CHAPTER 37
CHAPTER THIRTY SEVEN
Ang Saya Saya
Hindi na ako nakagalaw kahit na ilang minuto nang tapos ang tawag. Kahit na umaapaw na rin ang baldeng nasa harapan ko ay wala pa rin akong lakas para magpatuloy.
Bigo akong napakurap-kurap nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. This is just sex right? Wala namang masama kung pagbibigyan ang tawag ng laman pero ngayon... Sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang matinding lungkot dahil ngayon ay may nagawa akong mali. Ramdam kong nadismaya ko si Enrique. Ngayong gabi ay nasaktan ko siya at 'yon ang dahilan ng ngayo'y pagsakit rin ng aking puso.
Bago pa ako makatayo ay sunod ko nang narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
Mariin akong napapikit at pinilit na bumuntong hinga para bigyan ng pagkakataon ang sariling makahugot ng lakas kahit na alam kong tinakasan na ako no'n. Mas naramdaman ko ang unti-unti ngunit maingay na pagkabasag ng bagay sa aking dibdib ng sunod kong marinig ang pagharurot ng isang sasakyan palayo.
Hindi pa man ako nakakalabas ay alam kong wala na si Jaycint. Pagod kong hinawi ang mga luhang mabilis na lumandas sa aking magkabilang pisngi at pagkatapos ay buong lakas na tumayo para patayin ang gripong dahilan ng ngayo'y pagbaha sa loob ng banyo.
Habang marahan kong iniikot ang seradura ng pintuan sa banyo ay pakiramdam ko'y mas lalo akong nanghihina. Kahit na wala ako sa posisyong manalangin ay nagdasal akong sana ay mali lang ang akala ko. Sana hindi totoong umalis siya dahil hindi ko na alam kung paano pa matatapos ang gabing ito... But some prayers were left unanswered. Minsan ay hindi talaga napagbibigyan gaya nalang ngayon habang nanlulumo akong nakatitig sa nakabukas na pintuan ng aking kwartong wala nang tao.
He left. Jaycint already left me.
Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa kumot na nasa aking katawan at lutang na napayakap nalang sa aking sarili. Nang muling tumulo ang mainit na likidong galing sa aking mga mata ay mapait akong napangiti. I know this will end soon but I've never expected it to end right now. Wala rin naman akong dapat iarte dahil ito naman talaga ang dapat.
Ako, mag-isa at pilit na inilalayo ang sarili sa lahat dahil iyon lang naman ang para sa akin pero bakit ngayong nasa harapan ko na ang lahat ay parang gusto ko nalang hayaan ang mga luha ko sa pagkawala?
Bakit habang isinisiksik ng utak kong umalis na ng tuluyan si Jaycint dahil sa posibilidad na narinig niya ang lahat ng pag-uusap namin ni Enrique ay para akong sinasaksak ng paulit-ulit?
Bakit parang habang iniisip kong hindi na siya babalik ay nahihirapan na akong huminga?
Mabilis kong naikumo ang aking mga kamay at nanghihinang napabalik sa pagkakasandal sa dingding. Habang paulit-ulit akong ginagambala ng napag-usapan namin ni Enrique at nang pag-iwan ni Jaycint sa akin ngayon ay sumasabay na ang kamao kong may pwersa at walang humpay na idinidiin sa aking dibdib... nang paulit-ulit ulit. Mariin kong kinagat ang aking labi, not giving myself a chance to cry dahil alam kong kasalanan ko lahat at ako lang ang dapat sisihin kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. This is all my fault and I deserve all of the hate.
Habang paulit-ulit kong sinasapak ang dibdib ko para pigilan ang pagsakit ng kaibuturan nito ay pagod namang umangat ang isa ko pang kamay para tanggalin ang mga talipandas na luhang nakaalpas na sa aking mga mata.
I deserve this... Ilang minutong gano'n ang ayos ko hanggang sa tuluyan ng napagod ang aking mga kamay.
"Hindi ka pa rin papasok?" nag-aalalang tanong ni Rina sa akin pagkatapos ng ilang araw kong hindi pagpasok na kahit minsan ay hindi nangyari sa buong career ko bilang nangunguna sa pamamalakad ng Las Deux.
Pagod akong pumihit patungo sa gawi ng pintuan ng aking kwarto, umaasang sana ay bumalik ang umalis... Kahit hindi na magtagal, kahit sana magpaalam nalang...
"Uy!"
Napapikit ako ng mariin at bigong nagpakawala ng hangin sa aking bibig.
"Sige na nga hindi na ako magtatanong kung kailan ka babalik kaso kasi 'yung event natin ay sa isang araw na at kulang talaga tayo sa tao. Naka-leave na rin si Asha dahil manganganak na ang haliparot and I don't think I can do it without you, Val."
"Sige." tanging salitang lumabas sa bibig ko.
"Anong sige? Val? Are you okay? Gusto mo bang puntahan kita diyan?"
Muli, isang buntong hinga lang ang kumawala sa aking bibig bilang sagot sa mga katanungan niya.
Alam ko namang wala akong karapatang magmukmok dahil kahit na marami akong problemang hinaharap ngayon ay dapat pa rin akong magpatuloy sa pagta-trabaho dahil kailangan ko pa ring kumita pero talagang parang sa ilang taon kong kumakayod ay ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong klase ng pagod. Ngayon ko nalang ulit naramdaman iyong pakiramdam na parang gusto ko nalang ulit sukuan ang lahat...
Hirap kong inayos ang kumot sa aking katawan. Lantang lanta pa rin ako. I can't even make myself some food. Mabuti nalang at kahapon ay pinuntahan ako ni Ramiel at dinalhan ng pagkain dahil kung hindi ay baka tuluyan na akong tinakasan ng lakas. Nagpapasalamat rin ako't nagmamadali siya kaya hindi naman kami gaanong nakapag-usap. Bukod sa sinabi niyang dalawang linggo nalang ay matatapos na ang projects sa West Side at uuwi na siya sa Palawan ay wala na kaming napag-usapan pang iba.
Bukod sa kama ko ay wala na akong naging sandalan sa ilang araw na lumipas pagkatapos ng gabing 'yon. Skyrene is still in Australia at siguro'y kahit narito siya ay hindi ko kayang sabihin sa kanya ang problema kong ito dahil kung tutuusin ay wala rin naman siyang magagawa para matulungan ako. Magiging dagdag isipin lang niya ang lahat at ayaw kong mahati ang atensiyon niya sa akin at sa kanyang pamilya dahil ayaw kong maging makasarili.
It's pathetic to think that the situation affected me so much pero anong magagawa ko? Jaycint didn't text me since he left. Ewan ko kung ano ang eksaktong dahilan niya pero inisip ko nalang na iyon ang dapat sa akin dahil sa pagpapaasa ko sa kanyang isang bukas ay magkakaroon rin ng kami kahit na ilang beses ko nang klinarong hindi iyon mangyayari.
"Uy! Val! Are you still there?! Hello?!"
"I'm tired, Rina. Sige papasok ako bukas."
"No. Kung may sakit ka sabihin mo-"
"Tatawagan ko nalang si Nixon at sasabihin na hindi ako pumasok ng ilang araw pero bukas babalik na ako."
"Val..." hindi ako sumagot. "But are you sure na kaya mo nang pumasok bukas?"
"Oo." lutang kong sambit.
Marami pang sinabing pag-aalala si Rina pero hindi na iyon kaya pang tanggapin ng aking utak. I just want to sleep right now. Gusto kong itulog nalang ang lahat at manalanging sana bukas ay mas maayos na ako. Sana bukas kaya ko na ulit. Sana bukas maharap ko na ulit at maibalik sa dati ang buhay ko bago dumating rito si Jaycint. Sana bukas kaya ko na... Sana maging maayos na ang pag-iisip ko. Sana Bukas...
Mind over matter.
Iyon ang naging lakas ko pagdilat ng aking mga mata kinabukasan. Kahit na ramdam ko pa rin ang lungkot sa kaibuturan ng aking pagkatao ay pinilit kong itatak sa utak kong dapat kong isantabi ang lahat ng emosyong ito para sa pera. Kailangan ko ng pera at pera lang ang dapat magpalungkot at maglaro sa aking mga emosyon. Mahirap mang paniwalaan pero iyon ang nakatulong sa akin.
The guys greeted me as if like I was away for more than a month! Pinigilan kong maging emosyonal ng yakapin ako ni Maury.
Inis ko siyang tinulak palayo ng humigpit ang yakap niya't tumagal pa ng dalawang minuto.
"Para kang tanga, Mauricio!" nagtawanan ang lahat sa marahas na salitang lumabas sa aking bibig pero imbes na sundin niya ako ay muli niyang isinara ang espasyong namamagitan sa amin at muli akong niyakap.
"Okay lang 'yon. Okay lang..." paulit ulit niyang sabi kasabay ng paghaplos niya sa aking likuran na parang kinakalma ako pagkatapos magwala.
Kunot noo kong binalingan ang mga tao sa kanyang likuran pero nagkibit lang silang lahat ng balikat. Sa pangalawang pagkakataon ay itinulak ko si Maury at umatras para hindi na niya ako muling mayakap.
Kung kanina ay seryoso siya, ngayon naman ay tatawa-tawa na.
"Baliw ka ba o naka-drugs?!"
Natatawa siyang umiling at lumayo para sundin na ang mga kasamang nag-aayos na sa bar.
"Na-miss lang kita tsaka..."
Tumaas ang isang kilay ko sa pambibitin niya.
"Tsaka?"
Umiling siya at inilayo ang tingin sa akin na parang kapag nagpatuloy siya ay pagsisisihan niya kaya minabuting huwag nalang ituloy ang sasabihin. Hindi ko naman siya kinulit. Tinulungan ko si Rina na gumawa ng plan B kung sakaling dagsain kami bukas dahil sa gaganaping anniversary ng club na dadaluhan ng mga bigating bisita.
Sa bigat ng mga emosyon ko nitong nakaraan ay nawala na sa isip ko ang paghahanda para rito. Ilang beses akong nagpaumanhin kay Rina dahil doon pero mas marami ang naging paumanhin ko para sa sarili ko dahil sa pagkawala ko sa huwisyo.
Sa sobrang busy namin sa paghahanda ay wala nang ibang pumasok sa utak ko kung hindi ang pagta-trabaho. Nakatulong naman iyon para hindi ako ma-distract buong gabi.
"Sabay ka?" nakangiting tanong ni Maury paglabas ko ng opisina pagkatapos kunin ang mga gamit ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Pwede ba?"
"Oo naman! Tara na." kinuha niya ang bag ko kahit na naiilang akong ibigay 'yon sa kanya.
Ni minsan kasi ay hindi niya 'yon ginawa. Chivalry is so dead when it comes to Maury pero ngayon ay buhay na ulit. Ngayon ay positibo na talaga akong naka-drugs siya. Sa tagal na kasi naming magkaibigan ay hindi naman siya naging ganito kaalaga sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong pasyente at siya naman ang Doctor na gagawin ang lahat maisalba lang ako sa kung ano.
"Dito nalang ako." pigil ko sa kanya sabay pisil sa kanyang balikat ng makita ang hindi niya pagbagal habang palapit sa bukana ng West Side.
"Ihahatid na kita."
"Maury-"
"Maaga pa naman tsaka para hindi ka na mapagod!"
Wala na akong nagawa. Ilang kanto malapit sa bahay ko ay mas dumiin ang kapit ko sa kanyang balikat ng makita ang isang pamilyar na sasakyang nakaparada sa harapan ng aking bahay.
"May bisita ka yata." pabulong niyang sabi pagkatapos ay binagalan na ang takbo ng tapikin ko siya.
"Dito nalang ako, Maury."
Inihinto niya ang sasakyan ilang dipa ang layo sa dapat kong bababaan. Habang umaalis ako sa pagkakasampa sa kanyang motor ay lumalakas naman ng kalabog ng puso ko. Maging ang pag-ikot ng aking sikmura ay hindi ko na maintindihan.
"Thank you, Maury. Mag-ingat ka pauwi."
He nodded and smiled at me, gaya ng buong gabi niyang weirdong ngiti na pinalagpas ko lang.
"See you tomorrow." aniya bago muling paandarin ang motor at umalis na.
Naiwan akong mahigpit ang kapit sa bag na nakasukbit sa aking balikat habang nakatitig sa kotseng ngayon ay dahilan ng pangangatog ng aking mga tuhod. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon pagkatapos akong iwan ay nagawa ko paring maglakad patungo doon.
Ilang beses akong napalunok habang pilit na hinuhuli ang mga salita sa aking utak na pwede kong sabihin sa kanya. Dapat ko ba muna siyang kumustahin? Tanungin kung may nakalimutan lang siyang gamit na gusto niyang kunin? O magpapaalam lang siya at pormal na tatapusin ang lahat kahit na hindi naman na kailangan?
Napuno ng mga katanungan ang aking utak, ang pagdiin ng aking paghinga ay damang dama ko sa aking dibdib pero sa pagtapat ko sa gawi ng driver's side ay agad na binawi sa akin ang antisipasyon ng makita ang pagbungad ni Ramiel pagkatapos buksan ang pintuan.
"Late ka na yata, Ate Val?"
Nanigas ang buong katawan ko ng yakapin niya ako pero mabuti nalang at hindi niya 'yon nahalata.
"S-Sinong kasama mo?"
Kasama mo ba si Jaycint? Kung hindi, do you know where he is? Is he doing okay? Imbes na idagdag 'yon ay nakagat ko nalang ang labi ko ng marinig ang pagsagot niyang taliwas sa idinadasal ko.
"Si Stella," masayang sabi ni Ramiel pagkatapos ay niluwagan ang pinto para mas makita ko ang nasa loob ngunit imbes na titigan ang babaeng tipid akong binigyan ng ngiti ay lumihis ang aking mga mata patungo sa likod ng sasakyan.
Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko't pinilit na lumunok ng wala na akong makitang iba pang tao sa loob.
"Here," kinuha ni Ramiel ang kamay ko't ibinigay ang isang paper bag na hindi ko alam kung ano na naman ang laman. Pinanuod ko siyang umibis papunta sa likod para kunin pa ang ilang paper bags doon. "May pagkain rin dito, Ate Val."
"Para saan 'to?"
Lumapit siya't kinuha ulit sa kamay ko ang ibinigay.
"Susi?"
"Ram, para saan?" kahit na gusto ko siyang pigilan sa gagawin ay ibinigay ko pa rin sa kanya ang susi ng bahay.
Sumunod ako sa kanya papasok sa loob at hindi na inintindi ang kasama niya dahil hindi naman ito importante.
"Wala. Bukas kasi uuwi na ako sa Palawan kaya bumili na ako ng mga regalo. Pwede bang ikaw nalang ang magbigay kina Kuya Tands nito? Nagsusugal pa kasi 'yung mga ugok sa kabila eh. May lamay daw."
Pagpasok namin sa loob ay inilapag niya lang ang ilang hawak sa coffee table at dumiretso naman sa kusina para ilapag ang sinabi niyang mga pagkain.
Hindi ko alam kung mabilis lang ba talaga siyang gumalaw o mabagal lang akong umintindi at kumilos kaya madali niyang natapos iyon. Bumalik siya sa harapan ko.
"Uuwi ka na bukas?"
Si Jaycint ba uuwi na rin? Kasabay mo ba siya? Kumusta siya? Okay lang ba siya? Again, nanatili lang sa utak ko ang mga katanungang iyon.
"Yup! Kailangan na ako doon. Rigel will go back to Spain with the Deontelle's kaya kailangan kong bumalik dahil walang maiiwan sa bahay."
Wala sa sariling napatango nalang ako't natahimik. Si Jaycint ba uuwi na rin? Kasabay mo ba siya? Kumusta siya? Okay lang ba siya?
"Are you okay?"
Napapitlag ako ng makita ang paghakbang niya para putulin ang malalim kong pag-iisip.
"Hindi na ako magtatagal. We'll go ahead. Mag-iingat ka rito Ate Val at ikaw na rin ang bahala. Kapag may nangyaring hindi maganda, tawagan mo nalang ako kaagad, okay?"
Lutang pa rin akong tumango. Kahit nang yakapin niya ay wala akong naging reaksiyon pero ng umibis na siya't palabas nang pintuan ay doon lang ako nakagalaw para pigilan siya.
"S-Si... Stella..."
Sumilay ang ilang linya sa kanyang noo ng kumunot ito.
"What about her?"
"A-Are you two dating?"
Nilingon ni Ramiel ang labas at nang balikan ako ay nakangisi na.
"Since when did you learn to ask about my personal life?" pilyo niyang sagot na kahit hindi niya direktahang sinabi ang relasyong mayroon sila ni Stella ay may nakuha na akong sagot.
Umiling ako. I want to know more about Stella and his relationship with her pero wala na akong lakas ng loob na magtanong.
"Sige na. Uuwi na kami ni Stella," makahulugan niyang sambit habang nakangisi bago muling lumapit sa akin at binigyan ako ng yakap sa huling pagkakataon. "See you soon, alright?"
"O-Okay... Mag-iingat ka." tanging nasabi ko nalang.
Sinundan siya ng mga mata ko pabalik sa sasakyan pero ang plano kong hindi na intindihin si Stella ay bigo kong nagawa nang kusang umibis ang aking mga mata sa kanyang gawi. She's staring at me. Wala mang ngiti ang kanyang mga labi pero ang kanyang mga mata ay nabanaagan ko ng tuwa. Imbes na mag-isip pa ay ipinilig ko nalang ang aking ulo at nagpatuloy nalang sa pagsara ng pintuan.
Habang nakahiga na sa kama ay hindi ko pa rin mapigilang isipin si Jaycint. Nami-miss ko ba siya? Nagi-guilty ba ako? O gusto ko lang malaman kung maayos siya ngayon?
Tumagal nalang akong mukhang tanga sa pag-iisip ngunit wala pa ring naging sagot ang mga katanungan ko. Sa pagod dahil sa trabaho at pag-iisip ng walang katapusan ay hindi ko na namalayang nakatulog nalang ako.
"Ayos na ba kayo diyan?" ganadong tanong ko kina Maury at sinabing tinawagan ko na rin ang mga on-call ngayong gabi para mag duty at hindi kami masyadong mahirapan sa inaasahang pagdagsa ng tao.
Alas sais palang ay halos hindi na mahulugan ng karayom ang lugar. Mapa-baba man o taas ng club ay puno na ng bisita pero mas lalong umingay ang kabuuan ng lugar ng tumugtog na ang isang sikat na DJ na palaging pinagkakaguluhan ng lahat!
Kahit na ramdam ko ang pangangalay ng mga paa ko dahil sa pagtulong sa mga waiter at pag-assist sa mga VIP ay hindi ako nagpadala rito. Mabuti nalang rin at nakaagapay ang shots ni Maury para sa akin para maalog ang utak ko't huwag magpadaig sa pagod.
"Okay ka lang?" nakangiting tanong niya sa akin pagkatapos ng hindi na mabilang na paroo't-parito ko sa kanya para kumuha ng order at tumulong.
"Oo naman! Ikaw? Ayos ka lang?" natatawa ko pa ring tanong sa kanya.
He just nodded. Nang lumihis ang mga mata niya sa likuran ko ay sinubukan ko iyong sundan pero hindi ko naman nagawa dahil nagbaba kaagad siya ng tingin.
"Kami na ang bahala rito. Baka may kailangan ka sa opisina."
Umibis ako papasok sa loob ng bar.
"Bakit? Akala mo ba napapagod na ako? Halata na ba?"
"Hindi naman. Kanina ka pa kasi. Maupo ka muna doon sandali or something."
"Sus!" siniko ko siya. "Okay lang ako! Kung pagod ka na, ikaw ang magpahinga! Mag yosi break ka muna."
Natawa na rin siya pero dahil sa dami ng order ay naging abala kaming parehas. Pagkatapos ko doon ay sinamahan ko naman si Rina para siguraduhing nasa ayos lang ang lahat at kontrolado pa rin namin ang mga nangyayari.
"Dito ka nalang kaya?"
"Bakit?" tumayo ako at dumako sa salamin para ayusin ang aking buhok.
Hindi ko naman kailangang mag-retouch kahit na ilang oras na akong nagta-trabaho dahil maayos pa rin naman ang hitsura ko at mukhang marami pa ring makukuhang tip ngayong gabi.
"Baka pagod ka na kasi."
Kumawala ang sarkastikong tawa sa aking bibig.
"Para kang si Maury! Eh kung ikaw nalang kaya dito? Ako na sa labas."
Hindi ko maiwasang malito ng makita ang pag-aalala sa kanyang mukha pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magdesisyon para sa buhay ko. Sumabay naman siya at wala nang nagawa ng lumabas na ako.
Muling naningkit ang aking mga mata ng marinig ang mas malakas na hiyawan at tugtog sa bandang dance floor dahil sa mabilis na beat na pinapatugtog ng international DJ.
Muli kong ipinaskil ang aking matamis na ngiti habang sinasalubong ang mga pamilyar na mukha pero bago pa kami makaliko pabalik sa bar ay nawala na ang lahat ng gana ko kasabay ng pagdagundong ng malakas na tunog! Hindi sa loob ng club kung hindi sa loob ng aking dibdib!
Kusang huminto ang mga paa ko at agad na napakapit kay Rina na nagulat rin lalo pa't hindi ko na napigilan ang pagdiin ng aking kamay sa kanyang braso habang nakatitig sa isang lamesang ngayon ay kasalukuyang inuukopa ng dalawang tao... Ang pagka-guilty ko dahil sa nangyari noong gabing 'yon ay mabilis na napalitan ng poot na ngayon ay nagsisimula nang rumagasa at kumalat sa aking kabuuan!
Ang lahat ng mga katanungan sa utak kong ilang araw akong binagabag ay agad ring nabigyan ng sagot habang pinapanuod silang dalawa because wow! Jaycint is fine! He's perfectly fine! No, he's beyond that word dahil putang ina... Mukhang ang saya saya niya!
Masayang masaya ngayon si Jaycint habang hawak hawak ang kamay ni Stella at maligayang nakikipagtawanan rito habang ako ay halos mabaliw na sa pag-iisip kung ayos lang ba siya, kung buhay pa ba siya pagkatapos ng lahat! Para akong gagong isip ng isip ngayong wala naman pala akong dapat isipin!
Mabilis na nalaglag ang mga kamay palayo sa braso ni Rina at agad iyong naikumo! Ramdam ko ang panginginig ng aking buong pagkatao habang hinahayaan ang galit na lamunin ako ngayon dahil wala na akong magagawa upang pigilan pa ang lahat dahil putang ina... Putang ina niya ang saya saya niya! Ang saya saya nilang dalawa!
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro