Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

CHAPTER THIRTY FOUR

Mapa-sa'yo


"Anong meron?" kunot noo kong tanong kay Jaycint ng yayain niya akong umuwi sa Palawan para sa isang okasyon na gaganapin raw sa kanilang mansion.

"Just a party."

"Party nga para saan? Para kanino?"

"I don't know. Basta pupunta ka."

Natatawa akong lumayo sa kanya at hininaan sandali ang TV.

"Hoy, wala pa akong sinasabi. Hindi pa nga ako pumapayag tsaka paano ako papaya kung hindi ko naman alam kung anong meron?"

He is being sketchy these past few weeks. Ilang linggo na talaga akong nawi-weirduhan sa kanya. Minsan bigla bigla nalang siyang yayakap tapos sasabihan ako ng mga magagandang bagay na iniiwasan ko dahil palagi kaming nauuwi sa kama. Kaunting kibot lang ni Hacinto ay para na akong robot na nagpapa-alipin kaagad sa kalakihan niya. I hate him for seducing me every time pero kasalanan ko rin dahil mas marupok pa ako sa lahat ng marupok.

Lumapit siya para muling hulihin ang aking katawan at yakapin.

"Basta sa ayaw mo at sa gusto, pupunta ka. You'll be my date."

"No!" itinulak ko siya palayo at pagkatapos ay pumunta sa kabilang dulo ng couch para hindi niya ako mayakap kaagad . "Hindi mo pa nga sinasabi kung anong meron tsaka isa pa, hindi ako pwedeng mag-absent-"

"It's your off. I already checked your schedule."

Laglag panga akong natulala sa kanya.

"H-How?"

Muli siyang ngumiti. "Kay Rina kaya wala ka ng dahilan para hindi sumama sa'kin. I already bought plane tickets for us." tumayo siya at walang lingon akong iniwan para bumalik sa aking kwarto.

Ilang minuto akong hindi nakagalaw dahil sa mga narinig kaya ng maproseso na 'yon ng utak ko ay daig ko pang humabol sa isang snatcher para maabutan siya sa kwarto!

"Hoy! Jaycint hindi pwedeng ganyan! Hindi pa ako pumapayag at nasa akin pa rin ang desisyon kung sasama ako o hindi-"

"It's my Mom's birthday and she's inviting you." itinukod niya ang kanyang kamay sa unang hinihigaan para lang harapin ako.

"B-Bakit ako?"

Bakit nga ba ako? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kami close ng Tita ni Skyrene at dalawang beses ko lang nabati ang mga iyon noong binisita ko ito. Sobrang pormal pa ng tagpo namin and I don't think na natandaan pa nila maski ang pangalan ko.

"I want you to be my date. It's just one night, Val. Sabay tayong pupunta at kung ayaw mo talaga, kahit pagkatapos mo lang batiin si Mommy iuuwi na kita rito. Just come with me, please?" aniyang punong puno ng pagmamakaawang parang nasa pagitan kami ng sitwasyon na kailangan ko talagang piliing sumama sa kanya dahil baka ikamatay niya kung hindi.

Napabuntong hinga nalang ako ng makitang hindi naputol ang kaseryosohan at pagmamakaawa sa kanyang mga mata. Tahimik akong naglakad sa kama at dinaluhan siya. Umayos naman si Jaycint ng ilapit ko ang aking katawan sa kanya. Nang maramdaman ko ang paglapat ng aking mukha sa kanyang malapad na dibdib ay marahan akong napapikit.

"Okay." I murmured.

Bahagya siyang gumalaw sa sinabi ko pero nang mapansin ang pagiging komportable ko ay hindi na ako kinulit. Imbes na magsalita pa ay hinaplos niya nalang ang aking buhok.

"Thank you."

"Just one night, Dakasi."

Napangiti ako ng marinig ang pagtawa niya.

"I told you to change my name on your phone, Valerie. I don't want you to call me like that."

"Dakasi." I slowly murmured, trying to piss him off but he just groaned. Sunod kong naramdaman ang pag-ayos niya at muling pagyakap sa akin.

"Fine. You can call me whatever you want. Basta ikaw, kahit ano."

Iginalaw ko ang aking ulo sa ibabaw ng kanyang dibdib na parang pusang nanghihingi ng kalinga sa kanyang ina. Gumalaw naman si Jaycint at marahang hinaplos ang aking pisngi pababa sa aking baba para iangat ang aking mukha patungo sa kanya.

"Inaantok ako." sabi ko para may dahilan akong huwag siyang titigan dahil baka kapag ginawa ko ay baka... baka lang naman kung saan na naman kami umabot.

"Look at me."

"No. Mang-aakit ka."

His laugh made me bit my lip.

"Since when did I seduce you, huh?"

"Every time."

Maingat niyang ipinasada ang kanyang mga daliri sa aking pisngi.

"Ikaw 'yon. Ikaw ang nang-aakit Valerie at ako ang marupok pagdating sa'yo."

Doon na ako natawa't napadilat. Marahan kong hinampas ang kanyang dibdib.

"Malandi ka. See? Nilalandi mo na naman ako."

Hindi nawala ang tuwa sa akin at mas lalo ang sa kanya. Kahit na hindi ko sabihin ay parang isa na ito sa pinaka-masayang moment namin ni Jaycint. Nakahiga lang, magkayakap, effortless pero ang saya saya lang sa pakiramdam. It's really the simple things in life na minsan hindi mo akalaing pupuno sa puso mo.

Hindi na siya nagsalita. Imbes na sagutin ako't makipag-kulitan sa akin ay nanatiling tikom ang kanyang bibig atang mga mata'y parang gusto ng pasukin ang laman ng isip ko ngayon. Nakipagtitigan ako sa kanya, hinihintay na bumaba ang mga katanungan galing sa kanyang mga mata patungo sa kanyang bibig para isatinig kaya naman ng umawang ang ito ay muli akong nakaramdam ng kaba.

"Ang sarap sigurong mapa-sa'yo..." he said gently and with so much adoration.

Wala sa sariling napalunok ako't napakurap-kurap. Alam kong wala akong kayang isagot do'n pero hindi niya naman ako inobligang magsalita dahil imbes na hintayin ang sasabihin ko ay siya na mismo ang pumutol sa titigan namin. He just hugged me tighter. Mas dumiin ang pagkagat ko sa aking labi sa pagkakataong iyon lalo na ng marinig ang mga sunod niyang sinabi.

"It's okay, Valerie. It's okay as long as we're okay." paulit-ulit niyang sambit habang paulit-ulit ring hinahaplos ang aking buhok.

We're okay.. Ang boses niyang iyon ang kumumbinsi sa aking ayos ito at wala akong dapat ipag-alala.

Maaga akong sinundo ni Jaycint sa club pagkatapos ng duty ko isang linggo ang nakalipas para sa pagpunta namin Palawan. Habang nagta-trabaho tuloy ay hindi ko maiwasang maging aligaga!

"Where's your luggage?" tanong niyang hindi na nakapagpigil na lapitan ako sa bar ilang oras ng pagdating niya.

"Table twelve." sabi ko kay Barbie habang inilalapag ang mga order ng inumin sa harapan niya.

Inayos ko ang aking sarili bago naman harapin si Jaycint.

"Jace, sabi ko uuwi pa ako pagkatapos."

"No. We're going directly to the airport after this-"

"Nasa bahay pa ang lahat ng gamit ko."

"We'll buy at the airport-"

"No!" ako naman ang may mas matigas na pagtanggi ngayon.

What the hell! Maaga pa naman para sa flight namin kaya may oras pa akong bumalik sa bahay. Anong oras na ba? Pasimple kong sinulyapan ang aking wrist watch ngunit bago ko pa makita ang nasa palapulsuhan ko ay nagsalita na siya ulit.

"It's already nine o'clock, Valerie Cross. Male-late na tayo kapag binalikan mo pa 'yang mga gamit mo."

Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig sa katawan dahil sa narinig! Alas onse ang flight namin at hindi ko na 'yon namalayan! Kaya pala kanina pa ako tinatanong ni Maury kung anong oras ako babalik sa opisina dahil over time na naman ako!

Nagmamadali akong nagpaalam sa mga tao sa bar at hindi na inintindi si Jaycint para lang makabalik ako kaagad sa aking opisina at makuha pa ang mga gamit ko sa bahay. Isang minuto ko lang inayos ang gamit ko pero sa pagpihit ko palabas sana ng pintuan ay agad akong napapitlag ng makita ang malaking bultong prenteng nakahilig doon!

"We're gonna be late."

"Jace, paano ang damit ko? Wala akong susuotin sa party ng Mommy mo-"

"I got you, baby."

Mabilis na umikot ang aking mga mata lalo na ng makitang parang hindi niya kayang seryosohin ang mga sinasabi ko ngayon! Wala man lang akong kadala-dala ni isa at paano ako do'n!

"Wala akong panty!" hiyaw kong mas lalong nagpangisi sa napaka-gwapong demonyong nakaharang sa daraanan ko.

"You don't need it anyway-"

"Jaycint Ace!" natataranta ko siyang sinugod at hindi na nagdalawang isip na itulak siya.

"What?!" natatawa naman nitong hinuli ang mga kamay ko. "Kailangan mo pa ba no'n? Huhubarin ko rin naman." pilyo niyang sambit habang ngising ngisi pa!

Inis akong nagpumiglas sa kanya pero dahil wala na akong magawa at male-late na nga talaga kami kapag nag-inarte pa ako ay siya ang nanalo. Medyo nakahinga lang ako ng maluwag ng makaabot pa kami bago mag sara ang gate pero ang inis ko sa kanya ay hindi ko na napigil hanggang sa makarating kami sa Palawan.

Nagpapasalamat nalang ako't tahimik na ang lahat sa kanilang mansion ng dumating kami. Bukod sa gwardiya at ilang kasambahay na tiyak akong hinintay lang talaga kami ay wala na akong nakita maski isa sa kapatid ni Skyrene. Speaking of Sky, dapat talaga hindi ako pupunta dahil wala naman ito't kasalukuyang nasa Australia at nagbabakasyon.

"Where do you want to sleep?" nagkibit ako ng balikat.

Nauuna ang mga kasambahay dala ang ilang gamit niya pero pinahinto niya ang mga iyon para lang itanong sa akin kung saan ko gustong matulog.

"Kahit saan, Jaycint. Saan mo ba ako gustong patulugin? Pwede naman kahit sa kwadra ng-"

"I mean if you want to stay in my room or sa guest room?" walang preno niyang tanong na agad nagpasilab sa magkabila kong pisngi lalo pa't narinig ko ang paghagikhikan ng dalawang mga bata pang kasambahay nila.

"Malayo sa'yo," nahihiya't agad napayuko ang dalawa ng sila naman ang balingan ko. "Mga Ate, sa malayo sa kwarto ni Jaycint ako matutulog kung okay lang. Kahit nga sa kwadra-"

Naputol ang lahat ng pagkontra ko ng mabilis niyang hilahin ang kamay ko para ilapit ako padikit sa kanyang katawan. Pakiramdam ko'y bigla akong sinapak sa dibdib dahil sa mabilis na paninikip nito!

"Malou, sige na. Alam mo na kung saan matutulog si Valerie."

"Opo, Sir Jaycint."

Nag-alburoto ang buo kong pagkatao pero hindi ko na napigilan ang dalawa dahil hawak hawak ako ni Jaycint at pinipigilan pa ring kontrahin ang lahat ng mga desisyon niya ngayon para sa buhay ko!

"Jaycint!" marahas kong hinila ang kamay ko kaya nakawala ako sa kanya.

Tumawa lang siya bilang sagot sa akin, o pang-aasar, o ano! Hindi ko na alam!

"Ano 'yon! Wala tayo sa bahay kaya hindi pwedeng sa iisang kwarto tayo matutulog!"

"Alam ko at nasa bahay kita ngayon kaya ano naman kung sa iisang kwarto tayo matutulog? As if we're not used to it."

My eyes rolled dramatically at him. "Hindi pwede!"

"At bakit hindi?"

Itinukod ko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib ng lapitan niya ako't paandaran na naman para sumuko ako't hayaan siyang manalo pero hindi ko na ito kayang palagpasin.

"Dahil ayaw ko! Bisita mo ako kaya deserve ko ng maayos at sariling kwarto!" now I'm playing the visitor's card.

Kung sa lahat ng establisyimento'y the customer is always right, gano'n na rin dito! The visitor is always right rin at ipaglalaban ko talaga huwag lang mapunta sa kwarto ni Jaycint dahil alam kong kapag doon ako ngayon ay parehas lang kaming mapupuyat and worst, baka magising pa ang buong baryo sa ingay naming dalawa. It's a no! Never!

Hindi siya nagpapigil sa paglapit sa akin at pagkatapos ay natatawang hinawi ang buhok na lumihis sa aking mukha dahil sa pagpiglas ko.

"Masyado ka namang nerbiyosa. You're not sleeping in my room, Valerie. Masyado kang guilty," natigil ang lahat sa akin maging ang aking paghinga ng lumihis ang kanyang mukha palapit sa aking mukha pero imbes na halikan ako gaya ng inaakala ko ay lumihis iyon patungo sa aking tenga. "Huwag kang magpahalatang patay na patay ka sa'kin, okay? Ikaw rin, baka hindi ka na makauwi." buong kapilyuhan niyang bulong bago lumayo at nauna ng maglakad pasunod sa mga naunang kasambahay.

Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng sapat na lakas para magpatuloy hanggang sa isang kwartong inihanda ng mga tauhan nila para sa akin. Nagpaalam na rin si Jaycint sa akin at tama lang iyon habang hindi pa ako nakaka-recover dahil baka muli ko siyang mabulyawan!

Hindi natapos ang malakas na pagwawala ng bagay sa aking dibdib kahit na wala na siya sa harapan ko. Kahit na kinukuha ko na ang mga gamit na ibinigay ng kasambahay sa akin para may maisuot ako. Kahit na nakaligo na ako't nakahiga na sa kama. My heart is still screaming so loud and I can't help but to listen to it. Pinagnilayan ko ang lahat. Simula sa kung tama bang sumama ako sa kanya hanggang sa itinatanong ko na sa sarili ko kung tama bang nakilala ko siya dahil ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nakatulugan ko ang pag-iisip. Mabuti nalang at pagdilat ko'y si Cassy ang bumungad sa akin na panay na ang katok sa aking pinto kanina pa.

"Ate Val!"

"Cassy!" mabilis ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap.

Sandali lang kaming nagkumustahan, ibinigay niya lang sa akin ang mga gamit na pupwede kong gamitin lalo na 'yung panty na dahilan para muntik ko pang mapatay ang pinsan niya kagabi. Wala ang mga magulang ni Jaycint ng kumain kami ng tanghalian. Wala rin si Jaycint at Ramiel. Maliban sa dalawang kasambahay na inaasikaso kami ay abala rin ang lahat para sa gagawing pagtitipon mamaya.

Hindi ako nagtanong kung nasaan ang mga nawawala dahil natabunan na iyon sa mga usapan namin patungkol sa West Side. Kaunting panahon nalang rin ay matatapos na ang lahat ng mga ipinapagawa doon ni Eros. Kasabay rin no'n ay iniiwasan kong isipin na pagkatapos ng project ay babalik na ulit si Jaycint at Ramiel ng permanente rito dahil totoong ako naman ang makaka-miss sa kanila... Sa kanya.

Pagkatapos kumain ay inilibot ako sandali ni Cassy sa lupaing pagmamay-ari ng mga Deontelle. Unti-unting napuno ang magarbong pool area ng mga palamuti para sa gaganaping party. Gano'n naman talaga iyon at talagang namamangha rin ako pero hindi ko lubusang maisip kung bakit itim at gray ang tema ng party gayong Mommy ni Jaycint ang dahilan ng selebrasyon. Gayunpaman, naging tahimik pa rin ako kahit na muli akong katukin ni Malou para ibigay ang isang malaking box na galing raw kay Jaycint kinahapunan.

"Nasaan siya?"

"Wala pa po, eh. Pinapabigay lang ito ng driver."

Tipid ko siyang nginitian at pinasalamatan. Ramdam ko ang paghigpit ng aking mga kamay sa box na aking yakap dahil hindi ko pa man iyon nabubuksan ay alam ko ng damit ang laman nito. I've lots of fancy dresses na galing rin sa mga mayayaman kong kakilala't mga kaibigan noong nag i-escort pa ako. Ang bago lang sa pagkakataong ito ay ang nararamdaman kong excitement at kaba hindi dahil sa isiping baka pangit ang damit na binili niya o baka hindi kasya kung hindi dahil sa nagbigay nito.

Marahan kong inangat ang itim na box para tignan na ang laman nito pero kung gaano kabagal ang pagbukas ko no'n ay gano'n naman kabilis ang naging paglaglag ng aking panga! Bumalandra sa aking mga mata ang kulay champagne na long gown. Maingat ko iyong inangat. Nangingintab ang mga rhinestone na nakakabit sa parteng itaas ng mamahaling damit na parang pinasadya pa't hindi basta nabili lang sa kung saan. Pakiramdam ko'y sa lahat ng damit na natanggap ko ay ito ang kating kati akong sukatin agad! Is this really from Jaycint? Paano siya nagkaroon ng taste na ganito?

Matagal akong napatitig sa aking hawak hanggang sa lutang ko na iyong hinahaplos. This is really beautiful. Hindi ko pa man nasusukat ay alam ko ng hulmang hulma iyon sa katawan ko. Maybe Jaycint memorize ay my vitals just by touching them at hindi na niya kailangan pa ng panukat para sa pagbili nito.

Hindi ako nagkamali. Ang paghanga ko kanina habang hawak lang iyon ay umabot na sa sukdulan ng suotin ko na. I never thought my waist was this small until I wear the gown. It actually made me feel the sexiest woman on earth now. Maging ang uka sa likurang parte nitong kitang kitang ang aking makinis at maputi kong likod ay dahilan ng pagtutumalon ng aking puso.

Cassy helped me fix my hair. Hindi na ako nag-effort masyado. I just let it down, siya ang gumawa ng malalaking kulot para hindi naman ako sobrang plain. I'm good with make-up. Alam kong magaling na akong pintahan ang sarili kong mukha but now, just by looking at the finished product, I can't help but to feel glamorous... Kahit na sanay naman akong may kolorete ang mukha ko ay parang hindi ko lubos nakilala ang sarili ko ngayon. My make-up were nudes and light. Iba sa heavy make-up na kailangan sa aking trabaho. Parang gusto ko tuloy manibago dahil nakaka-babae pala ang ganitong tamang ayos lang.

Habang pababa sa hagdan para daluhan ang kasiyahan ay pakiramdam ko'y ako na ang pinaka-magandang babae sa mundo. I'm always vocal about my beauty pero sa pagkakataong ito ay alam kong nagsusumigaw na talaga ito at walang sino man ang hindi lilingon ng dalawang beses kapag nakita na ako.

Ang magkabilang gilid ng aking mga mata ay hindi natigil sa pagsipat sa aking repleksiyon habang taas noong nadaraan sa ilang glass walls ng mansion. Kahit na wala akong false eyelashes ay nagmamayabang ang mahahaba kong pilik na dalawang pasada lang nalagyan ng mascara kanina. My nose was naturally pointed as well as my high cheek bones na nalapatan naman ng sapat na highlighter.

I was right. Lahat ng mga taong nadaanan ko ay hindi magkamayaw na tignan ako habang naglalakad patumbok sa kinatatayuan ni Jaycint na ngayon ay abalang abala sa pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan.

I saw Prescott nudge the guy and then looks at my direction. Nalilito man ay sinundan na rin ni Jaycint ang mga mata ng kaibigan and when our eyes met, I literally saw his jaw dropped. Sa mga titig ng taong nadaraanan ko ay hindi man lang ako nahiya pero sa mga mata ni Jaycint ay parang gusto kong bagalan ang mga hakbang ko!  His expression made my heart thump so much! Parang gusto na ring manghina ng mga tuhod ko dahil sa pagkinang ng kanyang mga mata.

Huminga ako ng malalim at wala ng pag-aalinlangan na lumapit sa kanila. He's still speechless kaya sila Prescott ang una kong binati pero kahit na tapos na ay wala pa rin siyang masabi. Tahimik akong tumabi sa kanya. My body stiffened when his hand snaked around my tiny waist, pulling me closer to him, simply marking me as his property.

Sa gitna ng tawanan ng mga kaharap namin ay parang bigla akong nabingi ng maramdaman ang paglapit niya sa aking mukha at bahagyang pag-amoy sa akin bago lumihis patungo sa tapat ng aking tenga para ibulong ang mga salitang,

"Baby, you look so fucking... damn... gorgeous." dahan dahan niyang sambit habang mas hinahapit pa ako padiin sa kanya.

Pasimple ko siyang siniko.

"Jace, mamaya mo na ako akitin... The party has not started yet."

Nagsitayuan ang lahat ng aking balahibo ng marinig ang pagtawa niya sa akin tenga, Bahagya siyang lumayo kaya nagkaroon na ako ng pagkakataong titigan siya. He smiled sweetly at me.

"So ibig sabihin pwede mamaya?"

Muli ko siyang siniko.

"Shut up." bulong ko pabalik at hindi na siya binigyan ng pagkakataong magsalita.

Nakisabay ako sa usapan ng kanyang mga kaibigan hanggang sa nagsimula na ang party.

"Nasaan na nga pala ang Mommy mo?"

Nagkibit siya ng balikat. "I don't know." nagpaalam siya sa kanyang mga kaibigan para dalhin ako sa isang lamesa kung saan naka-pwesto sila Cassy.

"What do you mean you don't know?"

Muli ay pagkibit lang ng balikat ang isinagot niya sa akin. Bumaling ako kay Cassy pero bago ko pa ito matanong ay natigilan na ako ng makita ang isang pamilyar na babaeng masayang nakakapit sa braso ni Ramiel.

Awtomatiko akong napalingon kay Jaycint na agad ring napatingin sa pinanggalingan ng titig ko ngunit bago pa nakapagpaliwanag sa akin ay para na kaming mga robot na sabay-sabay napatayo kasama na rin si Cassy ng mahinto si Ramiel kasama si Stella.

Ilang beses akong napalunok pero maagap ang naging pagdalo sa akin ni Jaycint. Si Stella naman ay halata ring nagulat ng makita ako.

"Ate Valerie!" masayang sambit ni Ramiel na walang kaide-ideya sa mga nangyari at sa mga mangyayari pa ngayong gabi.

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Booklat account : Ceng Crdva

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro