Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 38

CHAPTER THIRTY EIGHT

Why Am I crying?

"Val..." nanginig ang boses ni Rina sa kaba dahil alam kong dumadaloy na sa kanya ngayon ang sukdulan ng galit ko!

Kung tutuusin ay wala naman ako sa posisyong makaramdam ng ganito pero habang nakikita ko kung paano nag-uumapaw ang tuwa sa kanilang mga mukha ay hindi ko maiwasang maisip si Ramiel.

I'm fine with Jaycint being happy with someone else dahil iyon naman ang dapat niyang gawin pero hindi pwedeng kay Stella! Dahil sa dami naman ng babae sa mundo, bakit dito pa 'di ba? Tanga ba siya at hindi man lang alam ang relasyon nito sa pinsan niya?!

Sa kabila ng ingay at hiyawan ng lahat dahil sa kasiyahan ay nakita ko ang sarili kong halos itulak ang mga taong humaharang sa aking dinaraanan para lang mas madaling makapunta sa lamesa ng dalawa.

Ilang beses umalingawngaw sa aking magkabilang tenga ang malalakas na pigil ni Rina pero tuluyan na akong nabingi dahil sa galit na hindi ko na alam kung saan nagsimula. Hindi niya na rin ako nahabol pa dahil sa bilis kong gumalaw.

I continued pushing everyone. Wala na akong marinig kung hindi ang pagkalampag ng bagay sa aking dibdib na inuudyukan akong tapusin ang kasiyahan nila dahil ngayon ay hindi ko na yata kayang palampasin na pati si Ramiel ay niloloko ni Stella!

"Valerie!" mas malakas na sigaw ni Rina.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagsisilingunan ng mga tao sa gawi ko pero nawalan na ako ng pakialam. Ang tanging nagbigay nalang sa akin ng kaunting huwisyo ay ang sabay na paglingon sa akin ni Jaycint at Stella ilang hakbang ang layo sa kanila.

Nakita ko ang agarang pamumutla ni Stella dahil sa sobrang gulat pero bago ko pa siya maabot at masaktan ay madali nang nakatayo si Jaycint at agad akong sinalubong para pigilan at hindi na muling mangyari ang mga nangyari noon sa aming dalawa sa hospital.

"You bitch!" malakas kong sigaw.

"Valerie!"

Pinilit kong itulak si Jaycint na ngayon ay hawak hawak na ako at pilit na nilalabanan ang aking lakas para lang huwag masaktan si Stella. Nakita ko ang nag-uumapaw na kaba sa mukha ng huli habang tumatayo at hindi na alam ang gagawin.

"Anong karapatan mong lokohin si Ramiel! Anong karapatan mong makipaglandian sa dalawang lalaki! Malandi ka! Malandi ka!" paulit-ulit kong sigaw dahilan nang ngayo'y pagtigil ng lahat ng mga taong malapit sa amin.

May pwersa kong itinulak ulit si Jaycint kaya bahagya akong nakaalpas sa kanya pero hindi pa rin sapat ang ginawa ko para mahawakan ni isang hibla ng buhok ni Stella at iyon ang naging dahilan ng mas lalong pagliyab ng galit sa akin! Ang galit na naghalo-halo na. Iyong galit na simula pa sa pinanggalingan ng lahat ng galit sa puso ko... Ang galit ng pagsunod niya sa akin at pagpupumilit na makapasok sa buhay ko! Ang galit na nagagawa niyang makipaglandian kay Jaycint samantalang wala pang bente kwatro oras nang mawala si Ramiel! Ang galit na hindi ko na alam kung paano naging ganito kalaki ngayong nakita ko silang magkasamang dalawa!

"Valerie!" hindi ko inintindi ang malakas na sigaw ni Jaycint habang yakap ako't pinipigilan sa lahat ng gagawing mali.

Dahil hindi ko maabot si Stella gawa ng pagyakap sa akin ni Jaycint sa likuran ay sinipa ko nalang ang mga bote at basong nakapatong sa kanilang lamesa dahil hindi ko na alam kung ano nalang ang mangyayari sa akin kung sakaling wala akong nabalingan ng lahat ng ito!

Damang dama ko ang poot na nananalaytay sa bawat ugat na nakapaloob sa aking katawan. Ang sakit na bumabaon sa aking dibdib at ang lahat ng emosyong hindi ko na maintindihan. I badly want to hurt someone just to release some of it! Iyon lang ang tanging paraan dahil kung hindi ay alam ko na ang susunod na mangyayari... at kapag nangyari 'yon, wala ng sasalba. Wala ng masasalba sa lahat ng ito.

Ilang beses kong sinipa ang lahat ng mga gamit hanggang sa magkanda-basag na ang lahat maging ang lamesang pinagpapatungan nito.

Dinig kong humina ang tugtog sa loob ng bar hanggang sa tuluyan ng nawala habang patuloy ako sa pagpiglas sa pagkakayakap ni Jaycint at pagsigaw ng pagkamuhi. Ang ingay ko ay nahaluan na rin ng mga ingay ng taong nabibigla sa pagiging asal kalye ko.

I can hear Maury's voice begging for me to stop but I just couldn't do it. Gaya ng nangyari sa hospital ay hindi ko na rin kontrolado ang sarili ko ngayon. Walang tigil na lumabas ang mga masasakit na salita sa aking bibig para kay Stella na kahit ako ay hindi ko na rin nasundan.

"Valerie! Ano ba! Tama na!" marahas akong hinigit ni Jaycint palayo sa natutulala't natatakot na si Stella.

Maya maya pa ay naramdaman kong hindi nalang siya ang humahawak sa akin.

"Miss Val..." gulat, nag-aalala at may halong awang pigil sa akin ni Kuya Bruno, isa sa mga bouncer na kahit kailan ay hindi ako nakitang ganito.

Nang maramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha dahil nahihirapan na akong huminga sa tindi ng mga nagawa ko ay doon lang ako nahimasmasan at pilit na nagpahila pabalik sa kasalukuyan.

"Malandi... Malandi ka..." tila nauupos na kandila kong sigaw hanggang sa naging bulong nalang iyon.

Pilit kong sinabayan ang pagtahip ng aking dibdib dahil para na akong malalagutan ng hininga. Nang maisip ko ang mga taong nakahawak sa akin at ang pagtuon ng lahat sa gawi ko ay doon ko na naramdaman ang tuluyang pagkaubos ng aking lakas.

"Valerie-"

Marahas kong hinawi ang kamay ni Jaycint sa aking braso. Sunod kong tinanggal ang kay Maury at kina Kuya Bruno bago nagmamadaling umalis para takasan ang lahat ng gulong inumpisahan ko.

Habang tumatakbo palayo at hinahawi ang mga luhang patuloy ang paglulumandas sa aking mga mata ay pilit na pumapasok sa utak ko ang eskandalong nagawa ko.

Nang pilit akong harangin ng baguhan bouncer ay wala na akong inaksayang panahon. Sa kanya ko naibunton ang lahat ng pananakit na gusto kong pakawalan ngayong gabi kaya sa isang suntok palang sa gitna ng kanyang mukha ay mabilis na siyang bumulagta sa sahig ngunit imbes na huminto ay nagpatuloy ako sa paglayo, hindi na ininda ang kirot ng aking kamao dahil sa ginawa.

Mas binilisan ko pa ang aking takbo ng marinig ang pagsunod at pagtawag ni Jaycint sa aking pangalan.

Damn, what have I done?

Anong nagawa ko? Bakit ko nagawa 'yon?

Kinagat ko ang nanginginig kong labi at kahit na wala ng lakas ang mga kamay ko ay pinilit ko pa ring tanggalin ang luha sa aking mga mata habang tinatahak patakbo ang daan patungo sa likurang exit.

Alam ko na kung anong mangyayari sa akin pagkatapos nito pero iniwasan ko munang isipin 'yon. Ang tanging laman nalang ng utak ko ay kung paano iiwasan ang lalaking ngayon ay humahabol sa akin.

Fuck... Talaga bang nagawa ko 'yon? Sa gitna ng trabaho ko? Pero paano? Why Valerie, why?!

Dahil lang ba 'yon sa galit kay Stella dahil kay Ramiel o mas malaking parte ng aksiyon kong iyon ay dahil kay Jaycint?

"Valerie!"

Naputol ang aking paghinga ng maramdaman ang kamay niyang humawak at pumigil sa akin!

"Bitiwan mo ako!" sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero parang nakaposas na ang kanya sa aking palapulsuhan!

"Ano ba! Sabi ko bitiwan mo ako!" mas malakas kong sigaw ngayon dahil putang ina! Wala ng katapusan ang pag-iyak kong hindi ko na alam kung ano ang totoong dahilan!

"What the fuck is your problem?!" wala sa sariling napalunok ako ng marinig ang malakas niyang tanong na parang gusto akong alugin sa lahat ng kabaliwan ko.

Agad kong nalasahan ang pait no'n. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa tono niyang parang gustong isampal sa akin na wala naman akong dapat iarte dahil wala namang kami o dahil sa ilang araw kong paghihintay sa kanya ay iyon ang bungad niya maliban sa pagpigil sa akin kanina.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya pero ng hinigit niya ako ay nawalan na ako ng tyansang umiwas at agad nang napaharap dito.

Naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng kanyang kamay kasabay ng pagrolyo ng bagay sa kanyang lalamunan ng makita ang hitsura ko.

Sa lahat ng nagawa kong kapalpakan ngayong araw ay dapat ko pa ring ipagpasalamat ang pagkakataong ito dahil maliban sa aming dalawa ay wala ng tao sa paligid namin.

Maliban rin sa kulay pulang signage sa likuran kong nagsasabing exit at ilang maliliit na ilaw sa sahig ay wala na ring masyadong liwanag para mas makita niya ang mukha kong hindi na alam kung ano talaga ang puno ng paghihinagpis. Gayunpaman, nasisiguro kong hindi ko na maitatago ang lahat sa kanya kahit na ilang beses kong tanggalin ang mga butil ng luhang patuloy na nalalaglag sa aking mga mata.

"Valerie-"

Pinilit kong kunin ang kamay ko at agad niya naman iyong nabitiwan dahil sa pagluwag niya kanina. Sinubukan kong talikuran ulit siya pero muli niya akong nahuli at pilit na pinaharap sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay hindi lang pagkalito ang nanatili sa kanyang mga mata dahil sa nagawa ko. Naroon na rin ang matinding pagkadismaya.

"Bitiwan mo na ako at bumalik ka na do'n, Jaycint!" hindi ko napigilan ang pagpiyok ng aking boses dahil sa pag-iyak.

I can't stand him. Pakiramdam ko'y kapag tumagal pa akong nasa harapan niya ay tuluyan na akong mababasag sa hindi malamang dahilan. Parang habang nasa harapan ko siya ay umuulit sa akin ang lahat kung saan kami nagsimula hanggang sa mga nakita kaninang ni minsan ay hindi sumagi sa utak ko. Parang habang nasa harapan ko siya pagkatapos ng ilang araw na walang paramdam ay mas lalo lang akong napaglalaruan ng sakit at mga emosyong itinaga ko na sa batong hindi ko na kailanman dapat pang maramdaman.

"Is it because of Stella? Valerie-"

"No! Bitiwan mo na ako at umalis ka na!" buong lakas kong sigaw pero ng maramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagbitiw sa aking tila sinusukuan na ako ay parang gusto kong bawiin ang lahat ng mga salitang lumabas sa aking bibig.

Parang gusto kong sabihing hindi... Jaycint, hawakan mo lang ako. Please tulungan mo akong kumalma dahil hindi ko na alam kung paano gawin 'yon. Please help me, Jaycint. Help me...

Ang kakaunting simpatya niya kanina ng makita akong umiiyak ay madaling nawala. Ako naman ang napalunok ng tumalim ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.

"Why are you acting like that?! Sabihin mo Valerie dahil hindi na kita maintindihan. Are you jealous-"

"Fuck you!" mabilis kong putol sa kanya sa kabila ng pilit na pangongontra ng kakarampot na katinuang natitira sa matigas kong utak.

Sarkastiko akong tumawa at muling pinalis ang mga luha ko bago ipaskil ang lahat ng pagmamatigas sa akin.

"Baliw ka ba?! Bakit ako magseselos, Jaycint? Walang tayo baka nakakalimutan mo!"

"Exactly my point!" napaatras ako ng marinig ang galit niyang boses na tila naubusan na nga ng pasensiya sa akin. "Walang dahilan para magselos ka dahil wala kang karapatan do'n! Ngayon, bakit ka nagkakaganyan? Gusto kong intindihin kaya ipaintindi mo!"

Kahit na naririnig ko ang mabilis at malakas na pagkadurog ng aking puso habang hinaharap ang galit niyang ni minsan ay hindi ko nakita ay naging matapang ako sa harapan niya't buong lakas na sinalubong ang lahat ng posibleng mga emosyong tuluyang tatapos sa kung anong ugnayang mayroon kami.

"Hindi lahat ng bagay tungkol sa'yo, Jaycint! Bakit akala mo ba dahil sa'yo kaya ako nagkakaganito? Pwes, tigilan mo 'yang mga ambisyon mo dahil kahit na kailan ay wala akong pakialam kung maging masaya ka sa iba! Wala akong pakialam kung sino ang kalantariin mo pero huwag si Stella!"

Naikumo ko ang aking mga kamay ng makita ang pag-iling niya't paglabas ng ngayo'y sarkastikong ngiting nababaliw na yata dahil sa mga sinabi ko.

"And why is that, huh? Anong karapatan mong diktahan ako kung sino ang dapat kong makasama?" Dama ko ang malakas na pagsampal sa akin ng kanyang mga salita pero buong tapang ko iyong sinalubong. "Anong pakialam mo kung si Stella ang gusto ko at kung sa kanya ko piliing maging masaya?!"

Mas dumiin ang pagtahip ng aking dibdib dahil do'n pero wala na akong magawa. Ang tanging kaya ko nalang gawin ay huwag ipakitang naaapektuhan ako sa kanyang mga salita. I reminded myself that I'm the best liar. Wala ng makakatalo sa akin pagdating sa pagtago ng katotohanan kaya iyon ang ginawa ko.

"Wala kang kwenta," I spat bitterly.

Mas lalong nagtangis ang kanyang bagang at kung kanina ay pagkadismaya lang ang mababanaag sa kanyang mga mata, ngayon naman ay galit na ang nakikita ko pero hindi ko na kayang bawiin ang mga ikinagagalit niya. Mas gugustohin ko pang mamatay nalang kaysa ang bawiin ang lahat ng mga sinasabi ko at aminin kung gaano ko siya kailangan ngayon dahil kahit ako... Ayaw kong ganito ako. Kahit ako, pagod ng maging ako. Pagod na pagod na...

"Alam mong gusto ng pinsan mo si Stella kaya layuan mo si Stella! Wala akong pakialam kung sinong babae ang gustohin mo dahil wala akong pakialam sa'yo! Ang gusto ko lang ay layuan mo si Stella dahil may relasyon sila ni Ramiel! Saktan mo na lahat huwag lang si Ramiel! Huwag sila!"

Wala akong pakialam kung mapunta ka sa iba dahil kahit kailan naman ay hindi ko na pinangarap ang ganito pero tang ina kasi dumating ka pa! Mga salitang nanatili nalang na nakakulong sa aking utak.

Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga bago nagpatuloy.

"Really? Is that it? 'Yan lang ba ang dahilan mo o baka dahil ayaw mo lang na maging masaya ako sa kapatid mo kaya ka nagkakaganito?!"

Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng ilang baldeng may lamang sandamakmak na bloke ng yelo para gisingin sa matagal na pagkakatulog dahil sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Nanghihina akong napaatras ulit palayo sa kanya. Kusa na ring tumigil ang mga luha ko dahil sa napagtanto.

He knew? Paano niya nalamang... Wow... Kaya ba hindi na siya bumalik hindi lang dahil sa narinig niyang pag-uusap namin ni Enrique kung hindi dahil sa mga nalaman niya? Kaya ba siya ganito ngayon dahil sinabi na ni Stella ang lahat ng alam nito sa buhay ko? Kaya ba ngayon ganito nalang ang pagtatanggol niya rito dahil totoong ito na ang gusto niya at masama na ako sa paningin niya?

Gusto kong tanggalin ang tingin sa kanya pero hindi ko ginawa. Gusto kong tumakbo nalang palayo pero nanatili ako. Gusto ko siyang suntukin sa mukha pero nagpigil ako. Ang tanging napanindigan ko nalang na gawin ay hintaying kumalma kahit paano ang aking sarili.

I am the best liar... Matapang ako at hindi na ako iiyak dahil sa kanya lalo na ngayon! Hinding hindi na!

"So kaya si Stella ang pinili mo para makaganti sa lahat ng ginawa ko sa'yo? Para ipamukha sa akin lahat, gano'n ba? Gusto mo rin akong saktan, huh?"

Hindi siya sumagot, ewan ko kung nag-iisip ba siya o gusto niya lang akong bigyan ng pagkakataong ilabas ang mga gusto kong sabihin. He remained silent after that kaya nagpatuloy ako.

"Akala mo naman masasaktan ako? Akala mo gano'n ako kababaw, Jaycint? Bakit? Akala mo ba nahulog na ako rin ako sa'yo at talagang nagseselos ngayon kaya ko kayo sinugod?" nababaliw akong tumawa para takpan ang paulit-ulit na pagsapak ng kung ano sa aking sikmura. "Gago ka pala eh! Wala akong pakialam sa'yo para sa kaalaman mo! Matagal na akong nawalan ng pakialam at sinabi ko na ang dahilan kung bakit ko 'yon nagawa pero kung gusto mong ipagpilitang nagseselos ako, mas mabuti pang matulog ka nalang para mapanaginipan mo 'yon dahil kahit kailan ay hindi ako magseselos pagdating sa'yo!"

Ang galit sa kanyang mga mata ay dumoble't nabahiran na rin ng sakit na pilit niyang itinago sa pamamagitan ng pagkurap-kurap.

"Napakatigas mo Valerie at tama ang kapatid mo do'n," ang puso ko ay tuluyan ng nalunod sa pagkabigo dahil sa mga sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, simula ngayon ay talagang magpapakasaya na ako sa iba at hinding hindi ka na gugustohin."

"Great! Sana sinabi mo 'yan nung gabing umalis ka para nagkaroon pa ako ng pakialam kahit paano kasi ngayon wala na! Kung gusto mong gamitin si Stella para gumanti kayong dalawa sa'kin, go ahead! Have it your way Jaycint at utang na loob bumalik ka na doon! Tigilan mo na ako! Iwan mo na ako at huwag na huwag ka ng babalik pa!" pagkatapos ng mga salitang iyon ay mabilis kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang muling pagbabadya ng aking mga luha.

Mas diniinan ko pa ang pagkagat kahit na nalasahan ko na ang dugo doon nang makita ang isang beses niyang pag atras palayo sa akin, tila nasakal sa kakaunting distansiyang mayroon kami.

Pinilit ko ring umatras kahit pa mas malakas ang pagpupumigil ng utak ko't patuloy ang pagsigaw na pigilan siya. Patuloy ang pag gising sa akin at pagmamakaawang bawiin ang mga sinabi't sabihin ang taliwas. Sabihing tulungan niya akong iahon sa ganito. Tulungan mo akong umalpas sa lahat ng ito pero naging tikom na ang aking bibig.

"Fine. Simula ngayon ay hindi na kita gusto. Simula ngayon hindi na kita iintindihin. Simula ngayon ay wala ka ng aasahan sa'kin kung 'yan ang gusto mo. Aalis na rin ako at kahit kailan ay hindi na babalik. Have it your way, Valerie Cross." mas madiin at mapait niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita kaya mabilis na siyang pumihit at sinunod ang gusto kong iwan na ako.

Doon ko na naramdaman ang pagbulusok ng puso ko sa pinakailalim. Napahakbang ako para sundan siya't pigilan ngunit natigil rin ang mga paa ko't nakuntento nalang sa panunuod sa kanyang lumalayo at nilalamon ng dilim habang ang aking mga kuko ay bumabaon sa aking magkabilang palad.

Nang tuluyan na siyang mawala ay doon na muling tumulo ang mga luha ko...

Mabilis na umangat ang aking mga kamay sa aking bibig ng kumawala na rin ang aking mga hagulgol na ni minsan, pagkatapos ng gabing ipinagtabuyan ako ni George at lahat ng mga nangyari sa akin ay hindi ko na narinig pero ngayon ay hindi ko na napigilan.

Nagmamadali akong pumihit at dumiretso na sa exit pero natigil ako't napahigpit ang kapit sa malamig na bakal nitong hawakan dahil wala akong lakas na buksan ito.

Pagod na nalaglag ang aking kamay patungo sa aking dibdib at gaya ng gabing umalis siya ay walang humpay rin ang naging pagsapak ko doon para lang piliting itigil ang pagkirot nito kahit na alam kong imposible.

Mabuti nalang at bumalik na ang malakas na tugtog sa loob ng bar at wala na ring nakasunod sa akin kaya hindi ko na kailangang takpan ang aking mga labi para pigilan ang paghikbi dahil wala na rin namang makakarinig.

Mag-isa na ulit ako at ito ang dapat sa akin because no one deserves Valerie Cross. No one deserves to love a girl who has nothing to give... Na kahit iyong lalaking gustong ipagpilitang may kaya akong ibigay ay hindi pa rin pwede. Walang sino man ang pupwedeng magmahal sa akin dahil hindi ko na kayang mandamay sa lahat ng kapalpakan ko. Hindi ko na kayang magbigay ni katiting. Hindi ko siya kailangan at mas lalong hindi ko kailangan ang dala niyang pagmamahal... Hindi pwede.

But why am I crying?

Pinilit kong buksan ang mabigat na pintong hawak ko at nagmamadaling lumabas ng marinig ko ang mga boses na tumatawag sa aking pangalan. Sa paglabas ko ay agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin kaya awtomatikong umangat ang aking magkabilang kamay para yakapin ang sarili at aluin.

Mabilis ngunit may pag-iingat akong bumaba sa hagdan para tuluyan ng makalayo.

No, mali ako. Maling mali dahil ngayong gabi ay alam kong nagbigay ako. Ngayong gabi sigurado akong mas lamang ang selos sa lahat ng emosyong naramdaman ko... Dahil ngayong gabi, alam kong nagmahal ulit ako kahit na hindi pwede. 'Yun nga lang, ngayong gabi rin natapos ang lahat ng 'yon dahil tapos na rin ang lahat nang sa amin ni Jaycint.

Simula sa puntong ito ng buhay ko ay muli kong susundin ang lahat ng pangako para sa aking sarili at kay Enrique dahil ngayong gabi... Tapos na. Wala na... Umalis na siya at kahit kailan ay hindi na babalik pa and that's exactly what I deserve.

But why the fuck am I crying?

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Booklat account : Ceng Crdva

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro