Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 39

CHAPTER THIRTY NINE

Not Even A Question

Napangiwi ako ng marinig ang malakas na tunog ng aking telepono ilang oras matapos akong magpatangay sa antok.

Marahan kong idinilat ang aking mga mata dahil baka mabigla iyon sa araw pero sa pagdilat ko ay madilim pa rin ang paligid. Ibig sabihin ay madaling araw pa rin at hindi pa gano'n katagal akong nakakatulog.

Pagod akong bumangon sa couch at inabot ang nagwawalang bagay na nakapatong sa coffee table. Wala sa sariling napakurap-kurap ako't biglang naging alerto ng makita ang pangalan ni Nixon sa screen kasabay ng muling pag-iingay ng aking puso.

Hinawi ko ang mga buhok na nagkalat sa aking mukha at napalunok nalang dahil hindi ko pa man naririnig ang boses niya ay parang pumapasok na sa tenga ko ang kanyang mga pagalit dahil sa malaking gulong nagawa ko pero ang lahat ng iyon ay mas malalim pa pala. Ang akala kong natuyo nang aking mga mata ay muling nagluksa sa narinig.

"Nixon-"

"You messed up tonight, Valerie Cross! You even punched one of your member at sa lahat naman ng araw na papalpak ka, ngayong gabi pa ang napili mo!"

Bigo akong napayuko at tahimik na humikbi. Hindi pa man niya sinasabi ang mga karampatang hatol sa nagawa ko ay nanlulumo na ako. Kung siguro'y narito lang ito sa bansa ay baka nasaktan na ako nito dahil sa galit niyang nag-uumapaw ngayon.

"I-I'm sorry-"

"Dahil sa lalaki, Valerie?! Are you out of your damn mind?!" mas malakas niyang sermon na ngayon ay alam kong nanginginig na sa pagkadismaya.

I don't know what happened after my scandalous act dahil hindi ko na rin binigyan ng pansin ang telepono ko kaya wala na akong ideya kung paano nila ipinagpatuloy ang gabi ng wala ako.

"Nixon, this is not just because of a guy-"

"I don't want to hear any of your excuses, Valerie! You disappoint me and you left me with no choice but to remove you from Las Deux-"

Mabilis na umawang ang aking bibig sa narinig.

"Nixon! No! Y-You can't do that! Nix, I promise babawi ako! Sige na bigyan mo ako ng isa pang chance! Ngayon lang ako pumalpak kaya hindi mo ako pwedeng tanggalin-"

"This is not my just decision, Valerie. Kung sana pumili ka ng lugar na wala doon ang mga share holders ay mapagbibigyan pa kita pero hindi! Sa lahat ng araw at lugar ay doon ka pa nagkalat."

"Nix..." nanginig ang boses kong punong puno ng pagmamakaawa.

Oo nga at alam ko namang paparusahan ako ni Nixon dahil sa nagawa ko pero hindi ganito kabigat. I expect him to suspend me pero ang tanggalin ng tuluyan? Hindi. He can't do that.

"I'm sorry, Valerie."

"But, Nix? You know I couldn't afford to lose my job. Alam mong kailangan ko ang trabaho ko dahil 'yan lang ang bumubuhay sa akin kaya sana naman huwag ganito. Suspendihin mo nalang ako, Nix... Parang awa mo na huwag lang ganito."

"I'm sorry Valerie pero sana naisip mo 'yan bago ka nagwala. Sana mas inisip mo 'yang pangangailangan mo bago ka gumawa ng eskandalo. I'm sorry pero sa lahat ng oras na kinailangan mo ng tulong ko, ngayon lang ang oras na tatanggihan kita."

Wala na akong naisagot kay Nixon kaya hindi na rin siya nag-abalang pahabain pa ang tawag. Ilang beses na niya akong napagalitan pero ni minsan ay hindi siya naging ganito katigas sa akin. Ibig sabihin ay gano'n kalaki ang nagawa kong kasalanan at sa nagawa ko ay nasaktan ko rin siya... See? Gano'n ako kasama. Lahat ng taong malapit at gustong pumasok sa buhay ko ay nasasaktan ko.

Ngayon, ano nang gagawin ko?

Pagal ang katawan at pag-iisip kong bumalik sa pagkakahiga sa couch. Pakiramdam ko ay ang lahat ng lakas at tapang na inipon ko ng ilang taon para sa aking sarili ay ngayon lang ako nilubayan ng tuluyan. Ngayon lang ulit ako naubos ng sobra at nanghina ng ganito.

Marahan akong pumikit... Mayroon ka pa bang ibibigay? Kasi kung meron pa, sana isabay mo na ngayon para isang bagsakan nalang. Sana ibigay mo na lahat dahil ayaw ko ng paisa-isa. I'm sure I can still handle a loss. Ano pang gusto mo para lang makuntento? Pagod na ako pero kaya ko pa kaya sige pa. Sige lang...

"Valerie! Valerie!" sunod sunod na tawag sabay kalampag ng kung sinong demonyo sa aking pintuan dahilan para magkumahog naman akong tumayo at puntahan iyon!

"Ano ba?! Ang aga aga!" inis kong bulyaw ng makita ang nakakabwisit na mukha ni Charles.

Mabilis ang naging pagkunot ng kanyang noo kaya natigilan rin ako't napalingon sa kanyang likuran. Nalilito kong inikot ang aking paningin sa paligid.

Wait, madilim? Madilim pa rin? Napaglalaruan ba talaga ako ngayon?

"Kaninang umaga pa ako pabalik-balik dito pero walang sumasagot. Sabi naman ni Bebang wala namang umalis sa bahay mo kaya naglakas loob na akong mangalampag."

Tahimik kong sinuklay ang aking buhok at pasimpleng sinipat ang kabuuan, I'm still wearing my uniform. Sunod kong sinulyapan ang orasan sa kamay ko. It's already eight in the evening so ibig sabihin, gano'n kahaba ang naging pagtulog ko? Nang madako ang aking mga mata sa aking kamao ay wala sa sariling nahaplos ko 'yon.

"Anong nangyari diyan? Napaaway ka ba kagabi?" pang-uusisa ni Charles na dahilan ng paghatak sa akin pabalik sa mga nangyari.

Sana nga gano'n lang kasimple ang lahat ng mga nangyari ilang oras ang nakalipas. Sana nga napaaway o nabugbog nalang ako kagabi imbes na nagwala sa bar, iniwan ni Jaycint at ngayo'y nawalan na rin ng trabaho. Kung sana pwede ko lang bawiin 'yon ay ginawa ko na.

Sana nga napaaway nalang ako kagabi para hindi na ako nakapasok. Sana binalikan nalang ako ng mga taga East Side na nakaaway ko noon dahil ngayon ay desperada na ako. I have nothing left... Maging ang trabahong tanging kayamanan ko ay binawi na rin sa akin.

"Sinong umaway sa'yo?" sa hindi ko pagsagot ay natahimik si Charles pero hindi naman iyon nagtagal dahil sa pagsigaw niya ng napakalakas upang tawagin ang mga kalalakihan.

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang tinulak para matigil sa kakasigaw pero bigo ako!

"Charles ano ba! Hindi ako napaaway kaya manahimik ka!"

"Kuya Tanding!" aniyang ayaw talagang magpaawat kasabay ng mas malakas niyang pagpitong akala mo'y kalapati lang ang gustong tawagin.

"Charles!" muli kong sigaw kaya natahimik siya.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa kaya natigilan na rin ako pero tumindi ang pagkaasiwa ko ng bumalik sa aking mga mata ang titig niya.

"Sobra sa tulog. Mukhang malungkot. Namamaga rin 'yang mga mata mo. Umiyak ka-"

Natataranta akong lumapit sa kanya at agad na tinakpan ang kanyang bibig na ayaw magpaawat!

"Manahimik ka sabi!" nagpatuloy naman siya sa pagpigil sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumihit patungo sa kanyang likuran at ilagay ang mga kamay sa kanyang leeg kaya tuluyang nalunod ang mga salita niya sa kanyang lalamunan!

Kung hindi niya pa itinaas ang magkabila niyang kamay at maiyak-iyak na dahil sa ginawa ko ay hindi ko pa siya bibitiwan! Nauubo siyang napaatras habang hawak ang leeg.

"Manahimik ka! Hindi ako umiyak! Hindi!" madiin kong sabi bago pa magsilabasan ang mga lalaking tinawag niya.

Wala namang nagawa si Charles kung hindi ang sundin nalang ang mga sinabi ko kahit pa alam niyang totoo ang mga hula niya.

Pakiramdam ko'y biglang nag-init muli ang sulok ng aking mga mata ng makita ang madaliang pagkukumahog ng mga lalaki palapit sa amin. Mabilis kong nakagat ang pang-ibaba kong labi ng makita pa si Kuya Tanding na may dalang itak na handa nang makipag-rambulan dahil sa paraan ng pagtawag ni Charles na akala mo'y mayroong naagrabyadong taga West Side.

And then I realize, I didn't lose everything that I have. Sila... Sa kabila ng pagiging mapagkait ng tadhana ay biniyayaan pa rin ako ng mga taong kahit na alam kong mahihirapan rin akong intindihin ay maiintindihan ako at hindi mawawala ang pagmamahal para sa akin. I still have them at isa iyon sa dapat kong kapitan ngayong walang wala na ako.

"Anong nangyayari?!"

Ang mabilis na takbo nilang halos sabay sabay patungo sa amin ay bahagyang bumagal ng makitang wala namang rambulan o kahit anong pupwedeng pag gamitan ng armas ni Kuya Tanding.

Sabay kaming napangiwi ni Charles ng batukan siya ni Kuya Tands na unang nakalapit sa amin.

"Anong nangyayari? Kung makasigaw ka!"

Umatras ako pabalik sa pinto na hindi masyadong maliwanag at binigyan ng espasyo ang iba pang pumapanhik. Sa pagsigaw nga yata ni Charles ay hindi lang mga lalaki ang nagulantang kung hindi pati na rin ang kabuuan ng West Side!

"Okay ka lang?" binalingan ako ni Kuya Billy kaya agad naman akong sumagot ng tango pagkatapos ay nginitian siya.

"Ito kasing si Charles nababaliw!"

Mabilis na umangat ang tingin ng huli sa akin pero tinaliman ko ang titig na makahulugan sa kanya kaya nanatili siyang tahimik.

"Ano ba 'yon ha?!"

Nagmamadali siyang umiling at nag-iwas ng tingin sa akin.

"A-Akala ko kasi may ibang tao sa bahay ni Valerie. Siya lang naman pala."

Pakiramdam ko'y nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot niya pero hindi rin nagtagal ang pagluwag ng aking dibdib ng bumaling naman sa akin ang atensiyon ng lahat.

Kunot noo akong tinitigan ni Kuya Karyo. Sinisipat kung nagsasabi kaming dalawa ng totoo o hindi pero dahil determinado akong huwag ipaalam sa kanila ang sitwasyon ko ay nagpatuloy ang aking mga kasinungalingan.

"Papasok ka na ba o kauuwi mo lang?" tanong niyang dahilan para mapalunok ako.

Inayos ko ang aking damit habang iniisip kung ano ang dapat isagot sa kanila pero imbes na 'yon ang sabihin ay inilihis ko nalang ang topic.

"Ano bang kailangan mo Charles?" tahimik na nagpasalamat ang utak ko ng mabaling sa kanya ang atensiyon ng lahat.

"'Y-Yung mga regalo na bigay ni Ramiel."

Muli siyang nabatukan dahil iyon lang pala ang sadya niya. Oo nga't medyo naawa naman ako't na-guilty pero mas dapat kong ipagpasalamat ang pagliko ng usapan patungo sa kanya dahil nakaligtas ako sa mga katanungan nila.

Hanggang sa umuwi na ang mga lalaki't nagpaalam sa akin ay wala na silang naging katanungan kaya natahimik muli ang loob ko. I don't know how I lied to them but it was a success.

Nang mapag-isa ako ay muli ko na namang naramdaman ang pagod sa aking sistema. Ang sakit ng kamay ko at ang kirot na patuloy na pinaparusahan ang aking puso...

Pagod kong sinulyapan ang orasan, it's eight thirty in the evening at sa haba ng tulog ko ay hindi na ako nakakain kaya nang maisip 'yon ay mas naramdaman ko ang panlalata.

Tumayo ako sa couch at pumunta sa kusina. Palapit palang ako sa refrigerator ay umuulit na sa akin ang mga katanungang, ano nalang ang kakain ko sa mga susunod na araw ngayong wala na akong trabaho? Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Enrique 'yon dahil alam kong lalawak lang ang mga katanungan niya at gano'n na rin kay Skyrene. Ngayon pa nga lang na iniisip kong sabihing ni pagkakaibigan ay wala na kami ni Jaycint ay naduduwag na ako. I can't let her know what happened, hindi pa sa ngayon.

Wala sa sariling napabuntong hinga ako matapos buksan ang pakay ko. It's still full pero hindi ko sigurado kung hanggang kailan nalang ang aabutin ng supply ko ng pagkain.

Gano'n ang naging sistema ko sa mga sumunod na araw. Walang oras na hindi ko inisip kung paano ako kikita ulit ng pera imbes na isipin ang mga taong nawala sa buhay ko. Walang araw rin na hindi ako umalis upang maghanap ng trabaho pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nagsayang lang ako.

I can't work in a club. Dahil sa nangyari ay siguradong wala ng tatanggap sa akin lalo na't ang mga magkakatabing establisyimento ay halos iisa lang ang may-ari at tiyak kong may koneksiyon pa rin kay Nixon. Hindi rin naman ako pwedeng magkatulong o mag part time na mag-alaga ng mayayamang matanda at maging katiwala nito gaya ng dati dahil sa mga nagawa kong kasalanan lalo na noong pumasok si Skyrene sa show.

I don't think I can work in a restaurant too. Sa lahat ng trabahong nakita kong pwede ay walang tumalo sa kagustuhan kong bumalik pa rin talaga sa club dahil doon ako magaling... 'Yon nga lang, kahit anong gawin ko ngayon ay hindi na ito pwede.

"Sigurado ka ba?" nalilitong tanong ni Nana Mauricia habang inililigpit ang gamit niya sa computer shop.

"Oo naman, Nay! Pwede ba?"

Nahinto siya't binalingan ulit ako, tila gusto akong pigain para lang sabihin sa kanya ang katotohanan at bakit ngayon ay gusto kong magbantay ng shop kapalit ng kakarampot na pera pansamantala habang hindi pa ako nakakahanap ng panibagong regular na pagkakakitaan.

"Bakit? Paano ang trabaho mo kung magbabantay ka rito?"

Speaking of, walang araw namang hindi ko 'yon naiisip. Maging ang mga kasamahan ko ay walang tigil rin sa pangungumusta sa akin pagkatapos malaman ang desisyon ni Nixon. Mahirap mang tanggapin na natapos na iyon pero hindi naman ibig sabihin na hanggang doon nalang ako. Kailangan ko pa ring magpatuloy gaya ng araw-araw na pag gising sa akin at pagpilit na lumaban kahit hindi ko na alam kung paano pa ipagpapatuloy ang lahat.

"Part time! Nana, may kailangan lang akong pag-ipunan kaya sige na! Isa pa, nami-miss ko na rin ang luto niyo kaya baka sa ngayon pwedeng ako naman muna ang ampunin niyo."

Mas lalong hindi naging sigurado ang titig niya sa akin pero dahil sa pangungulit ko ay wala na ring nagawa sa huli. Pagkatapos mapapayag si Nana ay pinakain niya muna ako ng tanghalian bago bumalik sa shop at simulan na ang trabaho ko. Mabuti nalang at talagang kailangan niya ng katulong dahil kung hindi ay hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin.

Pasalampak akong naupo sa harapan ng server at tamad na ginawa ang trabaho. Wala rin naman akong choice. Sa ngayon ay mabuti ngang magpahinga na lang muna ako sa paghahanap at ituwid nalang muna palayo sa mga negatibo ang isip.

Ilang linggo ang lumipas bago ko natanggap ang desisyon ni Nixon pero hindi naman iyon dahilan para kamuhian ko siya. Siguro kung ako rin ang nasa kalagayan niya ay gano'n rin ang gagawin ko dahil kasalanan ko ang lahat.

"Bakit kasi ayaw mo? Malaki ang kita! Di hamak na mas malaki na sa kinikita mo noon, Valerie!" hiyaw ni Aling Pedra, ang mamasang ng mga babae sa club na unang pinagsayawan ko dati.

Wala naman talaga akong balak na sumama sa mga dating katrabaho ko pero dahil baka magtaka na si Nana dahil sa araw-araw kong pananatili sa West Side ay kusa akong umaalis para hindi nila mapansing wala na akong trabaho.

"Oo nga, Val! Tsaka," lumayo si Megan ng kaunti para sipatin ang kabuuan ko. "Tiyak na mas marami pang mauulol sa ganda mong 'yan! Baka ikaw na ang gawing star of the night ni Mama P!" mataas ang tonong sabat niya.

Dumalo na rin sa amin ang mga bagong mukhang alaga ni Aling Pedra. Kahit na malikot ang ilaw sa loob ng pang-masang club na ito ay kitang kita kong mga bata pa ang mga babaeng pumalibot sa amin. Kung sabagay, ilang taon lang rin ako noon nang mamulat ako sa ganito.

"Magkano ba ang gusto mong arawang kita, Valerie? Hindi ka na bago sa akin at tama si Megan, tiyak na dadagsain tayo ulit ng mga parokyano dahil sa'yo kaya magsabi ka kung magkano ang kailangan mo at ibibigay ko!"

Dama ko ang pagsisitayuan ng mga balahibo sa aking buong katawan dahil sa sinabi niya. Sure, mas kikita nga ako rito kaysa sa shop pero parang hindi ko na yata kayang maghubad sa harapan ng lahat para lang doon. Hindi naman sa nagmamalaki ako pero ewan ko ba. Siguro nga kaya ko ring magbago ng pananaw sa buhay kahit ganito lang ako.

"Sige na! Hindi ba wala ka na rin namang trabaho? O sige ganito, kung hindi ka pa rin kumbinsido, paano kung sabihin kong hindi na ako hahati sa tip na makukuha mo? Sapat na sa aking babalik ka dahil alam kong dadami na naman ang customer natin kaya sa'yo na ang lahat ng kita mo bumalik ka lang!"

Marahas kong nilunok ang lahat ng agarang bumara sa aking lalamunan habang nakatitig sa desperadang mga mata ni Aling Pedra na parang ako lang ang pag-asa niya ngayon upang dumami muli ang mga customer nila. Kung tutuusin ay napakagandang offer na ang ibinibigay niya sa akin. Hindi na ako lugi at pabor rin sa akin dahil kung ano ang gusto kong sahod ay ibibigay niya pero imbes na pumayag na ay mas lalo kong naitikom ang aking bibig.

Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay hindi na ako nagdalawang-isip dahil minsan lang ang ganito pero hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Pakiramdam ko'y hindi ko na masisikmura ang ibalandra sa lahat ang katawan ko para lang kumita. I felt like I'm now better than that, kahit paano.

"Salamat Aling Pedra pero pag-iisipan ko po muna."

"Hay Valerie!" madramang umangat ang kamay ng matanda sa kanyang noong parang biglang umangat ang lahat ng dugo patungo rito.

"Ha? Bakit?! Akala ko ba kailangang kailangan mo ngayon?" gulat na singit ulit ni Megan sa aming dalawa.

Tama siya sa sinabing kailangang kailangan ko pero matatanggap ko kung waiter lang ang trabaho o sa bar pero wala naman silang bakante doon kaya wala ring mai-offer sa akin at tanging ang ngayong pinag-uusapan lang ang kaya nilang ibigay.

Magsasalita pa sana si Megan pero itinaas na ni Aling Pedra ang kanyang kamay sa ere kaya natigil ito. Maagap niyang hinuli ang aking kamay pagkatapos ng pananahimik ni Megan.

"Kung iyan ang desisyon mo Val ay tatanggapin ko. Basta siguraduhin mong pag-iisipan mong mabuti dahil ngayon lang ako magbibigay sa'yo ng ganito." tumango ako. "Hindi bale, maglalaan na ako ng pwesto para sa'yo kaya nasa'yo nalang kung tutuloy ka o hindi pero sana ay tumuloy ka pa rin. Magtulungan tayo."

Marami pa siyang idinagdag na mga salitang gusto na sanang magpatango sa akin pero gusto ko pa ring panindigan ang desisyon ko. Kahit naman desperada na ako ay hindi pa rin ako dapat magpadalos-dalos dahil alam kong kapag pumasok na ulit ako sa ganito ay baka mahirapan na akong makaalis.

Pagkatapos ng pag-uusap ay nilibre nila ako ng inumin. Nanatili naman ako sa bar para panuorin ang mga shows at ang posibleng trabahong naghihintay ulit sa akin. Itinuloy ko ang pag-inom ng alak at ang paninigarilyo sa kabilang kamay habang pinapanuod ang mga babaeng nasa gitnang mayroong kakarampot na saplot sa katawan habang sinasayawan ang mga lalaking tila piranhang hayok na hayok naman sa laman.

Bumaba ang aking mga mata sa hawak kong stick ng yosing kalahati palang ay pinatay ko na. Matagal na rin akong hindi nakakapag-sigarilyo kaya siguro hindi ko na trip pero ang isang bote ng alak ay inubos ko pa rin bago ako nagpaalam sa kanila.

Anim na linggo... Anim na linggo akong nagtago at nagsinungaling kay Nana Mauricia at sa lahat na nagtatrabaho pa rin ako sa club at part time lang ang ginagawa ko ngayon kahit na ang totoo ay dito ko na kinukuha ang perang ipinangkakain ko sa araw-araw.

Anim na linggo kong pinigilan ang sarili kong mag-isip ng mga bagay na makakasakit sa akin. Mga taong hindi ko na dapat isipin at mga oportunidad na tapos na para sa akin. Anim na linggo na ang lumipas pero parang kahapon lang iyon. Parang kahapon ko lang narinig ang pagtanggal sa akin ni Nixon sa club... Parang kahapon ko lang nakita si Jaycint na kasama si Stella... at parang kahapon lang sinampal sa aking tapos na rin ang lahat ng pagkatanga niya sa isang kagaya ko.

Ipinilig ko ang aking ulo at pigil ang aking paghinga habang hinihintay ang sagot ni Enrique sa kabilang linya. Hindi ko man alam kung paano ako manghihiram ng pera para ipambayad sa mga bills ko ay naglakas loob pa rin ako dahil ilang araw nalang ay baka mawalan na ako ng tubig at ilaw pero ang lahat ng pag-asa kong matutulungan niya ako ay nabaliktad nang sabihin niyang kailangan niya ng tulong ko ngayon dahil kay Tiya Mercy na muling isinugod sa hospital!

Naging mabilis ang pag-ikot ng aking sikmura sa narinig at kahit na hindi ko alam kung saan ako humugot ng salita para sa pangakong magpapadala ako ng pera ay nagawa ko pa rin kaya ngayon... Habang tinititigan ang pangalan ni Skyrene sa aking telepono ay parang mas dumidiin ng paghalukay sa aking kabuuan.

Napapikit ako ng mariin ng pindutin ang call button at pagkatapos ay ilang beses na nagpakawala ng hangin sa bibig para kumuha ng lakas at masabi ko sa kanya ang pakay ko kahit na ngayon palang ay parang gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa hiya.

Simula ng matapos ang lahat sa amin ng kanyang pinsan ay hindi pa kami nag-uusap at gagawin ko rin ang lahat para hindi na namin 'yon mapag-usapan dahil ayaw ko ng balikan ang gabing yon. Sa ngayon ay kailangan kong humanap ng paraan para matulungan si Riki...

"Sky-" my heart dropped when I heard the operator on the other line.

Mas lalo akong nanlumo. Siguro ay nasa Australia pa rin ito. Hindi rin naman kasi mahilig ang mag-asawang mag-open ng social media kaya wala rin akong maaasahan doon. Hindi naman ako pwedeng humingi ng tulong sa mga kapatid niya dahil alam kong kay Jaycint lang nila ako ituturo... Kahit kay Nixon, hindi na rin pwede.

"Ate Val! Extend pa ako!" hiyaw ng batang lumabas sa computer shop para puntahan ako pero imbes na bigyan siya ng pansin ay nagmamadali akong umalis para puntahan si Nana at magpaalam na aalis na muna ako ngayong gabi.

Tutol man ang buo kong pagkatao sa gagawin ay wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik sa club ng gabi ring iyon para tanggapin ang trabahong inaalok ni Aling Pedra.

Naputol ang aking paghinga ng bigla niya akong yakapin!

"Mabuti Valerie! Mabuti at nakapag-isip ka na!" tuwang tuwa niyang sabi habang pahigpit pa ng pahigpit ang kanyang yakap.

Imbes na magpadaig sa mga boses na patuloy akong tinututulan sa desisyon ko ay hinarap ko siya't wala ng hiyang sinabi ang kailangan ko ngayon dahil wala na... Wala nang iba pang kaya akong tulungan ngayon kung hindi siya.

"Twenty thousand?!" halos malaglag ang panga ni Megan sa narinig.

Ilang beses ring napalunok si Aling Pedra dahil hindi pa man ako nagsisimulang magtrabaho ay bumabale na ako.

Marami na akong nagawang kadesperadahan sa buhay ko pero kahit na ramdam kong ang pagkakataong ito ay dapat kong pagsisihan ay wala na rin akong magawa para bawiin pa. Siya nalang kasi ang pag-asa ko para matulungan si Riki. Siya nalang.

"Please... Magsisimula na ako kahit bukas basta pahiramin mo lang ako ngayon ng pera dahil kailangang kailangan ko na."

Nagkatinginan ang dalawang babae. Si Megan ang unang humarap sa akin pero bago pa siya muling makatutol ay nagkukumahog nang kinuha ng matanda ang kanyang pulang bag para kumuha doon ng perang kailangan ko.

Kahit na dama ko ang pagbulusok ng aking pagkatao paibaba ay wala na akong magawa. I don't have any choice but to do this... Para kay Enrique at sa lahat maging sa sarili ko... Kahit bumalik ako sa paghuhubad ay gagawin ko... Lahat lahat kaya kong gawin para kay Enrique dahil alam kong gano'n rin siya para sa akin.

Maaga akong gumising kinabukasan para ipadala ang perang kailangan ni Tiya Mercy. Hinayaan ko na muna ang mga bayarin ko pero mas malaki ang naging pasasalamat ko dahil hindi muna ako sumabak pabalik sa gano'ng klase ng trabaho.

Sinabi ni Aling Pedra na kailangan ng isang linggo para paghandaan ang pagbabalik ko. Isang linggo para gumawa ng event sa unang salang ko sa stage. Sa muling pagbabalik ko bilang dating ako.

Hindi man ako handa sa gagawin ay inisip ko nalang na ito ang kailangan. Ito ang bubuhay sa akin ngayon at ito ang makakatulong sa amin ni Enrique. Besides, I'm not a virgin. Wala akong dapat iarte dahil wala na rin namang mawawala sa akin, well maliban sa dignidad na pilit kong binuo... pero ano pang magagawa ko?

Siguro nga kung ano kang ipinanganak ay gano'n ka na hanggang sa pagtatapos ng buhay mo sa mundo. Kung isa akong pagkakamali, habang buhay akong mabubuhay sa lahat ng mali dahil iyon ang destinasyon ko. I'm just that bitch. Walang pangarap, walang patutunguhan at mananatiling mababa ang lipad sa tingin ng lahat.

Habang abala sila, walang araw akong hindi sumubok na tawagan si Skyrene dahil umaasa pa rin akong mabibigyan niya ako ng tulong lalo na't kulang pa ang twenty thousand na binale ko kay Aling Pedra. Walang araw na hindi ako umasa ngunit walang araw ring hindi ako nabigo.

"Ikaw na ang bahalang mamili kung alin ang gusto mong suotin sa Biyernes! Kung ayaw mo ng mga 'yan, marami pa akong bago dito sa bahay. Magsabi ka lang o di kaya naman ay puntahan mo nalang ako dito." aniya sa kabilang linya dalawang araw bago ang pagbabalik ko sa club.

"Sige ho. Ako na hong bahala."

"Mabuti! So paano? Agahan mo ha?! Naku, excited na ang mga parokyanong makita ka!" parang umikot ang tiyan ko ng marinig ang matinis niyang pagtawa. "Gustong gusto pa naman no'n ang ganyang fresh at sobrang ganda! Siguradong maraming mahuhumaling sa'yo at kung gusto mo't kailangan pa talaga ng pera..." napatayo na ako dahil kahit na alam ko na ang sunod niyang sasabihin ay talagang mas lalo ko lang naramdaman ang kagustuhang masuka dahil sa mga pinagsasasabi niya ngayon!

"... Pwede ka ring sumiping sa mga lalaki para mas malaki ang maiuuwi mong pera-"

Hindi ko na natapos ang kanyang tawag dahil sa mabilis kong pagbitiw sa telepono at pagtakbo patungo sa lababo at doon ibuhos ang lahat ng namumuong bagay sa aking lalamunan!

Ang akala kong sobrang daming suka gawa ng pandidiri sa mga sinabi niya ay mali dahil parang tubig lang iyon at kakaunti pa kahit na patuloy ang pag-ikot at paghalukay ng kung ano sa loob ng aking tiyan!

Nanghihina akong napakapit sa lababo at muling lumapit dito ng muling umangat ang kung anong biglaang sumumpong sa akin ngunit gaya ng una ay hindi naman iyon marami. At doon... Habang nanginginig ang mga kamay ko't para akong matutumba dahil sa biglaang pagkahilo ay may napagtanto ako.

No... Hindi pwede... Hindi ako pwedeng... Hindi pa man natatapos ng utak ko 'yon ay muli na akong nasuka kahit na wala namang lumalabas sa bibig ko.

Nanghihina ang kamay kong binuksan ang gripo at wala sa sariling napahilamos habang paulit-ulit kong itinatanggi ang lahat ng gustong ipaintindi sa akin ng isang parte ng aking utak.

"Hindi..." nanlulumo kong sambit pero habang unti-unti kong binabalikan ang mga nakaligtaan ko dahil sa pilit na paglimot sa lahat simula ng gabing masalimuot ay mas lalong lumilinaw sa akin ang mga posibilidad ng aking sitwasyon.

I-I'm... I'm pregnant? Pero... No, that's not even a question now.

Napapikit ako ng mariin at tuluyan ng ikinonsidera ang katotohanang pilit na isinisigaw ng utak ko.

Buntis ako! Buntis ako at walang ibang ama kung hindi si Hacinto!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro