Chapter Fifty Nine
Chapter Fifty Nine
NICA.
"N-Nica..?"
"Theo.."
Napaiwas nang tingin sa akin si Theo at kinarga niya ang anak niya.
Si Nisha.
Nakita ko ang pag-aalangan sa expression ng mukha niya. Malamang nagtatalo ang isipan niya kung lalapit ba siya sa akin o aalis na.
5 years.
Ganun ka-tagal na pala nang huli ko siyang makita.
Limang taon.
At natatandaan ko pa ang huli naming pagkikita. Hindi maayos. Mura at sampal ang inabot niya sa aakin. Tuloy tuloy ang pag hagulgol ko nang iyak sa harapan niya.
Yung huli naming pagkikita, ayun na rin ang mismong araw kung saan ko nalaman na nakabuntis siya ng ibang babae. Na all this time, tino-two time niya ako.
Siya ang taong nagpa-realize sa akin na kahit na ibigay ko ang lahat o gawin ko ang lahat, kulang pa rin.
I am not enough for him.
At nakakatawa na sa loob ng mga araw na pilit akong nag m-move on sa kanya, na kahit na ilang storya na ang isinulat ko na pinapatay ko siya, na paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na pag nakita ko ulit 'tong taong 'to, tatadyakan ko siya sa bayag----hindi ko na nararamdaman yun ngayon.
Tingin ko, napatawad ko na siya.
Theo took a step forward and gave me a small smile.
"Hi Nica..."
Nginitian ko rin siya and I am surprised how genuine my smile is.
"Hi Theo."
Tinignan ko yung karga niyang bata.
"Siya ba yung...?"
Tumango siya. Napangiti ulit ako.
"I-Ilang taon na siya?"
"Malapit nang mag five."
Napatango ulit ako.
Five years.
"Ah... I see.."
Nagkatinginan ulit kami ni Theo at sabay kami napangiti sa isa't-isa.
This time, mas malawak na, mas totoo.
"Kamusta?" tanong niya.
"Eto, masaya. Ikaw?"
Tinignan niya si Nisha at ibinalik niya ang tingin niya sa akin.
"Eto, masaya rin."
~*~
"Talaga? Galing sa concept mo yung ginagawa ni Leigh Buenaventura at Jasper Yu?" masayang tanong ni Theo. "I am so proud of you, Nica! Sabi ko na eh darating din talaga ang araw na maipapalabas ang mga kwento mo."
Nandito kami ngayon sa isang ice cream bar. Niyaya ako ni Theo kasama na ang anak niya.
Pumayag ako sa kadahilanang gusto kong makausap talaga si Theo.
Hindi maayos ang huli naming paguusap. Kahit paano, gusto kong maging malinaw ang mga nangyari noon.
Pero ngayon na nakakakwentuhan ko siya, napapaisip ako--does it matter? Importante pa ba ang nangyari sa past dati?
"Naku maliit na production company lang yun, ano ka ba."
"But still! Nakaka proud pa rin! Kelan ko mapapanuod sa sine yung storya mo na tungkol sa sulat na nangunguha ng kaluluwa?"
Hinampas ko siya nang mahina sa braso, "loko! Ibaon na natin sa limot yun. Kalokohan lang yun."
"Oy grabe ka, maganda yun, ah? Pati yung romance drama mo. Yung tungkol sa dreamcatcher?"
Napangiti ako.
"Naalala mo pa pala mga sinulat ko."
"Syempre naman! Alam mo naman na fan na fan mo ako."
Napatawa ako, "ewan ko sa'yo, Theo."
"Naalala mo yung shinoot natin na video dati? Yung trip trip lang natin?" tanong niya.
Napangiti ako at napatango.
Mga random shots lang yun, pero nung inayos ni Theo, ang ganda ng kabuuan.
Magaling na editor si Theo at alam ko na may talent siya sap ag d-direct.
"Ikaw? Ilan na ang nagawa mo?"
Natigilan siya at napayuko.
"Eto...nag tatrabaho ako ngayon sa call center."
Kahit ako natigilan din.
"Ba't mo binitiwan ang prod?"
Nag kibit balikat siya at tinignan ang anak niyang masayang masaya sa pagkain ng ice cream.
"Alam mo naman kung gaano ka-demanding sa oras ang prod. Mawawalan at mawawalan ako ng oras para kay Nisha at ayoko naman mangyari yun. Isa pa, let's face it, hindi naman kalakihan ang sahod sa mga baguhang tulad natin. Alam mo naman may binubuhay akong anak. Okay naman sa call center, masaya, okay ang mga tao, malaki ang sahod. May times na pang gabi ako pero at least hindi naman ako totally nawawalan ng oras para sa anak ko."
Napatango na lang ako.
Gusto kong sabihing sayang ang talent niya, sayang ang pinag-aralan niya kung di niya magagamit. Sayang dahil alam kong may future siya para maging isang magaling na director.
Pero the way na tignan niya si Nisha, alam kong hindi siya nagsisisi.
"Kamusta na siya?" halos pabulong kong tanong.
Napa-angat ng tingin si Theo sa akin at alam kong aware siya sa kung sino ang tinutukoy ko.
Hindi niya ako sinagot agad at napatingin siya kay Nisha. Kita ko ang lungkot sa mata niya.
Iniwan ba siya? Wala na ba sila?
"She's...gone."
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin.
Gone as in iniwan siya at di na nagpakita?
Or gone as in...
"She died."
Napalunok ako.
Naalala ko yung dami ng ginawa kong story na ang bida ay ang babaeng umagaw sa akin kay Theo. Ilang beses siyang namatay doon sa iba't-ibang paraan.
Pero hindi pala masaya pakinggan kapag naging totoo.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Naging critical yung condition niya nung nanganganak siya. It's either her or si Nisha ang mamatay. She told me to save Nisha.."
"M-minahal mo talaga siya..." halos pabulong kong sabi.
No, it's not a question. It's a fact.
Napalunok si Theo at tumingin siya sa akin.
"Sobra."
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko from across the table.
Napabitiw siya agad nang maramdaman niya ang pagkabilgla ko.
"S-sorry."
Itinago ko sa ilalim ng mesa ang mga kamay ko.
"A-ayos lang."
"Nica... ang dami kong kasalanan sa'yo. Niloko kita, sinaktan kita. God knows kung gaano ako nakonsensya sa mga ginawa ko. I'm so sorry, Nica. Hindi ko sinasadya na ma-fell out of love noon. Gulong gulo ako sa atin. I'm really, really sorry."
Dahan dahan akong tumango at tinignan ko siya.
"Pero hindi mo pinagsisisihan ang pag-iwan mo sa akin at pag-sama sa kanya."
Hindi umimik si Theo. Napayuko lang siya.
"Sorry talaga..."
Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ito.
"Matagal na kitang napatawad, nu ka ba. Dati gusto kong magsisi ka pero ngayon, I'm happy na hindi mo pinagsisisihan lahat nang naging desisyon mo. Ibig sabihin lang nun, mahal na mahal mo talaga siya."
Inangat ulit ni Theo ang tingin niya sa akin at nginitian ako.
"Ang swerte siguro sa'yo ng boyfriend mo, 'no?"
Hinampas ko siya nang mahina, "loko! Wala ako nun!"
"Oh edi magiging boyfriend."
Napatawa na lang ako.
"Pero wow, talagang si Leigh at Jasper ka-work mo? Wow. Alam mo bang idol na idol nitong si Nisha si Leigh?"
"Talaga?" tinignan ko si Nisha. "Idol mo si Leigh?"
Tumango ang bata, "kasi po maganda siya!"
Naku kung alam lang nang batang 'to kung sino ang iniidolo niya.
"May gagawin ba kayo sa Wednesday?" tanong ko.
"Hmm wala naman. Bakit?"
"May taping kami nun. Gusto niyong mag set visit?"
"T-talaga? Okay lang sa'yo yun? Sure ka?"
"Oo naman! Sure na sure."
"Hindi na 'ko tatanggi!" tinignan ni Theo si Nisha. "Anak narinig mo ba yun? Makikita mo na si Leigh!"
Tumungtong ang bata sa upuan niya at nagtatatalon doon.
"Yay! Yay! Yay!"
"Oh, oh baka mahulog ka!" natatawa tawang sabi ni Theo.
Napatawa na rin ako at natuwa dahil ang saya saya tignan ni Nisha.
Nagkatinginan kami ni Theo. Nginitian niya ako.
Yung ngiti na madalas niyang ibigay sa akin dati. Yung ngiti na kapag nakikita ko, nawawala na lahat ng bad vibes ko.
I smiled back at him.
~*~
AISCELLE.
Okay, Aiscelle, Kalma. Kalma lang.
Wag kang magagalit. Wag kang maiinis.
So what? Wala ka namang paki 'di ba? Hindi mo mahal, 'di ba? Gusto mo siyang maka move-on, 'di ba? So wag kang aarte arte diyan. Kung ganyan ang way niyang maka-cope up sa heartbreak na dulot mo, hayaan mo siya. Kahit alam mong ang tanga tanga tanga tanga tanga tanga tanga niya!
Nakakainis ka Stanley Ryan! You are so stupid! You are such a fool! Oh my god, I hate you so damn much! What the hell are you doing with yourself?! Tama ba 'to, ha?! Tama ba 'to?!
After kong malaman na nag out of town si Stan, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at ini-stalk ko siya sa mga social media niya. Curious lang ako kung saang lupalop siya ng mundo pumunta.
At ang nakita ko sa Instagram niya?
KASAMA NIYA ANG MAGALING NIYANG EX.
Doon sa picture, busy uminom ng beer si Stan habang nag s-selfie yung ex niyang luwa ang cleavage. Ang caption pa: hacked.
Wow! Wow talaga.
Bukod sa magkasama sila, pinahawak pa niya ang phone niya rito?! What the fuck di ba?
"Malapit nang mabasag ang screen ng phone mo. Ang sama mo maka-tingin, eh."
Napa-angat ang tingin ko at nakita ko si Ice na naglalagay ng cereal sa bowl.
"Nakakainis kasi si Stan!"
Lumapit siya sa akin, "oh bakit? Ayaw kang tantanan? Ini-stalk ka na?"
"Hindi! Kasi sabi niya mag m-move on na siya sa'kin. Blah blah. Okay naman yun. Pero para siyang tanga. Talagang ang kasama niya yung ex niya na nanakit sa kanya? Sucidial na ba 'tong taong 'to?"
"Patingin nga. Maganda ba?"
Ini-abot ko ang phone ko sa kanya.
"Ayan tignan mo. Kung makapagpakita ng cleavage wagas."
Tumango si Ice.
"May cleavage nga."
"Ice!!" suway ko sa kanya.
Inangat niya tingin niya sa akin.
"Totoo naman. Ikaw kasi wala."
"I hate you!"
"Hindi ako si Stan."
"Akin na nga ang phone ko!"
"Wait..." napakunot ang noo ni Ice. "Anong ibig sabihin pag may lumabas na malaking heart sa gitna ng picture?"
Natigilan ako sa tanong niya... Then nanlaki ang mata ko.
"Shit! Shit! Shit!"
Hinablot ko sa kanya ang phone ko at nakita kong na-like niya ang Instagram photo ni Stan.
SHIT TALAGA!
"NI-LIKE MO! I HATE YOU SO MUCH!!"
"Huh? Ayaw ma zoom, eh."
"Gago! Wala kasing zoom sa Instagram! I hate you, Ice! Bakit kasi taga bundok ka! I hate you!!"
Shit shit! Oh my gosh! Naka like sa picture niya! Makikita niya. I unlike ko ba? Eh paano kung nakita na niya? Masyado bang obvious?!
NAKAKAINIS.
"Relax. Parang na like lang, eh," sabi ni Ice habang chill na chill siyang kumakain ng cereal niya.
Bwiset!
"Eh paano kung maghinala siyang ini-stalk ko siya?!"
"Ini-stalk mo naman talaga siya."
"No I'm not! Inaalam ko lang kung nasaan siya!"
He raised his eyebrow, "and why is that?"
"W-wala! I just want to know if he's okay."
"Obviously, he is not okay."
Napayuko ako.
"I want him to be okay. Ayokong magkamali siya. At itong ginagawa niya, pagkakamali 'to."
"Aiscelle... are you sure concern ka sa kanya?"
"Oo naman! He's my friend! Ano pa nga ba?"
Ice looks at me seriously.
"Talaga? Concern ka? O baka mahal mo na?"
Umiling ako.
"N-no. T-that's impossible..."
"Posible yun. Ikaw rin. Alamin mo. Mamaya nabubulag ka na. O baka manhid ka lang."
Kinuha niya ang bowl ng cereal niya at iniwan niya ako doon.
Feeling ko sinapak niya ang puso ko dahil sa sinabi niya.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro