CHAPTER 18
CHAPTER EIGHTEEN
Mga Gusto
"Just shut up Valerie dahil naiinis talaga ako sa'yo. Nanggigigil na ako at isa pang reklamo mo hahalikan na kita!"
Parang gusto kong magreklamo.
Parang gusto ko siyang sigawan.
Parang gusto ko ring mainis.
Parang gusto ko ring manggigil.
Parang gusto ko ang mga gusto ni Hacinto!
Pero sa lahat ng mga gusto ko, ang hindi inaasahan ang ginawa ko. Kumawala ang tawa sa aking bibig na alam kong agad kong pagsisisihan dahil sa mas lalong pagkunot ng kanyang noo sa magkahalong inis at totoong gigil sa akin.
Nababaliw kong tinakpan ang bibig ko ng hindi ko na maitigil ang pagtawa. Damn, baliw na ako! Nakakabaliw ang lalaking 'to!
"Anong nakakatawa?" patuloy niyang pagsusungit.
Pinigilan kong ihinto ang ginagawa ko pero kahit na tapos na akong tumawa ay hindi naman nawala ang tuwa sa aking mga labi.
"Para kang bata. Fine, tatanggapin ko na 'to 'wag ka lang manggigil." nakangisi kong sabi sabay kuha ng mga gamit sa lamesa't sahig at agad iyong dinala sa kwarto ko.
Ilang minuto kong kinalma ang aking sarili kasabay ng pag-iipon ng lakas para muli siyang harapin. This is crazy. Baliw na rin ako dahil nagawa ko talagang tanggapin ang mga regalo niyang pwede ko nang ibenta para may maibigay kay Enrique!
Pagbalik ko ay nanunuod na ulit siya. Mukhang kalmado na rin ang lahat.
"Gusto mo ng cake? May binili si Ramiel kanina."
Itinaas niya lang ang kamay niyang sinasabing bahala ako kaya imbes na kulitin siya ay ginawa ko nalang ang inalok ko. Kumuha ako ng dalawang hiwa ng cake. Kinuha ko rin sa loob ng ref at dinala sa kanya ang beer na stock ko.
"Sorry ito lang. Wala akong handa. Hindi ako naghahanda. Okay lang ba 'tong beer?"
Pinunasan ko ang ulo nito bago ibigay sa kanya. Hindi naman siya nagsungit at nagreklamo. Tahimik niyang tinanggap ang bote at agad na uminom doon.
"I ordered pizza." he said after putting his beer back on the table.
Huwag magreklamo, Valerie. Bulong ng utak ko.
"Okay. Salamat."
Sinulyapan niya ako at kinuha ulit ang beer.
"Okay ka na? Hindi ka na gigil?" sabi ko sabay kagat sa gilid ng labi para pigilan ang muling pag ngisi.
Sa tuwing umuulit sa utak ko ang mga sinabi niya kanina ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Para akong teenager na madaling matuwa at kiligin sa inasta niya. Parang gago lang!
Umiling siya kaya tumango nalang ako. He looks tired. Mukhang galing siya sa trabaho ngayon at dumaan lang para ibigay sa akin ang mga binili niyang regalo at manggigil sa akin. Inangat ko ang hawak kong bote at uminom na rin habang sinusuri ang kanyang kabuuan.
"Hindi na... pero gusto pa rin kitang halikan." halos pabulong niyang sabi na muntik ng magpaduwal sa akin!
Natataranta kong pinunasan ang labi ko matapos ibaba ang alak. Mabuti nalang at sumakto ang pagdating ng pizza kaya mabilis ko siyang naiwasan. Inayos ko ang mga pagkain bago siya balikan. Kung kanina ay may natitira pang pagsusungit sa kanya, sa pagbalik ko ay tuluyan na iyong naglaho.
"Do you really celebrate your day alone?" he asked curiously.
I nodded. "Yeah. Nagre-request ako ng off para mapag-isa."
"Why?" he asked again while eating his pizza.
"Wala, gusto ko lang."
I don't want to tell him something about my life pero dahil tungkol lang naman sa kanyang mga pinsan ang parte ng ikukwento ko kaya nagpatuloy ako.
"Noong umalis sila Sky dito nakasanayan ko ng mag-isa. Noong nandito pa sila hindi rin kami gaanong nagsi-celebrate dahil wala naman kaming pang handa. Tama na sa amin ang pansit kanton at tinapay tapos soft drinks o kaya orange juice. Solve na kami do'n."
"How about before that? I mean, where are your parents?"
Bumagal ang pag nguya ko at nag-isip kung dapat ba akong magkwento sa kanya tungkol sa buhay ko. Sa huli ay sinabi ko na ring patay na sila pero hindi na iyon idinetalye pa.
"So ikaw nalang talaga mag-isa sa buhay?"
Inikot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay ko.
"I guess."
Tinapos niya ang pagkaing nasa kanyang bibig at pagkatapos ay inubos na rin ang laman ng beer na unang binuksan ko.
"Gusto mo pa?"
Tumango siya. Kinuha ko na ang tatlo pang natitira sa loob ng ref para dalhin kay Jaycint. Nagpatuloy kami sa pag-uusap pero sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagtatanong.
"Sabi ni Sky may kapatid ka 'di ba? What happened?"
"She's gone."
"Totoo bang malubha ang sakit ng kapatid mong 'yon at walang lunas?"
Bumilis ang naging pag-inom niya, tila naaapektuhan sa topic na binuksan ko kaya matapos niyang sabihin ang tunay na sakit at mga pinagdaanan nitong hirap ay tumigil na ako sa pagtatanong.
"I'm sorry to hear that."
"It's fine. Matagal na 'yon." aniya kahit na bakas pa rin sa kanyang mga mata ang lungkot.
Now I feel like I'm responsible for his sadness kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto sa tabi niya. Kahit na kasi hindi ko naranasan ang mawalan ng kapatid, naranasan ko naman ang mawalan ng mga magulang kaya alam kong parehas lang ang sakit no'n sa kabila ng pagkakaiba ng sitwasyon.
Kahit na nagsusumigaw ang utak kong mali ang sunod na gagawin ko ay nagawa kong iangat ang aking kamay para hawakan ang kanyang balikat.
"It sucks to lose someone you love but look at you, you are fine... We are fine." makahulugan kong sabi.
Ramdam ko ang pagdagundong ng puso ko ng hawakan niya ang kamay ko't tanggalin sa kanyang balikat pero imbes na bitiwan iyon ay ipinagsalikop niya ang mga kamay namin.
"We are fine..." he murmured softly.
Napipipi't nabibingi ako sa lakas ng pagwawala ng puso ko habang pinapanuod ko siyang pinapanuod ang magkadaop naming mga kamay.
Sa pagbaling niya sa akin ay parang may nagsitakbuhan na sa loob ng aking sikmura. Ang kanyang mapupungay na mata ay nakatuon na ngayon sa akin... Ang mga matang parang isang board exam sa dami ng mga mahihirap na tanong na gustong ibigay sa akin para sagutin ko pero nananatiling tikom naman ang bibig niya. Dumaloy ang init sa aking puso ng marahan niyang pisilin ang aking kamay.
"Happy birthday, Valerie," madamdamin niyang sambit. "Sana kahit ako lang ang kasama mo at pizza lang at beer ang handa natin ngayon ay masaya ka. I want you to be happy and I promise that I'll make it up to you next year..." nakagat ko ang aking pang-ibabang labi ng bumaba na doon ang kanyang mga mata. "At sa mga susunod pang taon nang kaarawan mo. Because you deserve to be spoiled..." aniya at gumalaw na para lumapit sa akin. "You deserve to be loved," he said while lowering his face and before he could reach my lips, I heard him whispered. "You deserve everything..."
Ramdam ko ang pag-aalburoto ng aking pagkatao pagkatapos lumapat ng mga labi ni Jaycint sa akin. The way he's kissing me passionately right now and my tongue entwining with his is different. Walang pagmamadali at parang may malalim na kahulugan. Naguguluhan man ay hindi ko siya pinigilan. Though I want to question everything that he said, hindi ko naman maputol ang halik na ito.
We kissed so many times already pero ang paraan ng paghalik niya ngayon ay ibang iba. Parang sa lahat ng lalaking nakahalik sa akin ay ito na ang pinaka-gusto ko sa lahat. The way he touches my nape sent shivers down my spine. Sa bawat haplos niya ay walang tigil ang pagsisitayuan ng mga balahibo ko sa katawan.
And his kiss... Oh God I love the way he's kissing me right now to the point that I wish I met him a little earlier. I wish that he's my first kiss. My first love. My first in everything...
Sa bawat paggalaw niya't paghaplos sa aking katawan ay idinasal kong sana nauna siya sa lahat o sana siya nalang para hindi ganito kahirap ang sitwasyon namin ngayon. Sana nagmamahal pa ako at patuloy pa akong magmamahal. Kung sana nauna siya sa mga bukas na dumating sa buhay ko. Kung sana siya nalang...
Maagap ang naging pagsuporta ng kanyang mga kamay payakap sa aking katawan at pagkatapos ay maingat akong inihilig sa arm rest ng couch kahit na hindi pa rin pinuputol ang paghalik sa akin.
Ikinawit ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg. I ever run my fingers through his hair. Kahit na nakahiga na ako ng maayos at nakapatong naman siya sa aking ibabaw ay hindi niya tinigilan ang paghalik sa aking labi. I don't know why he's not rushing to fuck me but I didn't complain. I like the way he's making me feel right now. Parang isa ako sa pinaka-importanteng tao ngayon sa mundo na gusto niyang ingatan... And I've never felt this way before, never.
Habol ko ang aking paghinga ng bahagya niyang tinapos ang paghahalikan namin. Namumula ng kanyang mukha, tenga at maging ang labing ilang minutong lumunod sa lahat ng katinuan at mga barikada ng aking pagkatao.
Jaycint's eyes were dreamy. Kahit na nakatitig iyon sa labi ko ay kitang kita ko ang nag-uumalpas na emosyong hindi madaling ipaliwanag.
He didn't move or even speak. Wala naman akong lakas ng loob na halikan siya dahil parang napakalalim ng kanyang iniisip. I'm waiting for him to look at me and kiss me again so we could have sex pero imbes na iyon ang gawin para magparaos na sa katawan ko ay dahan-dahang umangat ang kanyang mga mata para tumitig lang sa akin.
Our eyes locked and in that moment... Habang tinititigan ang mga matang maraming gustong ipahayag, I feel like I'm giving him something that I held on to for so long, a piece of me... Ang totoong ako na kahit kailan ay hindi ko na nagawang ibigay o maski ipakita sa ibang lalaki.
"Jay-"
Mabilis ang naging pag-iling niya at paglagay ng hintuturo sa gitna ng aking mga labi kaya tuluyan na akong hindi nakapagsalita.
"Don't say anything, Valerie. Please don't, baby..."
Tuluyan na akong tinakasan ng aking boses at hindi na nakapagsalita. Kahit na tumabi siya sa akin at buhol-buhol na ang mga boses sa utak ko lalo na ng yakapin niya ako't dalhin sa kanyang katawan ay wala akong ginawa. Sinunod ko siya. Sinunod ko ang lahat ng sinabi niya kahit na sa bawat haplos ng kanyang mga kamay sa aking buhok ay parang gusto ko nang maiyak.
I don't know what he's doing. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ngunit imbes na magreklamo ay hinayaan ko ang sarili kong malunod sa mga haplos niya. Mabingi sa lakas ng pintig ng kanyang puso at mapanatag sa kanyang mga yakap... At dahil dito, hindi pa man niya nagagawa ang sinasabi niyang pagbawi sa mga susunod kong birthday ay sigurado na akong itong kaarawan kong ito na ang pinaka-paborito ko sa lahat. He's also my favorite person today at sana sa mga susunod ring bukas.
Pinagluto ko si Jaycint ng breakfast ng magising ako. Hindi man plano ay dito siya nagpalipas ng gabi at hindi man madaling paniwalaan pero kahit na magkatabi kami ng ilang oras sa kama ay walang nangyari sa aming dalawa.
"Smells good!" napatalon ako ng marinig ang boses na 'yon kasabay ng paglaglag rin ang hawak kong takip ng kawali.
"G-Gising ka na pala!" natataranta ko iyong pinulot at tumayo ulit ng tuwid sa harap niya.
Lumawak ang ngisi niya ng makita ang pagkataranta ko. Lumapit siya sa lamesa at naupo pagkatapos ay ipinagsalikop ang mga kamay at ipinatong ang baba rito bago tumuon sa akin.
"Sorry, I didn't mean to startle you. What are you cooking?"
Nahihiya kong binalingan ang kawali. Parang gusto kong manlumo habang pinagmamasdan ang itlog na piniprito ko at ang hotdog na dadalawang piraso nalang.
"I-Itlog lang," Inilagay ko sa lababo ang takip bago siya balingan ulit. "Sorry, ito nalang kasi ang laman ng ref ko. 'Yung pizza naman nainit ko na rin," inginuso ko ang platong may takip sa harap niya. "Kung may gusto kang iba bibili nalang ako. Gusto mo bang corned beef? Ham? Longanisa? Bacon-"
"It's okay. Makita lang kitang ipinagluluto ako, ayos na sa'kin." ngayo'y nakangisi na niyang sabi.
Hindi ko ipinakitang apektado ako kahit na ang totoo ay parang gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa kada salita ni Jaycint ay may nagwawala talagang parte sa akin. I hate it!
"Pritong itlog at hotdog lang 'to tsaka 'wag kang masyadong mag-expect, hindi rin naman ako magaling magluto."
"It's the thought that counts."
Inahon ko sa kawali ang tatlong sunny side-up na itlog at ang dalawang hotdog bago patayin ang kalan. Inayos ko pa iyon sa plato para hindi naman mukhang nakakahiya sa kanya bago ilapag sa lamesa. Binuksan ko ang mga pagkaing tinakpan ko kanina, ang pizza at ang sinangag na kanin.
"Kain ka na," binalewala ko nalang ang mga komento niya dahil baka mamula na ako't magmukhang kamatis ngayon!
"Gusto mo ba ng kape?"
He nodded. Gumawa ako ng dalawa para sa amin.
"May trabaho ka ba ngayon?" tanong ko habang nagsisimula ng kumain gaya niya.
"Yeah. Why?"
"Wala naman tinatanong ko lang. Eh si Ramiel?"
"Meron but I think he'll go here to check the school later."
Tipid ko siyang nginitian.
"Ikaw? May pasok ka?"
"Oo. Kahapon lang naman wala."
"Same time?"
I nodded.
"Good. Is that your permanent schedule?
"Hindi. Depende pa rin. Bakit?"
Bumagal ang nguya niya at tinitigan ako. "You know how I hate your old schedule. Can you just take that new shift forever? It's safer for you."
Gusto kong kontrahin na naman siya gaya ng palagi kong pangongontra sa kanya pero sa hindi ko malamang dahilan ay tumango nalang ako.
"I'll try pero hindi naman pwedeng ganito palagi. Kapag may nakipagpalit at kailangan naman nila wala akong magagawa. It's give and take."
He sighed at that.
"Bakit? Anong meron? Okay naman ang schedule ko tsaka sabi ko sa'yo nag-iingat naman ako." nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa mga huling salita kong dapat ay hindi ko na sinabi pa. Not that I assume na nag-aalala siya o ano pero wala kasing point. I hate what Jaycint is doing to me. Nakakatanga!
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin siyang uuwi na. Hindi man niya sinabi kung kailan kami ulit magkikita pero hindi na rin ako nagtanong. Para rin naman kasi siyang kabute na susulpot nalang bigla lalo na kapag hindi mo inaasahan.
"J-Jaycint." pigil ko sa kanya kaya naudlot siya sa pagpasok sa kanyang sasakyan.
Ibinalik niya ang atensiyon sa akin. "Hmm?"
"Thank you kagabi tsaka sa mga regalo at pizza."
The side of his lips curved at that. Humilig siya sa kanyang sasakyan bago ako gantihan ng titig na mas may intensidad.
"De nada," he said while smiling. Napangiti na rin ako pero bago pa magtanong kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya sa salitang espanyol ay muli na siyang nagsalita.
"You're welcome, baby." aniya pagkatapos ay kinindatan pa ako bago tuluyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Booklat account : Ceng Crdva
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro