CHAPTER 8
CHAPTER EIGHT
Right Thing To Do
Ang mga lalaking kaibigan ng nagwawala ang mabilis na tumayo kaya nagmamadali akong tumabi nang subukan nilang sugurin si Jaycint pero bago pa nila ito mahawakan ay sumugod na rin ang mga kaibigan niya.
Kahit na hindi naman ako nakainom ng marami ay damang dama ko ang pag-ikot ng lahat sa bilis at sa gulo ng mga nangyayari ngayon! Everyone is throwing punches! Ang mga bouncer ay hindi kaagad naapila ang sitwasyon dahil malalaki ang mga lalaki. Wala rin naman akong magawa dahil alam kong kalokohan kapag nakisali ako.
Oo nga't laki naman ako sa gulo at sanay sa mga ganitong rambulan pero hindi ko naman pinangarap na makisali sa away ng mga lalaki.
I can hear the people screaming pero mas marami ang nagchi-cheer sa isang libre at maaksiyong palabas na nangyayari ngayon!
Iniwan ko na ang mga bouncer nang pati sila Maury ay tumulong na rin. I called the police. Sa ilang minutong kaguluhan ay marami ang nabasag pero maayos namang naagapan ng mga ito ang mas paglala ng sitwasyon. Sunod kong nakita ang pagpapalabas sa grupo ng lalaking unang nanggulo.
Nang makita kong palalabasin na rin ang grupo nila Jaycint ay doon na ako sumingit para pigilan sila. Hindi dahil bias ako kung hindi dahil baka sa labas pa matuloy ang patayan nila!
"You bitch! Tatandaan ko 'yang mukha mo! Lahat kayo rito! I will hunt you down!" Malakas na turo sa akin noong lalaki pero imbes na intindihin siya ay muli akong napabaling kay Jaycint na ngayon ay mabilis na nakaalpas sa isang bouncer ngunit bago pa makasapak ulit ay naagapan na iyon ni Maury!
"No! I'll be the one who'll fucking hunt you down, you son of a bitch!" Matigas niyang murang parang nagpadugo na sa utak ko!
"Sir! Tama na!" Pilit na awat ni Maury.
Muli siyang hinawakan ng bouncer na kanina'y hawak siya. Alam ko ang gagawin ko. Alam ko rin ang sasabihin sa mga ganitong sitwasyon pero sa tuwing isinisigaw ng utak ko ang pangalan ni Jaycint ay nabubuang ako! Nilapitan na rin ni Prescott ang kaibigan at pilit na kinalma.
"¡Déjalo ir, Jace! ¡Venga!" Ani Prescott na mukhang nakatulong naman dahil sa mukhang pagkalma ni Jaycint kahit paano.
Kinausap ko ang security at ang mga staff na ayusin nalang ang lamesang inalisan ng grupo at siguraduhing hindi na makakabalik pa ang mga iyon rito.
Sa pagbaling ko kila Prescott ay nahuli kaagad ako ng mga mata ni Jaycint. Dumiin ang kanyang tingin sa akin habang pinipilit siyang ibalik ng mga kaibigan sa kanilang lamesa.
I will deal with you later kaya huwag mo akong titigan ng ganyan!
Ipinilig ko ang aking ulo at muling kinausap ang lahat. Ilang minuto lang ay muli nang bumalik ang kasiyahan na parang walang nangyaring gulo sa loob ng club.
It was a mess. Pagod na nga ako at mas napagod pa ako sa nangyari! Pakiramdam ko nga ay ngayon lang ako susuko sa isang masalimuot na sitwasyon! Napahilot ako sa aking sintido habang inaayos ang lahat. Maging ang mga pulis ay mabilis ang naging pagresponde kaya naman ang mga lalaki ay isinama na sa prisinto.
Pagod kong sinapo ang aking leeg at bahagya itong hinilot. The club is still booming one hour after the chaos. Marami pa ring tao kahit na marami na ang nagsisialisan.
"They're still drinking." Ani Maury habang pasulyap sulyap sa akin at sa gawi nila Prescott.
Napabuga ako ng isang malalim na paghinga. Mabuti na nga lang at marami nang mga babae ngayon pagkatapos ng party sa itaas kaya hindi ko na kailangan pang tumulong.
"Pinsan ba talaga iyon ni Skyrene?"
Napaangat ang aking tingin sa kanya.
"Kasi nag-uusap sila ng Spanish, e."
"Oo," Sabi ko nalang.
Akala ko mahaharap ko si Jaycint pagkatapos maayos ang lahat pero sa tuwing gusto na ng utak ko ay pinanghihinaan naman ako ng loob.
Kung pwede nga lang na ipatanong kung anong oras nila balak umalis ay ginawa ko na.
"Three more bottles." Marahas akong napalingon sa babaeng tumabi sa akin.
"Saan 'yan?" Kunot noo kong tanong.
"Doon po sa may sumapak sa lalaking bastos."
Awtomatiko akong napalingon sa gawi nila Jaycint at kahit na malayo ay kitang kita ko ang pagtuon ng titig niya sa aking gawi! Pakiramdam ko ay may pilit na umaalog sa aking puso dahil kahit na may katabi pa siyang babae ay nasa akin pa rin ang titig niya!
"I told you. They're still drinking." Si Maury kaya iniwas ko kaagad ang tingin sa lalaki.
Baka guni-guni ko lang naman na sa akin siya nakatitig because it's impossible. It's too dark at marami pa ring tao. O baka may nakikita siyang hindi nakikita ng normal na tao?
Tumayo na ako sa bar stool.
"Let them drink basta magbabayad sila. Doon muna ako sa office, pagod na ako," Sinulyapan ko ang aking orasan. "Five minutes tapos mag last call kana."
Tumango kaagad si Maury at sinabihan ang mga waiter na nagawi sa bar para sabihin ang sinabi ko.
Pasalampak akong naupo sa upuan at pagkatapos ay nag inat ng katawan. Wala sa sariling napasulyap ulit ako sa orasan ko. Habang patapos na kasi ang duty ay parang mas bumabagal naman ang oras. I want to go home. Gusto ko na ring magpahinga at tigilan ang pag-iisip sa lalaking 'yon.
Pumikit ako... But I should thank him right? Kung hindi dahil sa kanya ay baka nagpulot nalang talaga ako ng mga basag na bote dahil sa gagong lalaking 'yun!
Dahil sa pagod ay hindi ko na namalayang nakaidlip ako. Nagising nalang ako ng puntahan ako ni Barbie ay sabihing naayos na nila ang lahat.
It's almost five am kaya halos isang oras rin pala akong nakatulog.
Inayos ko na ang aking mga gamit bago lumabas at nakitang nag-aayos na sila. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na sila Jaycint pero may isang parte sa utak kong nakaramdam ng panghihinayang. Maybe because I didn't get a chance to thank him. Dapat kanina palang ay pinasalamatan ko na siya sa ginawa niya para hindi ako nakakaramdam ng ganito.
"Sure ka?"
Tumango si Maury.
"Sige na. You should rest, kaya na namin 'to."
"Okay. Thank you, Maury." Nginitian ko siya't nagpaalam na rin sa iba.
Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko naiwasang mapatitig sa lamesang inukopa nila Jaycint kanina. Damn, I should've thank him kahit na may atraso pa rin siya sa akin.
Dahil madaling araw na at madalang nalang ang mga sasakyan papuntang West Side ay naglalakad lang ako. Sigurado rin namang may mga tambay pa ngayon doon kaya panatag ako kahit na anong oras ako umuwi. Nasanay na rin ako at hindi naman ako takot pero nang maisip ko iyong galit na lalaki kanina ay bumagal ang paglalakad ko't napalingon sa aking likuran.
Mabilis na dumaloy ang kaba sa akin ng matanaw ang isang sasakyan na paalis sa Las Deux.
Kumunot ang aking noo. Guest 'yon dahil wala namang may kotse sa mga empleyado pero bakit ngayon lang rin siya aalis?
Napalunok ako ng makita ang dahan-dahang pagliko ng sasakyan patungo sa aking gawi kaya imbes na bagalan ang mga paghakbang ay natataranta akong nagpatuloy, mas mabilis kaysa sa kanina.
Itinigil ko na ang pagtingin nang bumilis rin iyon! Pakiramdam ko'y nanlalamig ang katawan ko habang umuulit sa aking utak ang salita ng lalaki kanina sa club na hahanapin niya ako!
Hinigpitan ko ang kapit sa aking bag at patakbo nang gumalaw! Narinig ko ang ilang busina nito pero hindi ako nagpatinag! My mind is screaming! Maging ang puso ko ay hinahabol na rin ng mga kung ano dahil sa bilis ng kalampag nito!
Halos maputol na ang aking paghinga ng marinig iyon sa aking tabi! Napapitlag ako ng mas lumakas ang kanyang pagbusina dahil nasa gilid ko na ito!
"Shit!"
Sa pagsulyap ko sa kotse ay kasabay naman ng pagbaba ng bintana at pagluwa kay Jaycint!
"Can you please fucking stop running?!" Malakas niyang sigaw dahilan para kusang huminto ang aking mga paa.
Hinihingal kong kinalma ang aking sarili. Ang kanyang sasakyan ay huminto na rin at umatras para muli kong matapatan ang bintana.
"Get in." Pormal niyang sabi sa kabila ng alam kong kalasingan niya.
"Bakit nagda-drive ka? At bakit nandito ka pa?!" Tanong ko imbes na gawin ang gusto niya.
Mas lalong nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay at pagkatapos ay inabot ang pintuan sa gawi ng passenger's side bago buksan ang pinto.
"I said get it in." Ngayo'y mas maotoridad niyang utos.
Nilingon kong muli ang pinanggalingan ko. Tahimik na at wala na ring taong lumalabas doon. Maging sa tatahakin kong daan ay wala na ring buhay. Ang mga sasakyan naman ay kakaunti nalang.
Sa pagbalik ko ng tingin sa kanya ay nakita ko ang kanyang pagod. I'm pretty sure he's drunk. Kahit na may kadiliman ay nakikita ko ang pamumula ng kanyang mukha at ang pamumungay ng kanyang mga mata tanda ng mga alak na nainom kanina.
"You're drunk."
"I know."
"So bakit mo ako niyayayang sumakay diyan ngayong alam mo naman palang lasing ka at bawal magmaneho?!"
"I can still drive," Muli siyang lumapit sa pinto at iniawang na iyon. "Can you just get in and stop complaining?!"
Naningkit ang aking mga mata sa talas ng pagmumura niya kaya mas lalo akong nagdalawang-isip.
"Lasing ka Jaycint at kung nagyayaya ka lang ng kasama sa impyerno, 'wag nalang ako, okay? Kaya kong maglakad-"
Naputol ang aking pagsasalita ng buksan niya ang pinto sa kanyang gawi at mabilis na lumabas sa sasakyan. Pakiramdam ko'y naubos ang hangin sa aking baga ng agad siyang nakaibis para harapin ako't hawakan sa kamay.
"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo pero kung mas gusto mong makuha ng mga lalaking 'yon, bahala ka!" Mariin niyang sambit na dahilan ng pagtunaw sa lahat ng pagmamatigas ko.
Lutang akong pumasok sa sasakyan ng bitiwan niya ako't hawakan naman ang pinto. Umiling pa siya bago iyon isara ng tuluyan na akong pumasok sa loob. Sa pagbalik niya ay hindi na siya nagsalita. Muli niyang pinaandar ito sa katamtamang bilis.
"Sure ka bang kaya mo pa?" Paniniguro ko pero hindi niya ako inintindi. Kinuha ko kaagad ang seat belt at sinuot bago siya muling kulitin dahil baka kung saan pa kami mapunta!
"Jaycint-"
"Hindi kita dadalhin sa impyerno, Valerie. Kung may lugar mang gusto kong puntahan ngayon kasama ka, hindi d'on!"
I feel my cheeks burned at that! Ayaw ko mang mag-isip ng kamunduhan pero iyon kaagad ng pumasok sa utak ko!
Para akong napipi. Sa tanang buhay kong puro daldal ako ay ngayon ko lang hindi nahanap ang aking boses. Tinanggal ko ang tingin sa kanya at itinuon nalang ito sa labas.
Fine, he is right. He can still drive at nagpapasalamat akong mabagal lang kami't tantiyado niya ang maingat na paggalaw pero hindi na niya dapat sinabi ang bagay na 'yon! This is not comfortable. Sitting inside his car seems too impossible because of what happened between us but it's happening... At wala na akong magawa.
Nanahimik ako ng ilang minuto at pinigilan nalang ang pagsasalita ng kung ano. Habang patuloy naming tinatahak ang tahimik na daan ay naisip kong hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin kanina.
Nang makita kong malapit na kami sa West Side ay doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita ulit.
"Thank you..." Sabi ko sabay dahan dahang baling sa kanya.
Nanatili ang kanyang mga matang seryoso sa daan.
"West Side, right?" He asked instead of saying welcome.
"Yeah. Diyan nalang ako sa kanto-"
"Ihihinto ko 'to sa tapat ng bahay mo. Doon kita ihahatid." Again, he said it like it's an order.
Kung wala nga lang akong dapat ipagpasalamat sa kanya ay baka umangal na naman ako ulit pero isa rin ang paghatid niyang ito sa mga dapat kong ipagpasalamat kaya dapat ko siyang sundin.
Tumuwid ako ng upo at itinuro sa kanya ang daan sa papasok. Nakita ko ang paghikab niya't pagkurap-kurap kaya pati ako ay nahawa.
Malapit nang sumikat at araw dahil medyo nagiging kulay asul na ulit ang kalangitan. Maliban sa mga panabong na ngayo'y tiyak akong nag-iingay na ay wala na akong nakitang tao sa labas.
"Bakit hindi ka pa umuwi kanina? Hinintay mo ba ako?" Hindi ko na napigilang itanong.
Tahimik siyang tumango. Okay, obvious naman siguro 'yon. Umayos ako paharap sa kanya.
"Bakit?"
Ramdam ko ang pagdiin ng aking dibdib ng bumaling siya sa akin gamit ang matalim na titig.
"Bakit hindi?" Masungit niyang tanong.
"Bakit oo? Wala ka namang obligasyon sa akin Jaycint-"
"Oh shut up, Valerie. I'm not doing this because we had a one night stand. I'm doing this because it's the right thing to do."
Marahas akong napalunok sa narinig. Ayaw ko mang isipin na dahil iyon sa nangyari sa amin kaya siya ganito pero wala naman akong maisip na iba pang dahilan. Or maybe because I'm his cousin's best friend, baka nga iyon lang.
"I'm sorry."
Narinig ko ang pagbuntong hinga niya.
"Look, hinintay kita dahil gusto kong masigurong maayos ka. That's it. I don't even want to talk about what happened between us. It's over and done and you're right, hindi na dapat pinag-uusapan ang gano'ng bagay. It's just sex."
Nanatili ang mga mata ko sa kanya pero wala akong masabi kaya naman napasulyap siya sa akin, mas matagal kaysa sa nauna.
"And I'm sorry for what I've said that night. I didn't mean it." Aniyang mas lalong nagpagulo sa aking utak.
Is it really him that is talking right now?
"N-Nagso-sorry ka talaga?"
"Yeah because I know I was out of the line and I shouldn't have said those things but you pissed me off."
Wala sa sariling napatango ako. Ramdam ko ang pagsibol ng munting tuwa sa aking puso dahil sa mga narinig dahil hindi ko na naisip na masasabi niya pa ang mga iyon. Hindi ko na nga rin naisip na kaya niya palang sabihin ang salitang 'sorry'. It's so out of his character.
Ang lahat ng atraso niya sa akin ay mabilis na napawi dahil sa kanyang mga salita kaya naman ginawa ko na rin ang dapat.
"Sorry rin." Naiilang kong sabi matapos niyang ihinto ang sasakyan sa harapan ng bahay ko. "And thank you ulit kanina... tsaka ngayon."
Hinarap niya ako't tinanguan bago muling napahikab kaya natigil ako sa pagbaba.
"Hmm... D-Do you want to go inside? Gusto mo bang magkape muna bago ka umuwi?" I asked genuinely.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro