CHAPTER 23
CHAPTER TWENTY THREE
Angry
Huwag magsawa sa kanya... Huwag magsawa sa kanya...
Parang baliw kong ginulo ang aking buhok dahil sa mga boses na paulit-ulit akong iniistorbo! Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwalang wala akong tutol sa rules niyang 'yon! Ni hindi man lang ako nakapagsalita ng sabihin iyon sa akin ni Jaycint kahit na sa sarili ko naman ay hindi ko rin alam ang sagot kung posible nga bang magsawa ako sa kanya pero dapat ay kinontra ko 'yon dahil ayaw ko siyang umasa na magbabago pa ang desisyon ko tungkol sa espesyal na pagtingin niya sa relasyong mayroon kami.
Inis kong kinuskos ang sahig ng aking banyo. Kahit na puyat ako at dahil halos dalawang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos matapos ang usapan naming 'yon ay hindi ako napigilan ng puyat para hindi maglinis. I need some distraction! Kapag nasa kama naman kasi at gusto ko ng matulog ay hindi ko naman magawa!
Parang kapag nasa kwarto na nga ako ay mas lalo pang dumarami at lumalakas ang mga boses na nagsasabi sa akin kung gaano kamali ang desisyon kong hindi siya kontrahin.
Buong araw akong naglinis kahit labag iyon sa loob ko at kahit ayaw na ng katawan ko kaya naman kinagabihan sa trabaho ay lantang lanta akong pumasok.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Maury matapos akong mahuling ilang beses ng humikab.
"Inaantok lang. Bigyan mo nga ako ng pampagising diyan." lumapit ako sa gawi niya at hinintay siyang matapos na salinan ang shot glass.
Nilagok ko 'yon kaagad.
"Thanks."
"May nangyari ba?"
"Wala naman. Bigla lang akong inantok."
"Kasi?"
Kinunutan ko siya ng noo.
"Kasi nga inaantok na ako."
Tumawa siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Kilalang kilala na kita Val at kahit na hindi mo sabihin, alam kong may nangyari."
Pinigilan kong irapan siya dahil kung alam niya lang kung gaano kakumplikado ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon ay baka maloka siya.
Naiisip ko palang kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang kapatid ko si Stella at ang mga lalaking ilang beses na ring sinubukang kunin ang loob ko ay baka hindi na niya kayanin. Parang gusto kong gisingin sa kahibangan ang sarili ko ng maisip pa si Jaycint! Isa pa 'yon!
"Wala nga." kinuha ko ang hawak niyang alak kanina at kumuha ulit para sa sarili ko.
"Sus! Siguro tungkol na naman 'yan kay Stella 'no? Ano ba 'yong batang 'yon? Tomboy at trip ka kaya hindi kami pinapansin ni Joshua?!" natatawa niyang tanong na dahilan para kamuntik ko ng maduwal ang iniinom kong alak!
Hindi ko siya sinagot. Pumunta ako sa tabi ni Kristel para subukang iwasan ang topic ni Maury pero sinundan niya ako't siniko.
"Speaking of..."
Lumipad ang tingin niya sa isang gawi kaya nababaliw ring sumunod ang sa akin patungo doon. Mabilis na nagsiliparan ang mga malulutong na mura sa aking utak ng makita ko si Stella kasama ang ilang babaeng hindi ko na tanda kung nakita ko na rin bang nakasama niya dito. Napabuntong hinga ako ng mapansin na naman ang paglinga niya sa paligid na tingin ko'y hinahanap na naman ako.
Fuck this! I can't come to work everyday na inisip ang lahi nila! I'm not supposed to be bothered by their presence but I am! Kahit na pigilan ko iyon ay sa kailaliman ng puso ko, totoong naaapektuhan na ako. Kahit na malinaw na sa kanilang ayaw kong magkaroon ng koneksiyon sa buhay nila ay sarado na nga yata ang utak ng mga ito at wala na akong magagawa tungkol doon.
Sa ngayon ang tanging dapat ko nalang gawin ay magbulag-bulagan o di kaya naman ay maging propesyonal nalang sa aking trabaho at ilayo ng kusa ang sarili sa mga emosyong kaakibat nila.
Binalingan ako ni Maury ng makita ang pagtayo ni Stella ng magtama ang mga mata namin.
"What are you gonna do about it?" pabulong niyang tanong na ipinagkibit ko lang ulit ng balikat.
Pinutol ko ang pagtitig sa babaeng ngayon ay palapit na sa amin at pinilit na ituon ang atensiyon sa trabaho ko.
For fucks sake! I am the manager of this club at kung tutuusin ay kaya ko siyang palayasin dito dahil alam kong menor de edad pa siya. I have all the power to get rid of her but I'm afraid that my people will know her true identity. Iyon ang dapat kong iwasan pero kung ganito lang, fuck her! Hindi ko na hahayaan ang sarili kong maapektuhan at hindi makapagtrabaho ng maayos dahil lang sa kanya!
Lumayo ako kay Maury at tinulungan si Kristel sa ginagawa para na rin makaiwas sandali sa parating.
"Ako na diyan Miss Val." si Kristal pero imbes na sundin siya ay nagpatuloy lang ako.
"Okay lang. Wala pa naman akong ginagawa."
Sa likuran ko ay naririnig ko ang pag-uusap at ang mga pambobola ni Joshua sa bagong dating. Ilang beses naningkit ang mga mata ko ng marinig naman ang paghagikhik niya sa mga sinasabi nito.
Pagkatapos kong tulungan si Kristel ay humarap na ako ulit sa bar area at tinugon naman ang mga order ng mga lalaking dumating. Hangga't maaari ay iniwasan kong sulyapan ang gawi ni Stella pero hindi iyon madaling iwasan lalo na't sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong pinapanuod niya ang bawat galaw ko.
Nagbulag-bulagan ako kahit na gusto ko na naman siyang punahin. Pinilit kong maging bulag kahit na lumipat pa ito ng upuan, ngayon ay nasa harapan ko na.
"I-I'm sorry..." maingat niyang sambit dahilan para dumiin ang kapit ko sa hawak kong vodka.
Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya, nagpatuloy lang ako sa paggawa ng order ng customer na nasa kanyang tabi.
"It's all my fault. Sorry kung palagi akong nandito. Sorry kung sinusundan kita. You're right, I'm stalking you but I don't mean no harm."
Again, kahit na malinaw ang mga salita niya sa kabila ng lakas ng tugtugin sa loob ng club ay hindi ko siya tinapunan maski isang guhit ng atensiyon. I became deaf too.
"I-I just wanted to know you. Kuya Zuriel and Zack already told me that this wasn't a good idea but I didn't listen to them. A-Ate Val... I-"
Doon na ako mabilis na napatitig sa kanya. Her words want to make me puke everything that I ate today. Maski ang lahat ng kaloob-looban ko ay parang gusto kong isuka dahil sa narinig.
"Your brothers are right, Stella. Hindi ka na dapat pumunta rito because I don't have time to fuck with you," napalakas ang pagbaba ko ng alak sa lalaking katabi niya. Mukhang natakot naman ito dahil sa ginawa ko kaya agad na umalis. "Stop fucking calling me that word because I am not your sister."
Mariin siyang napalunok habang tinatanggap ang mga salita kong walang preno. Aalis na sana ako pero natigil ako ng muli siyang magsalita sa kabila ng kabiguan sa kanyang mukha.
"Y-You're right... Tama ka ngang tama sila na hindi na dapat ako nag-aksaya ng panahong makilala ka pero mali ka... Kahit anong gawin mo, kahit itanggi mo at kahit na hindi mo tanggapin ay hindi mo pwedeng matakasan ang katotohanan na kapatid kita-"
Kusang kumawala ang malakas kong pagtawa, hindi dahil nakakatawa ang mga sinabi niya kung hindi dahil gusto kong sapawan ang boses niya upang hindi marinig ng mga katrabaho ko.
"No Stella. We are not related and we will never be. Kahit anong gawin mo, kahit magmukha kang tanga kakasunod sa akin ay hindi kita matatanggap. Kahit sino pa sainyo dahil hindi ko kayo kapatid. Wala akong kapatid." pinal kong sabi.
Akala ko doon na matatapos ang lahat ng kahibangan niya pero mali yata ako. Sa lahat kasi ng sinabi kong magpapahina sa ego niya ay parang mas lalo lang siyang nagkaroon ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang kagaguhang nasa utak.
"Hindi kita makukumbinsi kung 'yan ang gusto mong paniwalaan Ate Valerie pero kahit pagbali-baliktarin mo pa ang mundo, magkapatid pa rin tayo. Kapatid mo pa rin kami at kahit kailan ay hindi mo na 'yon mababago."
Naitikom ko ang aking bibig hindi dahil wala na akong masabi sa kanya kung hindi dahil sa pagtangis ng bagang ko gawa ng matinding galit na mabilis nanalaytay sa buo kong pagkatao.
She is insane. Baliw siya kagaya ng mga kapatid niya at isa iyon sa mg bagay na hindi ko kayang baguhin. Tama man siyang hindi ko na mababagong may parte ng pagkatao ko ang parehas ng sa kanila pero mali siya dahil kaya kong mamili kung sino ang tatanggapin ko at ituturing kong kapatid, clearly, they are not belong.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari noon at kung paano ka naging ganito katigas para ipagtabuyan kaming gusto kang ibilang sa pamilya namin pero gusto ko lang malaman mo na kahit ipagtabuyan mo ako, kahit iwasan mo kami at hindi tanggapin ay tanggap ka namin. Kapatid ka namin at gusto ka naming makilala pa-"
Mabilis akong tumalikod para iwan siya kahit na hindi pa siya tapos sa pagsasalita. I've had enough bullshit already. Sa kanya, kay Zack, kay Zuriel at sa ama niya.
Umibis ako para tuluyan ng umiwas kahit na sobrang labag 'yon sa kalooban ko pero talagang nananadya yata talaga ang tadhana dahil bago ko pa siya malayuan ay siya naman ang pagsulpot ni Jaycint galing sa kung saan patungo sa tabi ni Stella na agad itong binati.
Marahas kong itinigil ang mga paa ko sa paghakbang, pinigilan ang sarili para hilahin si Jaycint palayo sa babae dahil unang una, hindi iyon magandang tignan lalo na sa posisyon ko sa club at panghuli, hindi ko 'yon pwedeng gawin kung ayaw kong malunod sa mga katanungan ni Jaycint tungkol kay Stella na halata namang may gustong panindigan sa panggugulo sa akin.
"Nice to see you!"
Rinig kong sabi ni Hacinto pagkatapos itong batiin. Naglakad ako ng mabagal patungo sa gawi nila. I'm sure hindi pa ako nakikita ni Jaycint dahil kung sakaling nakita na niya ako ay ako kaagad ang kakausapin niya.
"It's nice to see you too, Jace." pormal namang sagot ni Stella.
Nasundan pa ang mga pagbati ni Jaycint pero ang utak ko ay nahinto na sa paraan ng pagtawag ni Stella sa lalaki. The way she calls him by his nickname punches me in hard in the stomach. Pakiramdam ko ay mas tumaas ang iritasyon ko sa kanya ngayon at kung hindi pa titigil ang bwisit na si Jaycint ay dalawa na silang kakaladkarin ko palabas sa lugar na 'to! Mga bwisit!
Binilisan ko na ang lakad para mapansin ako ni Jaycint. Nagwagi naman ako dahil ng makita niya ako ay lumayo siya kaagad kay Stella. Mas lumawak ang ngiti niya ng magtama ang mga mata namin pero imbes na sagutin ang ngiting iyon ay parang mas lalo ko lang siyang gustong sakalin.
"Hey!" lumapit siya sa akin at amba akong yayakapin pero mabilis pa sa alas kwatro akong nakalayo sa kanya.
"Hey." I mocked him sarcastically. Hey mo mukha mo.
Nang mapansin niya ang paglayo ko ay kumawala ang tawa niya.
"Meron ka?" nakangisi niyang tanong kaya napairap na ako.
"What are you doing here?"
Bumaling na rin sa amin si Stella na gaya kanina ay hindi na nawala ang lungkot sa kabila ng determinasyon niyang mapalapit sa akin.
I tilted my head to look at the girl. Tinaliman ko ang titig sa kanya. Itinikom niya ang kanyang bibig at doon na iniwas ang tingin sa akin, sa amin ni Jace. This little bitch...
Inirapan ko ulit si Jaycint at mabilis na nilagpasan.
"Hey," habol niya sa akin pero ng marinig kong nagpaalam pa siya kay Stella ay halos napatakbo na ako makalayo lang sa kanya!
"Val!"
"Valerie!"
"Valerie Cross!"
Nagmamadali kong tinunton ang daan pabalik sa aking opisina, walang pakialam kung hinahabol ako ng maharot na si Jaycint ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa pintuan ay maagap na niyang nahuli ang isang kamay ko.
"Ano ba!" inis kong binawi iyon sa pagkakahawak niya pero dahil sa higpit no'n ay bigo ako. Hinila niya ulit ako palapit sa kanya.
"What's your problem?"
"Wala! Bitiwan mo nga ako!"
"No. Anong problema mo? Sabihin mo?"
"Para kang gago, Jaycint! Wala nga! Bitiwan mo ako!"
Ipinilig niya ang kanyang ulo at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa aking palapulsuhan. Pinigilan kong mapalunok ng mapalitan ang mga tuwa niya kanina ng kalituhan sabayan pa ng pagsalubong ng kanyang makakapal na kilay dahil reaksiyon kong pilit na iniintindi.
"What the hell happened? Kararating ko lang and I don't remember us fighting kaya sabihin mo kung anong problema, hindi ako manghuhula."
Para akong baliw na natawa dahil tangina... kahit ako bigla akong natauhan na hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang reaksiyon ko ngayon! Naiinis ako at nagagalit hindi lang dahil kay Stella kung hindi pati na rin sa kanya! Gusto ko silang pag-untugin at nakakainis dahil normal pa ako ngayon! Hindi pa ito ang ugali kapag may dalaw ako! Fuck it!
Pumikit ako ng mariin at pilit na pinaalalahanan ang sariling kumalma muna dahil ibang tao na ang kaharap ko at hindi na ang mga pakialamera't pakialamerong kalahi ni George!
"Baby..."
Marahas akong napadilat ng marinig 'yon.
"Why are you angry?" malumanay niyang tanong muli.
Nilunod ko sa aking lalamunan ang lahat ng emosyong hindi ko dapat ipakita sa kanya. Damn it Valerie! Kumalma ka muna!
"May nangyari ba?"
Huminga ako ng malalim at agad na umiling.
"I-I'm sorry... Pagod lang ako." pagsisinungaling ko.
Tatanggalin ko na sana ulit ang kamay niya pero ng pisilin niya 'yon ay muli akong natigilan.
"What do you want me to do? Tell me?"
"Jace-"
He smiled and before I could even think, he fucking pulled me for a hug! I can feel my heart screaming so hard inside my chest because of his warmth! Para akong sinupalpal sa ginawa niya at wala ng nagawa kung hindi ang damhin ang init na nagmumula sa kanyang katawang ikinukulong ako.
"Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para mawala ang pagod mo pero sabihin mo lang kung anong gusto mo, ibibigay ko... Kahit ano..." malambing niyang sabi.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro