CHAPTER 59
CHAPTER FIFTY NINE
Obvious
Tahimik akong nakapikit habang yakap ni Jaycint galing sa likuran. Bukod sa hindi ako makatulog dahil kakagising ko lang, parang hindi ko pa rin magawang maniwala na narito si Forette at ang tanging pamilyang alam kong mayroon ako maliban sa mga Del Rio. Did Jaycint really searched for them? Ginawa niya pa talaga ang lahat para patunayan sa aking kaya niya akong mahalin sa kabila ng mga nalaman sa buhay ko? Na maging ang anak ko sa iba ay kaya niya ring akuin para sa akin?
Dumiin ang pagpikit ko sa naisip. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman. Sa tuwing sumasagi sa isip ko ang lahat ay parang gusto ko nalang maiyak. Dama ko ang totoong pagmamahal na gusto niyang ibigay pero hindi ko akalaing ganito iyon kalalim.
The love he has for me was inestimable. Iyong pagmamahal na noo'y pangarap ko simula palang. Pagmamahal na sinira ng isang tao na hindi ko na inasahang pagtitiwalaan ko pa rin but because of him... muli akong nagtiwala. Muli akong nangarap at muli akong nagmahal. He make the impossible possible. Maging ang pagbuo ng puso kong wala ng pag-asa ay nagawa niyang ayusin at pagtibayin ngayon. Gano'n kalalim na kulang ang lahat ng mga salita para bigyan ito ng depinisyon.
Maingat kong inangat ang aking kamay ng maramdaman ang pagtulo ng luha ko, iniiwasang magising siya dahil ramdam kong totoong pagod silang lahat dahil sa layo ng kanilang biyahe pero bigo ako. Sunod kong naramdaman ang paghigpit ng yakap ni Jaycint sa akin.
"Baby, stop... Stop thinking too much and please stop crying..." malambing niyang bulong na nagpadilat sa akin.
Maingat kong inangat ang kamay niyang nakayapos sa akin para pumihit paharap sa kanya. Pagod na dumilat ang kanyang mapupungay na mga matang nilalabanan ang antok at pagod para lang intindihin ako ngayon.
"I'm not crying."
His lips curved a smile and then he put his hand on my waist again. Marahan niya akong inilapit sa kanya.
"Alam ko kung kailan ka umiiyak... Kung kailan ka nasasaktan at kahit ang paghinga mo, alam na alam ko kaya wala kang maitatago sa'kin. Now tell me, what's bothering you?"
Umiling ako.
"Ikaw ang dapat kong tanungin. Ako ang maraming gustong itanong."
"Like what?"
"L-Like anong nakain mo at bakit ako ang mahal mo?"
Doon lumiwanag ang kanyang mukha, natuwa sa tanong kong seryoso naman ang aking pagkakasabi.
"Basta mahal kita. Kailangan pa ba ng dahilan?"
I nodded slowly. I just want to know kung anong basehan niya. Kasi kung ako ang lalaki, parang wala naman akong nakikitang karapat-dapat mahalin sa akin-
"You're thinking nasty things again, Valerie Cross. Can you stop?"
Nalukot ang mukha ko. "H-How did you know?"
Ngumisi siya na parang nahimasmasan sa antok dahil nagawa niyang halikan ng mabilis ang labi kong siyang ikinagulat ko. Natutuliro kong nahawakan iyon ng bumalik siya sa pagkakahiga dala pa rin ang ngising mas lumawak dahil sa pagnakaw ng halik.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kabisado ko na ang lahat sa'yo. Ewan ko ba. Basta ang alam ko lang at ang mahalaga, mahal kita. Ikaw ang gusto ko at siguradong ikaw lang ang gugustohin ng puso ko hanggang sa matapos ang lahat ng bukas sa mundo."
That made me bit my lip. "Pero hindi ba dapat may dahilan?"
Napabuntong hinga siya sa pangungulit ko.
"Fine," parang gusto kong magreklamo ng tanggalin niya ang yakap sa akin at pagkatapos ay tumihaya sa kama at sa ceiling itinuon ang titig habang nag-iisip. "This is not exactly the reason why I love you dahil walang dahilan 'yon pero sasagutin ko pa rin dahil makulit ka. Una,"
Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa antisipasyon sa mga salitang lalabas sa kanyang bibig.
"Ikaw ang pinaka-maganda sa paningin ko. Simula ng makita kita noon na kasama ni Skyrene may bumulong na sa akin kung gaano ako kamalas dahil ni hindi mo ako nagawang pansinin. Medyo nakakainis ka do'n dahil binalewala mo 'yung ka-gwapuhan kong pinag-aagawan ng lahat-"
Kumawala ang tawa ko kaya nahinto siya.
"What?" nakataas ang isang kilay niyang tanong ng lingunin ako na akala mo talaga ay na-offend sa pagtawa ko.
"Wala, continue."
"What is it? Bakit hindi ba totoong gwapo ako?"
I felt the rush of heat in my cheeks. "Gwapo." sabi ko kahit na parang sinisilaban na ang mukha ko dahil sa pinag-uusapan namin.
Pinilit niyang maging pormal kahit na alam kong gusto na niyang ngumisi ulit dahil sa pag-amin ko. Inayos niya ulit ang sarili at ibinalik ang tingin sa kisame. "Pangalawa, una palang ay ramdam ko ng marami akong matututunan sa'yo. Alam kong magkakasundo tayo and that's what I'm looking for. I want someone who understands me and vice versa. Hindi ka madaling intindihin minsan pero iyon ang mas gusto ko. You're like a puzzle that I'm so eager to solve. Mahirap, challenging pero worth it."
Napangiti ako.
"A-And?" sabi ko nalang dahil talaga namang natutunaw na ako.
He's so good with words. Ewan ko kung natural lang siyang matamis kung magsalita o sadyang iyon lang ang nararamdaman niya para sa akin.
"Ano 'yung pangatlo?" untag ko ulit ng matagal niya iyong hindi nasundan.
"Excited?"
Napanguso ako at mahinang sinapak ang dibdib niya. Natatawa niya namang hinawakan iyon at mabilis na hinalikan.
"Pangatlo," pumihit siya pabalik sa akin at pagkatapos ay pinisil ang kamay ko. "I-I don't know how to say it without actually thinking about it."
"Hmm?"
"Do you really want me to say it?"
"Is it bad or-"
Natigil ako ng makita ang kapilyuhan sa kanyang mukha dahilan ng pag-ilaw ng bumbilya sa utak ko para malaman na agad ang gusto niyang sabihin!
"Jaycint, you pervert!" natataranta kong hinawi ang kamay niya at nagmamadaling lumayo pero ang tawa niya ang umukopa sa kabuuan ng silid imbes na pigilan ako at iahon ang sarili sa naiisip na kamunduhan!
"What? 'Di ba gusto mong malaman? Pwes makinig ka kasi gusto kong malaman mo na kahit malaki na 'yang umbok sa tiyan mo, ikaw pa rin ang pinaka-sexy sa lahat. Ikaw ang pinaka-malupit at eksperto pagdating sa kama na palagi kong hinahanap-hanap... It's you who I want to make love with. Kahit bente kwatro oras Valerie hindi kita uurungan-"
"Stop! Stop talking!" nahihiya kong sabi sabay kuha ng unan at hagis sa kanya pero hindi natigil ang damuho sa pang-aasar!
"At seryoso pa rin akong gusto kong gawin ang lahat ng iyon kahit pa ilang oras nalang ay lalabas na ang anak natin. You don't have any idea how much I wanna hear you scream my name," nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan kaya napatayo na ako pero mabilis rin siyang tumayo at naglakad palapit sa akin. "I miss your voice begging for me to do it faster, harder and deeper... God baby, you don't have any idea how much I wanted to fucking pleasure you right here... Right now." bumagal ang mga huling salita niya kasabay ng paghawak sa akin.
Nahabol ko ang aking paghinga ng idiin niya ako palapit sa kanyang mainit na katawan.
"I miss you... I miss you so much fucking damn much, Valerie..." sambit niyang punong puno ng pagsusumamo.
Pinagdiin ko ang aking mga labi at kahit nagwawala ang bagay sa loob ng aking dibdib ay nagawa kong mag-angat ng tingin upang salubungin ang ngayo'y seryoso't nagsusumamo niyang mga mata.
Huminga ako ng malalim at sandaling nagnilay bago hayaan ang sariling magpaubaya nalang sa kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko ngayon.
"I-I miss you too," matapang kong sambit kahit na alam ko kung ano ang magiging epekto no'n sa kanya. "Miss na miss rin kita, Jaycint." nahihiya kong pagpapatuloy na siyang ikinaawang ng kanyang bibig dahil hindi iyon inasahan.
"C-Can you say that again?"
"No." napangisi ako.
"Please?"
Natatawa akong kumawala sa kanyang pagkakayakap at bumalik sa kama. Nanatili naman siyang makulit na mukhang hindi na kailangan ng tulog dahil sa sinabi ko palang ay parang bigla na siyang na-recharge.
"Baby? Please?"
Umiling ako ulit at kinagat ang labi dahil sa nakikita kong pagmamakaawa sa kanya. Imbes na sundin ay tinapik ko nalang ang pwesto niya kanina sa tabi ko.
"Sleep, Jace. Matulog at magpahinga ka na muna. Babantayan kita ngayon at hindi ako aalis."
Natigil siya sa paggalaw at parang mas lalong hindi na gusto pang kumilos dahil sa sinabi ko kaya imbes na panuorin siyang natutuliro ay umangat ako sa kama at hinawakan na ang kanyang kamay para igiya sa tabi ko. Sa pagtabi niya ay agad niya akong niyakap ulit.
"Valerie, I-"
"Sleep. Just sleep for now. We'll talk later." sabi ko nalang para tapusin ang pagkabigla niya't pangungulit sa akin.
Gabi na ng magising kaming dalawa ni Jaycint. Hindi ko lang nagawa ang pangako ko, sinamahan ko pa siyang matulog. Pagkatapos maligo at mag-ayos ay magkahawak kamay kaming bumaba para naman ituloy na ang pakikipag-usap sa pamilya ko.
Malayo palang sa dining area ay naramdaman ko na ang pagtutumalon ng aking puso ng marinig ko kaagad ang aktibong boses ni Forette. Napalingon ako sa lalaking may hawak sa aking kamay.
"He's a smart kid, Valerie. Manang mana sa'yo." aniya at hindi na nag-aksaya pa ng panahon.
Nanatili kaming magkahawak ang kamay papasok sa dining area kaya gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ni Skyrene nang pumukol sa mga kamay namin ang titig niya.
Naiilang ko naman iyong tinanggal ng dumako ang tingin ko kay Enrique, mukha namang naintindihan ni Jaycint kaya hindi na siya nagreklamo. Maya maya pa ay dumating na rin si Tiya Mercy na hindi na napigilan ang pag-iyak ng makita ako. Hindi ko alam kung bakit nag-uumapaw ang tuwa niya at positibong pagtanggap sa lahat gayong hindi pa naman kami nakakapag-usap. Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang kalalabasan ng lahat ng ito kaya hinayaan ko muna ang sarili kong iproseso ang lahat at kumalma.
Habang nasa hapag ay wala kaming napag-usapang tungkol sa relasyon namin ni Jaycint. Bukod sa pagku-kwento ni Skyrene tungkol sa kanyang mag-amang iniwan sa Cebu para tulungan si Jaycint sa problema ay wala na kaming naging topic.
Pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa opisina ni Jaycint para mag-usap. Doon ko na muling naramdaman ang pagka-aligaga. I don't know what to expect. Kahit kasi ramdam kong wala namang hinanakit at galit sa akin si Enrique ay hindi ko pa rin alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. He's the father of Forette. Mahal na mahal niya ang anak ko at matagal na naming napag-kasunduan na kahit anong mangyari ay mananatili itong nasa tabi niya.
"Actually, hindi ko alam kung ano pang pag-uusapan natin dito," masayang panimula ni Skyrene sa tabi ko sabay lingon sa akin. Ngumiti siya. "Nakapag-usap na kami nila Enrique at Tiya Mercy pero nasa sa'yo pa rin ang desisyon, Valerie."
Nalilitong lumagpas ang tingin ko kay Riki na tahimik lang at nakikinig.
"Hiningi na ni Jaycint ang lahat ng permiso para kunin kayo ni Forette at-"
"A-And you agreed?" balewala ko kay Skyrene at tanong sa lalaking tinititigan.
Bumuntong hinga siya at tumuwid ng upo sabay sulyap sa lahat. Hinawakan ni Tiya Mercy ang kanyang kamay.
"Do you want me to say no?"
Pasimpleng lumihis ang mga mata ko kay Jaycint. Hindi nakaligtas sa akin ang paglunok niya pero gaya ng lahat ay naghihintay lang rin sa isasagot ko.
"Riki..."
"Mahal mo si Jaycint at alam kong mas higit ang pagmamahal niya para sa'yo kaya sino ako para hadlangan 'yon?"
Pinigilan ko ang sarili kong lingunin ang lalaking napatuwid ng upo dahil sa sinabi ng pinsan ko.
"But we made a promise. Kapag pumayag na ako, alam mo na ang ibig sabihin no'n..."
He nodded.
"You know sometimes promises are meant to be broken and that's fine. Kung mas magiging mabuti naman si Retret dito, bakit ako tatanggi? Kung makakasama ka niya araw-araw at mas magiging masaya siya, bakit ako tututol?"
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa sinabi niya. Kahit na napakarami ko pang gustong sabihin ay wala nang lumabas sa aking bibig.
"Valerie, I know what your heart desires. Kaya ko lang naman ginawa 'yong mga pangakong 'yon dahil ayaw kitang masaktan, kayong dalawa. Ayaw kong maging tanga ka na naman sa pag-ibig dahil ayaw ko ng makita kang bagsak ulit. I want you to live happily because that's what you deserve kahit na kaya naman nating maging masaya ng tayo lang nila Mama," sinulyapan niya si Jaycint bago magpatuloy. "But I never thought you'll find someone who'll accept you despite of everything. Iyong lalaking walang ibang gusto kung hindi ang alagaan ka at mahalin pati na rin ang espesyal na bagahe mo. Ngayon sabihin mo kung paano ako hihindi gayong iyon lang naman ang pangarap ko para sa'yo?"
Dumiin ang pagkagat ko sa aking labi dahil sa mga salita niyang kaunting-kaunti nalang, magpapaiyak na sa akin.
"Masaya ako kahit ano pa mang magiging desisyon mo Valerie pero mas sasaya ako ngayon kapag pinili mo pa rin ang mas tama at makabubuti sa lahat," singit naman ni Tiya Mercy na tuluyang pumutol sa pagpipigil kong umiyak. Humigpit ang kapit ni Skyrene sa akin at pagkatapos ay hinaplos-haplos ang likod ko. "Wala pa man ay alam kong mas magiging maayos na ang lahat sa'yo, anak kaya tanging hiling ko lang ay huwag mo ng tanggihan si Jace. Maganda ang intensiyon niya at mahal na mahal ka ng batang iyan."
Suminghap ako bago lingunin si Jaycint na nginitian lang ako.
"Mahal na mahal na mahal, Tiya Mercy." buong puso niyang segunda.
Sa kabila ng aking mga luha ay napangiti na rin ako. Alam ko namang mahal ako ni Jaycint. Noon pa man ay alam ko na 'yon dahil hindi naman siya nagmintis sa pagpaparamdam kaya nga lang dahil marami akong kailangang unahin, hindi ko iyon pwedeng iprioridad.
"So," pinisil ulit ni Sky ang kamay ko. "Are you saying yes to a brighter future?" pinisil ko rin ang kamay niya.
"Kailangan ko pa bang sagutin o obvious na?" lumuluha sa tuwa kong sambit pero imbes na sagutin ako ay niyakap na niya ako ng mahigpit!
Sumunod naman sila Enrique.
"Mahal ko kayo at kahit mahirap ay kaya ko pa ring ipaubaya ang lahat dahil iyon ang tamang gawin. Basta bibisita nalang kami ni Mama rito kapag may oras. Just keep in touch, okay?"
"Oo naman, Riki. I owe everything to you. Lahat lahat maging ang buhay ng anak ko kaya habang buhay ko iyong tatanawing utang na loob. Habang buhay kitang pasasalamatan so thank you... Thank you for everything, Riki..."
Humigpit lang ang yakap niya sa akin bilang sagot. Marami ring bilin si Tiya Mercy sa akin kaya medyo natagalan bago ko naharap ang pinaka-huli at dakila sa lahat.
Dakilang Dakasi...
Tinuyo ko ang mga natitira pang luha sa aking mukha bago lumapit sa kanya. Tumayo naman siya ng tuwid at pagkatapos ay nginitian ako. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Skyrene na magkadaop ang mga kamay habang emosyonal at parang nagdarasal ng mga pasasalamat dahil ngayon ay natupad na ang lahat ng kabaliwan niya.
I'm ready. Hindi lang kay Jaycint kung hindi sa buhay na kasama siya at ang mga anak namin... Napalunok ako sa naisip. Nakakapanibago pa ring isipin iyon... Naninibago pa rin ako kahit na iyon na ang nangyayari.
Huminga ako ng malalim ng mahinto sa harapan niya.
"Are you really sure about this, Jaycint? Kapag pumayag na ako hindi ka na pwedeng umatras. You'll be with me, us, forever. For sure hindi iyon magiging madali kaya binibigyan pa kita ng pagkakataong umat-"
Nanlamig ang buong katawan at nalunod nalang ang mga salita sa aking bibig dahil sa mabilis niyang pagkilos at agad na paghapit sa akin para takpan ang aking labi gamit ang kanya!
Nanghihina ang mga kamay kong umangat patungo sa kanyang leeg at kahit na naririnig ko ang matitinis na hiyaw ni Skyrene ay hindi iyon nakapigil para sagutin ang halik na ninakaw ng kanyang pinsan!
Sa pagsagot ko ay hindi ko na naisip ang mga nanunuod. Hindi ko na naisip ang lahat dahil punong puno na ng pagmamahal ang puso ko. Siya... Ito... Ang lahat lahat ng pangarap ko ay nasa harapan ko na ngayon. Abot na abot at hindi na pakakawalan pa kahit kailan.
I gently bit his lower lip before finally letting him go. Muli niya akong hinalikan ng mabilis kaya natawa na rin si Tiya Mercy.
"Do you really think that I can say no to everything that I wished and prayed for?" hinaplos niya ang aking pisngi. "I will never, baby. I will never say no to you. Matagal ko ng sinabi sa'yong ikaw lang ang gusto ko kaya kahit anong gawin mo, hindi mo na mababago ang desisyon ko. Wala ng atrasan 'to," he said while gently caressing my cheek.
Tumango ako at ngumiti sabay hawak sa kamay niya.
"Ang sarap sigurong ma-sa'yo..." marahan kong sabi na nagpaliwanag sa kanyang mukha.
Damn... Parang kailan lang ay sa kanya ko narinig iyon at ni minsan ay hindi ko naisip na lalabas sa bibig ko pero ngayon...
Natatawa niyang hinapit ulit ang katawan ko palapit sa kanya bago iyon sagutin.
"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan o obvious na?" he said, mocking me sarcastically before lowering his face to kiss me again.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro