Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty Two

Chapter Fifty Two

JASPER.


"Himala ata at ang bango bango mo ngayon," sabi ni Mamang, yung make up artist namin. "Dahil ba yan may kissing scene kayo ni Leigh mamaya?" pangaasar niya.

Tinawanan ko lang siya.

"Mamang may maganda ganda ka ba diyang polo na pwedeng ipa-suot sa akin?"

"Meron pero hindi ko pwedeng ipa-suot sa'yo kasi magkakanda loko loko ang continuity natin. Patay ako kay direk."

"Eh ang dugyot ko na sa itsura ko na 'to. Kailangan bang ganitong ka-dugyot ang damit ko?" tanong ko sa kanya.

"Malamang, natapunan ka ng kape 'di ba?"

"Eh kunyari nagpalit na ako ng damit doon sa eksena."

"Ay scriptwriter ka na? Nagpapalit ng scene?"

Lumungkot ang mukha ko. Baka sakaling maawa si Mamang. Kaso dedma at busy pa rin siya sa pag lalagay ng wax sa buhok ko.

Kainis naman. Bakit kasi mukha akong madungis sa mga eksena ko ngayon. Talagang nataon pa kung kelan pupunta si Nica.

Kagabi tinatawagan ko siya pero cannot be reached. Tinawagan ko si Benedict. Sabi niya may ka girls night out daw si Nica. Feeling ko nga pinag ti-tripan ako, eh.

Si Nica? Girls night out? At sino naman ang ka night out niya? Si Mamita?

Matapos akong lagyan ng wax ay lumabas muna ako sa tent ko. Napadaan naman ako sa kabilang tent at bigla akong napahinto nang marinig ko ang boses ni Nica.

"Oo natawa ako sa concept na yun!" masigla niyang sabi.

Napasilip ako bigla para tignan kung sino ang kausap niya.

Si Stan.

"Di ba? Pwedeng horror comedy ang atake natin?" masiglang sabi ni Stan.

"Pwede! Pero natatawa talaga ako. Feeling ko ang malas malas nung babae!" natatawa-tawang sabi ni Nica.

"I know right? Buuin natin para magawa natin. Malay mo mag click sa tao."

Ngumiti si Nica, "for sure yan basta maganda ang pagkakagawa."

Napakunot bigla ang noo ko.

Tignan mo 'tong si Nica! Kung makatawa at makangiti habang kausap si Stan, wagas na wagas! Samantalang pag ako ang kausap, akala mo menopausal na babae. Ubod ng sungit! Laging nakakunot ang noo at parang any minute bubugahan ako ng apoy. Nakakatakot pa kasi bigla bigla na lang naninipa ng bayag!

Three months kaming hindi nagkita tapos nung nagkita na ulit kami, aba pinaghinalaan pa akong nakabuntis ng ibang babae. Wala man lang 'I miss you, Jasper! Pakasal na tayo?'

Ang sweet niya sa akin. Kainis.

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng tent.

"Uy musta!" bati ko sa kanila.

Sabay silang napalingon sa akin. Nang makita ako ni Nica, agad siyang yumuko.

Alam kong dugyutin ang itsura ko ngayon pero sigurado naman akong gwapo pa rin ako! Ba't na-iwas yan nang tingin?!

"Hey, Jasper," nakangiting bati ni Stan.

Kumuha ako ng mono-block chair at pumwesto ako sa gitna nilang dalawa.

Napa-atras naman bigla si Nica dahil siksikan kami.

Oo, sumiksik talaga ako kahit ang laki ng tent at tatlo lang kaming nasa loob. Bawal silang magdikit!

"Mag o-on set writer si Nica ngayon sa atin," sabi ni Stan.

Nilingon ko si Nica, "late ka. Di ba dapat naka early call time ka?"

Umiling siya, "hindi. Usually naman daw kinakailangan na ang on set writer pag mga pa-gabi na."

"Sino nagsabi nun? Eh paano kung kailanganin kita ngayon dito?"

Umiwas siya nang tingin, "bakit naman po ako kakailanganin ng isang artista?"

"E-eh p-pag may gusto akong ipa-revise sa mga linya ko! Ano?"

Hindi sumagot si Nica. Nakayuko lang siya at nakapako ang tingin sa mga daliri niya.

Pero for sure gustong gusto na ako tadyakan niyan ngayon. Hindi lang yan makasagot sa akin dahil nandito si Stan.

"Agahan mo na lang sa susunod na shooting," utos ko. Alam kong hindi yan makakatanggi sa harap ng boss nya.

Bwahahahaha.

"Nica, it's okay. You don't need to go here early. Wag mo na lang pansinin yang si Jasper. May sapi lang yan," sabi naman ni Stan.

Tinignan ko siya ng masama.

Bwiset 'to ah! Panira putek! Dumadamoves na nga ako, eh.

Hindi kaya type din nito si Nica? At nagpapa good shot din 'to sa kanya?

Aba aba!

Nilingon ko si Nica.

"Mabaho hiniga ni Stan," bulong ko sa kanya.

"Ano?" tanong naman ni Stan. "At saan nanggaling yun?"

Napataas naman ang kilay ni Nica.

"Paano mo nasabi? Inaamoy mo ba? Kaya ba ang lapit ng mukha mo sa kanya kapag kinakausap mo siya? Iniisip mo bang halikan si Stan, Sir Jasper Yu?"

"A-anong--?!"

Napahagalpak ng tawa si Stan.

"Lalaki pala type," sabi ni Stan kay Nica at natawa rin si Nica at sabay pa silang nag high-five.

Bigla akong napatingin sa nagdikit nilang palad.

Kainis! Sinira na nga damoves ko, nahawakan pa niya kamay ni Nica!

"Knock knock."

Napalingon kami pare-pareho sa nagsalita at nakita namin yung isang PA na pumasok.

"Nandito po pala kayo," nakangiting sabi nung PA. "Nandito na rin po si Ms. Aiscelle. Papuntahin ko po siya rito."

Lumabas yung PA.

Nagkatinginan kami bigla ni Stan at parehong bakas sa mukha namin ang pag-aalala.

Paanong hindi? For sure pareho naming naalala ang panahong nagsama sama kaming apat sa iisang kwarto at grabeng nagkasagutan ang dalawang babae.

Traumatizing experience para sa amin ni Stan. Ayaw na naming maulit. Alam kong pareho ang kaba na nararamdaman namin.

Tumayo ako at hinawakan ko ang wrist ni Nica.

"Tara kape tayo."

"Nag kape na 'ko."

"Hot choco na lang."

"Ayaw nagbabasa ako ng script."

"Edi dalhin mo ang script doon! Tara na!"

"Oo nga Nica, sumama ka na kay Jasper," sabi naman ni Stan. "Lilibre ka niyan ng breakfast. Masarap yung pancake doon sa café sa tapat natin."

"Ah hindi na po, okay na po ako."

"Ay!" tumayo si Stan, "na-meet mo na ba si direk? Pakilala kita?"

"Ah opo nag meet na kami."

"Eh yung ibang mga staff?" tanong ko.

"Yep! Nagpakilala na ako sa kanila."

"Halika samahan mo na lang akong umihi!" sabi ko.

Ba't ayaw niya ba kasing umalis?!

"Baboy," bulong niya.

Biglang nagbukas ang pinto ng tent.

"Hey! Nandito pala kayo!"

Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Aiscelle.

Shit. Gyera na 'to.

Nilingon ko si Aiscelle at ngitian ko siya.

"Good morning!"

"Uy. Good morning."

Lumapit siya at nag beso sa akin.

Hindi ko alam kung bakit dumoble ang kaba sa dibdib ko? Feeling ko kasi nakatingin ng masama si Nica mula sa likod ko.

"Hey," bati ni Aiscelle kay Stan.

Nginitian naman siya ni Stan.

Tinignan ko ng masama si Stan.

Ano ba! Ilayo mo si Aiscelle. Mamaya magsagutan na naman ang dalawang babae!

"Oh, Nica..." bati niya kay Nica.

Shit.

"Uy! Musta?"

Nag kibit balikat si Aiscelle.

"Sakit ng ulo ko."

Napangiti si Nica.

"Buti nakapunta ka."

Aiscelle rolled her eyes playfully.

"Work. You know. Aga mo ah? Hindi sumakit ulo mo?"

"Hay kung alam mo lang."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Stan. Parehong takang taka ang expression sa mga mukha namin.

Anong...meron?

Hindi naman ako nananaginip 'di ba?

Anong nangyari?!

~*~

NICA.

Kung pwede lang humagalpak ng tawa, kanina ko pa ginawa.

Nilingon ko si Aiscelle at binigyan ko siya ng meaningful look. Napangiti siya ng nakakaloko.

Paano yung itsura ng dalawang lalaki sa harap namin, gulat na gulat at parang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila.

Well yes. Okay na kami ni Aiscelle. Ayos na kami. Wala nang samaan ng loob at wala nang hinanakit. Though hindi ko masasabing instant BFFs na kami pero alam naming kinalimutan na namin pareho ang nangyari noon.

Kaya naman palang madaan sa inuman ang lahat ng conflicts namin sa isa't-isa, eh.

"Hey guys! Good morning!"

Pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita.

Si Leigh Buenaventura, yung ka-love team ni Jasper Yu.

"Good morning Leigh!" bati ni Jasper.

"Hey Jassy!" lumapit siya dito at bumeso.

Jassy?

Anak ng pating. Lakas makapangalan sa aso yun, ah? Jassy? Puta.

"Ready ka na ba sa kissing scene natin mamaya?"

Naapayos ako bigla ng upo.

Kissing scene?

Malamang! Love team nga sila, eh! Malamang na may halikang magaganap. Ano ine-expect mo?! Punyeta!

Tumawa lang si Jasper.

Makatawa siya! Enjoy na enjoy?!

"For sure hindi ka na kakabahan! Kasi, you know!" natatawa-tawang sabi ni Leigh.

Napa-kunot ang noo ko.

Oo nga pala. Naka one night stand yan ni Jasper Yu.

Ang tanong, one night lang ba? Hindi na ba naulit yun? Nung wala ako, hindi ba sila nag sex? Knowing Jasper Yu--!!

Teka, ano naman karapatan kong mainis?

Puta talaga.

"Ay oo nga pala, Stan! Thanks sa treat mo last night, ah?" sabi ni Leigh kay Stan. "I had fun. Next week ako naman ang manlilibre sa'yo, I promise!"

Napatawa lang din si Stan.

Ano, naubusan ng dila ang mga lalaki?!

Tawa tawa na lang ganon?

"Gusto ko ng kape," sabi ni Aiscelle.

"Tara?" sabay naming sabi ni Stan.

Napalingon si Aiscelle kay Stan.

"Ay, kayo na lang," sabi ko.

Ibinaling ni Aiscelle ang tingin niya sa akin.

"Tara Nica, coffee? Nandyan naman si Leigh para samahan sila."

"Ay sure! Kumain na ba kayo guys?" sabi naman ni Leigh.

Tumayo ako.

"Tara Aiscelle, kape tayong dalawa."

"T-teka! Nung niyayaya kita kanina sabi mo nag kape ka na!" sabi ni Jasper Yu.

"Pwede naman ulit ako mag-kape," sagot ko sa kanya.

"Let's go Nica!"

Dire-diretso kaming lumabas ni Aiscelle ng tent.

"Landi niya 'no?," bulong niya. "Kainis na artista."

"Sinabi mo pa. Ang kati niya."

"Maharot."

"Di naman masyadong maganda."

"Wait Aiscelle!"

Napatigil kami ni Aiscelle sa paglalakad at nakita namin na humahabol si Stan.

"Yes?" tanong ni Aiscelle.

"Ah...a-are you free tonight? Dinner sana. M-may papakita ako sa'yo."

"Uhmm.. hindi eh. I'm sorry, busy ako."

"Ah, how about—"

"Hindi rin pwede. Si Leigh, baka hindi busy."

Tumalikod si Aiscelle at naglakad palayo.

Sumunod ako sa kanya.

Bakit parang feeling ko mas magkakasundo kami nito ngayon?

Pareho kami ng gustong sabunutan, eh.

To be continued...


Aly's Note:


Doon po sa mga nagtatanong sa last update ko kung OBTCH na ba yung tinutukoy ko sa "shoot" na pinupuntahan ko--hindi po. Work-related po yun at may mga times na kinakailangan akong pumunta sa shoot. :)


At sa mga nagtatanong naman na: "IKAW BA SI NICA? KAYA BA PABOR KAY NICA ANG STORYA NA 'TO."

NO. First of all, aaminin ko, some of my traits ay na kay Nica. Yung mga traits ko na alam ng lahat. 

Like, author at mahilig sa book.

Sa personality, hindi ako kagaya ni Nica. She's a strong character at aaminin ko, hindi ako ganun kasi sensitive akong tao.

I'm more like, Aiscelle when it comes to personality.

Pero hindi lang kay Aiscelle at Nica ako may pagkakapareho. Meron din sa iba't-ibang mga characters ko sa iba't-iba kong mga story. A part of me ay inilalagay ko sa kanila.

My point is, tama na poooo. Tama na ang paghahanap ng mabababaw na dahilan na hindi naman related sa story kung bakit ganito ang takbo ng kwento. Ayun lamang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro