CHAPTER 55
CHAPTER FIFTY FIVE
Truth
Tulala ako. Natulala nalang ako. I was trembling when I received the news at hanggang sa mga oras na bumabiyahe na kami patungong Cebu ay nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng kabuuan ko. Si Stella, ang kapatid ko ang umukopa sa utak ko. They said she was involved in a car crash habang pauwi na galing sa airport. Limang sasakyan ang unang inararo ng isang ten wheeler truck at ang sinasakyan niya ang unang nahagip no'n na mabilis nilang ikinamatay ng driver.
Hindi ako makapaniwala at ayaw kong paniwalaang totoo iyon.
Napapikit ako ng maramdaman ang maingat na paghapit sa akin ni Jaycint para yakapin kasabay ng maagap niyang pagpalis sa mga luha ko. I'm crying again. Hindi ko na namamalayan ang panaka-nakang pagtulo ng mga luha ko. Siguro kung hindi ko lang inaalala ang anak ko ay baka hindi na rin ako kumain. Wala akong gana. Ni ayaw ko na ngang kumilos. I felt like my world was just spinning silently. Iyon bang mabilis ang paggalaw ng mga bagay at tao sa paligid ko. Malalakas ang mga salita nila pero wala akong maintindihan at marinig. All I could think of was my sister. Paano niya ako nagawang iwan? Hindi ba sabi niya ay babalik siya? Hindi totoo 'yon. Hindi totoong wala na ang kapatid ko... Hindi ako naniniwala.
"Valerie..." marahang sambit ni Jaycint na siyang tanging malinaw sa aking pandinig. Inihaplos niya ang mainit na kamay sa aking braso. "Bukas nalang tayo dadalaw sa burol. You should rest first."
Pagod akong kumawala sa kanya pagkatapos ay umiling.
"I want to see her, Jaycint. Gusto kong makita mismo ang kapatid ko dahil hindi ako naniniwala."
Nanatili ang malungkot niyang titig sa aking mga mata.
"'Di ba hindi naman totoo?" namamaos kong tanong kasabay ng paghangos gawa ng muling pag-iyak.
Muli niya akong niyakap. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ulit ang init ng kanyang katawan.
"Jaycint, tell me it's not true. Please tell me that she's still alive? Sige na naman..." pagmamakaawa ko.
Umangat ang kamay ko sa aking dibdib. Oh God, I can't breathe... Bumilis ang pagbaba at taas ng aking dibdib dahil sa mga emosyong muli na namang rumaragasa. Imbes na sundin ako ay humigpit lang ang yakap niya sa akin.
"I'm sorry. I'm so sorry, baby..."
Sa kabila ng panghihina ay nagawa kong kumawala sa kanya. Nalaglag ang aking mga kamay sa kanyang dibdib at pagkatapos ay ikinumo ang mga 'yon sa kanyang damit.
"Sabihin mong buhay pa si Stella, Jace? Please? I'm begging you..."
Umangat ang kanyang mga kamay para hawakan ang sa'kin.
"I wish I can," malungkot niyang sagot. "Kung kaya ko nga lang baguhin ang lahat, hindi lang ang nangyari kay Stella ang babaguhin ko. Pati ang lahat ng naranasan mong hirap aalisin ko dahil gagawin ko ang lahat para sa'yo pero hindi ko 'yon kaya, Valerie... Hindi ko kayang alisin maski 'yang sakit na nararamdaman mo ngayon kaya patawarin mo ako. Lo siento mucho, mi amor..." buong puso niyang sabi kaya bumigay na ako ulit at nagpaubaya nalang sa mga yakap niya.
Sa kanyang dibdib ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Life is playing tricks with me again. Kung kailan naman natututo na akong buksan ang buhay ko sa mga taong karapat-dapat ay saka naman binawi sa akin ang isang taong nagawa ko nang mahalin kahit sa maiksing panahon pa lamang. Gusto kong umiyak pero mas gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Is this karma? Ganito ba talaga kapag masaya ka? May kapalit agad na sakit? Were happy. We were fucking happy that day! Paanong nagawa niyang kaming iwan ng basta nalang?
Stella, you promised that you'll come back. Nangako kang babalikan ako at ang paparating mong pamangkin pero bakit hindi mo ginawa? Bakit ka nang iwan? Bakit ngayon pa?
"Are you still awake?" maingat akong pumihit paharap kay Jaycint.
Kahit na natuloy ang plano niyang huwag na munang pumunta sa burol ngayon dahil pagod na ako sa lahat ay hindi ko naman magawang magpahinga gaya ng gusto niya.
Tumango ako ng mapaharap sa kanya. Pinagdiin niya ang kanyang mga labi ay inayos ang mga buhok sa aking mukha pero hindi na inilayo ang kamay doon.
"We'll get through this, Valerie. Nandito lang ako sa tabi mo, okay? If you want to cry, sasamahan kita."
Inilakad ko ang aking kamay patungo sa kamay niyang nasa mukha ko.
"Thank you, Jaycint. Marami na akong utang sa'yo."
He smiled and then said, "Considered it paid. Sa ngayon huwag mo ng isipin ang mga utang mong hindi ko naman sinisingil. Can you just rest now?"
Tumango ako at sandaling napatitig sa kalmado niyang aurang gusto akong hawaan.
"I don't know what to do without you. Baka napano na ako."
"I'm always here for you, alright? Hindi kita iiwan. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yan? Hinding hindi ako aalis, Valerie."
I wish I can say it back. Sana kaya ko ring mangako ng mga gusto ko at gusto niyang marinig sa akin pero hindi na ako nakapagpatuloy. Hinayaan ko siyang pakalmahin ako. Nang umangat ang kanyang kamay patungo sa aking buhok ay doon na ako napapikit.
"Thank you, Jaycint." wala sa sariling sambit ko habang hinahayaan ang sariling malunod sa antok dulot ng kanyang kamay na naglalaro sa aking ulo.
"You're welcome." he responded before kissing my forehead.
Nagising ako kinabukasan sa boses ni Jaycint habang may kausap itong siguro'y sa telepono dahil wala naman akong marinig na iba bukod ang sa kanya.
"We'll be there," he paused, maybe listening to the person on the other line. "Yeah. She's fine. Ako na ang bahala sa kapatid mo."
Muli akong napapikit. I remember Stella dahil ito ang gawain niya noon kahit pa noong mga panahong hindi pa kami magkaayos. She always make sure that Jaycint was looking after me, taking care of me... I wish it was her. Sana siya nalang at panaginip nalang ang lahat ng ito pero nang marinig ko ang mga sumunod na sinabi ni Jaycint ay muli akong ginising ng katotohanan.
"My deepest condolences, Zuriel." pagpapatuloy niya sa lugmok na boses.
Pinilit kong iahon ang aking sarili at hinintay siyang matapos sa pakikipag-usap.
"Si Zuriel." sabi niya matapos akong makitang gising na.
Tumango na lamang ako. I'm still too weak kahit na tanghali na't buo naman ang naging tulog ko ay ramdam ko pa rin ang panghihina. Kahit nang matapos kaming kumain ay ramdam ko pa rin ang pagod kaya hindi ko na muling naiwasan ang maiyak nang matanaw ko ang malaki at nakangiting litrato ni Stella sa labas ng venue kung saan ito ngayon nakaburol.
It was the same smile that I miss. Iyong ngiting parang sinasabihan akong magiging maayos ang lahat. Magiging maayos pa rin ang lahat kahit na wala na siya at hindi ko kailangang malungkot. Everything will be okay, Ate Val. Ate... Val... paulit-ulit na bulong ng utak ko.
Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Jaycint ng tabihan niya ako't sabayan sa paglalakad sa loob. Maraming tao ang natanaw ko pero kahit sa labas ay napaka-tahimik. Ni isa ay walang nagsasalita. Pinunasan ko ang aking mga luha at marahang inangat ang suot na salamin para mas makita ko ang kulay cream na kabaong sa gitna ng malaking kwartong iyon. Sa bawat hakbang ko ay bumibigat ang aking dibdib. Ang bawat paghinga ko rin ay bumibilis na hindi man lang nakatulong ang pagpisil ni Jaycint sa akin at pagsabing nasa tabi ko lang siya at magpakatatag ako.
Pakiramdam ko ay muli akong nabingi. Muling bumagal ang galaw ng mga tao at wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang paulit-ulit na pagdiin ng matalim na bagay sa aking puso. Ang lungkot na rumaragasa sa bawat ugat na nananalaytay sa aking kabuuan. Ang pighating hindi ko alam kung kaya ko pa bang takasan.
Kumawala ang aking mga hikbi ng salubungin ako ni Zuriel ng yakap. Wala ni isa ang nagsalita sa amin gano'n na rin nang si Zack naman ang yumakap sa akin. Hindi na ako nagtagal o nagtanong pa dahil lutang na akong naglakad patungo sa pakay ko.
Ang lahat ng pagtanggi ko sa nangyari at pag-asang sana ay hindi iyon totoo ay nasagot na ng makita ko ang kanyang maamong mukha na payapang natutulog sa loob no'n. Tinakpan ko ang aking labi at doon hinayaang kumawala ang ingay na dulot ng aking pagluluksa. Mabuti nalang at tinabihan ako ni Jaycint at agad na inilingkis ang kamay sa aking bewang dahil kung hindi ay baka mabuwal ako ng wala sa oras.
Tahimik akong nag-alay ng panalangin at huling mensahe para sa kapatid ko dahil iyon nalang ang magagawa ko para sa kanya. Damn it, ni wala akong nagawa para sa kanya... Ni hindi ko man lang nasabing importante siya sa akin at mahal ko rin siya. Sana nasabi ko. Sana nagawa ko pero huli na. Huling huli na naman ang lahat para sa akin.
Sa lahat ng offer nilang pagkain ay tanging tubig lang ang kinuha ko. Naiwan ako sandali kasama si Zack nang lumabas muna si Zuriel at Jaycint upang lumanghap ng sariwang hangin.
"He'll be here in a minute." anito tukoy kay George na babalik na pagkatapos ng pagbabantay sa anak simula ng maiburol ito.
Tumango lang ako at hinayaan siyang hawakan ang aking mga kamay.
"I'm sorry, Zack," panimula ko. "I'm sorry kung hindi man lang ako nakabawi kay Stella. You know how-"
"Ate..." umiling siya upang pinigilan ako sa paghingi ng tawad kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapalunok nalang. "It was all in the past at hindi totoong hindi ka nakabawi. You made Stella happy. Ang pinaka-masayang parte ng buhay ay iyong naging maayos tayong lahat. You fulfilled her dreams. Pinagbigyan mo siya at pinasaya mo ang kapatid natin kaya doon palang ay bawing bawi ka na."
Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat at muling tinitigan ang kapatid kong natutulog sa harapan.
"I wish I had done more."
"No, Ate. Making her happy was enough... more than enough." buong puso niyang sagot at pag-aalo sa akin.
Sorry, Stella... Patawarin mo si Ate ha? I'm really really sorry.
Lumipas ang mga oras na parehas kaming nakatulala hanggang sa nagkaroon ng ingay dahil sa pagdating ni George. Ngumiti sa akin si Zack at tinulungan akong makatayo para batiin ang kanilang ama ngunit ng maharap ako rito ay agad kong nakita ang pamilyar na mga matang iyon. Ang mga matang mayroong pamilyar na galit. Ang pamilyar na pagkamuhing naging bangungot na sa akin...
"What the hell are you doing here?!"
Lumakas ang pagkabasag sa aking puso ng makita ang pagtayo niya sa wheelchair matapos ihinto ng kanilang unipormadong kasambahay ilang hakbang ang layo sa amin.
"Dad-"
"Anong ginagawa mo rito?! Anong karapatang mong magpakita pa rito at dalawin ang anak kong pinatay mo!"
Pakiramdam ko'y lumakas ang pandinig ko dahil kahit ang pagsinghap ng mga bisita ay narinig ko. Hindi ako nakagalaw ng maglakad siya palapit sa akin, umiiyak at punong puno ng galit.
Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Ang pighati sa aking puso ay trumiple at padagdag pa ng padagdag habang maingat siyang humahakbang.
"Kung hindi dahil sa'yo, buhay pa sana ang anak ko-"
"Dad-"
"Manahimik ka, Zack! She killed your sister! Kung hindi pumunta si Stella para bisitahin siya ay hindi siya maa-aksidente! You killed my wife at ngayon pati ang anak ko ay pinatay mo!" galit na galit niyang sigaw na umalingawngaw pa sa lugar!
Nagpatuloy ang pag-uusap nila at ang pagsigaw ni George pero natulala nalang ako't hindi na nakagalaw. Zack is defending me, I'm sure of it kahit na hindi ko sila lubusang naiintindihan kaya gano'n nalang ang galit ni George.
Napaawang ang aking bibig ng tuluyan na siyang makalapit pero hindi ko na naiwasan ang mabilis na paglipad ng kamay niya at buong pwersang pagdapo nito sa aking kaliwang pisngi dahilan para muntikan na akong matumba! Mabuti na nga lang at agad akong nasalo ni Zack dahil kung hindi ay tuluyan akong nalaglag sa sahig at hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin... Sa amin ng anak ko.
Walang tigil ang pag-agos ng aking mga luha habang humihina ang mga boses nila kahit na alam kong nagsisigawan sila. Nakita ko ang humahangos na pagdating ni Zuriel at ang galit na agad bumalandra sa kabuuan ni Jaycint ngunit imbes na intindihin ang lalaking may gawa ng lahat ng gulo ay pinalitan niya lang ang kapatid kong nakahawak sa aking katawan.
"Are you okay?" mahinang dating ng boses niyang punong puno ng pag-aalala sa aking tenga sabay yakap sa akin ng mahigpit.
It's him. Ang boses niya lang ang naririnig ko pero kahit na ilang ulit na niya iyong itinanong ay wala akong makuhang sagot. Bukod sa pag-iyak ay wala na akong nagawa. Wala na akong kaya pang gawin dahil ramdam kong bumibigay na ako sa kahinaan.
Sa nabibingi at natutuliro kong pag-iisip ay ramdam kong inalalayan niya ako para makatayo ako ng maayos. Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita kong pilit na ibinabalik ni Zuriel ang ama nilang nagwawala na at wala ring tigil sa pag-iyak sa kanyang wheelchair. Zack is telling Jace that we should go. Marami pang nangyari pero hindi ko na nasundan. Ilang beses ko mang naririnig ang pagtatanong niya kahit na nakabalik na kami sa daan pabalik sa hotel ay wala pa rin akong naging sagot.
Pinagnilayan ko ang mga sinabi ni George na kalaunan ay bahagya nang kumumbinsi sa aking baka tama siya. Baka nga kasalanan ko ang lahat. Baka nga totoong ako ang dahilan ng pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay. Baka nga pinatay ko ang sarili kong kapatid. Baka nga... Baka nga...
The last twenty four hours of my life was hell. Hindi dahil sa sakit na dulot ng pananampal ni George na hanggang ngayon ay dama ko pa rin kung hindi dahil hindi ko na mabibisita si Stella dahil dito. Sinabi ni Zuriel na para sa ikatatahimik ng lahat ay huwag nalang muna akong dumalo sa libing nito isang araw. Naintindihan ko naman. At kahit napakasakit sa akin no'n ay pilit ko pa ring iniintindi. Simula't sapul lang naman ay si Stella at ang mga kapatid ko lang ang gusto kong pagbigyan kaya kung kamumuhian ako ni George hanggang sa mamatay siya ay wala na akong magagawa. Naiintindihan ko siya. Kaya kong intindihin.
Hindi nagkulang sa pag-aalaga sa akin si Jaycint kahit na minsan ay wala na akong maisagot sa kanya at gusto ko nalang magpahinga. Hindi siya nawala sa tabi ko para ipaintinding wala akong kasalanan kahit na naniniwala na ako kay George.
"It was an accident, Valerie. Walang may gustong mangyari 'yon at kung nandito lang si Stella ay alam kong iyon rin ang sasabihin niya," yumuko ako ng hawakan niya ang aking kamay. "It's not your fault at maling mali ang ginawa sa'yo ni George. I'm sorry if I wasn't there to prevent it from happening."
Mabagal akong umiling. "It's okay," nanlalata pa rin ang lahat ng parte ng katawan ko pero nagawa kong ibalik ang titig sa kanya. "I'm okay, Jaycint." pinagdiin ko ang aking mga labi para kumbinsihin siya pero tumayo lang siya sa pagkakaupo sa aking harapan para tabihan ako't hilahin patungo sa kanyang mainit na katawan bago halikan sa buhok.
"You don't deserve any of his hate. Kahit sino ay walang karapatang sisihin ka dahil wala kang kasalanan." aniyang tila may naintindihan sa lahat ng nangyari sa akin hindi lang ngayon kung hindi maski sa nakaraan.
Nagpatuloy si Jaycint sa pag-aalo sa akin hanggang sa mapagpasyahan naming magpahinga na kahit maaga pa. Kahit na hindi ako welcome sa libing ay hindi ako pinagdamutan ng mga kapatid ko. Sila rin itong walang humpay ang paghingi ng tawad dahil hindi rin nila inaasahan ang ginawa ni George pero wala na akong pakialam do'n. Sampal lang naman iyon at walang wala iyon sa lahat ng emosyonal na sakit na unang ibinigay niya sa akin. Kaya kong tanggapin lahat ng galit niya kung doon siya magiging masaya pero wala na akong pakialam. Tanging ang pagluluksa ko kay Stella ang pinagtuonan ko ng pansin.
"Let's go." si Jaycint pagkatapos bumaba sa sasakyan at pagbuksan ako ng pinto para puntahan na ang puntod nito matapos umuwi ng lahat.
Napahigpit ang kapit ko kay Jaycint ilang dipa ang layo sa pinaglagyan kay Stella. Hanggang ngayon kasi ay parang ayaw ko pa ring tanggapin ang lahat. I'm still waiting for her to call me. Hanggang ngayon ay inaasahan ko pa ring tawagan niya ako at sabihing nakauwi siya ng maayos. Na babalikan niya ako sa Palawan, kami ng anak ko. Nang pamangkin niya...
Naghihina akong napaluhod ng matapat kami do'n. Tumulo ang aking mga luha. Pakiramdam ko'y dinudurog na naman ang puso ko habang naaalala ang unang beses naming pagkikita. Ang mga hindi pagkakaunawaan hanggang sa aming pag-aayos at pagtanggap sa isa't-isa bilang pamilya... Sobrang iksi. I wish I had more time with her. Sana man lang nakabawi pa ako pero siguro nga marami pang plano ang tadhana para sa akin. Ngayon, habang nakatuon ako sa kanyang puntod at yakap ni Jaycint ay na-realized ko kung gaano kaiksi ang buhay.
Kung kailan kasi kaya ko na, saka naman siya binawi sa akin pero kahit na gano'n ay nagpapasalamat pa rin ako. Stella taught me a lot of things. Una na roon ay kung paano mananaig ang pagiging pamilya kahit gaano pa katindi ang galit. Kung paano magmahal ng mga taong imposibleng mahalin. Kung paano tanggapin ang mga taong hindi katanggap-tanggap kaya nagpapasalamat ako.
"Thank you, Stella... Thank you." I said wholeheartedly in between my sobs.
Ilang minuto pa kaming nagtagal doon at pagkatapos ay nakipagkita naman sa mga kapatid ko upang magpaalam na't bumalik sa Palawan.
"Bibisitahin ka namin kapag may oras kami."
Mapait akong napangiti sa sinabi ni Zack kahit na masaya naman ang pagkakasabi niya sa akin. Ang huli kasing nagsabi no'n ay hindi na ako mababalikan kahit kailan kaya yakap nalang ang isinagot ko sa kanya.
We bid our goodbyes.
Isang linggo matapos ang mga nangyari ay nanatili akong kinakain ng lungkot pero nagpapasalamat akong naging matapat si Jaycint sa pangako niyang hindi ako iiwan. Mas naging abala nga lang dahil ilang linggo nalang ay lalabas na si Baby. Masaya rin ako dahil kahit na sobrang lungkot ng sitwasyon ko ngayon ay parehas pa rin kaming maayos.
Hinabol ko ang aking paghinga matapos ang mainit na halikang pinagsaluhan naming dalawa.
"I'll be back, okay? Hintayin mo ako." nakangiti siyang dumukwang at hinalikan pa ako sa noo.
Umahon naman ako sa pagkakaupo para pigilan siya.
"Jace, nagbibiro lang ako-"
"Nahihiya ka, hindi ka nagbibiro."
Umiling ako kaagad. Nabanggit ko kasing gusto ko ng prutas kaya hindi na siya nagdalawang-isip na kuhanan ako dahil nitong mga nakaraang araw ay wala akong ganang kumain at halos tanggihan ko ang lahat ng mga pinapakain niya sa akin.
"Sandali lang ako," ngumisi siya at hinalikan ulit ako ng mabilis sa labi. "Huwag mo akong ma-miss, sandali lang talaga."
Napanguso ako at wala ng nagawa kung hindi ang hayaan nalang siya. Habang pinapanuod ko siyang naglalakad palayo ay hindi ko mapigilang isipin kung gaano ako ka-swerte sa kanya. He will be a good father, I'm one hundred percent sure of that. Sa akin pa nga lang ay sobra-sobra na ang pag-aalaga niya, ano pa kaya sa magiging anak niya? I'll miss him. Kapag bumalik na ako sa West Side ay siguradong hindi siya mawawala sa isip ko.
Napapitlag ako ng huminto siya bago pa man isara ang pintuan. Kumunot ang aking noo ng muli niya akong lingunin.
"I love you..." aniya kaya nakagat ko kaagad ang aking labi. "Y espero poder hacerte cambiar de opinión porque eres la que necesito, Valerie. Sólo tu..." And I hope I can still make you change your mind because it's you that I need, Valerie. Only you. Dagdag niya na kahit hindi ko lubos na naintindihan ay dumaloy pa rin sa aking puso ang lungkot sa kanyang boses.
Gusto kong sumagot pero bukod sa lungkot ay wala na akong nagawang ipakita sa kanya. This will be over soon and no one can stop it. Iyon ang plano at iyon ang mangyayari.
Habang hinihintay ang pagbalik ni Jaycint ay nakatanggap ako ng text kay Enrique kaya nagmamadali akong pumunta sa balcony. Ngayon ko lang naisip na ilang linggo nalang ay manganganak na ako at hindi ko pa iyon nasasabi sa kanya. I know this will break him but what can I do? Wala na akong magagawa kung hindi ang sabihin ang lahat sa kanya at humingi nalang ng tawad kaya imbes na ipagpabukas pa ay nakita ko nalang ang sarili kong matapang siyang tinatawagan.
"Hello?" lumakad ako sa dulo ng balcony.
Ang malamig na hanging umiihip ang mas lalong dumagdag sa malakas na pagkalampag ng aking puso. Humigpit ang kapit ko sa aking telepono ng makarating sa dulo.
"I know what happened." bungad niyang nagpaawang sa aking bibig kasabay ng paghigpit ng aking kapit sa malamig na barandilya.
"R-Rik," bigo akong napayuko. "I'm sorry..."
Sa pagkakataong 'yon ay parang gusto ko nalang lumuhod at magmakaawa sa kanya kahit na wala naman siya sa harapan ko pero imbes na magalit ay mas naging maintindihin ang kanyang boses kaya nalito ako.
"Ako ang dapat magsabi niyan, Valerie," marami pa siyang sinabing hindi ko na nakuha dahil sa lakas ng pagwawala ng aking puso pero nabawasan iyon kahit paano ng mapagtanto kong hindi ang tungkol sa pagbubuntis ko ang alam niya kung hindi ang nangyari kay Stella.
"It's all over the news," he said softly.
Kahit na nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong bumalik sa upuan dahil talagang nanlalata ako. Kahit na iba ang naging daloy ng usapan namin ay buo na rin ang desisyon kong sabihin sa kanya ang lahat kaya nang makakuha ako ng tiyempo ay wala nang pasakalyeng sinambit ko ang mga katagang ni ayaw pang kumawala sa aking bibig.
"Buntis ako, Enrique." mabilis kong kinagat ang aking labi pagkatapos ng mga salitang iyon.
Wala na akong narinig kung hindi ang pag-aalburoto ng aking puso at ang mga sigawan sa aking utak na mas lalo akong pinapahirapan. Kung ano ang ingay sa gawi ko ay siya namang tahimik nang sa kanya. I expected this from him pero ang ganito katagal? No. Akala ko susumbatan niya ako kaagad o ano pero bigo ako kaya wala na akong napagpilian kung hindi ang basaging muli ang katahimikan.
"I'm sorry. Patawarin mo ako kung nagkamali ako. I'm sorry kung hindi ko natupad ang lahat ng mga pangako ko sa'yo-"
"Do you love him?"
That made me swallowed hard.
"Riki..."
"Tinatanong kita, Valerie." ramdam ko ang kanyang pagkadismaya ngunit buong puso ko iyong tinanggap.
It's my fault. I didn't fulfill any of my promise. Kahit iyong napaka-simple nalang ay hindi ko pa nagawa kaya karapatan niyang magalit at kamuhian ako.
"God, Valerie... Nangako ka-"
"At gagawin ko pa rin 'yon, Riki! Alam ko ang dapat kong gawin kaya pakinggan mo muna ako." nag-uunahan nang tumulo ang aking mga luha kasabay ng pag-garalgal ng aking boses.
"And you want me to believe that?! Ilang buwan mo na akong niloloko?" mapait niyang singhal na tumagos hanggang sa aking dibdib.
Ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagalit. Hindi niya kayang magalit dahil napaka-bait niyang tao pero ngayon, anong nagawa ko?!
"Riki, I'm sorry pero tutuparin ko pa rin ang mga pangako ko!"
"Pero mahal mo na, Valerie!"
Ilang beses kong nilunok ang mga bara sa aking lalamunan para hindi kumawala ang pagkumpirma ko sa bagay na 'yon. Siguro nga tama siyang mahal ko si Jaycint pero kaya ko pa ring tuparin ang lahat ng napag-usapan namin dahil iyon ang mas nakabubuti sa lahat.
"Riki, please? I'm sorry... I promise I'll fix this," pinilit kong tumayo habang patuloy ang pagpupunas sa pisngi. "I'm sorry, Riki. Aayusin ko 'to. Aayusin natin 'di ba? Please? Maniwala ka naman..."
Marahan akong pumihit pabalik sa pintong nilabasan ko kanina pero ang mabilis na pagtunog ng aking telepono hudyat ng pagtatapos ng tawag niya ay kasabay rin ng paglipad ng mga mata ko patungo sa isang bultong nakatayo doon na hindi ko na alam kung gaano na katagal nakatayo at pinapanuod ako!
Kitang kita ko ang agarang pananalaytay ng matinding galit sa kanyang pagkatao dahil siguro'y narinig ang lahat ng pag-uusap namin ngunit bago pa ako makapagsalita ay mabilis na niyang inihagis ang hawak na kaagad namang nagsibasag sa sahig dahilan para mapatalon ako.
"J-Jace..."
"Are you serious, Valerie?!" mapait niyang sambit habang nakatiim ang bagang at halos mag apoy ang mga mata sa galit.
Sa kabila ng panginginig ng magkabila kong tuhod ay nagawa kong humakbang ng mabilis patungo sa kanya ng makita ang agaran niyang pagtalikod at pag alis!
"Jaycint!" hiyaw ko habang patakbong tinatawid ang espasyong namamagitan sa aming dalawa. "Jaycint!"
Pakiramdam ko'y may napunit sa aking puso nang marahas niyang hawiin ang kamay kong humawak sa kanya.
"Are you fucking serious?!" muling niyang sambit sa hindi makapaniwalang tono nang harapin ako.
Bahagya akong napaatras ng mapatutok ako sa kanyang mga mata dahil pakiramdam ko'y siniliban no'n ang lahat ng lakas na natitira sa akin. Dama ko ang mabilis na pag-ikot ng aking mundo at hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin o may kaya pa ba akong gawin ngayon kung hindi ang umiyak sa kanyang harapan. Wala na akong magawa!
"J-Jace-"
Nahinto ako ng lumabas ang sarkastiko niyang tawang pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman.
"Kaya ba hindi pwede? Kaya ba hindi mo ako magawang mahalin dahil may ibang lalaki na pala sa buhay mo?! Na hanggang ngayon pala ay may koneksiyon pa rin kayo? Fuck!" inis niyang isinuklay ng mabilis ang kanyang buhok gamit ang mga daliri bago magpatuloy. "Nagsisi pa ako kung bakit ako nagpadala sa selos noong gabing narinig ko kayong nag-uusap pero totoo naman palang may dapat akong pagselosan! Tang ina, nakakagago ka!"
"Jaycint..." pinilit kong maglakad ulit palapit sa kanya para muli siyang hawakan pero gaya kanina ay agad niya iyong hinawi na tila diring-diri sa akin.
Mabilis ang naging pagtaas baba ng aking dibdib dahil kinakapos na ako ng paghinga dahil sa pagbaha ng mga luha ko. Pagod kong pinunasan ang aking mga mata para mas matitigan siyang mabuti pero muli iyong lumabo ng makita ko ang pagkislap ng sa kanya. Kahit na hindi pa tumutulo ang mga luha doon ay alam kong nauna nang dumanak ang likido sa kanyang puso. He's hurt and I don't know how to make it stop. God, what have I done?
Kumawala ang aking paghikbi ng umatras siya ng humakbang ako.
"Bakit hindi mo man lang sinabi na may iba? Alam kong may dahilan ka pero tang ina naman! Bakit hindi mo nalang diniretso na dahil sa Enrique na 'yan kaya hindi mo ako kayang mahalin? Na mas pipiliin mo pa 'yang lalaking 'yan kaysa sa anak mo! Mas gugustohin mo pang iwan ang lahat para lang sa kanya! Para lang sa lalaki, Valerie! Mas kaya mo pang mahalin ng sobra 'yan kaysa sa magiging anak mo!"
I snapped at that. Para akong binigyan ng instant na lakas at matinong pag-iisip para sagutin siya.
"That's not true, Jaycint!"
"Oh come on! Ano bang totoo, Valerie?! May totoo ba sa'yo?!"
Naikumo ko ang aking mga kamay sa narinig. Naiintindihan kong galit siya kaya nasasabi niya iyon pero ni minsan ay hindi ko naisip na sa kanya ko 'yon mismo maririnig kaya sobra sobra ang pait na nalasahan ko sa kanyang mga salita.
"Ano?! Hindi ba wala?" umalingawngaw ang malakas niyang sigaw sa kwartong kinaroroonan namin.
Hindi ako nakasagot. Alam kong hindi ko siya kayang sabayan pero unti-unting napupuno ang puso ko.
"Alam kong ang tanga ko nang ikaw ang pinili ng puso kong mahalin pero sana naman hindi mo na ako pinaikot-ikot! Oo kasalanan kong hindi ko nilinaw sa'yo kung sino talaga 'yang lalaking 'yan sa buhay mo pero pinaramdam mo eh! Pinaramdam mong may halaga ako sa'yo at nakuntento ako doon kaya kahit na wala tayong relasyon ay naniwala ako't umasa. Naniwala ako sa lahat ng emosyong ipinakita mo sa akin pero sana nagpaka-totoo ka nalang na kaya ka aalis ay dahil sa ibang lalaki! Sana sinabi mo nalang ang totoong dahilan na hindi mo kayang maging ina dahil lang sa lalaking 'yan-"
"Oo na!" malakas ang sigaw kong halos pumutol sa mga ugat sa aking leeg.
Nangibabaw ang sakit at pagkadismaya sa aking puso dahil sa mga sinabi niya. Aminado akong kasalanan ko at wala akong kwentang ina pero hindi niya alam ang lahat kaya wala siyang karapatang husgahan ako ng gano'n nalang!
Umangat ang gilid ng kanyang labi sabay iling.
"How fucking pathetic of you." he spat bitterly. "Para lang sa lalaki, Valerie." bakas ang pighati sa pagdiin ng kanyang mga salita. "Bakit ano bang meron siya na hindi ko kayang ibigay?! Damn it, sabihin mo!" mas malakas niyang hiyaw na halos pumiyok pa sa tindi ng sama ng loob.
Nilunok ko ang pait ng mga salitang iyon kasabay ng aking mga emosyon pero imbes na magpadala sa galit at panghihina ay buong tapang akong nakipagtitigan sa kanyang mga matang patuloy akong sinusubukang tupukin. Muli kong hinawi ang mga likidong pilit kong pinipigilang malaglag sa aking pisngi.
"Enrique is my cousin, Jaycint."
Bumalandra ang kasarkastikuhan sa kanyang mukha.
"Oh, so now you're telling me that you're in love with your own cousin? May relasyon kayo ng pinsan mo at dahil sa kanya kaya hindi ka na pwedeng magmahal ng iba? Gano'n ba?" may panghuhusga at pandidiri niyang sabi na nag-uudyok sa aking isigaw ang lahat ng katotohanan pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko.
If he wants to know the truth then so be it. Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago nagpatuloy.
"Tama ka, mahal ko si Enrique," I can feel my heart burning so bad while preparing myself to tell him the truth pero dahil nananatili ang pagkamangha niya't pagkabaliw sa mga sinabi ko ay walang kurap na akong nagpatuloy. "And we have a son." madiin kong dagdag na bumura sa lahat ng kasarkastikuhang nasa kanyang mga labi.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro