Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifteen


Dedicated to HnyLette. Salamat po sa magandang comment last update! <3


Chapter Fifteen

NICA.

Mukha nang espasol ang mukha ko sa kapal ng concealer na nilagay ko. Ang init na sa pakiramdam. Ang bigat pa sa mukha. Feeling ko pag ngumiti ako, mag bibiyak-biyak ang pisngi ko.

Hayop na tatay-tatayan ko naman kasi na yan oh. Marunong pa palang gumamit ng social media ang gagong yun. At kami ni Jasper ang hottest topic doon ngayon. Trending daw, leche. So nag assume na naman siya na shota ko si Jasper Yu kaya pinuntahan ako sa bahay at hinihingan ng pera. Eh sakto, nakalagay na sa savings ko ang lahat ng pera ko kaya wala siyang nakuha sa akin. Sinapak na lang ako ng gagong yun. Nagkapasa tuloy ako sa ilalim ng mata ko. Kainis.

Pero okay na ang pasa kesa naman makuhanan na naman ako ng pera. May utang pa nga ako kay Mamita eh.

Yun lang, hindi ko alam kung paano ko itatago ang pasa ko. May duty pa naman ako sa restaurant!

Kainis talaga.

Nakayuko akong pumasok sa loob ng restaurant. Agaw pansin talaga ang pasa ko. Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag. Gusto ko na kanina pa tumawag para mag sick leave kaso nanghihinayang naman ako sa sahod.

Nakita ko si Chef Timi na nakatingin sa akin kaya naman lumapit ako.

"C-chef good morning po," bati ko.

Tumango lang siya pero hindi siya nagsalita. Dire-diretso naman ako sa locker room para magpalit ng uniform. Nangangatog ang buong katawan ko.

Alam mo yung pakiramdam na aware kang na-disappoint mo ang isang taong hinahangaan mo? Ang bigat. Alam kong disappointed si Chef Timi sa akin dahil sa nangyari. Gusto kong i-explain sa kanya ang tunay na nangyari nung gabing yun pero pakiramdam ko wala ako sa lugar. Kung meron mang dapat mag-explain, si Jasper yun. At tingin ko mas okay na siya na lang ang magsalita.

Kaya lang, kung hindi man niya sasabihin ang totoo kay Timi, maiintindihan ko. Ayun din naman ang sinabi ko sa kanya eh. Alam ko naman na pinoprotektahan lang niya ang career niya. At siguro kung ako ang nasa lagay niya, ganun ang gagawin ko.

Napahinga ako ng malalim at nag flashback na naman sa isip ko yung nangyari last night. Yung bigla akong hinila ni Jasper at niyakap ng mahigpit.

Bwiset na yan. Nakaka leche. Gusto kong mag wala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ba't paulit-ulit na nag r-replay yun sa utak ko. Ayoko nang isipin pero pakshet, hindi talaga mawala sa isip ko. Parang pakiramdam ko nararamdaman ko pa rin ang braso niya na nakahawak ng mahigpit sa balikat ko. Yung hininga niya na tumatama sa leeg ko. Yung boses niya na bumubulong sa akin nun. Nag s-sorry siya. Ramdam ko ang sakit. Gusto ko siyang yakapin hanggang sa hindi na siya masaktan.

At yung disappointment ko nung dumating si Aiscelle.

Sabi niya kailangan niya ako sa tabi niya. Pero nung dumating si Aiscelle, ang bilis niya akong nahayaang umalis.

What the fuck!!!!! NICA ANO BA! ANO YANG NASA ISIP MO HA. BAKIT KA GANYAN?!!

SHET SHET SHET! ERASE ANO BA ERASE! BAWAL MO MARAMDAMAN YAN! HAYOP NA YAAAAAN!

Inumpog ko ang ulo ko doon sa pinto ng locker ko. Masakit leche! Pero ayaw pa rin mawala sa isip ko yun. Nakakayamot naman oh!

"Nica."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Chef Timi. Naginit bigla ang mukha ko.

Shit. Sana hindi niya ako nakitang inuumpog ang sarili sa locker door. Nakakahiya.

"Yes po?" nakayukong tanong ko kay Chef Timi.

"Absent si Albert. Pwede bang ikaw muna ang mag take over sa cold kitchen?"

Napaangat bigla ang tingin ko sa kanya. "E-eh?"

"Sa kitchen ka muna. Doon ka sa mga appetizers. Madali lang naman yun. I'll ask Lianne to guide you."

Hindi ko napigilan ang pag ngiti ng malawak. Parang pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na kailangan humarap sa costumers ngayong araw.

"S-sige po! Thank you chef!"

Inabutan ako ni Chef Timi ng chef's uniform at agad akong nagpalit. May mga times talaga na gusto ko siyang i-hug. Mabuting tao talaga si Chef Timi. Kaya siguro ang daming blessings na pumapasok sa kanya.

Dahil Sunday morning ngayon, may salad bar buffet kami. Nandoon ako sa may salad bar at nag-aayos nang biglang pumasok si Jasper sa restaurant. Agad akong napatalikod at nagtago sa ilalim ng bar counter.

"Hi best friend!" dinig kong sabi ni Jasper.

Sinilip ko siya at nakita kong nakatingin siya kay Chef Timi.

Agad akong umalis sa kinalulugaran ko at dire-diretsong pumasok sa kitchen.

Ayokong magpakita kay Jasper. Ayokong makita niyang may pasa ako sa mukha. Ewan. Nahihiya ako. Hindi ko kaya na kwestyunin niya ako.

Hindi ko kayang ipaalam kung gaano kalala ang sitwasyon ko.

Nakakahiya.

Lumabas si Chef at Jasper para mag breakfast. Buti na lang nang bumalik si chef, hindi na niya kasama si Jasper.

Nag message siya sa akin. Kinakamusta ako. Pero binura ko lahat ng messages niya.

Ewan. Hindi ko alam. Pwede ko naman siyang itext na okay lang ako kasi alam kong nag-aalala siya eh. Pero shit, hindi ko talaga alam ba't ayoko siyang makausap o bakit feel kong iwasan siya.

Hindi naman ako pini-PMS pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Para malibang ako, after ng duty ko sa restaurant, dumiretso ako doon sa café-bookstore na sinabi ni Benedict. At na-shock naman ako kasi hindi ko inexpect na ganitong kalaki at karami ang librong nandito.

Hulog ka ng langit Benedict. Ang sarap mong pakasalan! I love you na talagaaaaa!

Sayang lang hindi ko nakuha ang number niya. Sa susunod na makita ko si Jasper, magpapakita na talaga ako sa kanya at sisipain ko ang most priced possession niya bilang ganti.

Agad kong inikot ang bookstore. Ang daming magagandang libro. Lagpas sampu ang gusto kong bilhin. Pero yung masakit? Dalawa lang ang afford ko.

Syempre kahit may 50% off ako, hindi ko naman kayang bumili ng sampu. Makabutas bulsa yun eh.

Mahigit isang oras ata ako paikot-ikot dahil hindi ako makapag decide sa kung ano ang bibilhin ko.

But in the end, binili ko yung bagong libro ni Mitch Albom na The Magic Strings of Frankie Presto. Naalala ko kasi na dahil sa book ni Mitch Albom kaya kami unang nagkausap ni Benedict. Yung isa namang libro ay November 9 ni Colleen Hoover. Writer daw kasi yung bida rito. Baka pag binasa ko mas ganahan akong magsulat.

After ko mag bayad, sinabi sa akin nung cashier na may free coffee ako na pwede kong i-claim sa sa café. Ang saya saya ko namang pumunta doon. Kung alam ko lang na may libreng kape ako, sana dinala ko na ang laptop ko para dito magsulat. Ang relaxing kasi ng lugar.

Buti na lang may dala akong notebook at pen. Sinimulan kong mag draft ng panibagong kwento.

Kwento about sa dalawang babae at isang lalaki. Yung isang babae, sinaktan at sinira ang isang lalaki. Yung isa naman, siya ang nag heal at bumuo ulit sa lalaking yun.

Gagana ba ulit ang second chance?

O mag m-move on na siya at mamahalin ang taong kaya siyang pahalagahan?

Napatitig ako sa sinulat ko at agad kong pinunit ito sa notebook ko at nilukot.

SHIT NICA. SHIT KA TALAGA. ANONG NANGYAYARI SA'YO.

Huminga ako nang malalim.

Okay. Okay wala lang yun. Wala lang. Nakakakuha lang ng inspirasyon. Pero hindi ibig sabihin nun ayun na ang nararamdaman ko. Imposible talaga. Mali. No.

"Nica!"

Napa-angat ang tingin ko nang may tumawag sa akin.

Automatic na napangiti ako nang makita ko si Benedict na papalapit sa akin.

ITO ANG TUNAY NA SHIT.

"Nica! Yes nandito ka!" ngiting-ngiti niyang sabi at naupo siya sa silya sa harap ko.

"B-Benedict! Ang ganda ng café na 'to ah? Thanks sa coupon na binigay mo."

"Wala yun! Nagamit mo na?"

"Ah o-oo!" inilabas ko ang mga librong binili ko at pinakita sa kanya.

"Nabasa ko na 'to!" masayang sabi niya sabay angat ng November 9 ni Colleen Hoover.

"Kamusta? Maganda?"

Napangiti siya ng malawak. "Ay naku. Wag mong babasahin 'to sa public places kung ayaw mong may makakita sa'yong umiiyak. Grabe yang librong yan!"

"As in?"

"As in talaga! Pinaglaruan niyan ang damdamin ko!"

"Okay tama na! Mamaya ma spoil mo na ako!" natatawa-tawa kong sabi.

"Hindi ko pa nababasa itong new book ni Mitch Albom pero meron na rin ako nito eh," sabi niya.

"Edi tamang-tama! Gusto mo mag buddy reading tayo?"

"Uy! Gusto ko yan! Teka, I'll get your number. Hindi natuloy nung last time eh."

"O-oo nga eh."

Nagpalitan kami ng phone numbers.

Mabilis ko pang tinype ang number ko sa phone niya. Mamaya kasi may bigla na namang umepal at hindi matuloy. Pero buti na lang at finally! May number na ako ni Benedict.

Yung kiti kiti ko sa tyan naging sawa na!

"Kamusta ka pala?" tanong niya. "I saw the news. Nainis ako. Hindi naman ganun yung nangyari katulad ng sinasabi sa news eh. Nakita ko kaya yung nangyari. Parang nabaligtad ka tuloy."

"Ah... hayaan mo na. Sus balita lang yan. Lilipas din yan."

"But still. Nakakainis pa rin."

Napangiti ako, "okay lang, masaya na ako na concern ka..."

Natigilan ako.

SHET. ANO YUNG SINABI KO?!

Agad kong kinuha yung iced coffee na iniinom ko at nilagok ko.

Okay okay okay ang awkward! Yung dating ng sinabi ko parang nilalandi ko siya.

Shet.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Benedict kaya nilingon ko siya. He's smiling at me.

"Naman. Concern ako! Simula nang malaman kong bookworm ka at halos iisa tayo ng gustong libro, kaibigan na ang turing ko sa'yo."

Napangiti rin ako.

Parang mas gusto kong isulat ang story ng dalawang bookworm. Parang mas bet ko yun.

~*~

AISCELLE.

So ganito pala ang pakiramdam ng ma-broken heart ng paulit ulit? Ganito pala kasakit ang ipagtabuyan ng mahal mo? Ganito pala kahirap ang sumuyo.

Well hellooooo karma! I'm welcoming you with an open arms!

Tumawa ako ng mahina sabay inom ng basong may alak sa harapan ko. 'Tong bartender sa bistro na 'to kung makatingin sa akin parang ang weirdo ko. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng umiinom mag isa ha? Ngayon lang siya nakakita ng taong ngumingiti at tumatawa mag isa?!

Ang boring siguro ng buhay niya.

Pero wala pa ring mas b-boring sa buhay ko. Puro trabaho. Ni hindi ko na nakakasama mga kaibigan ko. Para bang nabuhay na lang ako para magtrabaho.

Aiscelle may bago tayong product! Dapat ma-launch yan ng maayos.

Aiscelle may meeting tayo, ready na ba ang presentation mo?

Aiscelle wag ka nang magbakasyon. May business clients tayong dapat i-meet.

AISCELLE HINDI KA PWEDENG MAGING MASAYA. IKAW ANG MAG MAMANA NG BUSINESS NATIN.

PARTY PARTY!

Puro Aiscelle, Aiscelle, Aiscelle!

Ngayon ko nga lang naranasang pumunta sa isang bistro at uminom dahil, wala lang, trip ko lang uminom at magpakalasing at lunurin ang sarili ko sa alak.

Pag umuwi ako ng lasing, ano kaya sasabihin ni mommy at daddy? Nandoon pa naman sila sa bahay namin nina Ice ngayon.

Napatawa ulit ako kasi parang naiimagine ko na ang itsura nila.

"Nakakabaliw na pala ang alak," dinig kong sabi ng lalaki na nakaupo sa katabi kong stool.

Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata.

Mukhang foreigner eh. Matangkad, maputi, brown eyes, ginger hair.

"Kilala kita!" sabi ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya.

"Huh? Really? I'm positive na ngayon lang tayo nagkita."

"Singer ka!"

Tinignan niya ako na parang amused na amused siya sa akin.

"Singer? Ako?"

Tumango ako.

"Ikaw si Ed Sheeran!"

Bigla siyang napahagalpak ng tawa.

Eh? Tinatawanan ako ni Ed Sheeran. Ba't ako tinatawanan ni Ed Sheeran?!

"What's funny?"

Umiling-iling siya.

"Wala. I don't know if that's a compliment, but thanks anyway."

Tumango ako.

Ang weird ni Ed Sheeran. Hindi ko naman siya kino-compliment. Pero sige bahala siya diyan.

"Ba't ka naglalasing Ed?" tanong ko sa kanya sabay turo sa alak na iniinom niya. "Broken hearted? Break na kayo ng jowa mo? Sulatan mo ng kanta! Gayahin mo yung best friend mong si Taylor Swift."

Napatawa ulit siya ng mahina.

"Wala. Hindi kami break. Pero nagpagamit na naman ako doon sa babaeng mahal ko," malungkot na sabi niya.

Nagpangalumbaba ako at tinignan ko siya.

"Nagpagamit? Bakit?"

He shrugged, "wala. Hindi na ako nadala eh. Alam ko namang pera lang ang habol niya pero hinahayaan ko pa rin siyang ganituhin ako. Alam mo ba dati, nahuli ko pa siya na may ka-sex sa mismong apartment ko? Pero nagawa ko pa siyang patawarin nun."

"Wow. Tanga ka nga," sabi ko.

Napangiti ulit siya habang iiling-iling.

"Ngayon pa lang tayo naguusap pero na-tanga mo na agad ako. Ikaw Taylor Swift, ba't ka naglalasing?"

Kumunot noo ko.

"Taylor Swift?! Hindi naman yun ang pangalan ko eh!"

"Eh ano bang pangalan mo?"

Nginitian ko siya.

"Tawagin mo na lang ako na Miss No Personality."

"And... why is that?"

"Kasi, wala naman talaga akong personality!" masiglang sabi ko sabay tawa ng malakas. "Alam mo yun? Yung personality ko binabase ko lang sa mga taong nakakasalamuha ko. Nagpapanggap akong in. Ginagawa ko yun para walang mainis sa akin! Hahahaha ang saya saya 'no? Party pa! Cheers!" at itinaas ko ang baso ko para makipag toast kay Ed Sheeran.

"So ayun ang dahilan ba't nandito ka ngayon at lasing? Because you're celebrating na wala kang personality?"

"Hindi! Hindi mali ka eh! Nandito ako kasi broken ako! Hahahahaha ang saya maging broken 'no?!"

"Halata nga."

"Gawan mo nga ako ng kanta! Yung tungkol sa isang babaeng ginago ang isang lalaki tas ngayon siya naman ang naghahabol dito! Kasi ganun ang nangyayari sa akin ngayon eh. Alam mo yun? Sanay ako na nandyan siya sa tabi ko. Na kahit anong gawin ko hindi siya bumibitiw. Pero ngayon, wala eh, tinataboy niya ako! Ang gaga ko rin kasi! I took him for granted. Nakampante ako na kahit nasasaktan na siya, hindi niya ako iiwan kasi alam kong mahal niya ako. Pero wala. Iniwan ako. Ngayon? Nganga ang lola mo! Masakit!"

Napailing si Ed Sheeran.

"Kayo talagang mga babae kayo."

Hinampas ko siya sa braso.

"Salamat ha? Umiiyak na ako ngayon ginaganyan mo pa ako! Salamat talaga!"

"May ibang mahal na ba yung lalaking yun?"

"E-ewan. I don't know! Sana wala! Sana ako pa rin. Sana ako na lang. Ako na lang ulit!" at humagulgol na ako nang iyak.

Kaya lang kainis na Ed Sheeran 'to, kesa i-comfort ako tinawanan pa ako.

"Sana kung mag da-drama ka, yung original lines naman hindi yung gagayahin mo si Basha ng One More Chance."

"Wow si Ed Sheeran nanunuod ng One More Chance!" pahikbi-hikbi kong sabi.

Tumawa ulit siya. Pansin ko rito lagi akong tinatawanan.

Buti pa siya napapasaya ko. Ba't si Jasper hindi?

Nilagok ko ulit ang alak sa baso ko.

"Huy tama na yan. You're drunk. May kasama ka ba?"

Nginitian ko siya.

"Ganyan. Para-paraan ng mga lalaki. Tatanungin kung may kasama. Pag wala, itutuloy na ang masamang balak. Ganyan kayo!"

Napangiti na lang siya habang iiling-iling.

Pa-cute. Hmp.

"Kayo rin namang mga babae. Ganyan kayo. Hindi niyo pinapahalagahan ang effort ng mga lalaki. Tas pag iniwan kayo, iiyak-iyak kayo? Wow lang."

Hinampas ko siya sa braso.

"Judgemental! Wag mong i-lahat!"

"I know. Hindi lahat. Hindi naman ganun si Timi. Siya pa nga sinaktan ni Ice eh. Kaya hindi ko maintindihan ba't parang nagiisip siya na bigyan ng second chance ang taong yun."

Napakunot ang noo ko.

"Timi? Ice? May kapangalan sila."

"Huh? Sino?"

"Wala ka na doon! I don't give info to strangers!"

"Sus. Hindi raw. Samantalang kinuwento mo lovelife mo sa akin."

"Malamang lasing kasi ako! At susulatan mo pa nga ako ng kanta 'di ba?" masaya kong sabi at tinawanan ko siya.

"At aware kang lasing ka. Ngayon paano ka uuwi niyan?"

Inilabas ko ang phone ko.

"Tatawagan ko si Jasper Yu! Sunduin niya ako! Tingin mo darating siya ha? Matitiis kaya niya ako?"

Hinablot sa akin ni Ed Sheeran ang phone ko.

"Ako kakausap para siguradong dumating siya."

"Ha? Anong sasabihin mo?"

Hindi na niya ako sinagot. Busy na siya sa phone ko.

"Hello? Is this Jasper Yu?"

napaayos ako ng upo at pilit kong pinakinggan ang sasabihin niya.

"Ah bartender ako sa Northern Woods bistro. Ahm, are you a friend of miss...?" napatingin siya sa akin na parang tinatanong ang pangalan ko.

I grinned.

"MISS NO PERSONALITY!" sigaw ko sabay tawa ng malakas.

"Uhmm... nevermind. Basta yung owner ng phone na 'to, lasing na lasing. Sabi niya hindi siya aalis dito hangga't hindi ikaw ang sumusundo sa kanya. Please sir, pumunta ka na kasi nagsisira na siya ng mga gamit dito. Nagbabasag na siya ng mga baso."

Napangiti sa akin si Ed Sheeran.

Anong sinasabi ng isang 'to kay Jasper Yu?!

Ibinalik niya sa akin ang phone ko.

"Ano sabi?"

"Wala. Binabaan ako ng phone. Galit na galit eh. Sabi niya bullshit, fuck shit, tangina at kung anu-ano pang mura. Pero on the way na raw siya."

"YES!" sigaw ko ulit.

Bigla naman tinakpan ni Ed Sheeran ang bibig ko.

"Wag ka ngang sumigaw! Nakakahiya."

Tumango ako at nang inalis na niya ang kamay niya sa bibig ko, sumigaw ulit ako.

"YES! HE STILL CARES FOR ME!"

"Shit. Ba't ba ako tumabi sa'yo."

Hindi ko siya pinansin at ipinatong ko ang ulo ko sa bar table.

"Gisingin mo ako ah pag nandyan na siya? I'm really sleepyyyyy."

May sinabi pa siya sa akin pero hindi ko na naintindihan dahil pag pikit ko pa lang ng mata, nakatulog na agad ako.

To be continued...


AN:

Nung una, mga characters ang inaaway. Sumunod, kapwa readers na ang inaaway. Ngayon, yung author na ang inaaway.


Guys, medyo masakit na sa bangs kahit wala akong bangs XD

Pwede bang CHILL lang. Okay lang naman na maapektuhan tayo sa mga stories eh. Okay lang ma beastmode sa mga characters. Ganyan din naman ako. Highblood pag maysado na akong affected sa mga binabasa ko.

Pero wag natin awayin ang kapwa readers natin okay?

Mas lalong wag niyo akong awayin. Aba i-b-block ko kayo para 'di niyo to mabasa sige kayo! Wahahahaha.


Happy New Year. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro