CHAPTER 31
CHAPTER THIRTY ONE
Water And Me
"Stop... Stop it, baby..." paulit kong naririnig ang salitang iyon pero ang utak ko'y parang pagod ng intindihin kung paano iyon gawin.
Kumawala ako sa pagkakayakap ni Jaycint at sinubukan siyang takasan pero maagap ang mga kamay niya para pigilan ako.
"Val-"
"Let me go, Jaycint." pinalis ko ang mga luha ko kasabay ng pagpiglas sa kanya pero sa laki niya't lakas ay wala akong nagawa.
His eyes were lace with sympathy at iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. Sinubukan kong iwasan ang titig niya pero pilit niyang nahuhuli ang mga mata ko.
"What was that? Anong nangyari?" lito't nag-aalala niyang tanong pero hindi ko na iyon nasagot ng malaglag ang mga mata niya sa kamay kong namumula dahil sa mainit na kapeng hawak ko kanina.
Ramdam ko pa rin ang hapdi no'n pero walang wala iyon sa hapdi na nararamdaman ng puso ko. My heart feels like burning. Ang init dahil sa galit na nagmumula rito ay patuloy na dumadaloy sa aking katawan at hindi ko na alam kung paano ko pa 'yon natatagalan.
"What happened to your hand?" lumuwag ang paghawak niya doon, sapat para hindi ako masaktan at hindi makawala sa kanya.
"Let me-"
"No! Sasama ka sa'kin."
Marami pa siyang sinabing hindi na na-proseso ng utak ko. Sa lakas kasi ng pagsusumigaw ng kabuuan ko ay natalo nito ang lahat maging ang natitirang katinuan sa akin, kung mayroon pa.
I found myself in the clinic. Pagkatapos gamutin ng nurse ang kamay ko ay nagmamadali na akong tumayo. I want to get the hell out of here! Parang kapag tumagal pa kasi ako sa lugar na 'to knowing that Stella is here ay baka masiraan na ako ng bait!
"Val!"
Shit! Napapikit ako ng mariin ng muling marinig ang pagtawag ni Jaycint matapos niyang umalis saglit. Agad niya akong napantayan at tuluyan ng hinarangan bago ko pa marating ang pintuan.
"Where are you going?"
"Uuwi na ako." pinal kong sabi pagkatapos ay matapang na tinitigan ang kanyang mga mata.
Napahugot siya ng malalim na paghinga kasabay ng pagbagsak ng kanyang magkabilang balikat.
"Uuwi na ako, Jaycint. Tatawagan ko nalang si Skyrene kapag nasa bahay na ako." walang pag-aalinlangan ko siyang nilagpasan.
Nagpapasalamat nalang ako't kaya ko na uling kontrolin ang mga emosyon ko ng gano'n lang kabilis. I can't let anyone see how fragile I am because that will just lead to so many questions. Iyon ang dapat kong iwasan ngayon lalo na kay Jaycint na simula pa kanina ay alam kong napakarami ng gustong klaruhin sa akin.
Ako naman ang napabuntong hinga ng marinig ko ang patuloy niyang pagsunod sa likod ko at bago pa ako tuluyang makalayo ay muli niyang hinawakan ang aking kamay. Pagod na akong pumiglas kaya ng maramdaman ko ang pwersa niya para pahintuin ako ay ginawa ko nalang.
Napayuko ako't napapikit ng mariin ng pisilin niya sa aking palad pagkatapos ay lumipat ng pwesto papunta sa harapan ko.
"Uuwi na-"
"Uuwi na tayo." pagpuputol niya sa sasabihin ko dahilan para awtomatikong umangat ang mukha ko pabalik sa kanya ngunit imbes na magsalita pa ito ay ipinagsalikop niya nalang ng mabuti ang aming mga kamay at pagkatapos ay marahan ng gumalaw para gawin ang sinabi.
Hindi na ako nagtanong o nagreklamo. Naging tahimik ang biyahe namin pabalik sa bahay ng mga Vergara. Nakakahiya mang iwan sila ng walang paalam ay alam kong maiintindihan naman ako ni Skyrene kapag sinabi ko na ang dahilan.
Hinayaan kong ihatid ako ni Jaycint hanggang sa aking kwarto. Pagbukas ko no'n ay dire-diretso naman ako sa loob hanggang sa balcony at hindi na isinara ang pintuan. i'm not expecting him to follow me pero iyon lang rin kasi ang tanging maibibigay kong sagot sa kanya ngayon at bilang pasasalamat na inilayo niya ako kay Stella.
Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa upuang nakaharap sa kabundukan at hinayaan ang katawang maging komportable dito. I slowly closed my eyes. Hanggang sa pagkakataong ito ay parang naririnig ko pa rin ang sarili kong sumisigaw ng pagkamuhi.
Dahan-dahang kumumo ang aking mga kamay ng muling sumagi sa utak ko ang mga sinabi ni Stella sa akin kanina. How dare her compare me to her father? I am nothing like George. Siguro nga masama akong tao pero para ikumpara sa pinaka-masama sa lahat? Nakakabastos.
Natigil lang ako sa pag-iisip ng marinig ang magagaang yapak patungo sa aking gawi. Idinilat ko ang aking mga mata para siguraduhing si Jaycint pa rin iyon. Nakita ko siyang nakapamulsa sa aking gilid at dinudungaw lang ako, pinapanuod at tinatantiya.
I heave a sigh but my lips were still sealed. Tahimik siyang naupo sa aking tabi at pinalipas ang ilang sandali para bigyan ang aming mga sarili ng sapat na pagkakataong makahinga pagkatapos ng lahat ng gulo.
"Pinuntahan ko si Stella kanina," panimula niya. I felt my body froze at that but I stay silent because I want to listen to what he's going to say. Ramdam ko man ang mabilis at mas paglakas ng ingay sa aking puso ay nanatiling tikom ang aking bibig. "She's fine."
Hinintay kong may idugtong siya sa sinabi pero lumipas nalang ang ilang segundo ay wala na siyang isinunod. Tinanggal ko ang titig sa kanya at ibinalik ito sa kawalan. Sa hindi malamang dahilan, kahit na hindi ko gustong malaman ang kalagayan ni Stella ay parang kahit paano ay nabunutan pa rin ako ng tinik sa dibdib dahil hindi ito napuruhan. Ang tanging ikinakakakaba ko nalang ngayon ay kung ano ang mga sinabi nito kay Jaycint.
Sinabi niya bang ako ang nagsimula? Ginawa niya ba akong mas masama pa sa paningin nito? Napalunok ako sa huling salita ng utak ko, sinabi niya bang magkapatid kami?
"I will not ask about the incident, Valerie. Alam kong ayaw mo na ring pag-usapan 'yon at wala ako sa posisyong magbigay ng opinyon but..." naudlot ang pagsasalita niya ng lingunin ko siya. "I think you've gone too far."
I admit that pero hindi ko kailangang magsisi sa nagawa ko. She provoked me and it serves her right. Hindi niya ako kilala maliban sa sinabi ng mga kapatid niyang magkadugo kami. Maliban sa mas matanda ako sa kanya at ipinasok sa utak na Ate niya ako ay wala na siyang alam sa pagkatao ko kaya wala rin siyang karapatang pagsabihan ako ng gano'n dahil wala siyang alam. Wala silang alam.
Pagod at malungkot kong pinagdiin ang aking mga labi. I don't know what to say to him. Maliban sa gusto ko nalang magpahinga ngayon ay wala na akong maisip na dapat kong gawin. Nagbaba ako ng tingin ng hawakan niya ang aking kamay.
"I may not know what you've been through but believe me when I say that I understand your actions. I'm not saying that it's right to hurt someone pero alam kong may dahilan ka. Wala man akong karapatang alamin 'yon pero kahit hindi mo sabihin ay naiintindihan na kita," his words felt like cutting my pride.
Parang gusto kong maniwalang alam niya ang pakiramdam ng lahat at kahit anong desisyon ko ay kaya niyang intindihin pero hindi. Alam kong sinasabi lang 'yon ni Jaycint dahil gusto niya ako at mahalaga ako sa kanya kaya wala siyang magawa kung hindi ang kunsintihin ang mga kamalian ko. Pinipilit niya akong intindihin kahit na patuloy naman akong lumalayo... Kahit na nasasaktan ko siya.
Nanatili ang mga mata ko sa aming kamay na magkahawak. Sinusundan ng tingin ang kanyang hinlalaking humahaplos paroo't-parito sa likuran ng kamay ko, trying to give me some comfort.
Habang patuloy ako sa panunuod sa kanyang daliri ay unti-unti ng lumabo ang mga mata ko dahil sa pagsalakay sa akin ng mga emosyong hindi ko na rin maintindihan. Kahit na masalimuot ang nangyari sa araw ko ngayon at gusto ko na ring maniwalang napakasama ko ay pilit pa rin iyong itinatanggi ng isip ko dahil kay Jaycint...
Ngayon, habang iniisip ang mga ginagawa niya sa akin ay hindi ko mapigilang maging emosyonal. Because what the hell! Sinong lalaking magtatiyagang aluin ang babaeng wala naman kayang ibigay sa kanya pabalik? Sinong lalaking patuloy na magpapakita ng kabutihan sa babaeng ipinagtatabuyan siya? Sinong lalaking magmamahal sa babaeng hindi siya kayang mahalin ngayon at sa mga susunod pang bukas?
Naramdaman ko ang pag nginig ng balikat ko kasabay ng paghapit sa akin ni Jaycint upang bigyan ako ng yakap.
"J-Jace..." namamaos kong sambit.
"Shh. It's fine. Hindi ako magtatanong. If you want to cry, go on. Nandito lang ako. Dito lang ako, hindi ako aalis."
That made me bit my lip. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang leeg at pagkatapos ay sinagot na rin ang yakap niya. I did what he said at ginawa niya rin ang pangako niya. Hindi niya ako iniwan at hindi rin siya nagtanong habang ako'y patuloy na umiiyak.
Ilang minutong gano'n ang ayos namin hanggang sa marahan niya akong inilayo sa kanyang katawan. Kahit na ayaw kong makita niya akong ganito ay wala na akong nagawa ng ikulong niya ang aking mukha gamit ang magkabilang kamay. His thumb gently brushed away my tears. Umangat naman ang mga kamay ko para hawakan ang kanyang kamay pero hindi ko siya pinigilan sa ginagawa.
"You should rest now."
I nodded.
"Do you want me to stay with you?"
Umiling ako.
"Okay. I'll stay with you tonight."
Sa kabila ng pagsinghap ko para pigilan ang pag-iyak ay napangiti niya ako. He smiled too.
"Do you want water?"
"No."
"Sige, ikukuha kita."
Pinisil ko ang mga kamay niya kaya natawa na rin siya. Tinanggal niya ang kaliwang kamay sa gilid ng aking mukha at inalis ang mga buhok na dumikit na rito dahil sa aking mga luha, inilagay niya iyon sa likod ng aking tenga. Bahagya niyang ikinumo ang palad at ang likod nito'y inihaplos ulit sa aking pisngi.
"Damn it." he cursed.
Kumunot ang noo ko pero hindi na ako nakapagtanong dahil sinagot niya kaagad ang aking kalituhan.
"Kahit umiiyak, ang ganda pa rin."
Doon na ako nakabawi at natatawang lumayo sa kanya.
"Baliw."
Sinundan niya akong tumayo at bumalik sa loob ng silid. Isinara niya ang sliding door at inayos ang kurtina bago naglakad papunta sa palabas na pintuan.
"I'll just get you some water, hintayin mo ako." binuksan niya ang pinto.
"Jace, okay lang ako-"
"No, you need water and you need me. Sandali lang ako." nagmamadali niyang sabi sabay sara ng pinto para hindi na ako makapag-reklamo.
Wala sa sariling napabuntong hinga nalang ako. Sa pagpihit ko pabalik sa gawi ng balcony ay nakita kong unti-unti ng lumiliwanag sa labas. Nasapo ko ang aking bibig ng mapahikab ako. Umangat rin ang isa ko pang kamay para haplusin ang kamay na may benda.
My mind whispered, 'I'm sorry'... I'm sorry hindi para kay Stella kung hindi para sa sarili ko. "I'm sorry for being vulnerable. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for being hard on you and I'm sorry for not letting you love again. You know you can't and I'm sorry for that... I'm sorry, Valerie Cross."
Hindi na namin napag-usapan ni Jaycint ang nangyari noong gabi sa hospital hanggang sa huling araw ko sa Cebu. Ang plano ko sanang ilang araw pang pananatili ay pinutol ko na rin dahil kay Stella.
I'm not scared to see her again o kung idemanda niya ako. Ang tanging ikinatatakot ko nalang sa ngayon ay baka kapag nagkita ulit kami ay hindi na naman ako makapag-pigil. Sana natauhan siya. Sana madala na talaga siyang lapitan ako dahil ngayon ay alam na niya ang kaya kong gawin. I hope she already learned her lesson.
Martes ng umaga, pagkatapos magpaalam ni Jaycint at Eros ay nagpaalam na rin ako kay Skyrene na bukas ay aalis na ako. Kahit kasi gustohin ko pa ring magtagal ay hindi na talaga pwede dahil wala na rin akong pera. Maliban kasi sa pansariling gastos ay kailangan ko pa ring bunuin ang buwanang ipinapadala ko kay Enrique lalo na't habang buhay na ang gamutan ni Tiya Mercy. Alam na rin naman ni Sky ang ibig sabihin no'n kaya madali ko siyang napapayag. She knew what happened between me and Stella. Alam niya kung gaano ako naging kasama ng gabing iyon pero gaya ng inaasahan ko ay wala siyang sinabi. Gaya ni Jaycint ay hindi niya ako kinundena. Gaya ni Jaycint ay naintindihan niya ako.
Sa araw ng pagbalik ko sa Manila ay hindi ko na nagawang magpaalam kay Jaycint dahil mas maaga itong umalis para pumunta sa siyudad. Kahit na parang napupunit ang puso ko habang nagpapaalam kay Evanzo ay wala akong magawa. Tinext ko nalang ang mga ito ng makasakay na ako sa eroplano pabalik sa Manila.
Ako:
Babalik ako kapag may oras. Mag-ingat kayo okay? I love you Sky, Evanzo tsaka sige pati na rin si Eros.
Skyrene:
Mahal ka rin namin at nandito lang kami kapag may kailangan ka, okay? Ingat rin. Just text me when you got home.
Itinago ko ang aking telepono at itinulog nalang ang lahat ng pag-iisip. Pagdating ko sa bahay ay sakto naman ang pagdating ng text ni Jaycint.
DAKASI:
Are you home?
Ako:
Oo.
DAKASI:
Good. I'm sorry hindi na kita nahatid. We're still busy but I'm glad knowing that you got home safely.
Ako:
Ayos lang. Mag-ingat kayo.
DAKASI:
I'll see you next week?
Ako:
Akala ko busy ka?
DAKASI:
Busy sa work at busy rin sa'yo. I can multitask.
Nakangiti akong nahiga sa kama.
Ako:
Mag-text ka nalang kung kailan ka magpapakita.
DAKASI:
Bukas?
Inayos ko ang hawak sa aking telepono dahil sa pangungulit na naman ni Hacinto.
Ako:
Busy ka.
DAKASI:
Mas uunahin kita.
Muli kong nakagat ang labi ko ng mabasa 'yon! Sa pagkakaalam ko maaga pa para mambola pero wala yata talagang pinipiling oras ang isang ito!
Ako:
Sports mo talaga 'yung basketball 'no? Bolero ka eh!
DAKASI:
Nice try but no. I'm a baseball player and I know my way around the bases. Specially your bases, Valerie.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil do'n! Kahit na wala pa naman ay pakiramdam ko'y ang dumi dumi na naman ng usapan namin.
Ako:
Pervert.
He sent five laughing emoji's.
Hindi na ako nag-reply sa kanya dahil baka kung saan na naman kami umabot.
Naglinis ako sa bahay at nilabhan ang mga dala kong gamit sa Cebu. Kinagabihan ay sinabihan ko si Rina na babalik na ako bukas. Excited naman itong nag-reply at sinabing na miss ako pero mas miss niya raw ang mga pagkain sa Cebu lalo na ang lechon but too bad, wala akong pambili ng pasalubong at kung meron man ay hindi rin ako bibili kahit key chain. Ang souvenir ay kusang ibinibigay at hindi idini-demand!
Ang kulitan namin ni Rina ay napunta sa seryoso ng sabihin niya sa aking mauudlot raw ang pag-uwi ni Nixon dahil ngayon ay maraming naghahanap sa kanya dahil hanggang ngayon ay isinasangkot pa rin ito sa gulong nangyari sa Solandres.
Marami kaming napag-usapan ni Rina tungkol sa mga nangyayari sa kasalukuyan at sa kinabukasan ng club pero itinigil ko ang lahat ng mabanggit niya si Zuriel na ilang araw na raw akong hinahanap. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam ko na ang pakay niya. Siguro'y papatayin na ako dahil sa ginawa ko kay Stella but I'm not bothered, in fact, I'm ready for it. I'm always ready.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro