CHAPTER 51
CHAPTER FIFTY ONE
Huwag Magpapaalam
Forgiveness alone is not enough for you to be truly happy. Kapag nagpatawad ka, dapat kasabay no'n ang pag-abante at tuluyang paglimot sa lahat.
Sa isang linggong pananatili ni Stella sa Palawan para sa trabaho at para bumuo ng relasyon sa akin ay iyon ang na-realized ko. At ngayon, habang hinahatid siya ng tingin papasok sa airport ay walang humpay ang pag-uumapaw ng tuwa sa aking puso. Sa katunayan nga ay kahit na hindi pa siya nawawala sa paningin ko ay nami-miss ko na siya. Ewan ko ba. Sa ilang taon ko kasing namuhay ng mag-isa at walang kinikilalang tunay na kapatid ay tinanggap ko nang mamamatay akong gano'n. Malungkot mang tanggapin pero iyon ang itinatak ko sa utak ko.
I was wrong and honestly, hindi ko akalaing ganito nalang ka-positibo ang magiging pagtanggap ko. Para akong nakatagpo ng inosenteng bersiyon ng sarili ko sa pagkatao ni Stella. Bukod sa do'n ay marami rin kaming nadiskubreng mga gusto naming walang pinagkaiba. Kung siguro nga nakasama ko itong lumaki, baka gaya niya rin ako. Pero kahit na gano'n ay hindi ko naman na naisip ang mga negatibo dahil alam kong may kanya kanya tayong istoryang tinatahak sa mundong ito. We have different paths that only us can walk through and it doesn't matter where we'll end up. Ang mahalaga ay kung paano natin tatahakin ang mahabang kalsada ng buhay bago tayo dumating sa dulo at sa ating destinasyon.
Kung noon ay tingin ko'y nasa kadena ako ng kamalasan, ngayon ay nasa kadena pa rin ako pero puro magagandang bagay na ang sunod-sunod na nangyayari sa akin. Simula ng matutunan kong lawakan ang aking pag-iisip ay mas naging mabait sa aking ang tadhana. Jaycint is just not supportive with my relationship with Stella, maging sa pagbubuntis ko ay wala akong masabi. Kung trabaho kong samahan siya sa trabaho ay trabaho na rin niyang masigurong maayos ako at ang anak naming dalawa.
Kung noon ay si Tiya Winny ang kasama ko, siya na ngayon itong mas excited pa sa mga susunod kong check up dahil ngayon palang ay excited na siyang makita ang kanyang anak. Ang lahat nga ng pag-aalinlangan ko noon at mga katanungan kung kaya niya bang alagaan ang bata ay tuluyan ng napawi noong makita ko siyang emosyonal habang nakatutok sa screen at nakikinig sa mga sinasabi ng obgyn.
Sa mga panahong lumipas ay nilinaw niya rin sa akin ang koneksiyon kay Tisha kasabay ng mas paglinaw ng intensiyon niya sa aking walang pinagbago nang sa dati.
"Are you ready to go now?" nilingon ko ang lalaking tumabi sa akin nang tuluyan ng makapasok si Stella sa loob.
Tumango lang ako at nagpatianod sa kanyang igiya ako pabalik sa sasakyan. My tummy is getting bigger now. Ilang araw nalang ay mag-aanim na buwan na ang baby namin at halata na iyon sa aking tiyan.
"Jace, hindi na ba tayo babalik sa office?" nalilitong tanong ko ng lumagpas kami sa daan patungo sa kanyang opisina.
Umiling lang siya at imbes na sumagot ay nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
"Where are we going?" muli kong tanong ng mapunta na kami sa bayan. Malayo sa bahay at malayo rin sa kanyang trabaho.
"We'll eat dinner."
"Walang pagkain sa bahay niyo?"
Natawa siya at naiiling akong sinulyapan.
"May pag-uusapan tayo kaya mamaya ka na magtanong. Just rest, Valerie. Gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo."
I didn't. Sa ilang minutong lumipas ay mas naging makulit ako dahil sino ba namang tao ang mananahimik kapag sinabing may pag-uusapan kayo pero hindi naman sasabihin kung tungkol saan at bakit? Ngunit gaya ng typical na si Hacinto, mas naging makulit siya dahil hindi niya talaga sinabi kung ano iyon hanggang sa makarating kami sa isang pribadong restaurant.
Hindi ko maiwasang mamangha dahil bukod sa tahimik at mapresyong kapaligiran ay natanaw ko na kaagad ang isang lamesang magarang nakaayos malapit sa dalampasigan. Napasinghap ako ng hawakan ni Jaycint ang aking siko matapos kausapin ang staff. Ayaw ko mang isipin na doon kami pero nakumpirma na rin kaagad iyon nang maglakad ang isang waiter para sundan namin.
Gusto kong magtanong. Gusto kong kwestiyunin ang lahat ng mga nangyayari pero wala akong lakas ng loob na putulin ang pagiging kalmado ng lahat. Kahit na ramdam ko ang dahan dahang paglakas ng pintig ng aking puso ay wala akong nasabi hanggang sa makaupo na ako.
"What do you want?" he asked while looking down at the menu.
Natutulala ko namang kinuha ang nakalatag sa harapan ko. Parang mas lalo akong nailang dahil bukod sa waiter na nakabantay sa gilid para kunin ang aming order ay nakadagdag sa kaba ko ang mabagal na pagbaba ng araw na dahilan ng pag kulay kahel ng paligid.
I swallowed hard when I glance at the menu. Kahit na nasasanay na ako sa mga mamahaling pagkain ay hindi ko pa rin lubos maisip na gumastos ng ganito kalaki lalo na kung sa pagkain lang. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi naman kailangan dahil siguradong marami namang pagkain sa mansion.
"Hmm?" he asked kaya ibinalik ko sa lamesa ang hawak.
"Kahit ano nalang." sagot ko dahil alam kong wala na akong magagawa para tutulan siya dahil sa aming tatlo ng anak ko, alam kong siya ang pinaka-matigas at hindi magpapatalo.
Tumaas ang isang kilay niya at nag-suggest ng mga pagkaing hindi ko naman naintindihan kung ano pero inulit ko lang ang sinabi ko kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang um-order para sa aming dalawa. Sa pag-alis ng waiter ay doon ko na muling itinanong ang walang katapusang,
"Anong pag-uusapan natin?"
Kinuha niya ang tubig sa gilid at uminom muna.
"Our food is not even served, Valerie-"
"Jaycint..."
Nakita ko ang paglunok niya pero hindi ko itinigil ang pagtitig sa kanya dahil alam kong malapit na siyang mawalan ng pasensiya at bibigay na rin. Muli siyang uminom kaya naghintay ako. Hindi ko talaga tinanggal ang mga mata ko sa kanya hanggang sa maubos niya ang laman ng baso.
Napaupo ako ng tuwid ng makita siyang umayos ng upo.
"You're fired." diretsahan niyang sabing nagpaawang sa aking bibig!
"A-Ano?! Pero bakit?" naguguluhan kong tanong pagkatapos ay napakapit pa sa lamesa dahil sa sobrang kalituhan.
We're fine... No, mas maayos pa nga kami kaysa noon kaya hindi ko lubos maisip ang dahilan niya para tanggalin ako sa trabaho kahit na umpisa palang ay kabaliwan naman na 'yon!
"Did I do something wrong? M-May mali ba ako? May nagawa ba akong hindi mo nagustohan?"
Nanatili siyang seryoso kaya mas lalo akong nalunod sa malalim na pag-iisip. Inayos niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa bago iyon ipinagsalikop sa kanyang harapan at ilagay ang baba sa ibabaw nito. Napalunok ako dahil imbes na sagutin niya ang mga tanong ko ay nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
"Jace..." nahinto ako ng maisip ang pera. Siguro ay napagtanto niya na rin kung gaano kalaki ang perang ibinabayad niya sa akin at nagiging abusado na ako kaya ngayon ay ayaw na niya. "Sa sahod ba? Masyado bang malaki? Jace, pwede mo namang bawasan. 'Di ba sabi ko sa'yo masyadong malaki 'yon at-"
"Valerie-"
"Why are you firing me?"
"Can you just chill? It's not about the money at wala ka ring nagawang mali."
Nanlulumo akong napasandal pabalik sa aking inuupuan.
"Pero bakit nga?" hindi naiwasan ng boses kong mabahiran ng lungkot.
Oo nga at marami naman na akong naipong pera at sobra na iyon hanggang sa makabalik ako sa West Side pero nasanay na kasi akong kasama siya araw-araw at isa pa... Kapag wala na akong trabaho, mananatili na naman akong mag-isa sa bahay at ayaw kong isipin 'yon! I'm good with our set up. Kahit tanggalin niya ang bayad ay ayos lang sa akin huwag lang akong maiwan doon!
Nang manatiling nakatikom ang kanyang bibig ay muling kumawala ang mga tanong sa aking labi.
"Ayaw mo na ba akong kasama?" ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan gawa ng nasabi.
Naisip ko lang kung gaano kabigat ang tanong ko ng tanggalin niya ang kanyang mga kamay at muling umayos ng upo bago ang dalawang beses na paglunok.
"Valerie..." napakurap-kurap ako ng marinig ang paglambot ng kanyang boses na punong puno ng lungkot sa hindi malamang dahilan. "You don't have any idea how much I wanted to be with you every second," dahan dahan at malinaw niyang sabi.
Mariin kong nakagat ang aking labi, wala nang pakialam kung nakikita niya ako dahil pakiramdam ko'y hindi lang ang maayos niyang pakikitungo ang bumalik ngayon kung hindi pati na rin ang lahat ng mga naramdaman niya sa akin noon. And that made me speechless in a way na gusto kong mabigla na hindi dahil ngayon ko nalang ulit narinig sa kanya ang ganito... Na hindi tungkol sa anak ko ang pinag-uusapan namin kung hindi ako na mismo. Kaming dalawa.
"But my baby is getting bigger at alam kong mahihirapan ka na kaya hindi ka na pwedeng sumama pa sa'kin. I want you to have enough rest and-"
"But I can still do it, Jace. Hindi naman mabigat ang trabaho ko dahil wala naman akong ginagawa kung hindi ang samahan ka. Ayaw ko sa mansion. Ayaw kong mag-isa doon. Ayaw kong wala ka." tuloy tuloy kong pagtutol sa kanyang hindi ko na napag-isipan.
Muli siyang napalunok sa sinabi ko pero huli na iyon para bawiin at hindi ko na rin iyon dapat pang bawiin dahil wala namang kasinungalingan sa mga sinabi ko.
Sa muling pagbalik ng kamay niya sa lamesa ay hindi na iyon para ipagsalikop kung hindi para hulihin ang akin pagkatapos ay bahagya iyong pisilin.
"Gusto mo akong kasama?"
Nag-igting ang aking panga dahil sa kanyang tanong na alam kong sobrang hirap sagutin pero nakita ko nalang ang sarili kong dahan dahan iyong sinasagot gamit ang pagtango.
Naramdaman ko ulit ang pagpisil niya sa aking kamay at saka ngumiti. He even licked his lip like he's about to smirk or something pero pilit niya iyong pinipigilan. Ilang segundong nanatili ang kanyang mga mata sa akin bago siya muling tumango.
"Alright," binitiwan niya ang kamay ko. "I'll change my schedule for you."
Hindi na ako nakapagsalita kahit na parang gusto ko pa ring umangal pero dahil sa pagdating ng waiter dala ang aming mga pagkain ay wala na akong nasabi. My heart is screaming while I watch him watch the guy fill his glass with wine. Nang umalis ito ay saka siya nagpatuloy.
"No more questions, Valerie. You're still fired and now we'll eat. Period." aniyang nagpanguso nalang sa akin because he literally said period at the end of his sentence!
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay mas naging maayos ang lahat sa pagitan namin ni Jaycint maging ang sa amin ng mga kapatid ko. Hindi pa man ako lubusang handa ay bukas na akong makilala rin si Zuriel at Zack. Gaya nang kay Stella ay hindi nawala sa tabi ko si Jaycint para tulungan akong intindihin pa ang mga bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado. Hindi siya nagpalya sa pagpapa-alala sa akin kung gaano na kalayo ang nagawa kong pagbabago at kung gaano siya kasaya para sa akin dahil do'n and that actually made me proud of myself too. Na kahit wala pa akong nararating ay mayroon akong dapat ika-proud sa buhay ko.
On the seven month of my pregnancy, mas naging maayos ang lahat sa pagitan ko at ng mga kapatid ko. Ilang beses nila akong binisita sa Palawan kahit na alam kong marami pa silang mas dapat unahin kaysa sa akin. Kahit na hanggang ngayon ay hirap pa rin akong paniwalaan ang mga nangyayari, mas naging bukal sa loob ko ang pagtanggap at ang pag-usad sa buhay ng may mas magaan na puso at malawak na pag-iisip.
"Thank you, Jaycint..." I blurted out of nowhere while we're in the patio one afternoon.
Nahinto siya sa pagta-type sa kanyang laptop nang marinig ang boses kong bahagya pang umalon dahil sa nag-uumapaw na emosyon. I want to thank him for everything. Hindi lang dahil sa pagtanggap niya sa batang nasa tiyan ko kung hindi pati na rin sa lahat ng mga naitulong niyang kahit ilang milyong thank you ay hindi sapat.
Ngumiti ako ng makita ang pagkunot ng kanyang noo na mukhang hindi na alam kung ano ang dapat maging reaksiyon sa sinabi ko. Kung ibababa ba ang hawak na laptop o babalewalain nalang ang pang-iistorbo ko.
Pinagdiin ko ang aking mga labi at sinulyapan ang bagay na nasa kanyang harapan, sinasabing ipagpatuloy niya nalang iyon at huwag na akong intindihin pero taliwas ang kanyang ginawa. Inilayo niya ang mga kamay sa keyboard at tuluyan nang itinuon sa akin ang buong atensiyon.
"Are you okay?" marahan niyang tanong na nagpatawa sa akin.
Maybe I'm not okay. Siguro nga sinusumpong na naman ako ng sobrang hormones kaya nababaliw na naman pero imbes na hayaan siyang malito sa mga sinabi ko ay naglakad ako pabalik sa kanyang tabi.
Ito na ang routine namin simula ng tanggalan niya ako ng trabaho. Siya na pinanindigan ang pagbabawas ng oras sa opisina para dito nalang gawin sa bahay at makasama ako gaya ng gusto ko. At ako na gano'n pa rin, nananatiling nakatingin sa kanya. Ewan ko na rin. Wala naman kasing kadating-dating ang ginagawa ko pero tuwang tuwa akong gawin 'yon.
Seeing him wearing shorts and a plain shirt while he do his job makes me really happy. Kahit ano basta makita ko lang siya araw-araw ay masaya na ako. Pakiramdam ko kasi ay hindi na nabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Pakiramdam ko'y mababaliw ako kapag hindi ko natititigan iyong matangos niyang ilong at makakapal na kilay na imbes na matakot sa tuwing nagsasalubong ay trip na trip ko pa. Idagdag pa iyong mga labi niyang parang candy na parang masarap papakin! Damn! There's really something in him na hinahanap hanap ko!
"Wala. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng pagtatiyaga mo sa'kin. I know this is not easy for you pero pinanindigan mo pa rin. Doon palang sobra sobra na ang pagpapasalamat ko."
Mas lalong nalukot ang kanyang mukha kasabay ng mas lalong pagsasalubong ng kanyang kilay dahil sa pagiging weirdo ko sa kanyang harapan.
"Are you sure you're okay? Nakainom ka na ba ng vitamins?"
Napanguso ako't inayos ang upo sa harapan niya.
"Seryoso ako," siya naman ang pumihit para tuluyan na rin akong harapin imbes na sa kanyang laptop. "Thank you sa lahat lahat. Masaya akong makita kang ready na sa pagiging ama. Ngayon palang ay panatag na ako kung sakaling aalis na't iiwan sa'yo ang baby because I'm one hundred percent sure that you're going to be a great father." parang may gumuhit na pait sa aking lalamunan kaya nahinto ako.
"Valerie-"
"That's our plan Jaycint and we're sticking to it. Walang nagbago at walang magbabago do'n."
Ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib ng makita ang pag-igting ng kanyang panga pero sa kabila ng tensiyon ay nagawa kong ngumiti dahil iyon nalang ang kaya kong gawin sa pagkakataong ito para lang maibsan ang agarang pagbigat ng aking dibdib.
"I'm sorry..." bulalas ko kahit na napakarami ko pang gustong idagdag sa aking mga salita.
I'm sorry kung malaking pabigat ako. I'm sorry kung hindi tayo pwede. I'm sorry kung nakilala mo pa ako. I'm sorry kung nagulo ko ang buhay mo and I'm sorry kung napaasa kita at hanggang ngayon pinapaasang magbabago ang lahat kahit na hindi.
Bigo siyang nag-iwas ng tingin dahil sa sinabi ko.
"I'm so sorry for everything, Jaycint-"
"Two months," he spat before looking back at me. "Huwag kang magsasalitang parang nagpapaalam na dahil may dalawang buwan pa, Valerie. May dalawang buwan pa ako." mapait niyang sabi kaya sandali kong nakagat ng mariin ang aking labi.
"Jaycint..." malungkot kong sambit pero hindi ko na nagawang magpatuloy dahil sa pagtayo niya't pag-alis ng walang paalam.
Hindi ko na naiwasan ang tuluyang pagbagsak ng aking puso habang pinapanuod siyang lumayo pero sa kabila no'n ay umasa akong babalik siya. Alam kong babalik siya at babalikan niya ako kaya hindi ako umalis. Mabuti nalang at nag-text si Zuriel sa akin kaya sandaling nawala ang utak ko nangyari.
Zuriel:
Are you ready? We can't wait to see you, Valerie.
Sa kabila ng kalugmukan ay nagawa kong ngumiti. Sa Lunes, ilang araw simula ngayon ay nakatakda ang araw ng pagbisita ko kay George. Hindi pa man buo ang puso kong gawin 'yon ay ipinangako ni Jaycint na wala akong kailangang isipin dahil hindi niya ako iiwan. I trust him so much kaya kahit na umuulit pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan ay pumayag pa rin ako. Besides, hindi na rin naman siguro siya magtatagal kaya walang masama kung pagbibigyan ko ang mga kapatid ko. Sila nalang ang inisip ko at hindi na si George. I want them to be happy kapalit ng lahat ng mga maling nagawa ko sa kanila.
Ako:
Yeah. Pupunta ako.
Zuriel:
Thank you for doing this, Valerie. You don't have any idea how important it is for us.
Hindi ko na nagawang mag-reply ng marinig ko ang mabibilis na hakbang palapit sa akin. Napaangat ako ng tingin at tuluyan ng nabitiwan ang hawak ng makita si Jaycint na huminto ilang dipa sa aking gawi.
Pasimple kong nakagat ang aking labi ng makita ang nakatangis niyang bagang habang matalim na nakatitig sa akin gamit ang mga matang bakas na bakas ang pighati.
"Just don't say anything about leaving, Valerie Cross. Huwag kang magpapaalam dahil wala pa ang anak ko. Huwag kang magpapaalam dahil hindi pa tapos ang lahat ng napag-usapan natin. Huwag kang magpapaalam dahil hindi ko alam kung kaya ko..." dumiin ang aking pagkagat sa aking labi kasabay ng panghihina ng aking puso dahil sa narinig. "Huwag kang magpapaalam dahil baka ngayon palang hindi na kita payagan... Huwag. Just don't fucking say it." madiin niyang sambit sa tonong nangingibabaw ang sakit kaya wala na akong nagawa kung hindi ang marahang tumango at lunukin nalang ang lahat ng emosyong gusto akong paiyakin ng todo sa harapan niya ngayon.
I won't and I promise na hindi na... I'm sorry... I'm really really sorry, Jaycint Ace.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro