Chapter Forty Nine
IMPORTANT NOTE. huhuhu pakibasa na PLEASE para di na ako paulit ulit. Meghed. Stress. Wattpad is such a betch. Lels.
Kapag po ayaw lumabas nung ibang chapters, gawin niyo i-remove niyo muna ang story na 'to sa library niyo then add niyo ulit. Pag ayaw, i-check kung updated sa latest version ang Wattpad app. Pag ayaw pa rin, punta na tayo sa planet Nemik.
Chapter Forty Nine
NICA
"S-sisigaw ako," pagbabanta ko kay Jasper Yu na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin habang nakasandal sa pinto ng bathroom at nakatago ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.
Nakakainis naman 'to. Tatlong buwan lang ako nawala, ang laki na agad nang ikina-gwapo niya? Anong meron sa kanya? Tapos kung makasandal pa siya dyan, akala mo minomodel niya 'tong kubeta.
"Edi sumigaw ka. Magtatakbuhan ang mga tao papunta rito. Take note, pati yung mga media na nasa labas na kumukuha ng bts photos. Ay for sure issue na naman 'to. Kasama ka syempre sa gulong 'to pag nagkataon."
Ngumisi siya sa akin na para bang alam n'yang wala na akong magagawa dahil na-corner n'ya ako.
I smile at him and then I took a step forward.
"Oops alam ko 'yang ganyang moves!" sabi niya sabay takip ng dalawang kamay sa most precious part of his body. "May balak ka na namang bayagan ako!"
Tinignan ko siya nang masama.
Bwiset, nabasa ang galaw ko ah.
"Palabasin mo na 'ko."
"Maguusap muna tayo."
Napahinga ako nang malalim, "sa dinami-rami nang lugar kung saan mo ako hahatakin para mag-usap, bakit sa banyo pa?!"
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Jasper. Yung tipong ngiti na kakabahan ka kasi alam mong may pinaplano siyang hindi maganda.
"Eh ito yung nasa tapat natin na kwarto kung saan may privacy. At isa pa," nilibot niya ang tingin niya sa bathroom. "Spacious naman tsaka malinis."
Napatingin ako sa paligid. Medyo may kalakihan nga yung bathroom. May bathtub pa sa dulo. Parang bathroom lang ng mga mamahaling hotel.
Pero bakit parang ang hirap huminga kahit ang spacious ng lugar?
"Marami tayong magagawa dito kasi malaki," dagdag pa niya with matching taas baba ng kilay.
Biglang nag init ang mukha ko at parang nagsi-akyatan sa ulo ko ang lahat ng dugo ko.
"S-shit ka!"
"I mean pwede tayong mag cartwheel, pwede pa akong mag break dancing dito. Ikaw kung anu-ano iniisip mo. Green minded mo."
Napa kuyom ako. Leche talaga. Sa huling check ko mahal ko pa siya, eh? Pero bakit gusto ko siyang balibagin ngayon?
Ba't nakakabadtrip ang isang 'to?!
"Jasper Yu tumabi ka kasi d'yan! May ka-meeting ako, eh!"
"Makakapag intay yun."
"Kanina pa siya nag aantay sa akin!"
"Eh paano naman ako na tatlong buwan nang nag-aantay sa'yo?"
Natigilan ako at napaiwas nang tingin.
Ano ba 'to? Ano bang problema niya? Ano bang gusto niyang sabihin?
Tinalikuran ko siya at naupo ako sa gilid nung bathtub. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Feeling ko ma-s-suffocate ako kapag hindi ako dumistansya sa kanya.
Bakit ba ako kinakabahan nang husto? Wala naman akong ginawang masama, eh. Pero yung kaba ko kasing bilis ata ng kaba ng isang taong nakapatay.
Lumapit sa akin si Jasper. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya.
Bakit ba ako nako-concious? Hinawakan ko ang dulong strands ng buhok ko. Bakit ko ba naisipang magpakulay? Maganda naman daw pero mamaya mukha pala akong clown sa paningin ni Jasper?
Teka ano bang paki ko sa tingin sa akin ni Jasper Yu? Nung umalis ako, isinaksak ko na rin sa kukote ko na wala rin naman siyang paki sa akin, eh. Well siguro meron kahit katiting pero hanggang saan lang ba?
Kapag wala siyang malalapitan o maiiyakan o masasabihan nang lahat ng hinaing niya at mga nararamdaman niya para kay Aiscelle.
Puro about sa nararamdaman niya.
Pero napapansin niya ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Napapansin niya ba na kada nagkukwento siya sa akin noon nasasaktan ako?
Hindi.
Unti unting umiikot ang mundo ko kay Jasper. Alam ko na 'to eh. Ilang beses ko nang naisulat ang ganitong scenario.
Yung tipong unti-unting umiikot ang mundo mo sa isang tao and you ended up being empty kasi naibigay mo na lahat at nakalimutan mong magtira para sa sarili mo. Yung mga bagay na dapat pinaglalaanan mo rin ng atensyon katulad ng mga pangarap mo ay hindi mo na nabibigyang pansin dahil naka sentro na lang sa isanag tao ang atensyon mo.
At muntik nang ganun ang mangyari sa akin simula nang dumating si Jasper sa buhay ko.
Naramdaman kong tumabi si Jasper sa akin sa gilid ng bathtub. Hinawakan niya ang ilang strands ng buhok ko.
"You dyed your hair. It suits you."
Medyo nilingon ko siya.
"T-thanks."
"Nica... n-namiss kita..."
Napalunok ako.
"Ah.. talaga?"
"Oo. Ikaw kasi bigla biglang nawawala nang walang pasabi."
Hindi ako umimik. Ano pa bang masasabi ko? Na nag layas ako dahil sa kanya? Na kinailangan kong lumayo dahil ang sakit na?
"B-ba't ayaw mong tumingin sa akin? Pumanget ba 'ko?" tanong niya.
Kasi leche ka, feeling ko maiiyak ako 'pag humarap ako.
"Oo, ang sakit mo sa mata," sagot ko.
"Oy grabe ka ah! Ang pogi ko kaya ngayon!"
Naramdaman kong ipinatong ni Jasper ang kamay niya sa balikat ko.
"Nica..."
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pilit akong iniharap sa kanya.
"Nica wag ka na ulit aalis nang walang paalam."
Binigyan ko siya nang malungkot na tawa.
"Ah.. boss na kita ngayon?"
"Hindi. Pero... k-kaibigan mo 'ko 'di ba? Ba't hindi ka man lang nagsasabi?"
Kaibigan.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya.
"Bakit? Ako lang ba ang pwede mong takbuhan kapag may problema ka? Andyan naman sina Ayen at ang EndMira. Nandyan din si Chef Timi. Marami kang option, Jasper Yu. Hindi lang ako."
Napakunot ang noo ni Jasper at humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Nica, ayun ba ang tingin mo sa akin? Na hanggang doon lang ang pagpapahalaga ko sa'yo? Hindi ganun yun Nica."
Iniwas ko ulit ang tingin ko.
Hindi raw ganun yun.
Pero bakit ayun ang ipinaramdam niya sa akin?
"Nica kung alam mo lang kung gaano ako ka-depress nung bigla kang umalis tapos hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Yung bigla mo na lang akong nilayasan. Ni ha ni ho wala ka manlang pasabi na balak mong lumayo."
Kasi pag nagsalita ako pipigilan mo ako. At pag pinigilan mo ako, hindi na naman ako makakahindi sa'yo.
Napahinga ako nang malalim. Yung gustong gusto kong ilabas sa kanya lahat nang nararamdaman ko pero alam kong mas lalong magkakagulo pag ginawa ko yun.
"Parang tatlong buwan lang naman. Minsan nga may mga kaibigan kang lagpas isang taong nawala sa buhay mo pero hindi mo hinahanap."
"Eh iba ka kasi!"
Napalingon ako bigla sa kanya dahil sa gulat sa biglang pagtaas ng boses niya.
"Nica I need to tell you something."
"A-ano?"
"K-kasi... I---uhmm—I----" napakamot si Jasper sa likod ng ulo niya at nagulat ako nang bigla siyang mamula. "Uhmm, Nica, t-the truth is... uhmm.. a-ano kasi.. I—err—ano..shit."
Tinaasan ko siya nang kilay.
Then biglang nanlaki ang mata ko.
"Shit ka!" gulat kong sabi.
"A-ano?! B-bakit?!"
"Nakabuntis ka 'no? Nakabuntis ka ng babae kaya hirap na hirap kang magsabi sa akin!"
"Huy! Pagka ako, nakabuntis agad?!"
"Bakit hindi ba?"
"Hindi yun! Iba!"
"Eh ano nga? Ba't hirap na hirap kang sabihin sa akin?"
"Eh kasi nga! Ikaw kaya sa posisyon ko! Hindi pala ganung kadali 'to! Kung alam mo lang!"
"Hindi kita gets. Ang labo mo."
"Eh kasi nga kasi eh! Ano kasi—I—I—ano---SHIT!"
"Putanginang yan. Umayos ayos ka ah. Napipikon na 'ko! Hihila-hilahin mo ako dito tapos puro shit ang sinasabi mo."
Huminga nang malalim si Jasper.
"Nica.. I'm so i---"
"Actors in! Nasaan na si Jasper?" dinig naming sigaw ng PA sa labas.
Napayuko si Jasper at napabuntong hininga.
Tinapik ko siya sa braso.
"Actors in na raw. Eksena mo na. Mauna ka nang lumabas. Baka isipin ng mga tao kung ano ang ginawa natin dito."
Tumango siya at tumayo. Pero bago siya lumabas, lumingon muna siya sa akin.
"Nica, j-just don't leave me again."
At bago pa mag register sa utak ko ang sinabi niya, nakalabas na siya ng bathroom.
~*~
JASPER.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari talaga sa'kin kanina! Hindi ako yun eh. Feeling ko may sumanib sa akin ng kaluluwang torpe!"
Napatawa si Ayen sa sinasabi ko.
Nandito ako ngayon editing bay ng opisina namin at kasama si Ayen. Vini-view niya kasi yung bagong music video ni Mia na ilalabas 2 weeks from now.
"Pare kahit gaano ka ka-chickboy, meron at meron pa ring isang babaeng makakapagpa-torpe sa'yo."
Tinignan ko nang masama si Ayen.
"I love you!" irita kong sabi.
"Shit. Nabading na siya sa'kin."
"Gago! Tinatry ko lang sabihin. Napakadali naman. I love you! Pero takteng yan! Kanina nilamon ako nang kaba!"
"Pero isipin mo na lang, mas okay nang hindi ka nakapag tapat sa kanya kanina. Ang jologs naman nun. Aamin ka sa kanya habang nasa kubeta kayo?"
Napabuntong hininga ako.
"Kung sabagay. Pero pre sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Nica. Alam mo yung ramdam na ramdam kong ayaw na niya sa akin. Baka nga naka move on siya. O sadyang ayaw na lang talaga niyang mahalin ako. Natakot ako kanina na baka i-reject niya ako."
"Eh malamang talaga rejected ka kung nagsalita ka kanina. Alam mo yung asta mo parang baguhan ka sa panliligaw eh. Pre, napagdaanan mo na yan noon. Madali lang yan eh. Bakit hindi mo ulit kunin ang loob niya? Tutal masyado ka namang overconfidence sa katawan mo."
Napangiti ako.
"Oo nga 'no? Ba't hindi ko naisip yun?"
"Kasi wala kang isip."
"Gago!"
"Back to you! Pero ganun nga gawin mo. Gawan mo ng mga sweet na bagay, ipakita mo sa kanya na mahalaga siya. Tandaan mong action speaks louder than words. Kung ngayon mo sasabihin kay Nica yan eh malamang na di yan maniniwala sa'yo. Yung reputation mo pa na over sa pagkababaero."
"Loko! Pero ganda ng advice mo. Sweet things huh? Ano kaya maganda?"
"Eh saan ka ba magaling? Sa pag gawa ng music."
Parang may umilaw na idea sa utak ko.
"Ayen, I think I want to write a song."
To be continued...
AN
Nica's hairlaloo.
Ganyan ang purple/black ombre hair. Hindi pang clown. Okay? Okay.
Aaand sa mga nagtatanong sinong nakauna kay Aiscelle:
Sino ulit ang ex niya? Si Jasper Yu.
Ano nga ulit si Jasper Yu? Hokage.
And oo nga pala, yung mga nag I-SKIP NG POV dahil hindi nila bet si ganitong character, kaloka kayo mga teh. Tas rerekla-reklamo yung iba na bakit ganun ang nangyari, bakit ganyan, hindi maintindihan ba't si ganyan ang naging ganon.
Kurutin ko kayo sa singit eh. Nag i-skip kayo ng POV so malamang talaga hindi niyo maiintindihan ang mga desisyon ng mga characters dito at ang point ng storya. Don't me. Kaloka.
Hanggang sa susunod na update. Paalam. *insert Dragonball Z theme song*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro