CHAPTER 27
CHAPTER TWENTY SEVEN
Hula Ko
Pagbalik ko sa kwarto ay agad kong kinuha ang aking telepono para tignan kung talaga bang nag-text siya at nagpaliwanag kung anong nangyari at bakit hindi na naka-save ang number ko sa kanyang cell phone.
Pakiramdam ko'y ngayon nalang ulit nanghina ang loob ko habang nakatitig sa mga un-read texts niya sa akin. Ilang beses akong humugot ng sapat na hangin sa aking dibdib bago buksan ang mga iyon.
DAKASI:
Valerie? I'm sorry. I just got a new phone.
DAKASI:
Where you at?
DAKASI:
Did you miss me?
DAKASI:
Hey.
DAKASI:
Gumana na ba pagpapa-miss ko? Kahit hindi ka humingi ng sorry, pinapatawad na kita. Just say that you miss me and we'll be fine.
DAKASI:
Your house was locked. Where are you? Bakit wala ka rito?
Parang nanuyo ang lalamunan ko ng mapagtanto kong pumunta siya sa bahay ko dahil sa huling mensaheng iyon. Wait, nasaan ba siya kanina? Hindi ba nasa Palawan siya? 'Di ba umalis na siya noong gabing nag-away kami? Paano siya napadpad ulit sa bahay ko?
Ilang minuto pa akong natigilan habang nakatitig lang sa mga mensahe niya't dinadama ang unti-unting paglamon sa akin ng pagka-guilty pero bago pa ako tuluyang magpalito sa mga sinasabi ng puso ko ay bumaba na ang mga mensahe ni Jaycint dahil sa pagdating ng bagong text ngunit hindi na iyon galing pa sa kanya.
Mapait akong napangiti ng makita ang pangalan ni Enrique sa screen. Now this is my reminder why love is forbidden for me. Na mas kailangan kong pagtuonan ang sarili ko at huwag magpaapekto kay Jaycint at sa idea ng pagmamahal dahil matagal ko na iyong kinalimutan.
I replied to Enrique's texts. Pagkatapos no'n ay natulog na rin ako dahil alam kong ako nalang ang gising ngayon sa bahay na ito at hindi ako dapat mahuling magising dahil nasa ibang bahay ako. Kahit na kasi kaibigan ko si Skyrene ay dapat hindi pa rin ako umabuso. Isa pa, kaya nga ako narito ngayon ay dahil sa kanya at hindi para sa sarili kong kagustohan.
"How's your first night, ? Nakatulog ka ba?"
Napahigpit ang kapit ko sa mainit na tasang aking hawak ng marinig ang tanong na iyon sa akin ni Skyrene kasabay ng pasimpleng paglingon ni Jaycint sa aking gawi.
Muli akong sumimsim bago ibaba iyon.
"Ayos lang. Oo naman. Ikaw ba?"
Tumango siya at sinulyapan si Eros na abala rin sa pag inom ng kape, mukhang kulang rin sa tulog gaya ni Jaycint pero hindi naman haggard. Hindi ko na kasi alam kung anong eksaktong oras sila natapos kagabi at kung gaano karami ang nainom nila pero alam kong marami iyon.
"How about you, Jace? Nakatulog ka ba ng maayos?"
Wala sa sariling inangat ko ulit ang inumin ko para maiwasan ang kung anong mararamdaman ko sakaling sabihin niya sa mga ito na pinuntahan niya ako kagabi. I know lasing siya kagabi pero naniniwala akong iyon ang totoong nararamdaman niya kaya tama lang na kabahan talaga ako.
"Not really."
"Bakit naman?" Si Sky.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang sumulyap ulit sa akin. Hindi naman ako nagpaapekto. Nagpatuloy ako sa pag-inom at pagkain dahil maliban sa gutom na rin talaga ako ay hindi ko yata kayang sumabay sa pinag-uusapan nila.
Umiling siya.
"Why? May iniisip ka ba?" Skyrene teases as she glance at me.
Tumawa na rin si Eros. "Babae ba?"
Hindi ako nakisali at wala akong balak makisali pero kusang nahinto ang pag nguya ko dahil sa sunod na sinabi ni Hacinto!
"Si Valerie." walang filter, walang pagdadalawang-isip at diretsahan niyang sagot!
Natutulirong lumipat ang mga mata ko patungo sa kanyang gawi pero siya naman itong nag iwas ng tingin sa akin. Ang mag-asawa naman ay mukhang nabaliw rin sa walang prenong pag amin nito sa tanong at pang-aasar lang nila.
Inubos ko ng mabilis ang laman ng aking bibig pagkatapos ay nakisali na rin.
"So dapat akong mag-sorry kasi dahil sa'kin kaya hindi ka nakatulog?" walang bahid ng kung anong emosyong sabi ko maliban sa pagiging sarkastiko.
This is me. Ito ang Valerie'ng dapat kong panatilihin sa akin at hindi ang Valerie na kaunting kibot lang niya ay naaapektuhan na. Damn, he's right, totoong naapektuhan niya ako kahit na ayaw ko!
"No," aniya at ibinalik na rin ang seryosong titig sa akin dahilan na kahit pilit kong labanan ang sariling huwag makaramdam ng kahit ano ay bigo ako dahil ang mga mata niyang iyon ay parang ginawa na talaga para bigyan ako ng kahinaan na kahit kailan ay hindi ko naisip na mararamdaman ko.
"Hindi mo kasalanang iniisip kita at hindi mo rin kasalanang ginusto kong isipin ka." pagpapatuloy niya.
"Okay." diretsong sabi ko bago bumalik sa pagkain na parang wala lang ang mga sinabi niya.
"So!" eksaheradang singit ni Skyrene. "Are you guys ready to go to the beach? May malapit na beach dito na favorite naming puntahan ni Eros at-"
"No." halos sabay naming sagot ni Jaycint na nagpatikom sa bibig ni Skyrene.
Nagkatinginan naman kami nito pero ako ang unang bumitiw.
"Isn't it too risky for you to be outside the house now?" masungit na sabi nito sa pinsan.
Umiling si Sky. "Sabi ng doctor mas okay raw na maglakad-lakad ako para matagtag si Evanzo at mabilis na lumabas."
Sumang-ayon naman si Eros sa sinabi ng asawa pero sinabing may usapan na sila ni Jace na pupuntahan ngayong araw kaya hindi ito makakasama.
"Samahan mo nalang ako, Val?"
Pinagdiin ko ang aking mga labi at saka tumango para sagutin si Sky lalo na't hindi naman na kasama si Jaycint. Hindi naman sa gusto ko siyang iwasan o ano, ang gusto ko lang sa ngayon ay iiwas ang sarili kong mapunta sa sitwasyong ipinangako kong hindi ko na pupuntahan kailanman.
Naging kaswal kami ni Jaycint sa isa't-isa. Nagpapasalamat akong wala na siyang nabanggit na kahit anong tungkol sa nangyari kagabi sa buong durasyon ng umagahan namin. The two left before Sky and I even finished packing our things pero kahit na yata pilitin kong kalimutan ang mga sinabi niya ay hindi na iyon maaalis sa aking utak. Gaya nalang ngayon...
Habang pinapanuod ko si Skyrene na nasa dagat ay hindi ko maiwasang mapatulala habang iniisip ang mga sinabi ng pinsan niya sa akin. Lalo na iyong parteng sinabi nitong gusto niya ako at nagselos siya kay Nixon... tapos na-badtrip siya dahil sinabihan ko siyang daga kasi nga naman, sino ba namang matutuwa na gawin kang peste lalo na ng taong pinangangalandakan mong gusto mo?
Napapitlag ako ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking telepono sa aking gilid. Inalis ko ang tingin kay Skyrene na ngayon ay may kausap ring buntis sa dalampasigan. Kung wala lang siguro talaga akong iniisip ay naligo na rin ako at nag-enjoy sa ino-offer ng mundo ngayon sa akin pero dahil sa paulit-ulit na pagbalik sa akin ng mga sinabi ni Jaycint ay natitigilan ako. I'm glad that Sky didn't even bother to ask me what's really happening between the two of us. Mabuti at mas mataas ang excitement niya ngayon sa dagat kaysa sa sitwasyon namin ng kanyang pinsan.
Kinuha ko ang aking telepono at sasandal na sana sa lounger na kinaroroonan ko pero hindi ako natuloy ng makita ang pangalan ni Jaycint sa aking screen.
DAKASI:
Nasa beach na kayo?
Hindi ko alam kung tama bang sagutin ko 'yon o tigilan muna siya ng ilang araw pagkatapos ng mga nangyari pero sa huli ay sinagot ko pa rin.
Ako:
Oo.
DAKASI:
We're playing golf.
Ako:
You're not playing golf. Nagti-text ka ngayon.
Itinuloy ko na ang paghiga doon. Inayos ko ang aking sarili para maibalandra pa ang katawan sa haring araw para kahit paano'y magkaroon naman ng kulay ang aking balat.
DAKASI:
Bawal magpahinga?
Ako:
Napagod ka na? Nakakapagod bang mag-golf eh wala pa nga yata kayong isang oras.
Okay, I guess this is fine. Kaswal lang naman ito 'di ba? Napabuntong hinga ako ng maisip na hindi ko talaga siya pupwedeng iwasan lalo na't baka mapansin pa iyon ni Skyrene at iyon pa ang maging dahilan para mag-isip siya ng masama at ma-stress.
DAKASI:
Wala ako sa mood.
Ako:
Eh bakit ka pa sumama kay Eros kung wala ka naman pala sa mood na mag-golf?
DAKASI:
Sinamahan ko lang.
Ako:
Bakit ka sumama kung napipilitan ka?
DAKASI:
Bakit ka sumama kay Skyrene? Alam kong napipilitan ka lang rin.
Ako:
Wow, manghuhula ka?
DAKASI:
Hindi. Kung manghuhula ba ako maniniwala ka?
Para akong baliw na napangiti. Ewan ko ba. Parang gusto kong mag-isip kung siya ba talaga ang ka-text ko o ano. Kapag kasi iisiping mabuti ay parang hindi niya kailanman masasabi ang mga ganitong bagay. It's weird but I find it adorable sometimes. Siguro nga sa ilang taon niyang kasama ang magkakapatid ay nahawa na rin siya sa kakonyohan ng mga ito.
Ako:
Depende.
DAKASI:
Saan?
Ako:
Kung anong ihuhula mo.
DAKASI:
Magtanong ka.
Ako:
???
DAKASI:
Magtanong ka, huhulaan ko.
Ako:
Ayoko!
Nag sent siya ng nakangising emoji.
DAKASI:
Natatakot ka ba sa ihuhula ko?
Ako:
Hindi. Wala naman akong tanong na dapat mong hulaan kaya wala akong dapat na ikatakot.
DAKASI:
Huhulaan kita. Kahit hindi ka magtanong alam ko na kung anong nasa isip mo.
Ako:
Ano?
DAKASI:
Malaki.
Nababaliw akong natawa sa nabasa. What the hell?
Ako:
Ang kapal ng mukha mo.
DAKASI:
See? Hula kong nakangiti ka ngayon. Iniisip mo kung ano yung malaki.
Ako:
Mali. Wala akong iniisip na malaki. Sinungaling kang manghuhula.
DAKASI:
Really huh?
I bit my lower lip at that. Totoo nga kaya ang mga manghuhula? Nagkakatotoo nga kaya ang mga hula nila o talagang hula lang na posibleng mangyari at hindi?
Ako:
Oo. Hindi at wala akong naiisip na malaki.
DAKASI:
Fine... Pero gusto mo bang marinig kung ano pang hula ko para sa'yo?
Ako:
Ano?
DAKASI:
Na tatayo ka ngayon, mawawala yang mga ngiti mo tapos hahanapin mo ako.
Umpisa palang ng pagbabasa ko ay totoong napatayo na ako at napalinga sa paligid para hanapin si Jaycint! Nandito siya? Nandito ba sila?!
Ako:
Nasaan ka?
DAKASI:
Hinahanap mo 'no?
Aniya na may nakangisi pa't nang-aasar na emoji.
Ako:
Saan ka?
Tuluyan na akong naging alerto para hagilapin ang lalaking iyon pero nagpaikot-ikot na ako ay wala naman akong nakita!
DAKASI:
'Di ba tama hula ko? Hinahanap mo ako ngayon.
Ako:
Nanti-trip ka ba?!
Muli ay nilingon ko ang paligid. Lumayo na rin ako sa inuupuan ko para hagilapin kung saang lungga siya nagtatago pero bigo pa rin ako.
DAKASI:
Alam mo kung ano pang hula ko?
Inis ko iyong tinitigan. Kahit na may isang parte ng pagkatao kong nagsasabing nanti-trip lang siya ay hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap. Magre-reply na sana ako pero naputol iyon ng may dumating pang text niya.
DAKASI:
Hula kong hahanap-hanapin mo pa ako, Valerie Cross.
Doon na ako napahinto sa paglalakad. He's not here at malinaw na iyon pero hinanap ko pa rin. Hinahanap ko pa rin dahil tang ina wait... Gusto ko siyang makita ngayon?
DAKASI:
Pero hula kong hindi naman ako magpapahanap ng matagal. Hindi kita hahayaang hanap hanapin ako dahil hindi ako mawawala sa tabi mo.
Jaycint... Nanginig ang kamay ko ng subukan kong sagutin ang mga mensahe niya ngunit bago pa ako makapagtipa ng maayos na mensahe pabalik ay may isa pang text na dumating.
DAKASI:
Lingon ka.
I didn't. Damang dama ko ang malakas at mabilis na pagkalampag ng puso ko sa loob ng aking dibdib habang nanghihinang naibaba ang telepono. Oo nga at alam kong nanti-trip lang siya pero hindi ko na alam ang gagawin kapag totoong nandito nga siya! Naramdaman kong may sumegunda pa siyang mensahe pero hindi ko na nagawang basahin iyon.
Dahan-dahan akong pumihit para subukang tignan kung totoong nando'n nga siya pero ang lahat ng pag-aalala kong trip niya lang talaga akong pagtripan ngayong araw ay mabilis na sinagot ng marinig ang paghiyaw ni Skyrene at pagtawag sa asawang ngayon ay narito na rin!
Sa tuluyan kong pagharap ay bumalandra na sa akin ang kabuuan ni Jaycint na hawak pa rin sa isang kamay ang telepono habang nasa bulsa naman ang isa.
"Hi." bati niyang may malawak na pagkakangiti ngayon!
Tumuwid ako ng tayo pero hindi na ako nakapagsalita ng marinig ang sunod niyang sinabi.
"Ibig sabihin sa'kin ka na?"
Kumunot ang aking noo sa narinig. Gusto kong magtanong pero paano ko 'yon gagawin kung ganito kalaki ang ngisi niya't parang tuwang tuwa talaga siya dahil sa kung anong nangyaring hindi ko alam?
Bumaba ang mga mata niya sa hawak ko kaya lutang ko iyong inangat para mabasa ang huling message niya. Did I missed something?
DAKASI:
Kapag lumingon ka, sa'kin ka.
Laglag ang panga kong napatitig sa kanya, pabalik sa aking telepono at pabalik ulit sa kanya. He chuckled at my reaction.
"I'm just kidding pero kung gusto mo, sino ba naman ako para tumanggi?" mapaglaro ngunit may bahid ng kaseryosohan niyang sambit.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro