CHAPTER 54
CHAPTER FIFTY FOUR
Game Of Life
Kung may natutunan man ako pagkatapos ng pag-uusap namin ni George ay 'yon ang kung paano hayaan ang sarili kong maging malaya kahit sandali, kahit ngayon lang at kahit mali. Hinayaan ko ang sarili kong maging masaya dahil alam kong ang kasiyahan ko habang kasama si Jaycint ay may katapusan rin.
Mas lalong naging maganda ang pagsasama naming dalawa na kahit walang klarong estado ang relasyon namin ay parehas kaming masaya at kuntento.
"Wow..." hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Jaycint habang hawak ang litrato kong kaluluwa lang ng polaroid sa kanyang kamay.
"Okay lang ba? Sabi ko sa'yo masagwa." nahihiya akong lumapit sa kanya matapos ang dalawang shot ng litratong nakabalandra ang aking tiyan at marahan iyong haplos.
Inilayo niya ang hawak ng akmang kukunin ko. "These are perfect," masaya niyang sabi sabay hawak sa kamay kong pilit pa rin iyong kinukuha. "You are perfect. Buntis man o hindi." dagdag niyang nagpatigil sa akin.
Naputol ang aking paghinga ng hilahin niya kaya mabilis akong napaupo sa kanyang kandungan!
"Look," inangat niya ang litrato at ipinakita sa akin.
Kahit na gusto kong umalis sa pwesto ko ay hindi ko magawa ng matitigan ang aking litrato. Parang gusto kong maniwala sa kanyang mga sinabi. Ang akala kong masagwa ay malayong malayo sa resulta. Kung tutuusin ay kahit wala akong kolorete ay napakaganda ko doon. My baby gave me a natural blush, or maybe it's just Jaycint.
"You're blooming. Siguro nga babae ang anak ko."
Umayos ako ng upo at kinuha ang litrato sa kamay niya. Ipinulupot niya naman kaagad iyon sa aking katawan at pagkatapos ay inihilig ang mukha sa aking balikat, sinabayan akong dungawin ang litrato ko.
"Gusto mo na bang malaman kung ano talaga?"
Mabilis siyang umiling. "Nah," napatuwid ako ng upo ng maramdaman ang mainit na pagdampi ng kanyang mainit na labi sa ibabaw ng aking balikat. "It's fine." Pakiramdam ko'y nanigas ang katawan ko gawa ng pagpalit ng mainit niyang paghinga sa aking balat!
"S-Sigurado ka?" kinakabahan kong tanong dahil kahit na alam kong ramdam niya ang reaksiyon ng katawan ko ay hindi niya pa rin ako binitiwan.
"I don't want to talk about it," napalunok ako ng umalis siya sa pagkakahilig para salubungin ang mga mata ko. "Alam kong hindi magbabago ang desisyon mo at kapag inisip kong malapit ko ng malaman ang kasarian ni baby, kasabay rin no'n ang pag-iisip ko sa desisyon mong umalis and I hate thinking about it. I don't even want it to cross my mind, Valerie."
"Jaycint..."
Inangat ko ang aking mga kamay patungo sa kanyang mukha. Kahit na mabigat ang pinag-uusapan namin ay hindi ko maiwasan ang mapangiti nang isuklay ko ang mga ito sa kanyang buhok.
"You're going to be fine. Kahit wala ako, magiging maayos ka... Kayong dalawa."
"Paano kung hindi? Paano kung ikaw ang kailangan ko?"
Sandali akong natulala sa kanya. I'm giving him false hope at kapag sinagot ko pa 'yon at sabihin kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa kanya ay baka mas lalo lang siyang umasa at mas maging mahirap lang ang lahat para sa aming dalawa kaya imbes na sumagot ay umalis ako sa kanyang kandungan.
"Nagugutom na ako. Parang masarap ang rambutan, meron kaya?" sabi ko gamit ang masayang boses na sa una'y inilingan niya pero sa huli ay wala na ring nagawa kung hindi ang pagbigyan ako.
Gano'n ang naging routine namin ni Jaycint. Hinayaan ko ang sarili kong maging masaya dahil kahit na marami pa namang araw na darating ay alam kong sa isang punto ay magtatapos rin ang lahat ng ito.
"Stella, this is too much."
Hindi ako magkandaugaga sa pag-usisa sa mga bagay na muli niyang ibinigay para sa anak ko. Though alam niya naman ang magiging set-up namin ni Jaycint kapag narito na ang baby, hindi pa rin siya natigil sa pagbibigay ng pagmamahal sa kanyang pamangkin. Sinabi niyang dahil ayaw ko raw tumanggap ng regalo para sa sarili ko ay sa anak ko nalang niya ibibigay dahil alam niyang hindi ko iyon matatanggihan.
"Ate, walang too much too much sa akin. Isa pa, pinaghirapan ko 'to. This is my first paycheck!" proud niyang kwentong imbes na magpasaya sa akin ay parang lalo ko lang siyang gustong pagalitan.
"Stella-"
"No. This is not for you, remember?" masaya niya akong tinabihan at niyakap sabay bulong. "I miss you, Ate. Sana malapit ka lang sa Cebu para palagi kitang nakikita."
Wala sa sariling sinagot ko ang yakap niya. Siguro nga posible rin ang pagbabago. Gaya nalang ngayon na ang turingan namin ay parang mas lamang na sa buong magkapatid. Hindi ko alam kung paano niya ako nagagawang pasiyahin pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
"I'll be back in Manila soon. Malapit na." kumawala siya sa akin pero hindi naman iniwan ang kamay ko.
"Are you really sure with your decision?" ngayo'y malungkot na niyang tanong.
Marahan akong tumango at ngumiti.
"Kung gusto mo rin akong bisitahin doon pwede naman kaso nga lang, hindi ganito ang bahay ko. Magulo 'yon tsaka maliit lang." gumaralgal ang boses ko sa huling sinabi.
Kahit na gano'n ay parang nami-miss ko na rin ang ingay sa West Side. Kahit na may parte sa puso kong gusto nang dito nalang ipagpatuloy ang buhay at kalimutan nalang ang lahat ng naroon ay nananaig pa rin ang mga dapat kong gawin at sundin.
"Bibisitahin kita. Thank you ulit, Ate Val. Pinasaya mo ako at mas masaya na ako ngayong kahit paano ay nakapag-usap na kayo ni Daddy."
Isang tango nalang ang naisagot ko sa kanya. Mabuti nalang at sakto namang dumating si Jaycint pagkatapos ng ginagawa sa kanyang opisina. Sabay sabay na kaming kumain ng tanghalian at kinahapunan naman ay inihatid na namin siya sa Delaney Worldwide dahil aniya'y tatlong araw ang business meeting niya rito sa Palawan at dadalaw nalang ulit sa bahay bago siya bumalik sa Cebu.
"Never have I ever kiss someone I love." Napangiti ako ng makita ang agarang pag-inom ni Jaycint sa alak na nasa harapan dahil sa tanong.
I don't know how we ended up playing this game na ni minsan ay hindi ko naman nalaro. I found it lame at first dahil unang una, hindi ako pwede sa alak at tanging gatas lang ang pwede kong inumin at pangalawa, lahat yata ng sinabi ko ay ininuman niya. Hindi ko tuloy alam kung gusto niya lang talagang maglasing ngayon o talagang nagawa na niya ang lahat ng mga sinasabi ko.
Siya naman ang nagsalita matapos sulyapan ang teleponong hawak.
"Never have I ever been a center of attention."
Of course, uminom ako ng gatas bilang sagot. I've been and always been a center of attention dahil sa mga pakikipag-away ko. Isama pa doon ang mga panahong nag-uumpisa palang akong magtrabaho sa club.
"Hmm."
Umiling lang ako't nginusuan siya pero hindi na rin nagtagal.
"Never have I ever fucked someone I didn't love."
Sandali siyang natigilan habang ako naman ay wala ring masabi o magawa kung hindi ang hintayin siya. He looks like he's thinking so hard about it.
"Come on, Jaycint. Uminom ka," natatawa kong sabi pero umiling lang siya. "Baka nakalimutan mong ginawa mo 'yon sa'kin-"
Doon na siya uminom kaya natigil ako. Napatuwid ako ng upo dahil imbes na magpaliwanag pa ay itinuloy niya lang ang laro. Wala sa sariling naputol ang aking paghinga ng makita ang pag-awang ng kanyang bibig.
"Never have I ever made love."
Gusto kong kunin ang baso ko. Gusto kong uminom pero hindi ko magawa dahil hindi ko lubos maisip kung paano ang gano'n. Yes we had sex pero sa dami no'n ay hindi ko madepina kung pwede na ba iyong ikonsiderang making love. Bukod rin sa kanya ay wala akong matandaang ibang lalaking nagawan ko ng gano'n. It's all lust. Madalian, pamparaos at iyon lang ang malinaw sa akin.
Hindi ako uminom. Gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata pero ngumiti lang ako.
"Sorry Jace, pero pwede na ba tayong umakyat sa taas? Medyo inaantok na kasi ako." sabi ko nalang para hindi ko na masabi sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ako uminom.
Kahit maayos kami ngayon at nagbunga ang ilang beses naming pagtatalik ay hindi ko alam kung sapat ba iyon upang tawaging bunga ng pagmamahal. Patuloy mang nagbabago ang pagtingin ko ngayon sa buhay at ang mga nararamdaman ko para sa kanya ay hindi pa rin ako dapat mag siguro dahil ako ang mas nakakaalam ng tama.
Ang huling araw ni Stella sa Palawan ay kasabay rin ng huling araw ni Rigel kaya doble ang naging lungkot ko. Kahit na ipinangako ni Stella na babalik siya sa susunod na linggo ay parang hindi ako kumbinsido.
"Ate Val!" natatawa niyang sabi habang yakap yakap ko.
Naintindihan ko ang pagkabigla niya dahil kahit kailan naman ay hindi ako naging ganito sa kanya. Hindi ko na rin tuloy maintindihan ang sarili ko. Basta ang gusto ko lang sa ngayon ay yakapin siya dahil matagal tagal na naman kaming hindi magkikita at ngayon palang ay nami-miss ko na naman siya.
"Mag-iingat ka, okay? And call me when you got home." paalala ko ng bumitiw ako sa kanya.
"I know. Pang limang sabi mo na 'yan! Para namang hindi ako babalik!"
"Kahit na." napanguso ako pero nawala rin iyon ng magbaba siya at ibigay ang lahat ng atensiyon sa aking malaking tiyan.
"Baby, wala ka pa mang pangalan pero punong puno ka na ng pagmamahal. Marami na kaming naghihintay sa'yo kaya magpalaki ka pa ha? Be healthy at huwag mong pahihirapan si Mommy mo, okay?"
Natawa ako ng maisip ko ang sarili kong sinasabi iyon noon kay Skyrene. Parang hindi tuloy ako makapaniwalang ilang linggo nalang ay ako naman ang magsisilang ng panibagong buhay sa mundong ito.
Napapitlag ako ng hawakan niya ang aking tiyan.
"Ako ang Tita mo. Tita Stella, okay? Huwag mo akong kakalimutan ha?"
Pinagdiin ko ang aking mga labi ng tigilan na niya ang bata sa aking tiyan at muli na akong niyakap para magpaalam na ng tuluyan.
"See you, Ate!"
I kissed her in the cheeks. "Tumawag ka pagdating mo."
Tumango tango siya at nagpaalam na rin kay Jaycint. It's funny how days went so fast. Parang noon lang ay ni hindi ko siya matitigan pero ngayon ako na yata ang mas naging clingy dahil ayaw ko na siyang mawala sa paningin ko... Gaya nalang ng pagiging clingy ko kay Jaycint.
Hinayaan kong halikan ni Jaycint ang aking buhok habang patuloy kaming magkayakap dalawang oras matapos naming maihatid ang mga umalis.
Nakapikit ang aking mga mata pero kahit na gano'n ay mukha niya pa rin ang nai-imagine ko. Ang gwapo niyang mukha na siguradong mami-miss ko kapag natapos na ang lahat ng kahibangang ito.
"You smell so good, Jace." bulalas kong hindi madaling bawiin kaya gano'n nalang ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi ng marinig ang pagtawa niya.
He really smells so good. Like lemons and mint.
"I know but can you just not say it?" napadilat ako at lito siyang tinitigan. "Baka makalimutan kong buntis ka eh."
Sinapak ko ang dibdib niya. No he does not! Pag-isipan ba naman ako ng kung ano ano ngayong puputok na nga ang tiyan ko?!
"Ang taba taba ko Jaycint at ang pangit-"
"Shh," literal akong hindi nakapagsalita dahil sa mabilis na pagdalo ng kanyang hintuturo sa aking labi. "Stop telling lies, Valerie. Kahit ano pang pakiramdam mo sa sarili mo, isang sabi mo lang hindi ako magdadalawang-isip na-"
"Jaycint!" nahihiya akong lumayo sa kanya kaya mas lumakas ang kanyang pagtawa!
Lalong namula ang pisngi ko dahil do'n pero wala naman akong magawa para itago ito dahil sa mabilis niyang paglapit para hulihin ulit ako at dalhin sa dulo ng balcony. Kabababa palang ng araw at katatapos palang ng trabaho niya kaya ganito nalang ako kung makalingkis dahil sa ilang oras na hindi ko siya makulit.
"Can I ask you question?"
Napawi ang mga ngiti ko sa tanong niya. I didn't answer him. Ni pagtango ay hindi ko nagawa dahil dama ko ang matinding kaseryosohan niya ngayon at alam kong dapat akong kabahan sa mga salitang palabas sa kanyang bibig.
Napalunok ako ng makita ang mabagal niyang pagkurap na tila pinag-iisipan ring mabuti ang mga sasabihin.
"Minsan ba naramdaman mong gusto mo rin ako?" nagsalubong ang mga labi ko upang pigilan akong magsalita.
Hindi dahil hindi ko iyon kayang sagutin kung hindi dahil baka may masabi akong labag sa nararapat. I honestly don't know how to answer that. Balewala rin naman ang nararamdaman ko dahil taliwas doon ang dapat kong gawin. I made a promise to Enrique at kahit na ilang beses ko na iyong nasira ay desidido pa rin akong maging maayos ang lahat. Sa amin ni Jaycint at mas lalong sa aming dalawa ni Enrique.
Bahagya kong nakagat ang gilid ng aking pisngi ng makita ang pagbagsak ng kanyang magkabilang balikat at kamay sabay hawak sa akin.
"Sobrang hirap ba talagang gustohin ako?" malungkot niyang tanong na nagpa-bagal sa aking paghinga.
"Jaycint..."
"Hindi ba pwedeng mahalin mo na lang ako?" tanong niya ulit kasabay ng marahang pagpisil at pagyuko para titigan ang kamay ko dahil kahit ang mga mata ko ay takot na magpakita ng kahit anong emosyon sa kanya.
Sa pagkakataong ito ay pakiramdam ko ako na ang pinaka-masamang tao sa mundo dahil nakakasakit ako ng harap-harapan. Nasasaktan ko ang taong ibinibigay na ang lahat ng mga pangarap ko noon pero ako ang may problema. Ako lang.
Inikot ko ang aking palad para pagpalitin ang pwesto ng mga kamay namin. Ako naman ngayon ang nakahawak sa kanyang kamay. Tumingala siya para muling salubungin ang mga mata ko.
I swallowed the bile in my throat when I see his dark eyes, almost pleading for an answer. Para bang gusto akong pigain dahil sa panahong magkasama kami ay siguro naman ramdam niyang meron. Iyon rin naman ang totoo. He's not that hard to love at kung magpapakatotoo lang ako ngayon sa nararamdaman ko, hindi na siya mahihirapang alamin iyon dahil ako na mismo ang magsasabi. Iyon nga lang, masasaktan siya. He will definitely suffer with me dahil unang una, sino ba naman ako? Bakit ako? Tang ina, paanong naging ako?
"Masasaktan kita..." halos pabulong kong sambit pero narinig niya pa rin iyon dahil bumagal ang pagbaba ng kanyang talukap. "Hindi ka mahirap gustohin Jaycint at mas lalong hindi ka mahirap mahalin dahil mabuti kang tao."
"But why can't you love me?"
Napasinghap ako ng maramdaman ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata. Tumuwid siya ng tayo sa aking harapan ng lumipas ang mga segundong wala pa rin akong maapuhap na sagot.
"God, what did they do to you, Valerie?" punong puno ng lungkot at simpatya niyang tanong dahilan para mag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo.
Parang gusto ko nalang siyang yakapin. Parang gusto ko nalang magsumbong sa kanya. Parang gusto ko nalang humagulgol at hayaan siyang aluin ako hanggang sa tumahan ako gaya ng palagi niyang ginagawa sa akin.
Gusto kita, Jaycint... At gustong gusto rin kitang mahalin.
Pinilit ko nalang ngumiti at tinulungan siyang punasan ang mga luha ko. That's all I could do. Iyon lang sa ngayon. Doon ako magaling. Magaling akong magsinungaling. Pilit kong paalala sa aking sarili.
"You'll be better off without me, Jaycint," mabagal ngunit klaro kong sambit sa boses kong halos hindi ko na nakilala dahil sa panginginig. "May babaeng mas karapat-dapat sa'yo at hindi iyon magiging ako. Hindi ngayon, hindi bukas-"
"But I want it to be you..." he cupped my face and watched my tears pooled my eyes. "Ikaw ang gusto ko," buong hinanakit niyang pag-amin. "Mahal kita, Valerie Cross. Mahal na mahal..." aniya pero bago pa ako makasagot ay naputol na ang lahat dahil sa maingay na pag-aalburoto ng aking teleponong nakapatong sa lamesang nasa gilid.
Naramdaman ko ang mas lalong pagbigat ng aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Siguro isa na doon ang mga sinabi niya pero ramdam ko ang mas malakas na pagkalabog no'n ng kumawala ako sa kanyang pagkakahawak. Nakita ko ang bigo niyang pagyuko at pagpikit ng mariin pagkatapos ay umatras para bigyan ako ng daang makawala sa kanya.
Nanatili ang malungkot kong titig sa kanya habang dahan dahang lumalayo para tugonan ang tumatawag. Nang tumalikod siya ay saka ko lang binalingan ang kinuha kong bagay at sinagot agad ng makita ang pangalan ni Zack.
"Hello?" tinanggal ko ang bara sa aking lalamunan para maging pormal ang dating ko sa kabilang linya pero ng marinig ko ang paghangos ng kapatid ko ay muling bumagsak ang lahat sa akin.
"Ate Val, si Stella..." aniya sa boses na akala mo'y kanina pa naghihinagpis. Wala akong naisagot at nagawa kung hindi ang mapakapit sa aking telepono. "She's gone, Ate Val. Wala na si Stella." pagpapatuloy niya kasabay ng muling paghikbi kaya nanghihina na akong napaupo sa katabing upuan kasabay ng pagdalo ng aking palad sa aking bibig upang pigilan ang tuluyang pagkawala ng aking mga hikbi.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro