CHAPTER 20
CHAPTER TWENTY
Please
Nabibingi ako. Nanghihina at parang gusto ko nalang sumalampak sa sahig dahil sa narinig na pagtatalo ng dalawa sa aking harapan.
"She doesn't know! It's my fault Kuya Zuriel!" umalingawngaw sa aking utak ang nagmamakaawa at nanginginig na boses ng babaeng ngayon ay sigurado ko na ang pagkakakilanlan.
Napaatras ako ng muling tumuon sa direksiyon ko ang mga mata ni Zuriel. Kung kanina ay galit ang kanyang ekspresyon, ngayon naman ay parang gusto niyang kumpirmahin sa akin kung totoo ba ang mga sinasabi ng kapatid niya.
"Val-"
Mabilis akong umiling para putulin siya, muli akong napaatras lalo na't halos kainin na ako ng lakas ng kalampag ng aking puso.
"M-Magkapatid kayo?"
"Ate Val-"
"No!" mabilis kong itinaas ang aking kamay para putulin siya sa pagsasalita. "All this time kilala mo ako, Stella?!" naikumo ko ang aking mga kamay dahil sa lalong pagtindi ng galit sa kaibuturan ng aking puso.
Sinasabi ko na nga bang tama ang mga kutob kong walang magandang maidudulot ang babaeng ito sa akin! Parang gusto kong tumawa ng malakas sa unti-unting pagbuo ng mga kasagutan sa lahat ng tanong ko nitong mga nakaraan tungkol sa kanyang pagkatao at pakay sa akin. Now this is pathetic! How did I fucking missed that?!
That's why she's so familiar at tamang isa siya sa mga dapat kong kamuhian because he is part of George's!
Umatras ako ulit ng makita ang akmang paglapit sa akin ni Zuriel.
"No, Zuriel. Don't even think about it." mariin kong sambit kaya nahinto siya ng tuluyan.
"A-Ate Val..." marahas na lumipad ang matalim kong titig pabalik kay Stella ng muling kumawala ang nanginginig niyang boses matapos sambitin muli ang salitang iyon.
Just wow! Nagawa niya talagang tawagin akong gano'n? Talagang nagawa niyang banggitin ang kasuklam-suklam na bagay na 'yon?
"Ate Valerie, I'm sorry... I-I just want to know you and-"
"You are not my sister, Stella. May parte ng pagkatao ko ang galling sa ama mo pero hindi kita kapatid kaya wala kang karapatang itawag sa akin 'yan. Hindi ko kayo kapatid."
"Valerie." malumanay na singit ni Zuriel na ngayon ay hindi na alam kung paano aapulahin ang apoy ng galit ko.
I'm just so mad at them at them lalo na kay Stella na ginawa pa akong tanga!
"Kailan niyo ba ako tatantanan, huh? Zuriel, ilang beses ko na bang sinabing tigilan niyo ako? Ngayon pati 'yang kapatid mo ginugulo na rin ako! Wala na ba kayong mahanap na ibang hobby kaya ako ang trip niyo?!"
"Val, hindi sa gano'n-"
Pakiramdam ko'y napaso ako ng hindi ko na napigilan ang mabilis na paglapit at paghawak sa akin ni Stella kaya marahas ko siyang naitulak dahilan ng mabilis niyang pagsalampak sa sahig!
"Valerie!" sigaw ni Zuriel na ngayon ay alam kong galit na dahil sa nagawa ko. Dinaluhan niya kaagad ang kapatid na muling napahagulgol.
Nalaglag ang tingin ko sa kanilang dalawa pero wala akong naramdamang awa. Sa nangyayari ngayon ay isa lang ang nararamdaman ko at iyon ay ang matinding pagkamuhi.
Kumurap-kurap ako ng maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Mas diniinan ko ang pagkumo sa aking mga kamay para doon ibuhos ang lahat ng emosyon. Kung mahaba lang siguro ngayon ang mga kuko ko ay baka dumugo na ito.
I remember the first time me and Skyrene did this. May oras noon sa school na napalibutan kami ng mga bullies at dahil mga bata pa kami't hindi pa kayang lumaban ay itinago nalang namin ang pagiging mahina sa pamamagitan ng pagkumo. Imbes na umiyak ay ganito nalang ang ginagawa namin para iwasan ang pagkawala ng mga luha na dulot ng masasakit na emosyon.
Napalunok ako ng tingalain ako ng madilim at galit na mga mata ni Zuriel pero imbes na matakot ay buong tapang ko siyang sinalubong ng tingin. I am not backing down. That's not my personality at kung sa kanya lang rin ako susuko ay kamumuhian ko ang sarili ko.
"What are you doing?!"
"K-Kuya-"
"Valerie, sumusobra ka na!" malakas niyang sigaw na dahilan para maubos ang natitira kong pagpipigil.
"Really Zuriel? Sa akin mo pa sinabi 'yan? Hindi ba kayo ang sumusobra dahil sa patuloy niyong panghihimasok sa buhay ko kahit na malinaw namang ayaw ko sainyo?! Ayaw ko kayong makita, kahit sino sainyo!"
Mas lalong nag-igting ang kanyang panga sa narinig at kung hindi lang siguro mahigpit ang kapit ni Stella sa braso nito ay baka nakatikim na ako. He looks so mad pero hindi ba dapat mas magalit siya sa pakialamera niyang kapatid? It's not my fault. Bakit sinabi ko bang hanapin nila ako? Fuck, mas gusto ko pang mamatay ng mag-isa kaysa papasukin sila sa buhay ko! I will never do that!
"Wala ka man lang ba pinipili? Hindi pa ba sapat na kami lang ni Zack ang tinataboy mo? For fucks sake Val! Bata pa si Stella-"
Kumawala ang sarkastikong tawa sa aking bibig kaya nahinto siya.
"Oh really? Kaya pala ilang beses na siyang nakapasok sa club? Zuriel, may ideya ka ba kung ilang linggo na akong sinusundan ng kapatid mo?!"
Mas lalong nalugmok ang mukha ni Stella ng balingan siya nito. Inalalayan ni Zuriel na tumayo ang kapatid. Nang makaayos na ito ay may ibinulong siyang hindi ko na narinig pagkatapos ay muli akong binalingan.
"I said go to the car, Stella!" muli niyang hiyaw ng hindi ito umalis sa kanyang gilid.
"K-Kuya-"
"Hindi ko na uulitin, Stella." may pagbabanta na nitong sabi kaya wala ng nagawa ang babae kung hindi ang iwan kami.
Hindi ko siya nilingon at binigyan ni katiting na simpatya dahil totoong wala akong pakialam sa kanya kahit na lumuha pa siya ng dugo. I don't like her. Silang lahat.
Nang mawala na siya ay muling tumuon sa akin si Zuriel na ngayon ay may galit pa rin pero hindi na aabot sa puntong gusto niya akong saktan o ano.
"Valerie, you don't have to do that."
"Ano ba talagang gusto niyo sa akin, huh? Gusto niyo bang ipa-blotter ko pa kayo para lang tantanan niyo na ako?"
Nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga. Hindi ko tinanggal ang pagtitig sa kanya, baka sakaling matauhan siya at ipagkalat sa mga kapatid ang mabuting balitang hindi ko sila kailangan sa buhay ko.
"Hindi ko alam kung anong ginawa ni Daddy kaya ka nagkaganyan pero hindi na iyon mahalaga. Ang hiling ko lang ay sana kung ano man ang galit mo kay Daddy ay sa amin mo nalang ni Zack ibunton at huwag na kay Stella."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. How dare him say that? Paano niya nagawang banggitin ang lahat ng 'yon at mag-request pa?
Ang mga sagot na gustong kumawala sa aking bibig ay agad na naputol dahil sa paghawak niya sa akin. Ang lahat ng init na nararamdaman ko gawa ng galit ay mabilis na napalitan ng panlalamig dahil sa kanyang kamay na ngayon ay nakapulupot na sa aking palapulsuhan!
"Please, Val?"
Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero hindi niya ako hinayaang gawin 'yon.
"Let me go, Zuriel-"
"Please? Ako nalang ang kamuhian mo huwag lang si Stella."
"I said let me go!" marahas kong hinawi ang kamay niya pero imbes na mabitiwan lang ako ay kusang nalaglag ang aking panga dahil sa muntikang pagkatumba ni Zuriel dahil sa mabilis na pagtulak ng lalaking hindi ko alam kung paano nakalipad papunta sa gawi namin!
"Jaycint!" agad ko siyang pinigilan ng makitang susugurin pa niya ito!
"Jace!"
Nagmamadaling umatras si Zuriel ng makita ang galit ng lalaking ngayon ay yakap ko na maawat lang!
"Fuck off!" matigas na sambit ni Jaycint na hiningal pa dahil sa mabilis na pagresponde sa akin!
Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Zuriel pero dahil sa gulat ay hindi naman kaagad nakapagsalita.
"Jace, tara na! Tama na!" sabi ko habang pilit siyang hinihila palayo rito.
Ang kaninang halos pagsabog na ng puso ko ay parang matutuluyan na talaga lalo na't kahit na hindi ko nakikita ang buong mukha ni Jaycint ay damang dama ko naman ang nag-uumapaw niyang galit dahil sa naabutan.
"Dude, I'm not-"
"Shut up, Zuriel!" mabilis kong putol sa kanya pagkatapos ay buong lakas na hinila ulit ang lalaking yakap ko.
Nang medyo may distansiya na ay saka lang ako lumipat sa kanyang harapan.
"Let's go, Jaycint please? Umuwi nalang tayo, sige na..."
Nag-igting ang kanyang panga habang titig na titig pa rin sa lalaking nasa likuran ko kaya hindi na ako nagdalawang-isip na hawakan ang dibdib niya para lang mabaling sa akin ang kanyang atensiyon. I just want him to be out of this. Hindi niya kailangang malaman kung ano ang nangyayari at kung sino si Zuriel dahil hindi na iyon mahalaga.
"Jace..." sambit ko sa tonong punong puno ng pagmamakaawa.
Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng lumayo at huwag ng mapalapit sa mga kalahi ni George. I want them gone! Hindi lang ngayon kung hindi sa mga susunod pang bukas! Kung sana lang pwede akong humiling ng instant na kahilingan ay 'yon talaga ang hihilingin ko.
Napalunok ako ng dahan-dahang bumaba ang kanyang mga mata sa akin.
"Please?" I plead again.
Muli siyang napalunok at pagkatapos ay hinuli ang mga kamay kong nasa kanyang katawan. Maingat niya akong Ibinalik sa kanyang likuran bago iwanan ng huling madiin na salita si Zuriel.
"Stay the fuck away from her!"
"Jaycint, tara na." muli ko siyang hinatak palayo.
Kahit na nahirapan akong hilahin si Jaycint ay nagawa ko pa rin hanggang sa marating namin ang kanyang sasakyan. Mabuti nalang at hindi naman sumagot si Zuriel dahil kung hindi ay baka isumpa ko na siya kung sakaling may mabanggit siya ritong hindi dapat.
Wala kaming imikan ni Jaycint habang nasa biyahe. Maliban sa ayaw kong may maungkat sa naabutan niyang scenario kanina, wala rin akong gana dahil kahit na wala na ang magkapatid sa harapan ko ay natatanga pa rin ako sa mga nangyari.
Naging abala si Jaycint sa pagmamaneho at alam kong pagkalma rin sa galit. I'm sure marami siyang magiging katanungan mamaya pero handa naman akong sagutin siya.
Tahimik kaming pumasok sa loob ng bahay. Hinayaan ko siyang dumiretso sa couch habang ako naman ay dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom naming dalawa. Ilang minuto akong nagtagal doon dahil hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag at pagpapasalamat sa kanyang inilayo niya ako kay Zuriel. Gayunpaman, hinahanda ko na rin ang sarili ko sa gagawin.
Maingat kong inilapag sa lamesa ang dala kong tubig sa kanyang harapan.
"Sorry, wala na kasi akong kahit anong juice. May beer pa naman gusto mo ba?"
Umayos siya ng upo sa couch at nanatiling seryoso lang ang titig sa akin. Nag iwas ako ng tingin at nagsimula ng magsalin ng tubig sa baso pagkatapos ay ibinigay sa kanya. Imbes na sa harapang upuan niya maupo, minabuti kong tumabi nalang sa kanya dahil parang hindi ko kayang labanan ang kaseryosohan niya ngayon.
Bahagya akong nakahinga ng maluwag ng tanggapin niya ang tubig na ibinigay ko.
"Sorry kung natagalan ako kanina."
Inubos niya ang tubig na nasa baso bago ako harapin kaya naudlot ang pagdagdag ko sa mga sinasabi.
"Are you okay?" he asked gently.
Pinagdiin ko ang aking mga labi saka tumango.
"Ayos lang."
Imbes na magsalita ay tinitigan niya lang ako na parang hinuhuli kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko ngayon na malayong malayo sa pagiging maayos. Kahit na wala na sila Zuriel sa harapan ko ay umuulit pa rin kasi sa utak ko ang mga nangyari at kung paano ko na sila mas lalong iiwasan ngayong may dumagdag pang Stella!
"Okay nga lang ako. Salamat ulit." nginitian ko siya.
He heave a sigh.
"Who's that guy anyway?"
Pinagalitan ko ang sarili ko dahil unang pag-ungkat niya palang ay kinabahan na naman ako.
I smiled sweetly at him. "He's no one. Customer lang 'yon sa club tsaka minsan makulit talaga lalo na kapag nakainom but you don't have to worry about him, kaya ko naman siya."
Gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mga mata sa kabila ng pagsabi kong huwag ng mag-isip tungkol kay Zuriel.
"Hindi naman niya ako masasaktan Jaycint tsaka sigurado akong natakot na 'yon sa'yo kaya hindi na talaga 'yon lalapit sa'kin." pinasigla ko ang boses ko kahit na ang totoo ay malabong tantanan ako ni Zuriel lalo na ngayong damay na rin ang kapatid niya sa sitwasyon naming magulo.
Pakiramdam ko'y bumibigat na naman ang dibdib ko habang naiisip si George. Sigurado naman akong hindi ito ang may pakana sa lahat kaya narito ang mga kalahi niya't ginugulo ako. It's impossible dahil wala sa karakter niya ang ipahanap ang taong ipinagtabuyan niyang parang aso ilang taon ang nakalipas.
"Hey..." nagbaba ako ng tingin ng muling maramdaman ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mga mata.
Nakakainis dahil hindi ko na naisip na nasa harapan ko ngayon si Jaycint at dapat ay hindi ako nagiging ganito ka-emosyonal! I hate myself for being vulnerable!
Huminga ako ng malalim at buong tapang na nag-angat ng tingin para salubungin ang kanyang nag-aalalang titig.
Pinilit kong ngumiti ulit at maging maayos kahit na ang totoo ay litong lito na naman ako at para na namang dinudurog ang puso ko habang naiisip ang mga nangyari noon.
"I know our relationship may never be like your relationship with Skyrene but I want you to know that you can trust me."
Awtomatiko kong naikumo ang aking mga kamay dahil sa seryosong pagkakasabi ni Jaycint. Parang gusto kong ma-guilty dahil kahit na alam kong totoo namang pwede ko siyang pagkatiwalaan ay hindi ko 'yon kayang gawin. I'm touched by his thoughtfulness but I just can't trust someone that easy kahit pa pinsan na siya ni Sky.
Muli kong itinago ang lahat ng kalugmukang nararamdaman ko.
"I'm okay, Jaycint. Maayos lang talaga ako."
Bigo niyang hinuli ang aking kamay kaya nanghihinang bumukas iyon gawa ng mainit niyang palad na kumulong rito.
"You can trust me, Valerie. Makikinig ako-"
"Jace..." napalunok siya dahil sa muli kong pagpuputol sa kanya.
Sa pag-iling ko ay nakita ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang panga. I want him to stop talking hindi dahil ayaw ko siyang pagkatiwalaan kung hindi dahil sa bawat salita niya ay ramdam kong lumalalim ang pagiging emosyonal ko at baka kapag nagpumilit pa siya ay kusa na akong matalo ngayon. Baka kusa na akong malunod sa bigat ng nararamdaman ko gawa ng halo-halong emosyong hindi ko na alam kung paano ko pa nakakayang itago sa kanyang harapan.
Kumurap-kurap ako at muling ngumiti para maiwasan ang patuloy na pagsalakay sa akin ng lungkot at sakit na gusto na naman akong parusahan pero ng makita ko ang matinding pag-aalala sa kanyang mga mata ay parang doon ko na gustong maiyak.
Mabilis kong kinagat ang gilid ng aking labi dahil ramdam kong ilang segundo nalang ay tutulo na ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya. Pinigilan kong kumurap dahil kapag ginawa ko 'yon ay mag-uunahan na ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata at ayaw kong makita niya 'yon. Hindi sa kanya at hindi rin sa kahit na sino pero wala na akong magagawa dahil hindi ko na mapigilan ang pait sa aking kabuuan.
Nilunok ko ang lahat ng bumara sa aking lalamunan ng maramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay.
I feel like I'm being tortured right now because it's clear that I can't escape him. Wala akong pwedeng gawin ngayon kung hindi ang maging mahina sa kanyang harapan kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin sa kanya ang mga salitang alam kong tanging paraan para matakasan ko ang lahat ng ito bago pa bumukas muli ang kanyang bibig.
"Fuck me, Jaycint... Please just fuck me..." nanginginig kong sambit sa tonong punong puno ng pagmamakaawa.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro