CHAPTER 43
CHAPTER FORTY THREE
Love Is Sacrifice
Hindi ko alam kung paano ako naging pormal sa buong pamilya ni Jaycint at nakasama pabalik sa kanilang mansion. Habang nasa hapag ay nanatiling tikom ang aking bibig kahit na ganado ang pagku-kwentuhan ng lahat. Kahit si Skyrene ay hindi ko maabot ng tuwa dahil hindi na makapag-isip ng matino ang utak ko. Gustohin ko mang makipag-kwentuhan sa kanya pero kusang bumabalik ang lahat sa napag-usapan namin ni Jaycint sa hospital.
How can I refuse his plan? Paano ko sasabihing hindi ako pumapayag sa mga plano niya dahil kabaliwan iyon! Kahit kailan ay hindi ko naisip na tatagal ako sa lugar na ito dahil unang una ay hindi naman ako dapat narito. I should've avoided him in the first place. Hindi nalang sana ako nagwalwal noong kasal ni Skyrene para hindi na sana kami umabot sa ganito ngayon pero ano pang magagawa ko?
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang pagtikhim ng ilaw ng tahanan ng mga Deontelle. Simula kanina sa hospital at hanggang ngayong dinner namin ay hindi nawala ang mga ngiti sa kanyang labi.
"So, hija, may naiisip ka na bang pangalan sa magiging apo ko?" magiliw niyang tanong na dahilan ng pagbara ng kung ano sa aking lalamunan!
Hindi lang ako ang nataranta dahil sa pag-ubo ko dahil mas nauna pang makuha ni Skyrene ang aking baso. Sa gilid rin ng aking mga mata ay nakita ko rin ang pagtigil ni Jaycint sa pag nguya maging ang mga pinsan niyang katabi.
"Hija, are you okay?!" natataranta na ring tanong ni Tita Arlene ngayon.
Tumango tango ako habang inuubos ang laman ng tubig sa basong ibinigay ni Skyrene. Parang gusto ko siyang sakalin nang marinig ang paghagikhik niya. Kung hindi nga lang siguro nasa tabi ang anak nito ay baka nasaktan ko na siya!
"Tita, ano bang klaseng tanong 'yan. Hindi naman 'yon madali and I don't think nasa isip na ni Valerie ang pagpapangalan sa magiging pamangkin ko," sagot niya para sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa pala tapos ang bruha! "But I think maganda ang Jaycint Ace Jr. kapag lalaki at kung babae naman pwedeng Jarie Acielle or something na magkahalo ang pangalan nilang dalawa para-"
"Skyrene." gigil kong hinawakan ang kamay niya at madiin iyong pinisil pero mas lalo lang siyang natawa imbes na indahin ang sakit!
"I'm sorry!" humahagikhik niyang sabi sabay hawi ng kamay ko bago nagpatuloy na parang walang nangyaring sakitan sa ilalim ng lamesa. "Ikaw Jace? What name do you want for your baby?" hinigit niya ulit palayo ang kamay ng hulihin ko iyon.
Awtomatiko akong napalunok ng sa pag-angat ko ng tingin ay nagkasalubong kaagad ang mga mata namin ng kanyang pinsan pero hindi naman iyon nagtagal dahil ibinalik niya rin ito sa katabi ko.
"Why are you asking so many questions? Nagtanong ba ako kung anong ipapangalan mo noon kay Evanzo?" iritado't masungit niyang sagot pero hindi nito tinablan si Skyrene.
"K! Kung sabagay, hindi mo nga alam na Evanzo ang ipapangalan ko 'di ba? Kung hindi pa sinabi ni Valerie noon sa'yo, hindi mo pa malalaman! Now I remember how undeserving you are to know my son." madrama niyang binalingan ang kanyang anak na nasa kanyang gilid. "Baby, from now on, wala ka ng Tito Jaycint, okay?" masaya niyang hinaplos ang matabang pisngi ng anak na tuwang tuwa naman sa mga pinagsasasabi niya. "Oh, you happy about that? Thank God! Wow, baby! I knew you'd be happier without your, Tito Jaycint!" humahagikhik siyang tumayo at hindi na napigilan ang pagkuha sa anak para ihele ito habang patuloy sa pagkausap.
Natatawa nalang si Eros na tumayo na rin para tulungan ang asawang iayos ito sa kanyang pagkakahawak. Nang maramdaman ko ang paglukob ng init sa aking puso habang pinagmamasdan sila ay yumuko na ako at pilit na ipinagpatuloy nalang ang pagkain,
"Kayo talaga," komento ni Tita Arlene na mas lalong naging masaya dahil sa nangyari. Hindi naman nakikisabay si Ramiel kahit na ngising ngisi siya't parang gusto nang dagdagan ang pang-aasar kay Jaycint. "Pero hija, Jaycint, mabuting pag-isipan niyo na ngayon palang para hindi na kayo mahirapan kapag nandiyan na. Mabilis nalang ang panahon ngayon kaya dapat maghanda na kayong dalawa."
Pinagdiin ko ang aking mga labi at hindi na kinontra pa ang kanyang Ina para hindi na rin humaba ang usapan. Sumang-ayon naman si Tito Jeoff maging si Cassy. Sa paglaon ay nagpapasalamat akong hindi tumagal sa akin ang usapan. Hindi ko maiwasang malito dahil hindi man lang nagtatanong ang kanyang mga magulang kung paano at kung ano ang eksaktong relasyon namin ni Jaycint at bakit parang tanggap na tanggap nilang bigla nalang akong nabuntis kahit na alam naman ng lahat na mayroon itong karelasyon ngayon. Inisip ko nalang na hindi na rin siguro importante dahil sa oras namang mailabas ko ang bata sa aking sinapupunan ay aalis na rin ako. I'm sure they already know that. Lahat ng plano naman ay alam nila hindi ba?
Napabuntong hinga ako ng maisip ulit ang mga desisyon niya para sa amin ng bata pero mabuti nalang at narito si Evanzo kaya nababaling rito ang aking atensiyon. Pagkatapos naming kumain ay si Ramiel naman ang nang-asar kay Jaycint.
"Fuck off, Ramiel."
Humalakhak lang ang huli at muling hinele ang hawak na pamangkin.
"You should start practicing how to hold a baby. Dapat ngayon palang masanay ka na at hindi matakot. You're going to be a father, Senyor Hacinto!"
Sinamaan niya ito ng tingin.
"I know I'm going to be a father but get the fuck away from me." pagpapatuloy niyang pagsusungit sa lahat.
Napanguso ako't muling nag-iwas ng tingin sa kanyang gawi. I remember how scared he was when Evanzo was born. Ngayon iniisip ko kung paano siya magiging tatay sa anak ko kung ni hindi man lang niya mahawakan si Evanzo? Hanggang ngayon ay takot pa rin siyang humawak ng bata.
Dismayado akong napabuntong hinga sa naisip. Kung gano'n, paano ko iiwan ang anak ko sa kanya? Kaya niya ba itong buhatin at patahanin kapag umiyak na? Napailing nalang ako sa naisip. Paano nga kung hindi niya kaya? Paano kung...
Naputol ang lahat ng pag-iisip ko ng marinig ang marahas na pagtayo ng lalaking nasa aking harapan. Natutulala na rin akong napaahon sa pagkakaupo ng makita ang mabilis niyang paglapit kay Ramiel at agarang paglahad ng kamay sa harap nito para kunin ang bata. Nalaglag naman ang panga ni Ramiel at nalilitong inilayo si Evanzo sa kanyang katawan para ibigay kay Jaycint.
"I know hold to hold a baby, Ramiel. Don't be so stupid." matalim niyang komento at wala nang pag-aalinlangang kinuha ang kanyang pamangkin.
Lahat kami ay natigilan sa paggalaw maging ang mga kasambahay na magliligpit na sa aming mga pinagkainan. Napalunok ako nang makita ang maingat na pagpulupot ng kanyang mga matipunong braso sa maliit na katawan ni Evanzo.
"I'm your Tito Jaycint, Evanzo... and I can't wait for you to grow up so that you'll know how unlucky you are to have a crazy mother." purong pagseseryoso niyang bulong rito na dinig naman naming lahat.
"Jaycint!"
Napapitlag ako sa mabilis na pag-ibis ni Skyrene para suwayin ang pinsan pero tumawa lang ito at nagpatuloy sa paglayo at paghele sa bata. Kahit na ang kilos niya ay halatang kabado pa rin sa ginagawa ay hindi niya ito ibinalik dahil mukhang may gusto siyang patunayan sa aming lahat.
"Give me my baby!"
"See? That's your mom, Evanzo Skylar," anito't tinangay pa si Evanzo palayo kay Skyrene. "Baliw ang nanay mo." malambing niyang sambit sabay halik sa ulo nitong may bonnet.
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng tawa sa aking bibig ng marinig iyon kasabay ng pag-aalburoto ni Skyrene. Ang tawa ko ang naging dahilan ng paghinto niya at paglingon sa akin bago tuluyang sumuko sa humahabol na pinsan.
"You are crazy! Ikaw ang baliw!" inis na singhal ni Skyrene sabay kuha sa anak pero ang tingin ni Jaycint ay nanatiling nasa aking mga mata.
"Kaya kong humawak ng bata at mas lalong kaya kong maging ama sa anak ko." aniya na parang narinig ang mga katanungan sa utak ko kanina at ngayon ay sinasagot na.
Walang salita ang lumabas sa aking bibig. Nag-iwas nalang ako ng tingin ng tumagal ang titig niyang tila gustong hatakin ang mga salita sa aking labi patungkol sa pagkwestiyon sa kanyang pagiging ama.
I didn't see him after that. Ngayon, habang ikinukwento ko kay Skyrene ang mga napag-usapan namin ni Jaycint at ang lahat ng mga nangyari simula ng mapunta ako dito ay hindi ko maiwasang mas lalong mamroblema dahil kahit na halos malukot na ang mukha ko ay siya nama'y pataas ng pataas lang ang kasiyahan.
"W-What should I do?" frustrated kong tanong sa kanya pero imbes na sabayan ang pamo-mroblema ko ay komportable niyang inihiga ang katawan sa kamang kinaroroonan namin.
"Sky?!"
"Hmm... Wait, I'm thinking."
"Skyrene?" mas malakas kong boses para pigilan ang pagpikit niya!
Damn it! What is wrong with her? Bakit parang gusto ko na siyang itakwil dahil hindi niya naiisip ang bigat ng sitwasyon ko! I don't belong here and I will never be part of her clan! Alam niya naman kung bakit kaya hindi ko talaga maintindihan why she's taking the situation lightly! Oo ng at pabor siya sa nangyayari pero kahit anong gawin ko, kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, hindi pwede ang gusto niyang isiping mga posibilidad para sa amin ng kanyang pinsan!
"Okay! I'm sorry!" nakangiti siyang umahon ulit pero nang harapin ako ay nagseryoso na. "Val, kilala mo ako at kilala ko ang pinsan ko. Hindi 'yon magiging pabaya at hindi ko na mababago ang desisyon niya kahit anong gawin ko. You give him your terms and he agreed. Sa lahat nang plano mo isa lang ang kanya at imposible nang mabago 'yon. Isa pa hindi ba mas magandang plano naman 'yon para sa inyo? Mas magiging panatag rin ako dahil mababantayan ka ni Jaycint-"
"Alam mong hindi pwede. Alam mong kailangan kong bumalik sa West Side at magtrabaho habang kaya ko pa dahil kailangan ko ng pera,"
Napalunok si Skyrene sa sinabi ko at bigong napakurap-kurap.
"Alam mo naman kung bakit, Skyrene..."
"Val, what if we-"
Marahas akong tumayo at tumalikod sa kanya kaya natigil siya sa pagsasalita.
"Val..."
Sa pagharap ko ay namutawi na ang lungkot sa kanyang mga mata. Siguro'y naalala na ang lahat ng bagay na hindi niya dapat makalimutan.
"Pagkatapos kong manganak, iiwan ko ang anak ko at iyon na ang plano. Babalik ako sa trabaho. Kailangan kong bumalik sa trabaho, Sky."
Napabuntong hinga siya at tahimik na napatango nalang. Bumalik ako sa kanyang tabi ng tapikin niya ang pwesto ko kanina. Napasinghap ako ng hulihin niya't pisilin ang aking kamay.
"Kung 'yan ang desisyon mo rerespetuhin ko pero sa ngayon ay wala na akong magagawa sa desisyon ni Jaycint kung hindi ang respetuhin rin. Gustohin ko mang makialam pero this is just between the two of you. Val, wala ka na rin naman babalikan sa West Side. Pedra is still hunting you. Ang sabi ni Kuya Tanding ay nakailang balik na 'yon sa bahay mo. Hindi ko naman masabi ang nangyari at ang alam lang nila ay may utang ka doon kaya ka nagtatago pero hindi ko pa rin gustong bumalik ka doon. This is not the right time dahil magulo pa."
Pakiramdam ko'y bumigat ang aking ulo sa mga narinig. Isa pa 'yon. Alam kong kahit na nabayaran na ni Skyrene ang perang nahiram ko rito ay hindi ako nito titigilan dahil sa perwisyong nagawa ko.
"Alam ba nila kuya Tands na nandito ako?"
Umiling siya.
"Pero wala rin akong lugar rito, Skyrene."
Malungkot niyang pinisil ulit ang aking kamay. Tila gustong ipaintinding mayroon pero ang totoo wala ang mas malinaw ngayon. Kahit saan ay wala akong lugar.
"Are you bothered because of Jaycint and his relationship with Letisha?"
I nodded slowly.
"Hindi lang naman 'yon. Malaking abala na ako rito Sky at ayaw kong maging pabigat at alalahanin ng lahat. Alam mo 'yon."
"Are you jealous of her?" tanong niya imbes na mas pagtuonan ng pansin ang mga sinabi ko.
Mabilis akong umiling.
"No. I'm feeling guilty, Sky. Nagi-guilty ako dahil alam kong makakasira ako sa relasyon nilang dalawa ni Jaycint. Hindi ko rin alam kung kaya niyang tanggapin ang anak ko kapag umalis na ako. Kaya niya kayang ituring ang anak kong parang kanya kung sakaling siya ang piliin ni Jaycint na maging ina nito..." my words were coated with so much bitterness at that made me swallowed hard.
Napayuko ako at natigil ang mga mata sa kamay ni Skyrene na patuloy lang na nakahawak sa akin. Hinintay ko ang sagot niya pero gaya ko ay natahimik rin siya. Sa pagbalik ko ng tingin sa kanyang mga mata ay nahuli ko ang paglunok niya.
"I-I know Tisha, Val." pinagdiin niya ang kanyang mga labi. "You don't have to worry about her pero kung 'yon ang bumabagabag sa'yo, gusto kong malaman mo ngayon palang na mabait si Tisha. I know her and I don't think she can hurt anyone especially your kid kung siya nga ang tumayong ina nito." parang mas lalong pumait ang panlasa kong umabot na pababa sa aking tiyan dahilan para umikot ang aking sikmura.
Napangiti ako ng mapait at tumango nalang. I should be grateful for that. Kung mabait siya at kaya niyang tanggapin ang anak ko kung sakali, hindi ba dapat matuwa ako? Pero bakit hindi ko magawa?
"Ikaw, ayos lang ba sa'yo 'yon? Ayos lang bang si Tisha ang tumayong ina ng anak mo?" wala sa sariling nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Hinawi ko ang kanyang kamay at lumayo ng kaunti dahil pakiramdam ko'y napuputol na naman ang pagdaloy ng hangin sa aking baga.
"Why are you asking me that? It's Jaycint's call. Kung saan siya masaya at kung sino ang kayang alagaan at mahalin ang anak niya, then wala na sa akin ang desisyon. Sapat na sa aking magkaroon ng maayos na buhay ang anak ko. Kuntento na ako doon."
Mas lalong lumungkot ang ekspresyon ni Skyrene kaya pinilit kong ngumiti.
"I just want Jaycint to be happy because that's what he deserves," napayuko ako at iniharap ang kanang palad para tignan ang mga markang tanda ng lahat ng sakit na naranasan ko sa buhay. "Gusto kong mahanap ng pinsan mo 'yong babaeng mamahalin siya ng sobra sobra pa sa pagmamahal na kaya niyang ibigay. I wish that the girl would love him and his kid. Iyong pagmamahal na walang hanggan at hindi natatapos. Gusto kong matagpuan niya 'yon. Gusto kong mahanap niya ang lahat ng hindi ko kayang ibigay," mabilis akong kumurap-kurap nang mamuo ang mga luha ko. "Gusto kong mapunta siya sa babaeng hindi gaya ko. Kahit sino huwag lang ako."
"Val," muli siyang lumapit sa akin pero sa pagkakataong ito ay hindi na basta paghawak lang sa kamay ko ang kanyang ginawa. Napasinghap ako ng maramdaman ang pagyakap niya. "I don't know what to say beside I'm sorry. Alam kong isa ako sa dahilan kung bakit ka nandito sa sitwasyong ganito at kung bakit ka nahihirapan ngayon."
Hinaplos ko ang kanyang likod at bumitiw na dahil baka humagulgol na naman ako.
"We can't go back in time, Skyrene," pinilit kong ngumiti sa kabila ng pagkalugmok. "Kung sana nga lang pwede, baka sakaling maging pwede rin kami ni Jaycint gaya ng pangarap mo pero alam nating parehas na hindi na. I would rather choose to be alone that see him suffer with me, silang dalawa ng anak ko."
Nahinto ako sandali sa pagsasalita pero hindi naman iyon nagtagal.
"Siguro nga hindi lahat ay kayang magmahal at isa ako sa magpapatunay no'n."
"No.," maagap niyang pagtutol kasabay ng mabilis na pag-iling. "Kilala kita and you know what? Sa tagal ng panahon ay ngayon lang kita nakitang naging ganito ulit. You let yourself be vulnerable again. Naging mababa ka at hindi natakot na maging mahina sa harapan ng lahat para sa anak mo at dahil iyon sa sobrang pagmamahal. Hindi pa man lumalabas ang pamangkin ko, alam kong pagmamahal na ang lahat ng nararamdaman mo kaya huwag mong sabihing hindi para sa'yo ang pagmamahal because we both know that you're so good at loving. In fact, you're way better than everyone else in this world and we both know that. Lahat lahat kaya mong isakripisyo dahil mapagmahal ka. Dahil kaya mong magmahal. Kayang kaya mo at kahit hindi mo sabihin ay alam kong minahal mo rin si Jaycint. Mahal mo ang pinsan ko at naiintindihan kita kung bakit ayaw mong mahalin ka niya pabalik. Iintindihin ko ang lahat ng desisyon mo gaya ng pag-intindi mo sa aming lahat." mahabang litanya ni Skyrene na nagpaluha na sa akin.
Siguro nga tama siya. Siguro nga kaya ko ring magmahal dahil totoo at ramdam kong mahal ko ang anak ko. Siguro nga mahal ko rin si Jaycint pero hindi ba pagmamahal rin naman ang ibigay sa kanya ang pagkakataong magmahal ng iba na mas kaya siyang pasayahin? Iyong babaeng mas kaya siyang mahalin hanggang sa lahat ng bukas na darating?
Ang pagsasakripisyo at hindi pagiging makasarili ay katumbas rin naman ng pagmamahal hindi ba? Ang pagbitiw sa mga bagay at taong alam mong hindi para sa'yo. Ang paglimot sa mga kasiyahan mo para sa mga kasiyahan nila...
If sacrificing is also a form of love, then Skyrene is right. Nagmahal ako at patuloy akong nagmamahal kaya ko ginagawa ang lahat ng ito.
Tipid akong napangiti sa kabila ng lungkot dahil parang hindi ako makapaniwala. Nagmahal ako. Nagmamahal ulit ang isang Valerie Cross at patuloy na magmamahal para sa ikabubuti ng lahat. Para sa lahat...
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro