Chapter Forty Eight
IMPORTANT NOTE AGAIN PLEASE READ:
Guys if ever na hindi na naman po nag notif ang update ko na 'to sa inyo, please help me by sending a ticket sa wattpad support. Hindi raw po kasi nila ma-imbestigahan kung walang readers na nag send ng ticket/complain. Thank you!
At sa mga hindi na informed, tatlong chapter po ang hindi nag notif dahil inaway ako ni Watty. 45-47. Baka nalagpasan niyo po. Ayun lamang :)
Chapter Forty Eight
THREE MONTHS LATER
AISCELLE.
What the hell is his problem?!
Halos tatlong buwan ko nang tanong sa sarili ko 'yan.
Nandito ako ngayon sa office ni Stan dahil may meeting kami. Gawa na kasi ang buong script nung mini series at mag i-start na ng shoot next week.
Nakaupo ako ngayon sa sofa sa opisina niya habang tanaw na tanaw ko si Stan at ang ka-love team ni Jaseper Yu na si Leigh Buenaventura. Umiinom sila ng kape habang enjoy na enjoy sa pagtatawanan yung dalawa.
Hindi man lang ako inalok.
Napailing ako.
Ano ba. Nakakainis na si Stan ah!
Hindi naman kami magkaaway. Maayos kaming naguusap, nagtatawanan, kwentuhan...pero parang may nabago talaga. After that day nung may nangyari sa aming dalawa, nag iba na siya.
Parang nilagyan niya ng wall ang pagitan namin. Kung dati nayayakap ko siya ngayon hindi na. I tried once pero ang awkward ng pakiramdam because he didn't hug me back. Dati maya't-maya ang pangungulit at panti-trip niya sa akin pero ngayon hindi na.
At tatlong buwan na ang nakakalipas pero ganyan pa rin siya.
Masyado ba talaga siyang naapektuhan doon sa nangyari sa amin? Pero bakit parang baliktad naman ata? Di ba dapat babae ang nag-re-react ng ganyan?
Virgin pa ba 'tong si Stan at ako ang nakauna kaya ganyan 'yan?
No. That's impossible. Sabi niya may nangyari na rin sa kanila nung ex niyang bruha.
So hindi na siya virgin. Wala akong nakuhang puri sa kanya.
But why the hell is he acting like that?!
I mean kung maka-asta siya parang 'di rin siya nag enjoy nung gabing yun.
Shit.
Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko! Anong enjoy?! Eh lasing kami nun! And I'm not blaming him for that because may kasalanan din naman ako! Shit shit shit!
Wait... baka talagang sinisisi niya ako?
Sabi nila pag may alak, ibig sabihin may balak?
Ako ang nagdala ng alak. Iniisip ba niya na may balak ako sa kanya?
Kapal niya ha!
"Aiscelle?"
Napa-angat bigla ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Jasper. Napahinga ako nang malalim.
Sa loob ng three months, tatlong beses ko lang nakita si Jasper Yu.
Yung first meeting namin ni Jasper after ng closure namin, feeling ko mag b-breakdown ako sa harap niya at hahagulgol ako nang iyak. But I survived because the whole time, Stan is holding my hand at na-comfort ako doon.
Yung pangalawang beses naman, I was stronger, braver. The pain is still there but it's already bearable.
And now...
Well, I can't say na I have moved on. Ngayong nasa harapan ko si Jasper Yu, ramdam ko pa rin ang regret at sangkaterbang sana na tumatakbo sa isip ko.
Pero ngayon na nasa harapan ko siya, isa lang ang nasa isip ko.
I'll be okay.
"Hey," lumapit sa akin si Jasper at tinapik ako sa balikat.
"Uy, musta?" tanong ko.
Naupo siya sa harapan ko.
"Ito, excited na sa project natin."
Napangiti ako. Jasper's staring at me na para bang tinatantya niya ang nararamdaman ko ngayon.
I told him not to mind me anymore. Na wag na siyang mag-alala sa akin.
But well, Jasper is Jasper at hindi mo maalis sa kanya ang bagay na 'yan.
"Sina Stan?" tanong niya.
Napatingin ako sa pantry at sinundan naman niya ang tingin ko.
"Ohhh.. may bagong loveteam?"
I shrugged.
"Jasper?"
"H-hmm?"
"May itatanong sana ako..."
"A-ano yun?"
"Kasi.. well.. uhm.." lumunok ako. "Ah, I have this friend..."
"Okay?"
"Ano, may nangyari sa kanila nung isang guy. Then after that, nanlamig sa kanya yung guy. Tingin mo bakit?"
Nagpangalumbaba si Jasper.
"Hmm... maganda ba yung friend mo?"
"Yes! Sobra!"
"Yung lalaki talaga yung nanlamig?"
"Oo."
"Bading yan."
"Hindi ah!"
"Eh kasi kung magandang babae naman pala, bakit siya manlalamig?" nakangising sabi ni Jasper Yu.
I rolled my eyes.
Bakit ba siya ang pinagtanungan ko?! Kainis!
"It's either that or..."
Napaayos ako ng upo.
"Or?" tanong ko sa kanya.
"Or may girlfriend na siya, o nililigawan. Baka feeling niya, nag cheat siya sa babaeng mahal niya nung nakipag one night stand siya."
Natigilan ako.
Ba't hindi ko nga ba naisip yun?
Siguro may iba ngang gusto si Stan. Ang alam ko he also likes Nica. Kaya siguro siya nanlamig sa akin.
O baka dahil kaya siya nagpakalasing nun ay dahil din kay Nica? Naki-inom lang siya sa akin na parang dinadamayan niya ako but the truth is nagluluksa din siya?
Because it's obvious. Nica likes Jasper. At since si Jasper ay gusto rin si Nica, eh malamang di malabong maging sila.
Yun lang, bigla na lang naglahong parang bula si Nica. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik.
Nakikita kong malungkot si Jasper dahil dito. Halata sa kanya na iniintay niya si Nica. Nahalata ko rin na maya't-maya ay tumitingin siya sa phone niya.
At naiinis ako.
Dalawang lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Two amazing guys na alam kong kaya siyang mahalin ng buong buo.
And yet, she chose to runaway.
Na brokenhearted ako dahil kay Nica nung piliin siya ni Jasper kesa sa'kin. Tapos ngayon iiwan niya?
Napabuntong hininga ako at napatingin kina Stan na papalapit na sa amin.
"Oh Jasper, you're here!" bati niya kay Jasper.
Napayuko na lang ako.
Nandito rin kaya ako.
Minsan talaga hindi mo ma-appreciate ang importance ng isang tao kung hindi pa ito mawawala sa'yo.
~*~
NICA.
"Naks! Ang ganda ng hair!" salubong sa akin ni Benedict pagkarating na pagkarating niya dito sa bahay nila sa Baguio.
Ngiting ngiti ko siyang sinalubong at umikot ako para ipakita ang bago kong hairstyle.
"Ang mama mo ang gumawa nito."
"Kaya pala ang ganda! Ibang klase ka. Kung yung ibang mga babaeng nag m-move-on, nagpapagupit ng buhok, ikaw naman nagpapakulay. At hindi lang basta kulay. Purple pa talaga ang ipinakulay mo!" natatawa-tawa niyang sabi habang inilalapag ang gamit niya sa sofa sa sala.
Napangiti ako.
Black and purple ombre na ang kulay ng buhok ko. Nagpalagay ako ng purple highlights.
Nung nakuha ko ang bayad sa akin para sa concept ko, bumili agad ako ng bagong laptop at pangkulay ng buhok.
Dahil magbabagong buhay na talaga ako.
Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas pero ang daming nangyari.
Okay na si mamita pero nandoon siya ngayon sa Cebu kasama ng pamangkin niya at ng asawa nito. Ayaw na siyang pabalikin sa Maynila dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung kelan ko pa makikita si mamita.
Nawawala naman ang tatay-tatayan ko. Pinapahanap na kasi siya sa tulong ng daddy ni Benedict pero wala. Hindi malaman kung saan siya nag punta.
Malamang umalis agad yun at nag tago matapos nang ginawa niya kay mamita.
May business sina Benedict dito sa Baguio. Isang salon na pinatatakbo ng mama niya. Habang nagsusulat ako, medyo tumulong tulong ako sa kanila.
Nakatulong din naman ang Baguio sa pagsusulat ko. Bagong lugar, medyo malamig na klima. Natapos ko nga yung outline nung mini series ni Jasper Yu, eh.
Pinuri pa ako ni Sir Stan dahil ang ganda raw nang naging flow ng story.
Kung alam lang niya kung ilang beses kong iniyakan 'yan. Yung tipong nakakakilig at masayang scene na ang isinusulat ko pero umiiyak ako.
Buti na lang at hindi ako ang magsusulat ng script.
Dumiretso si Benedict sa kwarto niya at ako naman ay nakasunod sa kaibigan ko.
"So ano na? Ready ka na ba talagang bumalik sa Maynila?"
"Oo naman. Bakit naman hindi?"
Nag kibit-balikat si Benedict. "Kung sabagay. It's been three months. Tapos na ang three month rule mo. Moved on ka na?"
"Ewan ko sa'yo Ben. Matagal ko nang inalis sa sistema ko ang ma-inlove."
Napailing si Benedict.
"In denial is the key."
"Huh?"
"Wala! Sabi ko tara foodtrip para naman busog tayo mamaya sa byahe!"
Napatawa na lang ako at nilibre ko si Ben ng dinner bago kami bumyahe pa-Manila.
Kung ako ang tatanungin, ayoko nang bumalik sa Maynila kung hindi lang dahil sa trabaho ko. Dito na lang sana ako sa Baguio hanggang tumanda ako. Tahimik ang buhay ko rito eh. Walang nangugulo. Malayo sa tatay-tatayan ko.
At kay Jasper.
Napapikit ako at nilagyan ko ng headset ang tenga ko. Tinignan ko si Benedict sa tabi ko na mahimbing nang natutulog habang nasa byahe na kami.
Nilagay ko sa shuffle mode ang phone ko at kung mang aasar nga naman, kanta pa ng EndMira ang unang tumugtog.
"Nasaan ka na ba?
Bakit biglang nawala?
Sana'y ika'y bumalik
Ako'y nagsisisi na.
Gusto kitang makita.
Gusto kong masilayan ang iyong ngiti.
Sana'y ako'y patawarin mo.
Ako'y nagsisisi na."
Naririnig ko ang mabagal na beat ng drum sa kanta. Hindi ko maiwasang isipin si Jasper. Parang nakikita ko siya sa imagination ko na tumutugtog.
Para akong sinasakal.
Napadilat ako at bumuntong hininga.
Three month rule your face. Sinong nagsabing kaya ng tao na makapag move on within three months?
Hanga naman ako sa iba.
Samantalang ako, puro Jasper Yu pa rin ang nasa isip ko.
Sa loob ng tatlong buwan hindi ko naman sinubukang mag move on, eh. Paano wala akong ibang ginawa kundi i-stalk siya sa mga social media sites niya. Tignan kung ano na ang balita sa kanya.
Nakikita ko siya sa Instagram nag ppost ng mga pictures. Nasa party siya kasama ang EndMira, selfie niya sa mga shows niya, yung mga endorsements nila. Naibalik na rin agad sa kanya ang posisyon niya sa EndMira dahil sa mga fans. In the end hindi rin pala niya kailangan ng tulong ko.
Hindi niya kailangang gawin ang mini series para lang maisalba ang pangalan niya. Mahal siya ng mga fans niya, eh.
At sa loob ng tatlong buwan, kitang kita ko naman na masaya siya.
Hinanap kaya niya ako nung nawala ako bigla? Napansin ba niya na nawala ako? Na miss niya ba ako?
Gusto niya ba akong makita uli?
Asa, Nica. Asa.
D'yan ka magaling. Sa kakaasa.
Leche.
Sinubukan kong matulog dahil mahaba-haba pa ang byahe namin.
At nang makatulog ako, napaniginipan ko si Jasper. Nakaluhod daw siya sa harapan ko and he's asking me to marry him.
Nung nagising ako, hindi ko alam kung magandang panaginip ba yun o isang malaking sampal sa akin dahil baka hanggang panaginip na nga lang talaga yun.
~*~
"Ah sorry po, p-pero saan po ulit ako pupunta?" gulantang kong tanong kay Ms. Kate, yung scriptwriter ng thriller concept na sinulat ko.
May meeting kasi kami ngayon at ayaw talagang pumasok sa utak ko nung gusto niyang mangyari.
"I said dito ka na lang pumunta sa set ng Yellow Rose. Biglaan kasi talaga yung shoot namin today. Eh alam mo naman, rumaraket ako na on-set writer dito. Hindi ako makaalis."
Shit.
"Please Nica? Malapit lang naman, eh. Dito lang sa isang village sa Pasig. Alam mo naman kung saan 'di ba? Baka kasi hindi na kita ma-meet after dahil alam mo naman ang lola mo, lilipad patungong Singapore eh need na natin pagusapan yung script."
"Ah s-sige po, pupunta na po ako."
"Yay! See you Nica! I'll text you the house number kung saan yung shoot!"
Nag paalam na ako sa kanya at maya maya lang din ay tinext niya sa akin ang house number.
Napalunok ako.
Yellow Rose.
Ayun yung mini series ni Jasper Yu.
Nung pauwi ako dito sa Maynila, aware na akong hindi habang buhay eh maiiwasan ko si Jasper lalo na't sa media na rin ako nag t-trabaho.
Pero hindi ko naman inakalang a week after kong makauwi eh makikita ko na siya agad.
Teka, hindi naman ako sigurado kung makikita ko nga siya! Baka mamaya nandoon siya sa tent niya o sa holding area kapag dumating ako. Maraming tao doon sa shoot for sure.
May pagasa pang makapag-tago ako.
Kung sabagay, ano nga ba naman kung makita niya ako? Wala lang naman.
Dahil malapit lang sa amin ang location ng shoot nila, wala pang 30 minutes ay nandoon na ako.
Saktong nasa kalagitnaan sila ng pag t-take nung dumating ako.
Eksena ni Leigh Buenaventura. Exterior. Sa tapat ng bahay.
Nasaan kaya si Jasper Yu?
Umiling ako. Ano ba! Pagtataguan ko nga siya 'di ba? Ba't hinahanap ko pa siya!
"Nica!"
Halos mapatalon ako sa gulat at muntikan na akong atakihin sa puso nang may boses nang lalaking tumawag sa akin. Pag lingon ko, si Sir Stan.
Shit. Kinabahan ako doon.
"Hey Nica! Nakabalik ka na pala," ngiting ngiti na sabi niya.
"Yes sir. Last week pa po."
"Buti at nakapagset visit ka."
"Ah, naku si Ms. Kate po ang pinunta ko. Mukhang dito na lang po kami mag-uusap."
"Oh, about sa thriller project natin?"
"Opo."
"Ah nandoon siya sa loob ng bahay. Puntahan mo. Naku gandahan niyo yan ah?"
Nginitian ko siya, "sure sir! Kami na pong bahala."
Pumasok ako sa bahay at nakita ko silang nag s-set up na doon ng ilaw.
In fairness, malaki itong bahay na pinag s-shootingan nila.
Inikot ko ang paningin ko.
Nasaan kaya si Ms. Kate.
Inilabas ko yung phone ko para itext siya na nandito na ako.
"Jasper nakabihis ka na para sa next scene mo?"
SHIT!
Napatago agad ako sa gilid ng corridor sa tabi ng bathroom nang marinig ko ang pangalan ni Jasper Yu.
"Ah oo okay na ba 'tong polo ko?" dinig kong sabi niya.
Makaka survive ba ako dito nang hindi nakikita?
"Ayan! Pogi ka na! Okay na okay na!" sabi nung kausap niya.
Narinig ko ang mga yapak nila na palayo na. Medyo nakahinga ako nang maluwag.
Ms. Kate nasaan ka na ba?!
Inilibas ko ulit ang phone ko para itext si Ms. Kate nang biglang may tumapik sa balikat ko.
"Ay itlog ng daga!"
Tumilapon sa kamay ko yung phone ko at nahulog 'to sa sahig. Pinulot 'to nung taong tumapik sa akin at nang iaabot na niya, nakangiting mukha ni Jasper Yu ang bumungad sa akin.
Putang ina.
Hindi ako makakilos sa kinalulugaran ko.
"Long time no see," sabi niya habang inaabot yung phone ko.
Tumango ako dahil pakiramdam ko nag disappear bigla ang dila ko.
Aabutin ko na sana ang phone ko nang bigla niyang hawakan ang wrist ko.
"J-Jasper--!"
"You have a lot of explaining to do."
Hinila niya ako papasok ng bathroom at bago pa ako makapalag, ini-lock na niya ang pinto.
Shit na malagkit.
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro