CHAPTER 19
CHAPTER NINETEEN
Stella
Pinilit kong tanggalin sa utak ko si Jaycint. Pinilit kong iwaglit sa utak ko ang lahat ng mga nangyari kagabi at ang mga sinabi't ginawa niya dahil nababaliw talaga ako. It's pretty clear that he is nice and all pero hanggang doon lang 'yon. Hanggang doon lang.
"Maury!"
Pati ako ay napapitlag ng marinig ang malakas na paghiyaw ni Joshua habang nagmamadaling kumapit sa katabi ko at hinila ito palayo para lang ibulong ang kung ano.
Inirapan ko si Maury ng makita ang paglawak ng ngisi niya. Ano na naman kayang kagaguhan ang gagawin ng dalawa?
"No shit!" nag-apiran pa sila matapos may mapagkasunduan.
Nang balingan ako ni Joshua ay mabilis akong umiling dahil alam ko na ang sasabihin niyang gawain na nila ni Maury kapag may trip na babaeng gustong pasikatan.
"No shit, Joshua." I said while mocking Maury's tone.
Parang gusto kong alugin ang utak niya dahil maliban sa kalandian ang gusto niyang gawin at bawal, pamilyado na rin siyang tao! Kahit na ganito ako ay naniniwala pa rin ako sa tama at iyon ang pagsunod sa mga ipinangako mo sa Diyos na alagaan at mahalin ang babaeng iniharap mo sa kanya sa altar.
"Just this once please? Last na talaga?"
"Na-ah! You both stay here. Walang aalis!" binalingan ko si Tracy na malawak ang ngisi dahil sa pangongontra ko sa mga kalalakihan. "Bantayan mo 'tong dalawa okay?" Itinuro ko ang gawing palabas sa bar area bago nagpatuloy. "At kapag lumagpas ang mga paa nila diyan, tawagin mo kaagad ako."
Mabilis akong inakbayan ni Maury para kumbinsihin na rin pero sarado na talaga ang utak ko. Kung siya ang didiskarte ngayon sa kung sinong magandang dilag ay hindi ko pa rin siya papayagan kahit na single siya. I want to be fair, iyon lang.
"Val, sige na-"
Tinanggal ko ang kamay niyang umakbay sa akin.
"Hindi nga pwede, Maury! Huwag mo ngang kunsintihin 'yang si Joshua! Pare-parehas ko kayong isumbong sa asawa niyan eh! Isa pa, ako ang boss ngayong gabi at ako ang masusunod kung ayaw niyong gawan ko kayo ng IR." maotoridad kong sambit na nagpalumo sa dalawa.
"Landi pa more!" humahagikhik na pang-aasar ni Tracy sa kanila.
"Sorry po." si Joshua.
"Sorry rin Joshua pero tang ina magtino ka naman. Para kang gago may anak ka na nakukuha mo pang lumandi. 'Wag niyo akong sagarin." diniinan ko ang titig sa kanilang dalawa ni Maury.
Gusto ko pa sanang dagdagan ang mga malulupit kong sermon sa kanila pero natigilan ako ng umalis si Maury sa tabi ko para lapitan ang kaibigan at sikuhin. Kumunot ang noo ko ng makita ang paglagpas ng mga mata nila patungo sa aking likuran.
"Hay naku!" umiiling na komento naman ni Tracy pagkatapos ay iniwan na kami at nagpatuloy sa trabaho.
Hindi ko na kailangan pang itanong kung anong tinitignan nilang dalawa dahil nasagot na 'yon ng lumingon ako pabalik sa harapan.
Pinigilan kong mapaawang ang aking bibig ng muling makita si Stella na ngayon ay masayang nakangiti sa akin.
"Hi!" masaya niyang bati.
Lumapit ako sa counter hindi para batiin siya't makipag-plastikan kung hindi para humawak doon dahil ramdam ko na naman ang pagtaas na pagkairita ko. Wala pa man sa kalagitnaan ang shift ko ay parang gusto ko ng umuwi ng maaga lalo pa't narito na naman siya.
Nagmamadaling lumapit si Joshua rito para kunin ang kanyang order. Of course! Ito ang babaeng popormahan niya! Pinigilan ko ang pagrolyo ng aking mga mata dahil sa iritasyon.
"Give me two shots please," aniya kay Josh sabay baling ulit sa akin kahit na hindi ko naman siya binati.
I guess she's really here to piss me off. Hindi siya natauhan at hindi naman yata siya matatauhan kahit kailan! Bakit nga ba ako nakikialam? Kung gusto niyang magpakalasing at maging pakawala ay wala na akong magagawa!
Aalis na sana ako pero naudlot ako ng ilapit niya sa akin ang isang shot na in-order kay Joshua.
"Cheers?" masaya niya pang sabi sabay angat ng hawak niya.
Imbes na kunin ang ibinigay niya ay wala sa sariling napahalukipkip ako. Ano bang nasabi o nagawa ko at bakit parang tuwang tuwa siya ngayong malapitan ako? Manhid ba siya para hindi maramdamang naiilang ako sa kanya at ayaw kong nalalapit sa kanya?
"I-I'm sorry. Ramiel told me it was your birthday yesterday. Noong nakita ko kayo sa Parissiene? Sorry kung hindi ako nakabili ng regalo–"
Mabilis kong inangat sa ere ang isa kong kamay para pigilan siya sa pagsasalita.
"What did you just say?"
Nilagok niya ang hawak para matakasan sandali ang madiin kong pagtatanong.
"It's your birthday–"
"At sinabi ni Ramiel sa'yo 'yon?" kusang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagtango niya.
"Yeah. Don't worry, it's on me," inilapag niya ang pera sa harapan ni Maury para bayaran ang dalawang shot ng alak na kanyang in-order. "I just want to greet you happy birthday, that's it."
Rinig ko ang pagpintig maging ang pag-iingay ng matinis na tunog sa aking utak dahil sa mga sinabi niya. Bakit may koneksiyon sila ni Ramiel at bakit nasasali ako sa usapan nila?
Muli akong bumalik sa paghigpit ng kapit sa counter pagkatapos siyang titigan ng matalim.
"Look Stella, I don't know you and you don't know me. We are not friends at hindi ibig sabihing nakipagkilala ako sa'yo ay ayos na sa akin ang ganito. I know you are up for something and I don't like it," marahas kong nilunok ang lahat ng bumara sa lalamunan ko at hinawi ang kamay na marahang pumigil sa akin sa pagiging rude sa customer.
Umupo siya ng tuwid at mabilis na tinanggal ang mga kamay sa counter.
"I hate to say this but I don't like seeing you and you know why? Because you're making me uncomfortable. Pati trabaho ko hindi ko na magawa ng maayos kapag nandito ka dahil tingin ka ng tingin sa akin. Ano bang kailangan mo?" diretsahan kong sabi.
"Val–" muli kong hinawi ang kamay ni Maury.
Siguro tingin nila baliw na ako dahil sa pagiging assumera kong may kailangan sa akin si Stella pero wala na akong pakialam. Malakas ang kutob kong may iba pa talaga siyang dahilan sa paglapit sa akin at kung ano man iyon ay gusto kong ngayon palang tumigil na siya dahil wala akong panahon sa mga ganito!
Nanatili siyang nakatulala sa akin na tila nagulat sa lahat ng mga sinabi ko. Kahit na nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ay hindi ako nagpatalo. Magsasalita pa sana ako pero ang lahat ng iritasyon ko kay Stella ay parang kusang inilipad sa kung saan ng makita ang lalaking matikas na naglalakad patungo sa aming gawi.
Binitiwan ako ni Maury ng makita ang pagtapat sa akin ni Jaycint at pag ngiti na walang idea sa nangyayari ngayon sa amin ng babaeng tinabihan niya.
Maliban sa ngiti niya ay hindi naman niya ako kinausap dahil um-order muna siya kaya muli kong binalikan ang tahimik na babae para tapusin nalang ang mga gusto kong sabihin sa kanya.
"Stop texting Ramiel. Huwag mo ng kulitin 'yung boyfriend ko." pagtatapos ko pero imbes na pang mic drop ang huling mga sinabi ko ay parang naging malaking kalokohan 'yon dahil sa mahinang pagtawa ni Jaycint.
Damn! Nakalimutan ko kaagad siya!
"Boyfriend mo si Ramiel?" nakangisi niyang tanong kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
Nilingon ni Jaycint si Stella at kahit na gusto kong sigawan ang lalaki ay wala akong nagawa kung hindi ang panuorin itong ilahad ang kamay sa kaharap.
"Jaycint and single." magiliw niyang sabi.
Takot na iniwas ni Stella ang tingin sa akin para harapin ang nagpakilala. What the hell Hacinto?
"S-Stella."
"Nice to meet you, Stella. Well, Valerie is right. Huwag mo ng guluhin si Ramiel. He's already taken."
"M-Magkakilala kayo?"
Parang umakyat ang init ng dugo ko sa ulo ko ng lingunin ako ni Jaycint.
"Yeah."
Nahihiya siyang napayuko ng ibalik ni Jaycint ang tingin sa kanya.
"I-I'm sorry," aniya rito pagkatapos ay buong tapang akong binalikan. "I'm sorry." pag-uulit niya bago tumayo at iwan na kami.
Wala sa sariling kumawala ang buntong hinga ko habang pinapanuod siyang nalulunod sa dagat ng taong nagkakasiyahan sa loob ng club. I supposed to feel happy that she left pero parang mas bumigat lang ang dibdib ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit. Sa dami ng problema ko ay sumasabay pa siya! Letse talaga!
"Who's that?"
Lumabas na ako sa bar para harapin si Jaycint.
"I don't know."
Matapos niyang inumin ang alak na in-order ay tumayo na siya para harapin ako.
"Bakit nandito ka?"
Nagkibit siya ng balikat.
"I'm with the guys. Hihintayin kitang matapos mamaya, ihahatid kita."
Again, Imbes na tanggihan ang offer ni Jaycint ay tumango nalang ako bago siya iniwan at bumalik sa aking opisina. I need another distraction and Jaycint is very good at distracting me. Mas okay nang siya ang iisipin ko kaysa kay Stella dahil simula ngayon ay gusto ko ng kalimutan ang lahat ng tungkol sa babae at sa mga sinabi ko dahil ayaw kong magsisi kapag naisip kong mali ako at assumera lang talaga. Napanindigan ko na ang masamang kutob ko at kung nasaktan ko siya ay wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay tantanan niya ako. Hindi naman siguro 'yon mahirap gawin.
Hindi na ako bumalik sa club. Sa ilang oras na nasa opisina ako ay ginawa ko nalang ang mga reports na kailangan kong gawin para ipasa kay Nixon na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung kailan babalik ng Pilipinas.
Ako:
Hindi ka pa ba babalik?
Nag-aalala kong tanong matapos ipasa sa kanya ang mga nagawa ko sa ilang oras na pagtunganga sa harapan ng computer at mga papel para sa inventory.
Nixon:
Not yet. May inaasikaso pa ako rito. Ikaw na ang muna ang bahala diyan okay? I know that my business is still in good hands dahil mga maaasahan kayo. I trust you Valerie.
Ako:
Nixon, may ginawa ka bang masama? Kasi naguguluhan na ako. Hindi ko na rin mapigilan ang mag-isip sa pagtatago mo.
Nixon:
I'm innocent Valerie. Inosente ako at wala akong kinalaman sa mga gustong ibintang sa akin ng tao. Ang iniiwasan ko lang sa ngayon ay ang madawit. Umiiwas ako at hindi nagtatago.
Napabuntong hinga ako sa nabasa. Though okay naman kami kahit na wala si Nixon, hanggang ngayon ay naninibago pa rin akong kailangan ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. He was my mentor. Maliban kila Skyrene ay siya lang ang taong totoong nagtiwala sa kapasidad ko bilang ako sa kabila ng mga kakulangan ko. Isa rin siya sa mga taong alam kung ano ang mga pinagdaanan ko dahil noon ay siya ang naging takbuhan ko sa lahat lalo na sa pinansiyal na pangangailangan.
Ako:
Anong plano mo ngayon? Habang buhay kang iiwas para masabing inosente ka? Hindi ba dapat ipaglaban mo 'yon?
Nixon:
Maraming malalaking tao ang nasa likod ng gulong ito Val at ayaw kong lumala pa ang problema. I know it's not easy to understand but I'll be back soon, okay?
Ako:
Tell me everything is going to be fine.
Nixon:
Everything is alright and you don't have to worry about me. Ayos lang ako rito.
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Imbes na kulitin siya ay tungkol nalang sa trabaho ang sa sunod naming pinag-usapan.
Isang oras bago matapos ang shift ko ay lumabas na ako para tulungan sila.
Binati ko ang kapalitan kong si Rina pero imbes na simpleng bati lang ang ibalik sa akin ay para siyang kinikilig na teenager habang hinihila ako pabalik sa opisina.
"Totoo bang may naghihintay sa'yo? Iyong gwapo at espanyol na pinsan ni Skyrene?"
Wala sa sariling nasapo ko ang noo ko. Oo nga pala! Nakalimutan ko na kasing narito si Jaycint at hinihintay lang matapos ang trabaho ko para ihatid ako sa bahay dahil sa daloy ng usapan namin ni Nixon kanina.
Tumango ako sa kanya. "May pakpak talaga ang balita 'no?"
Natatawa niya akong siniko.
"Wala! Na-curious lang ako 'no! Tsaka ang tagal na kayang walang sumusundo sa'yo. Simula ng maging manager ka hindi ka na umi-extra eh!"
Totoo 'yon dahil kung tutuusin lang ay ayaw ko naman talaga ang lumabas kasama ang isang matandang lalaki para i-display at hipuan sa harapan ng mga kaibigan niya. Kung may sapat nga lang akong pera at may iba pa akong pagpipilian para mabilis na kumita ay hindi ko 'yon gagawin. Gaya ng sabi ko, may mga sirkumstansiya talagang sasampal nalang sa'yo at wala kang magagawa kung hindi ang tanggapin at gawin ang ilang bagay kahit pa labag sa loob mo.
Ako naman ang sumiko sa kanya.
"Sige na! Naayos ko na pala 'yung mga report at naipakita na rin kay Nixon. Kung may kailangan ka tawagan mo nalang ako ha?"
Mas lalong naging mapaglaro ang ngisi niya pagkatapos ay tumango nalang. Naiiling ko siyang iniwan.
Umikot ako sa bar para siguruhing maayos ang iiwan ko. Hindi ko naman balak ang bigyan ng pansin ang gawi nila Jaycint pero sa paglapit ko doon ay sakto naman ang pagtayo ni Prescott kaya hindi na ako nakaiwas.
"Oh Valerie!"
"Hey!"
Hindi ako nakaligtas ng yakapin niya ako. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang agarang pagbaling ni Jaycint sa amin ng kaibigan.
"It's nice to see you again!" he is drunk, tingin palang sa kanya ay sigurado na ako doon.
Para akong na-estatwa ng makita ang pagtayo ni Jaycint at pag-akbay para ilayo si Prescott sa akin.
"You done?" tanong niya habang ibinabalik sa upuan ang kaibigan.
Naiilang kong sinulyapan ang suot kong relo.
"Twenty minutes."
"Alright. Sa parking na ako maghihintay."
"Santo carajo hermano! Skyrene sabe de esto?" Holy fuck brother! Does Skyrene knows about this?
Kunot noong bumaba ang mata ko kay Prescott na ngayon ay parang manghang mangha habang pinagmamasdan kaming dalawa. Wala naman ng bago sa mga reaksiyon nila dahil harapan naman nila kaming binubugaw sa isa't-isa pero kahit na gano'n ay hindi ko pa rin maiwasang mailang. Parang gusto kong magpagawa ng couple shirt para sa amin ni Jaycint na may nakalagay na 'hanggang friends lang' sa tuwing magkakasama kami para hindi na sila mag-assume o magpumilit para sa ideyang magiging kami sa mga susunod na bukas. Ngayon palang ay gusto kong huwag na silang umasa.
Hinawakan ni Jaycint ang aking siko kaya awtomatikong bumalik sa kanya ang atensiyon ko.
"Don't mind him. I'll see you outside.?"
I nodded.
"Okay, sige."
Nginitian ko siya at pagkatapos ay nagpaalam na rin sa mga lalaking kasama niya maging kay Prescott na nagpapatuloy sa pagsasalita gamit ang lenggwaheng ilang beses na ring nagpabaliw sa akin.
Matapos magpaalam kina Maury at Rina at umalis na rin ako para puntahan si Jaycint at makauwi na ngunit bago pa ako tuluyang makalabas sa club ay bumagal na ang aking mga hakbang ng makita ang isang bulto ng babaeng tahimik at matiyagang nakatayo sa dulo ng may kadilimang hallway at tila naghihintay sa kung sino.
Nang mapansin niya ako at agad akong yumuko at mas binilisan ang lakad. Hindi ko siya pinansin ng malagpasan ko siya.
"Valerie..." mahina niyang tawag pero hindi ako lumingon.
Hindi yata talaga makaramdam ang batang ito na ayaw ko na siyang makita.
Narinig ko ang mabilis niyang pagsunod sa akin at bago ko pa siya tuluyang matakasan ay nahuli na niya ang kamay ko.
"V-Valerie..." nanginig ang kanyang boses ng marahas ko siyang harapin.
Ang kanyang pamumutla kanina ay nanatili at parang hindi na natanggal sa kanyang magandang mukha. Gustohin ko mang maawa pero hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. I feel like I should hate her for wasting my time and letting her make me feel like this pero hindi ko naman siya lubos na mabulyawan dahil gaya ng sabi ko kanina, hindi ko siya kilala.
"I-I'm sorry! Hindi ko gustong guluhin ka! I'm sorry kung feeling mo sinusundan kita."
Inayos ko ang nakasukbit na bag sa aking balikat bago siya harapin ng mas maayos. Nanatili ang pag-igting ng panga ko dahil gulong gulo na ako. Mabuti na nga lang at may parte sa akin na ikinokonsidera pa ang edad niya dahil kung kasing tanda ko lang siya at ganito ang ipinaparamdam niya sa akin ngayon ay baka hindi na ako nagdalawang-isip.
"What do you want?"
Napalunok siya dahil sa tigas at talim ng tanong na lumabas sa aking bibig.
"I-I just want to say sorry. Ang totoo, gusto lang talaga kitang makilala because you remind me of someone-"
"Come one, Stella," I cut her off. "I don't buy that shit and I'm sorry pero kung ano man ang nakita mong pagkakatulad namin ng taong sinasabi mo, pwes ngayon palang lilinawin ko ng ayaw kong itulad mo ako sa kahit kanino. Ayaw kong maging malapit sa'yo because you're creeping me out!"
Napaatras siya ng tumaas ang tono ko gawa ng mga huling salita.
Parang sinundot ng isang matulis na bagay ang aking dibdib ng makita ang agaran niyang pagkagat sa kanyang pang-ibabang labi kasabay ng pagkislap ng kanyang mga mata.
Oh God! Is she crying?! Mali ba ako?
"I'm sorry... Hindi ko naman sinasadyang iparamdam sa'yo 'yon. I'm sorry for for making you feel uncomfortable."
Parang may kung anong kumurot sa puso ko ng makita ang mabilisan niyang pagpupunas ng mga luhang ngayon ay naglalaglagan na sa kayang magkabilang pisngi.
What have I done?
"W-Why are you crying?"
Umangat ang malungkot niyang mga mata sa akin at sa pagkagat niya ng kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang paghikbi ay doon na ako napalunok. Damn it! Sobrang sensitive niya at sigurado akong kanina niya pa dinadamdam ang lahat ng mga sinabi ko!
Hindi naman bato ang puso ko para hindi makaramdam ng pagka-guilty pero sa lahat yata ng kasalanang nagawa ko sa buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Parang sobrang laki ng nagawa kong kasalanan.
"Sorry..." paulit-ulit na niyang sabi.
Kinalma ko ang sarili ko habang pinapanuod siyang umiyak sa aking harapan. I don't know what to do ngunit malakas ang pagsigaw ng isang banda ng utak kong aluin siya't patahanin. She's still a kid! Mukhang matured man kaya nakakaligtas sa security ng club pero masyado pa siyang malambot sa ganitong usapan. Hindi nga yata siya sanay ng napapagalitan.
Okay. Now I fucked up. Mali ako at assumera kaya dapat kong ayusin ito.
Akmang lalapitan ko na siya para patahanin at humingi ng tawad pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya ay natigil na ako ng marinig ang malakas at baritonong boses na palapit sa amin.
"Stella?!"
Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan ng makita si Zuriel na nilapitan ang babaeng natigil ang pagluha sa harapan ko dahil sa kanyang presensiya. Kumalat na kaagad ang pait sa buo kong pagkatao ng makita ang pagkulong ng mga kamay niya sa mukha ni Stella para aluin ito't hawiin ang mga luha.
No.Fucking.Way!
"What did you do Valerie?!" napapitlag ako dahil sa galit niyang boses pagkatapos akong lingunin.
Ilang beses pa akong napalunok habang ang utak ko ay patuloy na itinatanggi ang mga napagtanto. Para akong sinasakal habang nagpapalipat-lipat ang titig sa kanilang dalawa. Ang mga matang 'yon, ang mga kutis maging ang kanilang kabuuan...
Pinilit ko ang sarili kong 'wag maniwala sa isinisigaw ng utak ko. Umaasa akong panaginip lang ang lahat ng mga nangyayari ngayon dahil parang mababaliw na ako pero trumiple pa ang lahat ng marinig ang sunod na sinabi ni Stella pagkatapos pigilan si Zuriel sa galit sa akin.
"K-Kuya! I'm sorry! It's not Ate Valerie's fault! I'm sorry, Kuya Zuriel!" ani Stella kasabay ng muling paghagulgol.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro