CHAPTER 35
CHAPTER THIRTY FIVE
Just Lie
"What is she doing here?" dismayado kong tanong kay Jaycint.
Oo nga at wala naman akong karapatang pagsabihan siya dahil unang una ay hindi ko naman ito party pero talagang hindi ko mapigilan ang iritasyon ko lalo na't nakikita kong tuwang tuwa si Ramiel ngayon sa kasama. Nag-uumpisa palang ang party ay hindi ko na natagalang kaharap ang babae sa lamesa kaya umalis na ako. Sinundan naman ako ni Jaycint kaya kami ngayon ang nagdidiskusyon!
I just want some fresh air pero hindi ko alam kung saang parte ng Palawan ko 'yon malalanghap ngayon! I'm just so pissed right now!
"I'm sorry. I didn't know that Ramiel will invite her."
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hinga at agad siyang tinalikuran para kalmahin ang sarili. Alam kong wala akong karapatan sa lahat ngayon pero kung alam ko lang sana na narito siya ay hindi na ako pumunta! Hell, I would've work my ass off tonight kaysa makipag-halubilo sa kanya!
Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan kahit na niyakap na ako ni Jaycint mula sa aking likuran. Ilang beses umangat at bumaba ang mainit niyang kamay sa aking magkabilang braso kasabay ng mararahan niyang paghalik sa aking buhok.
"Calm down..."
"Jace-"
"Please?" maingat niya akong pinihit paharap sa kanya.
Sandali akong pumikit dahil alam kong hindi ko kaya pero ng marinig kong muli ang pagmamakaawa sa kanyang boses ay wala na akong magawa kung hindi ang magbulag-bulagan nalang ngayong gabi para sa kanya.
"For me? Please?" he pleaded again.
Hindi man bukal sa aking loob ay sa huli'y pumayag na rin ako. Habang naglalakad pabalik ay pinaalalahanan ko ang sarili kong para kay Jaycint at sa Mommy niya kaya ako narito pero doon lang ulit umulit sa utak ko ang tanong na, nasaan na nga ba kasi ang Mommy niya para mabati ko na at makauwi na rin?
Bago pa kami makabalik sa lamesa ay hindi ko na natagalan ang mga katanungan sa utak ko. Hinigit ko ang kamay ni Jaycint kaya siya naman ang nahinto. kunot noo niya akong hinarap, naghihintay sa muling pagrereklamo ko dahil sa bisita ni Ramiel pero malayong malayo doon ang nasa isip ko.
Lumagpas ang mga mata ko sa kanyang likuran at nakitang halos mga kaibigan niya lang ang lahat ng narito o di kaya naman ay mga kaibigan ng kanyang mga pinsan. Walang ni isang matanda sa party o kahit malapit man lang sa edad ng kanyang ina na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita!
Naningkit ang aking mga mata ng muling bumalik sa kanya ang ngayo'y matalim ko ng titig. Kusang bumitiw ang aking kamay sa pagkakahawak niya na naging dahilan ng kanyang pagkaalarma.
"Val?"
Wow... Black theme? Sinong may edad ang mag-iitim na theme? At sinong may birthday ang magpapa-party na siya pa itong male-late? At paanong naging birthday ito ng Mommy niya ngayong puro kasing edad lang namin ang mga narito? Naramdaman ko ang unti-unting pagsibol ng puot sa aking dibdib sa napagtanto.
This party is not his Mother's. Hindi ko na rin iyon kailangan pang itanong ulit sa kanya dahil mabilis na iyong sinagot ng tatlong babaeng hindi ko alam kung saan galing at agad nalang sumulpot para ngayo'y yakapin si Jaycint at batiin.
"Happy birthday, Jaycint! We've been looking for you all over the place! Dito ka lang pala namin makikita!" matinis at malanding hiyaw ng isang tipikal na naririnig sa isang eksena ng mga kontrabida sa pelikula.
"Wow! You look good, Jace!" anang isa naman na pinisil pisil pa ang kanyang brasong tila manghang mangha talaga sa rito.
The last one even kissed him on the cheek. Hindi na ako nagulat dahil maliban sa wala naman akong karapatang magulat ay mukhang normal lang naman na iyon kay Jaycint. Nagpasalamat siya sa mga babae at pinanuod ko silang magbatian. Naramdaman ko ang mabilis na pagkairita sa kanila lalo na kay Jaycint pero tiyak akong hindi iyon dahil sa selos. This is beyond that. Naiirita ako sa kadahilanang niloko niya ako! It's his birthday at hindi sa Nanay niya! How did I missed that?!
"Oh, hey! Wait," nagsilayuan sa kanya sandali ang mga babae ng kunin niya ako pagkatapos ng solid na solid nilang harutang parang gusto ng papakin si Jaycint sa harapan ko. "This is, Valerie..."
He stopped right there and I'm glad that he did. Itinago ko ang pag ngiti ng mapait dahil sa agarang pagsipat sa akin ng mga babaeng parang gusto ng ilayo sa akin ang lalaki. Kusang umangat ang isang gilid ng labi ko ng makita ang sabay sabay nilang pagsipat simula sa aking ulo hanggang sa paa.
"Oh, you have a girlfriend now?" manghang tanong ng isa sa sarkastikong tono pero bago pa makasagot si Jaycint ay inunahan ko na siya.
"No. We're just friends."
"Val-"
Hinawi ko ang kamay niyang pumisil sa aking palad. Ang naudlot na tuwa ng mga ito ay muling bumalik dahil sa sinabi ko. Humakbang ako para tapatan sila at makahinga palayo sa presensiya ni Jaycint.
"We're just friends. I'm Valerie and it's nice to meet you all." magiliw kong inilahad ang aking kamay sa kanilang harapan.
Naguguluhan man at nabibigla sa mga kilos ko ay hindi ko sila binigyan ng pagkakataong tanggihan ang aking kamay.
"Val..." muling pigil sa akin ni Jaycint sa hindi ko malamang dahilan.
Sa pagkakaalam ko kasi ay matino naman akong nagpapakilala at wala naman akong ginagawang masama kaya hindi ko lubos maintindihan kung bakit parang gusto niya akong pigilan. Hindi ba dapat magpasalamat siya dahil ako na mismo ang nagklaro sa mga itong magkaibigan lang kami at may chance pa rin sila sa kanya? May mali ba do'n? Ang alam ko lang kasing mali sa pagkakataong ito ay ang hindi niya pagsabi ng tunay na dahilan kung bakit ako pumunta sa lugar na 'to! He's a liar!
Ngumisi ako ng balingan siya.
"What? Nagpapakilala lang naman ako."
"I can do it myself-"
Kumawala ang tawa sa aking bibig. "At tingin mo hindi ko kaya?"
Nilingon ni Jaycint ang mga babaeng pinapanuod lang kami. Nang sumaging muli sa utak kong nagsinungaling siya sa akin ay muli kong hinarap ang mga linta niyang kaibigan pero hindi ko pa rin ipinaramdam ang pagkairita ko sa kanilang lahat lalong lalo na sa sinungaling na lalaking nasa gilid ko!
"Oh, gusto mo ng klarong sagot?" nilingon ko siya sandali at agad ring nagpatuloy kahit na nakikita ko ang kaba sa kanya dahil sa mga susunod na salitang kakawala sa aking bibig. "Fine," I smiled sweetly at the girls who are being weirded out by me. "We are just friends who loves the idea of fucking each other," nilingon ko ulit si Jaycint na nahuli ko pang lumunok dahil sa pagiging prangka ko.
"Hard, fast, deep kind of sex... The kind of sex na hindi pa tapos hinahanap-hanap mo na. I'm sure y'all get it, right?" dumidiin na ang bawat bigkas ko habang paulit-ulit kong naiisip na hindi birthday ng Nanay niya at narito pa si Stella!
Muli akong hinawakan ni Jaycint para subukang pigilan kaya tuluyan na akong napabaling sa kanya. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.
"We're just fuck buddies, fuck mate, friends with benefits, bootycall... Fuck!" inis ko siyang tinulak. "Fuck you..." singhal ko bago nagmamadaling naglakad pabalik sa loob kung saan kami nanggaling!
Narinig ko ang paghabol niya sa akin kaya mabilis kong tinanggal ang suot kong sapatos para mas madali akong makalayo sa kanya!
"Valerie!"
"Sinungaling!" sigaw ko pabalik.
Ang lahat ng tuwa ko kanina at masayang pakiramdam ay tuluyan ng nawala dahil sa mga nangyari. The party is over. Tapos na tapos na ako sa kasiyahang 'to at kahit na kaladkarin niya ako pabalik ay hindi na ako babalik pa! I hate it!
Habang patakbong tinatawid ang hagdan ay tinatanggal ko na rin ang aking mga suot kong alahas ni Cassy. Mas mabilis pa sa durasyon ng pag-aayos namin ni Cassy ang naging paglagapak ng emosyon ko but I don't care! I'm determined to get the fuck away from them, lalong lalo na sa kanya!
"Valerie! Stop running away!"
"Stop following me!"
Nabitiwan ko ang lahat ng hawak ko sa aking kanang kamay ng mahuli niya iyon!
"Ano ba!"
Inis ko siyang tinulak!
"What's your problem?" mahinahon pa ring tanong nito sa kabila ng paghabol niya sa kanyang paghinga dahil sa akin.
Parang gusto kong matawa sa tanong niyang 'yon!
"Seriously, Jaycint?! Sa akin mo pa tinatanong 'yan ngayong ikaw 'tong may problema! Ikaw 'tong sinungaling!"
His expression change at that. Ngayon ay parang bigla siyang nagsisi sa nagawa.
"What do you want me to do now?"
Mas lalong nagpintig ang magkabila kong tenga sa mga tanong niya. So gano'n nalang 'yon? Hindi man lang ba niya ipapaliwanag kung bakit niya kailangang magsinungaling?! Hindi man lang ba uso ang sorry sa kanya? Pero hindi! Kahit mag sorry siya ay hindi ko siya papatawarin! Nanggigigil ako sa kanya!
"Leave me alone o kung gusto mo ipahatid mo na ako sa airport. Uuwi na ako dahil hindi ko na kayang bumalik do'n!"
This is silly! Ang lahat ng kasiyahan kong binuo pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni Stella noon sa Cebu ay babawiin rin pala. Hindi pa pala tapos ang lahat at hindi ko na kayang pigilan ang inis ko sa mga nangyayari ngayon. Iniisip ko palang iyong bisita niya ay gusto ko nalang maglaho huwag lang mapalapit rito.
"Are you pissed because of Stella or me?"
Hindi makapaniwalang napasuklay ako sa aking buhok dahil sa sinabi niya! Hindi ba siya nag-iisip?!
"Lahat Jaycint pero mas malala sa'yo! Why do you have to lie ngayong alam mong 'yan ang pinaka-ayaw ko sa lahat!"
"Why not?"
Umatras ako ng walang takot siyang humakbang palapit sa akin, tila alam na kung paano ako paamuhin sa mga ganitong sitwasyon.
"Stop, Jaycint!" pagbabanta ko't inangat pa ang hawak kong sapatos kahit na alam kong hindi ko naman kayang ibato 'yon sa kanya.
Kung siguro'y si Charles ang kaharap ko ay kanina pa bumaon sa bungo nito ang aking hawak! Jaycint didn't listen. Wala ng tigil ang naging pag-atras ko sa bawat hakbang niya palapit ngunit nahinto rin ako ng mapunta sa dead end ng hallway. Fuck!
"Come on, I'm sorry for lying." malungkot niyang sambit na mas lalong nagpaigting sa aking panga.
"Iuwi mo na ako at huwag ka na sabing lumapit!"
Pero gaya kanina ay nagpatuloy pa rin siya hanggang sa magkatapat na kami.
"Listen to me, Valerie..."
"I don't want to listen to your lies!"
Imbes na matigil sa pagsigaw ko ay hindi ako makapaniwalang natawa lang gago! Gago talaga dahil walang takot niya pang kinuha sa kamay ko ang aking sapatos at walang sabing ibinagsak iyon sa sahig para lang tanggalin sa pagkakakumo ang aking kamay.
"Ano ba!"
Umiling siya at kinuha pa ang isa at nang maibuka na niya ang mga palad ko ay walang sabi niya iyong inilapit sa kanyang mga labi pagkatapos ay hinalikan ng buong puso. Ramdam ko ang agarang panunuyo ng aking lalamunan ng makita pa ang pagpikit niya habang ginagawa iyon. Damang dama ko ang mabilis na paninikip ng aking dibdib ng ulitin niya ang ginagawa na parang iyon na ang lahat ng alas niya para pahintuin ang lahat ng galit ko.
Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makawala sa kanya kahit pa tapos na niya ang paghalik at ngayon ay tinititigan nalang ako. Kusang bumagal ang pagtaas-baba ng aking dibdib gawa ng pagpungay ng kanyang mga mata.
"I'm sorry, okay? I've left with no choice. Hindi ko naman kasi sigurado kung sasama ka kapag sinabi kong birthday ko at ako ang nag-iimbita sa'yo because just like what you've said, we're just friends. Just friends Val and the chance of you coming to my birthday is not that great kaya nag-isip ako ng iba pang dahilan."
Now that made me stop moving. Maging ang paghinga ko nga yata ay tumigil na rin dahil sa lungkot ng boses niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko'y may sumasakal sa puso ko't hindi iyon binibitiwan. I've never saw him like this. Kung noon ay kaya ko pang isantabi ang sakit na nakikita ko sa kanyang mga mata, ngayon naman ay harap-harapan na akong sinasampal no'n. Gayunpaman, sa kabila ng lungkot at kabiguan ay nagawa niya pa rin akong ngitian.
"Kapag sinabi kong si Mommy, alam kong mahihiya ka at pupunta kaya 'yon nalang ang idinahilan ko and it worked."
Naging kalmado ako dahil do'n. Parang nawala sa isip ko si Stella, ang pagsisinungaling niya at ang mga babae kanina dahil sa pagkakataong ito ay tanging siya nalang ang gusto kong pagtuonan ng pansin.
"I'm sorry."
"Bakit hindi mo nalang sinabi." ngayo'y malumanay ko na ring sagot.
"I told you, I'm not sure if that will make you come with me," nagpakawala na rin siya ng isang mahabang paghinga. "But the occasion doesn't really matter now. You're with me today and that's what matters the most. Makasama lang naman kita ayos na ako."
His words made me realize how undeserving I am. Ang mga salita niya, ang lahat ng ikinikilos niya, ang nararamdaman niya at ang kabuuan niya. Lahat 'yon ay hindi ko deserve.
"Hey..." napalunok ako ng muling magkatitigan ang aming mga mata matapos niyang hulihin ang sa'kin.
"Sorry na, oh."
Napapikit ako ng mariin lalo pa't sa tinagal kong iniwasan ang maapektuhan ay damang dama ko iyon ngayon. I can see all the red flags and I don't think I can still avoid them.
"Valerie naman..."
Kumurap-kurap ako para maiwasan ang pagbisita sa akin ng mga emosyong hindi ko dapat ipakita sa kanya.
"Parang mas lalong gusto ko ng umuwi, Jaycint."
Muli niyang kinuha ang mga kamay ko't hinigpitan kaagad ang paghawak doon para hindi ako makawala.
"Why? Sorry na-"
Umiling ako kaya natigil siya sa pagsasalita.
"Pinapatawad na kita sa pagsisinungaling mo pero hindi mo naman kailangang gawin 'yon. You're my friend Jaycint at kaya ko rin naman mag-effort na puntahan ang birthday mo pero gusto ko pa ring umuwi."
Nagsalubong ang kanyang kilay.
"Okay na tayo, bakit gusto mo pa ring umuwi?" nag-aalala na niya namang tanong.
Umiling akong muli at umalis sa pagkakahawak niya para sana pulutin ang sapatos ko pero naunahan na niya ako doon. Hindi niya rin 'yon ibinigay sa akin.
"Walang uuwi." matigas niyang sabi.
"Pero wala man lang akong regalo sa'yo."
"Nanghingi ba ako?"
Umiling ako.
"I don't need material things, Valerie. All I want is your time and you being here with me tonight is the greatest gift I can ever get kaya hindi ka uuwi. You'll stay with me tonight." aniya pagkatapos ay bumalik sa tabi ko't ipinagdaop na ang aming mga palad. "Ikaw lang sapat na."
Parang gusto kong masuka bigla sa mga sinabi niya pero parehas nalang kaming natawa.
"I'm serious, anong nakakatawa do'n?" he pouted and I swear, it's the weirdest thing that he has ever done pero iyon na yata ang mukha niyang pinaka-gusto ko sa lahat.
Ayaw ko mang sirain ang kanyang kaarawan pero hindi ko na talaga kayang bumaba at makita pa si Stella. Okay na ako sa kwarto at ipinangakong hihintayin nalang na matapos ang party niya pero hindi niya ako sinunod. Sinabi niyang si Ramiel na ang bahala sa mga bisita at dito lang siya sa tabi ko.
Sa ilang oras naming magkasama sa loob ng kwarto ay wala akong ginawa kung hindi ang pilitin siyang lumabas at siya naman ay wala ring tigil sa pagyakap sa akin at pagsabing hindi aalis.
"Jay-"
"No, Valerie." idiniin niya ang aking mukha sa kanyang dibdib kaya hindi na ako nakapagsalita. "You know what," panimula niya pagkatapos kong simutin ang natitira niyang bango kahit na imposible yata iyon.
"What?"
"'Di ba wala kang regalo sa'kin?"
Napanguso ako.
"'Di ba sabi mo ako lang sapat na?"
Natatawa niyang inalis ang kamay sa pagkakayapos sa akin pero hindi naman iyon matagal. Inayos niya lang ang kanyang sarili para isandal sa head board ng kama at isunod naman ako. Bumalik ako sa pagkakahilig sa kanyang dibdib, hindi alintana ang pagkabingi ng aking tenga sa marahang pagharana sa akin ng pintig ng kanyang puso.
"Yeah, pero ngayon may naisip na akong gift na gusto ko galing sa'yo."
Inangat ko ang aking paningin para titigan siya.
"Wala pa akong pera ha, 'yung mura lang."
Ngumisi siya at tumango. "You won't spend a single cent."
"Fine, ano 'yon?"
"Give me some information about yourself, Val."
Kusang tumikom ang bibig ko kasabay ng pagpawi ng mga ngiting pagbibiro sa kanya. Gusto ko sanang ipagpatuloy ang biruan lang namin pero mukhang seryosong seryoso ito sa sinabi kaya kahit na ipinangako ko sa sarili kong wala akong ibibigay sa kanya ay nagawa kong tumango. Isa pa, birthday naman niya kaya ayos lang siguro ito.
Lumayo ako't naupo sa kama, gano'n rin ang ginawa niya.
"What do you want to know?"
Bago magsalita ay gumapang ang kanyang kamay patungo sa akin at marahan iyong pinisil.
"I want to know about your siblings." his words made me bit the inside of my cheek.
Pakiramdam ko'y bigla akong nagsisi sa pagpayag sa kanya lalo na't isa iyon sa mga tanong na hindi ko kayang sagutin.
"I just want to know." he added.
Umiling ako. "I don't have one."
"Really?" hindi kumbinsido niyang tanong na dahilan ng pagsasalubong ng kilay ko.
"I don't have any siblings, Jaycint."
Nalaglag ang kanyang mga mata sa aming kamay na magkahawak. Imbes na magtanong ay tumango nalang siya at inintindi ang mga sagot ko. I don't know why it bothers me so much. Pakiramdam ko kahit na wala akong isagot ay alam na niya ang sagot doon. There's this strange feeling that he knows a lot of myself more than I do.
"How about your parents?"
Sinubukan kong tumawa para iliko ang mga tanong niya sa ibang parte ng buhay ko. "Come on, Jaycint. You can ask me better questions than that. This is your only chance," sinulyapan ko ang orasan sa aking kamay. "Thirty minutes." tukoy ko sa oras ng pagtatapos ng kanyang kaarawan.
Hindi siya sumagot kaya ako na ang nagsalita.
"Ulila na ako if that's what you want to know. I've been living alone since my parents died. Sila Skyrene ang kasama ko, kaming lahat ang magkakasama sa buhay. Sa hirap, sa ginhawa at sa lahat. Sila ang pamilya ko, Jaycint."
He nodded slowly at that.
"What else do you want to know?"
Inaasahan kong magtatanong siya ng kung ano ano pa tungkol sa aking nakaraan pero bigo ako.
"Wala ka ng tanong?"
Inangat niya ang aking kamay at parang isang painting itong sinuri ng napakatagal bago ituong muli ang atensiyon sa aking mga mata.
"I only have one question to ask,"
"I'm listening."
Tipid siyang ngumiti pero ang ngiting iyon ay walang halong pagkagalak. Ang isang simpleng ngiting iyon ay siya na mismong dahilan ng muling pagkalabog ng puso ko, kinakabahan sa sunod na salitang lalabas sa kanyang bibig.
"Is there even a slight chance for you to be mine? Kahit hindi ngayon? Kahit bukas, sa mga susunod na bukas?"
Hindi ako nakasagot. Ramdam ko ang panghihina ng aking puso dahil kahit na magtagal pa kami ay hindi pa rin magbabago ang desisyon ko. He will just remain as my friend and nothing else. Kahit ngayon o sa iba pang pagkakataon.
"Sana bukas?" he added.
"Jace..." the sadness in my voice made it so hard for me to continue speaking.
"It's my birthday, Valerie," pagpapaalala niyang dumurog na sa aking puso.
Kahit kasi birthday niya, o kahit gumunaw pa ang mundo bukas ay wala ng magbabago... Naudlot ang pag-iling ko ng maagap niyang pisilin ang aking kamay.
"Can you just lie and tell me that one day you'll be mine even if it's impossible?" aniyang bakas na bakas ang lungkot sa tinig sa kabila ng pilit niyang pagiging positibo sa sitwasyon.
"Jay-"
"Lie, Valerie... Just lie for me, baby, please?" buong puso niyang pagmamakaawa kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magsinungaling at tumango para pagbigyan siya kahit na alam kong malabo na iyong mangyari. Malabong malabo na.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro