CHAPTER 44
CHAPTER FORTY FOUR
For The Baby
Sinunod ko ang kagustuhan ni Skyrene na manatili sa mansion habang narito sila dahil bukod sa na-miss ko ang kanyang buong pamilya ay wala pa rin akong malinaw na desisyon sa mga plano ni Jaycint. Sa ilang araw na pananatili ko sa mansion ay hindi naman kami nagkaroon ng pag-uusap. Bukod sa nakakasama ko siya sa hapag-kainan ay wala na ring ibang interaksiyong na naganap sa pagitan namin.
Mabuti na rin siguro iyon para makapag-isip ako ng matino pero minsan talaga ay hindi ko na namamalayang natutulala nalang ako... Gaya nalang ngayon.
"Oh, okay ka lang?" tanong ni Skyrene sabay siko pa sa akin kaya naputol ang pagtitig ko sa ibaba kung saan inaayos ng mga kasambahay ang mga gamit ni Jaycint sa sasakyan nito dahil magbabakasyon ito ngayon sa ibang bansa kasama si Letisha.
Tama si Skyrene. Mabait si Letisha at taliwas sa mga naisip ko noong una ko itong nakita dahil dalawang araw ang nakalipas ay sa kanya pa ako unang nakatanggap ng regalo para sa anak ko. Alam niyang buntis ako at alam niyang kay Jaycint ang dinadala ko pero naging kaswal siya at bukas sa lahat. She even congratulated me at sinabing masaya siya kung ano ang biyayang mayroon. Gaya ng mga Deontelle, masyado rin siyang excited para sa bata at kahit labag sa loob kong mainggit ay hindi ko napigilan.
I'm truly happy for them. Totoong masaya ako dahil alam kong sa paglabas ng anak ko ay kompleto na ang pamilyang kalalakihan niya pero sa kabila ng aking kasiyahan ay damang dama ko rin selos. Hindi ko maiwasang mainggit kay Letisha dahil ang lahat ng mga kasiyahan ko ay mapupunta sa kanya.
"O-Oo naman."
Pinigilan ko ang sarili kong hatakin si Skyrene para hindi niya tignan ang dahilan ng pagkatulala ko pero huli na.
"Ngayon na pala ang alis nila?" pasimple niya akong nilingon pero imbes na tignan siya ay ibinalik ko nalang ang tingin sa ibaba kung saan masayang sinapak ni Tisha ang dibdib ni Jaycint nang may sabihin ito sa kanya.
Nanatili ang mga mata ko kahit na mas masakit iyon kaysa sa tignan si Skyrene at ipakita nalang ang pagka-apekto ko. I didn't even blink because I want to see how she's making him happy. Gusto kong makita ang pag-arko ng mga ngiti sa labi ni Jaycint habang nakatitig ritong para ito na ang pinaka-magandang babae sa kanyang paningin. Gusto kong panuorin sila magdamag kahit hinahalukay ng matatalim na bagay ang laman ng aking dibdib.
"Siguro."
"Ilang araw nga silang mawawala?"
"A week?" sagot ko. Iyon ang narinig ko kay Ramiel.
Nang pagbuksan ni Jaycint si Tisha ng sasakyan at umibis patungo sa driver's side pagkatapos ay doon ko lang inalis ang tingin sa kanila. Mabuti nalang at nanatili ang mga mata ni Skyrene sa ibaba kaya nabawi ko pa ang pagbagsak ng emosyon ko bago niya makita.
"Ang tagal pala. Do you think they'll be back before we go home?"
Naningkit ang mga mata ko at napailing nalang. Alam kong may gusto na naman siyang ipilit ngayon.
"Don't try me, Skyrene. Nag-usap na tayo at kuntento na nga akong makita siyang masaya."
Napanguso naman siya at pagkatapos ay pumihit paharap sa akin.
"Kung kaya ko lang baguhin lahat para sa'yo ginawa ko na." buong puso niyang sambit kaya tuluyan na akong napangiti.
"You don't have to, okay? I'll be fine," bumaba ang tingin ko sa aking tiyan. "We'll be fine."
"Alam na ba ni Enrique?" tanong niya dahilan para mahinto ako sa ginagawa.
Isang iling ang isinagot ko nang hindi umayon ang aking boses sa salitang gustong lumabas sa aking bibig.
"So all this time iniisip niya pa ring nagtatrabaho ka?"
Lumayo ako sa aking kinatatayuan at tahimik na naupo sa upuang nasa gilid katabi ng ilang halaman.
"I can't tell him yet."
"Pero, Val?" sumunod siya't naupo rin sa tabi ko. "He needs to know. Dapat niya ring malaman ang desisyon mo at kung ano ang nangyayari sa'yo. Hindi naman pwedeng magkunwari kang maayos ang lahat kahit na hindi."
"Sasabihin ko naman. Wala naman akong itatago sa kanya. Sa ngayon ayaw ko lang dumagdag sa mga problema niya pero sasabihin ko. I just need more time to think because I know that he will be devastated. I disappointed him so much already at hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang hindi ako nag-ingat at nabuntis pa ng ibang lalaki ngayong nangako akong gagawin ang lahat ng kasunduan naming dalawa."
Skyrene sighed at that. Hindi na siya nakapagsalita dahil gaya ko ay parang nabuhol na rin ang mga katanungan sa isip niya.
Sa ilang araw na lumipas na nasa bakasyon si Jaycint kasama si Letisha ay walang araw ring hindi ko inasahang magti-text siya kahit na kabaliwan iyon. Kahit malabo ay umasa pa rin akong sana, kahit isang text lang. Kahit kumustahin lang ang bata sa tiyan ko o kaya kahit tuldok nalang... Or another who you?
Para akong nababaliw na natawa. What the fuck is wrong with me? Really? Kahit tuldok desperada ako? Why?
Walang oras na hindi ko tinanong ang sarili ko sa lahat ng mga naiisip nitong mga nakaraan. Kahit nang magyaya sila Skyrene sa El Nido ay hindi nawala sa utak ko ang kadesperadahan.
Is he having fun? I hope he is. Sana nga masaya na siya. Sana nga nakalimutan na niya ang lahat ng sakit na ibinigay ko at sana totoong nakalimutan niya na rin ang lahat ng naramdaman niyang pagmamahal sa akin para maging madali ang lahat.
Tamad kong tinapunan ng tingin ang aking teleponong umilaw sa ibabaw ng kama. Malalim na ang gabi at tiyak kong tulog na rin ang lahat dahil napagod sa water activities na ginawa kanina. Maaga ring nagpaalam si Skyrene dahil maaga ang balik namin bukas sa Puerto Prinsesa at sa isang bukas naman ay uuwi na rin sila sa Cebu.
Tahimik akong naglakad pabalik sa kama. I've been staring at the sky for hours. Ang mga bituin ang umukopa sa akin sa mga oras na lumipas. I somehow remember wishing something on the brightest star. Gano'n na ako kalala pero sa ilang oras na 'yon ay ramdam ko namang napanatag ang kalooban ko.
I'm doing great. Maliban sa pagsasabi kay Enrique ng katotohanan at ang mga kailangan ko pang pagdesisyunan ay wala naman na akong mabigat na problema. Iyon nga lang, habang palapit sa bagay na nasa kamay ay hindi ko maiwasang kabahan. I'm expecting that it's Enrique. Expected ko na rin na kakailanganin niya ng pera dahil sa kalagayan ng kanyang ina kaya nang makita ko ang ibang pangalan doon ay nabulabog muli ang kalmado kong pagkatao.
DAKASI:
How's the baby?
That made me smile. Kahit alam kong tanong lang 'yon para sa anak ko ay naging masaya ako ng sobra. At least kahit na busy siya ay naalala niya pa rin ang responsibilidad niya. Maybe wishing on a star isn't really that bad.
Ako:
She's good.
DAKASI:
She?
Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at ganadong nagtipa ulit ng text.
Ako:
I'm just assuming that it's a girl. Sabi rin kasi noong staff kanina sa restaurant blooming ako kaya baka nga babae.
DAKASI:
Babae o lalaki?
Kunot noo ko iyong tinitigan. Lasing ba siya? Kung sabagay, dis oras na ng gabi at sa ganitong oras ay lasing na rin ang karamihang nasa galaan.
Ako:
Babae nga pero feeling ko lang naman 'yon.
DAKASI:
The staff. I'm asking about the gender of that staff.
Ako:
Babae. Anong meron sa staff?
Medyo tumagal ang text niya pabalik pero naghintay pa rin ako kahit na may posibilidad na hindi na siya mag reply ulit. Ako yata ang baliw na nanay at hindi si Skyrene.
DAKASI:
We're going home tomorrow. Anong oras kayo uuwi?
Ako:
Bukas na kayo uuwi ni Tisha? Akala ko sa isang araw pa?
DAKASI:
Just answer my question.
Napanguso ako't sinagot nalang siya.
Ako:
6am.
DAKASI:
Ok.
Ako:
Okay.
Pinatay ko na ang aking telepono pero wala pang dalawang segundong naging itim ang screen nito ay mayroon uling dumating na text.
DAKASI:
How are you?
Kabaliwan. Baliw na nga ako dahil kahit na maliit palang ang baby ko ay parang pakiramdam ko'y sinipa na ako nito ng malakas matapos basahin ang text ni Hacinto!
Ilang beses akong napalunok pero nagmadali na ring mag-reply dahil ayaw kong maghintay siya.
Ako:
Palagi naman akong maayos. Ikaw?
DAKASI:
I'm okay and I'll see you tomorrow. Matulog ka na.
Ako:
I'm trying.
DAKASI:
Try harder. Huwag mong puyatin ang anak ko.
Ako:
Ayaw ko rin namang mapuyat. Kung pwede lang itulog ko ang buong araw, ginawa ko na.
DAKASI:
Why is that?
Ako:
Wala.
DAKASI:
Ok.
Ako:
Okay.
DAKASI:
Stop replying Valerie and go to sleep.
Gustohin ko mang gawin ang utos niya pero parang may sariling utak ang aking mga daliri na ayaw magpaawat sa kaka-type para lang humaba pa ang usapan.
Ako:
Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog? Lasing ka?
DAKASI:
No. I don't drink that much whenever I'm with Tisha.
He replied.
Now this is a mistake. Parang gusto ko nalang ibaba ang aking telepono at burahin ang huling nabasa ko't matulog nalang!
Ako:
Good. You should always look after her.
Reply ko nalang para hindi naman ako magmukhang apektado pero mas lumakas ang pakiramdam kong pagsipa ng fetus sa aking tiyan ng muli siyang mag-reply!
DAKASI:
I'm always looking after her.
Nag-aalburoto man ang puso't isip ko pero ang talipandas kong kamay ay naging pormal pa rin sa pakikipag-usap sa kanya.
Ako:
Good to know that. Anyway, sige na, Jace. Matutulog na ako. Ingat kayo bukas.
DAKASI:
Alright.
Text niyang hindi na nasundan kaya itinigil ko nalang ang paghihintay.
Sa haba ng biyahe pabalik sa Puerto Prinsesa ay nagawa kong magnilay-nilay kung ano ang dapat kong gawin. Tama si Skyrene, hindi na mababago ang desisyon ni Jaycint at wala na rin akong magagawa kung hindi ang pumayag sa mga kagustuhan niya. Inisip ko nalang na para sa anak ko ang lahat ng gagawin ko.
Marami pa mang mga katanungan sa utak ko gaya nalang nang, saan ako titira kung sakali? Sa mansion ba o sa kwadra o sa maid's quarter pero lahat ng iyon ay tutol ako. Kung mananatili ako rito ay tingin ko'y hindi ko kayang makasama siya sa iisang bahay pero anong magagawa ko? Gustohin ko naman ay wala naman akong pera para panindigan ang kaunting pride na natitira pa sa akin.
Nauna sila Jaycint na makauwi dahil pagpasok palang namin ay bumalandra na sa mga mata ko ang mga gamit ng baby na nakalatag sa malaking sala. Mayroong crib, stroller at kung ano ano pang gamit! Bago pa ako makapagtanong ay lumabas na si Tisha galing sa kung saan para salubungin kami.
Aatras na sana ako ng makitang sa akin siya unang lalapit pero natigil ako't wala nang nagawa kung hindi ang yakapin rin siya't batiin pabalik ng sumunod na lumabas si Jaycint. Napalunok ako kaagad ng mapansin ang suot niyang kulay pink na polo shirt na terno sa karamihang gamit na nasa sala. Wait, talagang naniwala na siya sa instinct kong babae ang magiging anak naming dalawa?!
Binati ko si Tisha at kahit na gusto kong tanungin kung saan galing ang mga pinamili nila at kung bakit halos pambabae na ang lahat ay hindi ko magawa dahil sa dami ng sinabi niyang excited na yata talaga sa pagiging ina. Sa huli ay nagpasalamat nalang ako't hinayaan siyang batiin naman ang lahat. Natahimik ako sa isang sulok habang sinisipat ang mga kagamitan kaya hindi ko na napansin ang pagtabi ng kung sino sa akin.
"May kulang pa ba?" nahihiya akong napalayo ng mapagtantong si Jaycint iyon dahil naamoy ko ang pabango niyang talaga namang...
Shit! Nag-iwas agad ako ng tingin ng maramdaman ko ang agarang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi ng mapagtantong halos malasahan ko na siya dahil sobrang lapit niya ngayon sa akin!
"A-Ang dami na nito."
"There's more upstairs."
Awtomatikong bumalik ang mga mata ko sa kanya kasabay ng paglaglag ng aking panga!
"H-Hindi pa 'to lahat?!"
Umiling siya. "Naiakyat na sa kwarto ng baby lahat."
"M-May kwarto na ang baby?" mas lito kong tanong dahilan para tumaas ang kanyang isang kilay, tila nababaliwan na rin sa akin!
Nilunok ko ang lahat ng katangahan sa kanyang harapan at pinigilan ang pagbatok sa sarili! What the hell, Valerie! Natural mente magkakaroon ng kwarto at gamit ang anak mo dahil dito siya titira!
Saka lang ako nakabawi ng umatras siya ng kaunti palayo sa akin.
"Your room is ready too, sana yung desisyon mo rin."
Naikumo ko ang aking mga kamay sa narinig. Mabuti nalang at tinawag na kami ng mga kasambahay para sa pagkain kaya hindi naman ako na-pressure na sumagot agad.
Habang kumakain kami at patuloy ang paku-kwento ni Letisha sa mga pinuntahan nila ni Jaycint ay naukopa ng utak ko ang kailangan kong gawin.
I have no choice, right? Isinubo ko ang huling pagkaing nasa aking plato. Fine, pagkatapos nito ay sasabihin ko na sa kanyang pumapayag na ako pero hanggang doon lang iyon. Dito ako titira pero kung ano man ang gagawin ko ay dapat huwag niya akong pakialaman. Ilang linggo na akong walang trabaho at walang maibigay kay Enrique kaya dapat ay maghanap ako ng pagkakakitaan rito. I need to work at iyon ang gagawin ko.
Kinuha ko ang basong may lamang tubig para sana tapusin na ang pagkain pero natigilan ako ng makita ang pagtulak ni Jaycint sa kaning nasa gitna at pagsenyas sa kasambahay na bigyan pa ako ng ulam!
Nagmamadali naman akong umiling.
"Tapos na ako-"
"Eat more. My baby needs more food, Valerie."
"Busog na ako, Jaycint..." narinig ko ang pagmumura ng aking utak ng makita ang pagtalim ng kanyang mga mata kasabay ng pagsulyap sa kaning inurong niya.
Was he looking at me the whole time? Nakita niyang lutang ako at totoong kaunti lang ang nakain kaya ganito siya ngayon?
"Eat." muli niyang sabi kaya wala na akong nagawa.
Para sa baby... Para sa anak ko, sige.
Kahit na busog na ang pakiramdam ko ay ginawa ko ang gusto niya kaya nahirapan akong tumayo pagkatapos kumain. Natatawa nalang si Skyrene sa aming dalawa pero hindi naman namin napag-usapan.
Sa buong araw ay naging abala ako sa pakikipag-kwentuhan kay Sky dahil sinusulit ko ang oras na kasama siya.
"Oh thank God! Wala ng bawian 'yan?!" masaya niyang hiyaw ng sabihin ko ang desisyon kong pumapayag na kay Jaycint.
Tumango ako.
"Wala naman na akong ibang choice."
"At kung mayroon man, mas better pa rin ang isang 'to! Isipin mo nalang na nagbabakasyon ka tsaka ayaw ko yatang sa mapolusyon mong lugar palakihin ang pamangkin ko!"
"Kaya nga pumayag na ako para sa baby."
"Great! Anong sabi ni Jaycint?"
"Mamaya ko pa siya kakausapin."
"Bakit hindi pa ngayon?"
Napalunok ako't nagdalawang isip sa isasagot pero sinabi ko pa rin.
"He's with Tisha."
Naitikom niya ang kanyang bibig pero tumango lang ako para segundahan ang sinabi. Ano pa bang bago do'n e halos dito na rin nga tumira si Tisha. Siguro nagpa-practice na rin para hindi na mahirap kapag andito na ang hinihintay ng lahat.
"W-Well mabuting malaman ko rin kung anong mangyayari mamaya sa pag-uusap niyo para mapanatag ako bago kami umuwi bukas."
Isang tango nalang ang naisagot ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nakipag-kulitan naman ako kay Evanzo habang hinihintay na bumalik si Jaycint dahil ang sabi ay hinatid na nito si Tisha sa hotel.
Dahil maagang natulog ang mag-asawa ay naiwan akong gising at naghihintay kay Jaycint na hindi ko alam kung anong oras uuwi. It's past ten pm and I'm still waiting for him. Mabuti na nga lang at naroon ang isang kasambahay na hindi ako iniwan habang hinihintay ito kaya nang may marinig na sasakyan ay siya na ang nagsabing dito ko nalang ito hintayin at siya na ang magsasabi.
Wala sa sariling napatayo ako ng marinig ang mga yapak patungo sa aking gawi pero ang aking ngiti ay naging ngiwi ng makita ang pagkunot ng noo ni Jaycint ng magtama ang aming mga mata.
"Why are you still here? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niyang parang gusto akong pagalitan.
Nilakasan ko ang loob ko at pilit na tinanggal ang kabang naramdaman dahil sa kanyang presensiya.
"Hinihintay kita."
"Why? May sasabihin ka bang hindi na makakapaghintay bukas?"
Umiling ako.
"Gusto kong malaman mo na ang desisyon ko ngayon."
I watched him swallowed hard at that. He looks like he wants to know my decision na hindi dahil baka ang hindi niya inaasahan ang isagot ko.
"You can tell me tomorrow-"
"Hindi ko naman alam ang oras mo at kung anong oras kayo magkasama ni Tisha kaya hinintay nalang kita ngayon." buong tapang kong sagot.
I should be proud that my voice didn't tremble kahit na ang totoo ay parang gustong manumbat ng boses ko sa hindi malamang dahilan. God, I'm crazy!
"Bago ko sabihin ang desisyon ko gusto kong malaman kung may iba ka pa bang kondisyon?" nagmamadali kong sambit para itago ang pait ng mga salitang naunang lumabas sa aking labi.
Umiling siya.
"Sige, pumapayag na akong manatili dito sa Palawan hangga't nasa loob ng tiyan ko ang anak natin. I'll stay here in exchange of my terms."
Hindi na siya nagsalita at sapat na indikasyon na 'yon na tapos na ang pag-uusap kaya naglakad na ako para bumalik na sa kwarto't magpahinga pero huminto rin ako ng malagpasan siya. Maingat akong pumihit para harapin siya ulit.
"Salamat sa lahat, Jaycint." marahas akong napalunok ng makita ang dahan-dahan niyang pagpihit rin paharap sa akin dahil tang ina... Sa lahat ng sinabi ko ay doon pa nanginig ang aking boses!
I felt like I was thanking him for everything. Hindi lang sa pagpayag at pagbibigay ng importansiya sa buhay na nabuo naming dalawa kung hindi sa lahat lahat... Maging sa pagmamahal niyang hindi ko nasuklian at hindi ko masusuklian kahit kailan.
Marahan siyang tumango pero ang mga mata ay nanatiling seryoso habang nakatitig sa akin.
"Anything for that baby, Valerie Cross. Lahat lahat para sa anak ko."
Awtomatikong tumikom ang aking mga labi at pinilit nalang na ngumiti at tumango bago siya muling iwan. Right, kaya kami nandito ngayon ay dahil sa bata at ang lahat ng gagawin namin ay para sa bata. Para lang sa bata at wala ng iba.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro