, wag mo nang isama ang wedding scene."

"Bakit po sir?"

Napayuko ako.

"Kasi tingin ko rin hindi sila aabot doon. Magkakabalikan man sila, maghihiwalay rin sila dahil mare-realize ni Ivan na yung best friend niya ang mahal niya. Dahil kung wala yung taong bumuo sa kanya, magiging kulang siya. Pero i-e-end natin ang kwento nila sa nagkabalikan sila kasi ayun ang kailangan."

This time, genuine ang ibinigay na ngiti sa akin ni Nica.

"Salamat sir."

~*~

NICA.

Habang naguusap kami tungkol doon sa project, lumilipad na ang utak ko. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kahit na sino sa kanila lalo na kay Jasper.

Ang sakit pala pag wala kang laban?

Siguro kung ibang story ko 'to, okay lang na palitan. Pero itong storyang binuo ko?

Ito yung storya na isinulat ko kung saan posible na maging kami ni Jasper. Sa storyang 'to, ako ang mahal niya, ako ang pinili niya. Na kahit sana sa fiction man lang, ako ang mamahalin niya.

Pero kahit sa munting mundo na ginawa ko para sa sarili ko, nakasunod pa rin si Aiscelle para ipamukha sa akin na lugar niya yun. Na kahit sa fiction, hindi ko makukuha si Jasper.

"So that's it!" sabi ni Stan. "Nica you can go now. As for Jasper and Aiscelle, we will proceed to our contract signing."

Tumango ako.

"Salamat po. Una na po ako," paalam ko.

Nagmamadali kong kinuha yung gamit ko.

"Nica."

Parang nanikip ang dibdib ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

Please Jasper. Wag mo muna akong pansinin ngayon. Ayokong umiyak sa harap ng ibang tao.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at pilit akong ngumiti.

"G-galingan mo ah? Story ko yan," sabi ko.

Nakita ko ang pagaalala sa mata niya.

Shit naman.

"Bye."

"Teka Nica--!"

Hindi ko na siya hinayaang makahabol sa akin. Dali-dali akong lumabas sa opisina. Dumiretso agad ako sa may fire exit kasi ayokong tumayo sa harap ng elevator at mag-antay doon. Nangingilid na kasi ang luha ko. Ayokong umiyak.

Ayoko.

Okay lang sa bahay pag ako na lang mag isa. Pero sa harap ng ibang tao lalo na ni Jasper?

Ayoko.

"Nica!!" dinig kong tawag sa akin ni Jasper.

Nakakainis! Nakakainis naman, eh! Ilang beses na akong tumatakbo palayo sa kanya tapos ang hilig hilig niyang mang habol kaya balik tuloy ako nang balik sa kanya! Nakakainis na ah!

"Nica ang hilig mo akong wino-walk-out-an!" sigaw niya.

Nagpapasalamat akong nasa fire exit ako bumaba at walang ibang tao rito.

"Huy!" hinawakan niya ang braso ko. "Ang liit liit mo, ang bilis bilis mong maglakad!"

Iniharap niya ako sa kanya. Napayuko ako. I cannot meet his gaze.

"Nica."

"U-uwi na ako."

"Look at me."

Hindi ko ginawa.

"Okay ka lang?"

"Oo."

"Liar."

"Uuwi na ako, Jasper."

"Inatayin mo 'ko."

"Magkikita kami ni Benedict."

"Basta intayin mo 'ko. I want to talk to you."

Umiling ako.

"Wag na."

"Nica!"

Hinatak ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at nginitian ko siya.

"Ayos nga lang ako! Sobrang antok lang ako kasi wala akong tulog. Uuwi na ako ah?" tinapik ko siya sa braso. "Punta ka na doon. May contract signing pa kayo."

Tinalikuran ko na si Jasper at hindi pa ako nakakahakbang palayo, hinatak niya ulit ako paharap sa kanya. Hinila niya ako papalapit at niyakap niya ako nang mahigpit na mahihpit.

"J-Jasper!" tinulak ko siya. "A-ano ba!"

"You're always comforting me kada may problema ako, wasted ako, down ako o gumawa ako ng kagaguhan. S-sana hayaan mo rin na i-comfort kita pag ikaw naman ang may problema o malungkot o masaktan. You're always there for me and I want you to know that I'm also always here for you. Pwede mo akong kausapin. Pwede kang umiyak sa harapan ko."

Tumigil ako sa pagpiglas sa pagkakayakap kay Jasper.

I let him hug me pero hindi ko siya niyakap pabalik dahil alam ko, pag yumakap ako, maguumpisa na akong humagulgol ng iyak.

At ayoko.

Ayokong magpakita ng kahinaan sa kahit na sino.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro