Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 52

CHAPTER FIFTY TWO

My Baby

Malakas ang kalampag ng aking dibdib habang palapit ng palapit ang aming sasakyan sa bahay kung saan ngayon nakatira ang mga Cross. Kung saan nakatira ang lalaking hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko pa rin sigurado kung dapat ko bang bigyan ng pagkakataon. I'm so lost. Mabuti na nga lang at hindi ako iniwan ni Jaycint kaya kahit paano'y marami pa ring lakas na nahuhugot ang puso ko.

"You alright?" malumanay niyang tanong kasabay ng paghigpit ng hawak sa aking kamay.

Sa sobrang lakas ng kaba sa puso ko ay hindi ko na inisip ang sitwasyon namin. Simula kasi ng umalis kami sa Palawan ay ako mismo ang hindi bumitiw sa kanya.

"I'm fine." pinagdiin ko ang aking labi at pagkatapos ay nginitian siya.

Nang igalaw niya ang kanyang kamay ay awtomatikong humigpit ang pagkakahawak ko dahilan ng pagkawala ng kanyang mahinang pagtawa.

"Relax, hindi naman kita iiwan." marahan niyang sambit.

Umiling ako. "Hindi mo naman talaga ako pwedeng iwan lalo na ngayon."

Natawa siya ulit at inayos nalang ang pagkakahawak sa akin. Pinigilan kong mapapikit ng makita ang pag-angat ng kanyang kamay patungo sa aking mukha. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nakakalat sa aking pisngi. Naramdaman ko agad ang pagdalaw ng init doon ng maramdaman ang kanyang paghaplos pero mas lalo lang nagwala ang aking kabuuan ng dahan dahang mawala ang kanyang ngiti at napalitan iyon ng kaseryosohan habang titig na titig sa akin.

"Wala naman talaga akong balak, Valerie. Ikaw lang naman ang gustong umalis at iwan ako."

"Jace..."

Umiling siya para matigil ako.

"Malapit na tayo." aniya nalang palayo sa usapang gusto na namang buksan.

Ipinilig ko ang aking ulo para tignan ang labas ng sasakyan. Ilang malalaking bahay pa ang nilagpasan namin bago kami makarating sa aming pakay. Kahit na parang gusto ko nalang hilahin si Jaycint at pakiusapang huwag na kaming tumuloy ay hindi ko nagawa lalo na ng makita ko si Stella na gaya noon, wala pa ring pagbabago ang kasabikang makaharap ako. Sa ilang oras na lumipas ay doon ko lang nabitiwan ang kamay ni Jaycint.

"Thank God!" napangiti ako ng marinig iyon habang yakap niya akong parang kay tagal naming hindi nakita kahit na ang totoo ay wala pang dalawang linggo ng huli niya akong balikan sa Palawan para lang ibigay ang mga regalo sa anak ko.

Hinayaan ko siyang batiin si Jace ng sumunod ang mga lalaki kong kapatid. Naiilang man ay ginantihan ko ang kanilang mga yakap. They're so happy to see me. Hindi na kailangan pa ng salita dahil damang dama ko 'yon.

"Daddy is waiting." wala sa sariling napatingin ako kay Jaycint pero mabilis naman itong tumango sa sinabi ni Zack.

Gusto ko sanang bumalik sa tabi niya pero nauna na si Stella na hawakan ako.

"It's okay," he mouthed.

Hindi na ako nakapagreklamo ng ilagay ng kapatid ko ang kanyang kamay sa aking braso.

"It's okay, Ate." malumanay nitong sambit na tuluyan nang kumumbinsi sa aking magpatuloy sa paglalakad.

Again, kahit na buo na ang loob kong gawin ito para matapos na ay hindi pa rin ako iniwan ng kagustohang mag-back out lalo na ng matanaw ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair habang nakatutok ang mga mata sa bagay na tanging gumagawa ng ingay sa kanilang malaking sala.

Bumagal ang lakad ko ng lumipad ang mga mata ko sa malaking litratong nakasabit sa pinakagitna ng silid. It was George and probably his wife. Hindi ko ito nakita noon at hindi ko na rin naman makikita ngayon dahil ang sabi ni Stella ay namatay raw ito nang ipanganak siya pero hindi naman na siguro mahalaga pang makilala ko ito kung sakaling buhay ito ngayon. Siguro baka hindi maging posible ang lahat ng nangyayari ngayon kung narito ito dahil sino ba namang legal na asawa ang gustong kilalanin ang bunga ng kasalanan ng kanyang asawa?

Dumaloy ang pait sa aking pagkatao ng mapatitig sa mga matang iyon. It's the same eyes who looked at me with so much hatred... Ang mga matang parang gusto pa akong saktan noon sa hindi ko malamang dahilan. It's the guy I hated for so long na hanggang ngayon ay dama kong kinamumuhian ko pa rin. It's the man who decided to make my life miserable. Pakiramdam ko'y biglang naging kandila ang mga paa ko. Naging mabilis ang mga pagalit sa aking utak. I shouldn't be here. Hindi ako dapat narito at hindi ko dapat sinusunod ang kung sino para gumawa ng desisyon sa buhay ko pero wala na akong nagawa lalo na ng magsalita si Stella.

"Dad..." napapitlag ako't napaatras ng bitiwan niya ako para lapitan ang kanyang ama.

Maagap naman ang naging pagdalo sa akin ni Jaycint at paglingkis ng kanyang kamay sa aking bewang. Kung noon ay gustong kumawala ng mga mura ko sa tuwing hinahawakan niya ako ng ganito, ngayon naman ay gusto ko nalang magpasalamat lalo na ng maramdaman pa ang kanyang paghapit sa akin palapit sa kanyang katawan, giving me comfort and strength.

"Ate Valerie is here, Daddy." aniya pagkatapos ay hinawakan ang wheelchair nito para iharap sa amin.

Hindi ko na napigilang mapalunok dahil ang litratong nakapaskil at tinititigan ko kanina ay ibang iba na ngayon sa lalaking nasa aking harapan. I ca't believe that the ruthless George I've met a long time ago is the guy who's in front of me right now. Hindi ako makapaniwalang iisa sila dahil hindi ko mahanap ang tikas at pagiging malupit niya gaya noon. Bukod sa bagsak niyang katawan ay namumutla rin siya't maputi na ang buhok. He is old and looks so damn sick.

Mabagal ang naging pagproseso ng utak ko kung ano ang dapat gawin pero hindi na ako nakagalaw ng makita ang pilit niyang pagtayo. Mabilis ang naging pag-alalay ni Stella rito para tulungan itong lumapit sa akin.

Gusto kong umatras. Gusto kong lumayo kahit paano dahil ni pagtitig sa kanya ay napanghihinaan ako ng loob pero talagang nasimento na ang aking mga paa. Hindi na ako makaalis o makaatras man lang!

"Valerie, Hija."

Nalasahan ko ang pagdoble ng pait sa aking panlasa ng marinig ang pangalan kong lumabas sa kanyang namumutlang mga labi pero ng makita ko ang ambang pagyakap niya sa akin ay mabilis kong inangat ang aking kamay para makipag-kamay sa kanya imbes na hayaang gawin ang gusto.

Nalilito siyang napatingin sa kamay ko pero wala na ring nagawa kung hindi ang tanggapin 'yon dahil iyon lang ang kaya ko. Madali kong hinila pabalik ang aking palad ng matapos at agad na sinulyapan si Jaycint. Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin bago harapin ang lalaking hirap ko pa ring titigan. Kung noon kasi ay purong galit ang nararamdaman ko, ngayon naman ay parang mas lamang na doon ang awa.

"It's nice to finally meet you, Mr. Cross."

Hinayaan ko silang magbatian hanggang sa igiya na kami patungo sa kusina kung saan nakahanda ang mga pagkain. I didn't talk that much. Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil si Jaycint ang patuloy na sumasalba sa akin. Though ramdam ko pa rin ang matinding pagkailang, hindi ko naman mapalagpas ang tuwang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang aking mga kapatid. They're so happy to be with me kahit na hindi ako masyadong nakikisali pero sa lahat ay si Stella ang pinaka-masaya. Sabi niya nga, ito ang pangarap niya.

"Don't mind me asking Hijo, are you two married?"

Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang pagtikhim ni Stella kasabay ng pagbaling naman sa akin ni Jaycint dahil sa naging tanong ni George. Nilunok ko ang pagkaing nasa aking bibig at uminom ng tubig lalo na't hindi na inalis ni Jace ang titig sa akin. Nahihiya kong sinagot ang tingin niya at gustong sabihing huwag niya nalang sagutin iyon pero huli na.

"Mr. Cross, don't ruin my plan. Darating din tayo diyan." sagot niya dahilan para madama ko ang pagwawala ng aking puso!

Pasimple kong ibinaba ang kamay ko para punahin siya pero bago ko pa man iyon maihawak sa kanya ay bumaba na rin ang kanya para salubungin ito at pagkatapos ay agad na pinisil.

Napalunok ako ng muli niya akong balingan.

"'Di ba, baby?"

Gusto ko sana siyang ilingan pero hindi ko na nagawa dahil sa pagsingit ni Stella.

"Dad, leave them alone, please?"

Tumango tango naman si George. Kahit na masaya ang lahat habang nasa hapag ay hindi ko pa rin sila magawang sabayan. I don't know how to describe what I feel. Hindi ko sigurado kung galit pa ba ako o naninibago nalang sa mga nangyayari dahil sino ba namang hindi mananahimik kapag muli mong nakasama ang taong halos buong buhay mong kinasuklaman? This is all new to me. Ang tanging inisip ko nalang talaga ay ang mga kapatid ko at ang kalagayan ni George. Sigurado akong hindi na rin naman siya magtatagal kaya panahon na rin siguro para kahit paano ay maplantsa ang ilang gusot sa pagitan naming dalawa.

"Are you okay?" pagod akong napalingon kay Jaycint na siguradong kanina pa nakatingin sa akin.

Hindi ko na nga nabilang kung pang-ilang tanong na niya iyon sa akin simula ng umalis kami sa bahay nila George at kahit na ilang beses ko na rin iyong sinagot ay hindi pa rin siya tumitigil.

"I'm okay."

"You sure?" maingat niyang ipinasada ang kanyang hinlalaki sa aking kamay na kanyang hawak.

Napabuntong hinga ako sa naisip.

"Masama ba ako kapag sinabi kong gusto kong magpasalamat na kailangan na niyang magpahinga kaya hindi na namin kailangang mag-usap ngayon?"

Ilang segundo siyang natigilan bago umiling.

"I understand if you're still not ready to talk to him. Maybe this is not the right time for that but I'm positive that one day you can do it. Malay mo bukas?"

"Pupunta talaga tayo?"

"Wala namang mawawala and it's his birthday... Maybe his last."

Marahan kong ibinalik ang aking ulo sa kanyang balikat. I don't know how to respond to that kaya nanahimik nalang ako hanggang sa makabalik kami sa hotel.

Dahil sa nangyari buong araw ay na-realized ko kung gaano ako ka-swerteng nasa tabi ko si Jaycint. Sigurado rin akong kung hindi dahil sa kanya ay hindi magiging maayos ang lahat kahit paano.

Nahinto ako sa pagpasok sa kwarto ng marinig ang paghinto niya sa aking likuran.

"Good night, Valerie."

Nakakunot ang noo ko siyang hinarap.

"H-Hindi ka dito matutulog?" hindi ko naiwasang malungkot dahil sa tanong ko.

Umiling siya at sinulyapan ang nasa dulong kwarto ng pasilyo.

"That's my room."

"Why?"

Umarko ang gilid ng kanyang labi at lumapit sa akin para guluhin ang aking buhok.

"Get some rest."

Imbes na sundin siya at wala sa sariling lumipad ang aking mga mata sa tinutukoy niya at pagkatapos ay ibinalik ulit sa kanya.

"D-Doon ka talaga matutulog?" tanong kong hindi na tunog tanong kung hindi pagmamakaawang sana dito nalang siya kasama ko.

Damn it! Hindi naman kami natutulog ng magkatabi at hindi iyon tama pero bakit ngayon parang ayaw kong mawala siya sa tabi ko?!

Sa pagtango niya ay nakagat ko ang aking labi at muling nilingon ang kwarto. Hindi naman masyadong malayo pero paano kung kailanganin ko pa rin siya ngayong gabi gaya ng pangangailangan ko sa kanya buong araw?

Dumiin ang aking pagkagat ng muling iangat ang mga mata't tingalain siya. Shit... Ito na ba ang pagiging clingy? Ganito na ba 'yon dahil hindi ko naman ito naramdaman kahit kailan!

"Sige..."

Tumango siya ulit pero hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.

"Alright." aniya ngunit bago pa siya makaatras ay hindi ko na napigilan ang sarili kong tawirin ang munting espasyong namamagitan sa aming dalawa para yakapin siya!

Ramdam ko ang pagbilis ng kalampag ng aking puso kasabay ng mariing pagpikit! Hindi naiwasan ng aking utak ang magmura ng maamoy ko ang kanyang bango't maramdaman ang init ng kanyang katawan! Hinintay ko siyang gumalaw pero nanatili lang siya sa pagkakatayo, hindi ko alam kung nabibigla sa ginawa ko o ano.

"V-Valerie..." nauutal niyang sambit pero imbes na bumitiw ay hinigpitan ko lang ang yakap sa kanya.

"Can I ask you for one more favor?" he didn't respond to that kaya minabuti kong luwagan ang pagyakap sa kanya para muling balikan ang kanyang mga mata. "C-Can you stay with me tonight, Jaycint? Kahit ngayon lang?"

Nakita ko ang marahas niyang paglunok dahil sa sinabi ko pero imbes na magsalita ay parang wala sa sariling tumango nalang siya.

"I... I just need to go back to my room. Babalik ako."

Dumaloy ang tuwa sa aking puso kaya muli ko siyang nayakap ng mahigpit!

"Thank you!"

Kahit na hindi ko sigurado kung napipilitan lang siya o ano pero hindi na ako nagtanong pa. Ang mahalaga ay pumayag na siya at iyon ang importante!

Sa pagpasok ko sa loob ay hindi ko maiwasang hawakan ang dibdib ko dahil sa malakas na pintig nito. Napapailing akong napangiti. What the hell is going on with me! Hindi naman ako matatakutin at sanay naman akong mag-isang matulog pero bakit ngayon parang hindi ko kaya? At bakit habang naiisip kong babalik siya ay mas lalong nagsisitalunan ang mga bagay sa aking sikmura?!

Matagal akong nakasandal sa pinto at pilit na iniintindi ang sarili pero bigo ako. Imbes na maabutang gano'n ni Jaycint ay minabuti ko nalang na mag-ayos na bago pa siya dumating. Paglabas ko sa banyo ay para akong nahimasmasan ng matuon ang paningin ko sa malaking kamang nasa aking harapan. The thought of Jaycint sharing this bed with me made me swallowed hard kaya hindi ko na napigilan ang mapatalon ng makarinig ako ng dalawang beses na pagkatok sa pintuan!

Natataranta kong inayos ang aking suot at ang basang buhok bago dali-dali siyang pinagbuksan. Napasinghap ako ng muli kong makita ang kanyang kabuuan na ngayon ay gaya ko ring bagong ligo na!

Sa kabila ng kaba ay nagawa kong ngumiti at saka niluwagan ang pintuan para bigyan siya ng daan na makapasok sa loob.

Simula kaninang pumayag siya ay naging tahimik na ito, taliwas sa buong araw niyang daldal sa bahay ng mga Cross.

"Okay ka lang?" tanong ko habang nasa kama at siya naman ay nasa couch at inaayos ang unan doon dahil gustohin ko mang yayain siyang sa kama nalang matulog ay hindi ko magawa dahil baka kung ano ang isipin niya. Baka isipin niyang nababaliw na talaga ako at dalhin pa sa mental!

"I'm fine. Matulog ka na."

Tumango lang ako at saka inabot ang remote para patayin ang TV.

"Lights on or lights off?"

"Kahit anong gusto mo."

Tumango ulit ako kahit na hindi naman siya direktang nakatingin sa akin. He looks sleepy. Siguro dahil maaga kaming umalis kanina ay napagod siya lalo na sa buong araw na pag-intindi sa akin. Parang gusto ko tuloy ma-guilty pero pinatay ko nalang ang ilaw para hindi na makita ang kanyang mukha. Natahimik ang buong kwarto na umabot na sa puntong gusto ko nalang takpan ang tenga ko dahil para akong nabibingi!

"Jaycint..." hindi ko na napigilang ibulalas dahil kahit na hindi ko alam ang nasa isip niya ay alam kong nahihirapan siya sa pwesto niya.

Malaki man ang couch na kinahihigaan niya pero mas malaki siya doon at siguradong imbes na makapagpahinga ay baka sumakit lang ang katawan niya kinabukasan.

"Hmm?" he responded with a sleepy voice.

"Okay ka lang ba talaga diyan?"

"Yeah. Go to sleep, Valerie. Hindi ako aalis."

Napakapit ako sa unan na yakap ko at marahang bumaling patungo sa gawi niya. Kahit na hindi ko siya nakikita dahil sa dilim ay alam kong gising na gising pa rin siya gaya ko. Doon natigil ang mga mata ko hanggang sa ilang minutong katahimikan pa ang lumipas.

Ilang beses kong narinig ang paggalaw niya sa couch, siguro'y nahihirapan pa rin kaya nang marinig ko ang pang labing isa niyang galaw ay umahon na ako sa kama at inabot ang lampara sa aking gilid para buksan.

Nahinto siya sa paggalaw at agad na napatitig sa akin.

"Why are you still awake? Val-"

"T-Tabihan mo ako."

Natigil siya sa pagpihit pero imbes na titigan ako sa mata ay kusang nalaglag ang mga iyon patungo sa aking tiyan. Pinanuod ko siyang bumangon at maupo habang walang patid ang pagtitig sa nakakuha ng kanyang atensiyon.

"Wow... Our baby is so big..."

Sinundan ko ang tinitignan niya at wala sa sariling napangiti nalang ako. Ilang linggo nalang ay magwa-walong buwan na ang tiyan ko pero hanggang ngayon ay ayaw pa ring malaman ni Jaycint kung ano ang kasarian no'n. Sinabi niya mas maganda daw na surprise kaya hinayaan ko nalang.

Tinanggal ko ang comforter na nasa aking katawan para mas makita niya iyon ng mabuti. Sa kabila ng malamig na silid ay naramdaman ko ang pagtagos ng init sa aking puso ng makita ang pagtutop niya sa kanyang bibig na parang ngayon lang natitigan ng maigi ang aking tiyan.

"Wow..." hindi pa rin makapaniwala niyang bulong.

"Do you want to touch it?" ang kumikinang niyang mga mata dahil sa sobrang kaligayahan ay mabilis na bumalik sa akin.

Wala sa sariling hinaplos ko ang anak ko. Muli akong ngumiti ng makita ang kanyang paglunok.

"It's still awake, Jaycint." inilahad ko ang kamay sa kanyang harapan at doon na siya tuluyang nagpaubaya.

Malakas ang kabog ng dibdib ko pero wala iyong bahid ng kaba. Masaya lang ako. Masaya kami ng anak ko lalo na ng makita ang pag ngiti ng kanyang ama ng maramdaman ang paggalaw nito sa aking tiyan.

"Oh wow..." walang katapusan niyang pagkamangha na nagpahagikhik na sa akin.

Natawa na rin siya.

"When will our baby sleep?"

Nagkibit ako ng balikat.

"Maybe when I sleep?"

Naniningkit ang mga mata niyang sinulyapan ang orasan sa kanyang kanang kamay.

"Then we'll sleep now. Gabing gabi na."

Lumawak ang ngiti ko ng umibis siya sa patungo sa kabilang banda ng kama.

"Dito ka na matutulog?"

Siya naman ang nagkibit ng balikat.

"Sabi mo 'di ba? Tsaka baka hindi ka matulog kapag hindi mo ako katabi kaya pagbibigyan na kita."

Natatawa akong napairap sa kanya at inayos na rin ang sarili pabalik sa pagkakahiga.

"Ang kapal."

He chuckled at that.

"Gusto mo lang talaga akong makatabi, Valerie. Alam ko na 'yon."

"Tsk. Ang kapal kapal." pinatay ko na ang ilaw ng makaayos ako pero mas lalo lang lumakas ang pagtambol ng aking puso ng maramdaman ang paglapit niya sa akin at paghawak sa aking kamay!

Para akong kinapos ng paghinga ng maisip kong nasa ibabaw ko siya! Hindi man magkapatong ang mga katawan namin pero nasa ibaba ko siya! Bumilis ang paghinga ko ng pumunta ang kanyang kamay paangat sa aking palad hanggang sa mabuksan niya ulit ang ilaw!

Shit! Ang lapit... Damn napakalapit ng mukha niyang parang isang galaw ko nalang ay maaabot ko na 'yon!

"Just leave the lights on," napaawang ang aking bibig ng makita ang paglamlam ng kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "I want to see my baby sleep... both of you." aniya pagkatapos ay dahan dahang ibinaba ang sarili para gawaran ako ng isang masuyong halik sa noo.

~~~~~~~~~~~~


Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro