CHAPTER 53
CHAPTER FIFTY THREE
George Cross
Nagising akong nakayakap kay Jaycint. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari pero hindi ko naman magawang magreklamo dahil totoong mas komportableng matulog habang yakap yakap niya. Kahit nga gising na gising na ang diwa ko ay hindi ko magawang ilayo ang sarili ko. He's still sleeping. Maaga pa naman pero nitong mga nakaraan ay ganito na talaga kaaga ang gising ko.
Para akong nababaliw na napangiti habang nakatitig sa kanyang maamo't kalmadong mukha na parang idinuduyan pa ng napakagandang panaginip. Mas lalo akong natuwa ng maisip na baka ako ang isa sa mga dahilan kung bakit ganito kasarap ang tulog niya... o baka assuming lang ako?
Dahil sa sobrang pag ngiti ay kinagat ko na ang labi ko. Nababaliw na naman ako. Baliw na baliw na naman pero paano nga bang ma-un-baliw sa kanya? Wait... Is that me? Baliw ako? Baliw kay Jaycint? Paano?
Sunod ko nalang nakita ang sarili kong hinahaplos ang kanyang panga. Ipinirmi ko ang aking palad sa kanyang pisngi at iginalaw lang ang aking hinlalaki para haplusin iyon. God, he is gorgeous. Ngayon palang ay sigurado na akong magiging sobrang gwapo o ganda ng magiging anak namin dahil sa kanya. He's a masterpiece. Walang kapintasan.
Nataranta ako't nahinto sa paghaplos sa kanyang mukha ng makita ang pagkislot ng kanyang mapupulang mga labing kahit walang ginagawa ay parang gusto kong pagalitan dahil sa matinding pang-aakit! Nang muli siyang napirmi ay doon lang ako nagpatuloy.
Parang may kumurot sa aking puso ng maisip kung paano kami nagsimula at kung paano kami matatapos. Baliw na nga talaga ako at aaminin ko na 'yon dahil habang pinagmamasdan siya ay hindi ko napigilang mahaluan ng lungkot ang aking puso at ang mga hiling na sana ay wala nalang katapusan ang lahat ng ito. Sana pwede akong humiling ng mas maraming bukas kasama siya. Sana mas marami pa hanggang sa maawa nalang ang tadhana at ibigay nalang sa akin si Jaycint hanggang sa dulo pero may parte pa rin sa aking tumututol dahil alam kong magugulo ang lahat at mas lalo lang siyang mahihirapan at iyon ang ayaw ko. Ang makita siyang malungkot. Ang makita siyang nahihirapan sa akin ay hindi ko kaya.
Kumurap-kurap ako dahil baka kapag hindi ko pa itinigil ang pag-iisip ay magising nalang siya sa paghikbi ko. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko sa kanyang mukha pero bago ko pa iyon magawa ay maagap nang umangat ang kanyang palad para hulihin iyon at ipirmi sa mukha kasabay ng pagdilat ng kanyang mapupungay na mata.
"Don't stop, baby," namamaos niyang sambit bago muling pumikit. "Please, baby..."
Natulala nalang ako at hindi na nakagalaw kahit na gusto ko siyang sundin! My heart is pounding so hard in my chest at hindi imposibleng naririnig niya 'yon pero mabilis rin akong nakabawi ng maramdaman ang pagluwag ng kanyang hawak sa akin kasabay ng pagbalik sa normal na kanyang paghinga. Doon lang ako nakagalaw. Sa muling paghaplos ko sa kanyang mukha ay tumulo na ang luha ko sabay bulong,
"I'm a burden, Jaycint Ace... Isa akong malaking pabigat at mahihirapan ka lang kaya patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung kailangan kong ihinto ang lahat kahit ayaw ko. Patawarin mo ako kung hindi kita kayang pagbigyan kahit na alam kong..." tumigil ako sa pagsasalita ng kumawala ang aking mahinang hikbi. Hinayaan ko muna ang sarili kong kumalma pero hindi ko na itinuloy ang pagsasalita bagkus ay sa utak nalang iyon sinabi. Kahit ako, gusto ko. Gustong gusto ko...
"Okay ka lang?" nalilito kong tanong sa kanya dahil simula ng pumunta kami sa party ni George ay hindi na nawala ang mga makahulugan niyang titig sa akin.
Nagkibit lang siya ng balikat at muling uminom sa basong may lamang alak.
"Hindi porket hindi ikaw ang magda-drive, pwede ka ng malasing, Jaycint." paalala ko pero imbes na huminto ay muli siyang kumuha ng inumin sa waiter.
"Hoy!" siniko ko na at sinamaan ng titig!
"Sorry. Kaya ko naman."
"No! Buntis ako at hindi kita kayang buhatin kapag nalasing ka!" mahina ngunit madiin kong pagalit dahil nasa kalagitnaan sa pagsasalita ni George sa gitna upang magpasalamat sa lahat ng dumalo sa kanyang kaarawan.
Kung tutuusin ay dapat ako ang maglasing ngayon dahil alam kong ito na ang oras na mag-uusap kami ni George at makapagpatawaran kung iyon nalang ang hinihintay niya bago lisanin ang mundong ito. I'm ready for it. Naisip kong wala rin namang mawawala kung pati siya ay patawarin ko nang sa gayon ay makausad pa ako dala ang mas magaan na puso at pag-iisip.
Bumuntong hinga si Jaycint at kinalahati ang laman ng panibagong basong hawak bago iyon tigilan. Namumungay na ang kanyang mga mata dahil siguro'y pagdating palang namin kanina ay uminom na. Naging abala kasi ako kay Stella dahil hindi pa man umiinit ang pwet ko kanina ay kinuha na niya ako kay Jaycint para ipakilala sa ilan pang mga kaibigan at kamag-anak. Hindi man bukal sa loob ko ang pagsama sa kanya ay hinayaan ko nalang rin ang sarili ko dahil alam kong doon siya mas sasaya at lahat ng kasiyahan niya ay kasiyahan ko na rin kaya hindi naman naging mahirap.
"M-May problema ba?" kinakabahan kong tanong sabay ayos ng upo paharap sa kanya.
Itinaas niya ang kanyang kamay sa ere para sabayan ang palakpakan pero hindi ko siya sinunod bagkus ay nanatili ang mga mata kong nagtatanong.
"Wala," ngumiti siya ay kumurap-kurap pagkatapos ay marahang inilakad ang kaliwang kamay patungo sa aking bewang para ako'y hapitin palapit sa kanya.
Mas lalo mang nag-alburoto ang puso ko pero wala akong nagawa lalo na ng ilapit niya ang kanyang mukha sa gilid ng aking tenga.
"He's done. Are you ready?"
Ako naman ang napahugot ng malalim na paghinga. Right. Dapat ko pa nga palang gawin 'yon. Mabagal ang naging pagtango ko. Muli siyang ngumiti at kinuha ang isang kamay ko para dalhin sa kanyang bibig at lapatan ng isang masuyong halik.
"Kayang kaya mo 'to. Ikaw pa ba?"
His statement made me smile. Hindi man nawala ang kaba ko pero nakatulong naman iyon para magkaroon ako ng sapat na lakas ng loob. Nang bumalik na ang ingay ng tugtog sa kabuuan ng lugar ay niyakap ko nalang si Jaycint para magpaalam at sumunod kay Zuriel para ihatid ako sa kanyang ama.
It was the longest silence I've encounter. Nasa magkabilang dulo kami ng isang mahabang couch habang parehong nakadungaw sa kawalan, nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita pero siguradong hindi ako 'yon. I have nothing to say to him. Kung may request siyang sabihin ko, saka lang ako magsasalita.
"Valerie..." sa unang paglabas palang ng salitang iyon sa kanyang labi ay napatuwid na ako ng upo. His voice is weak, mas mahina pa sa hitsura niya ngayon kahit na ayos na ayos ang postura dahil sa selebrasyon.
Tikom ang bibig ko siyang nilingon. Again, hindi ko alam kung magsasalita na ba ako o dapat pa ba akong magsalita dahil hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong tunawin na ang lahat pero hindi ko pa rin maiwasan ang isipin ang mga nangyari sa nakaraan. Kahit na buo na ang loob kong magpatuloy ng walang bigat, alam kong kailangan pa rin naming dalawa ng closure. Kailangan ko pa rin ng mga sagot kung bakit hindi niya ako tinanggap noon? Bakit niya ako nagawang ipagtabuyan gayong hindi ko naman hiniling na buhayin niya ako simula't sapul? How can someone conceive a child and hate it afterwards? It's evil. Pure evil.
"Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko noon sa'yo," pasimple kong kinagat ang aking labi.
Gusto kong tumango. Gusto kong sabihing ayos na 'yon at tapos na para matapos na rin ang usapan ito pero naduwag ako. Damn it, naging duwag na ako!
Nakahinga ako sandali ng ilayo niyang muli ang titig sa akin. I'm not sure if he's giving me a favor o gaya ko rin siyang hindi na rin makahinga sa sitwasyon. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako't iniwan niya ang mga mata ko.
"Alam kong walang maayos na dahilan kung bakit ko nagawa ang lahat ng kapabayaan noon. Wala akong maisip kung hindi ang pagiging ama ko. Iyong amang gusto lamang mabuo ang kanyang sinimulang pamilya-"
Kumawala ang sarkastikong tawa sa aking bibig dahil sa narinig kaya wala siyang nagawa kung hindi ang huminto. I want to say something that would hurt him just as much but my lips remain sealed. Tumagal ang titig niya sa akin kaya umiling ako kasabay ng mas pagtangis ng aking bagang. Parang gusto kong tawagin si Stella at ang mga kapatid ko para manghingi ng tawad sa kanila dahil ngayon, sa mga narinig ko palang ay parang hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang lahat.
"Ilang buwan bago ka dumating ay kakasugod pa lamang sa hospital ng asawa ko dahil sa stress ng malaman niyang may anak ako sa iba. She was pregnant with Stella at simula no'n ay hindi na siya ang dating Therice na nakilala ko hanggang sa maaga siyang nanganak at..."
Dumaloy ang awa ko dahil sa pagpanaw ng asawa niya pero hindi iyon para sa kanya kung hindi para sa mga kapatid ko. Ngayon, habang nakatitig sa kanya ay wala akong maramdaman kung hindi ang galit. Tama siya, wala ngang maayos na dahilan kung bakit niya nagawa iyon sa akin. Kung bakit niya ako ginawa gayong gusto niya naman palang maging maayos na ama sa mga kapatid ko. Dapat nakuntento siya. Dapat alam niya kung ano ang pinasok niya at hindi lang kung saan saan siya pumapasok!
"So gusto mo bang sabihin na ako ang dahilan kaya namatay ang asawa mo?" walang preno kong tanong na nagpaalarma sa kanya pero wala naman ginawa.
Napalunok ako ng makita ang pagkalugmok sa kanyang mukha.
"Iyon ang pinaniwalaan ko at iyon ang isa sa mga pinagsisisihan ko, Valerie."
"Totoo bang nagsisi ka?" buong tapang kong sinalubong ang kanyang titig gamit ang matalim kong mga mata. "Pwede mo bang ipaintindi kung paano ka nagsisi? Kasi hanggang ngayon, kahit sa panaginip parang hindi ko maisip." nang makita ko ang pagtayo niya at ambang paglapit sa akin ay nagmamadali na rin akong tumayo pero para lamang iwasan siya.
Nalaglag ang kanyang panga ng umatras ako dahilan para mabigo siya sa pakay. Forgiving someone is really hard... Akala ko madali na. Akala ko kayang kaya ko na pero sa mga sinabi niya ngayon ay parang mas inilagay niya lang ang sarili niya sa dagat ng sama ng loob ko.
"Valerie-"
"You broke me, George," ikinumo ko ang aking kamay at pinigilan ang sariling maramdaman ang mga emosyong alam kong magpapahina sa akin sa kanyang harapan. Not this time. Not anymore. "But you know what? Wala na akong magagawa kasi tapos na. I should thank you for telling me the reason why you hated me so much. At least kahit paano alam kong may dahilan ka naman pala. Kung siguro sinabi mo lang, sana naintindihan ko pero sana naintindihan mo ring hindi ko namang kasalanang ginawa mo ako. You should know better because It's you who brought me out of this world at kung alam ko lang kung gaano kalupit dito, sana hindi nalang ako nakipagkompitensiya. Kung alam ko lang na mawawalan ako ng mga magulang, sana ako nalang 'yung minalas kasi ang totoo... Ang hirap. Sobrang hirap mabuhay sa dito at sobrang hirap lalo na kung wala kang makapitan. I died that night. Pinatay mo lahat ng pagmamahal at pag-asa ko sa buhay at hindi na iyon maibabalik pa," dumiin ang aking mga kuko, ramdam ko ang paghapdi ng aking palad pero nagpatuloy ako sa ginagawa para lang hindi mapunta sa aking mga mata ang resulta ng pinagsasasabi ko ngayon sa harapan ng lalaking sanhi ng lahat ng kamalasan ko sa buhay.
"Pero huwag kang mag-alala. Natututo na akong magpatawad at hindi mo na 'yon kailangang pang hingin dahil kusa ko iyong ibibigay sa'yo ngayon... Dahil kahit sa'yo, kayang kaya ko na, George," bumagsak ang kanyang balikat ngunit wala namang nasabi kaya nagpatuloy ako. "I forgive you. Siguro nga kahit gaano kalupit ang mundong ipinakilala mo sa'kin, marami pa rin akong dapat ipagpasalamat at iyon nalang ang dapat kong pagtuonan ng pansin dahil wala ng magbabago sa nakaraan. Pinapatawad na kita hindi dahil deserve mong mapatawad kung hindi dahil iyon ang tama," nilunok ko ang lahat ng bara sa aking lalamunan para tapusin na ang pag-uusap na ito. "And thank you. Salamat pa rin dahil kahit na walang wala ako, marami pa ring gustong magmahal sa akin. Marami pa ring nagmahal sa akin at mas matimbang 'yon sa lahat ng galit ko sa'yo, so thank you," umatras ako ulit pero hindi na siya gumalaw. "And don't die yet. Huwag kang mamamatay dahil masasaktan ang mga kapatid ko kaya huwag muna. I wish you well George, happy birthday." huling sambit ko bago siya tuluyang talikuran at iwan.
Nanlalabo ang mga mata kong tinahak ang daan pabalik sa kasiyahan pero nagpapasalamat akong hindi naman ako tuluyang naiyak. Nang makita ko si Jaycint na hinihintay ako sa sala ay parang biglang napuno ang aking puso ng samo't-saring emosyon. Ilang beses akong napalunok ng makita ang pagtayo niya daluhan ako.
"How did it-"
Halos patakbo kong tinawid ang pagitan namin para sagutin ang kanyang tanong ng isang mahigpit na yakap.
Natigilan siya't hindi kaagad nakagalaw pero hindi ako umalis at hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko kaya nang maramdaman kong niyayakap na niya ako pabalik ay parang batang ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"Hey..." marahan niyang hinaplos ang aking buhok pababa sa aking likod kaya mas hinigpitan ko pa ang yapos sa kanya.
Mukha namang naintindihan niyang gusto kong yakapin nalang muna siya at huwag nang magsalita kaya hinayaan niya ako't hindi na nagtanong pa. Imbes na usisain ay ang magagaang paghalik sa aking buhok at pagsagot sa yakap ko ang ginawa niya hanggang sa naramdaman ko ang pagbaba ng tensiyon sa kabuuan ng aking pagkatao.
Nang lumuwag ang yakap ko sa kanya at inilayo niya ako sandali para matitigan pero ng makita ko ang nangungusap niyang mga mata ay muling nanlabo ang sa'kin.
Isa pa ang isang ito...
God, how can you not love him?
Sa pagtulo ng mga luha ko ay natataranta iyong ikinulong ni Jaycint sa kanyang palad. Dahil do'n ay mas lalo akong naiyak. Did my mind just say that? Kasi kung oo... Ibig bang sabihin...
"Baby, tell me what happened?" aniya habang maingat na hinahawi ang mga luha sa aking magkabilang pisngi gamit ang kanyang daliri. " Hmm?"
Pumikit ako. I don't want to hurt him kahit na alam kong masasaktan at masasaktan ko pa rin siya sa kahit anong pagtatapos ang mangyayari sa aming dalawa pero anong magagawa ko?
"Gusto mo bang umuwi na tayo?"
Tumango tango ako kaagad kaya wala na siyang inaksaya pang panahon. Siya na ang nagpaalam para sa akin sa aking mga kapatid at hindi na rin nagtagal ay sinunod na rin ang gusto ko.
Matagal akong nakapikit at pilit na pinapatigil ang mga boses sa utak kong nananatiling maingay kahit na ilang oras na kaming magkatabi ni Jaycint sa kama at hinihintay na kumalma ang lahat.
"I'm sorry, Valerie..." he murmured softly. "I can't imagine what you've been through. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sobra nalang ang galit mo noon kay Stella." banayad niyang sabi.
Sa ilang oras naming magkatabi ay ngayon lang siya nakapagsalita sa lahat ng ikinwento kong parte ng aking nakaraan.
Napadilat ako ng marahan siyang gumalaw. Bahagya akong umangat palayo sa kanyang dibdib pero maagap niya naman akong napatigil ng pumihit siya paharap para yakapin ulit ako. Umiling ako at imbes na sagutin ang mga sinabi niya ay inilihis ko nalang ang topic. I've had enough of talking about George and my past at kapag hindi ako huminto ay baka dito na rin matapos ang lahat sa amin kaya minabuti kong huminto na.
"I'm sorry, nangangalay ka na?" akmang aalis na ako sa braso niya pero mas hinigit niya ang katawan ko palapit sa kanya.
"No, I'm fine. As long as you're comfortable, kahit ilang taon ka pang matulog sa katawan ko, titiisin ko."
Doon na ako napangiti. Sa tagal kong lugmok dahil sa lalim ng mga naiisip at napag-usapan namin ay ngayon ko lang ulit naramdaman ang sibol ng saya. He's so good at making me smile. Bukod pa 'yon sa galing niyang pakalmahin at intindihin ako. Kahit simple lang na salita ay napapasaya na niya ako at siguradong hindi na iyon dahil sa pagkakalat ng mga hormones ko kung hindi dahil kaya niya talaga akong pasayahin. Iyong kasiyahan na ni minsan, kahit sa sino man ay hindi ko nadama.
"Taon talaga?" natatawa akong lumayo pero bigo pa rin ako dahil sa paghigpit lalo ng yakap niya pero sapat lang iyon para hindi maipit ang anak namin.
Ngumisi siya pero agad din iyong nawala ng matitigan akong muli. I swallowed hard when he brushes the strands of my hair away from my face.
"Try me, Valerie," seryoso niyang sabi bago dahan dahang ipinirmi ang isang kamay sa aking pisngi at pagkatapos ay marahang inihaplos dito ang kanyang hinlalaki. Pinigilan kong mapapikit lalo na't naramdaman ko na naman ang mabilisang pagkataranta ng aking kabuuan partikular ng talipandas na bagay na ngayo'y nagtutumalon sa aking dibdib!
"Hindi ako mapapagod sa'yo, tandaan mo 'yan." dagdag niya sa boses na mabilis na tumagos patungo sa aking puso dahilan para mapapikit na ako. "Hindi kita susukuan..."
Mas dumiin ang aking mga talukap ngunit hindi naman iyon nagtagal. Sa muling pagdilat ko ay nahaluan na ng mainit na pakiramdam ang aking puso. Ang mga kamay ko'y kusang umangat para hawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa akin nang hindi pinuputol ang pagtitig sa kanya.
Nang makita ko ang pag-arko ng gilid ng kanyang labi ay hindi ko na napigilan ang sarili kong tawirin ang kaunting espasyong namamagitan sa aming dalawa. Naramdaman ko ang pagdiin ng kanyang kapit sa aking bewang na siguro'y nabigla sa ginawa ko pero hindi naman iyon nagtagal.
I eventually found him kissing me back... Mapusok, maalab, punong puno ng pangungulila ngunit may pag-iingat. Iyong halik na hinihila ako sa pagpapaintindi sa kung ano ang totoong nararamdaman niya para sa'kin. Iyong halik na gusto nalang akong lunurin para wala na akong maisip na iba't hindi na kumawala pa. Iyong halik na gusto ko, gustong gusto ko pero ayaw kong maging makasarili because love shouldn't be like that... Pero may alam pa nga ba ako sa pagmamahal?
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro