CHAPTER 46
CHAPTER FORTY SIX
Options
I never thought that being alone was hard. Ilang taon na akong nabuhay ng mag-isa pero ngayon ko lang naramdaman na talagang mag-isa lang ako. Ngayon pa kung kailan buntis ako.
Jaycint is still avoiding me at wala na akong magagawa doon. Hindi ko rin naman ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya dahil kahit naman siguro anong paliwanag at paghingi ng tawad ang gawin ko ay hindi na siya makikinig sa akin. That's fine with me. Siguro nga nagtitiis nalang rin siyang narito ako dahil sa anak namin kaya iyon nalang ang din ang pagtutuonan ko ng pansin. Ang pagtitiis. Maraming maraming pagtitiis pa.
"Ate Val?" napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses na 'yon.
I see Ramiel wearing only his boxer shorts. Hindi ko tuloy sigurado kung nag sleepwalk siya kaya ganito ang ayos niya ngayon o talagang ganito lang siyang pumunta rito?
Ngumiti ako at inayos ang upo sa mahabang couch na nakaharap sa hardin para paunlakan siya.
"Bakit ganyan ang ayos mo? Kulang nalang maghubad ka."
Natatawa siyang naupo sa tabi ko.
"Girls like me naked."
Kumawala na rin ang tawa ko.
"I don't."
Inayos ko ang gatas sa aking kamay at sumimsim doon.
"I don't really like wearing clothes while sleeping. Mabuti nga nag boxer pa 'ko ngayon kung hindi nakita mo sana akong hubad." proud niyang sabi sa kalokohan.
Naiiling nalang akong humarap sa kanya.
"Ramiel, ilang beses ko nang nakita 'yang buong katawan mo kaya kahit hindi ko makita ngayon malinaw pa rin sa utak ko ang lahat! Naalala ko pa kung gaano kaliit-"
Mabilis siyang umiling at itinaas pa ang hintuturo't iginalaw galaw sa harapan ko para lang putulin at kontrahin ang mga sinasabi ko.
"Malaki na, Ate Valerie. Malaking malaki na 'to."
Kumawala ang halakhak ko at hindi na napigilan ang sapakin siya. Fine. I'll give that to him. Talagang malaki na dahil barako na siya at marami nang napatunayan sa buhay hindi gaya noon na puro basag ulo lang ang alam.
Parehas kaming natigil at nagkakatitigan nang kunin niya ang yosi at akmang sisindihan na pero hindi naituloy ng maisip ang kalagayan ko.
"Sorry."
"Okay lang."
Umiling siya at tumayo para lumayo sa akin at doon ipinagpatuloy ang bisyo. Hindi nawala ang ngisi ko lalo na ng makita ang kulay pink niyang pantulog na tsinelas. I bet it's Cassy's.
"Why are you still here? Hindi ka makatulog?"
Inangat ko ang hawak kong gatas. "Nag-iinuman pa kami ni baby."
Ngumiti siya at humipat sa hawak na yosi. Nagbaba naman ako ng tingin ng muling pumasok sa utak ko ang naging daloy ng huling usapan namin ni Jaycint dahil kay Stella.
"Can I ask?"
"Hmm?" ibinuga niya ang usok sa ere.
Parang alak, uminom muna ako para makakuha ng lakas sa gatas na hawak ko't itanong na sa kanya ang lahat ng bumabagabag sa akin.
"What's the real score between you and Stella?"
Naningkit ang mga mata niya sandali pero agad rin namang nawala.
"Why?"
"Wala naman. Nakausap ko kasi si Tiya Winny, sabi niya okay na kayo ulit ni Izzi?"
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi pero hindi muna sumagot. Hinayaan ko na rin muna siyang ubusin ang hawak na sigarilyo.
"Since when did you leave the house? Paano mo nakilala ang Mama ni Izzi?"
See? Sa sobrang busy nila wala nga talaga silang alam na palagi akong tambay kasama ng mga trabahador at kung minsan ay tumutulong na rin sa mga ito sa mga gawain. Iyon rin ang nakatulong sa akin para kahit paano ay hindi maisip ang bigat ng pag-uusap namin ni Jaycint dahil kung hindi ay baka mabaliw nalang ako sa kakaisip.
"Can you just answer my questions?"
Tumawa siya at bumalik na sa tabi ko.
"Fine. Maayos na kami ni Izzi ngayon."
"And about Stella?"
Mas lalong kumalat ang tuwa sa kanyang mukha dahil sa tanong kong parang malaking biro sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ang malito.
"How I wish I can be with her."
"Bakit hindi?" napainom ako ng wala sa oras dahil pakiramdam ko'y kailangan ko ng maraming lakas ng loob sa pag-uusap na ito.
"Though I'm only two years older than her, I felt like she's still too young for me. Ewan ko ba. Feeling ko ang baby niya para sa'kin."
"S-So you were saying na wala kayong naging relasyon?" hindi ko na napigilang itanong dahil nag-uumpisa na namang magkabuhol-buhol ang utak ko.
Umiling siya. "Nah, Stella is like Cassy. Parang kapatid lang ang turing ko do'n."
Dama ko ang mas lalong pagkalito ng aking utak. So totoo nga ang sinabi ni Jaycint? Hindi sa nagdududa pa rin ako kung hindi hanggang ngayon kasi ay hirap pa rin talaga akong paniwalaan ang lahat.
I've seen them so close, iyong sa club. Sobrang sweet nila no'n at hawak pa nga ni Jaycint ang kamay ni Stella nung nakita ko 'di ba?
"P-Pero bakit palagi niyo siyang kasama?"
"Oh, Kuya Jace courted her."
Napatuwid ako ng upo sa narinig pero nang marinig ang pagtawa ni Ramiel dahil sa naging reaksiyon ko ay nalukot nang muli ang mukha ko.
"I mean sa business," maagap niyang bawi. Napabuntong hinga naman akong tila nabunutan ng tinik sa dibdib kaya mas lalo siyang natawa ngunit nagpatuloy naman sa pagsasalita. "Her brother, Zuriel Cross is the one who's handling everything since their father became ill..." nagpatuloy sa pagsasalita ni Ramiel pero hanggang doon nalang ang pumasok sa utak ko.
Is he talking about George? May sakit si George? May sakit pa rin? Malala ba? Malapit na ba siyang kunin ni kamatayan? But I doubt that. Ang masasamang damo ay hindi madaling namamatay kaya baka mauna nalang ang lahat ng buhay papunta sa langit ay mananatili siyang may sakit dito sa mundo.
"Are you with me?"
"H-Ha?" nalilito kong sambit ng makita ang paghinto niya pagkatapos ng ilang minutong pagsasalita na hindi ko na nasundan. "O-Oo!" sabi ko nalang. "So wala kang naging relasyon kay Stella gano'n rin si Jaycint bukod sa pagiging magkaibigan?"
Hindi nawala ang tuwa sa kanyang mukha.
"Wala, why? Ano bang akala mo? Akala mo pinagsasabay kami ni Stella?"
Hindi ako nakasagot. I'm guilty. Parang ayaw kong isipin ang lahat ng nagawa ko lalo na sa club gayong wala naman palang pundasyon ang lahat ng galit ko. She's not even with Ramiel at alam ni Jaycint 'yon kaya gano'n nalang rin ang galit niya nang gabing mawala sa akin ang lahat at nitong nakaraang gabi.
"Val, Stella is not what you think she is. Siya ang tumulong sa amin na matuloy ang deal sa negosyo ng kanyang pamilya at ng mga Deontelle. She helped us without even thinking twice. Boluntaryo ang lahat at walang kapalit. Hindi ko nga alam kung bakit gano'n nalang ang tiwala niya kay Kuya Jace pero naging maayos ang lahat. Wala akong masabi. Kung si Rigel ang pagbibintangan mong may relasyon kay Stella matatanggap ko pa pero si Kuya Jace? Man, he's so out of her league. Bata pa si Stella at malayo pa ang mararating no'n."
Inom, Inom at inom ang ginawa ko hanggang sa wala nang likidong dumadaloy sa aking lalamunan dahil ubos na ang gatas. Kung may dapat akong ikahinga ng maluwag ngayon ay tanging ang dahilan na walang ideya si Ramiel kung sino si Stella sa buhay ko dahil kung alam niya ay sana inusisa na niya ako tungkol sa do'n pero hind niya ginawa.
"May tanong ka pa?" nakangisi niyang sabi pero umiling nalang ako.
Wala na akong masabi at ayaw ko ng magsalita pa. I fucked up and look where did mistake brought me. Dahil sa pagiging assuming ko nawala ang trabaho ko. Dahil do'n mas naging malabo kami ni Jaycint at dahil do'n ay marami akong nasaktan.
Napatitig ako sa kanya ng tapikin niya ang aking balikat.
"Okay lang 'yon. Tapos na naman tsaka mabuti na rin na malinaw na sa'yo lahat," I just nodded at that.
Tumayo na siya at nagpaalam pero imbes na tuluyan akong iwan ay muli siyang umatras para harapin ako. Nalilito naman akong tumitig sa kanyang mga matang parang ngayon ko lang natitigang naging seryoso.
"You know what? I've never saw him that happy," napalunok ako sa mga unang salita na lumabas sa labi ni Ramiel pero wala na akong nagawa para iwasan 'yon at ang pakiramdam na nilalamon ng konsensiya. "Kapag magkasama kayo noon, kitang kita ko kung gaano siya kasaya and that is because he loves you, Ate Val. Totoong mahal ka ni Kuya Jaycint and I can't wait to see him be that happy again. Kayong dalawa... mali, kayong tatlo kasama ang pamangkin ko."
Mas lalo akong natulala at wala nang nagawa kung hindi ang mapalunok nalang habang pinapanuod siyang lumalayo. Kung gaano katahimik ang paligid ay gano'n naman ang lakas ng sigawan sa utak at puso ko. Pakiramdam ko'y naiingayan na pati ang anak ko dahil sa mga sinabi ng kanyang Tito pero wala akong magawa para ihinto ang lahat.
Wait... Did he just said kaming tatlo? Kasama ang anak ko? Pero bakit? How can he say that ngayong alam niyang may karelasyon ng iba ang pinsan niya? Ngayong alam niyang malabo na iyong mangyari? Is he just hopeful like Skyrene? O dahil alam niya kung gaano kahirap ang magkaroon ng hindi buong pamilya?
Hindi ko na nahabol si Ramiel para usisain pa at hindi ko na rin naitanong sa kanya kung bakit parang nahawa na siya kay Skyrene sa pag-asang magkakaroon ng buong pamilya ang kanyang pinsan na ako ang kasama.
Kahit na hindi pa rin ako kinakausap ni Jaycint ay hindi naman ako natigil sa mga nakagawian kong pakikihalubilo at pagtulong sa mga trabahador. Gano'n na rin ang paghihintay sa kanila sa tuwing sasapit na ang gabi. Iyon nga lang, dahil masyado siyang busy ay hindi ko na rin siya nahintay na bigyan ako ng oras at samahang magpa-check up sa doctor. Mabuti nalang at nandiyan si Tiya Winny para samahan ako. Bukod kasi sa kanya at sa pamilya ng mga Deontelle ay wala nang nakakaalam ng kalagayan ko. Not that I'm trying to hide it pero ayaw ko lang kasing pagpiyestahan si Jaycint lalo na't alam naman ng lahat na may girlfriend ito.
"Your baby is healthy..." sa sinabing iyon ng doctor ay nakuntento na ako't nakahinga ng maluwag pero muling nilukob ng init ang puso ko ng iparinig niya naman sa akin ang heartbeat nito.
Habang tumitibok 'yon ay sumasabay naman ang pag-uumapaw ng tuwa sa akin. Maluha-luha kong nilingon si Tiya Winny na agad namang hinawakan ang aking kamay. Ramdam ko rin ang sobrang kaligayahan sa kanya at buong puso akong nagpapasalamat dahil doon. Hindi man si Jaycint ang kasama ko ngayon ay masaya pa rin ako dahil may mga taong kaya akong bigyan ng oras kahit na wala namang obligasyon sa akin.
The doctor gave me vitamins that I needed throughout my pregnancy. Sa dami no'n ay kulang ang natitirang pera ko kaya kaunti lang muna ang binili ko. Sapat hanggang sa magkaroon ako ng oras na matiyempuhan si Jaycint at sabihin ang lahat ng ginawa ko ngayon maging ang mga pangangailangan ko.
Sa unang gabi ay nabigo ako kaagad. He didn't come home. Hindi ko naman matanong si Cassy dahil alam kong wala rin naman siyang alam sa schedule ni Jaycint. Si Ramiel naman ay hindi ko rin naaabutan.
Maybe Jaycint is still mad kaya siya palaging wala.. o baka busy lang talaga. Busy'ng lumimot. Busy'ng ma-stress sa'kin at busy'ng intindihin ako pero naiintindihan ko naman.
Napabuga ako ng isang malalim na paghinga. Ang lahat ng katanungan sa utak ko habang nakahilig sa dulo ng veranda ay kusang nawala nang muli kong maalala ang kagustuhang kumain ng mangga. Iyong manggang dilaw na dilaw at hinog na hinog. Parang mas gusto kong iyon nalang ang isipin kaysa sa mga problema ko ngayon pero sa pagtagal ay nainis nalang ako.
Where the hell would I get ripe mangoes in the middle of the night?
"Ang wrong timing mo namang mag-crave, baby. Gabing gabi na kaya. Saan naman pakukuhanin no'n si Mommy?"
Bigo akong naupo sa silya pero dahil para akong baliw at hindi mapakali ay bumaba nalang ako sa kusina para maghanap pero gaya ng inasahan ko, wala akong nahanap.
Malungkot akong bumalik at naupo sa high chair pagkatapos ay nagpangalumbaba. Bukod kasi sa saging at mga mansanas ay wala na akong nakitang hinog na hinog at dilaw na dilaw na mangga kaya hindi ko na napigilang i-text si Tiya Winny kahit na dis oras na ng gabi. Pakiramdam ko kasi ay mababaliw ako kapag hindi ako nakakain no'n ngayon!
Ako:
Tiya? Gising ka pa?
Pigil ang paghinga ko nang mag-sent ang text pero nang may dumating na sagot ilang minuto ang lumipas ay muli akong nabuhay at hindi na napigilan ang tuwa lalo pa ng makita ang pangalan niya sa aking screen!
Tiya Winny:
Hinihintay ko pa si Izzi. Bakit gising ka pang bata ka? Hindi ba sabi ng doctor ay huwag kang magpupuyat?
Napangiti ako sa kabila ng mga paalala niya at nagtipa ulit ng reply pabalik.
Ako:
Tiya, may mangga ka diyan?
Tiya Winny:
Anong mangga?
Ako:
Manggang...
Hindi ko 'yon nai-send kaagad nang maisip naman ang maasim na manggang hilaw! Ang pagki-crave ko ay mas lalong tumaas ng maisip ang asim ng manggang kinalabaw! Wala sa sariling napalunok nalang ako ng mangasim na ako't maglaway!
Ako:
Kahit anong mangga po?
Tiya Winny:
Mayroon naman. Gusto mo bang dalhan kita bukas diyan?
I didn't reply to that. Nag reply lang ako nang kunin ko ang aking telepono para buksan ang flash light habang tinatahak na ang daan patungo sa bahay ni Tita Winny. Hindi naman iyon malayo at hindi naman nakakatakot ang daan bukod sa madilim lang at maraming kung ano anong mga lamang lupang maririnig. Imbes kasi na sa kalsada ako ay pinili ko iyong mapunong short cut dahil walang bantay rito. I don't think the guards will let me leave kung doon ako sa main gate. Ayaw ko namang mabunton sa kanila ang paglilihi ko kaya minabuti ko nalang na dito dumaan para sa ikatatahimik ng lahat. Hindi ko na kasi alam ang gagawin kapag lumipas pa ang oras na wala akong nakakaing mangga!
My baby is stubborn. Manang mana sa akin kaya ngayong pinagsama kaming dalawa sa iisang katawan ay wala ng makakapigil lalo na't nanggigigil na talaga ako sa mangga. Sa bawat hakbang ko nga ay wala naisip kung hindi iyon.
Inayos ko ang aking suot na jacket at sumbrero nang matanaw ang bahay nila Tiya Winny. Napangiti ako ng makitang bukas pa rin ang ilaw sa labas. Maingat ngunit may pagmamadali kong tinawid ang ilang hakbang patungo doon.
"Tiya Winny." nahihiya man pero wala na akong nagawa kung hindi ang kapalan ang mukha para lang mapunan ang mga pangangailangan.
Nakatatlong katok ako at tawag sa pangalan niya bago niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Valerie?!" natawa ako ng makita ang biglaan niyang pagkataranta't paghawak sa dibdib na parang gusto na akong pagalitan dahil sa kapangahasan ko.
Sa huli, wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang papasukin ako at syempre, paghandaan ng mangga!
"Oh God..." mahina kong bulong na napapapikit pa habang nilalantakan iyong dilaw na dilaw at hinog na hinog niyang mangga.
I can feel my heart screaming with so much happiness. Or maybe it's just the little Deontelle. Masaya ang anak ko sa kabaliwan naming dalawa!
"Dahan dahan at huwag marami ang kainin mo't gabi na. Isa pa, matamis iyan masyado at hindi rin healthy sa bata."
Tumango naman ako pero hindi ko alam kung kaya ko siyang sundin ngayon. Ni hindi na nga ako makapagsalita dahil sa pagka-busy sa pagkain.
Hinayaan ko siyang mailing at matawa habang pinapanuod ako't pinapakinggan ang mga pamumuri ko kung gaano kasarap ang mangga niya na parang first time kong makakain nito sa tanang buhay ko.
"Paano ka nakatakas sa mansion? Wala ba si Jaycint?"
Umiling ako at pinunasan ang gilid ng aking mga labi.
"Sa shortcut po ako dumaan."
"Diyos mio, Valerie!"
"Tiya, maayos naman ako. Wala namang nangyari tsaka hindi ako makakapunta rito kung sa kalsada ako dumaan."
"Pero hindi ka na dapat pumunta. Sana sinabihan mo nalang ako at bukas na bukas maaga palang ay hahatiran na kita-"
"Tiya, nagwawala ang anak ko. Gustong kumain ng mangga kaya pinagbigyan ko na. Isa pa, hindi po ba gagawin ng isang magulang ang lahat lahat para sa kanyang anak?" madrama kong sabi kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang mapailing nalang.
"Hay, Valerie... Ikaw talaga. Ano nalang ang sasabihin ni Jaycint mamaya kapag umuwi ka na?"
Bumagal ang pag nguya ko dahil sa kanyang tanong. Unang una, hindi ko alam kung umuwi pa si Jaycint ngayon at pangalawa, siguradong wala rin naman iyong masasabi dahil hindi niya naman malalaman. Kung malalaman man niya, wala na rin naman siguro siyang pakialam.
Tinapos ko ang pagkaing nasa aking bibig bago siya muling sagutin.
"Pwede po bang dito nalang muna ako hanggang sa sumikat ang araw?"
"Pero hindi ka ba hahanapin doon sainyo?"
Bigo akong umiling dahil sa pait ng katotohanang wala namang maghahanap sa akin kung sakaling mawala ako pero mabilis ko rin iyong itinago sa kanyang harapan.
"Maaga naman po ang alis ni Jaycint tsaka masyadong busy 'yon. Wala rin namang nakakita sa akin kanina kaya walang nakakaalam na pumunta ako rito."
Mas lalong hindi naging sigurado ang kanyang titig pero dahil gabing gabi na at iniisip niya rin ang kalagayan ko ay pumayag na rin siya.
Bago pa sumikat ang araw ay nagpaalam na ako kay Tiya Winny. Buong puso akong nagpasalamat sa kanya at sinabing babalik nalang ulit kapag nagsialisan na ang mga tao sa mansion. Ramdam ko man ang pag-aalala sa kanya sa kung ano ngunit wala naman siyang binanggit.
Pigil ang paghinga ko habang tinatahak ang short cut na dinaanan ko kagabi. Sa pagbilis ng ritmo ng puso ko habang tinatanaw ang mansion ay parang gusto kong bumalik nalang at magpakupkop ng tuluyan kay Tiya Winny! Natatawa kong binatukan ang sarili. Para akong tanga. Kagabing halos nangapa ako sa dilim habang naglalakad dito ay hindi ako natakot pero ngayong umaga duwag na duwag ako? Ipinilig ko nalang ang ulo at mas binilisan nalang ang mga hakbang.
Habang palapit ay wala akong bukambibig kung hindi ang mga dasal na sana nga ay hindi siya umuwi at hindi ako maabutang ngayon lang umuwi. Ang paninikip ng dibdib ko ay hindi nagpaawat pero nang makita kong wala sa hilera ng mga sasakyan ang kanyang sasakyan ay nakahinga na ako ng maluwag. Hindi nga siya umuwi. Alam kong dapat maging masaya ako do'n pero sa kabila ng pagluwag ng dibdib ay dama ko naman ang lungkot.
Sa pagpasok ko ay nagawa ko ring hindi mapansin ng mga kasambahay kaya malaya akong nakapanhik pabalik sa aking kwarto.
Napabuga ako ng isang malalim na paghinga nang tuluyang maramdaman ng aking likod ang malambot na kama. Pagod akong humugot ng isang malalim na paghinga sabay tanong ng,
Tama pa bang nandito ako? Tama pa ba talagang nandito lang ako? Kasi kung alam ko lang na magiging ganito, sana hindi nalang ako pumayag. Kung sana may iba pa akong pagpipilian. Kung sana nga ang buhay ay maraming options, kaso hindi. Gano'n kasi ang buhay. Sometimes we are stuck in a situation that we never wanted but we can't do anything about it. Iyon bang wala tayong magagawa kung hindi ang sumabay nalang sa agos. Magtiis, maghintay at magdasal na sana isang araw ay humupa rin ang lahat. Sana isang bukas maging maayos ang lahat.
Malabo man sa ngayon kung kailan magiging kalmado ang sitwasyon para sa akin pero alam kong huhupa rin kaya ang tanging dasal ko lang ay sana makaya ko pa. Sana maipagpatuloy ko pang magtiis para sa ikabubuti ng lahat. Sana makaya ko dahil iyon nalang ang dapat kong gawin. Kakayanin ko sa ayaw at sa gusto ko. Kakayanin ko dahil wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi iyon kaya kaya ko. Kakayanin ko. Kakayanin pa...
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro