Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 48

CHAPTER FORTY EIGHT

Not Gonna Happen

I've never had a peaceful sleep since I agreed to his terms pero matapos ang kalmadong pag-uusap namin ni Jaycint ay alam kong ito na ang pinaka-magandang tulog na naitulog ko sa buong buhay ko. Though naiisip ko pa rin si Stella at ang mga nagawa kong masama sa kanya, masasabi kong mas maayos pa rin ang lagay ng puso at isip ko ngayon kaysa nitong mga nakaraan. Dahil do'n ay tanghali na akong nagising at sa hindi malamang dahilan ay wala man lang kumatok sa akin para mang gising. Pagbaba ko rin ay walang mga kasambahay na kumausap sa akin dahil masyado silang abala sa kung ano.

"Nina."

"Sandali lang po, Miss Val!" nagkukumahog siyang tumakbo pabalik sa kusina kaya doon na rin ako dinala ng mga paa ko.

Sa pagpasok ko palang ay agad ko ng naramdaman ang pagtalon ng aking puso ng bumalandra sa aking mga mata ang iba't-ibang uri ng prutas na mukhang bagong pitas pa't ngayon ay nakabalandra sa counter top.

"Magandang tanghali, Valerie." magiliw na bati ni Aling Mayona na may malawak na pagkakangiti gaya na rin ng iba pang naroon.

Nina is busy in the pantry. Hindi pa man ako nakakapagtanong kung anong mayroon ay dumating naman ang dalawang driver na may mga buhat na karton. Napalunok ako ng matigil ang mga mata ko sa inilapag nilang bagay sa lamesa. It's my milk. Wait, ito na ba ang sinasabi ni Jaycint na pagbawi sa akin? But isn't it too much? Napangiwi ako ng maisip kung gaano karami ang gatas na binili niya!

Natigil lang ako ng lumapit sa akin ang isang lalaki dala naman ang isang paper bag.

"Miss Val, narito na po iyong mga vitamins na kailangan niyo. Pinapasabi po ni Sir Jaycint na kung may kailangan pa kayo ay tawagan niyo nalang siya." tuliro kong kinuha sa kamay niya ang paper bag at nagpasalamat nalang kahit na hindi ko na malaman ang gagawin.

Muling bumalik ang mga mata ko sa mga prutas. Hindi lang pala mga prutas ang naroon! Marami ring mga gulay na bagong harvest at fresh galing sa farm pero mas napangiti ako ng makita ang mangga, iyon nga lang... Parang iba na ang gusto ko at sa dami ng iba't-ibang prutas sa counter ay wala iyon doon.

Bago pa ako makalimot ay tinext ko na si Jaycint para magpasalamat.

Ako:

Thank you sa vitamins, gatas at sa lahat.

Hindi nawala ang ngiti ko kahit na lumipas ang ilang minutong wala naman siyang reply sa akin. Sabi ko nga, kahit na ginagawa niya lang ang lahat para kay Stella ay tatanggapin ko pa rin.

Natataranta akong napaahon sa aking kama ng marinig ang pagtunog ng aking telepono. Kahit na may posibilidad na iba ang may gawa ng bagong dating na text ay talagang mataas ang hiling kong si Jaycint iyon kaya gano'n nalang ang pagwawala ng puso ko ng makita ang pangalan niya sa screen.

DAKASI:

You're welcome. May kailangan ka pa bang iba?

Wala ng pagdadalawang-isip akong nag-reply!

Ako:

Wala na. Sobra sobra na nga eh.

DAKASI:

Okay. Just call me if you need something.

Paano kung ikaw ang kailangan ko? Tatawag na ba ako?

Parang baliw kong nakagat ang aking pang-ibabang labi dahil sa mabilis na pag-ikot ng aking sikmura gawa ng naisip. Sigurado akong hindi lang ako ang baliw ngayon kung hindi pati na rin ang baby ko dahil nagpa-palpitate pa ako gawa ng mga texts ni Hacintong kung tutuusin ay normal lang naman!

Ako:

Okay.

Inilayo ko na ang telepono dahil sigurado akong tapos na ang pag-uusap namin pero bago ko pa iyon mailapag ng tuluyan ay mabilis ko na 'yong nabitiwan dahil sa mas malakas na pag-iingay nito gawa ng pagtawag ng kung sino!

Shit!

Nagmamadali ko iyong pinulot at sinagot kahit na hindi pa man nakikita kung sino ang tumatawag.

"Hello?" hinihingal kong sagot habang nakasalampak sa sahig.

"Are you okay?" parang mas lalo akong hiningal ng marinig ang nag-aalalang boses ni Jaycint sa kabilang linya!

Oh my God! What the hell is wrong with me! Bakit parang mas lalong sasabog ang puso ko ngayong siya pala ang tumawag!

"O-Okay lang! Sorry!" nanginig ang boses ko dahil sa pagkataranta.

"Why are you panting?"

"W-Wala! Nagwo-work out ako." napapikit ako dahil sa mga kasinungalingang lumabas sa aking bibig.

"Work-out? Is that even safe for the baby?"

"Y-Yeah! Oo naman! Bakit ka napatawag?" tanong ko nalang para matapos na ang lahat ng kabaliwang nararamdaman ko ngayon!

"Kailangan mo ba ako?" dagdag ko ng hindi siya magsalita. Awtomatikong umangat ang aking kamay patungo sa aking noo para tampalin ang sarili ng maisip ang sinabi. "I-I mean, may kailangan ka ba?" Damn it! This is not good! Ano bang nangyayari sa akin!

"Nothing. I gotta go now."

"S-Sige. Okay. Sorry. Bye!" hindi ko na napigilan ang kamay kong tapusin ang linya dahil talaga namang sobra sobra na ang pagkataranta ko!

Huli na tuloy nang maisip kong baka may sasabihin siyang importante pero hindi na rin ako nag-abala pang magtanong.

Pagsapit ng alas tres ay dumiretso na ako sa farm para puntahan si Tiya Winny at tulungan sa mga gawain doon. Normal nalang naman sa akin ang tumulong pero hindi ko inaasahan ang ibinigay niya sa akin hindi pa man natatapos ang aming trabaho.

"Tiya Winny..." nahihiya kong ibinalik sa kamay niya ang tatlong libong ibinigay niya sa akin.

"Sa'yo 'yan. Iyan ang parte mo sa pagtulong sa amin, Valerie. Pinagpaguran mo 'yan kaya huwag ka ng tumanggi."

Naikumo ko ang aking kamay na may hawak na pera. Kahit na nilalamon ako ng hiya ay nilunok ko nalang lahat iyon. Gustohin ko mang magtira pa ng dignidad sa aking sarili ay hindi ko na nagawa dahil totoong kailangan ko rin ng extra kung sakaling may makalimutan na naman si Jaycint. Isa pa, mahaba-haba pa ang panahong magkakasama kami kaya kailangan ko ito gaya na rin ng pangangailangang gumawa ng back up plan kung sakaling magbagong muli ang ihip ng hangin.

Pagkatapos ng pagtulong ko sa kanilang mag gatas ng mga baka ay sabay sabay naman kaming dumiretso sa farm para doon mag meryenda. Gaya noong isang araw ay marami pa ring pa-mais at pa-kamote si Mang Toring at Aling Ester.

"Kumain ka pa, Val! Mabuti sa katawan itong kamote."

Ngumiti ako at tumango kay Aling Ester. "Opo. Salamat po ulit rito."

"Ay sus! Maraming salamat saiyo at binibigyan mo kami ng oras. Naaalala ko talaga sa'yo si Skyrene sa mga ganito dahil wala kayong pinagkaiba. Mabait na, maganda pa."

Napangiwi ako sa sinabi ni Aling Ester. Maganda pwede ko pang paniwalaan pero ang mabait? Talaga bang ako ang sinasabihan niya? Mabait ako? Parang gusto ko nalang matawa. Parang kahit kasi kay Skyrene ay hindi ko 'yon narinig dahil hindi naman iyon totoo.

Pagkatapos kumain ay nakagawian na ng mga lalaki ang maglaro ng dama habang ang mga babae naman ay gumagawa ng abaniko. Minsan tumutulong rin ako pero kadalasan ay sa mga lalaki ako sumasama dahil nabo-boring ako sa paggawa ng pamaypay at naiinitan rin ako sa loob ng kubo. Sa labas kasi ay mas dama ang sariwang hangin at nakakatuwa rin ang mga biruan nila habang naglalaro. Sanay na rin kasi akong mga lalaki ang kasama. I would always prefer hanging out with boys. Walang tanong doon pero habang nakiki-halubilo sa kanila ay walang segundo namang hindi ko naisip ang mga kalalakihan sa West Side. I missed them. Kumusta na kaya sila?

"Checkmate! Talo ka na naman Nado!"

Sumabay ang tawa ko sa mga nang-aasar lalo pa ng makitang napapakamot nalang sa ulo ang matandang natalo. Walang tigil ang panunood ko habang nagpapalipas ng oras at pag coach sa walang katalunang asawa ni Aling Ester, bwenas yata talaga kapag buntis.

Hindi pa sana titigil ang mga naglalaro dahil maaga pa naman pero awtomatikong natigil ang lahat ng marinig ang tunog ng isang sasakyang palapit sa amin. Ang mga kababaihan naman ay lumabas na rin sa kubo para tignan iyon. Naging mabilis rin ang paggaya ko sa kanila nang makita ang pag-ibis ng itim na SUV'ng pagmamay-ari ng mga Deontelle.

Kunot noo ko iyong hinintay na lagpasan kami kaya gano'n nalang ang naging kalampag ng puso ko ng makitang bumabagal na ito habang palapit sa amin! Hindi ko pa man sigurado kung sino ang sakay no'n at ano ang pakay pero dahil naging abala na ang lahat sa pag-abang ay nagmamadali naman akong pumasok pabalik sa kubo at dumiretso sa banyo!

Naisip kong kahit si Ramiel o sino pa sa pamilya ng mga Deontelle ay hindi dapat malamang narito ako at ang mga ginagawa ko dahil tiyak na malalagot ako kay Jaycint! Masyado pa naman 'yong concerned sa anak niya kaya hindi talaga pwede!

Pigil ang aking paghinga habang naririnig ang mga boses sa labas pero wala sa sariling kumawala ang mahinang mura sa bibig ko dahil hindi ko naman sila napaalalahanang dapat ay walang makaalam ng agenda ko rito!

"Teka at hahanapin ko muna si Valerie, Jaycint!" masayang hiyaw ng hula kong si Aling Ester na dahilan ng paglunok ko ng ilang beses!

Shit! Alam niyang narito ako? Bakit? Paano? Nagmamadali akong sumandal sa pintuan para hindi niya iyon mabuksan kung sakaling subukan niya!

"Valerie?"

Napapikit ako ng mariin at kinalma ang kabuuan bago siya sagutin.

"P-Po?"

"Ayos ka lang ba diyan?"

"Opo! Bakit po?"

Walang pakundangan ang pagmumura ng utak ko ng marinig ang hagikhik niyang tuwang tuwang hindi na malaman!

"Hinahanap ka ni Jaycint. Lumabas ka na diyan."

"P-Po? Bakit daw po?" inayos ko ang mukha ko sa pinto hindi para mas marinig ng maayos ang kausap ko kung hindi para marinig ang kumosyon sa labas.

Is he really here? Pero bakit? Anong kailangan niya? This is so unusual. Sobrang aga pa kung sa oras nang pag-uwi niya... Pero kung umuwi man talaga siya, paano niya nalamang umalis ako't narito ngayon eh wala namang nakakaalam sa bawat pagtakas ko sa mansion?

"Basta hinahanap ka at uuwi na raw kayo."

"P-Po? Bakit po kasama ako?"

"Teka't itatanong ko."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi niya kasabay ng mga yapak palayo pero muling naputol iyon ng marinig siyang magsalita ulit.

"A-Ah, eh Valerie... Lumabas ka nalang at kayo na ang mag-usap," magsasalita na sana ako pero naitikom ko kaagad ang bibig ng magpatuloy siya. "Nasa banyo pa, Hijo. Hintayin mo nalang at palabas na rin naman iyan."

That made me bit my lip! Hindi pa ako lalabas at hindi ako lalabas! What is he doing here? Ang daming katanungan na pumasok sa utak ko. Papagalitan niya ba ako dahil sa pag-alis ko? Sisigawan niya ba ako sa harapan ng lahat? oh God, no! Oo nga't kaya ko namang tanggapin at harapin ang lahat ng galit niya pero ayaw ko namang mapahiya sa lahat.

Anong gagawin ko?

Muli kong pinakiramdaman ang ingay sa labas pero bukod sa mga boses ng lalaking nagpapatuloy na ulit sa paglalaro ay wala na akong marinig.

Is he gone? Umalis na rin ba siya o naghihintay pa rin sa akin at naiinip na? Napabuntong hinga ako sa naisip at tuluyan nang sumuko sa mga takot na nasa isip. Dahan dahan kong hinila ang kahoy na pintuan ng banyo at tuluyan na iyong iniawang. Nang lumipad ang tingin ko sa likurang pinto ay nagkaroon kaagad ako ng pag-asa. Pwede naman sigurong dito nalang ako dumaan 'di ba? Pwede namang sa mansion nalang niya ako pagalitan? Bahala na!

Nagmamadali akong lumabas sa banyo at agad na humakbang palapit sa pintuang 'yon pero ang mga paa ko'y kusang huminto ng marinig ang baritono niyang boses na tumawag sa akin.

"Valerie." mabilis kong naikumo ang aking mga kamay dahil do'n. It's really him at talagang hinihintay niya nga ako! "Where are you going?" dagdag niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang dahan dahang pumihit paharap sa kanya.

Kung gaano kabagal ang naging pagharap ko sa kanya ay gano'n naman kabilis ang utak ko para mag-isip ng alibi!

"M-May titignan lang sana ako sa likod!" tumikhim ako dahil nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon!

Fuck it! Kahit yata pagsisinungaling ay hindi ko na kaya! Baby, what have you done?

Umayos ako ng tayo ng binuwal niya ang mga kamay niyang nakahalukipkip sa kanyang harapan at ibinaba ito patungo sa kanyang mga bulsa. He's wearing a khaki shorts and a white polo shirt. Ibig sabihin, kanina pa siya nakauwi?

"Ang tagal mong nasa banyo, ayos ka lang?"

Para akong asong palamuti sa dash board ng mga jeep dahil sa agaran kong pagtango-tango. Tinantiya ko ang kabuuan niya at nakahinga lang ng maluwag ng makita kong wala namang galit na nananalaytay sa kanyang ekspresyon. Thank Goodness! Wait, hindi siya galit? Pero bakit nga siya nandito?

"O-Oo naman... Ayos lang. Bakit ka nandito?" hindi ko na napigilang itanong.

Tahimik akong humakbang palapit sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot pero sa tagal ng pananahimik niya ay nahinto ako ulit. Kinunutan ko siya ng noo kaya nagsalubong naman ang kanyang kilay.

"Sinabi kong sinusundo kita 'di ba? Uuwi na tayo." iritado niyang sagot pero imbes na matakot ay parang mas natuwa pa ako! Damn these hormones!

"At bakit?" pinigilan ko ang pag silay ng ngiti sa mga labi ko ng makita ang tamad niyang pagpilig sa kanyang ulo para bigyan ako ng isang are you serious?! look.

"T-Tsaka paano mo nalamang nandito ako?" isinantabi ko ang lahat ng tuwang nararamdaman para lang klaruhin ang pakay niya ngayon. "Tsaka, umuwi ka na galing sa trabaho? Ang aga naman yata?"

"Bakit ba ang dami mo pang tanong?" dama ko ang pagdiin ng dibdib ko kasabay ng mas lalong pagwawala nito ng makita ang agaran niyang paghakbang palapit sa akin at wala ng pasakalyeng hinawakan ako sa kamay! "Basta sinabi kong uuwi, uuwi ka. Hindi na kailangang magtanong," inis niya pa ring sambit habang maingat na akong iginigiya palabas ng kubo!

"Nasa'yo ang anak ko baka nakakalimutan mo." pabulong niya pang dagdag bago kami makabalik sa nakararami kaya wala na akong naisagot!

What the flying fuck?! Totoo ba ang lahat ng mga naririnig ko?

Nang makita ang pagsalubong sa amin ng lahat ay pasimple kong hinila ang kamay ko para tanggalin sa pagkakahawak niya pero mas lalo lang iyong humigpit habang matikas na sinasalubong ang lahat!

"Uuwi na ba kayo, Jaycint?" si Tiya Winny.

Hindi niya ba ako bibitiwan? Hindi talaga? Iginalaw ko ulit ang kamay ko pero tuluyan na akong bumigay nang lingunin niya ako gamit ang pamatay at masungit ng titig!

Fine Hacinto! Fine!

Nahihiya akong pumwesto sa gilid niya. Hindi ko alam kung anong nakain niya ngayon o wala lang siyang nakain para gawin 'to sa harapan ng lahat pero ano pa bang magagawa ko? Mas mabuti pang manahimik nalang kaysa sa dito pa siya magalit at bulyawan ako!

Pinilit kong magpaskil ng ngiti kahit na damang dama ko ang kahihiyan ngayon! Paano nalang kung isipin nilang may relasyon kami? Paano kung isipin nilang nangangaliwa siya at sabihin kay Tisha?! Ayaw ko na ng gulo pero hindi ko naman alam kung paano ito iiwasan!

"Opo. Sinundo ko lang ang mag-ina ko." doon na nalaglag ang aking panga kasabay ng panlalaki ng aking mga mata!

Oh help me, Lord! Parang gusto ko nalang talagang maglaho habang sinusulyapan ang lahat na nahawa rin ng ekspresyon ko maliban kay Tiya Winny na siyang tanging nakakaalam ng lahat!

"B-Buntis ka, Valerie?!" sabay na bulalas ni Aling Ester at Mang Toring!

Inangat ko ang isang kamay ko palapit sa kamay ni Jaycint na nakahawak sa akin dahil parang bigla akong nanlambot! I don't know what to say!

"Hindi niyo po alam?" si Jaycint na bakas ang tuwa sa boses dahil sa tuluyang paghawak ko sa kamay niya para lang manahimik siya!

Sabay sabay silang umiling habang si Tiya Winny naman ay tumatawa na! Diniinan ko ang hawak kay Jaycint ng lingunin niya ako. Tinodo ko ang makahulugang titig sa kanya pero talagang wala na yata siyang pakialam sa sasabihin ng lahat.

"Yeah. I'm going to ba father."

"J-Jace-"

"Kaya sana huwag niyo ng patulungin si Valerie sa kahit anong gawain dahil ayaw kong mapano ang anak ko."

Mabilis ang pagsisitanguan ng lahat kahit na bakas pa rin ang pagkabigla sa kanilang mga mukha. Sinubukan kong tumawa para depensahan ang sarili ko ngunit mabilis akong naubusan ng lakas ng loob ng bumaling silang lahat sa akin, maging si Jaycint!

"Ang OA mo... Hindi naman mabigat ang trabaho tsaka kayang kaya ko pa namang magtrabaho dahil hindi pa naman malaki ang-"

"Ay hindi na, Valerie! Simula ngayon ay hindi ka na gagawa ng kahit na anong trabaho!" matigas na sabi ni Mang Toring.

"Mang Toring-"

"Hindi na maaari." si Aling Ester naman.

Naiwan sa pag-awang ang bibig ko at kahit na gustong gusto ko ng kurutin ang lalaking nakangisi sa gilid ko ay hindi ko ginawa dahil alam kong pagagalitan ako ng matatanda.

"Tama si Jaycint, Valerie. Huwag ka ng makulit." nakisali na rin si Tiya Winny kaya tuluyan ko na akong natalo.

Wala na akong nasabi hanggang sa sasakyan pabalik ng mansion. Ni hindi ko siya matitigan dahil hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ang mga katanungan sa utak ko ay mas lalong naging walang pagsidlan.

Nagkaroon lang ako ng sapat na katinuan ng makita ko ang isang bultong nasa main entrance ng mansion at hinihintay kami! Hindi ko na napigilan ang tuwang bumalot sa aking puso at agad nang napabaling kay Jaycint.

"R-Rigel? Nandito na si Rigel?!" he just nodded at pagkatapos ay inginuso ang lalaking naghihintay.

"Kailan pa?" tanong kong hindi na maitago ang sobrang kasiyahan.

"Ngayon lang."

Tatanggalin ko na sana ang seat belt ko dahil malapit naman na kami pero hindi ko nagawa nang samaan niya ako ng tingin kasabay ng paglaglag ng mga mata sa hawak ko.

"S-Sorry."

Nanatili ang suplado niyang titig kasabay ng pag iling-iling. Hinintay ko nalang na huminto ng tuluyan ang sasakyan bago iyon tanggalin pero hindi ko na siya nahintay pang pagbuksan ako ng pinto dahil sobrang excited na akong salubungin ng yakap ang kapatid ni Skyrene!

"Rigel!" halos maiyak pa ako sa tuwa habang yakap yakap ito!

"Ate, Val! It's so good to see you again!" bati niya pabalik habang sinasagot ang yakap ko.

Sandali kaming nagkumustahan at pagkatapos ay dumiretso naman sa hapag. Naroon na si Ramiel at Izzy kasama si Cassy na wala na ring patid ang kasiyahan dahil sa pagbabalik Pilipinas ng kapatid. Though he's just here for a couple of weeks, ayos na rin iyon dahil miss na miss ko na rin ang isang ito! Hindi ko man sigurado kung magiging busy rin siya gaya ng mga kapatid at pinsan pero alam kong magkakaroon pa rin naman ng oras para makapag-kwentuhan kami.

Pinagbigyan kaagad ako ng tadhana ng magyaya ang magkakapatid na maligo sa pool at magkaroon ng kaunting welcome party para kay Rigel kinagabihan.

"Cheers!" napanguso ako't inangat pa rin ang gatas na aking hawak para ilapat sa mga baso nilang may lamang alak.

Napalunok ako ng makita pa ang pamamawis ng baso nilang may lamang beer dahil sa yelo. Nakaka-miss nga naman talagang uminom ng alak pero dahil mas importante ang batang nasa sinapupunan ko kaysa sa lahat ay wala akong gagawing ano mang ikasasama nito.

Sandali lang nakipag-inuman si Jaycint dahil may kailangan daw siyang tawagan, siguro si Tisha pero wala namang nagtanong. Si Ramiel at Izzy naman ay mas nanatili sa pool kaysa sa tabi namin. Bago pa sumapit ang alas diyes ay nagpaalam na rin si Cassy kaya kami ni Ramiel ang naiwang magkasama sa upuan habang pinapanuod ang dalawang naglalampungan sa pool.

"Congratulations pala ulit, Ate Val ha. Sorry late na ako sa balita."

Pinagdiin ko ang aking mga labi at saka tumango. Of course, alam niya na rin iyon dahil pamilya sila ni Jaycint kaya sila ang unang makakaalam ng lahat.

"Thank you."

Ngumiti siya at pagkatapos ay uminom sa hawak na beer.

"So what's the plan?"

Uminom na rin ako. Iyon ang hindi niya alam. Hindi ba nasabi ni Jaycint?

"Wala naman masyado. Basta pag lumabas na si baby, babalik na ako sa West Side," napangiti ako ng mapait. "Life must go on, 'di ba?"

Nalukot ang mukha niya dahil sa matinding kalituhan.

"And he agreed to that?"

"Oo naman. Bakit hindi?" bahagya pa akong natawa dahil hindi ko inasahan ang kabiglaan niya gayong iyon naman talaga ang desisyon. Isa pa, gaya ng sabi ko, wala akong lugar rito at iyon ang hindi magbabago.

"But why? Hindi ba pwedeng dito ka nalang para kay baby? That way mas maaalagaan mo ang anak niyo. I'm sure that will not be an issue. Para naman sa bata eh."

"Rigel," kalmado kong sabi dahil nababaliwan ako. "Wala akong lugar rito. Isa pa, ayaw ko namang pagmulan ng lahat ng gulo sa relasyon ni Tisha at Jaycint. Ayos na ang lahat at tapos na ang usapan namin. That's our plan. Sa kanya ang custody ng bata pero tutulong pa rin ako sa lahat ng gastusin."

Matagal ang naging pagtitig niya sa akin gamit ang litong mga mata. Sa pagkurap-kurap niya ay mas lalo lang nalukot ang kanyang mukha. Tumagal na gano'n ang titig niya sa akin pero wala naman akong maisagot. Uminom nalang ulit ako't hinintay siyang makabawi. Siguro'y nahihirapan ding isipin ang desisyon ko pero nang bumukas na ang kanyang bibig ay ako naman ang nakulong sa kalituhan.

"What's with Ate Tisha and Kuya Jaycint again? Did I missed something here?"

Inubos ko na ang laman ng baso ko bago siya sagutin.

"Basta, Rigel. Ayaw kong makasira ng relasyon. Oo gago ako at alam mo 'yon pero hindi ko pangarap na maging dahilan ng break-up-"

Nabigla ako sa biglaan niyang pagtawa ng malakas na halos mailuwa pa ang ininom na alak!

"Break up?! Are you serious, Ate Valerie?"

Tuliro kong ibinaba ang hawak na baso sa lamesa. Hindi ako sumagot kaya siya nagpatuloy.

"Did they said that they're officially together? Sinabi nila sa'yo?"

Ako naman ang napakurap-kurap. Napaisip ako kung may narinig ba akong sinabi ng dalawa na kumpirmasyong sila talaga bukod sa assumptions ko pero wala akong maalala. Itinaas niya ang isang kilay ng ibalik ko sa kanya ang nalilitong titig, naghihintay na sagutin ko 'yon pero parang ayaw nang magsalita ng bibig ko.

"Hmm?"

"B-Bakit? Anong problema do'n? Hindi ba sila?"

Napatuwid ako ng upo ng marinig ulit ang nakakaloko niyang tawang parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko!

"Rigel..." pigil ko ng hindi siya humintong pagtawanan ako.

Nilagok niya ang alak na hawak pero kahit na hindi na siya tumatawa ay nakangisi pa rin ang loko!

"They will never be together, Ate Val. Siguro gaya ka rin ng iba na nag-assume na may relasyon sila romantically pero hindi 'yon mangyayari."

Nanatili ang titig ko kay Rigel, hinihintay ang pagpapatuloy niya dahil buhol buhol na naman ang utak ko! Anong nangyayari?

"A-And why is that?"

Kinagat niya saglit ang labi para pigilan ang nakakabaliw na kasiyahan dahil sa kung ano pero dahil alam niyang hindi ko siya tatantanan kapag hindi niya sinabi sa akin ang dahilan ay wala na siyang nagawa kung hindi ang umayos ng upo at harapin ako bago mag seryoso.

Tinanggal niya pa ang bara sa lalamunan para mas malinaw ang lahat ng sasabihin.

"Ate Letisha is in love with a woman. She's lesbian Ate Val kaya walang rason para maging sila ni Kuya Jaycint... But let's keep that between the two of us."

Nakita ko ang sarili kong unti-unting nanlalaki ang mga mata dahil sa narinig! No! Hindi!

"But they're..."

Sinagot niya agad ako sa pamamagitan ng pagtango-tango.

"Sweet? Perfect for each other?" he laughed again. "Hindi ka nag-iisa ng akala. But that's the fact. Ang huling pagkakaalam ko, kaya sila nagbakasyon noon ni Kuya Jaycint ay dahil sa babaeng gusto ni Ate Tisha. She has been a lesbian ever since pero hindi iyon alam ng bulgar dahil nag-iisang babaeng anak lang ito. She has been dating a girl bago pa sila maging close ni Kuya Jaycint sa Spain. Mas marami pa nga yatang naka-date na babae 'yon kaysa sa amin eh."

Sunod sunod ang naging paglunok ko habang pinoproseso ang mga sinasabi niya.

"Malinaw na ba?"

"H-Hindi sila?"

Umiling siya. "Nope, not gonna happen."

"H-Hindi nga?" tanong kong hindi pa rin naniniwala at kahit siguro pagbali-baliktarin ko ang laman ng utak ko ay hindi pa rin ako maniniwala!

"They're just friends. Best friends... Maybe, brothers." pagbibiro niya pero bago pa muling matawa ay nilulon na ang lahat nang muling lumabas si Jaycint galing sa loob ng mansion!

Napatayo si Rigel ng tumayo na rin ako. Kunot noong lumapit sa amin si Jaycint.

"Hindi pa rin kayo tapos?" tanong niyang ni isa sa amin ay walang sumagot kaya nagpalipat-lipat ang titig niya sa amin.

Pasimple kong nilingon si Rigel kaya muli siyang napangisi, siguro'y nakikita pa rin ang pagkabaliw ko dahil sa mga sinabi niya!

"You can ask him if you want," aniya sabay tawa ng mala-demonyo at baling kay Jaycint ngunit bago pa ito makapagtanong pabalik ay nagmamadali na siyang lumayo sa amin at pinuntahan ang mga tao sa pool na siguro'y nakabuo na rin ng baby!

Sa pagbaling ni Jaycint sa akin ay muli nang lumakas ang kalabog ng dibdib ko! Halos mabingi na rin ako pero wala akong magawa kung hindi ang sagutin ang titig niyang iyon!

"Ask me what?" nakakunot noo niyang tanong dahilan ng tuluyan kong pagyakap sa aking panghihina pero wala nang naisagot sa kanya at hindi na rin sasagot pa kahit kailan!

~~~~~~~~~~~~


Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro