CHAPTER 29
CHAPTER TWENTY NINE
Sana Ngayon
"Umasa ka! Hindi ko na sasabihin 'yon!" natatawa akong lumayo ng bahagya kay Jaycint dahil sa kalandiang nananalaytay na naman sa kanya ngayon.
Paano ba naman, simula noong isang araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa akin tungkol sa salitang I miss you. Hanggang ngayon ay parang bata niya pa ring hinihiling sa akin na banggitin ko 'yon ng paulit-ulit dahil sabi niya 'yon lang daw makakapag-kompleto ng araw niya.
"Ang damot mo naman."
"Ang kulit mo naman."
"Damot!"
Inirapan ko siya ng matindi at umiling dahil naghalukipkip pa siya pagkatapos ay inayos ang sarili sa aking gilid para lang sulyapan ako gamit ang mga matang nag-uumapaw sa saya at labing wala na talagang kapaguran sa pag ngisi.
"Isa nalang, Valerie-"
"Shut up, Jaycint!" natatawa kong hinawi ang kamay niyang humuli pa sa kamay ko.
Hindi pa sana ako magpapaawat sa kakasaway sa kanya dahil hindi rin naman siya nagpapaawat sa kakakulit sa akin pero dahil sa pagtikhim ng sabay ng mag-asawang nasa harapan namin at natigil kami sa harutan.
Hindi nawala ang mga ngisi namin ng balingan ang mag-asawang hindi ko alam kung puyat ba kagabi o talagang naguguluhan lang sa mga ikinikilos namin ngayon ni Jaycint. Kumurap-kurap si Skyrene habang titig na titig sa akin tapos lilipat naman kay Jaycint. Gano'n rin si Eros kaya napatuwid na ako ng upo.
Sabay sabay naman silang tatlong gumaya sa ginawa ko. Doon na naputol ang pag ngiti dahil ngayon ay nagiging weird na ang mga kilos naming apat. Skyrene looks like she wants to drag me out of the living room just to ask what the hell is going on with me and his cousin. Kinunutan ko rin siya ng noo ng tumagal ang titigan namin.
"M-May nangyari bang hindi namin alam?" maingat niyang tanong na litong lito pa rin.
Umangat ang kamay ni Eros at nagpalipat-lipat naman ng pagturo sa aming dalawa.
"What happened? Tapos na ba ang world war?"
Sa hindi malamang dahilan ay sabay kaming natawa ni Jaycint sa tanong niya. Nagkatinginan naman sila at mas lalo pang naguluhan.
"I-I guess the war just ended, baby." malambing na sambit ni Skyrene kay Eros.
"There's no war, Skyrene.," umabot sa tenga niya ang ngiti bago dugtungan ang sinabi. "Just love." puno ng kumpiyansang pagpapatuloy niya kaya madramang pumihit ang ulo ko para kastiguhin siya!
"Nakakadiri ka do'n, Jaycint!"
He chuckled at that pero hindi naman ako kinontra.
"Well that's a great news!" excited na hiyaw ngayon ni Eros kaya inis kong sinapak ang braso ni Jaycint.
"Should I call Tita and Tito now? Maliban kay Evanzo baka pwede na rin silang mapaagang bumisita rito para makilala pa ng maayos ang future daughter in law-"
Mabilis kong tinakpan ang magkabila kong tenga at agad na tumayo para literal silang iwasan.
"Hey! Where are you going?" maagap namang naharangan ni Jaycint ang daan ko kaya hindi ako kaagad nakaalis pero dahil may sapat akong determinasyon ngayong iwasan ang mga paandar nilang tungkol sa pag-ibig ay naitulak ko siya at mabilis ring nakawala sa pagharang niya.
"Natatae ako!" hiyaw ko habang halos patakbo na silang iniwan!
Habol ko ang aking paghinga ng makabalik ako sa aking kwarto. Kahit na itanggi ko kay Skyrene ang mga nangyari ay alam ko namang alam niyang may nangyaring maganda sa pagitan namin ng pinsan niya kaya maayos na naman kami at kung tanungin niya man ako ay hindi naman ako magsisinungaling.
Ilang araw na hindi nagmintis sa pangungulit sa akin si Jaycint na sabihin ko ang mga salitang iyon kahit na rinding-rindi na ako. Parang gusto ko tuloy pagsisihan na sinabi ko pa iyon! I'm reckless. Pwede ko naman kasing sabihin na dala lang 'yon ng libog o kaya na miss ko lang ang mga halik niya lalo na 'yung malaking... malaking katawan niya at hindi ang miss na nasa isip niya!
Natutuliro akong napapitlag ng maramdaman ang pag-vibrate ng aking teleponong nasa aking bulsa. Kakauwi lang namin ni Skyrene galing sa pagbisita sa dalawang orphanage at ngayon ay magpapahinga na muna dahil totoong nakakapagod pala ang ganito. Bilib pa rin ako kay Sky dahil kahit na puputok na ang tiyan ay hindi pa rin mapigil sa pagbisita at pagtulong sa mga nangangailangan.
DAKASI:
Anong english ng nangungulila ako sa'yo?
Kusang umarko ang gilid ng aking mga labi matapos mabasa ang kaharutan ni Jaycint. I don't know why he's being obsessed with that word! Isa pa, isang beses ko lang sinabi sa kanya 'yon at habang nagsi-sex pa kami! Okay, dalawang beses dahil pinilit niya akong sabihin pero iyon lang 'yon!
Nagsimula akong magtipa ng mensahe pabalik sa kanya habang naglalakad patungo sa kama.
Ako:
Mahina ako sa english e. Sa iba ka nalang magtanong.
Kinuha ko ang isang unan at niyakap pagkatapos iayos ang sarili sa kama. Alam ko namang magre-reply siya kaagad pero hindi pa rin mapigilan ng puso kong mataranta sa tuwing nababasa ko ang kanyang pangalan sa screen ng telepono ko.
DAKASI:
So bobo ka?
Nalaglag ang aking panga sa nabasa! Ang ngiti at tuwang naramdaman ko kanina ay mabilis ring nawala!
Ako:
Anong sinabi mo?!
Gigil kong reply sa kanya.
DAKASI:
Tinatanong ko kung bobo ka.
Ako:
Gago ka ba?! Hoy! Para sabihin ko sa'yo wala kang karapatang magsabi ng bobo sa kahit na sino dahil walang bobong tao!
DAKASI:
So you're saying that you're smart?
"What the hell?!" Inis akong napaahon sa kama at ilang ulit na bumuntong hinga para lang kalmahin ang sarili sa galit na ngayon ay talaga namang nararamdaman ko sa bawat ugat na nakabaon sa katawan ko!
Ako:
Ano bang trip mo ha?! Oo! Matalino ako! Matalinong matalino pa sa akala mo!
DAKASI:
Bakit galit?
Ako:
Hindi ako bobo! Matalino ako letse ka!
DAKASI:
:)
Nanginig ako ng makita ang smiley na 'yon! Parang gusto ko siyang sugurin at sapakin sa balls dahil sa mga pinagsasasabi niya! Walang hiya! Oo siguro naging bobo ako ng ilang beses sa buhay na 'to pero hindi ako bobo! Matalino ako!
Ako:
Matalino ako at wag ka ng magti-text! Bwisit ka!
DAKASI:
Okay! Oo na matalino ka na.
Ako:
Oo talaga!
DAKASI:
Pero hindi pa rin ako naniniwala.
Nababaliw akong natawa sa inis dahil sinusubukan na naman niya ako! Alam kong gusto niya lang akong asarin para sugurin ko siya dahil ang totoo, siya itong miss na miss talaga ako!
Ako:
Umasa ka, Jaycint pero kahit anong sabihin mo hindi ko na sasabihin 'yon! Kahit kailan hindi na! Matalino ako at hindi ako magpapauto sa'yo!
DAKASI:
I'm still not convinced, Valerie. Sige, I'll give you a chance. Kung talagang matalino ka bakit hindi mo ako masagot?
Smooth... Bulong ng utak ko pero dahil alam ko na ang mga ganitong istilo ay hindi ako nagpatalo.
Ako:
Sa anong tanong aber?!
DAKASI:
Sa tanong na kailan mo ako mamahalin?
Napahigpit ang kapit ko sa aking cell phone habang paulit-ulit na pinapasadahan ng aking mga mata ang mensahe niyang iyon. I started typing swear words but I always end up deleting them. Ilang beses iyon na lumipas nalang ang ilang minuto ay wala pa rin akong matinong sagot hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng lakas ng loob na mag-reply pabalik.
Hindi na ako bumaba kahit na tinawag ako ni Skyrene para sa hapunan. Sinabi ko nalang na inaantok ako at kailangang magpahinga para kung sakaling dumating na si Evanzo ay marami akong energy.
Ilang araw kong pasimpleng iniwasan si Jaycint. Mabuti nalang rin at naging abala sila ni Eros kaya hindi naman ako masyadong nahirapang iwasan siya... Maliban nalang nang dumating ang isang gabing umalis ang mag-asawa at naiwan kaming dalawa sa bahay.
"Gising ka pa."
Natataranta akong napalingon sa aking likuran. Ngumiti si Jaycint at dinaluhan ako sa dulo ng verandang puno ng magagandang tanawin kahit na madilim na ang paligid. I really don't want to avoid him pero kasi sa mga tanong niya at sa mga ikinikilos ko kapag kaharap siya ay gusto kong dumistansiya dahil alam kong kahit na ilang beses ko ng linawin sa kanya kung hanggang saan lang kami ay alam kong nabubuhayan pa rin siya ng pag-asa.
Pinagdiin ko ang aking mga labi sabay ayos ng aking buhok na kanina'y hinahayaan ko lang na makisayaw sa malamig na simoy ng hangin. Hindi pa naman gaanong malalim ang gabi pero tahimik na ang paligid dahil nga ang kinatitirikan ng bahay ng mga Vergara ay nasa pinakadulo na at allergic rin sa kapit bahay kaya wala ka rin talagang maririnig kahit mga alulong ng galang aso.
"Ikaw rin naman."
"I can't sleep." inangat niya ang isang basong alam kong scotch ang lamay.
Inangat ko rin ang hawak ko na may laman namang red wine. Sabay kaming uminom. Humilig siya sa railings at dinaluhan akong titigan ang malawak at makulay na hardin na tanaw sa pwesto namin.
"Iniiwasan mo pa rin ako?" maya maya'y tanong niya kaya napasulyap ako sa kanyang gawi.
"Hindi. Bakit mo naman naisip 'yan?" I asked nervously.
Napangiti siya ng mapait at dahan dahang sumulyap sa akin.
"Bakit naman kita iiwasan?" segunda ko.
Kahit itanggi ko. Kahit iwasan ko at kahit pilit kong ilayo ang emosyon ko kay Jaycint ay hindi ko pa rin talaga kayang hindi maapektuhan kapag nakikita ko na ang lungkot sa kanyang mga mata. Ang lungkot na alam kong ako lang ang tanging responsable.
Umiling siya.
"Jaycint, I'm not avoiding you."
"Yeah."
"Oo nga. Wala naman akong dahilan para iwasan ka-"
"I know you, Valerie." he interjects.
Napalunok ako dahil doon at mabilis na naitikom ang bibig. Inubos niya ang laman ng kanyang baso at tumuwid ng tayo para harapin ako ng mas maayos. Doon ko lang napansin ang pamumula rin ng kanyang magkabilang pisngi dala siguro ng hawak na alak.
"I know exactly what you're doing." aniya at pagkatapos ay humakbang palapit sa kinatatayuan ko.
Sa pagkurap-kurap niya ay mas lalong naging malamlam ang kanyang mga mata na tila bituing bumagay sa madilim na kalangitan kaya nanghihina akong napaatras hanggang sa upuang naroon. He intimidates me so much right now na parang nasasakal na naman ako!
"N-No, mali ka. Hindi kita iniiwasan." hinayaan ko ang sarili kong bumagsak sa couch dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa bawat paghakbang niya palapit kaya naman ng maramdaman ko rin ang pag upo niya sa tabi ko ay wala sa sariling nilagok ko na ang lahat ng natitirang alak sa aking baso.
"You don't have to lie."
His words felt like cutting every part of me. Sa sitwasyon namin ngayon ay para akong nakahubad sa kanyang harapan. Hubad sa paraan na hindi lang katawan ang nakalatag kung hindi maging ang mga emosyon kong kahit na sino ay hindi nasilayan.
Sinubukan kong mag-iwas ng tingin ng subukan niya akong titigan pero hindi ko nagawa ng hawakan niya ang kamay ko.
"Hindi ko man alam ang kwento mo dahil maliban sa alam kong gusto kita ay wala na akong alam sa'yo pero sana naman huwag mo akong iwasan dahil lang sa nararamdaman ko."
Napalunok ako ng makita ang pagtangis ng kanyang panga kasabay ng pag lungkot ng kanyang mga matang nawawalan na ng pag-asa.
Pinilit kong ngumiti kahit na pakiramdam ko'y nawawalan na ng hangin ang baga ko dahil sa titig niyang iyon. I hate conversations like this pero paano ko siya matatakasan? Kaya ko nga bang basta nalang siyang huwag intindihin? Inaamin kong siya lang ang lalaking natagalan ko pagkatapos ng halos buong buhay na pagkabakante at sa panahong iyon ay itinuring ko na rin talaga siyang kaibigan kaya naiisip ko palang na tumakbo palayo at balewalain siya ay nahihirapan na ako.
"Jace, nag-usap na tayo tungkol dito 'di ba?" malumanay kong sabi.
Parang may kung anong dumiin pabulusok sa akong dibdib ng makita ang bigo niyang pagyuko at pagpikit ng mariin.
"Jace..."
Hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin. Kung dapat ko ba siyang aluin pero para saan? My actions are confusing him already at kapag inalo ko siya ay mas lalo lang magugulo ang lahat. Siguro sa ngayon ang dapat ko lang gawin ay ipaintindi sa kanya ang katotohanang wala siyang aasahan sa akin dahil wala na akong kayang ibigay maliban sa katawan ko. That's all I can offer.
"We both agreed to this, Jaycint," bigo ko siyang tinitigan. "Siguro may mga nasasabi akong nagbibigay sa'yo ng pag-asang mag expect ng mas higit sa kung anong pagkakaibigan ang meron tayo but Jace... I can't. Ayaw kong makitang umaasa ka at siguro nga ngayon ay mas mabuti pang-"
"No, Valerie." mabilis niyang pigil sa akin sabay huli ng aking kamay at salubong sa aking mga mata. "It's my fault. Kasalanan kong mag-expect ng sobra sa kaya mong ibigay. Kasalanan ko kaya tapos na 'to," pinigilan kong mapapikit ng pisilin niya ang aking kamay. Huminga siya ng malalim at pinilit na ngumiti. "I'm sorry if you feel like I'm giving you an obligation to like me back, Val. Hindi naman 'yon ang gusto ko. I just want you to stop avoiding me every time na nasasabi kong gusto kita."
"I'm not avoiding you." pag-uulit ko.
He heave a sigh and slowly nodded at that.
"Esto es tan jodidamente difícil..."
"No habla español, Jaycint." sambit ko sa tanging phrase na sinearch ko sa internet na plano ko ng sabihin sa kanya kapag narinig ko siyang nagsalita ng espanyol dahil kasama iyon sa rule na napag-usapan namin.
Mapait siyang napangiti.
"Creo que ya me enamoré de ti, Valerie... Y ni siquiera sé como pausar," napalunok ako ng maramdaman ang muling pagpisil niya sa ang aking kamay. "Alam ko... Alam na alam kong ayaw mo pero sana huwag mo na akong iwasan. Kahit alam kong kabaliwan lahat ng kondisyon mo pero hayaan mo ako. Hindi ko na hihilingin na sana bukas magbago pa ang isip mo dahil alam kong hindi pero sana ngayon... Kahit ngayon hayaan mo akong sumaya. Hayaan mong isipin kong kahit ngayon lang sa'kin ka. Kahit sa utak ko lang... Kahit ngayon lang."
His words made me bit my lower lip. Ramdam ko ang lungkot sa kada salitang binitiwan niya pero gaya ng mga nakaraan ay wala akong masabi. Kahit na dinig na dinig ko ang pagsusumigaw ng buo kong pagkatao ay wala akong maisagot sa mga salita niyang iyon.
Ilang beses niyang hinaplos ang aking kamay kasabay ng mga matang nangungusap na magsalita ako ng kahit ano pero bigo pa rin siya. Kahit na nga yata alugin niya ako ay wala siyang mahihita sa akin.
My mind is cursing so loud. Kung siguro iisa lang ang utak at puso ay napakarami ko ng nasabi sa kanya pero ang mga salitang gustong dumaloy at kumawala sa aking labi ay nanatiling preso nalang sa loob ng aking bibig.
"Val-"
Mabilis kong hinawi ang kanyang kamay ng maramdaman ang pag-vibrate ng aking telepono dahil sa pagdating ng isang tawag. Nagmamadali akong pumunta sa dulo ng veranda para hindi niya marinig ang kung sinong kakausapin ko pero mali ang akala kong si Enrique iyon dahil ang natatarantang boses ni Eros ang bumungad sa akin at sinabing papunta na sila ngayon sa hospital dahil manganganak na ang kanyang asawa!
"We're on our way to the hospital now!"
"O-Okay! Pupunta na kami! Ako na ang bahala! Mag-ingat kayo at ikaw na ang bahala kay Skyrene!" pinatay ko na ang tawag at sasabihin na sana kay Jaycint ang nangyari pero sa pagpihit ko ay nakatayo na rin siya.
"S-Si Sky..." inangat ko ang hawak na telepono at tuluyan ng isinantabi ang pinag-uusapan namin.
Tumango tango siya at pagkatapos ay tinalikuran nalang ako. "Let's go."
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro